Followers

Friday, May 20, 2011

Unexpected Love Chapter 23

guys heto na po ang UeL 23...

sorry po kung mejo delayed...

pero may good news kasi nga diba may new face na si JAM... and that is thanks to

Oys Onapmal

kasi siya ang nag kumbinse kay WOO JUNG para maging mukha ni JAM..

kaya isang masigabong palakpakan naman jan para sa ating HERO.. :)

malapit na po ang katapusan ng Unexpected Love...

abangan nyu na lang po ang susunod kong gagawin ang "Hiling" after ng UeL.. salamat sa mga nag participate sa Poll ko..

at sa mga nag comment, sa mga silent reader, sa mga taong gusto na akong patayin dahil sa pag paaprape ko daw kaina JOM at JEFFREY.. hehehehe salamat parin...

wow for the first time.. umabot sa all time high ang nag view ng UeL 22 umabot ito sa 155 page views... maliit lang to pero para sa akin malaki na to dati rati kasi hanggang 59 lang ang nag babasa ng UeL sa blog ko pero di ko expected na aabot sa almost 3X hehehehe.. salamat sa mga nag babasa... pero alam ko marami pang readers ng UeL lalo na sa MSOB kaya salamat parin super salamat.

-3rd-
_____________________________________________________________
Woo Jung as the New face of JAM..
__________________________________________________________

Patuloy ako sa pag darasal ko sa loob ng chapel, nag susumamo na iligtas niya si tita. Walang kasalanan ang tao bakit kailangan ganito pa ang magyari sa kanya. Ilang minuto lang ay may tumapik sa likod ko..

???: insan.....

Napalingon ako at doon nakita ko si Joana...

Ako: Insan.. akala ko ba nasa amerika ka....

Joana: dapat.. pero di ako tumuloy... bigla kasing bumalik si kuya at nagkasalubong kami sa airport. Insan.. sorry sa nangyari ka tita... kung...

Ako: shhh wala kang kasalanan insan.. kahit kailan ay wala kang ginawang mali sa amin...

Sabay yakap sa kanya...habang nakayakap ako ay nag salita siya....

Joana: insan... sorry... ako kasi nag sabi kay kuya kung saan ang bahay nila JOM...

Nabigla ako sa kanyang sinabi kaya bahaya ko siyang itinulak para magkaharap kami doon ako napabulyaw sa kanya...

Ako: anu?! Bakit mo yun ginawa?! Di mo ba alam na nakaratay ngayon si tita sa ICU at nag aagaw buhay dahil sa kuya mo!!!

Joana: sorry na nga!!

Ako: sa tingin mo mababawi ng sorry mo ang nangyari kay tita... Joana... itinuring kang sariling anak ni tita pero bakit ganito ang ginawa mo!!

Joana: JAM!! Di ko gusto ang ginawa ko!!! Pero sinaktan ako ni kuya!! Pinilit niya ako!!! (sabay tulo ng luha)

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko sa kanya, di ko akalaing kaya ni brad na saktan ang sarili niyang kapatid. Doon ko lang talaga napansin ng mabuti kung bakit siya naka shades kahit madilim pa. Inalis ni Joana ang kanyang shades at doon ko nakita ang pasa niya na halos pumikit na ang isa niyang mata dahil sa pamamaga. Niyakap ko na lang siya at saka ako humingi ng sorry..

Ako: sorry insan..sorry.... pati ikaw nadamay na...

Joana: ok lan yun insan... ako rin naman may gusto na protektahan kayo, pero bigo ako. ngayon hayaan mo akong bumawi. Alam ko kung asan ni kuya dinala sina Jom..

Ako: alam ko na rin...

Joana: panu mo nalaman?

Ako: tumawag siya kagabi sa akin, at sinabi niya na pumunta daw ako sa warehouse ng mga sasakyan alas 10 ng gabi... kundi ay si Jom at Jeffrey ang magbabayad...

