Followers

Friday, April 29, 2011

Unexpected Love Chapter 16 (Jam & Jom)

eto na po ang next chapter ng Unexpected Love....

double PoV po ito kaya sa chapter na ito ay parehong PoV ni Jam at saka ni Jom sana magustuhan ulit ninyo ito...

again salamat po talga sa mga nag comment...

-3rd-
__________________________________________
_____________________________________________________
Presenting MJ Serafica...
as the Face of Paul Diaz...

so as of now eh si Jom na lang ang walang mukha...

so guys help me naman po o kung may kilala kayo na pwede or kung alam ninyo na pwede kayo para maging face ni Jom eh it would be a great help...

thanks...

email: ako_si_3rd@yahoo.com.ph
FB: ako_si_3rd@yahoo.com.ph (Roj Sawada)






__________________________________________________

---------------------------------------Jam----------------------------------

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Jeffrey, wala naman kas talagang namamagitan sa aming dalawa at di ko alam kung bakit niya iyon sinabi sa harap pa ni Jom. Di ko alam kung anu sasabihin o kay Jom mag papaliwanag sana ako nang bilgang sinuntok ni Jom si Jeffrey at pinagbantaan.

Jom: Hoy gago! Ayusin mo pananalita mo at di ako natutuwa sayo ha! Lokoloko ka, di mo kilala tinatalo mo.

Ako: Jom! Teka lang anu ba! Bakit mo yun ginawa?

Jom: Bakit Jam?! Totoo bang may relasyon kayo ng gagong ito?

Jeffrey: Oo.. bakit?! Ikaw sino nga ba?

Ako: Jeffrey!! Gago ka ano ba sinsabi mo? wala tayong relasyon kaya huwag kang magsasabi ng ganyan lalo na sa harap ni Jom!!

Jeffrey: Bakit Jam sino ba siya sayo?

Ako: boyfriend ko!! Bakit! Angal ka! anu gusto mo ako naman sumuntok sayo ngayon?

Di na naka pag salita pa si Jeffrey, tumalikod ito at saka umakyat pataas patungo sa kwarto. Hinarap ko si Jom para ipaliwanag lahat, di ko alam kung maiintindihan niya ako o magagalit siya sa akin.

Ako: Jom..

Jom: Anu!!!

Ako: Bakit ba ang init ng ulo mo? magpapaliwanag ako!!

Jom: Sige Jam ipaliwanag mo kung sino ang Jeffrey na iyon, anu ang ginagawa niya dito sa bahay ninyo at bakit ko siya kamukha!!

Ako: Jom pwede ba, mag hunus dili ka... magpapaliwanag ako!!!!

Jom: Sige Jam magpaliwanag ka!!! makikinig ako!!!

Ako: ganun? Makikinig ka pero mainit ulo mo... alam mo mabuti pa Jom mag isip ka na muna ng mabuti, kasi kung naniniwala ka sa sinabi ni Jeffrey then isa lang sagot ko doon. Ikaw ang mahal ko at alam mo iyon kaya kahit iisa lang kayo ng mukha ikaw ang nandidito(turo sa puso) at hindi siya at isa pa mukha lang ang pareho sa inyo pero magkaibang tao kayo. Ngayon tunkul naman kay Jeffrey nakilala ko lang naman siya sa simbahan na kung saan ako nag munimuni ng 2 linggo pero hanggang doon lang iyon, at wala na ok.. isa pa pati ako ay naguguluhan at di ko alam kung bakit kayo mag kamukha.

Jom: eh bakit siya nandito sa bahay ninyo kung wala kayong relasyon?!

Ako: di ko rin alam jom!! Basta ang sabi niya ay pinapunta daw siya dito ni Dady dahil may inalok na trabaho sa kanya ang dady yun lang yun.

Jom: yun lang?

Ako: Jom anu pa ba ang gusto mong malaman? Anu pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka?

Pero di na siya sumagot pa bagkus ay sinuntok na lang niya ang pader saka tumalikod at nag lakad palayo. Di ko alam kung naniniwala siya sa mga sinabi ko. Dahil sa ginawa niya nasaktan ako kasi ipinamukha niyang sinungalig at manloloko ako, napaluhod na lang ako sa may pinto namin at humagulhol sa kakaiyak parang kaninang umaga lang ay ang saya ng buhay ko pero bakit parang ang dali namang bawiin nito dahil naghihinagpis ngayon ang aking kalooban.

Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at pagpasok ko doon ko inabutan si Jeffrey, may hawak na bouquet ng roses. Di ko alam kung anu ang magiging reaction ko,natulala ako at nabigla sa kanyang mga sumunod na ginawa.

Hinubad niya ang kanyang damit pang itaas saka lumuhod sa harap ko at nagsalita

Jeffrey: Jam, noong unang beses pa lang kitang nakita ay nahulog na loob ko sayo. Sorry kung nakagawa agad ako ng kasalana sayo, alam mong mahal na mahal kita kaya handa akong gawin lahat para lang sa iyo di ko nga inaasahang sa maikling panahon na pagkakasama natin sa simbahan ay aabot sa ganito ang naramdaman ko sayo. Naguluhan man ako sa una pero gnayon sigurado ako na ikaw ang isinisigaw nito (turo sa utak) at lalong lalo na nito (turo sa puso).

Ako: .........

Di ako makaimik dahil sa kanyang ginawa pero sa halip na matuwa ako at maging masaya ay galit at poot ang nangingibabaw ngayon sa loob ko sa tuwing makikita ko siya, pero sa kabila ng galit na nararamdaman ko ay di ko magawang pagbuntungan siya nito dahil pakiramdam ko si Jom ang kaharap ko ngayon at hindi si Jeffrey.

Pilit kong iwinaksi ang nararamdaman ko at nagpanggap na wala akong nakita. Pumasok ako sa loob ng aking kwarto, kinuha ko ang unifrom kong isusuot sa klase sa hapong iyon saka bumaba at pumasok sa loob ng banyo. Sa loob ng banyo ay doon ko nailabas ang lahat ng galit at sama ng loob ko kung bakit di ko pinigilan si Jom na umalis, galit kung bakit sa tuwing si Jeffrey ang kaharap ko pakiramdam ko siya parin si Jom. Gulong gulo ang utak ko di makapag isip ng matino at nagsisigaw at umiiyak sa loob ng banyo.

Pag labas ko ng banyo ay agad akong nag bihis at walng pasabi na umalis ng bahay patungo sa skwelahan, pero bago ako pumunta doon ay dadaan na lang muna ako kina Jom gusto ko siyang makausap.

---------------------------------------Jom----------------------------------

Magulo ang isip ko di ko alam kung bakit, naniniwala ako sa sinasabi ni Jam na wala silang relasyon ng Jeffrey na iyon. Pero ang bumabagabag sa isip ko ay kung bakit ko siya kamukha. Kailangan ko mag imbestiga at sisimulan ko ito kay momy.

Kahit na mabigat sa kalooban ko ay pilit ko ipinakita kay Jam na galit ako para di na niya ako sundan at magawa ko ang mga plano ko. Alam ko masakit iyon pero kailangan ko muna harapin at ayusin itong panibagong gusot bago ko muling harapin si Jam.

Pag dalting ko ng bahay ay agad akong tumungo sa loob ng kwarto ni moy at tiyempong wala siya doon. Hinalughog ko ang mga files ni momy dahil may kutob ako na may itinatago sa akin si momy. Sa aking pag hahalughog ay may nakita akong isang litrato. Si momy at si dady sa araw ng aking kapanganakan alam ko dahil sa date na nakalagay sa baba nito pero nagtataka ako bakit dalawa ang baby na yakap yakap ni momy? Sa aking pag iisip ay bigla ko na lang narinig si momy

Momy: Jom anu ginagawa mo dito?

Ako: may hinahanap po ako momy?

Momy: may hinahanap eh bakit mo pinapakaialamam iyan?

Ako: momy pwede bang tapatin mo ako? bakit ngayon ko lang nakita ang picture na ito?

Sabay pakita sa kanya ng litrato na kung saan ay karga niya ang dalawang baby.

Momy: saan mo ito nakita?

Ako: momy please, tapatin ninyo po ako..... bakit dalawa ang baby na karga karga ninyo, akala ko po ba eh nagiisang anak ako?

Momy: wala ito anak.... ikaw lang talaga ang aking anak at wala nang iba...

Ako: momy please tapatin mo ako!!!!(sabay tulo ng mga luha ko)

Momy: saan mo ba nakuha ang ideya mong iyan na may kapatid ka? oo anak may kakambal ka at buhay siya pero di ko na alam kung saan siya dinala ng dady mo simula ng mag hiwalay kami. Sino ba may sabi sayo niyan? Si Joana ba?

Ako: hindi ma!!! Walang kinalaman dito si Joana!! Kasi ako mismo nakakita sa kanya...

Napansing kong biglang nag iba ang aura ni momy, iyon tipong di ko pa nakikita sa buong buhay ko.

Momy: saan mo siya nakita, pwede ko bang makita?

Ako: momy huwag na muna ngayon, gusto ko lang ma confirm na siya nga iyon.. at isa lang ang alam kong paraan. Momy kaya pa ba ng savings ko? Gusto ko kasing gamitin muna iyon sa pag pa DNA test pero di ito dapat malaman ni Jam momy please..

Momy: sige anak, susuportahan kita pero bakit gusto mo ito itago sa kanya?

Ako: basta momy please..

Momy: sige promse ko yan sayo anak.. di niya ito malalaman..

Agad akong naligo at at nagbihis ng uniform ko para umalis patungo sa skwelahan, di kasi dapat malaman ni Jam na posibleng magkaptid kami ni Jeffrey. Buo na ang plano ko at handa na ako para gawin ang lahat ng aalis na ako sa aming bahay ay laking gulat ko nang aktong pagbukas ko ng pintuan ay si Jam ang tumambad sa harap ko. Di ko alam kung ipagpapatuloy ko ang ipinakita sa kanyang galit o isasawalang bahala ko na lang ang lahat ng nangyari kanina.

Sa hitsura ngayon ni Jam na parang lugmok ang kalooban ay biglang nawala ang pinlano ko na gawing ang lahat sa likod niya, di ko kasi talaga kayang mag lihim sa kanya.

Ako: Jam... anu..anu.. ginagwa mo dito?

Jam: Jom please let me explain...

Ako: diba nagpaliwanag ka na kanina..

Jam: please Jom... totoo ang mga sinabi ko...

Di na ako naka imik pa di ko kasi talaga kayang tiisin si Jam.

---------------------------------------Jam----------------------------------

Si Jom agad ang nakita tumbad sa harap ko nang bumukas ang kanilang pintuan at doon kami nag usap, nagmakaawa ako sa kanya na pakinggan at paniwaalaan niya ako. pero di siya umimik pa labis na sakit at dulot nito sa akin lalo na ramdam ko ang galit sa aking ng taong mahal ko dahil sa kauting pagkakamali na di ko agad sa kanya nasabi.

Aalis na sana ko at sa aking pagtalikod ay pinigilan niya ako

Jom: Jam... sandali...

At sa aking pag harap ay agad na nag lapat ng aming mga labi, halik na puno ng pagmamahal at pagunawa ang naramdaman ko. Biglang gumaan ang aking pakiramadam at lalo na nang marinig ko siyang magsalita

Jom: huwag nang malungkot ang mahal ko... naniniwala ako sa mga sinabi mo... sorry sa inasta ko kanina ha.... lagi mo pakatatandaan ikaw lang ang mahal ko...

Sabay halik ulit sa aking labi, habang nasa ganoong situwasyon ay narinig ko si Tita Anabeth na nag salita.

Tita: Jam?! Anu ibig sabihin nito?

Jom: momy... kami na po si Jam, at ang rason kung bakit ayaw kong sabihin mo sa kanya ang plano ko ay dahil sa..

Ako: Jom... anu plano?

Jom: Jam.. kanina nang makita ko sa Jeffrey ay nagtaka ako kung bakit kami magkamukha.. agad kong hinalughog ang files ni momy at ito ang nakita ko...

Ipinikta sa akin ni Jom ang isang litrato na kung saan ay nandoon si Tita Anabeth sa ospital at bagong panganak at nandoon pa ang dady ni Jom pero maging ako ay nagulat nang makita kong 2 baby ang karga karga ni Tita..

Ako: Tita... ibig ba sabihin nito... totoo ang sinabi sa akin ni Joana?

Tita: anu pa sinabi sayo ng pinsan mo?

Ako: lahat po tita ng sinabi mo sa kanya, nasabi niya lang po iyon sa akin dahil sa naikuwento ko sa kanya na may nakilala ako sa isang simbahan sa Tagaytay at kahawig na kahawig siya ni Jom, kaya nag duda na rin kami.. pero hanggang doon lang po iyon sa pag dududa. Kasi ang sabi saakin ni Jeffrey eh doon na siya nag nagkaisip at lumaki sa simbahan at sabi sa kanya ni father eh ulilang lubos na siya.

Doon ko lang nakita si Tita Anabeth na napaluhod sa kakaiyak di ko alam kung may nasabi ako sa kanya tapos bilga ko na lang narinig si tita na nag sisigaw..

Tita: hayop ka!!! Orlando!!!! Hayop ka!!!!

Dali dali lumapit si Jom sa kanyang momy saka ito niyakap. Ngayon talagang mas tumibay pa aking pagdududa sa posibilidad na mag kapatid nga si Jom at si Jeffrey. Lumapit na lang ako saka niyakap na rin si Tita para kahit papanu ay patahanin siya.

Nang tumahan na siya ay nagpasya kami ni Jom na doon na kumain ng luch at agad kaming umalis para pumasok sa aming klase. Habang naglalakad kami ay doon kami ni Jom nagkausap kung papanu kami makakakuha ng DNA sample ni Jeffrey..

Jom: Jam ko...

Ako: anu yun? Jom ko?

Jom: gusto mo bang tumulong?

Ako: tinatanong pa ba iyan? Siyempre tutulong ako, sabihin mo lang kung anu ang maitutulong ko..

Jom: kailangan ko ng kahit anung sample ni Jeffrey, kahit anung pwede kong magamit sa DNA test..

Ako: anu naman ang ibigay ko sayo?

Jom: kahit anu? Kuko, dugo, balat, semilya o buhok...

Ako: ganun? Semilya? Anu yun sperm donation? At panu mo naman naisip na makakakuha ko ng sample ng semilya niya aber?

Jom: ito naman para binibiro ka... basta kahit anu... kahit yung buhok niya pwede na, at kailangan ko ito sa lalong madaling panahon.

Ako: sige. pero Jom matanong kita.

Jom: anu yun?

Ako: anu ba ang dahilan mo kaya gusto mo sanang ilihim ang gagawin mong pag harap kay Jeffrey?

Jom: kasi ayaw ko nang maipit ka sa gulong pwedeng kalabasan ng mga pwedeng malaman namin tungkol dito. Pero dahil sa alam mo nanaman ang plano ko ay ang kailangan na lang nating gawin ay makakuha ng sample niya ng di siya nag dududa sa mga balak natin.

Ako: panu kung totoong siya ang nawawala mong kakambal?

Jom; ewan ko, di ko alam.... gusto ko lang namang malaman ang mga iyon kasi sa nakita ko kanina sa inyo parang biglang di naging kumpleto ang pagkatao ko at gusto ko mahalin kita ng buo ako at kilala ko kung sino talaga ako at kung sina siya sa pamilya ko.

Di na ako nag tanong pa at nag isip na lang ako ng plano kung papanu ako makakkuha ng sample ni Jeffrey at para narin mapanatag ang loob ni tita anabeth, mawala na ang agamagam sa loob ko at malaman na ni Jom ang mga lihim na pilit na ikinubli sa kanya.

Bilib ako kay Jom, kahit na napakalaking lihim ang itinago sa kanya ng kanyang momy ay di man lang ito nagalit sa kanya, bagkus ay ipinakita pa nito ang kanyang pagdamay kasi kahit papanu ay masakit din naman para kay Tita Anabeth ang mga pangyayari ang pagkaitan ng anak na 20 taon niyang hinanap.

Nang makarating kami sa klase ay ibinalik namin sa normal ang aming kilos na parang walang nangyari, pero bukod dito ay di namin maiwasan ni Jom ang maging sweet sa isat-isa kahit na sa loob ng aming paaralan, di na kami natatakot sa mga iisipin pa ng mga tao basta pareho kaming masaya at buo ang suporta ng barkada namin ay handa kaming suongin ang lahat. Pero alam kong di pa tapos ang aking mga problema dahil kailanang ko ang harapin sila Momy at Dady kailangan ako ang unang magsabi sa kanila tunkol sa estado namin ni Jom at di si Jeffrey ang dapat maapag sabi nito para di na lumaki pa ang gulo.

Naging maayos ang takbo ng buong hapon, pero lahat ng ito ay biglang nag iba ng nag text sa akin si Manang..

“Sir Jam... iyong bisita po ninyong si Jeffrey... may sinabi kina sir at mam tungkol sa inyo ni sir Jom eto po parang galit na galit si sir ngayon..”

Itutuloy.....

1 comment:

  1. ahah ang cute ko...:)

    nic story huh..hmmm interesting ang mga turn of events..keep it up..:P

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails