By: Mikejuha
email: gemtbyox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
-------------------------------------------------------------------------------------------
Basil Valdez - Mahiwaga Mp3
Mp3-Codes.com
Alas 9 ng umaga at maulan-ulan. Tila nakiramay ang panahon sa naramdamang lungkot na dinaranas ko at ng mga taong labis na nagmahal kay Jasmine. Ngunit sa kabila ng pagdidilim ng paligid, hindi ko ininda ito at halos hindi ko naramdaman ang lamig at patak ng ulan sa aking katawan.
May isang kilometro lang ang layo patungong sementeryo galing simbahan. Habang nilalakad ko at ng mga kamag-anak, kaibigan at kaklaseng nakiramay ang kahabaan ng kalsadang iyon, nakabuntot sa sasakyan ng funeral service na nagdala sa kabaong ni Jasmine, umaalingawngaw naman ang tugtog na “Mahiwaga”. Walang humpay ang pagpatak ng aking mga luha. Bumabalik-balik sa aking alaala ang huli naming pag-uusap bago nangyari ang aksidenteng ikinamatay niya.
“Xander… antayin mo ako d’yan ha? Babalik ako” ang text niya noong hinihintay ko siya sa parola, ang lugar na paborito naming tagpuan kapag gusto naming maligo, magpic-nic, mag-usap, magpahangin, sarilinin ang isa’t-isa... ang lugar kung saan namin pinag-uusapan ang pagbuo ng aming mga pangarap...
Si Jasmine ang aking kasintahan, childhood friend, at bagamat isang taon pa lang kaming officially na naging kami, siya na ang mahal ko simula pa noong ako ay magkamalay. Magkaibigan ang aming mga pamilya; at kahit noong hindi ko pa siya niligawan, sobrang close na namin sa isa’t-isa. Kumbaga, formality na lang ang ligawan dahil ramdam ko namang mahal din niya ako. Pareho kaming labing-limang taong gulang lang noon.
Hindi siya dapat na pumasok sa eskuwelahan sa araw ng kanyang pagkaaksidente. Sabado kasi iyon at cancelled ang practice nila sa cheering. Ngunit may kukuhanin lang daw siya sa locker niya sa school at babalik din kaagad. Pumayag ako. Nauna akong pumunta sa parola, dala-dala ang baong pagkain namin.
“Dalian mo Jas ah!” ang sagot ko. “Wala akong kasama dito at nagugutom na ako.” Ang inis kong text sa kanya.
“Ang kulit naman... Babalik nga kaagad ako eh!” Ang may halong inis din niyang sagot.
“Promise yan ha?”
“Promise. Babalik ako kaagad. Mag-antay ka lang d’yan…”
Ngunit iyon na pala ang huli niyang text. Nabangga ang sinakyan niyang school bus at sa lakas ng impact, nahulog ito sa bangin. Noong naretrieve na ang kanyang katawan, lasog-lasog ito, bali-bali ang mga buto.
Noong natanggap ko ang tawag ng mama ko at ipinarating sa akin ang masamang balita, pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko. Parang sasabog ang aking dibdib at utak; gusto kong maglupasay, sumigaw nang sumigaw.
At iyon na ang huli kong naalala. Nawalan ako ng malay. Noong manumbalik ito sa ospital at nakita ko ang aking mga magulang at kaibigan, doon na ako tuluyang naglupasay at nagsisigaw. Parang iyon na ang katapusan ng aking mundo. Pakiramdam ko ay wasak na ang aking mga pangarap.
Masakit ang loob ko hindi lang dahil nawala sa akin si Jasmine kundi sobrang naawa ako sa dinanas niyang hirap. Naimagine ko pa ang pinagdaanan niya, ang sakit, ang takot, ang paghahanap niya marahil sa akin… Sa kanyang pagkaaksidente, pakiramdam ko ay hindi siya namatay kaagad. At habang ininda niya ang matinding sakit sa sugat at pagkabali ng kanyang mga buto, ramdam kong ako ang nasa kanyang isip. Alam kong hinahanap niya ako. Ngunit ni hindi ko man lang siya natulungan. Ni hindi man lang niya ako nakita o nakausap, ni hindi man lang niya naramdaman ang aking suporta…
Sobrang sakit. Nahabag ako kay Jasmine at may naramdaman akong poot ako sa aking puso kung bakit nangyari ito sa kanya at hindi na lang sa akin. Napakarami kong katanungan. Parang ayaw ko nang maniwalang may Diyos pa.
“Jasminnnnnneeeeeeee!!!” Ang malakas na tili ni Tita Agnes, ang mommy ni Jasmine noong ipinuwesto ang kabaong sa bungad bukana ng nitso upang bigya ng huling sulyap ang bangkay bago ito ipasok sa nitso. Wala akong ibang ingay na narinig kundi ang mga hikbi, iyak, hagulgol, at tili ng pighati sa huling sulyap na iyon.
Napakasakit, pigil man ang sarili, nakakabingi ang panaghoy ng aking puso. Walang patid ang aking paghihikbi at pagdaloy ng aking mga luha. Niyakap ko pa ng mahigpit ang kabaong ni Jasmine na halos ayaw ko nang pakawalan pa ito.
Noong tuluyang ipinasok na sa nitso ang kanyang kabaong, hindi ko na nakayanan ang magkahalong pagod at puyat, stress, at matinding lngkot. Bumagsak na naman ako at nawalan ng malay.
Dinala pala nila ako sa bahay at doon na muling nanumbalik ang aking malay. Hindi ko na naman napigilan ang sariling hindi maglupasay sa sakit na naramdaman.
Kinagabihan, habang tulog na ang lahat, lihim akong lumabas ng bahay, dala-dala ang maliit na radio casette na paborito naming dalhin ni Jasmine kapag nagpupunta kami sa parola. Noong nandoon na ako, pinatugtog ko ang aming kanta at naupo ako sa damuhan, nakaharap sa kanyang nitso.
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics
May kadiliman ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin at napakatahimik ng lugar. Tanging ang tunog lamang ng kanta na nanggaling sa aking dala-dalang casette ang umaalingaw-ngaw at ang paminsan-minsang bugso ng hangin at mahihinang tahol at ungol ng aso sa may kalayuan.
“Jas... ang daya mo naman. Sabi mo, babalik ka kaagad. Bakit iniwanan mo ako? Nagpromise ka pa sa akin na hindi ka magtatagal, at na hintayin kita. Paano na lang iyan? Nand’yan ka na? Paano na lang ako Jassssssss???” at humagulgol na.
“Pasensya ka na ha? Alam kong masakit ang sinapit mo. Alam kong ako ang laman ng isip mo sa huling sandali ng iyong buhay. Ngunit wala ako sa piling mo. Naawa ako sa iyo eh. Patawarin mo ako, Jas.”
“Alam mo, nagsisisi ako na hindi man lang kita pinigilan sa pagpunta mo pa sa school. Sana hindi ka naaksidente Jasssss. Sana... ako na lang ang namatay. Kasi, ansakit-sakit pala kapag ikaw ang iniwanan. Paano na lang ang mga pangarap natin? Paano na lang ako? Hindi ko kaya Jas...”
Mistula akong isang baliw na nakikipag-usap sa isang taong hindi na maaaring magsalita pa.
Noong mapagod, sinasariwa ko naman ang mga ala-ala naming dalawa, lalo na ang isang beses na nasumpungan naming mapagkuwentuhan ang nabasa niyang nobelang “Romeo and Juliet”.
“Ang saklap naman ng pag-ibig nila ano? Nagmahalan nga sila ngunit mortal namang magkalaban ang kanilang mga pamilya…” ang sabi niya, ang boses ay nalungkot sa trahedyang sinapit ng magkasintahan. Pansin kong ramdam talaga niya ang sakit na naranasan ng magkatipan sa kuwento.
“Oo nga eh.” Sagot ko.
“Naawa ako sa kanila. Puwede kayang mangyari ang ganoon sa totoong buhay?” tanong niya.
“Oo naman. Marami ngang ganyang kasong magkaaway ang pamilya di ba? May mga kasong patayang nagaganap din nga eh.”
“Bilib ako sa tatag ng kanilang pagmamahalan Xan… Sana ganoon din ang sa atin.” Ang sabi niya.
“Mabuti na lang kabaligtaran ang sa atin. Ang mga magulang natin ay sila pa ang atat na atat na ligawan kita. Daddy mo pa nga itong excited at nangungilit talaga sa akin” sabay tawa.
Natawa na rin si Jasmine. “Kaya dapat magpasalamat tayo kasi, parang wala na akong mahihiling pa sa buhay. Ang mga magulang ko ay maunawain at mahal na mahal ako. Ang mga taong nakapaligid naman sa akin ay supportive katulad nina tito at tita.” pahiwatig niya sa aking mga magulang. “At higit sa lahat… may boyfriend akong sobrang mabait at mahal na mahal din ako.”
“At di hamak na guwapo at pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan!” dugtong kong biro.
“Iyon nga lang... may kayabangan at sobrang bilib sa sarili” biro din niya.
Tawanan.
“Bilib talaga ako sa ipinamalas nilang pagmamahalan. Isang wagas na pag-ibig; isang pag-ibig na walang kinikilalang hadlang. Kahit kamatayan ay hindi kayang pumigil sa kanilang pagmamahalan.”
Tahimik.
Syempre naman, naantig din ako sa klase ng pag-ibig na ipinamalas ng mga karakter sa kuwento. Para tuloy may isang nabuong tanong sa aking isip kung saan inihalintulad ko ang sarili sa kalagayan ni Romeo at kung mangyari man ang ganoong klaseng pagsubok sa aming pagmamahalan ay kaya ko rin bang gawin ang ginawa niyang pagpakamatay...
At iyon din pala ang tanong ni Jasmine. “K-kapag ako kaya ang mamatay… ano ang gagawin mo?”
Na bigla ko ring binara ng, “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” may halong pagkainis ang aking boses.
Syempre naman. Kahit sino siguro, kapag ang pinag-uusapan ay kamatayan, may takot kang maramdaman. Bagamat ang kamatayan ay intrinsic na maging isang kaganapan sa buhay, gustuhin man natin sa hindi, darating at darating din ito sa bawa’t isa sa atin. Hindi nga lang natin alam kung kailan at kung sa paanong paraan. At aaminin natin, tumatayo talaga ang ating mga balahibo kapag napag-usapan ang kamatayan, lalo na ng isang mahal sa buhay.
“Di nga… theoretical lang naman eh.” Ang giit ni Jasmine.
“Ayaw ko ngang sagutin iyan. Naman o...” Ang matigas at may halong inis kong sagot.
“O sige ganito na lang… Kung mamatay ako, patuloy mo pa rin ba akong mamahalin?
“Arrggggggggghhhhhhhhhhhhh!!!!” sigaw ko na. Hindi na kasi niya ako tinantanan sa topic na iyon. “Ba’t ba gusto mong pag-usapan ang kamatayan?” binulyawan ko na siya.
“Theoretical nga lang eh! Parang test kung gaano mo ako kamahal.” Ang bulyaw din niya.
“Pwes mahal na mahal kita. At kahit multo ka man o ano, patuloy pa rin kitang mamahalin.” Ang padabog kong sagot. “Happy ka na?” dugtong ko pa.
Napabuntong hininga siya. Parang nakulangan pa siya sa aking sagot. “A-ayaw mo akong sundan kagaya ng ginawa ni Romeo noong inakala niyang patay na ang katipan niya?”
Napatitig na lang ako sa kanya. Nakulitan na kasi ako. Marahang hinaplos ko ang kanyang mukha. “Kulit! Kulit! Kulit!”
“Sagutin mo na kasi...” ang giit pa rin niya ang boses ay may halong paglalambing.
“Gusto mo talagang sagutin ko ang tanong mo ha?”
“Oo. Kasi ako, kaya kong gawin ang ginawa ni Juliet na magpakamatay kapag m-may mangyari sa iyo. Walang silbi ang buhay ko kapag wala ka na. Kaya bakit ko pa pipiliing mabuhay kung wala namang silbi ito? Di ba?”
Pakiramdam ko ay sinampal ako ng maraming beses sa sinabi niyang iyon. Parang nasa isang dead-end na kalsada na ako at wala nang choice kundi harapin at sagutin ang katanungan niya.
Napahinto ako, naging seryoso ang mukha at binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. “Siyempre, sa hirap at ginhawa, sa buhay at kamatayan, sasamahan kita, saan ka man magpunta.” Ang sagot ko.
Kitang-kita ko naman ang bigang pagsaya ng kanyang mukha. Niyakap niya ako sabay bulong sa aking tenga, “I love you Xan…”
Na tinugon ko naman ng mahigpit ding yakap, “I love you too Jas...”
Ang ala-alang iyon ang malinaw na malinaw na tumatak sa aking isip sa sandaling iyon. At habang patuloy na tumugtog ang aming kanta, naalimpungatan ko na lang ang sariling hinugot ko sa aking bulsa ang baon kong swiss knife.
Hinanap ko ang may 4 na pulgadang kutsilyo, hinila palabas iyon at walang pagdadalwang isip na idiniin ang kahabaan ng talim nito sa aking kaliwang pulso, atsaka hiniwa ito. Kitang-kita ko ang malakas na pagtlsik ng dugo at pag-agos nito galing sa aking sugat.
“Arrgggggghhhhh!” ang pigil na lumabas sa aking bibig sa matinding sakit. Agad na nabalot ng dugo ang aking kamay at kahit may kadiliman ang sementeryo, naaaninag ko ang pagpatak ng maraming dugo doon sa damuhan.
Ngunit ni kaunting takot ay wala akong naramdaman. Ang nangingibabaw sa aking isip ay si Jasmine at ang hirap na dinanas niya sa aksidente bago siya mamatay. Isiniksik ko sa aking isip na ang ginawa kong iyon ay wala sa kalingkingan ng kanyang paghihirap.
Hindi pa ako nakuntento. Habang hawak-hawak ko pa sa aking kamay ang swiss knife, itinutok ko naman ang dulo nito sa aking tiyan at doon, puwersahang ibinaon ito, at pagkatapos ay hinugot. “Arrgggghhhhh!” ang naisigaw ko uli gawa ng matinding sakit.
Muli, naaninag ng aking mga mata ang maraming dugong umagos sa aking katawan. Bumagsak ako sa damuhan. At habang nakaratay, ramdam kong unti-unti akong nilamon ng kamatayan.
“Jas… hintayin mo ako d’yan. Saan ka man naroroon, susundan kita. Hindi kita pababayaan mahal ko. Hindi na tayo maghihiwalay pa...” ang mahina kong sambit.
Iyon na ang huli kong natandaan.
(Itutuloy)
amp simula pa lang may kurot na!
ReplyDeletedaddy mike nama eh...
matutulog na lang ako nagbigay k p ng kukurot sa puso ko.
haist....
basta ako handa na ata ulit magmahal.
aalagaan ko sya kahit di nya p ako mahal.
susuportahan ko sya sa lahat ng pangarap nya.
iindahin ko lahat ng sakit na maaaring maramdaman ko kasi medyo malandi tlga sya.
dahil sa MSOB nakilala ko sya kaya super thankful ako :D
Who would have ever thought that you would be able to connect people thru your stories.
Para na po kayong mobile phone network service provider hahaha...
Tipong parang GLOBE kasi dahil sa stories at blog nyo, TYT TAYO!
good luck sa panibagong obra daddy mike :D
grabe...premier pa lang, ang ganda na...
ReplyDeleteKeep it up!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteas always...what should I expect from the master...: Keep it up Mike...
ReplyDeleteniCe galing mo tlga kuya mike.. :))
ReplyDeletenakakaexcite naman ,, hehe :))
interesting!
ReplyDeleteX Burner
grabe kuya...ito ang tinatwag na premera klase...go kuya..
ReplyDelete:'( huhuhuhuhuhu....wala kang patawad kuya mike....
ReplyDeletefirst episode palang eh umiiyak na ako....
hihihi....anader na kasubaybay-subaybay
signed,
AVID FAN
wwwwwwooooooooooohhhhhhooooooooo!!!!!!
ReplyDeleteanother story to captivate our heart...
next please!!!!!
wao something worth looking forward to. ganda na agad ng start, but what do i expect- its kuya mike's work:) still waiting sa edited version ng PNP ending though, d pa tlaga ako nagmove-on eh haha:)
ReplyDeletegreat work Sir Mike!
mat_dxb
kuya mike, galing nyo po talaga!!
ReplyDeleteung PnP po ba hindi na magkakaron ng extrang part po..?
umpisa pa lang ang bigat na ng story kuya mike. napaka tragic naman huhu...
ReplyDeleteang ganda talaga ng mga gawa ni kuya mike
ReplyDeleteMy magic ka talaga sir mike :)
ReplyDeleteNick tanyag of UAE
Napaka tragic naman ng first chapter. Anu kaya magiging takbo ng kwento? Hmmm. Pakaka abangan ko yan. The great mike juha has returned for yet another mastepiece. Ayo ayo sir. Amping pirmi.
ReplyDeletekmusta nmn.. Sa work ako ngbsa.. Npkbgat sa kalooban..
ReplyDeleteAng lungkot.. Huhuhu.. Ang galing mo tlga sir myk.. Huhu
nxt na.. Nxt na.. Galing galing tlge.. Hehe :)
guys cnu un pic sa kwento n ito.. nice story..
ReplyDeleteThis is quite far from the lighthearted and funny kuya stories ^^, but still interesting. Wonder how it will end up.
ReplyDeleteHope you don't keep us waiting too long for the other parts :D
royvan24
ReplyDeletewow as in romeo and juliet ang kalalabasan nito...but in the other side of story ang magliligtas sa kanya ang kanyang iibigin ulit. sino kaya yun?
love it the story....
hala magpapakamatay cya hala .? bat ngayon ko lng binasa ito?yon ko lng binasa ito?
ReplyDeletegrabeng pagmamahal....di ko kya yun ahhh..hehe
ReplyDeleteOMG! ang sad naman ng love story ni Xan at Jas.
ReplyDeleteBut super na hook agad ako first chapter palang. hihi
love it
maduang baltaktakan ang istoryang itoXD
ReplyDelete