Una sa lahat ay nais ko pong magpasalamat sa lahat ng naghihintay ng update ko para sa story na to.. Ako po ay lubos talagang nagpapasalamat sa inyo. Pasensya na rin po kung medyo natagalan dahil busy po ako.
Gusto ko po magpasalamat kaila Mama Dalisay, Sir Mike, ace.vince.raven, jojie, archie, rich, dada, Arl, wastedpup, chack, 07, o_0mack^2, John, russ, Jay, Jeh, Roan, Ace, Jack, Zekie, Rue, Brent Lex, pink 5ive, kay X at sa lahat lahat ng Anonymous na nagbibigay ng opinyon. Ako po ay sobrang thankful at naaappreciate nyo po ako..
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!! :)))))
ENJOY!!!!!!!! :))))))))
Nagulat ako ng makita ang lalakeng nakaupo ay si Art pala. At syempre ano pa ba ang magiging reaction ko?! Edi Shock boogie nanaman!!
Natameme ako at dali daling binuksan ang gate. Pumasok na ko sa loob at binuksan naman ang pinto ng bahay ko. Pagpasok ko ay sinenyasan ko na sya na pumasok. At ayun, pumasok na rin sya. Nakita ko si Art na umupo sa sofa. Agad naman ako umakyat papunta sa kwarto ko para ibaba ang gamit ko at magpalit ng damit. Pagpasok ko ay di ko naman maiwasan na di tanungin ang sarili ko.
“Ano nanaman kaya drama nito?! Naku pwede ba ha. Naka quota na ko sa disappointment para sa araw na to.”, yan ang paksang nsa isip ko.. Wala ako sa tamang katinuan, depressed ako, aburido, naguguluhan, nanliliit, at napaka lungkot.
Pagkapalit ng damit ay chinarge ko agad ang cellphone ko, nang bumukas ito ay nakita ko ang maraming txt galing kay Art, at nalaman ko na tatlong oras na pala syang naghihintay sakin sa labas. Nang nakabihis na ko ay lumabas na ko ng kwarto at bumaba para uminom ng tubig. Ramdam ko na kasi na dehydrated na ko kakaiyak at naglakad pa ko pauwi. Nang makainom ay naglakas loob akong umupo sa sofa. Magkabilang dulo kami. Matindi ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Ni hindi ko sya matingnan. Kahit man lang tanungin sya na kung bakit nga ba sya andito ay di ko magawa. Speechless ako. Kaya binuksan ko nalang tv ngunit parehas parin kaming tahimik. Naghihintayan kung sino magbabasag ng katahimikan.
Maya maya pa ay binasag nya na ang katahimikan saming dalawa.
“Jerry.. kamusta ka na?”
Nung magsalita sya ay naglakas loob na akong tingnan sya. Hindi na rin kasi ako makatiis. Kaya humarap na ko sakanya. Pilit kong hindi tumgin sakanya directly. Pero ang tumambad naman sa aking harap ay labis kong ikinalungkot at ikinabigla. Awang awa ako sa nakita ko. Halata ang pagkamayat ni Art. Kitang kita ko sakanyang katawang ang biglaang pagbagsak nito. Mejo lumalim din ang eyebag nito at pagiging dry ng balat. Ang haggard nya talagang tingnan. Hindi ko maiwasang di mahabag sa kalagayan nya. Nang makita ko sya sa ganoong katayuan ay parang nawala lahat ng galit at sama ng loob ko sakanya or atleast malaki ang nabawas. Hindi ako nakapagpagil at tiningnan ko na sya sa kanyang mga mata. Sa huli, nanaig pa rin ang pusong mamon ko para sa kaibigan.
“Okay lang ako. Ang payat mo na ha.”, mahinahon kong sinabi sakanya. Pero ang totoo, awang awa talaga ako sakanya. Alam kong napakahirap ng kanyang pinagdadaanan. Dun ko biglang narealize na hindi ko dapat yun sinabi sakanya. Dapat hindi ko binatawan ang mga salitang yun. Dahil tama sya, hindi ko nga talaga alam kung gaano kahirap ang sitwasyong kanyang pinagdadaanan.
“Jerry……”, at dahan dahan syang lumapit at tuluyang tumabi sakin. Humarap ako sa direksyon ng tv. At sya naman ay nakaharap sakin.
“Hmmmm?”, kinakabahan ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin.
“Jerry.. Sorry.. Hindi ko sinasadya.. hindi..”, at doon, bigla nyang sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. At nagiiyak na sya. Rinig at ramdam sa kaniyang pagiyak ang labis na hinagpis at kalungkutan. Tumutusok naman yun sakin. Naguguilty ako. Hindi na sana aabot pa sa ganto kung mas pinagpasensyahan ko sya. Kaya naman di na rin ako nakatiis. Humarap na rin ako sakanya at kinuha ang ulo nya at niyakap sya ng mahigpit. Hiniga ko ang ulo nya sa kabila kong balikat. Napaiyak na rin ako. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko noong panahon na yun. Malungkot kasi naramdaman ko din ang pangungulila nya sa ama, Nakakaguilty dahil iniwan ko syang magisa ng dapat sana ay inintindi ko sya, Masakit kasi naaalala ko ang ginawa sakin ni Philip. Dun ko sabay sabay na iniyak lahat. Binuhos ko na rin ang totoong nararamdaman. Nang makahugot ng lakas ng loob ay kinalas ko ang sarili sa pagkakayakap at hinawakan ko ng dalawang kamay ang kanyang mukha at sinabing..
“Ssshh.. Okay na yun, naiintindihan kita. Hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pasensya ka na rin sa mga nasabi ko. Dapat mas hinabaan ko pa ang pasensya sayo. I’m sorry. Wag ka na umiyak.. Ssshhh.. andito na ko. Tama na yan.. Bestfriend mo ko diba? Kakampi mo ko. Kalimutan mo na lahat yun”, sinabi ko saknya habang nakatingin ako sa kanyang mga mata. Parehas pa rin kaming umiiyak. Kumawala sya sa pagkahawak ko sakanyang mukha at tumungo.
“Hindi ko narealize na lahat pala ng pinahahalagahan ko ay nawala na. Pati ikaw, nataboy ko na palayo. Patawarin mo sana ako. Hindi ko sinasadya yung sinabi ko sayo. Pasensya ka na at lagi nalang problema ang binibigay ko sayo.”
Mas lalo akong nakonsensya kaya niyakap ko ulit sya.
“Okay na yun bes. Naiintindihan ko ang lagay mo.”
Biglang nakaramdam ako ng pagkaginhawa. Parang may tinik at bara na nawala sa dibdib ko ng magkaayos kami. Sa bawat paghagulgol nya sa akin ay unti unti naman natatanggalan ako ng bara sa dibdib. Pansamantala kong nakalimutan ang nangyari kanina sa sigawan at eksena namin ni Philip. Sa ngayon ay masaya ako nakapag ayos na kami ni Art. Yun ang mahalaga sa akin ngayon.
Maya maya pa ay tumigil na rin sya sa pag iyak. Humarap ito sakin. Medyo umaliwalas na rin angg mukha nya. Pero halata pa rin ang pagkalungkot at pagkahagard.
“Bes, thank you so much.. Maraming salamat talaga..”
“Bes, ako din, salamat kasi andito ka ngayon. Maswerte ako sa katulad mo. Im sorry din sa lahat ah..”
At dun medyo naging okay na. Umayos na rin kami ng upo at nag ayos ng sarili. Maluwang na ang pakiramdam naming dalawa kahit papano. Nakahingi na sya ng tawad sa akin, at ako namay naintindihan ko na ang lahat, at syempre, nailabas ko pa ang emosyon na kanina ko pa dinadala. Maya maya ng makapag ayos si Art ay nagsalita ito..
“Jerry..”
“hhmm?”
“Ah.. kasi may dala ako dito ee.. Ahm.. ano.. kasi.. Bumili nga pla ako ng pangsahog. Pwede mo ba ko ipagluto?”, sabay pilit nyang ngiti sakin.
“Ah ganon?! Aba! Pumunta ka lang pala dito para magpaluto ha! Ganon na lang yun?! Hahahaha!”, natatawa kong biro sakanya. Uli, ay di ko maiwasan di makita ang pagbagsak ng katawan nya. Na sya namang kinalungkot ko. “Akin na nga yan!”, ngiti kong sinabi saknya.
Nang matapos ako magluto ay naghain na ko at sabay kami kumain. Actually, rdinaryong adobo lang naman ang ulam namin kung tutuusin pero parang ang sarap sarap ng kain naming dalawa. Habang kumakain kami ay di ko maiwasan di pagmasdan si Art habang kumakain. Mukhang sarap na sarap talaga ito. Minsan pa’y titingin ting ito at ngingiti. Doon ko naamin sa sarili ko na talagang namis ko si Art. Sa totoo lang, ay di ko lang sya namis.. sobrang mis na mis ko sya. Napangiti na talaga ako.
“Ang sarap mo pa ring magluto. Namis ko to.”, nakangiting sinabi ni Art. Kahit papaano ay bumalik na ang kanyang mga ngiti na isa sa mga namis ko sakanya. Ang pagka isip bata nya at kakulitan nya.
Pagkatapos kumain ay nagligpit naman sya ng pinagkainan namin. Halatang medyo bumalik ang pagkasigla nya dahil kumakanta kanta pa ito habang naghuhugas ng pinggan. Habang naghuhugas sya ay tumawag naman ako sa bahay nila upang ipaalam na nasa bahay ko si Art.
“Hello”, lalake ang sumagot.
“Hello, Kuya George, ikaw pala. Andyan ba si Tita Marissa? Gusto ko lang paalam na andito si Art sa bahay.”
“Naku Jerry. Buti naman at tumawag ka. Hindi kasi namin malaman kung saan nagsuot yang gagong yan. Kanina pa kami nagaaalala nila mama. Buti at nandyan lang pala sayo. Teka, tatawagin ko si mommy.”
“Hello hijo. Anjan ba daw si Art?”
“Yes tita. Nagulat nga ko paguwi ko dahil nasa tapat sya ng bahay at naghihintay. He seems to be fine now. Nagka ayos na rin kami at eto kakatapos lang po naming kumain. Buti nga po at naparami sya ng kain.”
“Thank God he’s ok. Thank you hijo for letting us know. At salamat at di mo pinagsarhan ng bahay mo ang anak ko. Tunay ka nga nyang kaibigan. You don’t know how much this means to us. I don’t know how to thank you.”
“No Tita, it’s all good. I’m sure you would’ve done the same kung ako ang nasa kalagayan niya. I’ll text you tita for any updates. You can rest now tita. Art is safe with me.”
“I know hijo. Thanks so much. Ikaw na bahala kay Art ha. Thank you uli. Goodnight.”
“Opo tita. Goodnight din po.”
Nagsimula at natapos ang gabi namin ni Art na puro tawanan at kulitan. Wala kaming sinayang na oras sa pagbawi sa mga panahong di kami magkasama. Akala mo’y para kaming mga bata na nagkukulitan. Nang medyo napagod at inantok na, ay nagshower na ko at humiga. Akmang hihiga na rin si Art at payakap na sya ng bigla ko syang pinigilan na sya naman nyang kinabigla.
“Art.. pwede ba?!”
“Sorry.. namis kasi kita..”, nahihiya nyang sinabi. Sabay alis sa pagkakayakap sakin.
“Pwede bang maligo ka muna bago yumakap sakin! Ambaho mo na ee! Tska magshave ka na rin! Ang dugyot mo na!”, sabay ngiti sakanya.
Nakita ko ang agaran namang pagliwanag ng mukha ni Art. Para syang batang sinabihan mo na papasyal tayo sa mall basta maligo muna sya. Agad naman ito ngumiti ng malaki at kumamot papunta sa banyo para maligo. Pagkabalik nya ay di ko maiwasan na di mapatitig sakanya. Nakapagshave na ito at muling lumabas ang pagkagwapo nito. Medyo fresh na rin sya tingnan at di na ganun kahagard. Nakatapis pa ito ng towel kaya kita ko sya na half naked. Ang ganda ng katawan nya. Ang puti at ang kinis. Kahit pa ilang araw sya di naligo ay ang bango nya tingnan. Pagkabihis ay agad agad naman itong humiga sa tabi ko at agad agad na yumakap na parang bata.
Sa pagkakayakap nya sakin ay naalala ko bigla ang sinabi ni Philip sakin. Naalala ko kung pano ako sinigaw sigawan ni Philip. Ang galit nya ng dahil sa pagkakakita nyang magkayakap kami ni Art. Muli kong naramdaman ang paglisik ng kanyang pagkakatitig sakin. Bigla akong naging uneasy sa kalagayan naming yun. Mukhang napansin ito ni Art, at tinanong ako..
“Okay lang ba na yumakap? Kung di pwede ay okay lang.”
Sa sinabi nyang yun ay bigla ko rin napag isip isip kung gano kabait sakin si Art, kung gano ko sya namiss, at kung gaano nya pinipilit na maging okay kahit pa alam kong mahirap pa rin para saknya, pero naisip nya pa rin akong lapitan at magpakumbaba.
Umiling ako sakanya at ngumiti.
“Okay lang. Okay na okay.” Sabay ngiti at hinaplos haplos pa ang buhok nya. Wala na kong paki alam sa mga nangyayari. Basta mahalaga, okay na kami ni Art. Nawala na rin sa isip ko ang nangyaring pagtatalo samin ni Art. Sa ngayon, ang mahalaga ay nandyan si Art. Okay na kami.
Sa pagkakayakap sakin ni Art ay naramdaman ko na naluluha nanaman ito. Malamang naalala nanaman ang kaniyang ama. Hinaplos haplos ko naman ang kanyang likuran. Maya maya ay tumahan ito.
Dinalaw na ko ng antok at anytime now is makakatulog na ko ng napansin kong gumalaw si Art. Ang mga kamay niyang kaninang nasa dibdib ko ay nasa mukha ko na. Hinahaplos haplos niya ito. Nagkunwari naman akong nagtulugtulugan at naghintay lamang sa gagawin nya. Naramdaman ko na lang na mas malapit na sa akin ngayon si Art dahil nararamdaman ko na ang hininga nya sa leeg ko. Hindi ako makagalaw. Pero ang mga hininga na yun ay nagdulot ng kakaibang init sa akin. Nakakapangilabot at mapanindig balahibo, pero masarap. Hinayaan ko pa rin sya. Maya maya ay kumilos nanaman ito. Naramdaman kong palapit ng palapit ang mukha nya sakin. Hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin. Una smack sa lips, ang lambot ng lips nya, smack uli pero mejo matagal, Shit, ang lambot talaga. Hanggang nagsmack xa sa pangatlong beses. Medyo mas matagal ito. Ramdam na ramdam ko ang labi nya. Mainit ito, pero ang lambot talaga. Sobra. Sa pagkakatanggal ng kaniyang labi ay naamoy ko ang hininga nya, ang bango. At naramdaman kong mainit yun. Nang akmang halikan nya ko uli ay kumilos na ko para ipaalam na gising ako. Pero di nya na ito pinansin, alam niyang gising na ko, pero pinatuloy nya pa rin akong hinalikan. Sa una ay nakadikit lang ang mga labi nya sakin at nakikiramdam kung papalag ba ko. Pero sa di malamang kadahilanan, hindi ako gumalaw. Gusto ko rin ang mga nangyayari. Kaya di ako kumilos.
Nang mapansin nya na di ako pumalag sa ginawa niyang paghalik, ay unti unting gumalaw ang mga labi nya. Hinahalikan nya na talga ako, torrid ha. Hindi yung smack na ginagawa niya sa akin kanina. Mga ilang sandal pa ay gumanti na ko ng halik. Nilalasap ko ang OA sa lambot nyang mga labi. Nagpapalitan kami ng laway. Ang galing nya magdala dahil minsan, sa sobrang sarap nya humalik ay di ako nakakagalaw. Pumatong na sya sa harap ko upang mas mahalikan niya ako ng mabuti. Napahawak naman ang isang kamay ko sa batok nya at ang isa ay sa mukha nya. Ang sarap niya talaga humalik. Maya maya ay kumalas na sya sa pagkakahalik at humiga ulit ng maayos. Niyakap niya ko ng mahigpit at ginantihan ko naman din yun. Hindi kami nagsalitang dalawa. Basta yun! Nangyari yun. Hindi na rin ako nagsalita. Hindi ko din alam kung bakit. Basta masaya ako at ginusto ko din ang mga halik nay un. Hanggang sa nakatulog nalang kami..
Kinabukasan ay maaga ako nagising upang magluto ng almusal. Pagkaluto ay ginising ko na si Art para kumain ng di kami mahuli sa klase. Pagka gising ko sakanya ay bumaba na ko para ayusin ang gamit nya. Since wala syang dalang uniporme ay pinahiram ko nalang ang akin. Pagka hain ko naman ay nakita ko sya na pababa ng hagdan. HUmihikab hikab pa ito at nagkakamot ng mata. Nang mapansin nya kong nakatingin saknya ya sabay bati sakin ng napakasiglang, “Good Morning!!”
Shit, di ko napigilan di mapangiti. Namis ko talaga yang lintik na good morning na yan. Wala talagang makakakumpara sa “Good Morning” nya. Hays… Pagtapos makapag ayos ay dali dali na kaming umalis papuntang skwelahan.
Nasa daan kami papuntang school ay casualan lang ang pakikitungo naming dalawa sa isat isa. Medyo mas masigla ngayon pero di ko lam bakit. Basta iba. Masaya. :)
Pagdating namin sa skwela ay agad naman napatyo ang lahat at agad syang binati ng tropa. At syempre nila Ben, Leah, at Jenny. Bakas sa mukha nila ang matinding saya dahil sa pagbabalik skwela ni Art. Masaya rin ako dahil alam ko simula ngayon, muli ko nanamang maririnig sa umaga ang maligaya at masigasig na “Good Morning” ni Art, pangungulit nya pagkaupong pagka upo ko palang, ang mga pang aasar nya sa mga kaklase at kaibigan namin, at syempre, ang kanyang pagiging isip bata.
“Nice Job.”, sabi ni Jenny sakin.
“What?! Wala naman akong ginawa.”, ngiti kong sinabi sakanya.
“Yeah right. We all tried talking to him din noh. Pero eto, bigla syang papasok na kasama ka. Do you honestly believe na maniniwala ako na it has nothing to do with you?”, patawang sabi ni Jenny.
Nang magsimula ang lunch break ay naunang bumaba sila Ben, Leah, at Jenny. Hinintay ako ni Art dahil may tinatapos pa ko isulat sa notebook ko. Pagkatapos nun ay lumabas na rin kami. Paglabas ko ng classroom ay nagulat ako sa nakita.
“Philip?”, sa loob loob ko. Nakita ko ito nakatayo sa harap ng classroom nila at nakatingin sa akin. Tila ay may gusto syang sabihin ngunit di nito masabi. Pero imbis na natuwa na nakatingin sya sakin ay bumalik saking ala ala ang gnawa nya saking pangmamaliit. Namuo sa puso ko ang galit. Binigyan ko lang sya ng isang blangkong tingin. At galing sa mga nagungusap na titig ay biglang nag iba ang reaksyon nitom ng biglang sumulpot galing sa likod ko si Art.
“Uy, Philip! Musta?”, masigalng bati ni Art kay Philip.
Ngunit nagulat si Art sa naging reaksyon ni Philip. Tiningnan lang kasi ni Philip si Art at animo’y hindi nya ito kilala. Bigla ko nlng hinila si Art para bumaba na. Hindi pa rin ako umimik. Napansin ni Art na nakasimangot ako at bakas sa mukha ko ang galit. Kahit alam kong gusto nya kong tanungin ay nanahimik na lang muna sya. Naisip din siguro nya na di yun ang tamang oras para magtanong.
Habang kumakain ay kapansin pansin naman ang di ko pag imik. At syempre, di naman ito nakaligtas sa paningin ni Jenny at Leah. Nang di na makapagtimpi pa ay nagtanong na sila kung ano ba daw ang problema ko. Di ko na rin naitago sakanila ang problema ko. Sinabi ko sakanila ang nangyari, pero di naman nila ako hinusgahan o si Art sa nangyari. Dahil sakanila, kung sila din daw ang nasa katayuan ko, ay malamang ganun din ang gagawin nila. Pero nagulat ako sa sinabi ni Jenny.
“Siya pa ang malakas ang loob na ganun ha? Alam mo bilib ako sa guts nya. Lintekk ee!”, iritableng sabi ni Jenny.
“Hayaan nyo na. Hindi sya worth para sa attention.”, sinabi ko sakanila ng medyo pagkabitter.
“Alam mo bes, may naamoy ako na talaga ako dito ha. Hindi ko nga alam sayo bat para kang walang idea sa mga nangyayari ee. Wag ka mag-alala, ako ang bahala.”, sabi ni Jenny sakin. Mejo confused ako sa sinabi nya kaya kinulit ko sya na sabihin yun. Pero sabi nya lang, “BASTA”.
Tumahimik si Art at agad kong napansin yun. Sa loob loob ko, ay malamang sinisisi nya ang sarili nya sa mga nangyayari kaya pinangunahan ko na sya.
“Bes, don’t think too much, di mo kasalanan yun. What happened to us is entirely a misunderstanding. I’m sure marerealize din nya ang mali nya. Besides, I don’t give a damn anymore. Importante sakin, andito ka na ulit, ok?”
Yun ang sinabi ko saknya, pero deep inside, di ko din alam kung ano mangyayari. Maaring tama ako at magkakaayos kami one day, or magiging mas worst, di ko alam. Pero bahala na, ayoko muna isipin.
Dumaan ang mga araw, naging maayos naman halos lahat sa buhay ko. Masaya na rin ako kahit may isang tinik pa ni di nabubunot sakin. Pero di ko na masyado ininda yun. Kung ano man kasi ang ginagawa sakin ni Philip noon ay pinalitan na ni Art. Sinusundo nya ko simula palang sa bahay at sabay kami umuwi sa gabi. Kadalasan pa ay sa bahay na sya kumakain o kaya ay natutulog. Araw araw mas napapalapit pa ko kay Art.
At dumating na ang Marso. Ito ang bwang pinakahihintay naming mga 3rd year. Lahat kami ay sabik na sabik kahit pa usually ay Pebrero to ginaganap. Pero lahat kami ay excited pa rin sa pinakahihintay na..
“Prom Night”
whaaaa! very nice...
ReplyDeletepara akong sumakay sa roller coaster ride of emotions...grabe!
umiyak, natatawa, maiiyak, tapos hahalakhak tapos maiinis kasi sumingit na naman si philip..haist!..
go!..jenny, alamin mo huh...ikaw bahala dyan..hehehe
very well done author^_^
kudos!..
maganda ang flow ng story ...
ReplyDeletepero prang bitin ata ..
next chapter na po ...
tnx sa pagpost
<07>
nakaka excite yung sunod :))
ReplyDeletevery fitting ung sunod na kabanata pra sa mga nakakamanghang mga eksena - Prom night!
nice one uli sir! :)
Buti nalang me update na ang tagal ko ding nag-intay e.
ReplyDeleteAng ganda ng part na to nagkaayos na nga sina Jerry and Art tulad ng inaasahan.Pero bitin naman e Can't wait for the next part.
Ito isa sa gusto kong part wala kasi problema e.
Thanks,
Arl
P.S.
I add you sa facebook pero hindi you naaccept kaya binawi ko hehehe ayaw you ata ako maging friend e...
joke
Kakagising ko lng nung nakita ko to kuya., grabe naiyak ako dun sa first part di ko lam kung bakit :(. Cguro my namiss lng ako at naiinggit ako ky Art and Jerry. Anyway, i'm glad na ayos na ulit silang dalawa..dapt ganyan nmn tlga eh, klangan mo munang hayaang mag-explain yung friend mo before any accusations para magkaayos kayo..and kailangan forgive, forget and move on..kay philip nmn, ndi ko sure, hehe..ewan ko, iba kc ung feeling ko kay philip eh.basta! Hehehe. cno nmn kaya ang mga date nila sa prom?.excited n tuloy ako kuya! Ganda po update na to! :) pero nipaiyak mo ko kya di n tayo bati! Joke. Cnt wait for the next one!
ReplyDeletesalamat at natauhan na c art at maayos na cla uli ni jer.. peo c phil, batid qng gs2 na dn nya mkipag ayos pero angsarap nyang sipain >_> kesa mkipag ayos ms inuna nia selos.. haiz
ReplyDeletebsta aq, tom and jerry pa dn lol
@jojie: PARE KO!!! tnx sayo at nagroller coaster ka nanaman.. hahaha.. ingat lage pare..
ReplyDelete@07: pasensya na po kung medyo nabitin.. abangan nyo nlng po ung mangyayari sa prom sa next part po :))
John: ako din medyo exited na ipost ang susunod. dibale, pilitin ko po gawin at tapusin ito agad para sa inyo pong lahat :))
@Arl: Hahahah.. uu nga noh isa to sa mga chapter na walang problem masyado.. pero salamat na rin po sa pagaantay.. Nako, madami po kasi nagpapaadd sakin Arl, pwd po ba malaman sino ka dun or atleast, send ka po ng message para malaman ko po kung sino ka dun.. :)
ReplyDelete@ace.vince.raven: BUNSOOOOOOOO!!!! Good morning sayo! :) sorry kung napaiyak ka ng kuya pag gising mo palang.. :) ahm.. tama ka sa sinabi mo.. kailangan muna natin hayaan mag explain ang isa para di magulo.. :)) si Philip, ewan ko din saknya. hahahahahaha bwisit noh? kahit kelan tlga.. ahahahhaa
@Rue:Oo nga ee,, salamat at natauhan si Art.. Tara, bugbugin na yan si Philip.. ahehehe.. Tom and Jerry talaga? aheheheheh
Nagsent na po ulit ako ng friend request with message na po.
ReplyDeleteThanks,
Arl
Ok lng po un..lahat nmn ng kuya ko pinapaiyak ako eh palagi akong nitotorture.joke..kapangalan ko pa nmn c philip hahaha kya kainis much! Lol
ReplyDeleteYep! Tom and Jerry talaga ako, kahit laging magkaaway eh deep inside mag-bestfrieds cla at khit kelan d cla naghiwalay :3
ReplyDeleteSige na! Kayo na nagkiss!! XD
ReplyDeleteButi naman nagkaayos na sila, at may bonus pa!
At mukhang sinusuwerte si Art kay Jerry. Pinapraktis na maging maybahay!! XD
Selos lang yan si Philip!
Kudos to you!! :D
:)
ReplyDeletewow buti maayos na si jerry at art... papapansin lnang yan si philip..
ReplyDeleteauthor blisan m yong nxt chapter ah hehe excited ako.
i'm hooked with the story...kudos! Mr. Author..=)
ReplyDelete@Arl: thanks po.. pasensya na uli ha.. :)
ReplyDelete@ace.vince.rave: sino nagpapaiyak sa bunso ko.. lika dito sa kuya.. hug kita.. :)
@Rue: sino pla si tom? ahehehehe.. could it be Art? aheheheh
ReplyDelete@Jack: Hahahaha.. maswerte ba at may tagaluto na.. ahehehehe.. Uu nga.. inggit lang cguro yang si Philip.. hahahaha
@o_0mack^2: :)
nick.aclinen: ahehehe.. sige po.. susubukan ko po bilisan ung next chapter po :))
ReplyDelete@Jeh: im so hooked to you naman.. ahehehehe
Awwe :) hugs kuya ken* :D buti n lng nanjan ka kuya...
ReplyDeletewala yun bunso.. pm ka sakin kung need mo ng kausap :))
ReplyDeleteNaku baka may magalit sakin nian hehehehe
ReplyDeletePero cge, i'll pm you.maybe one of these days heheh or bka mamaya lng lol
ReplyDeleteAdded ka na ba sa fb ko? Di ko sure ee.. add mo ko.. kaso pakilala ka ha.. di kasi ako basta nag aaadd pag di ko kilala or di nagpapakilala.. haheheheheh
ReplyDeletecge add kita kuya hehehe
ReplyDeleteok na bunso.. thanks for the add.. :)))
ReplyDeletehaik kua ken pa add dn ako sa fb hahahahaha. ang galing nyo magsulat idol sana my ganyang talent din ako.
ReplyDeleteocge po.. add nu lang po ako :))))
ReplyDeletecge.... tol. wait papano kita add no email add mo? nakakaexcite yong part 9. hehe... gandahan mo ah.
ReplyDeleteu know what this is d first tyme na magcomment ako d2, pero honestly akoy masugid na nag aabang sa story mo lagi kong inaabangan kung may updates na, i like the flow of story..nka relate ako..from the title itself minahal ni bestfren.. it means si jerry ang nagsabing minahal ni bestfren, at sino ung bestfren nya at kung cno ang minahal? kaya medyo nalilito pa..kaya aabangan ko talaga ito..eheheh nice one mr. author..
ReplyDeleteJhay L
ahaha.. nice1 mr. Author
ReplyDelete@nick.aclinen: you can add me up sa fb account ko. dizzy18ocho@yahoo.com
ReplyDelete@Jhay L: ako po ay labis na nagpapasalamat at ikaw po ay nagbigay commento sa aking story. Hindi nyo po alam kung gaano ko ito naaappreciate ng sobra dahil dito po ako kumukuha ng inspirasyon para gawin ang mga susunod na chapters. Salamat din po at nagusutuhan nyo ang flow ng story. And tama po kayo si Jerry nga po ang nagsabi ng minahal ni bestfriend. Pero kung sino po ang nagmahal sakanya ay abangan nyo na lang po sa mga susunod na chapters. :)))
ReplyDelete@Jeh: hi Jeh.. :)) alam mo natutuwa tlga ako sayo dahil talagang nagbibigay ka lagi ng iyong comment. and everytime na nakikita ko ang pangalan mo ay di ka nabibigong pangitiin ako.:)
sa tuwing binabasa ko ang story mu sir ken d ko mpigilng alalhnin ang highschool..ang drama.action, suspense,comedy romance at ang syang dulot ng highschool life...more power po GODBLESS!!!GLING PAK PAK!!!!-RICH:)
ReplyDeletesa tuwing binabasa ko ang story mu sir ken d ko mpigilng alalhnin ang highschool..ang drama.action, suspense,comedy romance at ang syang dulot ng highschool life...more power po GODBLESS!!!GLING PAK PAK!!!!-RICH:)
ReplyDeleteshock boogie talaga :)
ReplyDeleteLike Like LIKE
And sweet talaga ni Art... sorry na lang si Philip masyado siyang madrama :) hay.... hindi na ako nagtataka sa sinabi ni kuya Raffy... nakakarelate siguro siya dito sa story na tio :)
nga pala.. si Jenny ha... intrigera siya lol
ReplyDeletensan po ung chapter 7 pababa?
ReplyDeletedi ko mkita e....