Followers

Tuesday, April 26, 2011

EXCHANGE OF HEART pt10

"ahmm kasi?? ah! eh!"
"hala? ano nga kasi!?" parang inis nyang sabi.
"mahal kita! ewan!! basta!" tumalikod ako sabay takip ng unan sa muka ko.
"ha? ano?"
"wag ka ngang mag bingi bingihan malakas pagkasabi ko alam kong rinig mo yun" nasa ilalim parin ng unan ang muka ko.
"kahit kelan ka talaga hindi ka makausap ng maayos!" sabay talikod nya kala nya siguro nag bibiro lang ako. inalis ko ang pagkatakip ng unan sa muka ko at humarap sa kanya.
"mahal nga kita! hindi ako nag bibiro!"
"andy wag mo nga akong biruin ng ganyan! hindi na nakakatuwa yang mga biro mo ha!" nakatalikod parin sya.
"hindi naman ako nag bibiro ha! seryoso ako!" sabay hawi ko ng braso nya para humarap sakin.
"pero alam mo naman anong gusto ko diba?"
"oh bakit sinabi ko ba mahalin mo din ako? ang sabi ko mahal kita hndi ko sinabi mahalin mo din ako ugok ka pala eh!" sabay batok ko sa kanya. humarap naman sya sakin ng kumakamot sa ulo.
"kelan pa? at bakit?"
"ewan! basta naramdaman ko lang? ikaw kasi malandi ka! lagi mo akong hinaharot! yan tuloy nahulog ako!"
"so nasasaktan ka pag humihinge ako ng mga advices sayo tungkol sa mga gf ko? o kaya kung nag papatulong ako sayo para sa kanila?"
"ahmmm.. nung una wala naman! deadma lang! pero ngayong mga nag daang araw medyo nasasaktan na ako minsan nga pag nag kwekwento ka alam ko napapansin mo minsan lumilihis ako ng kwento o kaya kunwari may gagawin para hindi ko lang marinig ang kwento mo tungkol sa kanila." pag papaliwanag ko.
"ah ganun ba? sorry pwet ha? hindi ko naman alam eh!" malungkot nyang sabi.
"ah! ano ka ba! wala yun. hindi mo naman alam eh kaya wala kang kasalanan at saka masasanay din akong ganto hindi naman ko umaasa na mamahalin mo din ako alam ko naman na babae talaga ang tipo mo at hindi ang mga tulad ko eh."
"hayaan mo simula ngayon hindi na ako mag kwekwento tungkol sa kanila sayo"
"ok kaw bahala, pero isa lang naman talaga ang gusto ko mangyari eh."
"oh ano yun?'
"yung ito, walang magbabago satin kahit alam mo na mahal kita sana hindi ka mailang sa mga gagawin mo patungkol sakin yung tulad ng dati gusto ko ganun lang."
"yun naman talaga nag hindi mag babago kahit kelan eh! kahit ano pang malaman ko tungkol sayo hindi ako magbabago sayo unless nalang kung ikaw ang mag bago wala akong magagawa dun."
binigyan ko nalang sya ang isang ngiti, sobrang saya ko ng gabing iyon dahil nasabi ko na ang dati pang gustong sumabog sa loob loob ko ang hirap kasi ng may dinadala kang lihim lalo na't ang lihim na iyon ay sa taong lagi mong nakakasama araw araw, oras oras! ang bigat sa damdamin! pero ngayong alam na nya ang tunay kong nararamdaman maluwag na sakin kahit na alam kong hindi nya ako mahal ok lang sakin dahil simula't sapul alam ko naman hangang san lamang ang limitasyon ko pag dating sa pag-ibig ko sa kanya. natulog kame ng mahimbing nung gabing iyon. nakayap ako sa kanya habng natutulog, i think mga 3am na kame natapos sa kwentuhan nung gabing iyon ako ata mga 4am na dahil pinag mamasdan ko sya habang natutulog hindi parin ako mapakaniwala sa wakas nasabi ko na sa kanya ang matagal ko ng lihim at SHIMPRI natikman ko na ang kanyang alindog ahahahahaha!! yumyum!! ahahahhaha!

kinabukasan sa klase tulad ng ng pinangako nya sakin walang mag babago. ganun nga walang nagbago sa halip mas lalo pang naging sweet itong bayag!natutuwa naman ako sa kinalabasan ng pag-amin ko sa kanya feeling ko tuloy jowa na talaga kame kahit hindi nya sinabi sakin na mahal din nya ako dahil sa pinapakita nyang pagtangap sa pag mamahal ko. uwian na nuon ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.


"naku! patay! inabutan na tayu ng ulan!" sabi ni louie.
"ang tagal mo kasi san ka ba nag punta? kanina pa ako dito! mag sasara nalang si kuya carlo ng karindirya nya wala ka pa!" bulyaw ko sa kanya.
"sorry ha? nag pa xerox kas ako ng handouts para sa exam natin bukas ito nga oh xinerox na din kita nakakahiya naman sayo!" sarcastic nyang sabi.
"yun naman pala kaya natagalan xinerox ka ng handouts." pag pasok ni kuya carlo. napalingon ako sa ligod na may halong hiya eh kasi naman ang tagal diba? yan tuloy naabutan kame ng malakas na ulan.
"salamat!" hinila ko ang handouts na hawak hawak nya kunwari galit galitan parin! matapos binasa ko ang ilang pahina.
"ligo tayo?" bigla entra nitong louie habng binabasa ko ang handouts.
"ano?" nakasimangot kong sabi habang nakaupo kame sa loob nag hihintay na tumila ang sobrang lakas na ulan.
"sabi ko ligo nalang tayo kesa mag antay tayo baka gabi na tumila ang ulan."
"baliw ka ba? edi nabasa ang mga notes natin pati cellphones!"
"walang problema yan! water proof ang bag ko ilagay natin lahat ng gamit dito sa bag ko tapos hinge tayo kay kuya carlo ng plastic dun natin lagay phones natin"medyo napa-isip ako basta sa kalokohan magaling talaga mag-isip tong mokong ito.
"yoko! hind rin tayo pasasakayin sa jeep noh! basang basa tayo nun!" pag tangi ko.
"edi lakarin natin hangang sa sakayan ng pedicab anyway hindi naman masyadong malayo ha!"
sabagay hindi naman masyadong malayo mula sa karindirya hangang sakayan ng pedicab samin papasok ng street namin mga 30-60 minutes lang naman kung lalakarin.
"basta ayoko!" pag pupumilit ko!
"edi wag! bahala ka sa buhay mo mag sasara na si kuya carlo at maiiwan ka dito mag-isa sa labas." sabay hinge nya ng plastic kay kuya carlo at pinasok ang cellphones at relo nya duon.
"ano sigurado ka na? gusto mo ilagay mo na phone mo dito pati mga gamit mo para madala ko na sa bahay." pag alok nya sakin. hindi ko naman pinansin.
"oh sige bahala ka, geh kuya carlo mauna na po ako ha?" sabay lakad nya palabas at nag pabasa sa ulan.
"aba ang mokong seryoso!! HOY BAYAGRA!! iiwan mo talaga ko dito noh?" bulyaw ko sa kanya sa di kalayuan habang nakapatong ang dalawang kamay sa baywang.
"aba! talagang iiwan kita!! anong akala mo! hindi kita kayang tiisin! wag ka na kasing mag-inarte maligo ka na din." sigaw nya.
"oh sya sige sige! lumapit ka dito ng malagay ko mga gamit ko sa bag mo!"lumapit naman sya agad at nilagay na namin ang mga gamit sa bag nya.
"yun naman pala eh! kaw lagi ka talagang paarte! gusto mo yung sinusuyo ka lagi! daig pa babae eh!" reklamo nya, hindi ko na pinansin nag taas pa ako ng kilay sabay hila nya sakin sa ulanan.
"aba! wait hindi pa ako ready!!" sigaw ko.
"nako! iinarte ka pa mababsa ka din naman eh! sige kuya carlo una na po kame ha!" sigaw nya sa karindirya.
"oh sya sige mag-ingat kayo pauwi!" sigaw din naman ni kuya carlo sa kanya.
habang nag lalakad kame nanginginig kameng dalawa sa lamig tapos lahat ng mga tao na nasa jeep na dumadaan samin nakatitig samin kala siguro nababaliw na kame ahahahaha! pero masaya dahil habang naglalakad nag haharutan kame para kameng mga batang nag lalaro sa ulanan pinanghahawi namin ang mga paa namin sa baha para tumalsik sa bawat isa. medyo tumataas na din ang baha mga aabut na ito hangang tuhod.
"pwet languyin nalang kaya natin to para mabilis tayo makarating?" nanginginig nyang sabi.
"gagu! languyin ka jan! ang dumi dumi nyan languyin natin?pero bahala ka kung gusto mo titignan lang kita."
"oo nga ang dumi wag nalang ahahahahha!" para syang bata ng mga oras na iyon. maya maya may narinig kameng malakas na kulog.
BOOOOM!! BOOOOM!!
napatakip ng ulo si louie at parang takot na takot lalo na pag kumikidlat. dun ko lang nalaman na takot pala si louie sa kulog at kidlat. natawa naman ako.
"ahahahahahahaha!! takot ka pala sa kulog at kidlat ha!!" pangungutya ko.
"oo na! takot ako!" tawa parin ako ng tawa habang sya lumalapit sakin pag may naririnig na kulog at nag tatago sa likod ko. para syang batang takot sa tamaan ng kidlat!
"ano ka ba wag ka ngang masyadong dumikit sakin hindi ka naman tatamaan nyan ha!"
"kahit na! natatakot parin ako eh!"

