BY: James W.
CHAPTER TEN...
Dumating ang hinihintay kong sandali, nakaimpake na lahat, ilang minuto nalang darating na sya. Bagamat sobra ang tambol ng dibdib ko dahil sa alam ko na may nararamdaman din pala si Luis sa akin hindi pa nga lang matibay ito, Pangalawa alam na nya ang preferences ko, At ikatlo may sinabi na si Papi sa nararamdaman ko para sa kanya, kailangan kong mag relax para maging maayos ang usapan namin. Hindi ko alam kung gaano kapula ang mukha ko ng mga oras na iyon.
Biglang may kumatok sa pinto at dumungaw ang mukha ng taong inaantay namin. Si Luis.Nang makapasok sya ay nagmano muna ito kay Inay Lagring at bumati kay Papi, nagpalitan pa ng makahulugang ngiti ang dalawa. Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Kinakabahan talaga ako.
“Inay samahan muna nyo ako sa labas, bayaran na natin ang bill ni Onic” Yaya ni Papi kay Inay.
“Ay siya nga, tayo na, o kayong dalawa, dito muna kayo ha madali lang kami” Bilin sa aming dalawa ni Inay.
Kinindatan naman ako ni Papi, tanda na sya na ang bahala sa Inay, at magusap lang kami ni Luis nang walang inaalala.
“Sige po Nay” Tugon ko.
Nang makaalis ang dalawa ay humarap at lumapit naman sa tabi ko si Luis, Akala ko sa harapang silya ko sya uupo. Kung papaanong upo ang ginawa ko sa kama ay sya ring ginawa ni Luis. Ngayon magkatabi na kami at parehong nakaharap sa bintana ng kwarto. Walang gustong magsalita. Pareho kaming nakikiramdam kung sino ang babasag nang katahimikan. Lumipas ang 2 minuto, naiinip na ako, hindi ko na kaya. Kaya lumingon na ako sa kanya at sa hindi inaasahan ay lumingon din sya sa akin na sabay na sabay sa paglingon ko.
Since halos magkadikit ang balikat namin, ngayon magkatapat na ang mukha namin. Ang mata nya sa mata ko, ang ilong nya sa ilong ko, ang labi nya sa labi ko. Ang ganda nyang pagmasdan, mukha talaga syang hunk na anghel. Mapungay ang mata, mahabang kilay, matangos na ilong, at ang labi mapula.
Pareho kaming natulala, at pareho ding nagkahiyaan kaya pareho kaming bumawi ng lingon at yumuko. Sabay natawa ako. At tumawa rin sya. Matapos tumawa ako na ang bumasag na katahimikan.
“Sabi mo may itatanong ka.” Sabay tingin sa kanya at lingon agad sa bintana na may seryosong mukha.
“Oo” at sya naman ang tumingin sa akin. Sa gilid ng mga mata ko kita ko na parang hindi sya kumukurap habang pinagmamasdan ako. Nakakainsecure tuloy. Anu bang ginagawa nya.
“Wag mo nga akong titigan. Kung si Cyclopes ka baka nalusaw na ako.” Hindi na ako nagagalit sa mga actions nyang ganun, alam na rin naman pala nyang ganito ako, panindigan ko na. Hinarap ko ulit ang mukha ko sa kanya.
“Hoy sabi ng wag mo” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi nagkatitigan na naman ang mga mata namin, naakit na naman ako nang mapanghalina nyang tingin, ganito ba talaga pag nasa puso mo ang taong nakikita mo sa harap mo, nawawala ka sa sarili, tumitigil ang takbo ng oras at parang inilulutang ka sa hangin.
Binawi ko agad ang tingin ko, baka kung anu pa ang magawa ko at hindi nya magustuhan at saka hindi pa kami nakakapag-usap.
“Luis anu ba kasing sasabihin” Imbis na ituloy ko ang sasabihin ko, bigla nya akong hinawakan sa magkabila kong pisngi at hinalikan sa labi.
Waaaaaaaaaa... Nanlaki ang mata ko, kita ko ang mga mata nya nakapikit at ninanamnam ang tamis ng paghalik sa akin. Bagamat nagulat, napapikit narin ako dahil ang sarap ng mga labi nya. Mapula, malambot at mabango ang hininga. Pilit nyang pinasok ang dila nya sa loob ng labi ko, at ng marating nito ang dila ko. Hinalukay pa nya at sinipsip ang kaloob-looban noon, lalaking lalaki syang humalik. Nawawalan na ako ng lakas, nanlambot na ako sa mga halik nya, pero niyakap nya ako. Ramdam ko ang yakap ng isang maskuladong Adonis.
Tapos bigla ko nalang naramdamang niyugyog nya ang balikat ko.
“Onic ayos kalang?” Napamulat ako, at napansin kong nakanguso ako sa kanya. Biglang namula ang mukha ko at napansin kong nag de-day dreaming lang pala ako. Waaaa... ano kayang itsura ko. Dyahe to the max talaga. Bakit kasi! Baka isipin nya gusto ko syang halikan. Waaaaa...
“Anu ba kasing sasabihin mo?” Galit-galitang tanong ko sa kanya. Iniba ko agad ang usapan kasi hindi ko na kaya ang kahihiyan.
“Gusto ko lang malaman kong totoo ba lahat ang sinabi mo kahapon sa akin.” Hay salamat may chance na akong magsabi ng totoo sa kanya.
“Alin doon” Bigla akong naging mahinahon.
“Lahat ng iyon. Hindi kaba nagkakagusto talaga sa lalaki? Wala kabang nararamdaman sa akin? O nasisinungaling ka lang kahapon.” Mahinahon nyang tanong.
“Ah Kasi” Nakaramdam agad ako ng pag-aalangan, nahihiya akong sagutin, mahirap ang mga tanong nya kesa kahapon, kasi ang gusto kong isagot ay hindi totoo ang lahat ng iyon at oo nagsisinungaling lang ako kahapon. Ang totoo ay mahal ko sya, sobra, pero ang hirap isa tinig.
“Onic?” nakangiti sya.
“O bakit ka nakangiti diyan. Wala pa naman akong sinasabi.” Ako.
“Yun na nga, diba sabi nila silence means yes. Hahaha.”
“Assuming” Pakipot ka talaga girl, ang arte mo umamin kana. Bulong ko sa sarili.
“Assuming hindi ah, kasi iba kasi ang reaction mo kahapon nung tinanong kita. Nagalit ka tapos nagpaliwanag ka agad. So?”
“Anung so”
“So hindi totoo ang kahapon.”
Tumango ako.
“Hahaha. Gusto ko marinig mula sayo.” Sumaya bigla ang aura nya.
“Oo hindi totoo ang kahapon, GANITO AKO, AT, at mahal kita.” Sabay lingon sa bintana. Namula na naman ako. Nakakahiya. Pero atleast nasabi ko rin sa wakas. Bahala na kung anu ang kahihinatnat nito.
Bigla nyang hinawakan ang mukha ko. Sabay halik sa labi ko. Nagulat ulit ako pero bumitaw agad ako.
“Bakit? Akala ko ba gusto mo ako?” Si Luis.
“Akala ko kasi nagpapantasya na naman ako.”
“hahahaha.” Natawa si Luis at itinuloy nya muli ang paghalik sa akin. Ninamnam namin ang sarap ng bawat isa sa pamamagitan ng halikan.
Itinigil din naming dahil baka abutan kami ni Inay at Papi.
Nakangiti nyang hinahaplos ang mukha ko. Ang sarap ng pakiramdam, kahit hindi ko sya tanungin kung mahal nya ako, Masaya na ako ng ganun, alam ko mahal nya ako sa papamagitan ng mga kilos nya. Kung dati nga minahal ko sya kahit alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Ngayon pa na nahalikan ko na sya. Niyayakap pa nya ako. Kontento na ako dito. Ang balikat nya ang sandalan ng ulo ko, at ang hininga nya ay nalalanghap ko. Ang sarap sa pakiramdam, lalo na pag nararamdaman ng katawan mo ang tibok ng puso nya. Ang init na lumalabas sa katawan nya, Nakakagaan ng pakiramdam, sana hindi na ako magising.
“Onic?” Tawag nya habang nakayakap kami sa isat isa
“Bakit?”
“Bakit mo ikinaila, bakit hindi mo agad sinabi?”
“Kasi natatakot ako, kasi diba straight ka, so baka umiwas ka pagnalaman mo ang kaibigan mo pala ay isang bisexual. Kahit pakikipag kaibigan kasi, solve na ako dun, basta nakikita lang kita araw araw. Masaya na ako sa munting lambingan at pag-akbay mo. Masaya na akong mag-isang nangangarap kesa naman sa wala.” Nangingilid na ang luha ko.
“Tapos nung malaman kong sinabi na pala sayo ni Papi ang tungkol sa nararamdaman ko, nagplano narin akong puntahan ka at panindigan ang nararamdaman ko, kahit hindi ko alam kung anung magyayari sa atin, sa pagkakaibigan natin. Basta ang mahalaga masabi ko sayo na nagsinungaling lang ako at ang totoo mahal kita.” Sabay patak nang luha ko. Napansin nya iyon kaya pinahid nya ng dalang panyo ang mukha ko. Grabe ang sweet nya, di ko na kaya.
“Wag ka ng umiyak ok. Gusto ko lagi kang masaya. Sa totoo lang may nararamdaman na ako pero hindi ko sinabi dahil alam ko straight ka. At natatakot akong mawala kayo ni Fred sa buhay ko. Kayo ang mga totoong taong nakilala ko. Sino si Papi?”
“Ah iyon,hehehe si Fred, Papi ang tawagan kasi namin. Bakit ka nga pala nagpasyang bumalik ngayon? Diba nag deny na nga ako sayo kahapon?”
“Gusto ko kasi ulit subukan, tutal may basehan naman ako, ang mga sinabi sa akin ni Fred, balak ko kasing aminin na sayong kay Fred ko nakuha ang mga bagay tungkol sa nararamdaman mo sa akin, baka sakaling aminin mo na rin sa akin at marinig ko mula sayo na gusto mo ako, may gusto ako sayo Onic, at gusto kong alamin kung meron o wala ba talagang chance para sa atin dalawa kaya ako bumalik. Pero ngayon alam ko na gusto mo rin pala ako. Kaya masaya ako at hindi lang pakikipag kaibigan ang gusto kong mangyari sa ating dalawa, gusto ko maging official na tayo.”
“Ha?”
“Oo Onic, gusto kita, at araw araw lumalago ang nararamdaman ko sayo. Hindi ka mahirap mahalin. Subukan natin, please. Ano ba ang kailangan kong gawin, paano ba manligaw ng lalaki?”
“Hahahaha”
“Wag mo naman akong tawanan oh, ang hirap na nga ng sitwasyon ko.” Nagpapaawang mukha nya.
“Sinasagot na kita” Hmpt , wala ng ligaw ligaw pa, oo na agad. Baka mamaya “abs” na biglang maging bato pa. Hindi ko nato pakakawalan. Yahoooooooooooo....
“hahahaha, talaga, tayo na? Hindi mo alam pero pinasaya mo talaga ako.” Bigla nya akong tinayo at binuhat, at tuwang tuwang inikot ikot ako.
“Ahem, ahem, mali pala ehem ehem” Biglang pumasok si Papi at si Inay.
Bigla kaming napahiya at umayos ng sarili, binaba ako ni Luis sa kama.
“O mga anak , bakit ang saya saya nyo? Bakit mo binuhat si Onic iho?” Tanong ni Inay kay Luis.
“Eh kasi nga inay, mag kakanobyo na naman ang dalagita nyo?” Wika ni Papi.
“Ha? Luis? Diyos na mahabagin. May gusto ka sa Onic ko?”
“Opo Inay Lagring, pwede ko naba kayong tawaging inay Lagring”
“Ah eh... hindi ko akalain, sa laki ng katawan mong iyan”
“Inay?” Wika ni Papi para pigilan si Inay sa pagsasalita kay Luis, alam kasi naming bago si Luis sa ganitong sitwasyon at baka lalo syang mailing pag tinuloy pa ni Inay ang sasabihin nito.
“Ah oo pwede mo akong tawaging Inay Lagring. At tatawagin naman kitang Anak kong gwapo.” nagets agad kami ni Inay kaya biglang iniba ang sinasabi.
Nagkatawanan kaming lahat. Lumabas narin ako ng Hospital kasama ang Masaya at punong puno ng ala-alang araw na iyon, Araw na hindi ko kailanman malilimutan, ang pakakatuluyan namin ni Luis.
(ITUTULOY)
waw!! ang tagal ng update na ito...
ReplyDeleteat cliffhanger uli... haizt, next please...
morepower
waaaaa.... ganda ng kwento tagal bago madugtungan.... next na please... kakabitin... sakit sa pantog... hahaha
ReplyDeletexcited.xcited.<3..kudos author!
ReplyDeletewow hahaha. next na agad
ReplyDeleteram
kaiingit naman silang dalawa ang bilis ng ligawan at sagutan hehehe...
ReplyDeletenext next please please!
feeling ko nga yung bumugbog kay onic is kapatid niya,.yung nawawala,.jejeje..at si janice is half sisteret niya mga ateng...hay naku, spoiliage ang drama ko,.feeling ko lng ha,.then para maging sad ending e itong si luis,may mahahanap na gf nanaman, pero if ang author bet na ibahin ang kwento,magkakatuluyan sila,..jajajaja.....
ReplyDeletenice....nice but please post next chaps earlier....
ReplyDeletekeep on writing....many are eagerly waiting for ur posts....
bakit wala kayong pangalan, ang hirap nyo namang batiin.
ReplyDeletecarl here
ReplyDeletegrr.
ka bitin nmn.
na inggit ako sa inyo.
can't wait for the next chapter.
hope u can share it to my email
carl_ib2001
tnx so much
fun nyo ako
thanks carl, pero what i post is the last part i wrote. salamat sa pagtangkilik...
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteJames!! I'm silently following your stories... ibang kilig ang dala sa akin ng Pamangkin ni Ate Mercy mo... love it much!!!
ReplyDeletethanks jeffy.
ReplyDeletejerome here..
ReplyDeletelast part n po ba ito? o my katuloy pa?
ang ganda kasi ng story! :))
nice ... ang sweet XDD hehehe
ReplyDelete