Followers

Tuesday, April 12, 2011

EXCHANGE OF HEART pt8

By: Gelo

Pag mulat ko ng mata ko nasilaw ako sa nakita ko, matinding liwanag na nakakasilaw.. naluha ako sa nakita ko, patay na ba ako? bakit puro puti at nakakasilaw na liwanag ang nakikita ko? Sinusundo na ba ako ng Diyos? Hindi pa pwede! Marami pa akong gustong gawin! At hindi nagagawa! Pano na ang mama ko pag nalaman nya? Baka atakihin sa puso yun? Pano na ang grand case presentation namin? Ako pa naman ang leader dun! Anong gagawin nila pag wala ako? pano na sila ninang? Pano na si louie? Hindi ko pa nasasabe na may nararamdaman ako para sa kanya! Pano na kame! Pano na?!!! bigla may humarang na isang bagay sa linawag na nkikita ko at bigla nag salita.

“hoy pwet gising ka na pala!” nagulat ako nung nagsalita ang bagay na yun ulo pala ni louie! Sa gulat ko nasampal ko tuloy!

“aray ko naman bat mo naman ako sinampal?” sinundan ko sya ng tingin nung inalis nya ang nakatakip nyang ulo sa liwanag, ng makita ko sya pala at ang paligid at pinagmasdan ko ulit ang liwanag ILAW pala yon!

“ay sorry! Kaw kasi nanggugulat ka!” pag hinge ko ng sorry.

“hindi naman kita ginulat ha! Ang sakit pa ng pag sampal mo parang may galit ka sakin ha!” pag rereklamo nya.

“sorry sorry kala ko kasi patay na ako kasi nakatapat tong ilaw sakin tapos bigla kang sumulpot kaya yun nagulat ako..” pag papaliwanag ko.

“ahahahaha! Hinimatay ka lang patay ka na agad? Matagal ka pa mamatay masamang damo ka!”

“gagu! Aray!” sabay hipo ko sa ulo ko ang sakit kasi.

“oh anong maskait sayo?” sabay lapit agd sakin ni louie.

“sakit ng ulo ko eh ano bang nangyari?”

“ah siguro dahil yan sa pagkatumba mo tumama kasi ulo mo sa sahig eh buti nga hindi malala ang magkatama.”pag papaliwanag nya.

“ah ganun ba? Anyway anong sabi ng doctor bakit daw ako hinimatay” pagtatanong ko.

“ah eh kasi daw..” na-uutal-utal nyang paliwanag.

“ay ito pinag luto ka ni mama ng toge na paborito mo kumain ka muna alam kong gutom ka na!” pag iba nya ng storya.

“bayag! Ano daw sakit ko?” pag ulit ko sa tanong.

“kumain ka na oh baka mapanistong pagkain!” pag baliwala nya ulit sa tanong ko habng hinahanda ng pag kain ko.

“LOUIE! ANO NGA SAKIT KO!!” mataas na ang tono ng pag sasalita ko.

“eh kasi nga hinimatay ka? Kaya ka andito!” pagpapaliwanag nya.

“alam ko! Ang tanong ko bakit ako hinimatay!”

“eh kasi nga may sakit ka daw sa puso!” pag bigla nya ng sagot sakin. Hindi naman ako na nakapag salita at natulala, tumalikod nalang ako ng higa para umiyak, hindi ako mapakaniwala sa murang edad kong ito may sakit na ako sa puso.

“pero wag ka mag alala dahil hindi pa naman sure kasi wala pa yung ibang results ng lab test mo. Kaya ito kumain kana oh para lumakas ka na.” pag papaliwanag ni louie.

“sige lagay mo nalnag jan kakainin ko din yan.” Sabi ko ng malumanay habang nakatalikod parin ng higa kay louie.

“ito naman eh!” lumapit sya at umupo sa higaan ko. “ sige na oh kahit subuan nalang kita gusto mo? Kailangan mo ng kumain oh tignan mo alas 3 na ng umaga alam kong gutom ka na.”napaharap naman ako sa kanya at nagulat sa sinabi nya.

“ha? Alas 3 na ng umaga?oh bat andito ka pa?may pasok pa tayo mamaya ha!”

“eh gusto ko ako nalang magbantay sayo eh, ok lang naman sakin tutal parehas naman tayo absent at hindi ka naman siguro mag tatagal dito.”

“baliw ka talaga kahit kelan! Sayang yung araw na i-aabsent mo eh ako lang naman may sakit hindi ikaw.”

“oh sige uwi na ako bahala kana sa buhay mo dito ha?”

“wag! Gagu to! Iwan ba ako dito!” pag hila ko sa braso nya ng akmang tatayo na sya para umalis.

“tignan mo dami mo talagang arte gusto mo din pala ako mag bantay sayo eh! Oh kumain kana ng lumakas kana ng makauwi na tayo!” pag alok nya sakin ng pag kain.

“talaga?gagaling ako pag kinain ko yan? Subuan mo muna ako!” nag baby talk ako na kinaiinisan nya ng sobra pag ginagawa ko yun dahil hindi daw bagay sakin umarte ng ganun.

“leche! Kumain ka mag-isa jan hindi ka lumpo para subuan pa at wag mo ako artehan ng baby talk mo na yan at nabuburaot ako!” inis nyang sabi sabay tayo.

“ayoko ngang kainin yan! Sige ka hindi ako gagaling at tatagal ako dito kaw din.” Pag baby talk ko parin pero medyo natatawa na ako sa ginagawa ko.

“sige na bayagra! Sige na please! Papayag na ang bayag! Papayag na yan!” pag suyo ko sa kanya sabay pindot pindot sa tagiliran nya. Napapangiti naman ang bayag sa ginagawa ko.

“sige na nga! Ay nako!! Kung di lang talaga!!” pag pigil nya sa sarili nya.

“di lang ano?” tanong ko!

“ito! Kumain kana!” sabay subo nya sakin.

“aray! Dahan dahan naman baka masubo ko ang kutsara nyan!”pag rereklamo ko habnag ngumunguya.

“dami mong reklamo pwet! Pasalamat ka may sakit ka kundi hindi kita pag sisilbihan ng ganito.”

“hehehe kailangan ko pala mag pasalamat sa sakit ko dahil pinag sisilbihan mo ako ganun?”sabay tawa ako ng malakas! Tawa rin naman sya. Hangang natapos na ako sa pag kain ko napawi naman ang kalungkutan ko ng saglit dahil sa nalaman ko tungkol sa sakit ko dahil andyan si louie upang atupagin ako. maya maya my kumatok sa pinto mga around 4am non. Ang nurse.

“hi po sir good morning gising na po pala kayo. Kamusta na po ang pakiramdam nyo?” pag tanong ng lalakeng nurse na ang GWAPOOOOOOOOOOO promise!

“ah eh!” natulala naman ako sa kagwapuhan nya ahahahahaha! Piling ko gusto ko nalang magkasakit forever pag ganto ang sitwasyon dito sa hospital! Ahahahaha.

“hoy! Kamusta daw pakiramdam mo?” pag tapik sakin ni louie! “nakakita lang ng gwapo hindi na makapag salita.” Sabay banat ni louie. Kinurot ko naman sya ng palihim.

“ah ok lang naman po mabuti naman ang pakiramdam ko.”

“ah mabuti naman po kung ganun kukuwaan ko lang po kayo ng vital signs sir.”

“oh kukuwaan daw ako ng vital signs tabi jan louie!” sabay pag sawi ko kay louie sa pag kakaupo nya sa tabi ko. Ang sama naman ng tingin sakin ni louie. Habang kinukuwaan naman ako ng vital signs ng nurse tinititigan ko lang naman sya ng maiige ahahahaha! Ang gwapo talaga mala gerald anderson ang kagwapuhan at kahit pang night shift hindi halatang puyat at pagod sa duty. Habnag tinititigan ko si kuya nurse itong louie biglang umentra!

“ahmm sir ano po ba ang findings ni doc sa sakit ni andy?” tanong ni louie.

“ah! Base po sa chart ni sir andy candidate po si sir andy sa Rheumatic heart disease pero hindi pa po confirm ito diagnostic impression lang po ito ni doc sanchez dahil hindi pa po lumalabas lahat ng result ng lab test nya at may mga procedures pa pong gagawin kay sir andy upang ma confirm nga po na may RHD nga po sya.”

“ah ganun po ba? If ever pong may RHD nga po sya ano pong pwedeng gawin para gumaling sya?” pag uusisa ni louie.

“pwede din naman pong idaan sa gamot para mawala ang infection dahil infection po sa heart valve ang sign and symptom ng RHD depende po yan kung madadaan sa gamot pag hindi po madaan sa gamot most likely po heart operation mag lalagay po ng artificial heart valve sa puso ni sir andy pero worst comes to worst po pag lumala pa ang infection sa puso pwede din pong mag sa gawa ng heart transplant.” Pag papaliwanag ng nurse. Hindi ko naman masyado inintindi sinasabi ng nurse dahil lumalandi parin ako sa kakatitig ko sa kanya.

“ah ganun po ba? Sana naman hindi umabot sa ganung sitwasyon!” sabi ni louie, tumingin naman sakin si louie at napansin nyang parang wala lang sakin ang narinig na pwedeng mangyari sakin if ever maging malala ang sitwasyon instead nakasmlie pa ako na nakatitig sa gwapong nurse.

“hoy! Mamatay ka na daw!” sabay batok skin ni louie.

“hindi ah!! Aalagan ako ni kuya nurse noh! Diba kuya?” sabay ngiti ng mapang akit kay kuya nurse.

“oo naman lahat kameng mga nurse dito aalagaan ka andy, oh sige mamayang alas 8 babalik ako ha? Para sa gamot mo at vital signs ulit.” Sabi ni kuya nurse.

“ah sige sige po kuya nurse! Salamat po” sabay ngiti ng WAGAS! Sabay labas ni kuya nurse.

“oh may mag aalaga naman pala sayo dito eh at gustong gusto mo pwede na siguro akong umuwi noh?” sabi ni louie.

“oh sige sige pwede ka ng umuwi, salamat sa oras ha?” pangangasar ko.inayos na ni bayag ang mga gamit nya at nung tipong paalis na sya naabutan ko naman ang braso nya at hinila.

“ito naman! Tampo agad! Joke lang! Wag kang umuwi! Lalo akong hindi gagaling.” Pag lalambing ko sa kanya napaupo naman sya sa kama ko.

“oh kala ko ba hindi mo na ako kailangan? May mag aalaga na sayo dito.”

“syempre walang tatalo sa alaga mo! Ito naman selos agad! Wag ka alis..” sabay yakap sa tiyan nya! Ang sarap ng feeling ng ganto na hinahayaan lang nya ako gawin ang gusto sa kanya hindi naman sya nag salita sa halip tinignan nalang ako at nilapag ang gamit sa mesa sa tabi ng kama ko. Maya maya may nilabas sya mula sa bag nya. Laptop nya dala nya!

“waaaaaaah! Dala mo laptop mo!! Buti nalang para hindi ako maboring dito.” Sabay kuwa sa laptop nya at binuksan agad ito. Hindi naman sya umimik, napakamot nalang sya sa ulo. Nilagay ko na ang password ng laptop hindi ko na tinanong ako lang at sya nakakalam ng password nya kahit nga mama at kapatid nya hindi alam ganun ako kalakas! Ahahaha. Yun tamang networking lang, syempre fb fb tapos nag sawa din natapos na ako mag fb sya naman ako na din nag bukas ng account nya dahil alam ko din naman eh ahahaha sya din naman alam nya account ko para nga kameng mag jowa alam ang bawat impormasyon sa bawa’t isa. Nung binuksan ko nakita lumabas sa messages nya 1 message unread nung akmang bubuksan ko na hinawi nya kamay ko at inagaw ang laptop!

“oh! Sobra ka na ha! Lahat nalang binubuksan mo!” sabay upo sa upuan katabi ng kama ko pero naka taligod ngayon ang laptop sakin kaya hindi ko makita ano ginagawa nya sa laptop.

“titignan ko lang naman ah!!!!!!!!!!!!!!!” sinigaw ko talaga ng pag kasabi ko nun di alintana kung may makakarinig ba sakin o wala!

“oh bat ka sumisigaw?” nilapag nya ang laptop sa inuupuan nya at tumayo at lumapit sakin ng my inis!

“titignan lang kasi!!! Bat kasi ang damot mo ha!!!” parang bata talaga non nag iinarte nga kasi ako kasi nga may sakit ako kaya may karapatan akong mag inarte ahahaha!

“wag ka nga kasi sumigaw” pigil na gigil nyang pag sabi non.

“bakit ba??!! Bawal sumigaw ha!! Tayo lang naman nasa loob ha!!” sumisigaw parin ako para uratin sya alam ko bibigay din to at ipapakita sakin ang message na yun. Pero hindi ko expect ang ginawa nya pinitik nya ako ng malaks sa bibig! Natahimik naman ako sa sobrang sakit! Hinipo ko ang gilagid ko pag tingin ko sa daliri ko nakita ko may dugo! Kaya pala ang sakit!

“gagu ka! Gagu ka! Gagu ka!” marahan kong sinabi yun at nag uumpisang umiyak. Natameme naman si bayag sa ginawa nya hindi alam ang gagawin. Pinunas ko nalang ang kumot na gamit ko sa gilagid ko upang punasan ang dugong lumabas galing dito. Si louie naman kumuwa ng bulak at lumapit sakin.

“akin na!” sabay hawi sa kamay ko upang punasan ang dugo sa gilagid ko.

“alis! Gagu ka! Pinitik mo ako tignan mo ang daming dugoooo” umiiyak na ako non ng parang bata. Ito namang si louie natataranta na hindi na alam nong gagawin.

“sorry hindi ko talaga sinasadya! Ikaw kasi ang ingay mo para kang bata hindi mapag sabihan!” pag papaliwag nya na parang maluha luha pa.

“kahit na! dapat hindi mo ako pinitik! Tignan mo ayaw tumigil ng dugo! Isusumbng kita kay kuya nurse!” nung tipong pipindutin ko na ang buzzer para tumawag ng nurse sa nurse station hinawakan nya ang kamay ko upang pigilan. Nag tatalo tuloy kame ngayon dahil sa buzzer hangang sa napatigil ako sa nangyari umiyak si BAYAG! Ahahahaha sa sobrang pagkapikon nya.

“grabe ka andy.. napapagod na ako sayo..” malumay na sabi nya na may luhang tumulo sa pisngi nya. Natameme naman ako dahil unang beses ko syang nakitang umiyak! Napa iyak ko si BAYAG sa sobrang inis! Pero naawa naman ako sa kanya, naguilty ako sa ginawa ko nag sakripisyo na nga syang umabsent para sakin at alagaan ako tapos ako sobrang pasaway kahit kasalanan ko naman dahil nag sisigaw ako, hindi ko na alintana ang pag tulo ng dugo sa gilagid ko, naantig naman ako sa ginawa ni bayag imbes na mag walk out ay lumapit sa kama ko at umupo upang punasan ang dugong tumutulo mula sa bibig ko.

“wag ka na kasi pasaway pwet oh please naman, puyat pa ako inaantok pa ako dalawang oras lang tulog ko sa kakabantay sayo tapos ikaw pasaway ka pa sa tingin mo may tatagal sayo dito? Kahit yung crush mong nurse na yon susukuan ka.” Malumanay na sermon lang ang sinabi nya habang pinupunas ang dugong lumalabas sa bibig ko, tumutulo parin ang luha nya non na tumutulo sa braso ko. Naawa ako sobra naiiyak na din ako sobrang guilty ko imbes na mag walk out sya sa inis pinilit parin nyang mag stay at punasan ang bibig ko. Hindi na ako nakapag salita umiyak nalang din ako. pinunasan naman nya ang luha ko.

“oh ngayon iiyak-iyak ka? Oh tignan mo na ang fb ko kung sino nag message!” inabot nya ang laptop sakin at pinakita ang message. Si aldrin lang pala at ang sabi “tol nabasa ko ang message mo sa text hindi na ako nakapag reply dahil wala akong load sige dadaan kame bukas ni faye sa hospital sana ok lang si andy, pakisabi pagaling sya.” Dahil sa message na yun mas lalo tuloy akong umiyak napahagulgul tuloy ako dahil si aldrin lang pala at tinext nya upang mabisita ako, ako parin ang inaalala ni louie tapos ang pasaway ko pa.

“oh sige na! wag ka na umiyak. Alam mo naman ayokong may umiiyak lalo na ikaw, tama na hindi na ako galit.” Pagtahan nya sakin at hinihipo hipo nya buhok ko nun dahil nakatakip ako ng kumot sa pag-iyak.

“sorry talaga bayag, ang kulit kulit ko talaga nakakahiya! Sorry talaga promise hindi na mauulit.” Habang umiiyak.

“oo na nga sige na ok na! laro nalang tayo ng games dito para may magawa tayo habang hinihintay natin sumikat ang araw.”

“tara!” sabay labas ko sa muka ko sa kumot at nginitian si louie.

“ahahahahaha! Tignan mo itsura mo may sipon ka pa sa pisngi tapos pula yang mga ngipin mo para ka talagang bata pwet!” pinunasan naman sya agad ito ng tisyu tumawa nalang din ako. magkatabi kame sa kama na nakahiga habang nakapatong ang laptop sa unan na nakapatong naman sa bandang tiyan namin. Street figther ang nilalaro namin ang lagi kong ginagamit na character ay si chi chi yung babaeng character sa game na yun sya naman puro male characters pero lagi ko syang natatalo hiyang kasi ako sa character ko eh ahahaha! Maya maya hindi na gumalaw itong character ni louie kala ko nag papatalo nalang para bumawi sya sa next game, tinignan ko ang mag daliri nya hindi na rin gumalaw pag tingin ko sa muka niya, ayun tulog ang bayagra dalawang oras lang kasi ang tulog ng loko kaya puyat. Inalis ko nalang ang kamay nya sa pag kakalagay nito sa keypad ng laptop at tumayo upang mag fb nalang. Inayos ko nalang ang pag kakahiga nya sa kama. Tinignan ko muna sya ng maiigi sa pag kakatulog. Mukang pagod ang loko. Inayos ko ng bahagya ang buhok nya at hinaplos ang muka. Tinitigan ko lang sya ng matagal.

“hays! Mahal ko na ata ang gagong to!” sabay halik sa nuo nya hindi naman sya nag react tulog na tulog ang mokong. Nag internet nalang ako hangang sumikat ang araw. Maya maya my kumatok at bumukas naman din agad. Si ninang.

“oh! Bat iba na nakahiga sa kama? Pambihira talaga oo! Yung pasyente nakaupo ang bantay nakahiga sa kama!” tawanan kameng dalawa.

“hayaan nyo na po ninang puyat yan eh dalawang oras lang daw tulog nya kaya pinatulog ko na din yan nag harutan pa kame kanina inis na inis nga sakin yan sa sobrang inis ninang UMIYAK! Ahahahahha” tawa ako ng malakas!

“ow talaga nagawa mo yun? Ang galing mo naman ahahaha! Oh sya ito nag dala ako ng makakain nyo ipinatanong ko na dun sa nurse station kung pwede ka nitong kumain ang sabi pwede naman daw.”

“ano po yan ninang?” pag busisi ko plastic ng pag kain.

“sinangag na kanin at corned beef paborito ni bayag mo”

“talaga po? Teka gisingin ko na si bayagshus matutuwa yan sa dala mo. Huy bayag gising na inumin mo na daw gamot mo pati mag vivital signs daw ang nurse” biro ko sa kanya.

“ha? Mamaya na tulog pa kamo ako” sabi nya kala nya din pasyente sya nanaginip ata tumatawa naman kame ni ninang ng lihim.

“huy ano ka ba! Nag-aantay yung nurse oh! Ano ba daw gusto mo iinject nalang sa bayag mo ang gamot para hindi kana gisingin?” sabay tawa namin ni niang ng pigil na pigil!

“ha? Hindi gigising na ako!” takot kasi si louie sa injection kahit nursing pa kinuwa nya although nalalabanan na nya ok sa kanya sya ang mag injection pero pag sya iinjectionan pahirapan ang sitwasyon.

“ahahahaha! Baliw! Ako ang pasyente! Nakitulog ka lang sa kama ko pinanindigan mo na pagiging pasyente ha” tawa kame ng tawa ni ninang napakamot nalang sya sa ulo at bumaba sa kama.

“oh almusal na tayo may dala si ninang paborito mo corned beef!” alok ko kay louie.

“oh talaga? Sige nagugutom na din ako eh.” Umuhi muna sya at nakisabay naman din samin. Si ninang naman ang kumain ng pagkain ng hospital hindi ko kasi feel eh puro gulay. Maya maya matapos namin kumain mga 30 minutes after dumating ang nurse kasama si doc Sanchez.

“good morning!” masaya nyang bungad.

“good morning din po doc” sabi ni ninang hindi naman ako nakasagot dahil hindi ko naman sya kilala dahil nga unconcious ako nung dinala ako dito.

“andy ako si doctor sanchez ako ang doctor mo kamusta ang pakiramdam mo?” pag bati nyas akin.

“ah ok naman po doc ok na ok na po ako.”

“mabuti naman! Parang ang sigla mo ha! What makes you smile today ha?” habang chinecheck nya ang IV fluids ko at binabasa ang chart.

“ah yung nurse nyo po hiyang kasi ako? ahahah joke lang po.. itong nag babantay sakin!” pag turo ko kay louie at ninang.

“ows talaga? Kaw ha! Crush mo tong nurse ko noh? Hehehe.. anyway, may mga konting katanungan ako sayo para ma confirm natin yang karamdaman mo. Anong naramdaman mo bago ka himatayin?”

“ahmm, nahihilo po ako, tapos parang ang sakit ng dibdib ko at nahihirapan akong huminga at yun po biglang nag dilim paningin ko hindi ko na alam anong sumunod na nangyari.” Pag papaliwanag ko.

“ilang beses mo ng nararamdaman itong mga signs and symptoms na to?”

“mga 2-3 times a week po? Mga ganun po ata. Pero itong huli lang po yung grabe.”

“madalas ka bang mag karoon ng tonsilitis?”

“ha? Ahmm dati po? Nung high school ako mga once a month madalas! Kasi po mahilig ako mag sususbo ng kung ano ano like for example ballpen o lapis po, papel o worst is plastic? Pero hindi ko naman nilulunok doc nginunguya ko lang po.”

“ah ok. Ahmm andy lumabas na ang ibang results ng lab test mo may mga bacteria na natangpuan dito, lahat ng sings and sympotoms na pinapakita mo at results ng lahat ng examination iisa lang ang sinasabi may Rheumatic Heart Disease ka.” Malumanay na sabi ni doc sanchez, nag tinginan nalang kameng tatlo nila ninang at louie.

Pero wag ka mag-alala hindi pa naman malala dahil stable pa naman lahat ng vital signs mo at malusog parin ang puso mo pwede nating idaan sa gamot at maintenance. Pag di nadaan sa gamot most likely we will under go heart surgey my parte ng puso mo na papalitan natin ng artificial heart valve. Mamaya mag proproceed tapo sa 2d echo para macheck natin kung anong part ng heart mo ang naapektuhan ng infection ha?”

“ahmm sige po doc nag tititwala po ako sayo sana po magawan natin ng paraan habang maaga pa” malungkot kong sabi.

“wag kang mag-alala andy manalig ka lang sa sarili mo at syempre sa Diyos at gagaling ka.”pagpapa kalma ni doc sanchez sa saloobin ko. Napa ngiti naman ako sa sinabi nya alam ko gagaling ako at hindi ako pababayaan ng Diyos malakas ata ako sa kanya noh!

Nag pa 2d echo na nga ako at nadiskobe na isang heart valve ko ay infected na nga pero hindi pa naman malala dahil nag fufunction pa naman ito ng mabuti kaya suggest ni doc sanchez ay idadaan nalang ito sa santong gamutan. Mukang makakauwi naman ako ng maaga dahil ok na ako at stable na lahat ng vital signs ko hinaantay nalang namin ang abiso ni doc sanchez.

Mga alas 5 ng hapon non ng dumating sina faye at aldrin .

“teh anong nangyari sayo!! Please wag muna ngayon kailangan ka ng grupo!” nag eemote si faye tipong umiiyak pa kuno.

“hmmpt! Gagu! Hindi pa ako mamatay noh! Gusto mo mauna sa pupuntahan ko?” sabay batok ko kay faye.

“ito naman jinojoke ka lang! Oh kamusta ka daw? Kelan ka daw mamatay? Ay este makakauwi?” tanong ni faye.

“baka ngayon ding araw hinihintay lang abiso ni doc sanchez eh” pag papaliwanag ko.

“galing naman! Makakauwi ka agad! Buti nalang walang masamang nangyari sayo kundi baka mag pakamatay tong si louie!” tawanan naman ang lahat!

“baliw anong pakamatay sinasabi mo jan! Syempre ako nag aalaga eh ewan ko lang kung hindi gumaling agad yan kahit student nurse palang ako magaling na ako mag-alaga ng pasyente.” Pag mamayabang ni louie. Napangiti nalang din ako hindi ko na kinontra sya nga naman kasi nag aalaga sakin eh.

Biglang dumating ding itong lola ko.

“oh deng musta kana? Pasyensya kana at ngayon lang ako nakarating dahil walang mag babantay ng bahay eh may pasok tong si SV tapos nag withdraw pa ako ng pera para pangbayad sa hopital bills mo.”

“ok lang po nay andito naman si louie at ninang binabantayan ako.”

“oo nga eh laking papasalamat ko sa ninang mo at syempre dito kay louie mahal na mahal ka ng mga to eh, sya nga pala gusto ka maka-usap ng papa mo, ito tawagan mo madaming laod iyan.” Pag alok ni nanay sa phone nya.

Ringing..

“hello pa?” unang salita ko.

“anak? Andeng? Musta kana ha? Sobrang nag-aalala ko dito halos hindi ako makatulog kagabe tinatawagan ko ang cellphone mo pero nakapatay. Ano ng balita sayo anak.” Medyo nag cracrack ang boses ni papa.

“ahmm low bat po kasi phone ko pa hindi ako nakapag charge, ok na ako pa actually baka makauwi na ako ngayong araw.

“mabuti naman anak kung ganun, wag mo pababayaan sarili mo nak wag ka masyado mag papagod sa pag-aaral have some time for your self.” Medyo naluluha ako sa sinasabi ni papa dahil ngayon ko lang narinig ang mga katagang iyon galing sa kanya.

“salamat pa ikaw din jan wag mo papabayaan sarili mo wag mo na ako alalanin ha? Malakas ako at please wag nyo na paalam kay mama mag-aalala lang yun.” Naluluha na ako ng mga oras na iyon.

“oh sige sige anak ikaw masususnod. Balita ko si ninang mo at louie ang nag babantay sayo jan ha?’

“ahmm opo actually si louie talaga si ninang bumibisita bisita lang po kasi inaasikaso din nya mga anak nya ata bahay nila.”

“ ganun ba? Maka-usap nga ninang mo.”

“ah wala sya dito pa eh umuwi pero babalik din daw mamaya.”

“si louie nalang.”inabot ko naman agad kay louie.

“helo po ninong” sabi ni louie. Hindi ko na alam ano pa pinag-uusapan nila narinig ko lang ang sabi ni louie.

“ah walang anuman po ninong eh kung pasasan pa’t tayo tayo nalang ang mag tutulungan lalo na dito kay andy eh parang kapatid ko na to eh! Wag kayo mag-alala ninong ako bahala sa anak mo”

“basta po wag nyo kakalimutan ang pasalubong ko pag uwi nyo ahahaha” pahabol ni louie.

“oh tumwag ka daw pag nakalabas kana ng hospital.” Inabot namin sakin ni louie ang phone.

Maya maya kumatok ang nurse at pumasok.

“sir andy pwede na po daw kayo umuwi as ordered on call by doctor sanchez.” Sabi ng babaeng nurse.

“ay salamat po ng marami nurse!” sabi ko.

“hay salamat makaka uwi na din tayo at makakapasok na ako bukas.” Sabi ko.

Nag-ayos na kame ng mga gamit ko para umuwi, dumeretso muna kame sa bahay nila louie kasama sila faye at aldrin upang dun na din mag hapunan. Nakauwi kame mga around 6pm sa bahay nila louie hindi na namin pinaalam kay ninang balak sana namin sya supresahin. Kumatok na ako ng pinto.

TOK!TOK!TOK!

“sino yan?” sigaw ni ninang mula sa loob.

“ate may yelo po ba kayo??” pag bibiro ko.

“ay wala kameng tindang yelo iho” hindi man lang binuksan ang pinto.

“eh pula po meron?” pangungulit ko tumatawa naman ng tahimik sila faye.

“ay sya?” sabay bukas ni ninang ng pinto.

“SURPRISE!” sabay yakap kay ninang ng mahigpit.

“oh kayo pala! At nakauwi kana !” sabi ni ninang kumalas na ako ng pag kayakap sa kanya at nag mano ganun din mga kapatid ni louie at nag mano din sakin.

“yehey naka uwi kana kuya gelo magaling ka na ba?” sabi ni dingdong nakakbatang kapatid ni louie.

“oo magaling na ako pasalamat kayo kay kuya aweng nyo sya ang bantay ko eh” sabi ko.

“ah ganun ba? Ang galing naman ng kuya aweng ko hehehe”

“oh tara sakto ang dating nyo at mag hahapunan na!” pag yaya ni ninang.

umupo na kameng lahat sa mesa, mag katabi sila faye at aldrin, syempre magkatabi kame ni bayagra! Ahahaha! Masaya ang hapunan naming iyon puro tawanan parang walang nangyari trahedya. Hinatid na namin sila faye at aldrin sa labasan matapos ang hapunan gabi na din kasi kaya hindi na sila nag tagal. Pabalik na kame ng bahay nila louie ng humirit itong bayag.

“sa bahay kana matulog.” Sabi ni louie.

“ha? Bakit?”

“ayaw mo ba?”

“ahmm ok lang? Hindi ka ba nag sasawa?”

“san?”

“hmm sakin.. i mean satin?”

“ha? Bakit naman ako mag sasasawa? Masaya ako sa ginagawa ko, ginagawa natin.”sabi ni louie

“bakit ka masaya?”

“hmm ewan basta masaya ako, pag andyan ka. Masaya ako kung ano meron tayo. Basta masaya. Ikaw hindi ka ba masaya?”

“masaya, pero at the same time natatako.” Sabi ko.

“natatakot san?”

“eh kasi pano kung wala ka na? i mean alam ko darating ang panahon na we have to separate ways diba?”

“ay nako! Wag mo isipin ang mangyayari palang! Maraming pwedeng mangyari ok? Pwedeng mabago ang lahat ok?” sabay akbay nya sakin. Hindi ko alam anong ibig nyang sabihin sa sinabi nyang iyon basta ang alam ko masaya kame! Hehehe. Nasa kalagitnaan kame ng pag lalakad namin sa bandang madilim na daanan my bigla yumakap sa leeg ko at bigla my tinusok na kung ano man sa likod ko. Hindi ako nakagalaw agad sa takot.

“louie” sabi ko ng may sobrang takot.

“wag kang gagalaw!” sabi ng mama galing sa likod ko.

ITUTULOY!

3 comments:

  1. hulaan ko mamatay si Loui tapos mapupunta puso nya kay Andy?

    ReplyDelete
  2. woah katakot naman sino nman yung taong yung?....

    ReplyDelete
  3. Nagiging boring na tong kwento. :-(

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails