Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) I'm 16 years old. I'm currently here in US, and still in highschool, bummer. This is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)
*any resemblance in this story is just coincidental.*
Format:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip
sana po maintindihan niu ang format :)
PS: Thank you po ng marami kay kuya mike for letting me post this story here in MSOB. Thank you thank you po!!!
Episode 1 - The Dream Boy
---------------------------------------------------
Nakita ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang kagubatan. Hindi ko alam kung bakit ako nandoon kaya sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari sa akin. Ngunit kahit paanong isip ang gawin ko'y wala akong maalala sa mga nangyari. Ang naaalala ko lamang ay nakatulog ako kagabi at paggising ko'y narito na ako sa gubat na ito.
Kinidnap kaya ako at ipinatapon dito?,tanong ko sa aking sarili. Wala naman akong maalalang nagawan ko ng masama para gawin saakin ito. Pero paano nga ba akong napunta dito? panaginip lang kaya ang lahat ng ito?
Gaga! nasa Planet of the Apes ka! ,sabi ng isang boses sa aking isip.
Bugak! Nasa Forks ka! Yung sa Twilight?, sabi naman ng isa.
Lumingon ako sa aking paligid at may nakita akong lalaking nakatayo di kalayuan sa aking kinatatayuan. Noong una'y natatakot pa akong lumapit sa kanya ngunit noong ako'y malapit na sa kanya, pakiramdam ko'y kilala ko siya. Lumapit ao sa kanya at hinawakan ang kanang balikat niya para ibaling ang kanyang katawan paharap sa akin.
"Excuse me po kuya, pwede po bang---"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng pagharap niya'y bigla niya kong hinalikan sa labi. Nagulat ako ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinulak papalayo sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking utak at pumikit pa ako nung hinalikan niya ako.
Mukang sarap na sarap ka huh?., sabi ng mataray na boses sa aking isip.
Bigla naman akong kumalas sa aming paghahalikan at nang imulat ko ang aking mga mata'y nakita ko ang isang gwapong lalaki sa harap ko. Nakangiting makapanlaglag ng underwear at nakatitig sa akin. Well-built ang kanyang katawan. Maputi ang kanyang balat, itim ang kanyang semi-kalbong buhok, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at gray ang kanyang mga mata.
kilala ko siya. "Alastair". Nasambit ko ang kanyang pangalan at biglang nagliwanag ang buong paligid.
Nagising ako. Panaginip lang pala. Pag-lingon ko sa aking kaliwa, nagulat ako sa aking nakita.
"Kuya Van! bakit ka nandito? Anung ginagawa mu dito?". Ang kabado kong pagtatanong.
"O teka lang isa isa lang ang tanong.", huminto siya bigla at tumawa. "Nandito ako para sana yayain kang lumabas. Pinapasok na ako ng mommy mo sa kwarto mo para na rin daw ako na ang gumising sa'yo."
Namesmerize naman ako sa kagwapuhan niya kaya hindi ako kaagad nakasagot.."ahh o-ok. San naman tayo pupunta?", tanong ko sa kanya.
"Sa mall. teka, nga pala, pagpasok ko dito sa kwarto mo kanina, narinig kong tinawag mo ang pangalan ko. sabi mo pa nga, 'Alastair'. kaya ako lumapit sa'yo dahil akala kong gising ka na. Ngunit hindi pala. Nanaginip ka pa pala." tumawa siya. "Ikaw ha, hanggang sa panaginip ba naman eh ako parin ang iniisip mo?" sabay ng nang-aasar na ngiti.
"Ano? anong sinasabi mo?" sa loob loob ko'y sana hindi ako nag-bblush. "Ikaw ang kapal mu talaga! Guniguni mo lang iyon!" ,palusot ko.
"Naku naku!", sabi niya na parang inaasar pa talaga ako.
"hmmmpt!" na lang ang aking nasabi.
Napansin niya yata na naaasar na ako kaya naman sinimulan niya akong lambingin.
"Bunso,. Sorry na.." ang sabi niya sabay nang maamong mukha na nangungusap para siya'y patawarin.
"whatever." ang sabi ko.
"Av, bunso.sorry na." sambit niya ulit. and this time, nakaakbay na siya sa akin.
Ui kinikilig! nakakakilig naman kayung tingnan para kayung magjowa! ,sabi ng nakaka-ruin ng moment na boses sa aking isip.
Kinikilig naman talaga ako. Hindi ko lang iyon pinahalata dahil ayokong malaman niya na may tinatago akong nararamdaman sa kanya. "O sige na Mr. Vince Alastair Nathaniel Romero. Maliligo na po ako at para makaalis na po tayo.hintayin ninyo na lang po ako dito." ang parang sarcastic na sagot ko sa kanya. Pasalamat ka gwapo ka at malakas ka sakin kung hindi, naku!! arrgghh.
"Ok. bilisan mu lang po Mr. Ace Vince Raven Lopez at baka abutan tayo ng pag-sasara ng mall sa sobrang bagal mong maligo at gumayak." ang sarcastic naman niyang sabi saakin at pagkatapos ay tumawa.
Tumayo ako at padabog kong tinungo ang banyo sa aking kwarto at saka lumingon sa kanya at binigyan ng isang masungit na tingin tsaka tuluyan nang tinungo ang banyo para maligo.
-------------------------------
Nga pala, ako nga pala si Ace Vince Raven Iglesias Lopez. ako man ay nagulat nang sinubukan kong isulat ang aking initials ay ang lumabas ay "AVRIL". Nagtaka tuloy ako kung sinadya ba ito ng aking mga magulang o hindi. Anyway, "Av" ang tawag saakin ng aking mga kaibigan at pamilya, kumbaga, "A" for Ace and "v" for Vince. Samantalang ang iba naman ay either "Ace", "Vince", or "Raven". Sa dami naman kasi ng pangalan ko, pati ako rin ay nalilito na. hahaha. 16 years old pa lang ako at nag-iisang anak ng aking mga magulang na sina Vincent Lopez at Rosalie Lopez. May-kaya ang aking pamilya.
Si kuya Van naman o si kuya Vince Alastair Nathaniel Bernado Romero naman ay ang aking pinakamatalik na kaibigan na parang magkapatid na kami kung magturingan. Nag-iisang anak din siya ng isang may-kayang pamilya. Magkaklase kami sa isang unibersidad. Mas matanda siya saakin ng isang taon kaya naman kuya ang tawag ko sakanya at bunso naman ang tawag niya saakin.
Paano nga ba kami nagkakilala??Hmmm..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
until the next episode.lol.
Av.
Episode 2 - The First Encounter
-----------MEMORY RECALL-------
4th year highschool na ako nuon. Ilang buwan na lang ay ggraduate na ako. President ako ng Student Council sa aming paaralan. Matalino, cute, at mabait. Yan ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa pag-dedescribe sa akin. Syempre kahit totoo, hindi ko namn iyon pinagmamayabang.
Naku! eh panu kasi hindi ka gwapo! maganda ka! singit ni Amor Powers, este yung isang boses sa aking isip.
Tumigil ka nga! Bakit ka nga ba nasa loob ng utak ko? sabi ko na lang.
Ngunit hindi naman ulit sumagot si Amor este ang boses.
It was a hot day. Unusual ang araw na ito dahil kahit December na ay biglang uminit. Epekto siguro ito ng tinatawag nilang climate change. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway nuon ng aming building sa second floor papunta sa office ni Mr. Philip Maglaque, ang adviser ng Student Council. May mga isusubmit kasi akong mga files tungkol sa huling project ng Student Council bago mag-graduation and end of school year.
Sa pagmamadali ko'y hindi ko napansin na basa pala ang sahig at bigla naman akong nadulas.
"Ay sh*t!" ang bigla kong sigaw. Tumilapon ang mga hawak kong files sa sahig.
Nagulat naman ako dahil may nakasapo sa akin. Nang tingnan ko kung sinu ang nakasapo saakin, nakita ko si Van, ang sinasabi nilang campus crush at basketball hunk superstar. Bigla naman akong napatitig sa mga gray na mata niya na napakaganda.
"Ok ka lang?" ang sinabi niya na mapapansin ang paghabol ng hininga niya na sa tingin ko ay dahil sa mabilis niyang pagkilos para masapo ako.
Ambisyosa! singit naman ng boses sa ulo ko na panira talaga ng moment.
"O-okay lng n-naman ako." hindi ko alam kung nanginginig ako sa takot o dahil nanginginig ako sa kilig.
Tinulngan niya akong makatayo. "Ikaw naman kasi , hindi ka tumitingin sa dinadaanan mu. Yan tuloy nadulas ka, buti na lang nasapo kita kaagad." sabi ni Van sabay bitiw ng isang makapanlaglag ng underwear na ngiti.
"S-sorry, and thank you na rin sa tulong mo." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, chaka ko pinulot ang mga nakakalat na files sa sahig. Buti na lang ay hindi ito bumagsak sa basang parte ng sahig. Whew! pinaghirapan ko ito buong gabi. Buti na lang hindi nasira.
"Tulungan na kita." sabi niya na nakingiti sa akin. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso.
"O-ok s-salamat". Napangiti na rin naman ako sa kanya na may halong kaba sa aking loob. hindi ko naman maintindihan kung bakit ganoon ang aking nararamdaman.
Nalove at first sight ka teh! sabi ng boses.
Tumahimik ka nga! ang tugon ko naman. Ang hindi ko alam ay nasabi ko pala iyon ng totohanan.
"Hah?" tanong ni Van na may lito sa kanyang mukha.
"W-wala. sorry. and thanks". palusot ko na lang.
"Vince!" napalingon naman kaming dalawa papunta sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Si Coleen. Siya ang bestfriend ko.
"Yes?" sabay naman naming tugon ni Van. Nagkatinginan kaming dalawa na may pagtataka.
"Uhmm sorry Van nakalimutan ko Vince nga rin pala pangalan mo." ang sabi ni Coleen na medyo kinikilig pa. "Etong bestfriend ko ang tinatawag ko. I'm Coleen nga pala." sabay abot ng kamay niya kay Van. Kinamayan naman siya ni Van.
"I'm Van, nice meeting you." sabi niya.
Natulala naman si Coleen na parang statwa na nakatayo sa hallway.
Bigla ko namang naalala na may isu-submit pa kong files kay Mr. Maglaque at baka mapagalitan pa ako nuon kapag hindi ko naisubmit agad. "Ay bes(Coleen) halika na pala kailangan ko pang ipasa tong mga files na to kay Sir Philip. Halika na wala na kong time."sabi ko kay Coleen.
Hinila ko na kaagad si Coleen at kaagad kaming naglakad. Lumingon ulit ako at sumigaw, "Thank you nga pala ulit!" sabay ngiti at tumalikod na patungong office ni Sir Philip. Naipasa ko naman ang files namin at bumalik na kami sa classroom ni bes.
Pagkaupo namin sa upuan, bigla akong kinurot sa tagiliran ni Coleen. "Aray! Para saan yun?!" ang sabi ko na may halong pagkainis.
"Ikaw bes ha, hindi mu sinasabi." ang pang-aasar niya.
"Ano? ano bang hindi ko sinabi sayo? alam mu kaya ang lahat ng tungkol saakin." ang tugon ko sa kanya.
"Anong meron sainyu ni papa Van ha? Ikaw ha? ayiiie!"
"Abnormal ka! kanina ko pa nga lang nakilala yung tao eh! ano ka ba! tumahimik ka nga baka may makarinig sa'yo niyan eh!" ang mejo pagalit na sabi ko sa kanya.
"Ashhooo! ay teka nga pala, napansin ko,." sabi niya,.
"O anu nanaman?"
"Parehas kayung Vince! Ayiiiee! meant to be!" sabay tawa niya at kinikilig kilig pa.
Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi. Naku kunyari ka pa eh kinikilig ka rin naman! sabi ng boses. Hay nako, ewan.whatever.
Natapos ang klase namin na tinutukso pa rin ako ni Coleen sa pag-lilink niya sakin kay Van. Hindi ko naman iyon pinapansin. Palabas na kami sa gate nuon may tumawag sa aking pangalan.
"Vince!" napalingon ako at nagulat ako nang makita ko kung sinu ang tumawag saakin.
"Van!" excited na pasigaw ni Coleen.
"Yes? Can I help you with something?" ang pormal na pagbati ko sa kanya.
"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa iyo. Ako nga pala si Vince Alastair Nathaniel Romero, but you can call me Van for short" sabay abot ng kanyang kaliwang kamay at nakangiti sa akin,.
Para naman akong napako sa pagkakatayo ko at buti na lang napansin iyon kaagad ni Coleen at siniko niya ako ng marahan sa tagiliran.
"A-a I'm Ace Vince Raven Lopez, nice to meet you." sabay abot sa kanyang kamay at ngumiting pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kuryente akong naramdaman nuong hinawakan ko ang kanyang kamay na imbis na masaktan ako ay nakaramdam pa ako ng kiliti. "You can call me Av for short."
"Nice to meet you too Av."
At tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "Sige Van, see you around!" Ngumiti naman siya at tumango siya.
At iyon na pala ang simula ng isang magandang pagkakaibigan,.
--The next day, sa lunch room---
Nakaupo kami ni Coleen sa isang rectangular table na pang-apatan malapit sa bintana. Ako ang pumili ng lugar na iyon dahil sa gusto kong kumbaga isolated sa iba.
Ang arte ha.may isolated pang nalalaman. Landi mo teh!
Shut up!
Anyway, habang kumakain kami, nagulat na lang ako ng lumapit sa amin si Van. Nakita ko na siyang papalapit sa amin pero hindi ko siya pinansin and hindi ko naman inaasahang pupunta siya sa amin.
"Hi! Pede makiupo?" ang nakangiting tanong niya sa amin.
Hindi naman ako nakasagot agad.
"Sure!", sagot ni Coleen na abot tenga ang ngiti.
Nagulat ako ng tumabi siya sa akin dahil inaasahan kong kay Coleen siya tatabi. Napatitig tuloy ako sa kanya habang ibinababa niya ang kanyang tray ng pagkain. Napansin naman niya ang pagtitig ko.
"Oh, may dumi ba ko sa muka Av?" tanong niya.
"W-wala wala." sabi ko na lang.
Nagkakwentuhan kaming tatlo. Nag-usap usap ng mga kung anu-anu. Eto namang si Coleen, parang gustong isulat ang biography ni Van dahil sa lahat ng bagay ay tinatanong niya. Para ngang autograph book eh, mula sa name, hanggang sa favorite color at define love. charot. haha.
Naging close kami sa isa't isa dahil sa nagkakasabay kaming kumain sa lunch.
Which makes me think, bakit nga ba parang biglang nakipagkaibigan sakin este samin, tong mokong na to? Ang dami dami namang tao, bakit kami pa?
Alam mo, blessing yan kaya wag mu nang tanggihan! Jojombagin kita jan eh!
Gaga! siyempre curious lang ako.
Isang araw, napag-isipan ko na lang na wag mag-lunch sa canteen at magstay sa isang park malapit sa school. Nakaupo ako sa isang bench habang kumakain ng french fries at pinapanood ang mga batang naglalaro doon. Sobrang naaaliw ako sa mga batang naglalaro doon. Ang cute kasi nila. Napansin ko rin ang mag-kuyang nagkukulitan sa isang bench malapit sa akin. Naisip ko tuloy,
Ang sarap siguro ng feeling kung may kuya ka noh? haay.
Sige mangarap ka lang.
Haaay.
Habang nasa ganoon akong moment. Nagulat ako ng may tumapik sa aking balikat. Si Van.
"Huy! Mukang seryosong seryoso ka jan ah. hehe." sabi niya.
"O, ikaw pala Van. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Hinahanap kasi kita. Eh sabi kasi ni Coleen, nandito ka daw. Kaya pumunta ko dito." sabay ngiti.
"Bakit mo naman ako hinahanap? Namiss mo ko?" sabay tawa. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinilig naman ako nung sinabi niyang hinahanap daw niya ko.
Assuming! Conceited much?
"Hmm..parang ganoon na nga.hehe." sagot niya sabay bitaw ng makapanlaglag underwear niyang ngiti.
Ayiiiiee!!! kinikilig siya! Ikaw na! sige na!
Anu raw? OMG, sana hindi ako nag-bblush!
Tahimik.
"Uhhmm. Van, may tatanong ako sa'yo." ang pambasag ng tahimik na tanong ko sa kanya.
"O anu yun?"
"Bakit, bakit sa dinami daming tao sa school, bakit ako ang kinaibigan mo? Sikat ka naman,habulin ng babae, maraming mga taong mas ok kaysa sakin,.pero bakit ako?" tanong ko sa kanya.
"Bakit mo tinatanong yan? Ayaw mo ba kong maging kaibigan?"
"Hindi naman sa ganoon,. Nacurious lang ako."
"Hmm..Wala lang. Kasi iba ka. iba ka sa mga tao sa school. Mayroon kang isang bagay na marami sa kanila ang wala." sabi niya sa akin.
"Anung bagay?" ang curious na tanong ko sa kanya.
"Basta. Iba ka. yun na yun. ok?" tugon niya ng nakangiti.
"Ok". yun n lng ang nasagot ko.
Napatingin ulit ako sa mag-kuyang nagkukulitan. Napatingin din si Van sa kanila.
"Nakakainggit sila noh? Sana may kapatid din ako." sabi niya. Naalala ko na naikwento niya sa amin na nag-iisang anak din siya. Tulad ko. Nangungulila din pala siya sa isang kapatid.
"Oo nga eh." sabi ko na lang.
Tumingin siya sa akin. "Oh bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya. Nakakatunaw ang mga tingin iya kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Gusto mo ng kapatid diba?" tanong niya ng nakangiti.
"O-oo.Sana. Bakit?" sabi ko.
"Edi ako na lang. Tutal wala din naman akong kapatid. Edi tayo na lang." Nakangiti siya sa akin.
Well wala namang masama diba? Why not?
Naku! Kunyare pa, gusto mo naman kasi mas magiging close kayo.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Yes!" ang tuwang-tuwa niyang pagkakasabi. Inakbayan niya ako. "Simula ngayon, magkapatid na tayo. Kuya na ang tawag mo sa akin dahil mas matanda ako sa'yo at ikaw naman ang bunso ko." Nakatingin siya sa akin at nakangiti.
"Opo kuya." tumawa na lang ako. At iyon, officially, magkapatid na kami. hahaha.
Sabay rin kaming umuwi dahil sa napag-alaman naming on the way pala papunta sa bahay nila ang bahay namin. Lagi niya akong hinahatid sa bahay na parang isang napaka-thoughtful na kuya.
Isang araw nga ay noong magkasabay kaming umuwi ay nakita siya ng aking mommy nang papasok na ako ng gate sa aming bahay.
"O anak nandito ka na pala" ang pambungad sa akin ni mommy.
"Hi mommy," hinalikan ko si mommy sa pisngi at napansin ko na napatingin ito kay Van. Si Van kasi ang pangalawang kaklase ko na dinala sa bahay. Ang una ay si Coleen. "Ay mommy, si kuya Van nga pala, kaibigan ko po.schoolmate ko rin po siya sa school,."
"Good Afternoon po Mrs. Lopez!" ang bati ni Van.
"Tita na lang. Tita na lang ang itawag mo sa akin. Magkaibigan naman kayo ng anak ko kaya parang anak na rin kita. Good afternoon din anak,." sabay ngiti nito kay Van."Halika at pumasok ka sa loob."
Napatingin sa akin si kuya Van na parang tinatanong sa akin kung ok lang ba saakin. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin at tumango naman ako.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Nagpaalam naman ako kay mommy na pupunta lang ako sa aking kwarto para magbihis. Niyaya ko rin naman si Van para na rin makita niya ang kwarto ko.
Nang makapasok na kami sa kwarto ay agad kong ibinaba sa isang tabi ang aking mga gamit at kumuha ng mga pamalit na damit sa cabinet.
"Ang yaman niyo pala bunso!" ang sabi saakin ni kuya Van na may pagkamangha sa kanyang mukha.
"Hindi naman po. kunti lang" saka ko binitiwan ang isang ngiti. "Sandali lang kuya ha? maliligo lang ako saglit."
"Ok" ang tugon ni Kuya Van.
Pagkatapos kong maligo, nagpalit na ako at niyaya ko na siya sa baba dahil tinawag kami ni mommy at kakain na daw. Kumain kami sabay sabay. Ipinakilala ko na rin si Kuya Van kay Daddy. After namin kumain ay nagpaalam nang umuwi ni Kuya Van.Hinatid ko siya papalabas ng gate.
"Ingat ka kuya ha?" ang sabi ko sakanya.
"Sige, sabi mu eh." sabay bitaw ng kanyang killer smile.
Para naman akong mamatay sa kilig nang nakita ko iyon. Buo na kasi ang loob ko na lalaki talaga ang nagpapatibok sa aking puso kaya hindi ko na maikakaila na kinikilig talaga ako.
Ambisyosa! echoserang frog! sabi ng boses sa aking utak.
Whatever. sabi ko na lang.
"Sige bbye na at baka gabihin pa ko ng tuluyan. Bye bunso."
"Bye Kuya".
Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap. Nang kumalas kami sa pagkakayap sa isa't isa'y napangiti na lang kami at nagsabihan ng "Good night!"
Tuluyan nang umalis at umuwi si kuya Van.
Hindi pa rin ako makatulog ng gabi na iyon dahil iniisip ko pa rin ang pagyakap sa akin ni Kuya Van. Naramdaman ko ang mga muscles niya sa katawan nuong niyakap niya ako.
Ang sarap palang yumakap ni Kuya! ang sigaw ko na lang sa loob ko.
-------------------------------------------------------------
Until the next episode :)
Av.
Episode 3 - Who's That Chick?
Episode 3 - Who's That Chick?
-------------Back to the present--------------------
Nasa ganoon akong pag-i-imagine sa loob ng banyo nang biglang may kumatok.
(Knock.Knock.Knock)
"Bunso anu ng nangyari sayu? Kinain ka ba ng bowl? Nakatulog ka na ba sa bathtub? Nalunod ka na ba? Hahaha!" ang sabi ni kuya Van pagkatapos ay tumawa siya ng malakas.
Shakin my head. Tsk. Tsk. "Malapit na pong matapos, saglit lang po." ang sarcastic kong sagot. Buti na lang ay nadala ko na kaagad ang mga damit ko sa loob ng banyo kaya duon na rin ako nakapagpalit. Paglabas ko ng banyo ay nakabihis na ko.
"Wow! Fresh na fresh ang bunso ko! Pakiss nga!" sabi ni kuya.
"Yuck! Kiss-kiss mu sa pader!" sabi ko sa kanya sabay tawa.
Naku! kunyari ka pa eh! pakipot ka pa! eh gusto mo rin naman! hahaha., sabad ni kontrabida.
Tumigil ka nga! wag mo kong iladlad! gusto mo tadyakan kita jan?. sabi ko sa boses sa aking utak.
Sige try mu! kung kaya mo! hahah.
Hayy nako.. Anyway, back to the real world.
"Kiss lang naman ah. Wala namang malisya, parang magkapatid naman tayu ah. Unless,." sabi niya sabay bitaw ng isang devilish smile.
"Unless ano? ano na naman?" sabi ko sa kanya na medyo may kaba inside of me.
"Unless hindi kapatid ang turing mu sakin." again, with the devilish smile.
"Tigilan mu nga ako!" sabi ko sa kanya at tumalikod sa kanya para humarap sa salamin. Kinuha ko ang clay doh at nag-ayos na ako ng aking buhok. Niyakap niya ako sa likod na ikinagulat ko naman. "Oh anu nanamang drama yan?"
Ayiiee! kinikilig siya! sabi ni maldita. Che! inggit ka lang! sabi ko naman sa kanya.
"Av, hindi mo na kailangan pang itago sa akin. Alam ko na." sabi niya na nakatingin sa salamin habang yakap pa ko at ngumiti sa akin.
"A-ano? anung pinagsasasabi mo?" Bumilis ang tibok ng puso ko. OMG! Don't tell me na alam na niyang ako'y isang girlalush?! No! baka pagnagkataon layuan na niya ko! OMG! gosh Lord, please wag naman sana.
Hahaha! Buking ka na! Lagot ka!
"Alam ko na, na bakla ka. Matagal na.Pero wag kang mag-alala, ayos lang sa akin yun. Basta wag ka lang ma-i-inlove sakin." sabay tawa niya.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ng isa kong kamay ang kanyang pisngi at ang isa namay inilapat ko sa kanyang machong dibdib. "Talaga? Alam mu na?", ang pag-lalanding sinabi ko sa kanya,.Hinaplos ko ang kanyang mukha at saka itinulak siya palayo sa akin. "Um! Bakla ka jan! Baka ikaw! hahaha"
Tumakbo ako papalabas ng kwarto at hinabol niya ako hanggang sa baba. Nakorner niya ako sa isang sulok kaya hindi na ako lumaban pa.
"O-ok sige na, you win.a-ayoko na" hinahabol ko ang aking hininga.
"Haha! Lagot ka sakin ngayun!" he showed his devilish smile and then sinimulan niya akong kilitiin.
"Kuyaaaaaaaaa!!! Tama naaaaa! hahaha!"
Nilock niya ako gamit ang kanyang mga kamay. Tinulak niya ako sa pader at nagkaharp kami. hawak ng dalawa niyang kamay ang aking mga kamay at inilapat iyon sa pader."Umamin ka!"
"Ano...bang...aaminin...ko...eh hindi...naman...talaga!" na medyo pagalit na sabi ko sa kanya habang hinahabol ang aking hininga..
Nag katitigan kaming dalawa. Ang lapit lapit na ng mukha niya sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Nakapikit ako nuon.
"Huy!", sabi niya sabay tulak sa aking noo. "Nagdday-dreaming ka na naman!"
Hahaha ambisyosa talaga tong bakla na to. sabi ni maldita.
Guniguni ko lang pala na naghalikan kami. Sayang! joke. sana hindi ako nagbblush! Hindi pa rin ako makaimik.
"Halika na nga! punta na tayo sa mall!" ang pangyayaya niya sa akin.
I still feel weak after what he did. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko.
"O, kailangan mo ng tubig? Gusto mo uminon ka muna?" ang concern na tanong niya.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, pagkatapos ay pumunta na ako pabalik sa kanya para kami'y makaalis na kami.
Sumakay kami sa tricycle. Habang nasa loob, tahimik lang kaming dalawa habang nakikinig sa aking iPod.Tig-isa kami ng earphone na nakalagay sa tenga.
Ayiiieee! Ang sweet naman nila!
Shhh! Tumahimik ka!
Habang tumutugtog ang kantang to:
Bigla naman akong nakatanggap ng text message. Galing kay Coleen.
--------------------------------------------------------------
Coleen: Oi bes! busy ka? Labas tayo!
Me: Ah eh, papunta n kc aq ng mall ngaun eh kxma si kuya Van. Sowee pde nxt tym n lng? :(
Coleen: Ayiiiee! may d8 sila!! O cia cia, cge nxt tym n lng. enjoy sa date niu! :D
Me: IT'S NOT A DATE! lol. anyway, sowee tlga.
Coleen: Ok lng.cge! ingats!
----------------------------------------------------
"O sinu yang katext mu?" tanong ni Kuya Van.
"Ah. Si Coleen, may tinanung lang." sagot ko naman.
"Ah ok." sabi na lang niya.
Pumunta kami sa mall. Habang naglalakad kami ay naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin. Nakakabit pa rin sa tenga namin ang mga earphones.
Ayiiiiee!!! Napakasweet niyo naman! Ang ganda niyung tingnan! Para talaga kayung Mag-jowa!
Which is totoo naman. Mukha naman talaga kaming mag-jowa sa set-up naming iyon.
"O anung drama to?" tanong ko sa kanya. nakatingala ako dahil mas matangkad siya saakin.
"Wala lang. Bakit hindi ba pwede?".ngumiti siya sa akin.
Hindi na lang ako sumagot.
Maya-maya'y nagulat na lang ako nang hinalikan niya ako sa noo.
"O para saan naman yun?"
"Wala lang din. Bakit hindi pa pwede?" nginitian niya ako.
Tinanggal ko ang pag-kakaakbay niya saakin at humarap sa kanya. "Kasi po Mr. Van Romero, inappropriate po yung ginagawa niyu sa akin. Ano ko? girlfriend mo? Hello?"
He gave me a sweet smile. "Ok po. Sige na halika na, baka nababagot na yung naghihintay satin."
"Naghihintay? sino?" tanong ko sa kanya because I really have no idea kung "sino" ung naghihintay sa amin,.
"You'll see." sabi niya at nag-umpisang maglakad.
Walang masyadong tao sa mall kaya hindi naman mahirap maglakad. Napansin ko rin ang mga taong nakatingin sa amin.
Naririnig ko na lng ang mga tao na nagsasabi :
"Ang cute naman nung dalawang iyon, mukang mga artista!"
"Ang gwapo naman ng dalawang to!"
Nakarating kami sa second floor. Malapit na kami sa Mcdo nang naaninag ko ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa labas ng Mcdo. Kumakaway siya sa amin. Nang malapit na kami ay tsaka ko lang naalala kung sinu siya.
Si Jenny.
---------------------------------------------------
Until the next episode,
Av.
very cute!
ReplyDeleteromero? awts! auq ng last name na un lol
ReplyDeleteinuumpisahan q lng bgo q bsahin ung season2, auq maguluhan ei x3