Tulad po ng naipangako ko sa inyo, ginawa ko na po ang chapter 5 agad.. Pasensya na uli dahil naitutuloy ko lamang ang pagsusulat kapag may extra time ako. Ngunit ipinapangako ko pong tatapusin ko po ito.. At pagsisikapan ko pong mas pagandahin ito para sa inyo.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Though sana walang violent reactions, hehehehe.. :)
Jayfinpa: Salamat po sa pagbasa at pag comment, sobrang naappreciate ko po.. Wag na ikubli pa ang nararamdaman. Isakatuparan na agad agad yan ng maka forward tayo.. :)
MARc: Salamat at nadala ka sa emosyon ng kwento. Nakakatawa nga ee, kasi ako tong nagsusulat pero kinikilig din ako, hahahaha!!
Ace: Slamat uli at nandyan ka para basahin ang kwento na isinulat ko. Masayang masaya ako. P add nmn sa fb.. lol.. :))
russ: Uu nga, nakakatuwa nga clang magbebestfriend dito, kaso umpisa palang po yan.. :)
Jack: Uu nga, dyan nga talaga naguumpisa ang lahat. Sa totoo lang, inspired ang kwentong to sa bestfriend ko. Kambal talaga sila. Yung kambal nya talaga yung gusto ko nung una, kaso dun ako sa isa naging close at nagkaron ng eksena.. LOL
O sya, eto na po ang kwento.. :)))
Beep. Beep.
“Anu ba yan, ang aga aga, may ngtxt. Storbo!!”, una kong reaksyon dahil ala singko palang at mamaya pang 6:30 ang talagang gising ko.. Pungas pungas ko pang kinuha ang cellphone ko dahil inaantok pa tlga ako. “Pambihira namang buhay to oo. Natutulog yung tao eh!”. Pagkita ko ay may 6 na miscalls at 3ng txt na ko. Agad kong binuksan at nabasang,
“Tagal mo gumising kanina pa ko!!”, na kinagulat ko naman at bigla kong narinig na may kumakatok pala. Agad akong bumangon at binuksan ang pinto kahit topless pa ko at nakaboxer na blue lang. Madalas kasi nakahubad talaga ako matulog kahit pa naka aircon ang kwarto ko.
“Good Morning. Tagal mo naman bumaba.” Laking gulat ko ng pagbukas ko ay si Philip pala.
“Oh bes, napaaga ka. Pasensya na, inaantok pa ko eh.” Humihikab kong sinabi habang pabalik sa kwarto at nahiga. Ngunit makulit tlga si mokong at sinundan ako.
“Huy, gising na. Nagdala ako ng almusal para satin dalawa. Alam ko kasi wala ka kasabay sa almusal ee.” Pangungulit na sinabi nya.
“Philip, inaantok pa ko. Cge, kmain k n jan, mamaya pag gising ko sabayan kita. Humiga ka nlng muna jan.”
“Ayoko nga. Gumising ka na! umaga na!!”
“Ano ka ba! Anong oras na kaya ko nakatulog, ginawa ko pa ung project ko noh”
“Pag di ka gumising, kakagatin kita sa pwet”
“Bahala ka dyan”
“I-sa”
“Da-la-wa”
“Tat-lo”
“ABA!!!!”
Napasigaw nalang ako ng isang malaking “AAARRRGGGGHHHHHHH” ng naramdaman kong may nakabaon na mga ipin sa pwetan ko. Parang lahat ng antok ko ay biglaang nawala. Agad akong napahawak sa parteng kinagatan nya ng makawala ako.
“Naknampucha naman oh! Ano ba problema mo?! Nangagat ka pa talga!”, inis kong bungad saknya. Sabi nga nila, biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising. Kaya ayun, pagkagising ko, badtrip na agad ako. Isang malakas na tawa naman ang kumawala kay Philip. Sa inis ko, pinalo ko tuloy sya sa noo na mas lalo naman nyang kinatawa.
