Guys here's the next chapter for Unexpected Love.
aminado ako madyo magulo siya sa ibang parts, sobra kasing init ng panahon eh kaya di ako maka pag isip ng maayos.
pero ganun parin salamat sa inyo... lalo na po sa mga nag comment
si blue42784
si R3b3L^+ion
salamat sa comments ninyo.. sana magustuhan ninyo ang chapter na ito...
________________________________________
___________________________________________
Dahil sa kanyan sinabi ay di na ako nakasagot pa, tulala di ko alam kung papanu niya nalaman ang aming address at kung bakit siya anndito sa maynila. Nabasaag na lang ulit ang aking pagka tulala ng muli siya mag salita sa telepono.
Jeffrey: Jam... tao po... may balak ka po bang papasukin ako... kung nag iisip ka po kung papanu ko nalaman ang address ninyo... ito po ay ibinigay ng dady mo nasabi ko kasi na nag hahana ako ng trabaho.
Ako: anu?! Si dady? Bakit? At anung trabaho naman ang inalok niya sayo? At papanu lang ang simbahan? Sila father, ang mga gawain doon panu na?
Jeffrey: ang dami mong satsat. Buksan mo na muna ang pinto at akoy nilalamig na dito sa labas.. diyan na ako sa loob mag papaliwanag ok...
Bumangon ako sa pagkakahiga at dahang dahang bumaba para na rin maka pag isip ng pwedeng isagot sa kanya pag kaharap ko na siya. Pero bigo ako, wala talaga blanko ang isip ko as in wala akong maisip kaya dumiretcho na lang ako sa pinto ara pagbuksan siya at para narin marinig ko ang kanyang dahilan kung bakit siya nandito at kung anu ang sinabi sa kanya ni dady. Gusto ko talagang malaan lahat. Pag bukas ko pa lang ng pinto ay isang mahigpit na yakap agad ang sinalubong niya sa akin sabay bulong.
Jeffrey: thanks Jam, alam mo kahit nag sinungaling ka sa akin ok lang kasi mahal kita.
Itinlak ko na lang siya para makawala ako sa kanyang pagkakayakap sa akin, at sinabihan ko siya.
Ako: Jeffrey, pwede ba.. itigil mo yan...
Jaffrey: bakit ko naman ititigil to? Bakit masama bang mahali ka? may boy friend ka ba?
Ako: oo mali, kasi...... ahmmm..... kasi.....
Jeffrey: kasi anu? Ha? Aminin mo na kasing mahal mo rin ako...
Ako: ang kapal mo rin hanu... halika na nga pasok na.. at ako ay mag aasikaso na may pasok pa ako... mahaba-haba ang hahabulin ko sa klase.
Jeffrey: salamat (sabay smak sa lips)
Di ko na pinansin ang kanyang hali dahil sa inasikaso ko na lang ang mga gagawin ko para maak ppasok na ako sa paaralan. Nakita ko lang siyang umakyat sa second floor na parang sarili niyang bahay, inisip ko itong taong to parang siya may ari ah. Di ko nga alam kung saan siya pumasok eh, siguro naman ay sa gruest room siya pumasok sa katabi ng kwarto ko. Kumain na ako ng agahan tutal wala naman sila momy dahil nga paeho silang may business travel kaya ako na lang ang kumain. Pagkatpos kong kumain ay naligo na ako at pagkatapos ay umkayat na ako sa taas para mag bihis, laking gulat ko ng pag pasok ko sa aking kwarto ay nakita ko siyang doon naka higa.
Ako: Anu ginagawa mo dito? kwarto ko ito.. doon ka sa kabilang kwarto.. dali na alis na at akoy magbibihis pa.
Jeffrey: maya na.. dito na muna ako.. at bakit di ka ba makaka bihis pag andito ako? saka pareho naman tayong lalaki ah.
Nag taas na lang ang mata ko sa sobrang inis at talagang sunusubukan ako nito ah. Di ko na siya pinansin at talagang tinanggal ko ang tuwalya sa aking baywang at sa harap niya ako nag bihis, natawa ako sa kanyang naging reaksyon.