"ahahahaha!! oh yan pwede ka ng siguro umalis sa likod ko walang ng ulan at kidlat." medyo tumila na kasi ang ulan at lumiliwanag na ang kalangitan at malapit lapit na din kame sa sakayan ng pedicab.
"wala na ba? oo nga wala na! oh ngayon kidlat!! sige nga tamaan mo ako!"sigaw nya habang nakatingala sa langit ng biglang kumulog tago sya agad sa likuran ko.
"nag bibiro lang naman ah!" dami ko namang tawa.
nakarating na kame sa sakayan ng pedicab at buamaba na kame sa street namin. kumatok na kame sa bahay nila louie.

TOK!TOK!TOK!
si ninang ang nag bukas ng pinto.

"sus maryo hosep! mga batang ito bakit basang basa kayo? pumasok nga kayo!" bulyaw agad ni ninang. nagkatingnan lang kame ni louie at ngumiti.
"eh kasi po ang tagal tumila ng ulan sobrang lakas pa kala namin hangang gabi matatapos ang ulan." pag papaliwag ko. kumuwa naman si ninang ng tuwalya para may magamit kame.
"oh ito tuwalya! maligo kayo agad baka magkasakit kayo nyan! naku naku talaga kayong mga bata kayo!! sakit kayo sa ulo!" pag rereklamo ni ninang.
"wag ka na magalit ma ang saya nga namin eh at safe naman kameng nakauwi." pag papaliwanag ni louie.
"oo nga po ang saya at saka may nadiskobre ako dito kay bayag! ahahahahahaha! takot pala ito sa kulog at kidlat parang bata nagtatago sa likod ko sa sobrang takot!" pangangasar ko ng biglang may pinunas sa muka ko si louie na hindi ko napansin.
"pwe! ano yun??" tanong ko.
"brief nya andeng pinunas nya sa muka mo!" sabi ni ninang. nung tipong hahabulin ko na sya nakapasok na agad sya sa cr.
"hoy punyeta ka! ang baho ng brief mo bastos ka!!" bulyaw ko sa kanya habang kinakatok ng malakas ang pinto ng cr. ng biglang bumukas ng konti.
"tara pasok ka sabay tayo ligo." bulong nya ng may pang-aakit. nagulat naman ako sa sinabi nyang iyon natulala ako at hindi alam ang sasabihin.
"che! yoko nga reypin mo pa ako jan sa loob!" pag tangi ko. pero gusto ko din talaga pumasok ahahahahaha biglang may naramadamn akong init sa loob ko.
"oh sige bahala ka."sabay kindat at sara ng pinto wala naman ako nagawa kundi manahimik at manghinayang.
mga 20 minutes natapos na din sya sa pag ligo, lumabas sya na nakatuwalya lamang sya. nung makalabas sya nasa harapan ako ng pinto ng cr nag-aantays sa pag labas nya mga 3 metro ang layo ko sa pinto nakasandala ko sa tabi hinhintay ang paglabas nya. ng makalabas na sya huminto muna sya sa harap na pinto at tinitigan ako ng tipong nangg aakit at tinitigasan nya ang kanyang tiyan upang mag labasan ang mga kurbado nyang abs at tinignan nya ang paa nya paakyat dahan dahan papunta tiyan nya kung san makikita mo ang nag titigasan nyang abs sabay tingin sakin ng malagkit. napatayo naman ako sa pagkasanadal ko at napatitig sa ginagawa nyang pang-aakit sakin. mas nabaliw pa ako sa ginawa nyang pamatay ngiti na parang sinasabing tikman ko sya! syempre ako nag pipigil. nilapitan ko sya ng dahan dahan at saka.
"aray!" sinuntok ko sa tiyan hindi naman masyadong malakas. yung tipong masasaktan lang naman sya.
"kala mo madadaan mo ako sa mga ganyan mo?" binulong ko sa tenga nya sabay pasok sa cr napatingin naman sya sakin habang pumapasok sa loob ng cr.
"CHOOSY ka pa ha!" sigaw nya sa labas ng pinto.
mga after 30m minutes ata natapos na ako maligo naka bihis na ako ng lumabas ng cr dahil dinala ko na ang mga gagamitin ko bago pumasok ng cr. pagkalabas ko nakita ko si bayag sa sala nanonood ng t.v(basketball) nakajacket sya nilalamig ata medyo umaambon pa kasi kaya malamig pa rin . nag paalam na ako sa kanila na uuwi na ako hindi na ako nag pahatid kay louie kasi mababasa na naman sya. naka uwi na ako samin walang tao sa bahay ewan ko san nag puntahan mga tao sa bahay kaya deretso na ako sa kwarto ko upang ayusin ang mga basang damit ko gayun din ang mga gamit ko na nilagay sa bag ni louie ang iba ay medyo nabasa pero hindi naman gaano. maya maya dumating na lola ko kasama pinsan ko namalengke lang pala kaya wala sa bahay. hindi ko na rin sinabi na naligo ako ng ulan baka mapagalitan lang din ako. mga around 8pm natapos na kame mag hapunan matapos nag internet ako saglit at dumeretso na din sa kama. mga around 9 pm matutulog na sana ako ng mag ring ang telephone tumayo ako upang sagutin.
"hello?"
"andeng? ninang ito punta ka naman dito si aweng kasi nilalagnat umabot na ng 39 eh"medyo natataranta ang boses ni ninang.
"ha? oh sige sige po! papunta na ako jan." binaba ko agad ang telephone at nag paalam sa lola ko na pupunta ako kila louie sinabi ko na din na baka dun na ako matulog dahil nilalagnat si louie.
ng marating ko ang bahay nila louie dumeretso agad ako sa kwarto ni louie. nakita ko agad sya sa kama balot na balot ng kumot pati ulo. nilapitan ko agad.
"bayag andito na ako ano kaya mo pa? o dalhin ka na namin sa hospital?" tanong ko.
"hindi, wag wag kaya ko pa." sagot nya na nangingig nginig pa. pinasok ko kamay ko sa loob ng kumot at hinawakan ang leeg nya ang init nga sobra parang nakakapaso, inuubo ubo pa!
"ninang pinaiinom nyo na ba ng gamot?"
"bago bago lang mga 5 minutes palang.. kaninang hapunan dumadaing na sya na masama daw pakiramdam nya pero hindi naman nya sinasabi na may lagnat sya."
"oh sige ninang ako na po bahala pag tumaas pa at hindi na bumaba dalhin na antin hospital." sabi ko.
"oh sige tawagin mo lang ako sa kabilang kwarto ha? kung kailangan mo ng tulong o ano man, ngayon mo iapply pagiging student nurse mo deng." sabi ni ninang na may confident.
"yes ninang let me handle this. wag ka mag alala ninang masamang damo to!" sabay batok sakin ni ninang.
"baliw! oh sige kaw na bahala jan ha? katukin mo nalnag ako dito sa kwarto ha?"
"sige po ninang."
nilagay ko ulit ang thermometer sa kilikili ni louie at bumaba upang kumuwa ng maliit na palangana at face towel upang iTSB ko sya. pag balik ko tinignan ko agad ang thermometer nasa 39.4 kaya nag TSB na ako tinangal ko ang kumot nya upang masimulan ko na nag procedure pero hinihila nya ito pataas upang hindi ko matangal ang kumot.
"tangalin mo na!! mag TTSB ako! tignan mo oh 39 na temp mo! yan! katigasan ng ulo mo sabi ko sayo wag na tayo maligo ng ulan tignan mo ngayon! lakas ng loob mo mahina ka naman pala!" bulyaw ko.
"yoko kasi ang lamig hmmm.." mas hinigpitan nya pa ang pag hila sa kumot.
"anong gusto mo ibuhos ko sayo tong malamig na tubig para matapos na agad?" maldita kong sabi.
"oh sige ito na.." hinang hina nyang sabi.
"oh yun naman pala eh!" sinimulan ko ng tangalin ang jacket nya, sobrang nanginginig pa rin sya. sa sobrang nyang panginginig hinahawakan nya kamay ko at nilalagay sa leeg nya.
"oh? pano kita pupunasan nyan? hawak hawak mo kamay ko?"
"ang lameeeg andy ang lameeg.." nanginginig nyang sabi.. naawa naman ako sa nakita ko parang gusto kong umiyak. hindi ko na inaway kasi nakakaawa talaga ang itsura nya kahit naiinis na ako kasi ayaw nya bitawan kamay ko.
