- Kuya Mike!!!
- Si Dhenxo!! Salamat sa comment mo sa part 14!! Natutuwa naman ako na ang isang writer na kagaya ni kuya Dhenxo ay nagustuhan ang Part 14!! :) Salamat din sa mga NOTES at ADVICE na binigay mo sa akin tungkol sa pagsusulat!! Hehehe.. Salamat talaga!
- Si Kuya Rovi!!
- Enso!! Woi!! Seryoso yung sinabi mo dun sa poster ahh!! Hehehe.. At maraming natutuwa sa iyo este sa character mo dito!! LOL XD
- Yung 2 Ryan C and F (binati ko pa rin si C kahit may tampo ako.. Hmmmpphhh!!! LOL XD)
- Cedric... Tawagan na lang kita.. Hehehe.. Ahahahaha!! (Tawa to the MAX!!)
- Eban, HOY!!! Pinapasaket mo ang ulo ko kakaisip ng.... Basta!! Hehehe.. Pero tutulong ako sa abot ng aking makakaya.. PROMISE ;)
- Si Kambal!! (Dylan Kyle) Salamat Kambal sa pag-marathon mo ng story ko!!! Hahaha!! Nagulat naman ako na binasa mo ng STRAIGHT from Part 1-13!!! Grabe ka ahh!! Hehehe.. Salamat ulit!!!
- Si Roj na talagang kinopy pa ang story.. Salamat din!!
- Si Xander Monterverde na matyagang nag-cocomment.. At uplift ang comment. Hehehe... I wonder kung sino ka kasi natutuwa ako sa mga guess mo ehh.. LOL XD!
- Si Eortiz na sumusubaybay din ay salamat!!
- Si Ram!!! Ram! baket di ka nagpaparamdam?? :(
- Si Snabero!!! Nako! Pagkatapos niyang ipadinig sa akin ang theme song ng Story na ito na "Like I Am" ay may bago nanaman siyang pinadinig at TALAGA NAMANG NAPAKAGANDA NG KANTA!!! grabe LSS na ako!! LOL XD
- SPECIAL MENTION KO YUNG "ANONYMOUS" na nag-comment sa part 14 at NAGTANGGOL SA AKIN laban sa mga ehem!!! Alam na!!! Hehehehe.. Salamat kung sino ka man!!! Nako!! Kung Magkikita lang tayo ay bibigyan kita ng POWER HUG and POWER KISS(sa cheek lang ha?? Wahahahaha!!!) Salamat talaga!! Love na kita!!! CHOS!! (chos ala enso!! Ahahaha!!)
By: White_Pal
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 15: "Alvarez's Residence, My New HOME??"
Billionaire Feat. Bruno Mars – Travie McCoy Song Lyrics
“I Wanna be a Billionaire, SO FREAKIN’ BAD!!” ang birada niya!! Hahaha!!
Sa kantang iyan, siya ang kumakanta ng Chorus at ako ang sa Rap part pero minsan ay nagpapalitan kami!! Hehehe..
Yan ang kanta ni Enso, Este! Kanta namin pala. Eto ang Raket na naisip ng lokong bata na iyon, ang kumanta sa kalye at humingi ng pera sa mga taong makikinig. Ano ito? Concert? Hehehe.. Pero ayos din, yun nga lang ang liit ng perang nakukuha namin. Hayy.. Poverty. Tsk!
ENSO: “Kuya tingnan mo oh! Ang dami-dami na nating pera!” ang Masaya niyang sabi.
AKO: “Anong madami dyan? Tingnan mo puro piso yung linagay dyan oh.. kung meron mang limang piso iisa lang.” ang pag-kontra ko.
ENSO: “Ehh keri lang yan kuya! Tsaka may isang bente na naghulog dito oh.” Ang pagdepensa niya.
AKO: “Hindi tayo mabubuhay sa bente..” ang pagkonta ko ulit. Hehe..
ENSO: “Kaya na yan kuya! Meron tayong 40 pesos lahat-lahat!! Hehe.” Ang Masaya niyang sabi.
AKO: “Sige, ano ang mabibili natin diyan?”
ENSO: “Wait lang kuya..” sabay takbo papunta sa tindahan ng tinapay.
“Tae!! Parang alam ko na ang bibilhin ng batang ito ahh..” ang sigaw ko sa isip ko.
Pagbalik niya galing ng tindahan..
AKO: “ANo ITO!?!?!”
ENSO: “Pandesal!!”
AKO: “Pandesal?? Bakit walong piraso lang??”
ENSO: “Kuya, limang piso ang isa.”
AKO: “Tae! Kulang sa akin yan eh..”
ENSO: “Edi ikaw na lang kumain.. ok lang po ako.” Sabay ngiti.
AKO: “Hindi ka ba kakain?” ang pagtatanong ko.
ENSO: “Hindi kuya, ok lang ako.. kaya ko namang hindi kumain ng isang araw.” Sabay ngiti.
Natuwa naman ako sa batang ito. Isipin niyo, siya ang nag-isip ng gimmick para magkaroon kami ng pera at makakain, tapos ibibigay niya pa sa akin lahat ng pagkain na nabili namin.
“Talagang sanay na sanay siya sa ganitong buhay.” Ang sabi ko sa sarili ko.
Naisip ko tuloy, napakapalad ko pa rin pala kahit ganito ang nararanasan ko sa buhay, dahil hindi ko naranasan ang naranasan niya.
AKO: “Thanks.. sige, hati na lang tayo dito..” ang nasabi ko na lang.
Ganyan ang naging takbo ng bagong buhay ko. Mahirap Oo, kasi ibang-iba siya sa nakagisnan kong buhay. Minsan nga naiisip ko kung tama ba ang naging decision ko na umalis at magkunwaring patay na. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga sakit na naranasan ko, nasasabi ko sa sarili ko na “Tama ang decision ko..”. Pero nandito pa rin ang pangako ko na “Babalik ako..”
Isang linggo pa ang nakaraan, at ganito pa rin kami ni Enso.. POVERTY!
Kakatapos lang namin sa Racket na ginagawa namin noong biglang..
ENSO: “Kuya, may bibilihin lang po ako..” sabay takbo at tawid sa kabilang side ng kalye at di na ako hinayaang sumagot.
Ngunit biglang may rumaragasang kotse ang paparating at nabundol si Enso.
KKKAABBLLAAAGG!!!
AKO: “ENSO!!” ang sigaw ko.
Pumunta ako sa nakahandusay na si Enso at pilit binuhat ito. Lumabas naman sa kotse ang isang gwapong lalaki. Pormal na pormal ang suot with matching shades pa!
LALAKI: “Ok lang ba sya?” ang natatarantang tanong ng lalaki.
AKO: “MUKHA BANG OK HA???” ang bulyaw ko sa kanya.
LALAKI: “Teka.. Gab!! Ikaw ba yan??” ang nagulat niyang tanong.
Tinitigan ko naman ang lalaki at inisip kung saan ko siya nakilala at naalala ko ang lalaking nagligtas sa akin sa nasusunog na building namin. Ito’y walang iba kundi si Ace.
AKO: “Yan lang ba ang sasabihin mo HA?? Kita mo naman siguro yung kalagayan ng bata nuh?!” ang pabara kong sabi.
ACE: “Ok.. Ok.. Dalhin natin sya sa Ospital..”
Wala pang limang minuto ay nakarating kami agad sa Ospital at naagapan si Enso. Simpleng bundol lang naman daw.. Pero KAHIT NA NUH!! Eh paano kung may bone fracture yung bata di ba? Hay..
Habang binabantayan si Enso..
ACE: “Gab naalala mo pa ba ako? Michael Ace ngapala.. baka nakalimutan mo na ako.” sabay abot ng kamay nya.
AKO: “.....” di ako sumagot, at hindi ko inabot ang kamay ko! hhmmpphh!!
ACE: “Ako na ang magbabayad ng hospital bills nya ha.”
AKO: “DAPAT LANG!” ang pasigaw kong sabi.
ACE: “Sorry na.. Bigla kasi siyang tumawid ehh kaya di ako nakapag-preno agad.”
AKO: “Wow! Kasalanan pa pala ng bata!” ang sarcastic kong sagot.
ACE: “Wui ano ba? Humihingi na nga ng sorry yung tao oh..”
ENSO: “Oo nga kuya.. patawarin mo na sya..” ang sabat nya.
ACE: “Ayan, pati yung bata pinagsasabihan ka na..”
AKO: “PWeh!!! Manahimik ka!!” ang bulyaw ko.
ENSO: “KUyyaaa!!! Sige ka! Kapag di mo sya pinatawad...” Sabay pandidilat ng mata.
Naintindihan ko ang ibig sabihin na iyon ni Enso. Kapag hindi ko pinatawad si Ace ay IBUBUKING NIYA SA LAHAT NA BUHAY PA AKO!! Ugghh..
At dahil nga sa banta ng lokong bata na iyon, at sa awa ko na rin ay pogi.. hehe edi..
AKO: “Ok sige na.. I accept your apology..”
ACE: “Ayan.. hehe.. Friends?” sabay abot ng kamay nya ulit.
AKO: “Friends... Oh! Wag na! madumi ang kamay ko..” ang pagtangi ko sa shake hands nya.
ACE: “Ok lang..” sabay hawak sa kamay ko at nag-shake hands.. hehe..
Ok din pala ang mokong na ito. Gwapo, mapagkumbaba, mabait, at.. at.. ano pa ba? Hehe..
ACE: “What’s your name?”
AKO: “Gab..”
ACE: “I mean your whole name.”
Bigla akong kinabahan sa tanogn niya. ANong sasabihin ko? Alangan namang sabihin ko na “I’m Gabriel Alvarez Montenegro” dib a? Mahirap na.
AKO: “Ahh.. eehh..” ang nasagot ko na lang.
ENSO: “His name is Gabriel Al—“ ang pagsabat ng bata ngunit tinakpan ko ang bunganga niya kaya hindi niya nasabi ang buong pangalan ko. Pinandilatan ko din siya ng mata pahiwatig na wag sabihin ang totoong pangalan ko.
ACE: “Ano ba’t ayaw mo sabihin??” ang pagtataka niya.
AKO: “Ahh.. eehhh.. kasi.. uumm.. Wag na!! Ok na yung Gab lang..”
ACE: “Ano nga?” ang naiirita niyang sabi.
ENSO: “Gabriel CRUZ!!” ang sabat ulit ng bata at talagang inemphasize pa niya ang “CRUZ” na apelyido ni Jared.
Napaisip tuloy ako.. Gabriel Cruz?? Edi ang pangalan ko na ngayon ay Gabriel Montenegro Cruz?? Yeeeesssss!!! Asawa? Asawa?? Asawa ko na ba si Jared? Bwahahahaha!!
Tuliro pa rin ako sa pangalan na inimbento ni Enso ng..
ACE: “Ahh.. ok.. May kapangalan ka kasi ehh.. Pero impossible..” ang sabi na lang niya.
Di ko na lang pinansin ang sinabi niya.
ACE: “Uuummm.. San kayo nakatira?” ang tanong niya.
AKO: “Dyan sa tabi-tabi..”
ACE: “Ha!?!” ang gulat na gulat na sabi nya.
AKO: “Bakit ka nagulat?”
ACE: “H-hindi kasi halata sa itsura at damit mo Gab ehh.. Parang may-kaya, tskaa tingnan mo yung tatak ng damit at sapatos mo oh. Mamahalin. Pero gusgusin ka naman.. hahaha..” ang malakas nyang tawa.
Oo ngapala, branded ang mga damit ko. Pero two weeks ko ng hindi napapalitan.. haayy..
ACE: “Uumm gusto mo sa amin na kayo tumuloy?”
AKO: “Ay wag na nakakahiya.. alangan palalamunin mo kami doon di ba?”
ACE: “Hindi sa amin na kayo tumuloy.. Kung ayaw nyo ng ganoon, sige, bibigyan ko kayo ng trabaho doon, basta sa amin na kayo tumuloy.”
ENSO: “Sige na kuya Gab!! Pumayag ka na!!”
AKO: “Ayoko! Wag na!”
Biglang bumulong si Enso sa akin at..
ENSO: “Sige ka kuya, kapag di ka pumayag, sasabihin ko kila kuya Jared at sa pamilya mo na buhay ka pa.” ang pananakot nya.
AKO: “Leche ka talaga! Ok sige na.. sige na.. pumapayag na ako..” ang napilitan kong sabi.
ENSO: “Yeheeyy!!!”
ACE: “Hahaha!! Ang galing naman ng batang ito..” sabay apir kay Enso. Hayy nako!
ACE (ulit): “Hhmm.. Dapat malaman ko kung ano yung panakot mo dyan sa kuya mo.”
ENSO: “Sure kuya Ace!!”
AKO: “Nako!! Nako talaga!! Uuuurrrrggghhh!!! Tsk!”
So ayun na nga.. Kinabukasan, sumama na nga kami sa Bahay ni Ace na sakay-sakay ng isang Limusin. Pumasok kami sa isang compound na puro magagarang bahay ang nakatayo doon. Manghang-mangha naman si Enso sa mga nakikita nya. Lalo na ng makarating kami sa may bandang itaas na parte ng compound kung saan nandoon ang bahay ni Ace. Sa labas pa lang ay mukha nang napakayaman ng lalaking ito dahil sa napaka-gandang gate na bumungad sa amin. Malaki at mataas ang Gate ng bahay nila, na may kulay ginto, itim at puti. Makikita din sa pader ng bahay nila ang napakagandang disenyo nito. Punong-puno ng magagandang halaman at bulaklak ang nandoon.
Nang makapasok na kami sa loob ay lalo naman kaming namangha dahil sa ganda at lawak ng hardin na aming dinaanan. Nakita ko rin ang anim na napaka-gandang fountains na nasa hardin nila. Kitang-kita ko naman ang pagkamangha sa mukha ni Enso sa mga nakikita niya.
“Grabe, dinaig pa ako sa yaman ng lalaking ito..” Ang sigaw ko sa isip ko.
Maya-maya nakita ko na meron pang masmalaki at masmagandang fountain na nasa gitna mismo ng daanan. Syempre, umikot ang Limusin na sinasakyan namin doon at nakita ko na rin ang pinaka-bahay niya.
Mala-palasyo sa ganda at laki ang bahay niya na sa tantsa ko ay limang beses ang laki sa bahay ko. Kakaiba! Grabe! Billionaryo ata ang lalaking ito.
Nang maka-baba na kami ng sasakyan ay umakyat kami sa may Hagdan papasok ng bahay.
“Ang laki talaga!” sigaw ko sa isip ko.
Binuksan ng dalawang gwardiya ang main entrance door, malaking pintuan ito at kulay puti at ginto. Pagbukas na pagbukas ng pinto ay lalo naman kaming namangha sa nakita naming, isang mahabang hallway na may red carpet pa at sa gitna ay may napakaganda at napakalaking staircase.
ENSO: “Wooooohhh!!!” ang nagsisigaw na sabi ng bata at nagtatatakbo pa.
AKO: “Hoy!! Umayos ka nga ha!! Mahiya ka naman!!” ang pagsita ko sa kanya.
ENSO: “Kuya ang ganda kaya!!” ang sigaw pa niya.
AKO: “Sige! Mag-ingay ka pa!!”
ACE: “Ok lang.. Ano ka ba!?!” ang sabi naman ng mokong.
AKO: “He!! Hindi kita kinakausap.” Ang pagtataray ko sabay talikod dito at pumunta ako sa kinatatayuan ni Enso para hawakan ang makulit na bata.
Maya-maya ay may bumaba na babaeng galling sa staircase habang kausap ang isang matandang lalaki.
ACE: “Uumm.. Bianca, Lolo, ipapakilala ko lang po sa inyo, ang bago po nating kasambahay dito. Si Gab at Enso.”
ENSO: “Hello po!!” ang bati ng inosenteng bata.
AKO: “Magandang umaga po!”
Tinitigan ako ng Matanda, hindi ko alam kung bakit. Maya-maya..
LOLO: “Magandang umaga din sa inyo..”
BIANCA: “Ace, Masyado na tayong maraming katulong para magdagdag pa ng palamunin.” Ang mataray niyang sagot sabay tingin at irap sa amin ni Enso.
LOLO: “Bianca, ok lang anak.”
ACE: “Alam mo Bianca, wala kang pakielam kung magdala ako ng kasambahay dito dahil una sa lahat, Family friend ka lang at ako, APO AKO DITO! Kaya wala kang pakielam kung magpasok ako ng mga bagong tao dito!” Ang matapang na sagot ni Ace.
LOLO: “Ace tama na..”
BIANCA: “Whatever! At ako, nag-susuggest lang ako ng dapat gawin, at least ako di ba? Tumutulong sa Lolo mo! Unlike you! Kung anu-ano ginagawa sa buhay, ang tagal-tagal ng naghahanap sa isang tao lang, hindi pa magawa! Baka nga tumanda ka na sa paghahanap eh hindi mo pa mahanap-hanap yan!” ang mataray na sagot nito.
ACE: “Hoy manahimik ka ah! Sumusobra ka na!” ang sabi ni Ace na dinuro pa ang mukha ni Bianca
LOLO: “TAMA NA!!” ang sigaw ng matanda.
ACE: “Sorry po Lolo..”
BIANCA: “Pasensya na po Don Raphael. Sige na po mauna na po ako at may aayusin po ako sa Opisina, ako na lang po mag-aasikaso, hindi kasi mapagkakatiwalaan yung IBA DIYAN!” sabay pandidilat ng mata kay Ace at umalis na rin ito.
ACE: “Uumm.. Lolo, hatid ko lang po sila sa kwarto nila po..” ang pagpapaalam nito.
Ngunit bago pa man kami umalis ay..
LOLO: “Ace apo, kamusta ang paghahanap mo?”
ACE: “Uuumm.. Lo, mamaya na po, hatid ko lang po sila sa tutulugan nila.”
At ayun na nga hinatid kami ni Ace sa kwarto namin.
ACE: “Eto yung tutuluyan niyo, Uuumm, sige ha! Mamaya na lang kakausapin ko pa si Lolo ehh.”
ENSO: “Kuya Ace! Sino po yung babaeng kasama ng Lolo niyo? Ang taray-taray!”
ACE: “Ahh si Bianca yun! Wag niyo na lang pansinin masama talaga ang ugali nun, kahit yung mga ibang katulong dtto ginaganun nun. Basta kapag merong hindi magandang ginawa sa inyo yun ay sabihin niyo lang sa akin ha?”
ENSO: “Sige po!”
At umalis na nga si Ace.
ENSO: “Grabe Kuya! Ang laki-laki ng bahay ni Kuya Ace nuh? Kaya lang ang taray-taray nung babae kanina. Akala mo kung sinong nagmamaganda.”
AKO: “Hayaan mo na Enso, basta tayo sa ngayon dito na lang muna tayo ok?”
ENSO: “Bakit kuya? May plano ka bang umalis dito?”
AKO: “Enso, hindi habang buhay ay nandito tayo, darating at darating ang puntong aalis din tayo sa isang lugar.”
ENSO: “Kuya, hindi mo ba naisip na baka para dito talaga tayo? Para mamuhay?”
Hindi na ako nagsalita dahil ayaw kong maki-pagtalo ngayon sa batang yun at alam ko hindi niya maiintindihan ang susunod kong sasabihin.
Napa-isip nanaman tuloy ako, Tama ba ang ginawang kong pagtatago? Ang magkunwaring patay? Eto ba ang dapat kong gawin? O dapat hinarap ko ang lahat?
“Hay ewan!” ang sabi ko sa sarili ko.
Kinahapunan habang nagma-mop ako ng sahig
“Psssssttt!!! Psssttt!!” May sumisit-sit pero hindi ako lumingon.
BIANCA: “Hoy! Tinatawag kita tapos ayaw mong lumingon? Siga ka ba ha!” ang sabi niya sabay batok sa akin.
AKO: “Uumm Ma’am, hindi ko po alam na ako po yung tinatawag niyo.”
BIANCA: “Aba’t sasagot ka pa ha!!” sabay sampal sa akin.
BIANCA (ulit): “Hoy ikaw ha! Kung titira ka dito at dadagdag sa palamunin, dalhin mo yang utak mo at wag iiwan sa kama ha? Hindi pwede ang bobo’t tamad dito!” ang pagsigaw niya.
BIANCA: “At isa pa, kapag tinatawag kita, lalapit ka ha? Hindi yung iisnabin mo ako. Kabago-bago mo dito ganyan ka!! Hoy! Patibayan ng sikmura dito, kaya kung ako sa iyo, aalis na ako?. Dahil wala kang kalulugaran dito.” ang sabi niya sabay sipa sa balde ng tubig na ginagamit ko sa mop at umalis.
Nagkalat ang tubig sa sahig na kakalinis ko lang.
“Sh*t na babaeng yun! May naaalala ako sa kanya. Parehas na parehas ang ugali.. Steph Ikaw ba yan?” ang sabi ko sa isip ko.
Dumaan ang ilang araw at ganun na nga, naging houseboy kami ni Enso, kami naglilinis ng Hardin, sahig, kurtina, lahat! Kasama namin ang ibang mga katulong. Mababait naman ang lahat ng kasamabahay nila Ace.
Habang kumakain kasama ang mga kasambahay nila Ace..
INDAY: “Ang sipag-sipag naman nitong batang ito!” ang bati niya kay Enso.
AKO: “Nako kunwari lang po yan! Hehehe..” ang sagot ko naman.
ALING MINDA: “Nako Gab! Nakita ko yung ginawa sa iyo ni Bianca nung unang araw mo pa lang dito! Hayaan mo na yung babaeng yun! Masama talaga ugali nun.”
TOTOY: “Nako Oo! Nung bago-bago pa nga lang si INDAY dito eh dinikit yung plantsa sa likod niya.”
AKO: “Talaga po??”
INDAY: “Oo nuh!! Grabe yung babaeng yun!!”
ALING NELLY: “Tapos nung isang beses, nginudngod naman ako sa linalabhan namin, ganun din si Minda. Buti na lang at mabait si Sir Ace at si Don Raphael, sila nga lang ang dahilan kung bakit kami nagtatagal dito eh.”
AKO: “P-paano niyo po natitiis yung lahat ng iyon?”
ALING NELLY: “Pinag-aaral kasi ni Sir Ace ang mga anak namin at tinutulungan din ang pamilya namin sa pang-araw-araw na pangangailangan.”
AKO: “Ehh alam po ba nila yung ginagawa ni Bianca?”
ALING MINDA: “Hindi! Hindi nila alam, kasi binabantaan kami ni Ma’am Bianca na kapag nagsumbong kami ay kakawawain kami lalo at idadamay pa ang pamilya namin. Pero minsan na siyang nahuli ni Sir Ace at nagkasagutan sila.”
KOKOY: “Ewan ko ba kasi sa babaeng yan! Hindi naman siya Alvarez pero kung umasta ay daig pa ang pagiging isang Alvarez. Feeling niya apo siya ni Don Raphael.”
AKO: “Alvarez po!?!?” ang bigla kong naitanong.
INDAY: “Hindi ba naming nabanggit sa iyo? Alvarez ang apelyido ni Sir Ace at ni Don Raphael.”
TOTOY: “Oo, Michael Ace Alvarez siya at Don Raphael Alvarez naman si Don Raphael.”
“ALVAREZ!!..” ang sabi ko sa isip ko.
Tila kinabahan ako sa nadinig ko. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung coincidence lang na kaparehas ng apelyido nila ang apelyido ng nanay ko na siyang middle name ko.
ENSO: “Ehh si Bianca po, ano naman po buong pangalan ng bruhang yun?”
ALING MINDA: “Sa nadinig ko, Bianca Aragon daw ang pangalan niya.”
AKO: “ARAGON!?!?!?” ang malakas kong sabi.
ALING MINDA: “Oo anak bakit parang gulat na gulat ka??”
AKO: “Ahh eehh wala po!! M-may kakilala ko kasi ako dati na Aragon din ang apelyido eh..”
Ewan ko kung Coincidence ba ang lahat, bakit ganun?? Una, Alvarez ang Surname nila Ace na middle name ko at apelyido ng Mama ko. Tapos Aragon ang Surname ni Bianca.. Aragon.. Naisip ko ang h*yup na si Steph.. Haayy..
Kinagabihan, nag-aayos ako ng gamit ko ng mapansin kong nawawala ang kwintas na binigay ng mama ko sa akin.
AKO: “Enso!! Nakita mo ba yung kwintas na suot-suot ko lagi?”
ENSO: “Yung kwintas mo kuya na milyones ang halaga??” ang banat niya.
AKO: “Milyones ka dyan!! Nakita mo ba?? Oo o Hindi lang..
ENSO: “Hindi ehh..”
AKO: “Nako Enso! Hindi pwedeng mawala iyon ehh..” ang natataranta kong sabi.
KOKOY: “Gab iyon ba yung suot-suot mo minsan na may tatlong bilog? Yung parang may silver na parang may lion sa gitna ba yun? Tapos may gold sa pangalawang core tas may mga kumikinang-kinang pang mga bato dun ehh tapos color silver sa outer core?”
AKO: “Yun na nga!! Nakita niyo ba??”
TOTOY: “Hindi ehh.. Bakit ba Gab? Gaano ba kahalaga iyon sa iyo?”
AKO: “Bigay sa akin iyon ng mama ko ehh. Hindi pwedeng mawala iyon.”
KOKOY: “Di bale Gab, tulungan ka naming hanapin yun, siguro naman nandito lang yun sa mansion baka nahulog lang yun habang naglilinis ka.”
AKO: “Ewan ko, basta natatandaan ko, iniwan ko yun dito kaninang umaga bago ako mag-umpisang magtrabaho.”
Pagkatapos noon ay natulog na kaming lahat. Hindi ako nakatulog sa gabing iyon..
AKO: “Mama, Sorry kung nawala ko yung kwintas niyo.. Promise ko, hahanapin ko po iyon..” ang nasabi ko sa sarili ko habang naluluha.
Kinabukasan, habang sama-sama kaming naglilinis sa may Hallway.
ACE: “Paanong nangyari iyon Lolo? Paanong siya ang taong iyon? Impossible!!”
LOLO: “Ace, apo, alam kong impossible pero please making ka.. Nakita mo naman ang ebidensya, ang kayamanan sa pamilyang ito na matagal ng nawawala ang kayamanang binigay ko sa anak ko. Na kay Bianca.”
ACE: “Impossble talaga Lolo, kilala ko si Bianca, Impossibleng siya ang nawawala niyong apo!! Hindi ko alam kung paano sa kanya napunta ang bagay na yun pero impossibleng siya ang babaeng apo ninyo!! Impossible!!” ang pagsisigaw ni Ace.
Habang nagsasalita si Ace ay biglang lumitaw si Bianca sa may Staircase..
BIANCA: “Ace, My dearest Cousin, Maniwala ka.. Tinanong ko si Mama ko about my true identity at sinabi niya na inampon niya ako!! Sadyang wala daw ako maalala sa nangyari lalo na nung lumayas ako dito noong bata pa ako. Pero ngayon, naalala ko na ang lahat.” Ang nagddramang sabi ni Bianca.
ACE: “Manahimik ka!! Wala akong pinsang demonyo!! Lolo, patutunayan ko na impostor ang babaeng iyan!! Na hindi siya ang apo niyo!! Hindi siya ang nawawalang anak ni Tita!!” ang sigaw niya sabay alis ng bahay.
LOLO: “Hayy Bianca apo, matatanggap ka pa kaya niya ang katotohanan? Kailan kaya kayo magkakabati ng pinsan mo?”
BIANCA: “Hayaan na po muna natin mag-sink in sa kanya ang katotohanan.. Sa ngayon po Lolo, akyat na po kayo sa taas at nakakasama po sa pakiramdam niyo ang nangyayari.”
At nang maka-akyat na sa taas si Don Raphael ay..
BIANCA:” Hoy kayong mga palamunin kayo! Anong tinitingin-tingin niyo dyan ha?? Hmph!! Siguro naman nadinig niyo ang lahat di ba? Ako ang nawawalang Apo ni Don Raphael. It’s just so sad na noong pinahanap ko ang nawawala kong kakambal at parents ko ay namatay pala sila sa isang car accident. Tsk!”
ENSO: “So ano ngayon ang gusto mong palabasin ha?” ang biglang sagot ng bata.
BIANCA: “Ahahahahaha!! (Evil Laugh), Ano ang gusto kong palabasin? Ang gusto kong palabasin ay ako ang kaisa-isang tagapagmana ng lahat-lahat ng nakikita niyo ngayon dito.”
ENSO: “Bakit!?!? Ikaw ba talaga yung apo ni Don Raphael ha?? At si kuya Ace tagapagmana din siya!!”
BIANCA: “Ahahahahahahaa!!” Ang demonyong tawa ulit nito.
BIANCA (ulit): “Hindi niyo ba alam? Si Sir Ace niyo ay isang AMPON! Ampon siya ok?? At wala siayng karapatan dito! Ako lang.. At tanging ako ang may karapatan sa lahat! At kapag naipasa sa akin ang kayamanan ni Lolo, Ha!! Palalayasin ko kayo ng sabay-sabay dito. Or kung kailangan niyo talaga mag-stay dito para palamunin kayo, sige, Pero I’ll make your life a LIVING HELL!! Ahahahahaahaha!!!” ang sabi niya na parang demonyo sabay alis.
TOTOY: “Ano!?! Si Sir Ace ampon??”
INDAY: “Totoo ba ito Aling Minda?”
Si Aling Minda kasi ang pinaka-matanda at pinakamatagal na sa bahay ng mga Alvarez kaya alam niya bawat detalye sa mga Alvarez.
ALING MINDA: “Sa palagay ko kailangan niyo ng malaman ito.. Oo, yan ang totoo.. Ampon si Sir Ace, namatay ang totoong magulang ni Sir Ace sa isang accidente at siya lang ang nakaligtas doon, dahil matalik na kaibigan ni Don Raphael ang magulang ni Sir Ace ay inampon na niya ito at tinuring na parang isang anak.”
KOKOY: “Ehh Sino ba yung totoong anak at apo ni Don Raphael? Ano bang nangyari sa kanya? Nagkita ba sila Sir Ace at nung Apo nito pati na rin nung anak ni Don Raphael?” ang tanong ni kooky.
ALING MINDA: “Hindi sila nagkita. Pinalayas ni Don Raphael ang anak niya gawa ng hindi nito matanggap na nabuntis at nagpakasal ang anak niya sa isang lalaking hindi niya gusto.”
INDAY: “Bakit naman po hindi gusto?”
ALING MINDA: “Sa pagkaka-alam ko, isang Amerikano na ka-sosyo ni Don Raphael ang gustong ipakasal sa anak niya, yun ang alam ko ha. Tapos nung pinalayas siya ni Don Raphael, kinuha ni Don Raphael ang anak na babae ni Ma’am----ayun! Basta ni Ma’am! Kinuha ni Don Raphael ang apo nitong babae.”
AKO: “Bakit po hindi niyo tinuloy sabihin yung pangalan ng anak niya?”
ALING MINDA: “Pinagbawalan kami na sabihin ang pangalan ng anak niya. Ayun na nga bale ang nakuha lang ni Ma’am ay ang anak niyang lalaki, umalis sila kasama ang asawa niya at hindi na muli pang nakita ito. Kaya naman hindi nagkita si Sir Ace at ang apong babae ni Don Raphael ay, isang lingo bago ampunin ni Don Raphael si Ace, nalaman ng apong babae ni Don Raphael ang katotohanan na pinalayas ng Lolo niya ang magulang nito at dahil dito, naglayas ang apo niyang babae at hindi na rin nakita pa.”
Kinabahan ako sa mga nadinig ko. Ewan ko kung coincidence lang ang lahat. Una, Alvarez ang apelyido nila Ace at Don Raphael na siyang Apelyido din ng Mama ko. Pangalawa, parehas ang Mama ko at ang anak ni Don Raphael na kambal ang anak at babae’t lalaki din ito! Kung tama ang hinala ko, ibig bang sabihin nito ay Lolo ko si Don Raphael? At ako ang apo niya?
AKO: “Nakakalungkot naman..”
ALING NELLY: “Kaya nga si Sir Ace na ang nag-boluntaryo na maghanap sa nawawalang anak at apo ni Don Raphael.”
ALING MINDA: “Kagaya ni Ace, alam ko hindi si Bianca iyon. Hindi ko alam kung paano naging siya ang apo or kung paano napunta sa kanya ang bagay na sinasabi ni Don Raphael pero alam ko hindi siya.”
KOKOY: “Anong bagay yun Aling Minda? Nadinig naman natin na kayamanan daw ng pamilya.”
ALING MINDA: “Yan ang bagay na hindi ko alam, tanging si Don Raphael, si Ma’am(anak ni Don Raphael), at Sir Ace lang ang nakakaalam. Kahit mismong apo ni Don Raphael ay palagay ko hindi niya alam gawa nga ng sikreto ito ng pamilya.”
ALING MINDA: “Isa pa, kung si Bianca nga ang nawawalang apo, impossibleng mapunta sa kanya ang nasabing kayamanan gawa ng nadinig ko na nasa anak daw ito ni Don Raphael.”
ALING NELLY: “Pero di ba sabi namatay daw sa isang accidente?”
ALING MINDA: “Hindi yan totoo, noong nakaraang lingo lang nasa tindahan ako ng bulaklak, at nakita ko si Ma’am ang anak ni Don Raphael na bumili ng bulaklak. Babatiin ko sana siya kaya lang nagmamadali ito at umalis na agad.”
Hindi kami nakakibo sa kwento ni Aling Minda.. At ako naman, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nalulungkot na parang affected na hindi ko alam. Haayy.. Pero may kutob ako na baka si Mama iyon.
Kinabukasan, habang ako’y nasa hardin at ginugupit(pinapantay) ko ang mga halaman..
“Sipag mo naman..” ang sabi ng lalaking nasa likod ko.
Nang lingunin ko ito ay nakita kong si Ace pala iyon.
AKO: “Ahh.. eehh.. Kailangan ehh, syempre nakikitira na nga lang kami dito so dapat magtrabaho kami di ba?”
ACE: “Alam mo, hindi mo naman kailangan gawin ito ehh.. Bisita kita ok?? Sa totoo lang ayaw kong gawin mo ito..”
AKO: “Nako ok lang.. Ayaw ko namang matawag na palamunin nuh..”
ACE: “Sino nagsabi sa iyo niyan?? Si Bianca ba?”
AKO: “Ahh.. Ehh.. Hindi Sir..”
ACE: “Gab, alam ko si Bianca nagsabi nun. Wag ka makinig sa kanya. Bisita kita dito ok? At isa pa wag mo nga akong tatawaging Sir.”
AKO: “Ehh..”
ACE: “Bisita kita ok?? Tsaka wag mo akogn tawaging Sir.. Ace na lang.”
AKO: “Ok.. Ace..”
ACE: “Good.” Sabay smile. Sh*t! nakita ko yung dimples niya!! Haayy..
Maya-maya..
ACE: “Ako na..” at sabay hablot niya sa gunting na ginagamit ko.
AKO: “Ayy.. Hindi trabaho ko ito..”
ACE: “Uh-uh-ohh.. Ano sabi ko?”
AKO: “Ok.. So paano yung hitad na si Bianca?”
ACE: “Hayaan mo siya.”
AKO: “Ok.. So sino na ang magtatapos nito??”
ACE: “Wala.. Tara mag-usap tayo.”
Sa paghatak niya ay nakahawak siya sa kamay ko habang hatak-hatak niya ako. Sh*t!! bakit ba ako kinikilig!?!?!
Dinala niya ako sa may swimming pool, sa may gitna ng swimming pool ay merong tulay papunta sa isang cottage din na nandoon din sa gitna ng swimming pool, parang isla ba? Ang laki at ang lapad kasi ng pool nila ehh. Tumayo kami sa tulay at nag-usap. Napag-usapan namin ang mga buhay-buhay namin, lalo na ang buhay niya. Siyempre di ko pwedeng ikwento ang lahat ng tungkol sa akin dahil mahirap na.
Ganoon ang mga naapg-usapan namin. Maya-maya biglang napunta ang topic sa love.
ACE: “Gab.. Nagmahal ka na ba? I mean nagkaroon ka na ba ng girlfriend?”
AKO: “Ahh.. Ehh..” ang naisagot ko. Alangan namang sabihin ko na nagkaroon na ako ng boyfriend di ba? Mamaya niyan mawindang yung tao.
ACE: “Nagkaroon ka na ba?” ang tanogn niya ulit.
AKO: “Ahh Oo.. Hehehe.. Pero wala na yun..”
ACE: “Ilan?”
AKO: “Isa.. Ikaw?? Nagkaroon ka na ba?” ang paglilihis ko ng topic sa akin.
ACE: “Oo.. Kaya lang wala na ehh..”
AKO: “Bakit naman? Anong nangyari?”
Hindi siya agad nakapagsalita. Maya-maya ng makakuha na siya ng bwelo ay..
ACE: “Namatay siya sa isang aksidente..”
AKO: “Ahh… Sorry ha at natanong ko pa..”
ACE: “Ok lang.. May dalawang taon na rin iyon so naka-move on na ako. Alam mo ba namatay siya dahil sa akin?”
Hindi ako nakapag-salita sa nasabi niya imbis ay nakinig lang ako.
ACE: “16 ako noon, at 15 naman siya. Sa totoo nga nyan ehh pagkatapos naming mag-aral ay magpapakasal na kami. Kahit si Lolo ay boto sa relasyon namin kaya lang isang araw... Nasa sasakyan kami noon, masayang-masaya at galing kami sa ibang bansa nun, alam mo na parang nag pre-honeymoon kami. Hahaha!” ang bigla niyang halakhak na parang pinipilit iangat ang mood naming dalawa.
Ngumiti na lang ako.
ACE: “Kaya lang, habang nagbbyahe kami ay.. May kotse na sumalubong sa amin, iniwasan ko ito ngunit sa pag-iwas ko ay isa namang truck ang bumangga sa amin at dahil doon ay bumaliktad ang sinasakyan naming kotse. Nang tingnan ko ang kalagayan ng girlfriend ko ay nakita kong.. umaagos ang dugo mula sa ulo niya.. at ng tingnan ko ang pulso niya ay..wala na.. wala na siya (sabay pahid ng luha). Yinakap ko siya at nagsisisigaw. Halos mabaliw ako noon, mahal na mahal ko kasi siya eh. Bakit kaya ganun Gab, lahat ng importanteng tao sa akin ay iniiwan ako, ang mama ko, ang papa ko, tapos ang girlfriend ko.”
Awang-awa ako kay Ace, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapasaya siya, imbis ay yinakap ko siya. Masmahigpit na yakap naman na ginanti niya.
Naisip ko tuloy na halos parehas ang naranasan namin. Parehas kaming iniwan ng mga mahal namin. Ang pagkakaiba ay sa akin buhay pa sa kanya patay na.
AKO: “Ace.. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo kasi ako din, iniwan ako lahat ng mga mahal ko..”
ACE: “Ehh kung tayo na lang kaya ang magmahalan? Hahahaha!!!” sabay tawa ng malakas.
Alam ko namang joke iyon pero sa totoo lang ay kinilig naman ako doon. Dahi lsa sinabi niya ay napakalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
AKO: “Baliw!!”
ACE: “Hahaha!! Pero alam mo Gab, may sasabihin ako..”
AKO: “Ano??”
ACE: “Alam mo sa totoo lang, ang gang-gaang ng loob ko sa iyo. Hindi ko alam kung bakit.”
AKO: “Ganun!?!?!” ang nasabi ko na lang.
ACE: “Oo.. Promise! Sa totoo nga ehh feeling ko close na tayo agad.”
AKO: “Ayun!!! So inamin mo na nagpapaka-feeler ka ganun?”
ACE: “Aminado naman ako! Hehehe.. Pero sigurado ako Gab, kampante ang loob ko sa iyo.” Sabay ngiti.
AKO: “Uuummmpphhh!! Nambola na!!” sabay batok sa kanya.
ACE: “Hindi yun pambobola ha!! Totoo yun!!”
AKO: “Di rin!!!”
ACE: “Oo rin!!”
AKO: “Waaaahhhh!!! Hindi nga ehh!!”
ACE: “Oo nga ehh..”
AKO: “Hindeeee!!!”
ACE: “OOOooooo!!!”
AKO: “Hindi Nga!!!”
ACE: “Kuliiittt!!” at kasabay noon ang pagkuha niya sa isang hose na malapit lang sa tulay na tinatayuan namin, binuksan niya ito at binasa ako!
AKO: “Waaahhhh!!! Loko ka!!” ang pagsisigaw ko.
Kinuha ko din ang isa pang hose at nag-basaan kami. Sa kalagitnaan ng basaan, nang makalapit siya sa akin ay nagwrestling kami. Pagulong-gulong kami sa may tabi ng pool at dahil nga 5’11 ang loko at masmatangkad siya sa akin ay talo ako. Sa pagdagan niya sa akin ay nagkaharap ang mukha naming dalawa.
Tinitigan niya ako ng matagal kasabay nito ang muling paghaplos siya sa aking mukha gaya ng paghaplos niya noon nung bumagsak ako sa kanya sa may elevator ng kumpanya namin.
Sh*t!! Nakuryente ako sa haplos ng kanyang kamay, samahan pa ng matatamis niyang titig sa akin! Grabe nalulusaw na ako!! Kaya naman..
AKO: “Ayoko na ok?? Tayo!! Tayu na!!”
ACE: “Ano sabi mo?? Tayo na?!?! as in MAG-ON NA TAYO??” ang nasabi niya.
AKO: "Baliw!!! Adik ka!!"
ACE: "Hahahahaha!!"
Pagtayong-pagtayo niya ay lumundag ako sa kanyang likod. Pilit siyang nanlaban at ibagsak ako ngunit bigo siya, maya-maya ay bigla na lang siyang lumundag sa pool at syempre, nasama ako!
Malalim ang parte ng pool na linundagan niya at dahil nga hindi ako marunong lumangoy ay kampay ako ng kampay sa ilalim ng tubig. Nakita naman niya na hindi ako marunong lumangoy kaya hinawakan niya ang kamay ko, ngunit imbis na iangat niya ako ay muli hinaplos niya ang isa pa niyang kamay sa mukha ko. Ganoon ang naging posisyon namin sa ilalim ng tubig, hawak hawak namin ang kamay ng isa’t-isa na parang mag-boyfriend at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa mukha ko. Ang isa ko namang kamay ay nakahawak naman sa balikat niya. Maya-maya ay unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at ilang sandal pa ay natikman ko ang halik ni Ace.
(itutuloy..)
OMG! OMG! OHHHH MYYYYYYYYY GGGGOOOOODDDDDDD!!!!!
ReplyDeleteIBANG LEVEL ANG KILIG NG Gab-Ace!!!! Grabe!! Nalilito na tuloy ako..
Team Jared ba o Team Ace???????????????
PA-POST NA PO NUNG NEXT CHAPTER PLEASE????
Mukhang may bagong steph sa buhay ni gab ah. And feeling ko Lolo ni Gab yung matanda, pero pwede ding hindi at linilito lang tayo ng author! lol!
ReplyDeleteanyway kinilig ako sa last part! grabe ah ang haba ng hair ni gab! haha!
asan na yung next nito? demanding! hehe!
HHHUUUUWWWWAAAAAAAAWWWWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeleteUUUUUUUUUUBBBBBBBBBBBBBEEEEERRRRRRRRRRR SA KILIG GRAAABBBBEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!
KAKALOKA ANG LAST SCENE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
hanu ba yan sobrang nakakabitin nman, pero ang ganda ng story, sana madami pang mga twist ang turns pra humaba pa . . . haha
ReplyDeletetwists + revelations have been unfolded..but i know marami pa ring katanungan ang dapat masagot..at marami pa ang darating na tanong sa aking malikot na isipan???sinu nga ba ang kakambal ni GAB??san ito napadpad??may possibility ba na si steph un??kya sguro galit na galit si steph kay gab dahil from the start e alam niyang si GAB ang kakambal niya???(wla lang, pumasok lang sa isip ko!hahaha)..sinu naman tong bruhang si Bianca?sinapian n ba siya ng espiritu ni Steph???magkakaroon na ng LOVE triangle ---Jared - Gab - Ace!!!exciting!!!hahaha..sinu ba tlga ang nagplano nung SUNOG????hahaha..plagay ko kapag nareveal un, e madedecode ko n ung series of events...author, salamat pala sa pagbati sa ken sa part n eto.. i really appreciate it...in a way cguro, parehas tau magisip kya gusto mko mkilala..hahaha :) this part established an added spice, suspense in the storyline...maganda ang pagbuild up ng story..dahan dahan papuntang climax...hahaha...keep it up author :)
ReplyDeleteOMG OMG OMG...
ReplyDeletenakakakilig!
- flashbomb
Nakaka-lurkey ang mga line na itech!
ReplyDeleteACE: “Ehh kung tayo na lang kaya ang magmahalan? Hahahaha!!!"
ACE: “Alam mo sa totoo lang, ang gang-gaang ng loob ko sa iyo. Hindi ko alam kung bakit.”
ACE: “Ano sabi mo?? Tayo na?!?! as in MAG-ON NA TAYO??”
Uber Kilig!! Team Gab-Ace ako!!!! Ibang level sila eh basta hindi ko maipaliwanag!
Wow! Ace-Gab fever na ito!!!!! kaya lang paano na si papa jared???? hala ka bebe gab sino ang pipiliin mo??????
ReplyDeleteInfairness nag-uumpisa pa lang ang ace-gab moment pero naman! uuuuubbeeeerrrr sa kilig!!!!!!
Nako mukhang merong susunod kay Steph na hahampasin ni Gab ng Libro na kasing kapal ng encyclopedia.. (Bianca!) hehehe..
-SnaberO-
ReplyDeletehay naku gabino hahaha thanks sa mention..
well about sa story mo.. hmmmmmm ... ang bilis talaga hahhaha.. but anyway its very interesting talaga, me mga scenes na nakakadala at syempre ung iba sabi ko naman sau napanood ko na diba .. haha pero syemre kahit ano pa man go lang tau ng go... madami ka mambabasa wag ka matakot o manghinayang sa isang komento :)) lalo na kapag di nila alam ung tunay na halaga ng isang kwento .... hahahaha ... :p
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
ReplyDeletebebe gab iba ka talaga as in... amp....
wala ako masabi kundi WOW!!!!!!
ang ganda ng chapter na ito......
alam ko kwintan ni gab yung sinasabi ni don rafael na kayamanan ng pamilya nila.... waaaaaaaaaa
bow na bow ako as in.....
keep up the good work bebe gab....
Wow naman ang part na ito!!!!!! Kilig ako kay Ace and Gab.......... kaya lang paano na si jared??????? namimiss ko na din yung silang 4 na magkakasama........ :(
ReplyDeleteDi ko kinaya ang huling eksena.... nasobrahan ata sa ka-cheesyhan!!! hindi na nga cheesy ehhhh kasi talagang nakakakilig!!!!!! bow na bow ako sa author..... GALING!!!!!
ReplyDeletei miss jared, ella, and ely.. :(
kailan kaya sila ulit magsasama-sama???? :(
low guys yun lang add me up gabatinkenedyrudz@yahoo.com
ReplyDelete