WARNING: This post contains scenes which are not suitable for readers under 18.
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:
Sana po bumoto na ang hindi pa nakaboto. Hindi na po umuusad ang ating boto… (sad)
1) Dito po kayo bumoto: http://www.pinoyblogawards.com/2011/04/heroes-homecoming-towards-change.html. Paki-click lamang po ang link. Hanapin sa right side ng page ang entry # 24 (Michel’s Shades Of Blue) at i-click ang box na katabi nito. I-click muli ang “Submit Vote”. Kapag nakaboto na kayo, paki-email sa akin kung pang-ilang boto kayo upang ma counter-check ko sa Poll ng PEBA. Ito po ang email address ko: getmybox@hotmail.com
2) Paki-like po ang fb page ng PEBA: http://www.facebook.com/#!/PEBAWARDS at pagkatapos, paki-like ang photo ko doon: http://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=3&theater. Maaaring magcomment na rin po dito dahil kasama p ito sa boto.
3) Ito po ang entry ko: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html at inimbitahan ko rin po kayong mag comment.
Sana po ay mabigyan ninyo ako ng kasayahan sa pamamagitan ng inyong pagboto!
Gusto ko rin pong i-annunce na may project po ang MSOB, tinatawag naming “Project: MSOB Anthology”. Ito po ay ang pagpapublish ng libro ng mga kuwentong hindi pa ninyo nababasa galing sa piling 10 writers ng MSOB. Target po nating mailabas ito sa market ngayong April, 2011. Sana po ay suportahan din ninyo.
-Mikejuha-
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
---------------------------------------------
Gulat na gulat talaga ako sa biglang pagsulpot ni Dante. At ang sunod na namalayan ko ay ang pagsugod niya kay Dencio at pinaulanan ng suntok ang huli.
Mabilis namang nakailag si Dencio sa mga suntok ni Dante maliban sa isa na deretsong tumama sa kanyang mukha. Putok ang labi ni Dencio at kitang-kita ko ang dugong umagos galing sa kanyang sugat.
“Tama na! Tama na!!!!” sigaw ko habang nagpagitna sa kanila.
Ngunit itinulak ako ni Dante. At sa lakas ng kanyang pagtulak, sumemplang ako sa damuhan. ‘Huwag kang makialam dito!” sigaw ni Dante sa akin.
Napatingin sa akin si Dencio. At noong nakita niya akong nakabalandra sa damuhan, pinaulanan na rin niya ng suntok si Dante.
At dahil di hamak na mas malaki, matangkad at mas malakas si Dencio, nabugbog ng todo si Dante at napaupo na lang din sa damuhan, ang bibig ay dumugo na rin.
“Tangina mo! Ano bang ginawa ko sa iyo! Tarantado!” sigaw ni Dencio.
“Ikaw ang tarantado! Bakit tinalo mo ang utol ko?! Bakla ka ba? Ha?!”
“Aba’t ang tanginang to…” ang sagot ni Danteng halatang lalong nag-iinit. “Gusto pa atang magpabugbog ampota!” sabay kwelyo niya sa tila lupaypay na si Dante at pinatayo ito upang bigyan na naman sana ng right hand jab ang mukha. “Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo ha?! Wala akong ginawang masama sa utol mo!” at pakawalan na naman sana niya ang isang malakas na kanang suntok.
Bigla akong pumagitna. “Tama na Dencio please… tama na!” ang pagmamakaawa ko. “Huwag mo nang saktan ang kuya ko.”
At binitiwan ni Dencio si Dante. “Pasalamat ka sa utol mo! Tangina ka! Ansama ng ugali mo!” sabay talikod at nagmamadaling umalis.
Awang-awa ako kay Dante sa kanyang kalagayan. Noong tiningnan ko ang paligid, napalibutan na pala kami ng mga echusero at echuserang parang mga kabuteng karamihan ay magpartner at nagdate sa grandstand.
Hindi ko na sila pinansin. Hinubad ko ang aking t-shirt atsaka ipinunas ito sa nagdurugo niyang bibig. “Ikaw kasi kuya e… alam mo naman na malaki iyong tao, inaway mo.” Ang paninisi ko.
Na siya naman niyang ikinagallit. “Bakit ano mo ba iyon? Bakit ka kumakampi sa kanya? At bakit ko kayo nakitang naghahalikan! At ang lalakas pa ng mga ungol nyo?”
“Eh…” ang naisagot ko na lang.
“Umalis ka nga d’yan! Tanginaaaaaaaaaaaa!!!!” ang sigaw niya sa galit habang tumalikod.
At siya naman pagsulpot ni Shiela na hindi ko mawari kung saan nagtago noong nagsuntukan ang dalawa.
Lumapit si Shiela kay Dante at inalalayan ang huli habang naglakad silang palayo.
Naiwan akong parang tulala, hindi makapaniwala sa nangyari at sa galit niya a akin. Mistula akong isang basing sisiw na naiwan sa grand stand, tulalang nakatutok ang paningin sa kanila. Syempre, nasaktan ako. Ginawa ko lang naman ang pagsama kay Dante at pagpatol sa kanya dahil sa selos at galit ko sa kanila ni Shiela. At hayun, nagbackfire ata sa akin ang lahat. Feeling ko hindi ako nagtagumpay sa hangaring saktan siya sa pamamagitan ni Dencio. At hindi lang siya nagalit, parang hindi yata nagkatotoo ang sinabi niyang hiwalayan niya si Shiela.
Ang sakit. Parang dinurog ang aking puso sa nakita na kay Shiela pa siya lumapit imbes na sa akin.
Kinagabihan, wala na naman kaming imikan. Simula sa pagdating ko ng bahay, sa hapagkainan, hanggang sa pagtabi namin sa pagtulog, pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako.
At ganoon din siya. Hindi ako kinikibo. Hindi kami nagkikibuan.
Alam ko, masakit pa ang katawan niya dahil sa pagkabugbog sa kanya ni Dencio. Gusto ko siyang tulungan. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang sakit na naramdaman sa nakita sa kanila ni Shiela.
Humiga na lang akong nakatagilid patalikod sa kanya upang hindi ko siya nakikita, nagkunyaring wala akong nariring na katabi, walang naramdaman.
Naidlip na ako noong naramdama ko ang kamay niyang idinantay sa ibabaw ng aking beywang. “T-tol… sorry. Nasaktan kita kanina…”
Hindi ako kumibo bagamat hinayaan ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking beywang.
“Sagutin mo naman ako tol o…” ang boses ay nagmamakaawa.
“Ano ba! Matutulog na ako!” bulyaw ko.
“Sige… kapag hindi mo ako pinansin, sa kusina ako matutulog.”
Iyong kusina namin ay walang flooring. Lupa mismo ang aming tapakan. Hindi ko alam kung paano siya matutulog doon pero, nagmatigas pa rin ako. “E di… doon ka matulog!” ang mataray ko ring sagot.
Pagkasabi ng pagkasabi ko, dahan-dahan at walang imik siyang tumayo at tinumbok ang pintuan, dala-dala ang kanyang unan. At dahil iisa lang ang kumot namin, hindi niya magawang kunin sa akin ang kumot ko. Wala siyang kumot.
Ngunit dalawang oras na ang lumipas at hindi na rin ako dinalaw ng antok. Syempre, naisip ko ang kalagayan niya. At hindi ko maitatwang naawa din ako sa kung ano man ang tinutulugan niya sa kusina. At least, sa kuwarto namin, may kumot kaming dalawa, at may katol na panakot at pamatay sa mga lamok. Ngunit siya sa kusina… wala.
Dahan-dahan akong bumalikwas sa pagkahiga at tinumbok ang kusina. At doon, nakita ko siyang nakahiga sa ibabaw ng kainang mesang kawayan, nakatagilid at ang ginawang kumot ay ang lumang mga newspapers. Alam ko, maraming lamok na ang nagpipiyesta sa kanyang dugo dahil naririnig ko pa ang ingay ng paghahampas ng kamay niya sa kanyang sariling balat.
“K-kuya…” ang mahina kong pagtawag. “P-punta na tayo sa kuwarto. Doon tayo matulog.”
Tumagilid siyang paharap sa akin. “H-hindi ka na galit sa akin Tol?”
“Galit pa rin…” ang biro ko. Syempre, may katotohanan din ang birong iyon. Masakit pa kaya ang nakita ko sa kanila ni Shiela. Kaso, nanaig lang ang awa ko sa kanya.
“Eh… dito na lang ako kung galit ka pa.”
“Kuya naman eh!” ang pgdadabog ko. “Sige tatabihan na kita dito”
Akman pupuwesto na sana ako sa tabi niya noong siya naman itong bumalikwas. “Sige… sige, babalik na ako doon. Tara…”
At hayun, balik na naman kami sa kuwarto. Hindi na kami nakatulog sa halos buong magdamag na iyon. Sinusuyo na lang niya ako at tinatanong ang tungkol sa amin ni Dencio.
“Huwag ka nang magalit sa akin tol… Ako nga ang dapat magalit sa iyon eh.”
“Bakit hindi ako magagalit. Sabi mo, hihiwalayan mo na si Shiela tapos nagdate pa pala kayo? At kanina, sa kanya ka pa sumama?”
“Sorry na… nainis lang ako sa iyon kanina.”
“Pero hindi mo talaga hiniwalayan si Shiela… At nag date pa kayo.”
“Hindi ah. Doon ko siya dinala dahil gusto kong makipag-usap sa kanya ng walang istorbo at doon ko na rin siya hihiwalayan. Eh… hindi ko na nagawa dahil sa nangyari.”
“Hmpt! Maniwala ako sa iyo… Bakit nagtatawanan pa kayo. Bakit ang saya-saya pa ninyong tingnan? Para kayong naghaharutan?”
“Ito naman o… syempre, hindi mo naman sasabihin agad-agad. Napatawa lang kami dahil iyong dumi ng aso sa ibabaw ng upuan ay akala ko alkitran lang at tinanggaal ko sa kamay. At noong matanggal iyon ay ang baho. Kaya kami natawa. Ano ang masama doon?”
Natahimik naman ako.
“Kayo nga ni Dencio, kitang-kita kong naghahalikan kayo at ang lalakas pa ng mga ungol. Sinong hindi magagalit niyan?”
“Bakit ka ba nagagalit sa amin?”
“Dahil ayaw kong maging bakla ka. Ayokong magkakaboyfriend ka. Girlfriend papayag ako pero boyfriend… yuckkkkkk!”
“May pa yuck-yuck ka pa d’yan.”
“Bakit. Yuck naman talaga ah! Lalo na si Dencio! Andaming mga baklang nabiktima na niyan!”
“Bakit alam mo?”
“Kasi po… sikat sa campus naman iyang si Dencio na tirador ng mga bakla. Lalo na kapag may pera. Kahit naman dito sa lugar natin, sa mga parlor, lahat ng bakla dyan ay nakatikim na sa katawan niya. Palibhasa, balbon, maraming naaakit. Di ka ba natatakot na magkasakit? Baka may AIDS na yan?”
Napaisip naman ako. Prang hindi kasi ako naniniwalang ganyan si Dencio. Ang sweet-sweet kaya niya sa akin. At kapag nag-uusap kami, parang sincere kaya siya sa kanyang mga sinasabi. “Hindi ako naniniwala. Siniraan mo lang siya dahil alam mong gusto niya ako” ang nasambit ko na lang.
“Sige, tingnan na lang natin. Isang araw, makikita mo ang pagka-hustler niyan.”
Tahimik.
“At heto ang tatandaan mo; kapag nakita ko uli kayong may ginagawa… papatayin ko talag ang taong iyan. Kaya kung ayaw mo akong magiging criminal, huwag mong patulan ang taong iyon.” Dugtong pa niya.
Ewan kung seryoso talaga siya sa kanyang sinabing papatayin niya si Dencio ngunit para sa akin, hindi ako naniniwalang kaya niyang gawin iyon. Wala sa isip kong magagawa niya ang kanyang sinabi.
Sa pagdaan pang ng mga araw, nanatiling sweet sa akin si Dencio at hindi ko siya talaga hiniwalayan kahit alam kong galit si Dante sa kanya. Kaya patago na lang ang aming diskarte. Paano, ang sarap kasi niyang magdala. Ansarap kausap. Sweet, thoughtful at higit sa lahat, sa kanya ko pa naranasan ang lahat ng kaligayahan… sa sex. Ansarap din kaya niyang magpaligaya.
Ewan… siguro ay sadyang na adik na ako sa kanya. Kahit sa gabi, may mga pagkakataong napanaginipan ko pa ang aming pagniniig. At kapag nangyari iyon, magising na lang ako niyan na nakahubad. Ang ipinagtataka ko lang ay kapag ganyang nanaginip ako sa aming pagyayarian, may mga pagkakataong sa paggising ko ay nakahubad din si Dante sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero iniisip ko na lang na baka nagkataon lang at bagamat maaari ding siya ang nakasex ko sa gabi habang nasa gitna ako ng panaginip, nasasarapan at kinikilig din naman ako. Ngunit hindi ko na binuksan ang issue na iyon sa kanya. Nakakahiya kaya.
Sa side naman ni Dante, in fairness, hiniwalayan na daw niya si Shiela. Iyan ang sabi niya. At marahil ay totoo nga dahil hindi ko na sila nakitang nagsama o nagsabay. Kaya bumalik na naman ang pagka-sweet namin ni Dante. At lalo tuloy akong na in-love sa kanya. Kasi palagi niya akong binabantayan, sinasamahan, binibilhan ng kung anu-ano kahit kapos sa pera. Kung tutuusin, sex na lang ang kulang namin at masasabing magsyota na talaga kami. Ngunit hindi naman nahahalata na may mas malalim pa sa amin. Kasi nga, mag-kuya ang alam ng mga tao sa amin.
At dahil dito, lalo akong nalilito sa aking kalagayan. Mahal na mahal ko si Dante ngunit ang lihim kong boyfriend ay si Dencio. Paano kasi, ang libog ko ay napu-fulfill ni Dencio bagamat ang hinahanap-hanap ng puso ko ay si Dante. Ang hirap…
“Nakita kong bigla kang nawala sa may kanto malapit sa bahay nina Dencio. Saan ka nagpunta? Pumasok ka ba sa bahay nina Dencio?” ang tanong ni Dante sa akin isang araw ng Sabado noong lihim akong nakipagtagpo kay Dencio sa bahay nila. Hindi ko akalaing napansin pala ako ni Dante.
“Eh…” ang naisagot ko habang naghahanap ng magandang alibi. “Ah… pinuntahan ko si Elmer kuya. Kasi, may itinatanong siya tungkol sa aming klase.” Ang bigla kong naisip a idahilan. Mabuti na lang at classmate ko din si Elmer na katabi lang ang bahay kina Dencio.
“G-ganoon ba? Nawala ka kasi bigla. At nagmamadali pa.”
“Kina Elmer ako nagpunta kuya...”
“Mabuti naman. Kasi, kapag nalaman kong kina Dencio ka pumunta, papasukin ko talaga ang bahay nila at doon ko siya papatayin kapag may nakita uli akong hindi magandang ginagawa ninyong dalawa.”
“Awwooohhh! Natakot naman ako!” ang sagot ko na lang sabay tawa, hindi sineryoso ang kanyang sinabi.
“Sige, tawa ka d’yan. Tingnan natin ang puwede kong gawin sa magaling mong boyfriend kung nagkataon.”
Iyon ang hindi ko malimutang pagbabanta niya.
Isang araw, walang pasok. Kagaya ng dati, lihim kong pinasok ang bahay ni Dencio. Kapag ganoong Sabado kasi, sa ganoong oras ng umaga, nasa kuwarto lang siya, hinihintay ang pagpuslit ko sa loob. Wala kasing tao sa bahay nila kapag ganoong araw at oras.
Noong makapasok na ako sa kwarto niya, binuksan niya ang pinto. Wala siyang suot na kung ano; halatang pinaghandaan talaga ang aking pagdating.
Grabe. Biglang nanginig ako sa nakita sa kanya. Parang hindi ko alam kung ano ang gagawin. At sino ba ang hindi maturete at mag-iinit ang katawan kapag nakita ninyo ang porma niyang ito –
Kaya kung gaano kabilis akong nakapasok sa loob ng bahay nila, ganoon din kabilis ang paghuhubad ko ng damit at sabay yakap sa kanya. Nagyakapan kami at naghalikan na parang sabik na sabik sa isa’t-isa, mistulang mga hayup na gutom na gutom sa pagkain.
Napuno ng aming mga ungol ang buong kuwarto, walang pakialam kung may makarining o may biglang pumasok. Naghalalikan at nagyayakapan na parang kami lang ang tao sa mundo.
Hanggang sa kagaya ng mga nakasanayan sa aming love-making, pinasok ni Dencio ang kanyang sandata sa aking butas. Sabay naming nilasap ang sarap ng pagpapasasa at pagpapaalpas ng init ng aming katawan habang inuulos niya ang aking likuran at hindi ko naman mapigilan ang hindi pakawalan ang malalakas na ungol.
Nasa gitna kami ng kasarapan, sa posisyong nakatuwad ako sa gilid ng kama habang si Dencio ay nasa aking likuran at ginawa ang doggie noong may biglang bumukas sa pinto.
Si Dante, at mistulang nagbabaga ang mga mata niya sa galit! At sa kanyang kanang kamay ay may hawak-hawak na patalim. “Sabi ko na nga ba! Sabi ko na nga ba! May ginagawa kayong milagro!!! Putang ina ninyoooo!!!” ang malakas niyang sigaw.
Sa pagkabigla ko, itinulak ko si Dencio na napatihaya naman sa sahig. Dinampot ko ang aking pantalon, at t-shirt, dali-daling isinuot ang mga ito at sa puntong iyon, mistulang simbilis na ng kidlat ang sumunod na mga pangyayari. At naalimpungatan ko na lang na dinaganan ni Dante si Dencio, itinaas sa ere ang patalim at buong puwersang ibinaun ito sa dibdib ni Dencio.
Kitang-kita ng aking dalawang mata ang kahindak-hindak na pangyayari. Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking naramdaman. Gusto kong sumigaw ng malakas, gusto kong kumaripas ng takbo. Gusto kong hatawin si Dante ng kung anong bagay. Ngunit hindi ko magawa. At isang malakas na “Kuyaaaaaaaaaaaa!!!!!!” ang naisigaw ko. “Ano ang ginawa moooooooo!” habang mabilis akong lumapit sa kinaroonan nila at pilit ko siyang hinatak palayo sa katawan ni Dencio na sa pagkakataong iyon ay nakalatag sa sahig at nangingisay habang nanatiling nakabaun pa ang patalim sa kanyang dibdib.
Hindi ko talaga alam ang aking gagawin. Nand’yan iyong tatakbo ako sa bintana at sumisigaw ng “Sakloloooooooooooo1 tulungan ninyo kamiiiii!!!” at babalik naman sa katawan ni Dencio na nagkikisay, nahirapang huminga, at may dugong umaagos sa kanyang bibig.
“Tol… aalis na tayo! Alis na tayo!!!” ang tarantang sambit ni Dante.
“Tulungan natin si Dencio kuya! Tulungan natiiinnnnn! Mamamatay iyan kapag hindi natin tinulungan!!!!”
“Huhulihin tayo ng pulis kapag nanatili tayo dito!” sigaw niya.
“Arrggghhhhh!” ang sigaw ko na lang. At dahil nataranta na rin ang aking utak, at sa kagustuhang matulungan si Dencio, nilapitan ko ang katawan niya, itinaas ang ulo at ipinuwesto itong nakalatag sa aking kandungan. Hinawakan ko ang hawakan ng nakabaon na patalim sa kanyang dibdib at mabilis itong hinugot.
Ngunit laking pagkakamali ko dahil sa ginawa ko, ay biglang bumulwak ang napakaraming dugo galing sa kanyang sugat.
“Arrrrrrgggghhhhhhhhh!” ang sigaw ko.
At lalo pa akong napahamak noong habang nasa ganoon akong pagsisigaw at hawak-hawak ko pa ang patalim sa aking kamay, ay siya namang pagpasok ng mga kapitbahay na rumesponde sa nangyaring pag-iingay ko.
“Bakit mo sinaksak si Dencioooooo!” ang sigaw ng isang kapitbahay habang ang iba ay dali-daling kumukuha ng litrato sa kanilang cp sa ganoong posisyon ko.
“H-hindi po ako! Hindi po akooooo!!!” ang sigaw ko.
Ngunit hindi na nila ako pinakinggan. Kinuyog nila ako at binugbog habang ang iba naman ay kinarga si Dencio palabas upang dalhin sa ospital. “Dalian ninyoooo! Baka makaabot pa sa ospital!” ang narinig kong sigaw ng mga tao.
Sa magulong pagkarambola ng mga tao, halos hindi ko na rin narinig ang pagsisigaw ni Dante na siya ang sumaksak kay Dante. Hindi siya nila pinansin. Kagaya ng hindi nila pagpansin ng aking pagsisigaw na wala akong kasalanan at hindi ako ang sumaksak. Natabunan ang boses namin sa galit ng mga tao sa akin at sa kagustuhan nilang madala sa ospital si Dencio.
Dinala ako ng mga tao sa Baranggay Hall at doon pansamantalang ikinulong habang hinihintay ang pulis. Isinama sin nila si Dante. Doon, ikinulong ako sa kanilang maliit na kulungan. Mistula akong nawalan ng lakas sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
Si Dante naman na nasa labas ng kulungan at patuloy na nagmamakaawa sa mga tanod na siya ang ikulong dahil siya ang sumaksak kay Dencio.
Ngunit kagaya ng mga tao, hindi rin siya pinansin. Kagaya ng pagsisigaw ko, nalunod sa kawalan ang aming mga pagsusumamo.
“Tol… sorry. Ako ang dapat na nad’yan at hindi ikaw.” Ang sabi sa akin ni Dante noong walang pumansin sa kanya.
Ngunit wala na rin akong nagawa. Gusto ko mang magalit sa kanya, hindi na lang ako kumibo. Umiyak na lang ako ng umiyak.
Noong dumating ang aking mga magulang. Nag-iiyak ang aking inay. Nagsisigaw kung bakit ako ikinulong. “Anak! Ikaw ba talaga ang sumaksak kay Dencio?” tanong niya.
Hindi ako nakasagot kaagad. Tiningnan ko si Dante. Sa nakita ko sa kanyang na parang nanginginig sa takot at ang mukha ay nakakaawa, gumapang sa aking kalamnan nag pagkaawa rin sa kanya. Pakiramdam ko ay nalimutan ko ang sariling kinasasadlakang problema at nangingibabaw ang pagmamahal at naramdamang awa. At naisip kong kapag nalaman pa ng mga magulang ko na siya talaga ang sumaksak at ako lang ay napagbintangan, siguradong palayasin siya sa amin. Masusuklam ang mga magulang ko sa kanya. “Saan siya titira? Sino ang kukupkop sa kanya? Wala na siyang pamilya…” sa isip ko lang.
Sasagot na sana ako at aaminin na lang ang pagsaksak kay Dencio noong biglang sumingit si Dante, “Ako po ang sumaksak inay. Ako po ang may kasalanan! Ako ang dapat na makulong at magdusa.” Ang sabi ni Dante habang umiiyak.
Tiningnan siya ng inay at itay ko. Kitang-kita ko sa kanilang mukha ang galit.
Ngunit bago pa man sila nakapagbitiw ng masasamang salita laban kay Dante, bigla rin akong sumingit. “Hindi po totoo iyan inay, tay! Ako talaga ang sumaksak kay Dencio. Kahit itanong po ninyo sa mga nakakakitang kapitbahay! Ako po ang sumaksak sa kanya sa dibdib! Ayaw lamang po ni kuya na mabilanggo ako inay at mahiwalay sa inyo kaya niya aangkinin ang pagkakasala. Totoo pong ako ang may kagagawan ng lahat. Ako po ang sumaksak kay Dencio!”
“Tol… ano ka ba! Hindi yan totoo! Ako ang sumaksak sa kanyaaaaa!!! Maniwala po kayo tay, nay. Hinugot lamang po niya ang patalim na nakasaksak sa dibdib ni Dencio! Ngunit ako ang sumaksak noon!”
Habang nasa ganoon kaming pagsasalitan ng pagsasalita, pabaling-baling naman ng sabay ang mga ulo ng aking mga magulang sa amin ni Dante, halata sa kanilang mukha ang pagkalito.
“Nay, tay… maniwala po kayo. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat.” At humagulgol na ako.
Wala nang nagawa ang mga magulang ko kundi ang humagulgol na rin. “Bakit mo ba nagawa ito anak… ano ba ang pagkukulang namin sa iyo?” ang tila paninisi sa akin ng inay samantalang nanatiling hindi kumukibo ang itay.
“Nay… tay… hintayin po natin ang imbestigasyon at lalo na kapag nagkamalay si Dencio, itanong po ninyo kung sino ang sumaksak sa kanya. Wala pong iba kundi ako po.” Ang paggiit pa rin ni Dante.
“Tama si kuya Dante nay… tay… hintayin natin ang resulta ng imbestigasyon. At kapag nagkamalay na si Dencio, malalaman natin ang buong katotohanan. Ako po talaga ang sumaksak sa kanya” Ang dugtong ko na lang.
Kaya natahimik din kami sa aming argumento bagamat patuloy pa rinang pag-iiyak namin.
Maya-maya, dumating na ang mga pulis at mga taga-DSWD. Nagsimula silang mag-imbestiga. Kinunan kaming dalawa ni Dante ng finger prints, tinanong tungkol sa pangyayari…
Ngunit pati sila ay naiinis sa amin kasi, pinanindigan ni Dante na siya ang sumaksak at noong ako naman ang tinanong ang sinabi ko naman ay naman ang sumaksak kay Dencio.
Pero hindi na kami pinuwersa pa ng mga pulis. Ayon sa kanila, may ibang paraan silang gagawin upang malaman kung sino talaga ang nagsabi ng totoo.
At dahil menor-de-edad pa raw ako, sa DSWD muna ako ilagay habang wala pang resulta ang imbestigasyon ng kapulisan.
Halos walang patid ang pag-iiyak ni Dante at tila tulala pa itong hindi makapaniwala sa mga nangyari. At dahil iginiit niya na siya nga ang sumaksak kay Dencio at na dapat ay siya ang dalhin sa DSWD, pinayagan na lang din ng DSWD na isama siya hanggang wala pang resulta ang imbestigasyon. Inihatid na rin kami ng mga magulang ko.
Habang tumatakbo ang aming sinasakyan, pabulong kaming nag-uusap ni Dante.
“Huwag mo nang igiit kuya na ikaw ang mapunta sa DSWD. Ako na lang. Mawawalan ng kasama ang mga magulang natin.”
“Ano ka ba!!” ang pigil niyang pagbulyaw. “Ako ang dapat mapunta doon! Tangina!”
“Ayoko… gusto ko, ikaw ang maiwan. Kapag nalaman nilang ikaw ang gumawa noon, magagalit sila sa iyo, masisira ang buhay mo. Ayaw kong mangyari iyan kuya.”
Nakita kong nagpahid na naman siya ng kanyang luha. “Hayaan mo na. Kasalanan ko kasi… dapat ako ang mananagot.” ang paninisi din niya sa sarili.
“Ako naman din kasi ang dahilan, di ba? Dahil ayaw mong mapahamak ako; dahil ayaw mong maabuso ako?”
“M-mahal kasi kita eh…” ang nasambit niya.
Bigla namang nahaluan ng excitement ang aking naghalo-halo nang emosyon sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya. “T-talaga kuya?”
“Oo…” ang sagot niya. Ngunit hindi na niya dinugtungan pa ito.
Para din akong nadismaya. Kasi, walang ibinigay na specification kung para anong pagmamahal. Kaya naisip ko na lang na pagmamahal lang ng kuya sa kanyang bunso iyon.
Noong nasa DSWD na kami. “Nay… tay… huwag po kayong mag-alala. Kasi po, lalabas naman kaagad si kuya Dante kapag may resulta na ang imbestigasyon.” Ang nasabi ko sa aking mga magulang.
Na siya namang ipinag-react ni Dante sa pamamagitan ng lihim na pagsambunot sa aking buhok. “Si Tristan po ang lalabas dito Nay… tay…” ang sagot naman ni Dante. “Kapag nakapagsalita na si Dencio sa kung sino ang sumaksak sa kanya, malalaman po nating lahat ang katotohanan.”
“Nakakalungkot mga anak. Ayaw naming kahit sino sa inyo ang mahiwalay…” ang nasabi na lang ng inay. Wala rin naman kasi silang magagawa. Noong paalis na sila, awang-awa akong pinagmasdan sila habang naglakad palayo sa compound.
Sa ilang araw namin sa DSWD, halos tulala pa rin ako at pati na si Dante, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.
Pinag-usapan namin ang mga posibleng mangyari. Bago matulog palagi kaming nagkukuwentuhan. Hindi ko na siya magawang sisihin pa. Kasi, naisip ko, ako talaga ang may kasalanan at gusto lamang niya akong proteksyonan.
“Kuya… kapag ako ang matira dito, ma-miss kita ng sobra” ang nasabi ko sabay hagulgol. “K-kasi… palagi tayong nagsasama at kapag natutulog na tayo, magkatabi pa tayo sa kama. Ngunit kapag nag-iisa na lang ako dito, wala na akong kayakap. Ma-miss ko ang pagdantay ng iyong paa sa aking beywang at hita. Ma-miss ko ang ating harutan, biruan, tampuhan. Paano na lang ako dito kuya. Di na rin ako makakapag-aral.”
“Tol… ma-miss din kita. At huwag kang mag-alala. Sana, buhay si Dencio para masabi niya na ako talaga ang sumaksak sa kanya at maka-uwi ka sa ating mga magulang…”
“Ganoon din iyon eh. Wala ka pa rin doon… At ayokong nag-iisa ka dito. Sinong mag-aalaga sa iyo?”
“M-mahal mo ba talaga ako tol?”
“Mahal na mahal kita kuya. Kung alam mo lang.”
At iyon, niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya. Mahigpit. At ang aking buhok ay sinambunutan niya; iyon bang sambunot ng pangigigil. At sa sambunot niyang iyon ay tila may bumabalik-balik sa aking isip na senaryo ng ganoong klaseng pagsambunot. Parang isang panaginip.
“Mahal na mahal din kita tol… Sana lang malusutan natin ang problemang ito.”
“Sana kuya… Natatakot ako…”
“Natatakot din ako tol…”
Iyon lang ang tanging nagagawa namin. Ang mag-usap, ang magpalabas ng mga saloobin. Ang bigyan ng lakas at suporta ang bawat-isa. Wala kaming control sa sitwasyon. Wala kaming control sa mga pangyayari. Mistulng kami na lang dalawa ang magkakampi sa mundo.
Kinabukasan, may dumating na pulis. Tapos na raw ang imbestigasyon. Kinabahan naman ako. Natatakot. Kasi kahit ano man ang resulta, magkakahiwalay pa rin kami ni Dante.
Nagsalita ang pulis. “Sa aming imbestigasyon, at base na rin sa aming pagsusuri sa mga fingerprints sa katawan at sa patalim, at sa mga nagkalat na ebidensya sa kuwarto na pinangyarihan at sa pagtatanong sa mga nakasaksi… Ang tunay na sumaksak kay Dencio ay…”
Bago pa man nasabi ang pangalan, bigla na lang tumulo ang aking mga luha. Kasi, alam kong ako iyon at iyon na rin ang huling araw na makasama ko si Dante.
Yumuko na lang ako, inihanda ang sarili, hindi makatingin sa mga pulis. Hinayaan kong pumatak nang pumatak ang aking mga luha sa sahig na semento...
(Itutuloy)
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
sino sino sino ang salarin? hehehe
ReplyDeletesi Dante naman kasi e ampupu naman
bt kc nia tnotoo ung bnta nia, yn 2loi kht anu mangyari mgkakahwalay pa dn cla :(
ReplyDeletehaissstt!!!
ReplyDeletenakakalungkot nman...
hayss grabe as in grabe.. nakakabigla ang pangyayari..sana d sila makukulong pareho..huhuhu sana magkamalay si dencio at hwag nang magsampa ng kaso... si dante kc d pa sabihin kay tristan na nagseselos sya at mhal nya para umiwas na sya kay dencio.. tnx kuya.. Jhay L
ReplyDeletesuper suspence kuya..hehe sino ba talga..
ReplyDeletefor sure silang dalawa yan.. :)
ReplyDeletetinnggal p ksi ni tristan ung knife e.. :))
sana mabuhay si dencio...
Is this the end of it? Paki tapos naman. At ang Kahit Makailing Buhay din.
ReplyDeletesad moment sana lng malusotan nla ang problemang ito,para mag grow un love n pilit umousbong s pagitan nila dante at tristan,,,sana matapos n kakabitin eh,....
ReplyDeletecenxa n po
thanks kuya mike.....
Hay nak0o0! Yan ang nagagawa ng pag ibiG, NAGAGAWANG PUMATAY, JEJE Galing ng xtory,
ReplyDelete