Jeffrey: JAM!!!!! Anu ba yan ang halay mo!!!!! tumalikod ka nga!!!!!(naka pikit at naka takip ng unan ang mukha niya)
Ako: hahahaha... anung mahalay dun? Pareho naman tayo lalaki diba. Unless ikaw ang di lalaki. Hahahaha
Jeffrey: basta... sa susunod naman tumalikod ka pwede ba? (naka pikit at naka takip arin ang unan sa kanyang mukha)
Ako: naku ewan ko sayo Jeffrey.. mauna na ako at ako ay malalate na. maya na tayo mauusap lagot ka mamaya sa akin. Wala kang kakampi mamaya kasi sa makalawa pa ang balik nila momy. Siya nga pala, mamaya darating si manang ang katulong dito sa bahay, pag nakita ka magpakilala ka na lang, at sabihin mo dito ka tutuloy.
Jeffrey: sige.. sige... (naka pikit parin siya at naka takip ang unan)
Ako: hoy gago.. tapos na po ako mag bihis.. aalis na nga ako eh.. sige bahala ka na diyan...
Agad akong lumabas ng aking kwarto at dali-daling bumaba 6:30 na kasi ng umaga at 7:30 ang pasok ko, may halos 45minutes din ang byahe papunta sa aming paaralan kung hindi traffic at umaabot minsan ng isa’t-kalahating oras ang bayahe o higit pa pag traffic.
Habang nasa byahe ay di ko talaga maiwasang maisip kung bakit binigay sa kanya nila momy ang aming address at kung anu ang sinasabi niyang inalok na trabaho sa kanya ni dady, at kung papanu siya pinayagan ni father na umalis ng simbahan. Iyon ang mga katanungan gumugulo sa aking pagiisip. Mabuti na lang at di pa gaanong traffic at dahil sa motor ang nasakyan ko ay madali akong naka lusot sa mga sasakayan para kahit papanu ay di ako malate. Halos 5 minuto na lang at mag sisinula na ang aming klase buti na lang at umabot pa ako.
Pag dating ko sa aming first subject a agad akong umupo sa aking upuan. Nag iisip ako kung papanu ako makaka habol sa mga lectures at quizzes dahil sa 2 linggong absent ko. Habang nag iisip ay isang tapik ang nag pabalik ng aking ulirat. Si Jom...
Jom: Tol!!! Saan ka ba galing? Anu nangyari sayo? (sabay yakap sa akin ng mahigpit)
Nagulat ako sa kanyang ginawa at di ko alam kung anu ang aking gagawin. Ramdam ko talaga sa kanyang mga yakap ang angungulila at pagkasabik na makita akong muli. Habang nasa gaoon kaming situwasyon ay narinig ko na lang ang iba pa naming mga kaklaseng nag titilian.
???: ayiieee ang sweet naman..(sigaw ng karamihan)
???: Jom akala ko ba saakin ka lang? (Ang pabirong sigaw ng isa pa)
???: hoy mamaya na yan... may clase pa... (ang sigaw ng isa pa)
Gustohin ko man kumawala sa kaayng yakap ay di ko kaya, siguro dahil sa gusto ko mana layuan at takasan ang mga ganito ay tila ang puso ko na ang sumisigaw na mahal ko na nga rin si Jom.
Gusto mang yakapin din siya ay di ko rin naman magawa dahil sa natatakot ako sa mga pwedeng magyari sa buhay ko pag nalaman nila momy ang tungkul sa amin ni Jom. Buti na lang at sa oras ng kanyang pag bitiw sa kayang pagkakayakap ay yun din ang saktong pag dating nila Anton at Aelvin pati na ng aming professor.
Sa buong araw ng discussion ay halos maagiwanan ako dahil sa karamihan ng mga topic ay talagang di ko alam ang iba naman ay kahit bago ay basic solutions or methods ang gamit kaya madali kong nasundan.
Pagkatapos ng lahat ng subjects ko para sa araw na iyon ay pumunta kami sa tambayan at doon kami nakapag usap kami at ara narin maka kopya ako ng mga notes na namiss ko.
Ako: tol pahiram naman ng notes ninyo oh...
Anton: naku tol, bad timing ka..
Ako: bakit naman?
Anton: nakalimut ka eh di ako nag notes... hahahahahaha... si Aelvin try mo..
Ako: wui Aelvin.. pahiram naman ng notes oh....
Di agad nakasagot si Aelvin at tumingin kay Anton, doon napansin kong parang may binabalak ang dalawa pero di ko na ito binigyan ng halaga basta dapat ay maka hiram ako sa kanila ng notes. Desidio kasi talaga akong iwasan na muna si Jom kahit na masakit para sa akin, di ko alam kung tama ang gagawin kasi noon una kong nalaman na may gusto siya sa akin ang buong akala ko ay madali lang itong mawawala, pero dahil sa pag iwas ko noon ay napasama tuloy si Jom, ngyon siguro kailangan ko parin siyang iwasan para kahit papanu ay maka-ag isip ako.
Habang nagmamakaawa ako sa kanila na manghiram ng notes ay sakto namang iniaabot ni Jom ang kanyang notes. Di ko alam kung tatanggapin ko iyon or hindi. Nag aalangan ako na kunin iyon hanggang sa dumating si Joana.
Joana: insan!!
Ako: anu?
Joana: halika muna dito.. dali may ibibigay ako sayo..
Jom: hi Joana.. (sabay ngiti na parang walang nangyari sa kanila noon)
Joana: oh hi (ang matipid na sagot ni joana na para bang di niya kilala si Jom)
Napansin nila Aelvin ang panlalamig ni Joana kay Jom. Dahil doon ay nilapitan nila kami at kinausap..
Aelvin: Jam pwede ba kayong makausap?
Joana: anu yun?
Anton: kasi nitong nakaraang 2 linggo lang eh naging matamlay yan si Jom, simula nung nag absent ka pare.. tapong ngayon is Joana naman ay biglang nanlamig.. anu ba nangyayari ha?
Nagtinginan lang kami ni Joana na mistulang di alam ang mga angyayari, di ko alam kung papanu ko ipapaliwanag sa kanila ang situwasyon naming tatlo. Sa ming paghara ay siya namang aglapit sa amin ni Jom at ang pagsasalita ni Joana.
Jom: anu bayang pinag-uusapan ninyo jan?
Joana: Jom... BREAK NA TAYO!!!! (ang deretsahang sagot ni insan)
Alam ko nang mangyayari ito, pero alam ko ring di ito inaasahan ni Jom pati na nila Anton at Aelvin, sigurado din akong magiging talk of the town ito dahil silang dalawa talaga ang hottest couple sa buong skwelahan.
Jom: ganun ba? Ok kung yan ang gusto mo, di na kita pipilitin pa alam mo naman ang totoo diba..
Jam: Jom? Ganyan ka ba talaga ka manhid?
Anton: hey...hey..hey... wait... di kami makasabay ni Aelvin... pwede bang sabihin ninyo samin ang mga nagnyayari ngayon?
Joana: oo nga naman Jom.. bakit di mo sabihin sa kanila ang totoo...
Jom: Joana huwag mo nga akong diktahan.. pwede ba..
Ako: eh kung ako.. anu gagawin mo? anu ikaw ang sasabi sa kanila o ako?
Aelvin: hey guys easy... anu ba talaga yan?
Ako: anu Jom magsasalita ka o hindi?
Jom: sige!!! Ikaw mahal ko, ganito ako... bakit may magagawa ba sila? Mamatay ba ako?
Anton & Aelvin: What the!!!!
Anton: Dude are you sure? Kailan pa?
Jom: noon pa pare si Jam na ang sinasabi kong mahal ko noon pa kahit noong naging kami ni Paul..
Joana: see... so anu nararamdaman mo... diba ang gaan ng pakiramdam mo.. buti ka pa... samantalang sa pinsan ko naman eh doon mo pinasa lahat ng bigat... di ka na nakuntento..
Jom: alam mo joana ganyan yang pinsan mo kasi.... di niya maamin ang nararamdaman niya.. dahil patuloy prin siya sa pag tanggi..
Ako: oo na Jom..siguro mahal na rin kita... Now HAPPY?!
Di na nakapag salit pa sila Anton at Aelvin dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Di nila alam kung papanu mag rere-act sa kanilang nalaman.. pero ako alam ko sa sarili ko kahit papanu ay gumaan na ang pakiramdam ko lalo na anasabi ko na sa kanya ang aking nararamdaman. Maya-maya lang ay narinig ko na lang ulit na nagsalit si Aelvin..
Aelvin: kay naman pala sobra ang tamlay nitong si Jom nung wala ka pare kasi...
Jom: kasi anu? Ha? Tapusin mo sasabihin mo (batid namin ang pagka pikon ni Jom sa kanyan boses)
Anton: easy guys... Jom ang init ng ulo mo... what for? Diba mahal ka rin naman ni Jam.. bakit ang init parin ng ulo mo?
Jom: kasi naman di pa umaalis ang babaeng ito... (sabay tuor kay Joana..)
Joana: aba bakit... ikaw ba ang pintahan ko dito? si insan naman talaga pakay ko ah.. nakisali ka lang...
Aelvin: hey.. guys please stop that... anu ba... ang gugulo ninyo. Wala naman siguro kayong balak na mapunta tayo sa guidance dahil lang sa konting away na ito.. naku gumagawa na kayo ng away sa konting di pag kakaunawaan eh.. ganito ganin natin.. doon tayo ngayon kila Jam at doon natin yan pag usapan...
Jam: HUWAG!!! Di pwede?
Anton: ha? Kailan pa naging bawal tumambay sa inyo?
Joana: oo nga namn insan...
Hinila ko si joana papalyo at sinabi ko sa kanya na nandoon ngayon si Jeffrey sa bahay...
Joana: WHAT!!
Jom: hoy anu yan?
Joana: tama nga di pala pwede may bisita kasi doon ngayon nakalimutan ko... alam ninyo naman an strict sa implemtation ng family rules, lalo na kung may bisita?
Anton: ganun ba? Sige doon na lang tayo kin Jom tutal maaga pa naman at doon na lang natin yan pag usapan. Pwede ba?
Jom: ok go.. pwedeng pwede...
Di ako sumagot bagkus ay tinignan ko na lang sila pati si Joana..
Joana: ahmm.. guys.. kasama ba ako sa alok ninyo?
Anton: OO naman
Jom: hindi...
Ang sabay na sagot nila pero naaninag ko na lang ang balak ni Joana na inisin si Jom kay nag pasya siyang sumama na lang din. Di na sana ako sasama pa dahil sa iniisip ko kung si Jeffrey sa bahay. Baka kung anu na ginagawa ng taong yun sa bahay ngayon, pero alam ko naman kasi na pag di ako sumama ay siguradong pupuntahan nila ako sa bahay at iyon ang ayaw ko gawin nila dahil makikita nila si Jeffrey at tiyak akong magtatanong sila kung sino siya at akung anu anu pa. Kailangan ko lang ay pigilan na lang lahat ng mga balak nilang pag punta sa bahay maliban kay Joana.
Pag dating namin sa bahay nila Jom ay agad akong sinalubong ni tita anabeth ng yakap. Na para bang ang tagal niya akong di nakita, yung mistulang ilang taon bago kami ulit nag kita.
Jom: momy.. mag iinuman po muna kami pwede po ba?
Tita Anabeth: sige.. ok lang... pero huwag naman yung parang wala nang bukas. Sige lang.. teka ikaw Joana huwag mong sabihin na iinom ka rin?
Joana: ay di po tita.. dito po ako makikipag usap na lang sayo.
Tita: oh sige.
Agad namang umakyat kaming apat sa kanilang roof deck para doon mag inuman. Doon kami nag harapan, batid ko talagang parang isinalang nila ako sa loob ng isang oven dahil di talaga nila ako tinitigilan hanggan sa umamin ako.
Anton: ok.. ganito gagawin namin.. kami lang magtatanog ni Aelvin at kayong dalawa (sabay turo sa amin ni Jom) kayo ay sasagot lagn dahil sa talagang naguguluhan kami...
Jom: sige ok lang ako jan... Hot seat lang naman pala eh..
Ako: teka.. teka.. panu kung ayaw kong sumagot?
Aelvin: ehdi.. alam mo na?
May hinala na talaga ako na iyon ang gagawin nila ang lasingin ako para umamin narin ako. it has been proves and tested na pag nalalasing ako ay doon pa lang ako nagshahsare ng aking mga saloobin.
Ako: panu nga kung ayaw kong uminom?
Anton: di pwede pare, kailang mong uminom at di ka pwedeng mag rason an uuwi ka pa dahil nanjan lang sa kanto ang bahay ninyo. Kaya wala kang maayos na rason para umiwas ngayon...
Wala na ako magawa kungdi ay ang sumaang ayon sa kanilang kagustuhan. Nagsimula na kaming maginuman at silang dalawa naman ay nagsimula na rin mag tanong.
Anton: Jom.. anu ba talaga para sayo si Joana at si Jam?
Jom: alam ninyo Tol.. si Joana ay alam niya na talagang di ko siya mahal at kami lang ang may alam noon palabas lang kung baga ang aming ginagawa, tapos itong is Jam (sabay akabay sa akin) ito talaga ang mahal ko.
Aelvin: kailan pa?
Jom: noon pa.. kahit noong naging kami ni Paul ay si Jam na talaga ang mahal ko at alam din naman ni Paul na di ko rin namantalaga siya gusto pinag bigayan ko lang siya..
Anton: ganon lang ba yon tol? Ginamit mo lang sila?
Napalingon ako sa kaya, di ko na tuloy alam ngayon kung magagalit ako sa kaya o maiinis o matatanggap sa ginawa niyang pag gamit kay Paul at kay insan.
Jom: tol ang sama namang pakinggan ng salitan ginamit, pero siguro masasabing ganun na nga.
Anton: Ikaw Jam.. kung ikaw naman.. anu ba ang nararamdaman mo ngayon kay Jom?
Ako: di alam eh.. naguguluhan ako... kasi sabi nito (turo sa Utak) mali daw na mahalin ko siya pero sabi din naman nito (turo sa puso) eh mahal ko siya.. kaya talagang naguguluhan ako..
Aelvin: alam mo tol i think you should follow your heart... wala naman kasing masama kung mahal mo na rin si Jom. Pero ang tanong ko lang ay mahal mo nga ba talaga si Jom dahil mahal mo siya o mahal mo siya dahil sa napilitan ka lang dala ng mga pangyayari?
Di na ako nakasagot sa tanong na iyon si Aelvin, grabe kasi siya kng makatanong parang pag quiz bee as in kulang na lang time limit. Nabasag lang ang pag tamk ko sa pag sasalita ulit ni Aelvin at ang pag siko sa akin ni Jom.
Aelvin: hoy Jam... anu na? wala tayong buong taon para maghintay ng sagot mo.
Ako: ewan ko tol, di ko pa talaga alam kung bakit ganito nararamdaman ko, pero sigurado ang puso ko na mahal ko siya kasi kahit anu gawin pag layo ko ay di parin siya mawala sa isip k eh...
Jom: talaga? Di mo ako kayang tiisin?
Ako: loko ang sabi ko di kita kayang makalimutan pero kaya kitang tiisin.. kaya manigas ka diyan.
Anton: oh nakalimot na kyo ng mechanics eh, kami lang ang magtatanog at kayo ay sasagot lang..
Jam at Ako: opo sir...
Nag patuloy ang ganoong set up namin hanggang sa pareho kaming apat na nalasing, siguro sa sobrang kalasaingan ka di ko na nakayang umuwi pa kaya napag pasyahan kong doon na lang kina Jom matulog.
Pag pasok ko sa kwarto ko ay agad kong dinukot ang cellphone ko at tinext ko sila manang na dito ako kina Jom matutulog at bukas ng madaling araw na lang ang uwi ko.
Pagkatapos ay agad akong naghubad ng aking pantalon at polo saka sabay pasok sa loob ng bayo para makapag hilamos at maka pag mumog na rin. Habang nasa loob ng banyo ay nagulat na lang ako ng bilang pumasok si Jom saka hinalikan ang aking batok, alam ko ang mga nangyayari pero di na ako nakapanlanban pa dahil na rin siguro sa kalasingan. Di ko rin alam kung mabuti o masaba itong mangyayari sa amin, basta ang alam ko tanggap ko na kung anu ako, kasama ko ngayon ang taong mahal ko at handa akong ibigay na ang lahat para sa kanya ng di ko na iniisip pa kung anu ang mga mangyayari sa susunod na araw.
Itutuloy...
Parang masarap magkarroN ng jeffrey at jom sa buhay ko tuloy ngayon... :-)
ReplyDeleteuhmmm, may mangyayari kaya? haha. - athann19
ReplyDeleteSuper love your stories. Grabeh! Ang ganda! Hope to read more of your stories. :] Awesome job, Author! - SLUSHE :]
ReplyDelete