“Tawa ka pa dyan ha. Ikaw kaya kagatin ko sa pwet!” sabay kamot sa pwet dahil ang kati na nung parteng kinagat nya. Mas lalo naman sya tumawa ng malakas na tuluyan kong kinainis.
“Kaw naman, tagal mo kasi gumising ee. Sabi ko sau, kakagatin kita ee.” Sabay tawa nanaman ng malakas.
“Asar, may araw ka rin!”, sa loob loob ko.
Pero ang tuluyang nakapagpagising ay hindi ang pagkakagat nya sa aking pwetan kundi ang biglang pagkagulat ko ng bigla nya kong hinalikan sa noo. Ung tipong panakaw ha. Hindi ung dahan dahan na pasweet. Ung talagang mabilisan. Sabay tayo at palabas ng kwartong sinabi, “Naka score nanaman ako! Philip – 2, Jerry – Itlog pa rin! Itlog na nga, bugok pa! Bwahahahahaha”
Nakita ko ang paglabas nya, pero imbis na mainis ay nawala naman ang pagka asar ko at palihim na ngumiti.
Pagpasok ko sa school ay hinatid pa ko ni Philip sa classroom. Pagpasok ko naman ay tila di ko napansin si Art at ang kanyang masigasig na pagbati ng “Good Morning” sabay ngiti ng pagkasigla sigla. Ang pangungulit nya pagkaupong pagkaupo ko palang, at ang isip na bata nyang ugali. Hmmm, parang may kulang sa umaga ko.. Nasanay kasi ako nay un na halos ang almusal ko. Nakakasigla kasi ng araw pag andyan si Art. Kahit pa halos mangulit at mang asar lang sya maghapon, e okay lang sakin. Sa totoo lang, pinapasaya nya talaga ang araw ko, kaya pag wala sya, parang may parte sakin na di kumpleto.
Morning break na naming noon at nakabalik na ko ng classroom ng nakatanggap ako ng masamang balita na namatay daw ang ama nito kaya di nakapasok. Nagulat ako sa nalaman. Hindi ako magandaugagang kakaisip kaya dali dali akong lumabas ng room para tawagan sya pero hinarang ako ng kaklase ko. Kanina pa daw sila tawag ng tawag pero di sumasagot. Pero nagbakasali pa rin ako. Lumabas pa rin ako at tnawagan sya. Nakakadalawang ring palang ako saknya ng bigla syang sumagot.
“Jerry…….. Wala na sya. Tangina. Kailangan kita. Para akong masisiraan, tulungan mo ako..”, umiiyak sya at ramdam ko ang tinding kalungkutan sa boses nya. Alam kong kailangan nya ko kaya sinabi ko na pupunta ako pagtapos ng klase dahil nasa school na ko.
Hindi ko na rin napigilan di umiyak. Sa sandaling pagkakakilala k okay Tito Lance, napalapit na rin ako dito kaya di ako makapaniwalang wala na ito. Halos manginig ang tuhod ko sa pagkumpirma ni Art sakin ng naturing balita. Di ko din maiwasan na di malungkot para kay Art.gustong gusto ko na sya agad puntahan para madamayan sya ngunit nasa loob na ko ng school kaya din a ko makalabas pa. Agad ko ding pinuntahan si Philip sa room nya para ipaalam ang nangyari sa ama ni Art.
“Phil”
“Oh, bakit?
“Si Art..”
“Bakit?! Anong nangyri?”
“Patay na daw ang daddy ni Art.. Si Tito Lance….”, napaluha kong sinabi kay Philip. Bakas din sakanyang mukha ang pagkalungkot . Gusto ko agad makapunta sa bahay nila Art kaya tinanong ko saknya kng anong oras matatapos ang practice nya ngayon. Pero 9pm pa daw ito matatapos. Kaya sinabi ko sakanya na mauuna nalang ako at sumunod nalang sya doon. Kita ko ang pagkalungkot nya dahil di nanaman kami sumabay umalis pero pilit nyang inintindi para kay Art. Tumango lang ito at bumalik na sa loob ng room.
Habang nagkaklase ay di ko maiwasan di magalala kay Art. Pasulyap sulyap ako sa aking cellphone at minsan ay palihim na nagttxt kay Art at nakikibalita, ngunit di naman sya nagrereply. Di pa rin ako mapakali sa aking kinauupuan ng biglang mapunta sa pintuan ng classroom namin ang paningin ko. Nakita kong may pasulyap sulyap at tila ay may hinahanap sa loob ng classroom namin. Napansin ko nalang na sakin pala sya nakatingin at nakita ko. Aba! Si Philip pala! Natatawa naman ako dahil kakaway kaway pa sya. Alam kong gusto nya lang siguraduhin kung okay lang ako. Pilit naman ako sumenyas na bumalik na sya sa room nya at baka mahuli pa sya ng prof namin. Pero ang kulit talaga nito. Mas natawa ako nung biglang sumulpot sa gilid nya ang isang teacher at halatang nagulat ito dahil napatalon pa. Pilit na pilit akong di tumawa dahil baka naman ako ang mapagalitan. Pero sa totoo lang, gusto kong tumawa ng malakas. Ayan, kulit mo kasi. Hahahaha!
Nasa kalagitnaan kami ng lesson ng maisip ko nanaman ang nangyari samin ni Philip. Simula noong niyakap nya ako at sinabing wag ko syang iiwan at sa pagkayakap ko din sakanya at pagbitaw ng katagang, “Oo, di kita iiwan”. Hanggang ngayon ay shock boogie p rin ako at di mawari kung ano nga ba talaga ang nangyari noong gabing yun. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kaya pinagpaliban ko nalang muna at nangibabaw nanaman ang pagaalala ko kay Art.
Pagkauwian ay di na ko umattend ng rehearsal ko para sa Glee Club, nagpaalam ako sa coach namin at agad agad na kong umuwi at nagbihis. Hindi ko maiwasang di magalala para kay Art. Pagkadating ko sa bahay nila Art ay bumungad sakin ang kaniyang ina, halatang halata dito ang pamamaga ng mata at pangingitim ng eyebag dala ng sobrang iyak at pagod.
“Condolence tita. Im so sorry”, mapaluha luha kong sinabi kay tita. Naging malapit na rin kasi sakin ang pamilya ni Art kahit sa loob maikling panahon lamang. Lage kasi akong binibida ni Art saknyang mga magulang kaya madalas pag wala akong ginagawa ay andun ako.
“I know hijo. Hindi na ang iba ang turing namin sau ng tito Lance mo. Buti nakapunta ka”, at agad din ako niyakap ni tita Marissa. Pagtapos ay hinanap ko saknya si Art dahil talagang nagaalala na ko. Napag alaman ko naman na nasa kanyang kwarto ito kaya dali dali akong pumunta doon. Pagpasok ko ng kwarto ay nakahiga si Art at nakatingin sa kisame. Nang mapansin ako ay bigla nalang ito nag iiyak. Agad akong lumapit at niyakap sya. Naramdaman ko ang labis na pagkalungkot saknya. Animo’y isang bata na nawawala sa mall. Sobrang sakit ang nararamdaman nya kaya naman napayakap ito ng sobrang higpit at minsay napapadabog sa likod ko. Napaiyak na rin ako dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan nya. Kung gaano sya ka isip bata pag tumawa at kumilos ay sya rin naman sa pagiyak nito.
“Je..Jerry.. Si Daddy.. bakit.. ok pa sya e.. bat ang bilis..”, nagmamaktol at nagiiyak nitong sinabi sakin. Wala naman akong magawa upang tumahimik sya. Ang tanging nagawa ko na lamang ay yakapin din sya ng mahigpit at haplusin ang kanyang buhok. Ayaw ko rin ipakita na umiiyak ako dahil gusto ko maging matapang para sakanya. Pero ang totoo, sobrang lungkot na din ako. Mismong ako ay parang namatayan din.
Maya maya pa ay dumating na ang iba naming kaskwela at mga kaibigan, lahat sila ay nakiramay sa pagkawala ng tatay ni Art. Lahat kami ay tulong tulong sa pagsisilbi sa mga bisita. Maya maya ay dumating na rin si Philip. Agad naman itong pumasok at niyakap si Tita at si Art.
“Condolence pre..”
“Bawal daw mag thank you,pero masaya akong nandyan ka.”
“Kung may kailangan ka ay nandito kaming mga kaibigan mo para sayo.”
Dito ay hiniling muna ni Art na mapag isa. Kaya’t nagpunta muna kami ni Philip sa labas. Bakas sa lahat ang pagkalungkot, maya maya pa ay nagsimulang dumating ang iba pang kamag anak upang makiramay.Noong gabing yun ay particular na mas malamig ang hangin, ramdam ng lahat ang lamig at kalungkutan ng pagkawala ni Tito Lance.
Napakaraming bisita ang dumating at tumulong ako sa kusina sa pagluluto. Kahit ramdam ko na mejo ang pagod ay ininda ko na lamang at nagpatuloy pa rin. Maya maya pa ay lumabas muna ko ng kusina. Nadatnan ko si Tita at si Art na nasa harap ng kabaong ni Tito Lance. Agad naman akong lumapit at niyakap sila upang iparamdam na ako man ay nagluluksa sa pagkamatay ni Tito Lance.
“Alam mo Jerry, napakabait ng Tito mo. Ramdam naming lahat ang importansya sakanya ng salitang pamilya. Uliran syang ama at asawa. Alam mo ba, hindi na iba ang turing namin sayo ng tito mo dahil simula naging kaibigan ka ni Art ay nakita namin ang pagbabago saknya. Mas naging masiyahin ito at mas nagsipag sa pagaaral.” Sabi ni tita habang umiiyak. Muli, ay nagsalita ito pero humarap sya sakin. “Jerry, ikaw na sana muna ang bahalang umalalay kay Art, alam kong di mo sya papabayaan dahil mabuti kang kaibigan at impluwensya sakanya. Sana pagbigyan mo ako at alam kong yun din ang gugustuhin ng tito Lance mo.”
Hindi ko na naiwasan na magtuloy tuloy ang luha ko sa narinig kay tita. Hindi ko alam na ganun na pala ako kahalaga sakanila at ang taas pala ng tingin nila sakin. Umusbong naman ang emosyon ko na hindi ko dapat biguin si Tita Marissa at ang huling kahilingan sakin ni Tito Lance. Tumango ako at sinabing hindi ko papabayaan si Art. Bigla na rin yumakap sakin si Art at umiyak. Sobrang emosyonal ang tagpong yun.
Sa pagkakayap ko ay nakita ko si Philip na nakatingin sa amin. Nakangiti ito ngunit bakas din dito ang kalungkutan. Pero di ko na pinansin ito dahil masyado kong overwhelmed with the loss of of Tito Lance.
Nagpasya na rin akong dito na ko kaila Art matutulog at uuwi nalang sa umaga para maligo at maghanda para sa school. Total, isang tricycle lan nmn ang layo ng bahay ko kaila Art. Dalawang linggo lang naman ito kaya napagpasyahan ko ito para na rin sa pag ganti sa kabaitan ng pamilya ni Art sa akin.
Kinabukasan pagkatapos sa school ay agad akong umuwi para maligo at magbihis. Pagkatapos ay agad agad akong dumirecho na uli sa bahay nila Art. Agad akong nagmano kay Tita at niyakap si Art. Magsisimula na sana akong magpunta sa kusina para magluto ng nagulat nalang ako ng may narinig akong boses mula sa aking likuran..
“So, you must be Mr. Jerry Cruz.. I’ve heard so much about you..”
(Itutuloy)
kakasad nman ang part nato, nakakarelate ako d2
ReplyDeletekya lng bkit po ang iksi nman ng part nato ..
kakalungkot
Grabe! mixed emotions. I know how Art feels kasi ako rin nawalan ng ama. It took me long time to recover but thanks to friends and family, I was able ot do it :) Kilig naman ako to the max kina Philip and Jerry :)) hahahaha!!! hmmmmm...still can't decide kung kanino ako bot :)) Jerry-Philip or Jerry-Art? =)) hahaha!! great jod mr. Author! keep up the good work :D i'll be waiting for the update :D
ReplyDeleteYeah. So sad no chapter na ito. Sino kaya ang nagsalita? Hmmmm. Nxt cahpter na...
ReplyDeletecondolence to art...ramdam ko din kasi ang mawalan ng isang ama..
ReplyDeletei know philip will understand Jerry
teka sino naman kaya ang nagsalita sa likod ni jerry..ummmm author another guy? HOOOO MAY GAD
Grabe para akong abnormal dito, kanina kinikilig kilig ako tpos nakangiti, tpos maya maya umiiyak n ko sa sobrang lungkot ng nangyari..
ReplyDeleteAnyway, great story kuya ken. (kuya agad? Feeling close?) Lol. :)
I'll be waiting for the next chapters! :)
sundan agad ito.. nakakabitin.. nakalimutan ko na nasa office pala ako at dapat nagwo-work, pero inuna ko pa ang magbasa hahaha.. Nice story, galing mo sir..
ReplyDelete@Anonymous: pasensya na po.. Gusto ko po sana kasi dahan dahanin para maging clueless kayo sa mga susunod na eksena. Gutso ko po sanang maging unpredictable ang mga susunod na scenes.. peace :))
ReplyDelete@MArc: Truly, mahirap tlga mawalan ng loved ones. Nakakarelate din ako kasi may nwala sa buhay ko na sobrang close sakin.. family member din sya at sya lang talaga ang nsasabihan koo ng probs. HHmmmm,, dbale, tulungan kita sa pagdecide kng kanino ka boboto para sa ating bida.. :))
@wastedpup: Hmm.. sino nga kaya siya? :)))
@russ:sana nga magiging madali para sa ating bida ang mga sumunod na eksena.. :)
@ace.vince.raven: Im glad nafeel mo yung emosyon na gusto ko ibigay sa readers :) kahit ako ay minsan ay kinikilig sa aking pagsusulat.. :) Sure, you can always call me kuya.. :) what shall i call you then? :))
Haha you can call me vince kuya ken hahah :)
ReplyDeleteokay bunso :))
ReplyDeleteAwwe :)
ReplyDeletealam mo....i like how you write it....its subtle kahit mabigat ung scene.....nakakadala.....sabi ko nga sayo iiyak ako sigurado nyan eh.....i think i know na ur character ken....ur light hearted...you keep things going kahit minsan masakit....ikaw author nito eh....at yan ang salamin ng buhay mo.....hindi pa ako nawawalan ng isang loved one...kaya siguro hindi buo emotion ko....pero i so love it.....
ReplyDeleteNICE PLAY OF EMOTIONS.......
@o_0mack^2: i like to keep it with the highschool aura.. ayoko maging hard at matured ang mga scenes. Since highschool pa lang naman at yun ang gusto ko din mafeel ng lahat. Ayoko madaliin ang maturity ng mga characters, highschool life kasi, eto ang part ng life natin na di natin makakalimutan.. :)
ReplyDeletenice. mixed emotion ako ngayon. hmmm.. i lyk it .. galing m author........
ReplyDeleteHayst! Nadadala na ako ng kwento. :) I really like it! :D
ReplyDelete-SLUSHE_LOVE-
i like it na rin :) Buti naman keri lang kay Philip na matulog siya kina Art. Kawawa naman si Art.
ReplyDelete