Joana: insan kilala mo si kuya... walang sinasanto iyon.... isa pa kaya ako nandidito ngayon dahil sa dady mo... humihingi siya ng sorry sa nagawa niya... gusto niyang ipaabot sayo na wala siyang kinalaman sa ginagawa ni kuya... maging siya ay nabigla... talagang nandilim lang ang paningin niya noong pinagtapat mo sa kanya ang relsyon ninyo ni Jom... kaya sana daw... mapatawa mo pa siya....

Di ko alam kung anu ang isasagot ko sa kanya, sa mga oras na iyon ay saraado ang puso ko pag tungkol kay dady, masayadong masakit ang kanyang mga nagawa sa akin, kay Jom lalo na kay Jeffrey na tanging gusto lang ay mag paalam sa kanya na may gusto siya sa akin..

Ako: pasensya na insan pero, di ko siya mapapatawad sa ngayon. Kasi kung di naman talaga siya nag wala at tinggap niya si Jom ay siguro ligtas ngayon sila tita, Jom at Jeffrey..... ok lang sana kung pinalayas niya na lang ako pero ang pag bantaan akong papatayin niya ako sa harap ni momy... ibang usapan na yan insan, kung naalala mo maging ikaw ay pinagbantaan niya diba..

Joana: oo kaya nga nalaman ni kuya eh, kaya agad siyang umuwi galing amerika... agad kasi siyang sumakay papunta dito nang malaman niya ang situwasyon at iyon nga sa airport kami nag pang abot.. pupuntahan ko kasi dapat siya para pigilan kung anu man ang binabalak niya, kasi may kutob akong papalabasin nanaman niyang ang dady mo ang may pakana ng lahat..

Nasa ganoon kaming pag uusap nang dumating si Paul..

Paul: Jam... Joana... si tita....

Agad kaming tumakbo sa ICU at para akong nabunutan nang tinik nang makita naming ok na siya, oo wala pa siyang malay pero naigagalaw na daw niya ang kanyang mga daliri, maging ang mga doktor ay namangha daw sa bilis ng kanyang recovery, talagang ipinapakita ni tita na di siya susuko.. nakapasok ako sa loob ng at doon ko siya nalapitan at kinausap ko siya, di ko alam kung naririnig niya ako sa mga oras na iyon, pero natutuwa ako dahil lumalabas si tita..

Ako: tita.. ako to... si Jam....please...tita... lumabasn ka......

Gumalaw ulit ang kanyang mga kamay na animoy knakalabit ako, tumalon angpuso sa nakita, mangiyak-iyak ako sa tuwa pero alam ko di pa ito ang katapusan ng lahat dahil kailangan ko pang iligtas ang magkapatid...

Ako: tita.... promise.... ililigatas ko ang mga anak mo..... promise ko yan sayo.... maging buhay ko man ang kapalit.... ibabalik ko sayo si Jom at Jeffrey.....

Di si tita nag react siguro ay di niya nagusuthan ang sinabi ko na willing akong isakripisyo ang buhay para sa mga anak niya, pero i’ved up my mind.... wala nang bawian pa... kailangan ko lang talagang pag planuhan ang lahat. Pag labas ko ng ICU ay nakita kong anduon na sila Anton at Aelvin lunch break na pala kaya naka bisita ulit sila at aga nilan gsinabi sa akin ang plano..

Anton: Jam eto ang plano...

Aelvin: ikaw ang unang pupunta doon para wala silang duda kami naman nila paul ay susunod sayo...

Ako: panu ninyo ako masusundan.. alam ba ninyo ang lugar na tinutukoy ni Brad...

Paul: walang problema yan dude... may tracker cellphone mo diba.. meron din ako.. kaya ang gagawin lang ay configure natin para matrack ko kung asan ka.. tapos saka kami susunod...

Joana: ako na bahala sa mga pulis...

Ako: insan.. wait.. walang pulis please..

Joana: insan.. tinipon ni kuya lahat ng mga tauhan niyang pusakal at sigurado akong mapapahamak ka pag walang tulong sa mga pulis... kaya please, trust me... gagawin ko ito para na rin kay Jom at para sayo dahil pareho ko kayong mahal... kayo ang mga mahahalagang tao sa buahy ko na di ko kayang mawala...

Pumayag na lang ako sa gusto ni Joana, at na ipinadala naman namin sa isang cellphone repair ang aming cellphone para maconfigure niya ito at matrack ako ni Paul gamit ang cellphone... ok nanaman daw sa aming department ang pag liban ko at ni Jom dahil sa ginawang alibi nila ang kalagayan ni tita para kay Jom at ang sa akin naman ay sinabi nilang masama daw ang pakiramdam ko kaya regarding sa final exam ay bibigyan na lang daw ng kami take home exam para di na kami bigyan pa ng special exams tutal last and final exam nanaman ito at wala nang kasunod.. buti na lang at mabait ang aming department head.

Kinagabihan ay ganoon parin ang naging set up ako at si Paul nanaman ang naiwan at nag bantay kay tita. Walang mapag lagyan ang aking kaba sa gabing iyon dahil alam ko bukas... bukas na nang gabi haharapin ko si Brad para sa kaligtasan nila Jom at Jeffrey.

Naging maayos naman ang kalagayan ni tita sa buong gabi at nang bumalik ang nurse par acheck ang stats ulit ni tita ay sinabi nito na bukas daw ay pwede na siyang ilabas sa ICU at ilipat sa provate room.. agad naman kaming natuwa sa narinig pag tingin ko ng oras ay alas 3 na pala ng madaling araw, inaya ko si paul na matulog na lang muna ulit para mamaya ay maaiskaso namin ang pag lipat ni tita sa ibang kwarto.

Alas 8 ng umaga nang lumabas si tita sa ICU at inilipat sa private room, oo wala pa siyang malay pero ligtas na siya sa kapahamakan sa mga oras na iyon.. umalis saglit si paul nang makalipat na kami ng private room at sa kanyang pag babalik ay may kasama na siyang isang lalaki. Nagtaka ako at napatanong ako sa kanya kung sino ang taong kasama niya.

Paul: ah siya nga pala Jam si Erdward.. ahmm kaibigan ko...

Ako: kaibgigan? Or ka-ibigan?

Napansin kong nanlaki ang mga mata ni edwaerd pero di siya umiimik sa halip at pasimple itong tumawa..

Paul: oo na.. di ko na matatago.. boyfriend ko.. siya dahilan kaya di ako maka alis ng pilipinas.. isa pa isa siyang Pulis.. at alam ko makakatulong siya para mamayang gabi..

Edward: hi.. nice meeting you.. Jam..

Kinamayan niya ako at saka pasimpelrng pinisil ang aking mga kamay, doon napaisip akong mas malansa pa pala ito kay Paul. Pagka bitawan niya ng kanyang kamay ay saka siya nag salita ulit

Edward: Jam.. mamaya pag punta mo sa lugar na iyon ay dalhin mo ito..

Sabay abot sa akin ng isang maliit na baril..

Edward (ulit): magagmit mo yan.. tungkol naman sa mga tauhan ni Brad.. eh wag kang mag alala karamihan duon aset ko...

Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi..

Edward(nanaman): kung nagtataka ka.. oo isa akong special agent.. at may mga agent akong kung akalain mo talaga ay isang pusakal na kriminal.. well lets say kriminal nga sila pero pumayag silang maging aset ko para sa pansamantalang kalayaan nila at the same time nagagawa nila ang karamihan sagusto nila basta wag lagn ilegal pwede yun sa akin.. kung nagtataka ka kung panu ko nalagyan ng asset doon kina brad, well magin ako ay nabigla nang nag text ang 3 asset ko at sinabing may pinadukot daw sa kanila na isang BAKLA..

Ako: ahh.. ok... (ang naging matipid kong sagot sa kanyang pag monologue)

Paul: hoy jam!! Nakuha mo ba sinabi niya?

Ako: oo. Gets ko.. edward.. pwede mag salita..

Edward: sure.. anu yun..

Ako: pag nalaman ko isa sa mga aset mo humalay kina Jom or Jeffrey.. ako mismo papatay sa kanila at sayo ok....

Edward: hahahahha.. dont worry.. di nila yun magagawa.. kahit bigyan mo yun ng ilang milyong piso ay di yun papatol sa katulad natin.. ok.... at isa pa.. di mo makikilala ang mga aset ko pero kilala ka na nila...

Ako: huh? Panu?

Edward: diba pinsan mo si brad... ipinaalam ni brad na darating ka.. at aabangan ka nila at sa tamang panahon ay isa-isa na nilang itutumba ang iba pang mga tauhan ni brad pag nakarinig ka ng isang putok ng baril iyon na ang hudyat na ligtas ka at walang taong naka palibot sayo para masaktan ka... ok....

Napatango na lang ako pero as loob ko ay grabe na ang kaba ko, kabado ako di dahil sa haharapin ko si Brad.. pero dahil sa baka mabuking ako at saktan nila si Jom or si Jeffrey.. at di ko mapapatawad ang sarili ko pag nagnyari iyon.

Alas 9 ng gabi nang mag pasya akong umalis na ng ospital para tumungo sa napag usapan namin ni Brad. Quarter to 10 ng gabi nang dumating ako sa nasabing warehouse. Doon pag dating ko ay agad naman akong pinapasok ng mga tauhan ni Brad doon parang napansin ko ang pag tango sa akin ng isang lalaki, di ko alam kung totoo yun or kung namalik mata lang ako, siguro isa siya sa mga agent ni Edward na sinasabi niya.

Pag pasok ko sa loob ay agad kong nakita si Brad.

Ako: brad, andito na ako... asan sila..

Brad: opps.. wag kang atat insan..

Ako: anu pa ba kailangan mo.. ha..

Di sumagot si brad sa halip ay tumango lang siya at may lumapit sa aking isang lalaki at saka ako hinipuan kung saan saan. Nanlaban ako pero yumakap lang nang mahigpit ang pesteng lalaking iyon habang si brad naman ay tawa ng tawa na parang demonyo. Nasa ganoon akong situwasyon nang marinig kong may binubulong sa akin ang lalaki.

???: shh.. Jam.. kakampi o ako.. maya.. maya andito na sila sir Edward.. sorry ha kailangang kong gawin to para di mag duda si brad..

Di na ako nanlaban pa nang marinig ko ang kanyang sinabi, pero nagpanggap na lang ako na nanlalaban pa ako, para paglaruan si Brad... tawa ng tawa si brad at parang siya na ang hari ng buong mundo nang makita kong inilabas ng iba niyang mga tauhan sila Jom at Jeffrey. Naka piring sila pareho at naka gapos ang mga kamay, bakas din sa kanila ang matinding paghihirap na kanilang pinag daanan nitong nakaraang 2 araw lang.

Brad: hayan.. good boy buti naman at sumusunod ka sa mga sinasabi ko...

Nanggagalaiti ako sa galit kay brad sa mga oras na iyon buti na lang at alam kong kakampi ko ang taong nasalikod ko ngayon, pero kahit nagpapanggap lang siya ay di ko parin mapigilang magalit dahil kay brad at parang sineseryoso na ng gagong ito ang pag seduce sa akin..

Ako: hayop ka brad.... pakawalan mo sila wala naman silang kinalaman dito!!!

Brad: aba at matapang ka na ngayon?

Lumapit sa akin si brad at itinulak ang lalaki na kanina pa nag seduce sa akin.. pagkatapos ay kinuwelyuhan niya ako pero itiluak ko siya para makawala ako sa pagkakahawak niya sa akin..

Ako: alam mo bang dahil sa ginawa mo brad isang walang kinalamang tao ngayon ang nakaratay sa ospital!!!!

Brad: so... paki alam ko... ang gusto ko lang naman ay makita kang naghihirap Jam, para mabago ang isip mo bumalik ka.. yun lang...

Ako: brad.. ilang beses ko bang sasabihin na di ako ang tumalikod.... itinakwil ako.. kaya kahit anung pilit mo, kahit pagbali-baliktarin mo yun ang katotohanan!!!

Brad: ah ganun... kasi ang pagkaka alam ko... ang lahat ng ito ay dahil sa baklang ito...

Hinwakan ni brad ang mukha ni Jam at pilit itong iniharap sa akin, naawa na ako sa kanya, di niya dapat ito sinapit, di dapat siya ganayan ngayon, tama sila nasa huli ang pag sisisi. Di ako nag sisisi na minahal ko si Jom pero nag sisisi ako dahil naging mahina ako at hinayaan kong umabot sa ganito ang lahat kung naging matatag lagn ako, kung noon pa man ay sinabi ko na at pinandigan ang lahat siguro di sila ngayon ganito.

Ako: Hayop ka brad... bitaawan mo siya...

Brad: Bakit.. anu ba magagawa ng isang Del Rosariong hilaw na katulad mo.. ha....

Pagsabi niya noon ay pumutok ang isang baril na di namin alam kung saan galing, nag sipag handaan ang lahat pati si brad ay tumakbo para kunin agn baril niya.. ako naman ay binunot ko na rin ang dala kong baril, sinubukan kong puntahan sila Jom at jeffrey dahil nakita kong bila lagn silang binitawan ng mga tauhan ni brad para hayaang tamaan ng bala, nang makalapit na ako ay nakita ko ang isa sa kanila, di ko alam kung si Jom to o si Jeffrey pero wala na itong malay nakita ko ring may tama na ito ng baril sa may hita at nakatali parin, di ko alam ang gagawin ko buti na lang ta ddumating din naman agad silang 4 at kinuha ang isa sa kambal na nakahandusay si Joana at Paul ang tumulong para makatayo ito kilagan nila ito at doon ko napansin agn kaunting pagkakaiba ni Jom at Jeffrey. May maliit na balat si Jeffrey sa may kanang dibdib niya si Jom naman ay nasa kaliwang dibdib ang balat. Hinanap ko kung asan si Jom.

Naging napakabilis ang mga pangyayari puro putukan ang maririnig sa buong lugar kaya kinabahan ako na baka napahamak na si Jom. Nakita ko siyagn pilit na gumagapang tumakbo para lapitan siya pero nang malapit na ako bigla naman siyagn dinampot ni Brad tinutkan ko siya ng baril pero sa halip na matakot ay itinutok pa niya ang kanyang baril nito sa ulo ni Jom tapos ay nagbanta.

Brad: ibaba mo ang baril mo Jam.. kundi ay papasabugin ko ang ulo ng taong ito....

Pero di ako natinag, gusto k siyagn barilin pero natatakot ako na baka pag nabaril ko siya ay si Jom at tamaan ko. Nasa ganoon akong situwasyon nang mapansin ko si Edward na nasa likod ni Brad. Nakita ko siyang tumango, ibinaba ko ang aking baril pat itinaas ang aking mga kamay para iapkita sa kanya na suko ako para lang iligtas si Jom. Tinanggal ni Brad ang piring sa mata ni Jom at doon nakita ko ulit ang kanyang mga mata, ang mga matang puno ng pagmamahal, pero sa pagkakataong ito ay bakas dito ang pagmamakaawa. Itinutok ulit sa aming lahat ni barad ang kanyang baril at saka muling nagbanta nagn naktia niyang si Anton, si Aelvin at ang ibang mga pulis ay nakatutok sa kanya ang baril at handang paputukan siya.

Brad: ibaba ninyo ang baril ninyo.. kundi ay papasabigin ko ulo ng baklang ito!!!!

Sumigaw si Joana para subukang pigilin ang unti-unting pagkabaliw ng kuya niya..

Joana: Kuya... Please!!! Mag hunos dili ka!!

Brad: tumigil ka!! Jo kilala mo ako, ang gusto ko ang nasusunod!!!

Dahan-dahan na akong lumapit kay brad para mapakawalan niya si brad, tulad ng promise ko kay tita anabeth willing akong isakripisyo ang sarili kong buhay para lang sa kaligtasan ng kanynang mga anak..

Ako: Brad.. please... pakawalan mo na si Jom... ako na lang.... diba gusto mo bumalik ako... diba nagalit ka dahil sabi mo tinalikuran ko ang ankan natin... please... ako na lang....

Nang sapat na ang layo ko sa kanya ay saka niya ako inabot at saka itinulak si Jom ako na ngayon ang hawak niya, si Jom naman ay kinuha nila Anton para tulungan itong makatayo ulit. Ako handa na ako sa kahit anung gawin ni Brad, basta natupad ko na promise ko kay tita ligtas na ang kambal niya

Ako: brad andito na ako.. tama na... please....

Pero hinarap niya ako sa kanya at saka tumawa ng malakas andun parin si Edward sa likod niya nakatutuok parin ang baril at saka tumango na ulit ito. Pagkatapos ng pagtawa ni brad ay saka ako nakarinig ng 2 magkasunod na putok ng baril, saka nakaramdam ako ng parang may tumutulo sa aking tiyan, alam ko binaril ako ni brad, noon pa man kasi tutol na siya na ako ang pumalit kay dady bilang isa sa mga may matataas na katungkulan sa aing angkan. Nandilim na ang aking paningin saka ako natumba.

Nag flashback saakin lahat ng masasayang alaala namin nila Jom, Anton, Aelvin, Joana. Pati na rin ang maikling panahon nan nagsama kami ni Jeffrey ay biglang bumalik sa isip ko. Ito na kaya ang katapusan para sa akin, di bale kahit papanu ay naging masaya, tanggap ko na lahat at wala na akong pinagsisisihan kahit anu, maging tama man o maling desisyon ko kasi kung di dahil doon ay di ako naging masaya kahit sa maikling panahon.

Pumikit na ako tanda na kuntento na ako tutal ligtas na ang taong mahal ko. Tapos nun nawalan na ako ng malay.

Itutuloy...

7 comments:

  1. Waaa.Nakakabitin,cant wait for the next chapter.
    Nakaka excite at nakaka gigil si brad.Hahaha.
    More power to you Third,thanks pag mention ng name ko.Haha. :)


    -Oys.

    ReplyDelete
  2. lahat ng mga stories na nabasa ko,,,,,,,,,ndi pa ako napaiyak ng ganito... T.T


    haist,,,next chapter na nga po,,,,,, T.T

    ReplyDelete
  3. nakakabitin... sana may kasunod na agad...


    saimy

    ReplyDelete
  4. I read the wholes troy from start to here para makapag-comment ako ng bonggang-bongga sa yo!

    Napakaganda ng flow ng istorya.

    You gave us PoVs of each important character, which I think is very clever, kasi madalang ang writers na nagtyatyaga gumawa ng PoVs at marami yun ha. I applaud you for that.

    Isa pang point ay yung kung paano napagtagpi-tagpi lahat ng detalye ng hindi kami (or ako) naguluhan.

    May konti lang akong puna sa mga typo errors at ilang misspelled words, pero okay lang yun. Pressured eh, noh? =)))))))

    Overall, NAPAHANGA mo nanaman ako!!

    IMHO, isa ka sa mga magagaling sumulat dito sa MSOB.

    And por dat, PALAKPAKAN!!!! :D

    Dagdagan kaagad ng part 24!!!

    Nakakabitin ah! XD

    -Andrew Johnson

    ReplyDelete
  5. what happen na po sir mike sa continuation nito?
    and ung chapter 22 po na link hindi po ma-access..

    ReplyDelete
  6. i think wala na access kasi parang binura na ata ng may ari ang blog site..... maging ako ay gusto ko rin pong malaman kung anu na nagyari sa kasunod nito....

    ReplyDelete
  7. Nasaan po yun next chapter nito.. Dko po mahanap..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails