Pumasok ako ng bahay ng may dalang sama ng loob. medyo napa-isip din naman ako sa sinabi nyang kailangan pa ba nyang mag paalam kung magsisimba
sya na iba ang kasama, medyo sumama ang loob ko sa sinabi nyang iyon parang pinamumuka nya sakin na wala akong karapatan na pag bawalan sya sa lahat ng gagawin nya.Oo totoo! wala akong karapatan na pigilan sya sa lahat ng gusto nya dahil isa lang akong di HAMAK na KAIBIGAN lamang at KAIBGAN LAMANG! at yun ata ang masakit na hangang kaibigan lamang kame at darating din ang panahon na hahanapin nya ang sarili nya at hindi sakin yon KUNDI SA IBA at nag sisimula na atang mangyari iyon ANG PAGBABAGO na kinakatakutan kong mangyari, pagbabago sa pagitan namin ni louie. Iniisip ko palang ang sakit na pano pa kaya kung mangyari na talaga? simple palang yung nasaksihan ko sa simbahan pero ang sakit sakit na pano pa kaya kung makita ko mismo sa harap ko na nag hahawak kamay sila, sweet sweetan! o mas malala mag kiss sa harap ko? TANG INA sakit talaga iniisip ko palang shit!hayss.. dumeretso nalang ako sa
“hirap naman matulog.. pano ba to?” sabi ko habang nakahiga. Hirap na hirap ako matulog nung oras na yun ng bigla kong naisip na hindi ko pa pala nagagawa ang assigngment ko kaya sinimulan ko nalang ang assignment ko. Habnag gumagawa ako ng assignment minsan napapatigil nalang ako at napapatulala ng saglit. Bigla bigla kasing pumapapsok sa isip ko ang eksena sa simbahan. Matapos kong gawin ang assignment ko nahiga ako ulit para matulog na. pero hindi pa rin eh ang hirap naman ng ganto na gusto mo ng matulog pero may gumugulo sa isip mo. Iniisip ko kung dadaan ba ako bukas kila louie papunta school. Hayss.. bahala na nga.
Kinabukasan..
Natapos na ako mag-ayos at mag bihis para pumasok sa school hindi ko parin mapag desisyonan kong dadaan ba ako kila bayag para sumabay sa kanya ng pasok o papanindgan ko ang pag-iinarte ko at papasok ng mag-isa. Tumingin ako sa orasan at
TOK!TOK!TOK!
Katok ko sa pinto nila louie, hindi ko matiis eh! Bahala na nga! Eh tanga lang anong magagwa ko? Si louie ang nag bukas ng pinto.
“kala ko hindi ka na dadaan dito.” Sabi ni louie ng nakangiti.
“bakit naman? Ikaw talaga! Halika kana malalate na tayo nyan eh” sabay hawak ko sa braso nya para hilain syang palabas ng bahay.
“ninang! Alis na po kame!!” sigaw ko mula sa labas ng bahay nila.
Habang nasa pedicab kame..
“hindi kana galit?” tanong ni louie.
“ako? Galit? Sino nag sabi? Hindi naman ako nagalit ha!”
“weh? Eh ano yung inaarte mo kagabe? Drama?”
“tampo?”
“tampo? San?”
“basta!
“ano nga kasi?” pangungulit nya habang nag-aantay kame ng jeep.
“dami mong tanong noh?gusto mo mag-inarte nalang ako ulit ako para wala nang tanong tanong?” pag tataray ko.
“oh sige na nga!” sabay sakay namin sa jeep.
Binalewala ko nalang ang lahat, hirap din naman kasi na hindi ko sya papansinin dahil andyan lang sya lagi malapit sakin ako lang din mahihirapan. Ganun naman diba pag nag mamahala ka? Natututo kang mag paraya, mag bulag bulagan at MATUTUTONG MAGING TANGA! Hayss..
Pansin ko tong mga nag daang araw, nagiging masyado syang busy sa pag tetext. Minsan habang nag klaklase kame lalabas sya at sasagot ng call at madalas nag tatago ng tet habang may klase na dati rati naman hindi nya ginagwa dahil hindi naman talaga sya mahilig mag text. Siguro nga dahil dun sa babaeng nakasama nya nung nag simba sila. Unti-unti kong nararamdaman ang pag babago kahit pilit nyang gawin na walang mag bago ramdam ko parin nag sisimula ito sa mga maliliit na bagay na hindi nya pansin na unti unting nag babago ewan! Siguro nagiging over SENSETIVE ako at kahit maliit na bagay napapansin ko. Tulad ng pag uwian need ko pang mag-antay ng ilang oras sa Seven Eleven bago kame maka uwi dahil aantayin ko pa sya duon, dahilan nya kesyo ganyan kesyo ganto hindi ko nalang pinapansin pero alam kong dahil yun sa babae nya siguro hinahatid pa nya pauwi. Minsan nga naabutan ko ni joner sa Seven Eleven nag-aantay.
“ui andy bat andito ka pa? kanina pa out natin ha?” sabi nya.
“ah.. eh kasi.. may inaantay lang ako.”
“inaantay? Sino?”
“ahmm.. si louie.”
“si louie? Bat asan ba sya?”
“ewan..” malungkot kong sabi tapos sinandal ko baba ko sa maliit na mesa kung san ako naka-upo.
“alas
“pwede naman na umuwi ka mag-isa diba? Na hindi na kasama si louie.” Napatingin ako kay joner non, napa-isip ako. Oo nga pwede pala ako umuwi kahit wala si louie at mag-isa lang ako.
“oh! Bat umiiyak ka?”
“wala.. daig ko pa kasi lumpo nito! Nakalimutan ko nakadikit pala mga paa ko sakin, kaya ko pala umuwi mag-isa.” Habang pinupunasan ang luha sa mga mata. Sabayan pa ng music mula sa Seven Eleven na ang tittle EXCHANGE OF HEART isa sa mga paboritong kong songs lagi ko ngang pinapatugtug sa computer ko yan eh medyo nakakarelate kasi sa lyrics at sobrang emotional ang kanta yung tipong pang emo, pag gusto mong mag emote iplay mo lang yung music sasabayan ka nito sa drama mo.
“hays.. lika ka nga dito.” Sabay upo n joner sa tabi ko at inakbayan ako.
“ok lang ako..”
“ok ka lang? tapos umiiyak ka? May ganun ba? Ok lang yan.. sige labas mo lang pwede mo naman ako labasan ng sama ng loob.” Ang bait talaga nito ni joner kaya crush ko to eh.
“talaga?”
“oo naman! Kaw pa! eh lakas mo sakin eh. Ano bang problema?”
“eh kasi.. si louie.”
“oh? Anong meron kay louie?” natahimik ako saglit.
“parang wala na kasing oras sakin.”
“pano mo nasabi? Eh lagi naman kayo mag kasama, pag dating sa bahay nyo mag kasama din kayo. Oh? Pano mo nasabi na wala ng oras?”
“hindi eh, hindi mo naiintindihan.. ewan ko ba! Kung sya yung may
“mahal mo?” napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mga mata nya. Hindi ako makapag salita kung sasabihin ko ba o hindi.
“ok lang yan.. ganyan talaga, part ng pag mamahal ang masaktan at umiyak at pag hindi mo narasanan yun hindi mo masasabi na nag mamahal ka.” Sabay kuskos nya sa buhok ko.
“bat sinabi ko bang mahal ko sya?”
“oh bat ka umiiyak kung hindi mo sya mahal?” natameme lang ako sa tanong nyang iyon. Umiyak lang ako habnag naka yuko. Ang sakit na kasi wala pa akong malabasan ng hinanakit si faye kasi busy sa jowa nya buti nalang andto si joner na pwedeng mag comfort sakin.
“hays!” pag buntong hinika ko.
“pwede na nga ito!! Uuwi na ako! Ako lang! mag-isa!” napa ngiti naman si joner.
“yan! Dapat ganyan! Matuto kang lumaban dahil walang ibang tutulong sayo sa huli kundi sarli mo lang.” sabay punas ko ng luha at sinabayan ko ang kanta sa huling chorus nito.
“if we had an exchange of heart then you know why I fell apart, you’d feel the pain when the madness start if we had an exchange of heart..”
tumngin ako kay joner bago tapusin ang kanta. “if we had an exchange of heart” napatingin lang sakin si joner at tipong natulala. At laking gulat ko ng pumalakpak sya ng malakas!
CLAP!CLAP!CLAP!
“andy!! Ang galing mo!! Ang ganda pala ng boses mo?!!” gulat nyang sabi.
“ha? Hindi naman ito talaga!! Ikaw ang maganda ang boses jan diba kumakanta ka sa mga contest?”
“oo pero ngayon ko lang narinig ang boses mo! Hindi sa pag bibiro ang ganda ng boses mo bat hindi ka sumasali sa mga contest o kaya sa school choir natin?”
“ah eh kasi.. nahihiya ako? At saka hindi naman ganun kagandahan ang boses ko eh”
“ano ka ba! Maganda nag boses mo PROMISE!”sabay angat nya ng kanan nyang kamay na tipong pumapanata.
“talaga? Hehehe salamat.. ikaw unang nag sabi nyan sakin..” sabay ngiti.
“sama ka sakin?may ipapakita ako sayo.”
“ha? Ano yun?”
“basta!” sabay hila nya sa kamay ko palabas at sumakay kame sa kotse nya.
Habang nasa kotse kame kunga ano ano ang tumatakbo sa isip ko kung ano ipapakita nya sakin? At bigla sumagi sa isip ko, baka naman ipapakita nya sakin ang ano nya? OH MAH GAZ! Ahahaha yung mga instruments nya! Sabi nya kasi sakin madami syang instruments for music at lahat yun alam nyang tugtugin. Huminto kame sa harap ng isang parang restobar. Pero madaming tao may mga banda, maganda ang paligid medyo solemn at maganda ang ambians nakakarelax. Parang classic resto bar sya.
“joner? Asan tayo? Bat dito mo ako binaba?” laking taka ko habnag bumababa.
“restobar namin to kame ni papa ang napapalad nito.”
“kayong dalawa? As in kasama ka?”
“oo! Sinasanay na kasi ako ni papa sa trabaho dito dahil darating daw ang panahon ako na mamalakad nito.”
“ah.. sosyal ha! Yaman!”
“ay teka teka! Eh dapat business ad nalang kinuwa mo bat nursing?” pag-uusi ko pa.
“pangarap kasi ni mama dati pa, tara na nga dami mong tanong. Sabay akbay nya sakin papasok. Pero sa bandang likod kame dumaan. At may pinasukan kameng isang pinto na sa labas palang nito may naririnig na kame mga tugtugan ng mga drums and guitars. Pag pasok namin nasaksihan ko ang mga ilang kalalakihan at isang babae na tumutugtog ng mga drums and guitars.
“oh joner kanina ka pa namin inaantay ah!” lumapit samin ang isang lalaki na may kahabaan ang buhok.
“pasensya na eh may dinaan lang tol. Sya nga pala si andy classmate ko.” Sabay shake hand sakin ng lalaki inabot ko naman agad ang kamay nito.
“paul..” pag papakilala nya.
“nice to meet you.” Pag galang ko.
“guys! Guys! Stop for a while please!!” at hininto nila ang pag tutog. Sabay akbay sakin ni joner.
“I want you to meet guys andy, and his gonna play a song for us!” parang gusto kong maduwal sa sinabi ni joner sa gulat! Hindi ko expect na sasabihin nya yun at wala yun sa usapan namin. Nag tinginan ang lahat ng mga myembro ng banda ang iba mukang nag tataka at iba napangiti sa narinig.
“teka joner! Ano bang pinag sasabi mo? Wala sa usapan to!” pigil kong salita para hindi marinig ng ilan ang sinasabi ko.
“wag ka mag alala they are my band tumutugtog kame sa restobar namin every Sunday mababait ang mga yan. Gusto ko kumanta ka tulad ng ginawa mo kanina.”
“pero joner! I told you hindi ako magaling!” pag insist ko.
“magaling ka andy! Believe me.. diba sabi mo sakin from now on tatayo kana sa sarili mong paa? Then now is the time.. prove your self you can do it alone.. alone withoout him.” Parang nahimasmasan naman ako sa sinabi nyang iyon, lumakas ang loob ko.. tama ang sabi ni joner ito na ang oras na patunayan ko sa sarili ko na kaya ko mag-isa! Mag-isa na wala si louie.
“go ahead!” sabay abot nya sakin ng mic at umakyat ng mini tage nila. Nakatingin lamang ako kay joner non at nakangiti lamang sya sakin at parang confident na confident sa gagawin ko, ako naman sobrang kinakabahan nanginginig ang mga kamay ko at ang bilis ng hininga ko parang aatakihin ata ako dito!
“anong song kakantahin mo?” pag lapit sakin nung babae nilang myembro sa banda.
“ahmmm..’ lumingon muna ako kay joner ngumiti lang sya ulit.
“alam nyo ba yung EXCHANGE OF HEART?”
“ok..” at kinausap na nya ang iba nilang myembro at tumango lang sila. Nung nag simula ang piano na tumugtog lalong lumakas ang kabog ang dibdib ko parang gutsong lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
One-sided love broke the see-saw down
I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And girl, you'd understand if your heart was mine
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
If we had an exchange of hearts
Alanganin ako sa unang word na kakantahin ko marahil sa sobrang kaba. Nag simula na akong kumanta. Medyo nanginginig nga boses ko eh pero nung nag simula na ang chorus at tumugtog na ang drums kinilabutan ako na nag bigay ng lakas sakin ng loob na pag butihan. Sa wakas nakakanta ko na ng maayos ang kanta at nawawala ang nginig sa boses ko. Napapapikit na ako sa bawat lyrics na binubuka ng mga labi ko sa pag kanta. Habang kumakanta ako may lumapit na ginoo kay joner at kinausap sya habang nanonood sakin. Napapatungo ang ginoong iyon. Naka ngiti lang sakin si joner na nagbibigay naman sakin ng lakas ng loob na mas pag butihan ko pa ang pankanta ko. Ang galing!! Kaya ko palang kumanta kasama ang isang banda!! Ni minsan hindi ko naisip na makakanta ako na kasama ang banda. Natapos ko ang kanta ng mabuti dun ko lamang napag tanto na may boses nga ako! Maganda ang boses ko! Ng natapos ko na ang kanta tahimik.. ng bigla pumalakpak ang ginoong katabi ni joner. Sumabay naman ang ibang myembro ng banda. Lumapit sakin ang mga myembro ng banda at nagpakilala.
“ako nga pala si derek! Base ng banda! Galing mo!” sabay shake hands.
“ako si harold, drumer.”
“jason, lead guitarist.”
“ako pala si lovely pianist ng banda.. ang galing mo ha!!” natuwa naman ako sa sinabi nilang magaling ako.. at hinila naman ako ni joner papunta sa ginoong kasama nya kanina. Nung makalapit na kame tinitigan ko ng mabuti ang ginoo, kamukang kamuka ni joner!
“andy papa ko nga pala, pa si andy classmate ko.” Pag papakilala ni joner saming dalawa.
“nice to meet you iho, you’re very good iho!! Would you mind to sing with them this coming Sunday?”
“ha?”
“kumanta ka daw samin this Sunday.”
“oo naintindihan ko! Nag-iisip pa ako diba?” sabi ko, nagulat kasi ako sa sinabi papa nya.