"oo saglit lang saglit lang, pupunasan lang kita para bumaba na lagnat mo wag na kana pasaway bayag oh!" medyo nag cracrack na ang boses ko kasi naiiyak ako sa sitwasyon nya ngayon ko lang kasi nakita sya ng gantong nahihirapan binitawan naman nya ang kamay ko para masimulan ko na ang pag punas sa kanya.
"malamig to ha? tiisin mo lang." sinimulan ko ng punasan sya sa muka pababa hangang leeg pinapahiran ko naman agad ng tuyong tuwalya para hindi sya manginig.
"taas mo kamay mo beh! para mahubad natn damit mo." tinaas naman nya agad. sinimulan ko ng punasan ang mga braso nya pababa ng kamay nya gayun din ang kanyang dibdib pababa ng kanyang tiyan hangang likod pinunasan ko naman agad ng tuyong tuwalya. pinunasan ko din ang singit nya dahil duon namumuo ang init wala na sakin yun dahil nakita ko naman lahat ng sa kanya hindi naman din sya pumalag. ng matapos ko punasan sya isinuot ko na ulit ang damit nya ganun din ang jacket nya pero hindi ko pinakumot para umalingasaw ang init nya sa katawan. chineck ko na din ang temp nya bumaba na ito sa 37.8 bumaba na tumalab na ata ang gamot at nakatulong din ang pag TSB ko sa kanya.
"pweeeet.. dito ka lang wag mo ako iwaaan.. aaah lameeg talagaa.." habang yakap yakap nya ang unan.
"oo dito lang ako babantayan kita." naka upo lang ako sa kama pinag mamasdan sya, hindi ko talaga mapigilang lumuha sa nakikita ko ang sakit sa loob na nakikita mong nag hihirap ang mahal mo kung pwede lang sana na ako nalang nakakaramdam ng sakit nya papayag ako. maya maya hinawakan nya ang isa kong kamay ng dalawa nyang kamay at nilagay ulit sa leeg nya habang nanginginig.
"pweeet...andyyy" bnibigkas nya lang ang pangalan ko habang nanginginig.
"sige na matulog ka na maya maya mawawala na yang panginginig mo, andito lang ako sa tabi mo." hinehele ko sya gamit ang isa kong kamay sa bandang baywang nya. maya maya tumigil ang panginginig nya at nakatulog na. inalarm ko ang phone ko ng 1pm upang painumin sya ng paracetamol every 4hours kasi. maya maya nakatulog na din ako sa bandang baywang nya.
nagising ako ng malakas na alarm ng phone ko. mahimbing parin ang tulog ni louie. kinuwaan ko agad ng temp ganun parin nasa 37. ginising ko sya upang painumin ng gamot.
"bayag! bayag!" sabay kurot sa ilong nya.
"gising ka muna inom ka ng gamot mo" binuksan nya lang ang mata nya at tinitigan ako.
"tara bangon ka muna." tinulungan ko syang umupo. pinainom ko na sya ng gamot habang ako may hawak ng baso.
"pwet.. nagugutom ako."sabi nya ng malumanay.
"anong gusto mong kaiinin?instant noodles ok na ba?"
"oo ok na" tumayo na ako para ihanda ang pagkain nya, pag tayo ko hinawakan nya kamay ko.
"bilisan mo ha?"
"baliw! sa baba lang ako pupunta hindi sa SM" napangiti naman sya sa sinabi ko. pag balik ko nakakumot na sya habang nakaupo sa kama medyo nanginginig na naman.
"oh ito na kain ka muna."
"subuan mo ako please"pag mamakaawa nya.
"aba! bongang bongang serbsyo na ito ha!"
"sige na oh" pag mamakaawa nya ulit.
"kung di ka lang talaga may sakit naku naku" sabay kamot sa ulo. ngiti naman ang loko feel na feel ang pag ka DON!
sinubuan ko na sya.. aba bawat subo feel na feel pumipikit pikit pa ang gagu! parang nangangasar pa! tumigil ako sa pag subo sa kanya.
"nangangasar ka ba?"
"ha? na ngangasar? sa sitwasyon kong ito mangangasar pa ba ako?" itinuloy ko nalang ang pag subo sa kanya pero ngayon pero haras na ang pag subo ko sa kanya kasi medyo napipikon na ako kasi nangangasar nga talaga medyo dinidiin ko na ang kutasara sa bibig nya.
"aray ko naman! dahan dahan naman pano ako gagaling nyan?" reklamo nya.
"ay sorry po sir ha?" sarcastic kong tugon. maya maya umayaw na sya.
"yoko na busog na ako, baka mamaya nyan kutsara na malunok ko."
"ah buti naman nabusog ka na, kaw bahala kung kaya mong lunukin bakit hindi diba?" napangiti nalang sya at humiga. bumaba na ako para ibaba ang kinainan nya at nag cr din ako saglit upang mag bawas. pag balik ko napamura ako sa nakita ko! SUMUKA ANG GAGU SA KUMOT!
"tang ina naman louie! may timba oh! bat di ka dun sumuka? ito lang oh ang lapit lang ng timba abot kamay mo lang!" bulyaw ko! hindi naman sya umimik instead nakataligod lang.
'hoy! punye!" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hinawi ko balikat nya naawa ako sa nakita ko nanginginig na naman sya at sobrang init at may konting suka na natira sa bibig nya.
"huy ano? ok ka lang?" pinunasan ko ang bibig nya matapos chineck ko ang temp nya tumaas na naman sa 38, inalis ko muna ang kumot na may suka buti nalang wala sa kama. tapos pinusan ko sya ng bahagya sa muka at mga kamay nya.
"andyyyy.. dito ka lang wag ka umalis pleassssse.." pag mamakaawa nya habang nangingig.
"oo hindi ako alas dito lang ako." niyakap ko sya kahit mainit tiniis ko mapawi lamang ang lamig na nararamdaman nya. napaluha na naman ako ewan ko ba bakit masyado akong O.A nakapatong ang ulo ko nun sa ulo nya nabasa ang muka nya ng luha ko napatingin sya sakin at pinunasan ng kamay nya ako tumutulo kong luha.
"wag ka ng umiyak ok lang ako alam mo ng ayaw kong umiiyak ka."
"oo matulog ka na jan wag mo na ako intindihin" niyuko na nya ang ulo nya upang matulog. mga 30 minutes after napawi ang init sa katawan nya nawawala na din ang pangingnig nya. umalis muna ako sa pag kayakap sa kanya at tinabi ang kumot na pinag sukahan nya. sinet ko na din ang alarm para mamayang alas 5 para sa pag inom nya ng gamot. tinabihan ko na din sya ng tulog niyakap ko ulit, ngayon hindi na gaanong mainit sa pakiramdam. ganun parin hinehele ko ang isa kong kamay sa bandang baywang nya habang ang ulo ko ay nakapatong sa bandang buhok nya. maya maya nakatulog na din ako.

nagising nalang akong bigla sa malakas na pag-uyog sakin.

"ANDY ANDY!! GISING GISING!"

ITUTULOY!..

7 comments:

  1. sana gumaling c aweng...gelo ty ha,,,dami naming nag abang nito,sana yng karugtong mabilis na ng konyi....pls...sensya na ha,,,gusto lng talaga namin tong kwento mo...more power

    ReplyDelete
  2. isa to sa favorite kong kwento :)

    ReplyDelete
  3. ang ganda niya gelo... as in....

    isa ito sa mga inaabangan ko..

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng story!!!!!
    sana may kasunod na agad!!!!
    ang ganda.ganda ng story talaga!!!!

    ReplyDelete
  5. naku saan yung karugtongh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  6. ang masasabi ko,, agree ako sa cnbing nyong lahat na ganda ng storya hehehe, keep it up gelo

    ReplyDelete
  7. wowwwwwwwww ang ganda naman po talaga, inabangan ko ito, sana may kasunod na agad.........

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails