Followers

Wednesday, August 31, 2011

Kahit Makailang Buhay [5]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

I-advertise ko pala ang bagong group ng msob followers, ang "TORRID MSOBIANS-

http://www.facebook.com/#!/groups/260236804006511/

Secret group po ito kaya add me first sa fb ko at ako na ang mag-add sa kung sino man ang gustong sumali. Dito ko po ilalagay ang mga torrid parts.

------------------------------------

Author’s Note:

Isang controversial po na issue ang reincarnation. Bagamt isa itong “belief” na parte ng paniniwala ng mga relihiyong Buddhism, Hinduism at iba pang mga eastern religions, marami pa rin ang skeptics tungkol sa konsepto na ito.

Hindi ko po intensyon na saktan ang damdamin ng mga taong hindi naniniwala. Ang kuwento pong ito ay isang fiction lamang at kung sakaling sarado ang pag-iisip ninyo tungkol sa tema ay maaaring huwag nang ipagpatuloy pa ang pagbabasa.

Para naman doon sa may bukas na pag-iisip, inirekomenda ko pong basahin niyo ang librong “The Case For Reincarnation” by Joe Fisher. Marami pong mga compiled na totoong kaso na katulad ng kay Rovi ang naisulat dito. Ang libro na ito ang siyang nagbukas ng aking isp tungkol sa paniniwala ng reincarnation.

Gusto ko rin palang i acknowledge ang isa sa mga donors ng MSOB EB sa nakaraang Aug 13, na hindi pala nabasa ang financial report natin. Maraming maraming salamat si iyo Xander (Ang siyang reason ng name na ginamit ko sa kuwento na ito, dedicated para sa kanya). Syemrpe, sa lahat ng mga sponsors natin. Kung hindi sa inyo, hindi mabubuo ang EB.

At ang next year's EB po ay scheduled na sa May 26, 2012, God willing. See you all soon guys!

-Mikejuha-

--------------------------
videokeman mp3
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics


Ako si Xander. At Heto ang kwento ko...

Nagsisigaw ako sa pangalan ni Rovi na lumabas ng bahay, umasang hindi pa siya nakalayo. Ngunit hindi ko na siya mahagilap pa.

Dali-dali kong dinayal ang number ni Rovi na nakaregister sa cp ko. Ngunit unattended ito. Tinawagan ko rin ang number ng mama niya at ganoon din, unattended.

Pinuntahan ko si Justin sa flat niya at tinanong kung nagreport sa school si Rovi sa araw na iyon. “Bro… hindi siya pumasok kanina. Akala ko ba ay alam mo?”

“H-hindi bro… ang buong akala ko noong umalis siya ng bahay kanina ay patungo siya ng eskwelahan. Hindi pala pumasok?”

“W-wala, hindi…”

Hindi ko talaga lubos maisalarawan ang tunay kong naramdaman. Parang gusto kong manuntok ng tao, sumigaw, magwala…

Dahil may address si Justin sa bahay nina Rovi, agad naming pinuntahan ito, nagbakasakaling naroon siya. Ngunit pati ang bahay nila ay wala ring tao. Sarado ito.

“Nagmamadaling umalis ang mag-ina kaninang tanghali, may dala-dalang malalaking bag at sa tingin ko ay lilipat yata ng tirahan?” ang sagot ng kapitbahay noong tinanong namin siya. “Parang malayo ang pupuntahan eh.”

Nagkatinginan kami ni Justin. “G-ganoon ba?” ang naisagot ko na lang. “S-saan po ba sila pumunta? Sa bus terminal po ba o sa pier?”

“Malamang na sa bus terminal sila, iyong patungong airport siguro. Wala namang barko ngayon e.” Sagot uli ng kapitbahay.

Dali-daling pinuntahan namin ang airport. Ngunit wala na kaming nadatnan pa doon.

Sobrang lungkot ang nadarama ko. At hindi ko maiwasang hindi tumulo ang aking mga luha sa paghihinayang. “Shitttttt!” sigaw ko.

“Akala ko ba bro… ayaw mong dumikit-dikit siya sa iyo?” sambit ni Justin.

“Ikaw ang may kasalanan nito eh. Kung bakit mo pa kasi pinaalam sa akin ang reincarnation na iyan!”

“Ibig sabihin, naniwala kang si Rovi ay si Jasmine nga?”

“Ano pa ba? Lahat ng mga sinabi mo ay tugma. Lahat ng mga sinabi ni Rovi tungkol kay Jasmine at sa akin ay tama!”

Gabing-gabi na noong umuwi ako sa flat. Mistulang nawalan ako ng lakas sa pagkawala ni Rovi. Nanlumo, matindi ang naramdamang panghihinayang. Nag-iiyak ako, hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. “Jasmine!!!! Bakit mo ako iniwan! Tanggap na sana kita sa kasalukuyan mong pagkatao, bakit ka umalis? Bakiitt??!” ang sigaw ko, pinopokpok ang mesa sa sobrang inis.

Matindi din ang nadarama kong galit. “Bakit ba napaka-walang awa ng tadhana?” sigaw ko sa sarili. “Una, namatay si Jasmine at iniwanan akong nagdurugo ang puso. At ngayon naman, nalaman ko na sanang tinupad ni Jasmine ang pangako niyang bumalik at natutunan kong tanggapin ang pagkatao niya, siya naman itong nawala… ano ba to? Pinaglalaruan lang ba ang pag-ibig namin? Parang ayoko na tuloy maniwala na may Dyos!”

At ang isa pang bagay na nagbigay sa akin ng takot ay ang posibilidad na baka isiniwalat ni Rovi sa kanyang ina ang pagpapahirap ko sa kaya sa bawat pagtabi namin sa higaan. “B-baka ipapasuplong nila ako… o kaya ay naghanda sila ng ikakaso laban sa akin kung kaya inilayo ni Mrs. Presley si Rovi sa lugar upang ma-protektahan sa kahihiyan na maaaring idudulot kapag masimulan ang kaso…” sa isip ko lang.

Bagamat matindi din ang naramdaman kong pagsisisi, huli na ang lahat. Nangyari na at nagkimkim na marahil ng sama ng loob sa akin si Rovi, kahit ang hangad ko lang naman sana ay upang lumayo siya at hindi na niya ako guguluhin.

Ngunit may isang parte din naman ng utak kong nagtatapang-tapangan. “Haharapin ko kung ano man ang ireklamo ng ina niya sa akin. Ang importante, alam ko na ngayon na si Rovi at si Jasmine ay iisa. At handa kong mabawi siyang muli upang kaming dalawa ay tuluyan nang magsama…”

Ngunit isang pangarap na lang yata ang lahat. Kung saan-saan ako nakarating, kung kani-kanino ako nagtanong kung saan maaaring nagpunta ang mag-ina. Wala...

Pakiwari ko ay dalawang beses akong nawalan ng mahal. Pakiwari ko ay dalawang beses akong pinatay… noong namatay si Jasmine at sa pagkawala ni Rovi.

Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Kapag wala akong pasok, iginugol ko ng oras ko sa paghahanap kay Rovi. Halos lahat ng eskwelahan sa aming probinsya ay napuntahan ko na. Pati ang mga eskuwelahan sa malalaking syudad ay natawagan ko na rin. Ngunit walang Rovi Presley silang alam…

Hanggang sa isang araw ay napadayo ako sa isang bookstore at nahugot ko ang isang librong pinamagatang, “The Case for Reincarnation” na isinulat ni Joe Fisher. At dahil nga sa kaso ni Rovi at kaya ako nagkainteres dito, napako ang aking atensyon sa aklat. Binuksan ko ang ilang mga pahina nito. Kahit nasa shelf lang ito, nakatayo lang akong nagbubuklat. At sa pagkabasa ko pa lang sa mga paunang mga salita ay agad akong kinilabutan. Lahat ng mga sinasabi dito ay tugma sa mga explanations na ibinigay sa akin ni Justine.

Ngunit sa isang kaso ng kuwento na ito ako sobrang kinilabutan at naantig ang damdamin dahil kahawig na kahawig niya ang kwento ni Rovi… Isa lamang ito sa maraming kaso na naitala sa libro.*

“Spontaneously, in scattered remarks mixed with mundane chatter abut the world around her, little Romy Crees poured out her memories of the man she insisted she once was. As soon as she could talk, the pretty, curly-haired toddler from Des Moines, Iowa said she was Joe Williams, husband of Shiela and father of three children. Again and again, she expressed the wish to “go home”. Then she went on to describe her death in a motorcycle accident, a description so graphic that her parents were jolted into taking seriously what they had at first dismissed as the drivelling of childhood fantasy. “I’m afraid of motorcycles”, said Romy.

So persistent were the three-year-old’s “memories” of incidents and personalities from his other, mysterious life that her parents eventually agreed to a visit from Hemendra Banerjee, a professional investigator of “extracerebral memory”. Accompanied by his wife and research associate, Margit, and two journalists from the Swedish magazine “Allers”, Banerjee arrived at the Crees’ home on a cold winter’s day in 1981. Her curls dancing about her rosy face, Romy was playing energetically on the living room’s thick broadloom in a blue floral dress. A Roman Catholic image of the Madonna smiled down from the wall as Bonnie Crees, twenty-eight, show she had tried to distract her daughter, hoping to deflect these disturbing recollections while encouraging more normal conversation. But still, the other life intruded…

“I went to school in Charles City” Romy would say. “I lived in a red brick house and I married Shiela and we had children, but we did not live in Charles City then…”

“Mother has a pain in her leg – here”, she said pointing to her right leg. “Mother William’s name is Louise. I haven’t seen her for a long time.”

“When I lived at home, there was a fire. It was my fault, but mother threw water on the fire. She burnt her hand.”

Romy’s face lit up with concern as Bonnie Crees related her daughter’s preoccupation with Joe Wiliams and Charles City. “I want to go to Charles City” she declared. “I must tell Mother Williams that everything is O.K.”

So it was that the Banerjees, the Swedish journalists, Des Moines specialist Dr. Greg States and Barry Crees set off with Romy for Charles City, a town of 8,000 people some 140 miles away. For the entire journey, Romy was restless and excitable, and as Charles City was approached – without a word from anyone as to the imminence of their destination – she climbed over from the back seat and squeeze between Dr. States and Hemendra Banerjee. “We have to buy flowers,” she said. “Mother Williams loves blue flowers. And when we get there, we can’t go in through the front door. We have to go around the corner to the door in the middle”.

Because Romy was uncertain of Mrs. William’s address in this modern town of churches and bungalows set among spreading fields close to the Minnesota border, the party consulted a local telephone directory. Soon they arrived not at a red brick house as they had been led to suppose from Romy’s earlier statement, but a white bungalow on the outskirts of town. There, Romy jumped out of the car and pulled Banerjee impatiently up the path that led to the front door and a printed notice: PLEASE USE THE BACKDOOR.

There was no initial response to the ringing of the door bell, but at last the back door was opened wearily by an elderly woman leaning on a metal crutches. Romy’s words about a “pain in her leg” were as accurate as her prediction about the front door. For around the right leg of the old woman – who was indeed Mrs. Louise Williams – was a tightly wrapped bandage. Mrs. Williams, however, was about to leave for an appointment with her doctor and wanted neither to talk to the group nor hear their stories. She closed the door and Romy’s eyes filled with tears.

Romy, her father and the Swedish journalists returned an hour later and were received into the home. There was immediate rapport between Romy and the old lady and kisses and hugs were shared as Mrs. Williams accepted and unwrapped Romy’s gift of flowers. Bemused by her visitors and astonished by Romy’s choice of bouquet, Mrs. Williams disclosed that her late son’s last gift had been a posy of blue flowers. She was even more astonished when Barry Crees, who was also wrestling with disbelief, related Romy’s collected reminiscences about the Williams family. “Where did this girl get all this information?” Mrs. Williams wanted to know. “I don’t know you or anyone else in Des Moines”. The seventy-six year-old woman then explained why she was living in a white bungalow and why the community must have appeared strange to Romy, even with her uncanny familiarity. “Our house was made of brick” she said. “but it was destroyed by an awful tornado that damaged much of Charles City ten years ago. Joe helped us build this house and insisted we keep the front door shut in winter.

Mrs. Williams broke off her narrative to shuffle into the next room and Romy rushed after her. Later, they returned, holding hands. Little Romy appeared to be trying to support the old woman who was clutching a framed photograph of Joe, Shiela and the children taken the Christmas before the accident. “She recognized them.” Murmured Mrs. Williams, incredulously. “She recognized them!”

Joe’s marriage to Shiela, the three children that followed, the names of other relatives, the 1975 motorcycle accident near Chicago in which Joe and Shiela were killed, the fire at home where Mrs. Williams burned her hand: these and other details mentioned by Romy were all confirmed. Her precise description of the injuries sustained in the fatal accident was also found to be accurate. Born in 1937, Joe Williams who died two years before Romy was born, was the second youngest of seven children.

The case of Romy Crees is the best-documented study in Banerjee’s files and, according to investigator, “demonstrates that reincarnation is real”. But as devout Catholics, Romy’s parents and Louise Williams couldn’t bring themselves to accept the explanation. “I don’t know how to explain it,” sighed Boonie Crees, “but I do know my daughter isn’t lying.”

Noong matapos ko ang kwento ni Romy, di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. At isa lamang ito sa mga kaso na naitala sa aklat na iyon!

Binasa ko ang isa pangkwento –

“It all started when William George Sr. a celebrated fisherman of the Tlingit Indian Tribe of Alaska, made a vow when he began to doubt the tribe’s traditional belief in reincarnation. “If there is anything to this rebirth business” he told his favourite son, Reginald George, “I will come back and be your son.” He could be recognized, he said, by the half-inch birthmarks he possessed – one on the left shoulder, the other on the left forearm. Furthermore, he handed over his gold watch with a promise of regaining it should there be another incarnation.

Soon afterwards, the old man was lost at sea and, barely nine months later – on May 5, 1950 – Susan George gave birth to her ninth child. The baby was born with two distinctive birthmarks in identical locations to those of his grandfather, though half their size. There was no debate over the baby’s name: they called him William George Jr.

Friends and relatives were quick to notice how similar the little boy was to his grandfather. Not only did he look like a diminutive version of the old man, he also walked like him and demonstrated a precocious knowledge of fishing and boats, even while showing more fear of the water than was usual for boys of his age. He called his great aunt “sister”, referred to his uncles and aunts as his sons and daughters, and didn’t object when his own brothers and sisters called him “grandfather’. At four years of age, after wandering into his parents’ bedroom where Susan George was sorting through her jewellery box, William spied the gold watch hat had belonged to William George Sr. “That’s my watch!” he declared picking it up. Eventually, the boy grudgingly surrendered ownership. Even though his past-life memories faded in later childhood, he never renounced his claim to “my watch”.

Dali-dali kong kinuha ang aklat at dinala ito sa counter upang ito ay bayaran. Pagdating ng bahay, ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa sa iba pang mga kaso.

Doon ko na rin binasa ang statement na ito kung saan tumugma sa mga sinabi ni Justin –

“Romy is just one of hundreds of young children from all parts of the world who had spoken volubly, accurately and with unswerving conviction about previous lives that have been historically verified. In most cases, these guileless witnesses voice their memories between the ages of two and five years, telling, usually, of lives that ended abruptly and with violence. Muttering distractedly or pleading to be heard, they use such phrases as: “When I was big,” and have been known to grumble about the limitations of their small bodies and even to speak resentfully for not being the same sex as before. Often they yearn for the lost companionship of husband, wife, son, or daughter. They hanker for the food, clothing and lifestyle – even, on occasion, the alcohol, drugs, or tobacco – of a former existence. They suffer phobias that can be linked directly with their unexpected deaths – sharp knives, perhaps, or motor vehicles, or water. Yet these small children have little hope of neutralizing such powerful impulses because they are rarely encouraged to air past-life memories. In the west, parents tend to dismiss and deflect what they consider to be nonsensical rumblings while in the East, there’s the superstition that those who remember a previous existence are fated to die young. In India, southern Asia and Turkey, it is not uncommon for parents to react by filling their child’s mouth with filth or soap.”

At marami pang laman ng libro na ikinagugulat ko, kagaya ng pamamaraan kung paano mo ma retrieve ang mga pastlife information mo or to activate latent skill or talent sa pamamagitan ng dream recording and interpretation, self-hypnosis, at pwede rin daw ang group hypnosis.

Heto ang natutunan kong isa sa mga self-hypnosis na ang kailangan lang daw ay disiplina at practice.

1. Pumili ng isang tahimik na lugar kung saan ka pwedeng makapag-concentrate ng maayos.

2. Pumuwesto ka sa isang komportable na ayos. Nakahiga, naka-upo, basta ang katawan mo ay magiging relaxed at makapag rest ang mga muscles. Pumikit ka at huwag gumalaw.

3. I-invite mo ang isang spiritual na guide (an angel, a saint, God, etc) at hilingin mo na while you do this exercise ay protektahan ka niya at i-imagine mo na pinapaikutan ka niya ng kanyang protection habang ginagawa mo ang sunod na mga exercises. Puwde ka ring manalangin.

4. Kapag na achieve na ang unang tatlong items, halimbawa ay nakahiga ka na, nakapikit na ng mga mata, magbilang ka from 1 to 10, habang naka inhale, exhale… at sa bawat exhale mo ng hangin, isipin mo ding isa-isang lumabas sa katawan mo ang mga stress, ang mga problema, ang mga bagay-bagay na nagpapagulo sa iyong isip. Isipin mo rin na habang nagbibilang ka, unti-unti ring nagiging stress-free ka, peaceful ang iyong pakiramdam, at blangko na ang iyong isip sa mga problema.

5. Magbilang uli ng sampu, at inhale-exhale pa rin at sa ganitong stage, kausapin mo ang iyong mga extremeties, una ang iyong dalawang kamay at habang nagbilang ka ng sampu, i-instruct mo sa iyong braso at kamay na free na ito sa stress at na mai-turn off na nito ang connection niya sa utak para hindi mo na sila maramdaman… ganoon din ang sa paa… bilang uli ng sampo at instruct uli sa mga paa mo, sabihing, “One… unti-unting mawala na ang sensasyo ko sa mga paa ko at hindi ko na maramdaman ang mga ito, two… unti-unti nang mai-switch off ang conncetion ng sensation niya at hindi mo na marmdaman, three… halos hindi mo na sila maramdaman, four… malapit na…. etc etc” Pagkatapos, ganoon din ang gagawin mo sa iyong katawan, hanggang sa puntong ang pakiramdam mo ay manhid na ang katawan mo or detached ka na sa iyong katawang lupa. At i-instruct mo naman sa sarili mong lumulutang ka sa ere at napakagaan ng iyong pakiramdam, wala kang stress, walang problema, para kang isang bulak na inaanod-anod ng hangin at lumilipad-lipad sa ere.

6. I-suggest mo sa sarili mong gusto mong makita ang isa sa iyong mga past-life (o kung may specification ka, halimbawa sa last past life mo… or isang tao na nakasama mo sa past life na iyon). Hayaan ang isip na siyang mag lead sa iyo kung saan siya patungo at kung saan ka niya dadalhin… Pwede ring i-push ang memory mo paunti-unti sa halimbawa, noong 8 yrs old ka pa lang, tapos, sa 7 years old, tapos, sa 6, 5, 4, 3, 2, 1, kung kaya mo… Otherwise, pedeng ang isip mo lang ang hayaan mong magbigay ng images at i-suggest mo lang na gusot mong Makita ang particular na insedente sa past life mo.

Note: Maaaring matakot ka sa lalabas na mga imahe ngunit ito ay natural lamang. Maaari ding parang lumulutang ka lang sa ere at may lumalabas na parang hinahabol ka, o kaya ay kung anu-anong hitsura. Maaaring may mga meanings na ang mga lumalabas na imahe. Ngunit ang exercise na ito ay kailangan ng disiplina at practice upang makuha ang tamang paggawa. Kung madistract ka, hindi ka aabot sa hypnotic state/trance. Natural sa isang baguhan pa lamang ang hindi makakuha ng resulta. Gawin lamang itong regular at seryosong activity, saka mo ma-achieve ang nais mo.

7. Kung tapusin mo na ang session mo, ganoon din ang gawin mong suggestions sa iyong katawan. Sabihin mo sa kanilang, “legs, babalik ka na sa normal mong consciousness, arms… balik na naman ang senses mo, etc etc…”

At ang activity sa self-hypnosis na ito ay pwede ring gawin kapag may kapartner. Habang nakahiga ka at nakapikit ang mga mata, ang partner mo ang bubulong sa iyo, magbibilang, mag-iinstruct sa iyong mga kamay at paa at katawan, magsasabing napakagaan ng iyong pakiramdam, para kang lumulutang sa ere, wala ka nang pressures na naramdaman, lahat ng problema ay umalis na sa iyong katawan… etc”

Iyan ang isa lamang sa mga nabasa kong mga techniques kung paano maaaring silipin ang past life mo.

Alam ko na bagamat ang mga kuwento ng mga batang nakaalala pa sa kanilang past lives sa aklat na nabili ko ay resulta lamang ng mga pag-aaral at compilations ng mga kaso, mahirap pa rin itong ipaliwanag sa syensya. Sabagay, kahit naman ang bible at iba pang sacred scriptures ng iba’t-ibang relihiyon ay hindi rin pinapaniwalaan ng syensya dahil para sa kanila, hindi ito supported by facts or scientific studies.

Ngunit marami din namang mga bagaybagay sa mundo na kahit ang mga taga-syensya ay hindi kayang magpaliwanag. At marami ring bagay sa mundo na hindi pa nadiskubre ng tao at hindi pa rin alam ng syensya. Para sa akin, maliit lang ang utak ng tao kumpara sa utak ng makapangyarihang nilalang na gumawa ng mundo…

At sa pagbabasa ko sa librong iyon mas lalo pang tumindi ang paniniwala ko sa reincarnation… at kay Rovi bilang si Jasmine na bumalik para sa akin.

“Hahanapin kita Jasmine… pangako ko iyan. Hindi ako titigil hanggang sa magsama tayong muli. Bumalik ka para sa akin, pinanindigan mo ang iyong pangako… dapat lang na panindigan ko rin ang aking pagmamahal sa iyo, at ang pangako kong hintayin kita.” Bulong ko sa sarili.

Limang taon ang nakaraan, hindi ko pa rin nahanap si Rovi. Dahil ditto, lumipat na ako ng tinuturuan, sa Maynila. Pakiramdam ko kasi, nandoon lang si Rovi. At dahil hindi mahirap doon ang internet, madali sa akin ang makapag-online at i-search si Rovi. Walang araw a hindi ako nag-o online.

Ngunit tila napakailap niya…

Eksaktong walong taon simila noong mawala si Rovi, sa isang prestihiyosong unibersidad na ako ng Maynila nakapagturo, bilang isang English professor. Natapos ko na rin kasi ang PhD ko kaya hindi na ako nahirapang mag-apply doon. 31 years old lang ako noon. Bagamat nasa ganoong edad na ako, walang ibang tao ang pumalit sa puso ko – si Jasmine pa rin ang hinahanap ko. Kahit maraming nagparamdam, lalo na mga estudyante, hindi pa rin bumigay ang aking puso.

“Ano na kaya ang hitsura ni Rovi ngayong 16 na siya?” Ang bulong ko sa aking sarili habang nagmuni-muni ako sa terrace ng aking tinutuluyang apartment. “Naaalala pa kaya niya ako? Mahal pa kaya niya ako? Hindi kaya nag fade out na ang memory niya bilang si Jasmine? Sana ay mahanap ko na siya…”

Enrolment iyon sa bagong unibersidad na tinuturuan ko. Dumayo ako sa school dahil gusto kong malaman ang mga iha-handle kong mga subjects. Nalaman ko na hahawak ako ng mga first year college, maliban sa mga second year, third year at fourth year na mga major.

Na-excite naman ako. Mga bagong mukha kasi ang mga first year at syempre, panibagong challenge, panibagong adjustments sa mga ugali, panibagong mga “kaibigan”.

Anyway, nasa hallway ako ng building, naglalakad patungong faculty room noong hindi ko namalayang may nalaglag palang forms sa aking bitbit na mga folders. At nagulat na lang ako noong sa aking likuran ay may sumigaw ng, “Excuse me, Sir… you dropped something!”

Nilingon ko pinagmulan ng boses. Halatang anak-Amerikano, naka-itim na jeans at faded blue na t-shirt at may yellow-orange na stripes sa neckline at dulo ng sleeves at ang dulo ng harapan ay isinukbit sa ilalim ng harapang waist ng pantalon, sadyang hinawi upang lalabas ang metal buckle ng kanyang sinturon. Naka-squat siya gawa ng pagpulot niya sa nalaglag na papel at nakatingin sa akin.

Noong inabot na niya ang form sa kamay ko, tiningnan ko ang kanyang mukha. May hikaw ang magkabilang tenga, larawan ng isang teenager na tila walang takot, easy-go-lucky, walang paki sa mundo, astig ang porma. At pakiramdam ko ay nawalan na ako ng malay.

Ito ang nakita ko:













Isang guwapo at mestisong teenager ang nakatitig sa akin, ang mga mata ay mistulang may ipinahiwatig na isang malalim na katanungan o kinikimkim na galit...

“R-Rovi???!” ang nasambit ko.

(Itutuloy)

---------------------------------
* The Case For Reincarnation by Joe Fisher. Wiliam Collins and Sons Edition, May 1984.

10 comments:

  1. Interesting topic. SIge tuloy tuloy lang otor.

    Abangan ko next update!

    ReplyDelete
  2. hanggang sa susunod na Chapter...Rovi.

    ReplyDelete
  3. Very interesting.

    You are actually (and unsuspectingly) tickling my imagination the moment you shared those excerpts of the story.

    It may be possible. I do believe in it.

    Hindi malayong mangyari sa kanila ang nangyari din sa ibang nakaranas ng reincarnation.

    Tulad ko, takot ako sa heights. Siguro, ang violence sa pagkamatay ko sa past life ay dahil tinulak or nahulog ako sa building. I dunno. XD

    Ma-try nga na mag-self-hypnosis. Ikaw, Kuya Mike. Na-try mo na ba yan? Nakakatakot ba or nakakalula ang feeling? XD

    You are really great, Kuya Mike. FRICKIN' GREAT!!! :D

    I will patiently (and excitingly) wait for the next chapter!! :D

    ReplyDelete
  4. Yehey!...thanks s update....kahit kinikilabutan aq s pagbabasa na enjoy ko p rin yung story..idol ka tlga sir mike....destin! destiny! destiny! Wew nagkita n uyet sila eggciting nanaman toh......hmm nagrebelde n siguro si rovi.....(*_-)

    ReplyDelete
  5. grabe!...yun lang masasabi ko...galing mo talaga kuya mike..hehe

    san na po sunod na chapter?? kakabitin kasi ehh..hehe

    ReplyDelete
  6. my galit? so ibg sbhn ntatandaan pa nia ung mga gnawa ni xander sa kanya? pero ang tanong, ntatandaan kya nia ang dahlan bt ngyari un? o bka 2luyan ng nbura ang ala-ala ni jasmine sa utak nia at unknown anger lng ang natira? sna msundan agad..^^
    at d mean time,kakain muna q xD
    thanx sa update kua mike^^

    ReplyDelete
  7. wow ang gwapo pla ni rovi ehheheh.. interesting story dami ko natutunan..tnx kuya..

    ReplyDelete
  8. kuya mike, na try m na ba mgself hypnosis ..... ako kaya . para kasing ang hirap gawin nun ... i want to try... hehe naku kuya astig naman ni rovi ano na itsura ni xander ngaung 31 na cya.?

    ReplyDelete
  9. Salamat sa mga nagcomment...

    @ Jack and Nick... yes, na try ko na. Ngunit mahirap kasi ang exercise para ma-perfect mo ang requirement but hanggang doon lang ako sa parang lumulutang ang kaluluwa ko sa hangin at walang maramdamang pressure o problema (di ko ma feel ang katawan ko) and it was all peaceful. Tapos, when I let loose of where my mind leads me, hayun na, andaming lumalabas na mga images...

    Ang self-hypnosis kasi to regress past memories and experiences ay pilitin mo pang i push ang memory mo sa pinaka lumang natandaan mo, hanggang sa noong maliit ka pa, hanggang sa bagong ipinanganak ka, hanggang sa nasa loob ka pa ng tyan.... keeping on pushing your memory backwards...

    ReplyDelete
  10. that's not easy... you need to have enormous discipline to do that, and a great sense of passion if not obsession for the result.

    Siguro if I kept doing it, baka i would have mastered it. But it's nice trying. Just meditating to keep your mind and body at peace...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails