By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
Welcome! This is the 1st entry of GM's Diary.
Salamat sa lahat ng taong nakidamay sa sakit na naranasan ko 2 araw ang nakaraan. Salamat sa supporta at pagpapakita ng Concern. Lalong lalo na si Inay Rovi at Tito Dhenxo. Pagpasensyahan niyo na kung nagdadrama ako ngayon ha?? Kagaya nga ng sabi ko dito sa story, hindi ko ineexpect na ganito... Akala ko ayun na.
Anyway, sana po ay magustuhan ninyo ang short story ko. At kay.. PJ, lagi mong tatandaan, kahit anong mangyari, makahanap man ako ng bago (KUNG MAKAHANAP NGA...). You'll always be special to me. Tandaan mo, MAHAL NA MAHAL KITA.. T_T
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
Welcome! This is the 1st entry of GM's Diary.
Salamat sa lahat ng taong nakidamay sa sakit na naranasan ko 2 araw ang nakaraan. Salamat sa supporta at pagpapakita ng Concern. Lalong lalo na si Inay Rovi at Tito Dhenxo. Pagpasensyahan niyo na kung nagdadrama ako ngayon ha?? Kagaya nga ng sabi ko dito sa story, hindi ko ineexpect na ganito... Akala ko ayun na.
Anyway, sana po ay magustuhan ninyo ang short story ko. At kay.. PJ, lagi mong tatandaan, kahit anong mangyari, makahanap man ako ng bago (KUNG MAKAHANAP NGA...). You'll always be special to me. Tandaan mo, MAHAL NA MAHAL KITA.. T_T
------------------------------------------------------------------
Regine Velasquez -kailangan Ko`y Ikaw
Mp3-Codes.com
Isang mahangin at maulang araw. Nakaupo ako sa bandang likuran ng bus kung saan wala masyadong tao. I need a silent place, a place to think.
“Mahal din kita, sa paraang alam ko GM.” ang text niya kagabi.
“Sana mali ang hinala ko. Hindi ko kaya.” ang malungkot kong sabi sa sarili ko.
Tears fell down from my eyes. Tears of fear, fear of losing him.
“All will be fine. Ok?” I told myself.
Kasabay ng biyahe ko patungong SM North ay siya ding paglakas ng hangin at ulan sa labas.
“Sana kabaligtaran ang pinapahiwatig ng panahon.” ang sabi ko ulit sa sarili ko.
Around 5:30 in the afternoon, I arrived at SM North, food court. Umupo ako malapit sa Restroom at ATM Machines, tapat ng ‘Mypao’. Hinintay ang takdang oras ng aming pagkikita.
Sa bawat pagpatak ng oras, lalong tumitindi ang tensyong nadarama ko. Hindi ako mapakali, nagugutom ako pero wala akong ganang kumain. All I want is to see him, and know the truth.
“Bakit kaya ang cold ng texts niya kaninang umaga?” ang tanong ko ulit sa sarili ko.
“At bakit ganoon din yung text niya kagabi?” ang tanong ko ulit.
“Alam ko sa sarili ko na mahal niya ako, alam ko yun at ramdam ko. Pero may mali ehh. May hindi tama sa mga text niya since kagabi.”
While waiting I decided to read his previous text messages to me. Bigla akong napangiti. I remember those times na magkasama kami; nanood ng sine, nagkaraoke kami kahit hindi daw siya kumakanta, tinour niya ako sa quiapo at china town, yung birthday ni Inay FR sa EK, at marami pang napakagandang ala-ala.
Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Inay FR kanina.
“Be Ready...”
Tama siya, I should be ready. Pero ewan ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari at sa nasesense ko.
Before 8 in the evening, I saw a guy with a blue polo, walking towards my seat. He smiled.
“Hi.” I said.
Muli ay ngumiti lang siya. Ngiti na lagi kong nakikita sa kanya.
“Kain na tayo.” Aya niya.
“Ikaw ha, pinapakaba mo ako sa mga text mo.” Ang sabi ko dito.
Pansin ko ang biglang pagseryoso ng mata niya.
“Kain tayo then tsaka tayo mag-usap.” Ang sabi niya.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero... Parang tama ang kutob ko.
“Mag-usap na tayo.” giit ko.
“Sure ka?”
Tumango lang ako.
Yumuko siya, huminga ng malalim na para bang humuhugot ng lakas at tumingin ng diretso sa lamesa.
When I looked at his hands, nakita kong hindi niya suot ang singsing namin. Kinabahan na ako.
“Una sa lahat... Gusto kong magpasalamat...” ang paumpisa niya.
“Ok this is it...” ang sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya, ramdam ko ang bilis ng tibok sa puso ko.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Salamat dahil naging mabuti kang Boyfriend. GM, wala akong mapipintas sa iyo. Wala akong masasabing hindi maganda sa iyo, wala kang pagkukulang...”
“Now I know where this is going.” ang sabi ko ulit sa sarili ko na nag-uumpisa ng maluha...”
“Kaya lang kasi...” ang sabi niya na hindi mapakali.
“Hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na naibibigay mo sa akin... Hindi ko kayang ibigay yung buong buo ehh.” ang sabi niya.
“Alam mo, hindi mo naman kailangang tapatan yung pagmamahal ko ehh... Hindi ko hinihinging tapatan mo.” Ang sabi ko kasabay ang pagtulo ng luha ko.
Umiling siya, hawak pa rin ang kamay ko.
“Kasi... Hindi na kagaya ng dati yung nararamdaman ko para sa iyo eh.” ang sabi niya.
Nanlumo ako sa aking nadinig, parang nagdilim ang buong paligid ko. Nabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, lalong ding tumindi ang takot na kanina ko pa nararamdaman. Takot na iwan niya ako.
“GM, sana wag mong sisihin ang sarili mo... Wala kang kasalanan... Wala kang pagkukulang... Walang mali sa iyo...” ang sabi niya.
“Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin ang desisyon na ito... Kung alam mo lang... Kasi ikaw lang yung taong nagmahal sa akin ng buo, hindi mo ako ginago tapos ganito...” ang malungkot niyang sabi.
Ang sakit-sakit, hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ang sakit na nadarama ko ng oras na iyon kasi walang kasing sakit.
“Ilang araw pagkatapos ng Birthday niyo ng Tito DL mo... Nabasag yung singsing ko, I mean nagkaroon ng crack...”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko doon, maaaring ang pagkabasag ng singsing ay siya ding pagkabasag ng pagmamahal niya para sa akin. Natanong ko bigla sa sarili ko; Hindi ba kung mahal mo ang tao ay kahit anong mangyari mahal mo pa rin ito?
“Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong pilit kong hanapin ang nararamdaman ko sa iyo ay hindi ko mahanap, hindi ko maramdaman. Kaya noong weekend talagang pinag-isipan ko ito.” Ang sabi niya.
Hindi ako makakibo, patuloy lang ang pagdaloy ng luha ko.
“GM, hindi kita masisisi kung magagalit ka sa akin, kung lalayo ka, o kung itatapon mo yang singsing. Ok lang na magalit ka sa akin basta wag ka lang magalit sa sarili mo.”
“ALam ko GM, kakayanin mo ito... Alam ko matatag ka, alam kong hindi ka kagaya ng sinasabi ng mga magulang mo o ng mga kaklase mo dahil alam kong matatag ka.” Ang sabi pa niya sabay punas sa luha ko.
“PJ, hindi ako galit...” ang sabi ko sabay angat ng kanang kamay kong naka promise sign.
“At kahit anong mangyari, hindi ko aalisin sa daliri ko ang singsing na ito. Hindi ko ito tatanggalin hangga’t may pagmamahal pa ako para sa iyo, na... hangga’t suot ko ito, aasa pa rin akong babalik ka.”
“Alam ko ang pakiramdam ng umasa... Masakit iyon at ayaw kong gawin mo iyon. Naranasan ko na dati iyon at sobrang sakit.” ang sabi niya pansin ko sa mga mata niya ang pagpula ng gilid nito. Alam kong nasasaktan at naiiyak siya. Pinipigilan lang niya dahil gusto niyang magpakatatag ako.
“Basta... Hangga’t meron pa... Suot-suot ko pa rin ito... H-hindi ko tatanggalin” ang sabi ko bakas sa boses ang hirap at paghikbi.
“Yung singsing ko, hindi ko tinapon. Tinago ko. Magsisilbing ala-ala iyon na Minsan sa buhay ko merong nagmahal sa akin ng buong-buo na hindi ako ginago.”
Sa pagkakataong ito hindi ko na kinaya, yumuko ako’t inihilig ang ulo sa kamay naming dalawa na nasa may lamesa. Ilinabas ko ang lahat ng sama ng loob ko ngunit kahit anong iyak ko ay tila walang katapusang sakit ang nararamdaman ko. Nabalot kami ng katahimikan, ilang sandali pa ay...
“Sana... Wag kang lalayo sa mga kaibigan natin ha... Kung lalayo ka, ako na lang ang lalayo..”
“Hindi!! Hindi ako lalayo...” ang sabi ko sabay angat ng ulo at tingin sa kanya.
Tumango lang siya.
“Ikaw... Wag kang lalayo ha...” ang sabi ko halata sa boses ko ang pag-crack nito.
“Oo hindi... hindi ako lalayo.” Sabay punas sa luha ko.
Ilang sandali pa ay napagdesisyunan naming lumabas ng Mall. Hindi na din kami kumain gawa ng nawalan na ako ng gana.
Tahimik kaming naglakad patungong sakayan ng bus, sa gitna n gaming paglalakad ay bigla niya akong inakbayan, akbay na parang dati kapag naglalakad kami.
Pagtapat sa sakayan ng bus ay bigla niya akong yinakap. Sobrang higpit ng kanyang yakap. Kung maaari lang sana'y hindi na matapos ang sandaling iyon.
“Sige na... Sakay na ako...” ang sabi ko.
“Sandali...” ang sabi niya sabay abot ng Napoleones that we both love.
“Kainin mo yan pauwi ha, hindi ka nagdinner eh.”
Ngumiti lang ako.
Before I say goodbye, iniangat ko ang labi ko. As a sign na gusto ko ng kiss... One last kiss before that night end.
He gave me that kiss. A one second kiss that's very meaningful because I know, it might be the last kiss that he can give to me.
After that, tumalikod ako and tears fell down from my eyes.
Sa kalagitnaan ng byahe ay nagtext siya.
“Salamat... Ingat ka.”
Napangiti ako. Kasabay ng pagngiti ko ay muling pagtulo ng luha ko. Kinuha ko ang Napoleones na binigay nya at inumpisahang kainin ito. Unti-unti kong kinain ito, ninamnam ang bawat kagat.
Naisip ko, ang relasyon namin ay parang Napoleones, masarap , matamis, heaven ang lasa ika nga. Pero kagaya ng ibang pagkain ay nauubos din ito, natatapos din kung baga. Ganoon din ang relasyon na meron kami.
Nakakalungkot lang isipin na akala ko siya na dahil alam kong hindi ako gagaguhin ng taong ito, alam kong hindi siya mangangaliwa. Iyon pala, all of a sudden he fell out of love.
Muli ay naalala ko ang mga panahong magksama kami, Masaya, walang problema, at mahal na mahal niya ako. Naalala ko din the last time na nagkita kami before this. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling beses na magkikita kami na mahal niya ako ay linubos ko na sana. Kung alam ko lang na iyon na ang huling yakap, halik, at pagsabi niya ng ‘I Love You’ ay linubos ko na sana... Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit.
Alam kong magkaibigan pa rin kami.. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mamahalin, kung gaano katagal bago ako maka-move on... I don’t know but what I feel now is that... It might take forever... At kagaya ng sabi ko sa kanya, hangga’t suot ko ang singsing sa daliri ko ay patuloy ko siyang mamahalin, aasa na isang araw ay muli niya akong mahalin.
(Next GM’s Diary Entry, Valentine)
Aw gab.. kaya mo yan.. magpakatatag kalang malalampasin mo rin yan.. wag kalang masyadong emo sure ako hindi matutuwa si someone nyan.. :D keep safe.. Zekiee
ReplyDeleteMay mabigat palang dinadala si Sir White_Pal. Pero kahit ganun ay sinubukan pa rin niyang mag-update ng story niya.
ReplyDeleteSana po wag na kayong malungkot. You deserve to be happy, everyone does. Eto na lang po ang masasabi ko, wag po kayong umasa na babalik siya. Hayaan na lang natin ang kapalaran ang humusga. Kung kayo edi kayo po, kung hindi edi move on. Kasi ako po ako naniniwala sa "meant to be". Yun bang kahit magkahiwalay kayo, kung kayo talaga sa huli edi kayo.
Wag na po kayo malungkot. Lahat po yan ay may dahilan. The good thing is sabi niyo nga po, magkaibigan pa din kayong dalawa.
- DarkShade, your avid reader.
Gab pagaling ka :(
ReplyDeleteNaubos kalahating rolyo ng tissue dito. Naiyak ako grabe. Bakit kasi mapaglaro ang tadhana sa tao? Base sa authors note sa umpisa, mukhang totoong nangyari ang nasa kwento. Gab or GM doesn't deserve that! Nalulungkot naman ako para sa kanya.
ReplyDeleteI pray na sana maging ok po kay sir Gab.
Hi White_pal! Sana bigyan ka pa ng lakas upang ma-overcome kung ano man ang naranasang hirap mo ngayon.
ReplyDeleteJust keep on, white_pal. Kagaya ng mga kuwento natin, hindi exciting ang buhay kapag walang mga pagsubok; hindi natin naaapreciate ang sarap na mabuhay kapag hindi natin na-overcome ang sakit na dulot ng pagkakataon. Ingat lage... I know you will emerge stronger and wiser after this.
T_T Ang sakit naman ng storyang ito.
ReplyDeleteLove can make us happy, we know it's the most beautiful thing that we can receive from one person. But Love can also be painful. So much pain just like what GM felt in the story.
Basang-basa damit ko dito. Wala kasing tissue ehh kaya sa damit na lang. Hehe. I hope maging ok ang lahat.
Salamat sa lahat ng taong dumamay sa akin. Sa mga nag-chat para maging ok ako, salamat din. Salamat din sa mga taong nag-comment dito sa MSOB at sa blog ko. It helps really. ^_^
ReplyDeleteMuli ay maraming salamat sa lahat!
ang sakit naman nun. dami kong iyak dito. T_T
ReplyDeleteGab, you can do it! Fight fight fight!
ReplyDeleteaw...di ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon pero alam ko masakit ito. Wag ka mawalan ng pag-asang maaayos ang lahat at makayanan ang mga dinadala mo ngayon...alam kong mahirap magmove-on pero kaya mo yan...You deserve happiness!!!
ReplyDeleteLIFE MUST GO ON MY FREND. . . IT WILL MAKE YOU A BETTER PERSON PAG NALAMPASAN MUNA YAN. GOODLUCK AND TAKE CARE LAGE.
ReplyDeletesad naman nyan, pero ok lang yan ganun naman talaga ang life ng isang tao may masaya may malungkot..the best thing you can do is moveon at pakawalan mo na cya, even you wear that ring na umaasa ka pa na bumalik cya sayo tanggapin nalang na di na pwede ibalik ang nabasag na baso ganun ang life natin.. anyone can help me to post my Story here? mag share din ako about my lovelife.. thanx
ReplyDeleteHi Bebe Gab! Sana ok ka lang. Alam ko mahirap ang nangyari sa iyo. Masakit oo but gaya ng sinabi nila dito sa comments, you have to move on. Pero Agree din ako kay DarkShade na kung kayo ang nakatadhana para sa isa't-isa, edi kayo pa rin sa huli. Wag na po kayo malungkot. Kaya niyo yan! Kung si Steph nga hindi umubra sa iyo eh. Hehehehe. Smile na po! :D
ReplyDelete@Anonymous, November 18, 2011. 6:07pm
ReplyDeleteBuo po yung singsing ko, kay PJ yung nagkaroon ng crack, so pupwede ko pa ring suotin yun. ^_^
I made a promise to him at sa sarili kong hindi ko tatanggalin ito whatever happens. :)
Ngapala, you can talk to kuya mike regarding po sa story contribution. Eto po yung FB niya: https://www.facebook.com/mikejuha
:)
kaya mo yan!
ReplyDeletekaiiyak ko lang din kagabi. tapos maiiyak ako dito pero i love the story. di talaga palaging happy ending. sakit :(
ReplyDelete