By: Gelo
at tuluyan na ngang humarap si louie kay ate mae,para akong nang lumo sa nakita kong pag talikod nyang iyon sakin.
para akong sinampal ng tabla sa muka non. napapikit nalang ako sabay ng luha na tumulo sa aking mga mata.pinilit kong humiga at
manatili saking kinahihigaan pero hindi ko kayang magtagal doon at makita o marinig man lang gagawin nila. hndi ko na kinaya at tumayo ako
para lumabas. pero nung nakatayo na ako biglang hinila ni louie pababa ang isa kong kamay para humiga ulit pero nahila ko ang
kamay ko at hindi nakapag tiis.
"lumabas ka! sa labas tayo mag-usap" sabi ko ng medyo mahina pa ang boses pero halatang gilgil sa galit.
"hindi mo naiintindihan" pag papaliwanag ni louie na nagpipigil ng boses.
"sabi ko lumabas ka dun tayo mag-usap!" tipong naka turo ang kamay ko sa pinto at nakatayo, tumayo din naman agad sya at unang lumabas sakin. tinignan ko ng masama
si ate mae bago ako makalabas. ng maka labas na ako andun sya nag aabang sakin sa labas.
"ano?kulang pa ba? tigang na tigang ka na ba ha? ha!!! halika!! dun tayo sa cr round two tayo gusto mo!" bulyaw ko sa kanya.
"ano bang inaarte mo ha?!" galit nyang sabi.
"anong inaarte ko? eh gago ka pala eh! binigay ko na nga yung gusto mo hinayaan ko na ang sarili kong ibigay sayo sa harap ni ate mae na kahit na
alam ko na pwede nya itong ipagkalat sa lahat!! cause i want to save you! sabi mo sakin wag kitang hayaan sa pwedeng mangyari at ito ginawa ko na
nga para lang mapiglan ka tapos ito pa? hindi ka pa nakuntento?" medyo lumalakas na ang boses ko hindi alintana na nasa ibang bahay kame at tulog na ang lahat.
"hinaan mo nga yang boses mo! gago ka ba? ano bang sabi ko sayo ha?" pigil sya sa boses nya para hindi lumakas.
"ang sabi mo PAPATULAN! louie sobra kang nakakabastos! alam mo ba yun ha? alam mo ba yun?" nag simula ng tumulo ulit ang luha ko sa mga mata at pinupunasan ko ito
habang umiiyak.
"eh gago ka pala eh! ang sabi ko andy PAPATIGILIN!! PAPATIGILIN!! Hindi PAPATULAN!!" galit nyang sabi. sa sinabi nyang iyon napahinto ako sa iyak at napatingin sa kanya.
"ha? papatigilin kamo? ah, eh kasi pag karinig ko PAPATULAN? mag katunog kasi eh parehas na may PAPA?" napahinto ako sa pag-iyak na nanalaytay sa buo kong
katawan ang hiya.
"tignan mo yan! ngayon ok ka na ba? ok na noh?" at tipong mag wawalk out sya pababa ng hagdanan at napigilan ko naman agad sya sa pag hawak ko ng braso nya.
"ui sorry na oh! kala ko kasi papatulan eh, ang hirap naman kasi ng sitwasyon natin diba? nag bubulungan tayo dun kaya hindi ko masyadong naririnig. bayag
wag kana magalit kasi!!"pag mamakaawa ko.
"eh bakit mo ako hinalikan ha?"
"eh bakit ka pumatol?" ganti ko.
"eh wala na eh andun na.."
"kunwari ka pa nasarapan ka lang sa halik ko!"
"ulol!" sabay batol sakin. alam ko sa ganung salita nya hinid na sya galit.
"eh pano na tayo nito? san tayo matutulog? pano kung ipag sabi ni ate mae ang nangyari satin?" sabi ko.
"hindi ko nga alam eh, bahala na basta pag pinag kalat man nya, pag kalat din natin na gusto nya akong gapangin mas nakakahiya naman yun para sa
part nya dahil pamilyado sya!" nagulat naman kame ng biglang bumukas ang pinto. si JONER!!! gising!! shit! baka nakita nya ang nangyari samin ni louie!
yun agad ang pumasok sa isip ko.
"oh joner? bat ka nagising?" tanong ko ng may laking pagtataka.
"eh may umapak ata sa muka ko kaya ako nagising eh!" reklamo nya.
"ay muka mo ba yung naapakan ko? sorry ha kala ko kasi unan?" pag papaliwanag ko.
"ah ikaw ba? wala yun hindi naman masakit eh." pero alam ko masakit yun eh nagawa nga syang magising sa apak ko na iyon tapos sasabihin nyang hindi masakit?
sadyang malakas lang talaga ako sa kanya? charot!
"anyway.. bat andito kayo sa labas?" tanong nya.
"ah eh kasi mag ccr ako?"
"oh bat kasama pa si louie?"
"ah eh kasi matatakutin ako?oo mamatakutin ako kaya ginising ko sya para samahan ako. hehe" sabi ko.
"ah ganun ba? nakapag cr ka na ba?"
"hind pa nga eh tara samahan nyo ako sa baba." pag yaya ko sa baba. sumama naman silang dalawa sakin. matapos kong mag cr sumunod din silang dalawa nag cr din.
umupo muna kameng tatlo sa baba sa kusina tapos nakakita kame ng mga tirang handa sa mesa pinapak na din namin.
"pano ka na nyan joh bukas? anong sasabihin mo sa papa mo? magalit kaya yun?" sabi ko.
"ahmm oo syempre galit yun.. pero madali lang diskartehan yan, isang beses lang din naman ako papagalitan matapos nun wala na."
" ahmmm oo nga naman, pero senya na ha? kasi ano.. yun nga nalasing ka tapos hindi ka nakauwi, yan tuloy pag uwi mo papagalitan ka nyan." pag hinge ko ng paumanhin.
"wala yun andy, ako naman may gustong pumunta dito hindi nyo naman ako pinilit diba? kaya kung papagalitan man ako bukas walang dapat sisihin" sabay ngiti.
dito talaga ako humahanga kay joner napaka lawak ng pangunawa at pag-iisip, sobrang bait di tulad ng bayagrang ito ugok ugok mahina pangunawa! pero mahal ko naman ahahaha ewan ko ba!
"tara na akyat na tayo" pag putol ni louie sa usapan namin.
"ha? aakyat? dito nalang tayo tulog pwede?" sabi ko.
"ha? bakit? may problema ba sa taas?" sabi ni joner.
"ah wala naman, mainit kasi?"
"edi sayo nalang natin itutuk yung electric fan?kung ok lang kay louie?"
"ah eh hindi! kasi ano.. ahmmm.. hindi ako komportable sa taas? parang ang sikip?" para talaga akong tanga ng mga oras na yun hindi alam ang sasabihin nauutal pa.
lumapit sakin si louie at bumulong.
"wag ka ngang pahalata."sabay kurot sa tagilran ko.
"aray!" napasigaw ako sa sakit pero tinakpan ko din naman agad ng kamay ko.
"tara na akyat na tayo." yaya ni louie.
"pwede namang bumulong lang diba? may kurot pa talaga noh?" nag sasalita ako habang paakyat kame sa taas.tinignan naman ako ni louie ng masama na nagawa naman akong
patahimikin sa tinigin nyang iyon.
"bakit? anong problema?" tanong ni joner na may pagtataka.
"ah wala nag lalambingan lang kame. hehehe ang sweet nya noh?" sarcastic kong sabi,
"hehehe kaw talaga andy palabiro." sabay akbay sakin na kinagulat ko naman. ng marating namin ang kwarto. nakahiga parin si ate mae at nasa dulo ng kama nakatagilid
kung san namin sya iniwan.
"dito na ako tatabi." sabi ko, tumabi ako sa tabi ni ate mae pero may konting distansya sya mula sakin. sinadya ko yun para hindi na sila mag tabi
ni louie baka ano pang mangayari ulit baka kagera na sa loob ng kwarto. ngayon si joner nasa dulo parin at si louie nasa gita namin ni joner. 3am na non hindi pa ako
natulog agad to make sure that everything is okey, mga around 4am natulog na din ako dahil wala namang kakaibang nangyayari sa paligid kaya natulog na din ako.
mga around 8am nagising na ako, wala! nagising nalang ako agad body clock ko na ata na magising ng maaga kahit walang gumigising. inikot ko ang mga mata ko
pero wala akong makitang ate mae na katabi namin kagabe, grabe miserable ang gabing iyong daig pa ang eksena sa penikula kaloka! maaga atang nagising si ate mae
hindi ko alam kung umuwi na ba o nasa baba lang. pinag masdan ko lang ang dalawa habang natutulog, feeling ko mga jowa ko tong mga tong tapos kakatapos
lamang namin mag siping at ito pagod na pagod silang dalawa! ahahahaha nakakatawang imahinasyon ko. pero sa totoo lang mas gwapo naman talaga tong si
joner eh, kitang kita naman oh! tangkad,gwapo!matiponong matipono ganun din naman si louie kaso nabitin lang ng konti sa hieght? ahahahaha pero mas malakas
talaga ang APPEAL nitong si louie compared dito kay joner. gustong guto ko ang ilong ni joner dahil ang tangos nakaka insecure talaga dahil ako hindi naman
katangusan ang ilong pero hindi naman ako pango.tumayo ako at lumipat sa tabi ni joner at umupo sa tabi nya.tinitigan ko ng mabuti muka ni joner ng mabuti
naantig talaga ako sa muka nya, gusto kong hawakan ilong nya kasi nakakasawa na kasi na laging ilong ni louie ang hinahawakan ko para magising sya. unti unti
kong nilalapit ang hintuturo ko sa ilong nya. palapit ng palapit, palapit! hangang sa konting konti nalang madididkit ko na yung hintuturo ko sa ilong nya napahinto
ako sa ginagawa ko ng bigla bumukas ang isang mata ni joner. natulala ako hindi ko alam anong sasabihin o gagawin. nasimento ako sa posisyon kong iyon
at dahang dahan na inalis ang kamay ko sa harap ng muka ko. binuksan na din nya ang isa nyang mata. tumayo naman ako agad.
"bakit?" tanong nya habang nag pupunas ng mata.
"ah eh kasi ano yung ano sa ano mo may ano" sobrang natataranta ako hindi alam ang sasabihin.
"ano?"
"may dumi?" hays nasabi ko din!
"ah! san?" pinunasan naman nya agad ang ilong nya.
"meron pa ba?"
"ah wala na, hehehe.. gising na kayo para makauwi na tayo maaga."
"oo nga, tol tol gising na" pag gising nya kay louie. naka ilang uyog na sya pero hindi parin magising si louie.
"hindi kasi ganyan, ganto oh!" sabay kurot sa ilong nya gising naman agad si louie sabay kuskuos sa ilong nya.
"ano ba?" nagalit sa pagka gising sa kanya.
"anong ano ba? wala tayo sa bahay! uwi na tayo!" bulyaw ko.
"bwiset naman eh natutulog pa ako." reklamo nya. at humiga ulit.
"sige jan ka lang ha? uwi na kame! bahala ka wala na ako para pag tangol ka ikaw din.." bangon naman sya agad.
"sabi ko nga tara na uwi na tayo." tayo naman agad sya.
nag paalam na kame kay ate donna na uuwi na kame, sabi nya si ate mae daw maaga umuwi mga 6am kaya hindi na din ako nag taka kung bakit wala na sya nung
magising ako. nagkahiwalay na kame ng landas ni joner dahil iba ng way ng daan nya sa uwian namin. habang nasa jeep kame nag mememorize na ako ng sasabihin
ko kay ninang dahil bongang bongang bulyawan ang magaganap pag-uwi namin lalo na't wala kameng pasalubong? PAKTAY NA! nakarating na kame ng bahay nila louie.
bago kumatok nag tinginan muna kame ni louie sabay tawanan ng biglang bumukas ang pinto.
SI NINANG!! patay!
"oh buti naman naisipan nyong umuwi noh?" bungad agad ni ninang.
"ninang sa loob na po kame mag papaliwanag please?" pag mamakaawa ko. at pumasok na nga kame sa loob, si louie naka tingin lang sakin ng may takot.
"kaw na bahala, galingan mo ha?" bulong ni louie.
"so?bat ngayon lang kayo naka uwi ha?" pag tataray ni ninang.
"ninang.. kasi may nangyaring hindi inaasahan eh." napatingin sakin si louie kala nya siguro ang sasabihin ko ay yung nangyari tungkol kay ate mae.
"ahmmm kasi po si joner eh.."
"oh? anong meron kay joner?"
"eh kasi nalasing sya kagabe, hindi na namin magising sa kalasingan kaya yun nag decide kame na dun nalang patulugn kila ate donna. eh hindi naman pwedeng iwan nalang namin sya mag-isa dun baka magalit sya pag gising nya wala kame." paliwanag ko. natahimik lang si ninang
nag-iisip kung pasado ang palusot ko.
"hmmm.. i need to talk to joner." sabi nya.
"sure ka ninang?kung gutso mo talaga sige po papapuntahin namin si joner dito" grabe talaga tong si ninang. sa isip isip ko lang.
"oh sige2x buti nalang at lingo ngayon at wala kayong pasok kundi kahit anong rason nyo hindi ko kayo papalampasin!"
"salamat ninang love mo talaga kame" sabay yakap kay ninang at lingon kay louie para kindatan sya na ibig sabihin PANALO! ngumiti lang si louei sakin.
"oh sya sya! maligo na kayo! at amoy mga alak kayo."
buti nalang at nakaligtas kame, at pag ako naman ang nag papaliwanag kay ninang naniniwala naman sya kaysa kay louie kaya minsan naiinis sya sa mama nya
kasi mas naniniwala mama nya sakin ahihihi.. umuwi na ako para maligo, sa bahay naman hindi na nag tatanong lola ko kung bakit hindi ako
naka uwi kagabe dahil pag hindi ako natutulog sa bahay ang akala nila kila louie ako natutlog kaya ok lang kahit hindi na ako magpaliwanag.matapos ako
maligo dinatnan naman agad ako ng antok dahil nga wala din kameng maayos na tulog kagabe gawa ng kalandian ni ate mae. nag simula akong matulog ng 12pm
at nagising ako ng mga alas 5 dahil sa alarm ng phone ko dahil nga mag sisimba kame ni louie non. nag text na ako kay louie na maligo na sya dahil mga 5:30pm
darating na ako sa bahay nila at deretso na kame ng simbahan. tulad ng sabi ko sa text ko mga 5:30pm nasa bahay na nila ako.
"ninang!!! si louie tapos na mag-ayos?"
"ha? wala sya, lumakad nakabihis eh, baka nauna na sa simbahan?" sabi ni ninang.
"ah.. ganun po ba? hindi man lang sya nag sabi na mauuna na sya nag text pa naman ako sa kanya." pero laking taka ko bakit nauna na sya dahil dati rati kahit
sobrang late na ako aantayin ako nyan pero ngayon nauna sya. baka naman may ibang lakad? pero bakit hindi ko alam? hmmm..
"sige po ninang mauna na po ako baka malate pa ako sa simba" paalam ko kay ninang.
"oh sige ingat! umuwi agad ha? dito kana mag-dinner."
"oh sige po."
nakarating na ako sa simbahan, kakasimula pa lang ng misa. lingon ako ng lingon kung san san hinahanap ko si louie. pumunta ako sa lugar kung san kame lagi
umuupo pero wala sya. baka nga may ibang lakad kaya hindi na ako nag atubiling hanapin pa sya. mga ilang minuto lamang bigla akong napalingon sa di kalayuan.
si bayag!! kaya umalis agad ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. nung tipong lalapit na ako napatigil ako sa nakita ko kasi may palapit na babae sa kanya
galing atang cr at tumabi sa kanya. nag-usap sila kaya siguro talagang kasama nya nga.napa atras ako. hindi ko nang binalak pang lumapit. naupo ako sa bandang likuran
nila hindi ako nag papahalata na nasa ligod nila ako. natulala lang ako.. tang ina!! bat ganto nararamdaman ko? ang sakit!! kaya pala hindi na nya ako inantay
para mag simba dahil may iba syang kasama.hindi ko ma explain nararamdaman ko kinakabahan na ewan! basta! parang ang init sa loob na hindi ko mapaliwanag bakit ganto?
basta ang alam ko ang sakit.hindi ko ng makuwang makinig ng maayos sa misa as in lipad ang utak ko. hindi ko maiwasang tumingin ng tumingin sa kanila gusto ko malaman
ang bawat ginagawa nila kahit masakit ewan ko ba bakit kahit ang sakit gusto kong tigan gusto ko malaman lahat ng ginagaw nila! AMA NAMIN na ang kinakanta
sa misa, nag hawak sila ng kamay na dati rati ako ang may hawak sa kamay niya samantalang ako dito mag-isa walang kahawak sabayan pa ng malungkot na tono ng
kanta hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tumulo. pero tiniis ko ang sakit matapos lamang ang misa. natapos na ang misa umuwi agad ako. habang nag lalakad ako
natutulala lamang ako sa daanan. naka rating na ako sa bahay nila ng balisa.
"oh andeng nag kita ba kayo ni aweng sa simbahan? bat di kayo mag kasama?"
"ha? eh ano po, wala eh hindi ko nakita" pag sisinungaling ko.
"ah ganun ba? oh tara sumabay kana dito kumain na." yaya ni ninang. dumeretso na ako sa mesa para kumain. nag lead na nga prayer si dingdong nakakabatang kapatid
ni louie. kumain na kame. nung susubo na ako para kumain.
"hindi nyo naman ako inantay."
"oh anak halika sumabay kana samin kakasimula lang namin." si louie kakarating lamang. hindi ko naman nagawang lingunin sya ewan ko ba galit o selos ang nararamdaman ko
sa nasaksihan ko kanina. umupo na si louie sa bandang harapan ko.
"aweng san ka ba galing ha? bat hindi mo inantay si andeng mag simba?" tanong ni ninang. napatingin sakin si louie habang kumukuwa ng kanin.
"ah.. ahmmm may pinuntahan lang ako ma." paliwanang ni louie.
"san nga?"
"ahmmm nag pasama lang yung high school friend ko." deadma lang ako.
binilisan ko ang pag kain ko dahil mas nasaktan lamang ako sa narinig ko na pag sisinungaling nya, hindi ako nag sasalita as in tahimik. nakikita ko si louie
palingon lingon sakin.
"pwet! tapos mo na yung assignment?" tanong ni louie.
"wala!" sabay tayo para ilagay yung pinag kainan ko sa lababo.
"ninang uwi na po ako may gagawin pa po ako eh salamat po sa hapunan." pag papaalam ko.
"ah teka samahan kita umuwi." sabay tayo ni louie kahit hindi pa sya tapos sa kinakain nya. hindi ko naman sya inantay pa sa halip ay lumabas na agad ng bahay nila.
sumunod naman agad si louie, habang nag lalakad kame hindi ako nag sasalita ganun din sya kasi alam nyang may kasalanan sya.
"ahmmm pwet? pakopya ako ng assignment ha?"
"ok"
"kala ko ba hindi ka pa nakakagawa?"
"oo nga." walang emosyon.
"so bukas nalang?" hindi na ako nag salita.
"pwet? huy? may problema ba?"
"wala. dapat ba meron?"
"oh bat ganyan ka mag salita? kilala kita ano nga?" pangungulit nya.
"wala!" sabay tingin ko sa kanya. natahimik lang kame. hangang sa nakarating na kame sa bahay at biglang nag salita si louie.
"nakita mo kame, right?" natahimik lang ako.
"kaya ba ganyan ka? galit ka ba?."
" hindi..bakit naman ako magagalit? sino ba ako para magalit?"
"oh bat ganyan ka? kailangan ba mag paalam pa ako sayo pag iba kasama ko mag simaba?"
"hindi! pero hindi mo kailangan mag sinungaling." sabay pasok sa bahay.
ITUTULOY..
...isa lang ang naiisip kong solusyon dyan andy, ...hmm..make louie jealous thru joner..its about time para pagtuunan mo nmn ng pansin si joner, at para marealize ni louie kung anu ung pnkkkwalan nya or i shud say ung tinitake 4 granted nya..hahaha..nice job author
ReplyDelete@xander - oo nga ewan ko ba jan kay andy ahahahaha!! yaan mo iuntog ko yan sa next chapter para matauhan ung untog na bongang bonga! o kaya? martilyuhin ko ang ulo? ahahahaha... just wait for the next chapter baka masunod ang gusto mo xander.
ReplyDeletegelo...pakibilisan pls nmg susunod...kanda hilohilo ako kahinhintay ng susunod e,,,plssssssssssssssssssssssssssss...
ReplyDeletenanunuod ba kayo ng showtime....isa lang comment ko,,,,, LOVE IT, AHA AHA I LIKE IT!!! WAHAHAHAHAHHAHAHAHA......lol natawa ako,,,sana nga mangyari ung gusti no @xander.... :)
ReplyDeletepls..... next chapter kc maganda ang story eh...
ReplyDeletesana bukas meron na po ang next chapter... sobrang ganda at kakilig at katuwa ang story nila... tnx and more power sa author ng exchange of hearts
gelo like what ive told u its an honor for me na maka chat kita...bro medyo maiksi ung gawa m ngayun ah....i like this story coz its simple..sweet keep it up bro.. marqee hir
ReplyDeletepara po sa lahat sge po sisimulan ko na bukas yung chapter 13 salamat sa lahat ng comments ha? sobrang natutuwa ako tulad ng lagi kong sinasabi mas madaming comments mas na iinspire akong mag sulat kung kayo lagi nyo inaabangan yung next chapter ako naman lagi ko inaabangan yung mga comments nyo sa simpleng comments nyo lang sobrang natutuwa ako kaya COMMENT NA! ahahahah
ReplyDeleteang ganda ng story. . . .
ReplyDeletesana may next chapter na agad..
sinusundan ko talaga ang story na to..