“anyway, im roberto sa restobar ko kayo tutugtog may talent fee naman sa bawat kanta mo kaya if I were you grab the oppurtunity.” Sabay ngiti ng papa ni joner na kuwang kuwa naman ni joner.
“ahmmm sige po..”
“well.. welcome to forsims band!” sabay kamay sakin ng papa ni joner ang iba naman ay nag palakpakan. Ang sarap ng feeling ng ganto. First time ko kasing makasali sa gantong banda. sandali namang nawala sa isip ko si louie buti nalang at dinala ako ni joner dito at nahanap ko ang sarili ko.
“andy, sabi ko sayo eh! Magaling ka. Natuwa si papa sa kinanta mo ang galing mo daw simula bukas mag sisimula na tayong mag practice pa ng ibang songs ha? Ako na din mag hahatid sayo pauwi baka kasi gabihin na tayo sa mga practice natin eh.”
“oh sige sige basta wag kang aalis sa likod ko ha? Always guide me.”
“oo naman! Gusto mo dito kana dinner? Masarap mga pag kain namin dito.” Yaya nya sakin.
“ahmm sige..”
ang sasarap nga ng mga pag kain nila duon pang sosyalin!! Medyo class kasi tong restobar nila joner halata naman sa klase ng mga pagkain at uniform palang ng mga waiter kabog na. mga
“asan ka? Andito na ako..”
“huy! Ano ba? Kanina pa ako dito!”
“bahala ka uuwi na ako!”
“sige! Bahala ka jan!” ang iba paulit ulit nalang ang sinasabi. Hindi ko na pinansin at binura ko nalang at napabuntong hininga. Napansin naman si joner yun habang nag dridrive sya ng kotse nya.
“anything wrong?”
“wala.. si louie nag text.”
“oh anong sabi?”
“kanina pa daw sya nag-aantay sa
“oh anong sabi mo?”
“wala! Hindi ko na nireplyan.” Hindi na sya sumagot.
Binaba na ako n joner sa bandang tapat mismo ng bahay. Hindi na din sya nag tagal at anong oras na din dahil may pasok pa kame bukas. Nahiga ako sa
Kinabukasan..
Hindi na ako dumaan kila louie para sumabay ng pasok sa kanya siguro dito ko dapat simulan ang pag babago kahit masakit dapat masanay para sakin din naman ito eh. Nag text na ako sa kanya na mauuna na akong pumasok nag dahilan nalang ako na sumabay ako sa lola ko dahil mamalengke ito. Ng makababa ako ng jeep sabay namang dating ng kotse ni joner at huminto sa harap ko at bukas ng bintana.
“good morning.. sabay kana.”
“ay di na! medyo malapit lang naman ang lalakarin eh.”
“sige na..” pag pupumilt nya.
“sige na nga kulit mo eh!” sabay sakay ko naman sa kotse nya. Nung pag baba namin ng kotse nya pinunasan ko muna ang sapatos ko ng tisyu dahil medyo naputikan ito ng matapos ko linisan at nag simula ng mag lakad nakita ko agad sila louie nasa tambayan namin naka upo habang nag-aantay ng klase at naka tingin silang tatlo nila faye at aldrin samin ni joner. Naki-upo na din kame sa kanila.
“ wow naman teh! May taga hatid ka na pala ngayon ng may kotse ha!” sabi ni faye.
“hatid ka jan! nag kataon lang!” sabay lagay ko ng bag ko sa mesa.
“kala ko ba sumabay ka ng alis sa lola mo papuntang palengke?” sabi ni louie.
“ah oo tol napadaan kasi ako dun kanina papunta dito nakita ko sya nag aabang ng jeep kaya sinabay ko na.” palusot ni joner.
“ah oo nakita nya lang ako.”
“ah ok! Defensive ha!” medyo sarcastic na sabi ni louie.
“
“ang tagal kong nag-antay sayo kahapon ha!”
“mas matagal ako! Ang tagal mo kasi kaya nauna na ako.”
“edi
“ay sorry, wala kasi akong load. Kala ko kasi wala ka ng balak balikan ako dun.”
“pwede ba yun?”
“pwede kung gusto mo.” Sabay pasok na sa room ng klase namin. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng samahan namin ni louie alam kong ramdam din nya iyon.
Natapos na ang lahat ng klase at uwian na. sinabihan ko si joner na sa labas nalang mag-anaty sakin.
“louie, hindi na ako mag-aantay sa seven eleven mauna na ako.”
“bakit? Ahmmm sige wag kana mag-antay uwi na tayo ngayon.”
“hindi ok lang. nakakahiya naman sa girlfriend mo kung ako sasamahan mo sa pag uwi kesa sa kanya.”
“girlfriend? Sino naman nag sabi sayo na girlfriend ko sinasamahan ko sa pag uwi?”
“don’t make me stupid louie, I know whats going on.. sige una na ako.” Hindi na sya nakapag salita sa sinabi ko at umalis na din ako agad para wala na syang samasabi.
Nagpatuloy ang ganung set up namin hindi na ako sumasabay ng punta ng school sa kanya at uwi. Ito na nga nag sisimula na ang PAGBABAGO na kinakatakutan ko. Masakit kung sa masakit pero dapat masanay para hindi mag mukang pinag-iwanan, mag mukang lugi at mag mukang TALO. Pero kahit anong tago ko kay louie ang tungkol sa pag kanta ko sa banda sadyang wala talagang pwedeng itago sa mundo ito malalaman at mamalaman din. Sabado non isang araw bago ang pag kanta ko kasama ang banda ng tinext ako ni louie na pumunta sa bahay nila.
“bakit mo ako pinapunta dito? may problema ba?”sabi ko.
“wala naman.”
“oh wala naman pala eh bat mo ako pinapunta?”
“bakit? Dati rati ka naman pumupunta dito ha!”
“dati yun, iba na ngayon.”
“alam ko..” napa tingin ako sa sinabi nyang iyon.
“alam ko.. at dahil iyon kay joner.”
“joner? Pano naman napasok sa usapan si joner dito ha?”
“wag ka na ngang mag maang magaan andy! Alam ko na ang lahat! Kaya hindi kana sumasabay ng uwi sakin dahil kay joner ka sumasabay at sumasama ka sa banda nya!” medyo mataas na ang tona nya.
“oh ano naman ngayon sayo? Bakit pinapakelaman ba kita kung may iba kang kasamang umuwi ha? Hindi naman diba? Kahit nga nag mumuka na akong tanga sa kakahhintay sayo sa Seven Eleven ok lang kasi gusto ko kasabay tayo umuwi kahit nag mumuka na akong TANGA dun sa kakahintay sayo!may reklamo ka bang narinig sakin? Diba wala?” galit kong sabi.
“pero andy hindi mo pa lubos na kilala si joner bago lang natin syang naging classmate at nagagawa mong sumama sa kanya?”
“exactly the point louie.. I don’t know him as much as I know you right? Bago ko lang sya nakilala hindi ko pa alam ang lahat kay joner pero tapat sya sakin, sinasabi nya lahat sakin at higit sa lahat hindi sya NAGSISINUNGALING sakin pero ikaw? Mula dulo ng hibla ng buhok mo papuntang talampakan mo kilalang kilala pero ikaw?” hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko sa halip ay naiyak na lamang ako. Natahimik nalang sya sa sinabi ko.
“ang daya mo louie! Ang daya mo! Sabi mo walang magbabago!! Ang daya mo..” patuloy parin ang pag-iyak ko.
“ikaw ang nag bago andy hindi ako.”
“ako? Oo!! Pero sayo nag simula ang pagbabago hindi sakin!! Ginawa ko yon dahil gusto ko protektahan sarili ko para hindi ako maiwan! Malugi! Matalo!! Dahil patagal ng patagal unti unti pinaparamdam mo sakin na nag-iisa nalang ako!! Kala mo gusto ko itong nararamdaman ko? Kung may magic lang ako na tangalin tong nararamdaman ko matagal ko ng tinangal to dahil puro sakit lang binibigay nito sakin! Kasalanan ko to eh sana hindi ko nalang sinabi sayo na mahal kita..
“sinubukan ko naman eh..”
“louie sabi ko mahal kita! Hindi ko sinabing mahalin mo din ako!siguro tama ngang mag kanya kanya muna tayo hanapin mo sarili mo ng wala ako at ganun din ako kung may malasakit ka talaga sakin pagbibigyan mo ako sa gusto ko.” Tinigil ko ang pag iyak ko at pinunasan ang luha ko. Napatingin sakin si louie sa sinabi kong iyon.
“tama na andy.. pwede na.. itigil mo kasi yan.. tignan mo? Pati pag kakaibigan natin nasisira!!! Tama na yan.. mapapagod ka lang.. mapapagod ka lang na mamahalin ka din.” Nakita ko sa mga mata nya ang luha na tumulo na kanina pa nyang pinipigilang bumuhos.
“alam mo louie.. ni kahit kailanman hindi ko naisip na nakakpagod kang mahalin, hindi kailanaman napagod akong mahalin ka..Alam mo” nag simulang bumuhos ulit ang luha sa aking mga mata.
“ngayon lang..” sabay tayo ko at labas ng kwarto nya.
ITUTULOY..
kakabitin nman . . . haha
ReplyDeletesana may kasunod agad, ganda eh
..very emotional, very intense...tumitindi na ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang character..tama ang sinabi niya, sa HULI tau lang ang magmamahal sa sarili naten..we should know when to stop and move on..LIFE goes on, just go with the flow..no matter what happen, it is just YOU who will stand still at the very end..very inspiring netong chapter na to author...nice work :))
ReplyDeleteyesssssssssssssssssssssssssss,,,natuto din sa wakas...ngayon louie ako naman,,,galing idol...sana may susunod agad...hahaha,,,d pa ako kumakain sa tuwa ko basa agad ako ng makita ko mayrn na chap13,,,pakiusap lng gel bka pwede may kasunod agad,,,gustong gusto ko kwentong to...kudos at salamat sa iyong malawak na imagination...
ReplyDeleteparang narinig ko na yung line na yan..
ReplyDeletesi sarah ang nagsabi nun hindi ba???...
wooooohhh!!!
sana may next chapter na!
nadala ako doon, di ko akalaing masasabi ni luie yun na mapapagod din si andy na mahalin siya... ang sakit kaya nun kahit na sinabi niyang di siya niyto mahalin masakit parin yun kahit bali blibaliktarin masakit parin....
ReplyDeletelalo na ang theme song... ang ganda... classic and elegant....
keep up the good work....
next chapter na agad
weeeeeeeeeeeee... salamat po sa lahat ng comments natuwa na naman ako. actually dapat i attach ko talaga yung song dito kaso hinid ko alam pano ko iattach eh.. anyway pag nalamana ko how edit ko nalang.. hehehe pasyensya talaga kung natagalan kasi naputulan ako ng net eh un humanap nalnag ako ng net shop na pwede mag salpak ng usb kasi arte ng mga net shop dito samin bawal salpak usb pero un dahil mahal ko kayo humanap ako ng net shop hehehe.. love you all..
ReplyDeleteay nako ..nalulungkot ako para sa kanila...
ReplyDeletepero ang galing mo author..
nakakainlove talaga ang story..
i love you na gelo!
weeeeeeeee love ko din ikaw OEL ahahahaha!
ReplyDeletehayyyy... lagi na lang namimisunderstand ang ginagawa ng isa. sana sa next chapter author magkaayos na sila louie at andy. pls pls pls. next chapter na po. hehehe
ReplyDelete