By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:
Ang PEBA (Pinoy Expat/OFW Blog Awards) kung saan sumali ang MSOB sa patimpalak ay may bagong category sa pa-contest. Ito ay ang most commented entry sa facebook, at friendster (may sa twitter din pero I won’t focus on that).
Mad’yo nakakawindang pero again, magandang challenge para sa mga MSOB addict and followers and I once again, heto kumakatok na naman ako sa inyong mga puso (naks!) at nagsusumamo sa inyong walang sawang pagsuporta:
1. Facebook. Heto po ang procedure:
Open your fb account at mag “like” po sa PEBA freindster account at dito yan: http://www.facebook.com/pages/PEBA-Inc-Pinoy-ExpatsOFW-Blog-Awards/134794097973
Pagkatapos po ninyong ma-click ang ”like”, mag comment po sa entry natin at dito iyan: http://www.facebook.com/pages/PEBA-Inc-Pinoy-ExpatsOFW-Blog-Awards/134794097973?v=wall#!/photo.php?fbid=459509442973&set=a.459475872973.256783.134794097973
Paalala lang po: hindi ibibilang ang comment noong commenter na hindi nag- "like" sa fb account ng PEBA. Kaya mag-“like” po muna sa fb page nila.
Ang nakaka-excite din dito sa FB na procedure ay kapag marami ang mag-“like” sa comment mo sa entry natin at ikaw ang may pinakamaraming “like” sa mga comments, may matatanggap kang “surprise” during the awarding ng PEBA on Dec 16.
Maganda ang concept nilang ito. Kasi, magiging kasali rin sa patimpalak ang mga supporters.
Sa ngayon kulelat po tayo sa comment :-(
Sana ay may makapagsimula nang mag comment… :-(
II. Friendster. Heto din po ang procedure:
Open your Friendster account at i-add po as a friend ang PEBA fs account sa account ninyo. At ito po ang fs account ng PEBA: http://profiles.friendster.com/pebawards
Mag-comment sa entry natin sa fs account ng PEBA at ito po iyon: http://www.friendster.com/photos/122936358/2/796771778#pic=6208981622796771778
Sa fs, kulelat pa rin po tayo :-(
Sana po ay mapagbigyan muli ninyo ang kahilingan kong ito para po gaganahan pa akong ipagpatuloy ang pagsusulat ng mga kuwentong kinagigiiwan ninyong basahin.
May twitter account din po ang PEBA at may contest din doon pero dito muna tayo mag concnentrate sa fb at fs.
Sa mga boto naman, nangunguna pa rin po tayo sa may pinakamaraming boto sa PEBA site ngunit dahil sa hanggang Dec 9 pa ang closing ng botohan, please continue to campaign pa po para ma-maintain natin ang ating top rank.
Lubos na nagpapasalamat at umaasa sa patuloy ninyong pagsuporta,
-Mikejuha-
---------------------------------------------------------
Laking gulat ko sa natuklasang si kuya Erwin ang nagtitext kay Zach at galit na galit ito. Mistulang isang apoy na biglang sumiklab muli ang galit ko noong may naamoy na mukhang niloloko lang nila ako at may contact pa sila sa isa’t-isa. Lumakas ang kabog ng dibdib sa hindi maipaliwanag na saloobin.
Maraming mga katanungan ang naglalaro sa isip ko. “Bakit nagagalit si kuya kay Zach?” “May regular na kumunikasyon ba sila, may mga ginagawa ba silang hindi napagkasunduan dahilan ng galit ni kuya sa kanya?” “Bakit ganoon na lang katindi ang galit ni kuya? Gaano ba kalaki ang kasalanan na iyon ni Zach?”
Maya-maya, lumabas na si Zach sa shower room, nakatapis ng tuwalya at noong makita ako, “Waaahhh1 Nandito ka?”
Tiningnan ko lang siya, binitiwan ang isang ngiting-pilit.
“Sandali lang babes ha… magbihis lang ako. D’yan ka lang” sabay tumbok sa locker ng mga damit at humugot doon ng brief at isinuot ito. Pagkatpos ay humugot uli ng t-shirt at isinuot din, at pagkatapos ay ang pantalon na at muli, nagsuot. Pinagmasdan ko lang siya bagamat pakiramdam ko ay parang may isang bombang sasabog ano mang oras sa aking dibdib.
Noong makapagbihis na, tinungo niya ang cp niya at tiningnan ito kung may mga mensahe. Binuksan ang message folder at noong mapansing nabuksan na ang dalawang unang messages, lumingon siya sa akin sabay tanong, “Binasa mo ang mga messages ko?” halatang nairita.
Ngunit imbes na sagutin ko ang tanong niya, isang tanong din ang ibinato ko. “Bakit nagko-communicate pa kayo ni kuya? At bakit galit na galit siya sa iyo?” ang boses ko ay tumaas.
“Bakit mo binasa ang message ko?” ang boses ay tumaas na rin. “Sagutin mo muna ang tanong ko!” giit pa niya.
“Bakit? Wala ba akong karapatang magbasa sa mga mensaheng nasa cp mo? Sino ba ako sa buhay mo?”
“Wooowww!” ang sarcastic niyang expression, ang mukha ay nakangising aso. “Kahit sino ka pa sa buhay ko, hindi kita binigyan ng karapatang panghimasukan ang mga personal kong gamit, o mga mensahe. Nagkaintindihan ba tayo?”
Para naman akong hinampas ng pala sa ulo sa narinig. Pakiramdam ko kasi ay parng kulang ang tinatawag na pag-ibig kapag may ganyang rule e. Wala ba siyang trust sa akin? O may itinatago? Kaya ang nasagot ko ay, “Awtssss! Sorry! Kasi, nabasa ko na! At ngayon, ang tanong ko, bakit galit sa iyo si kuya? Bakit??? Sagutin mo!”
“Gusto mo talagang malaman?”
“Bakit nga siya nagalit sa iyo?! Oo! Itatanong ko pa ba iyan kung ayaw kong malaman?” ang pabalang kong sabi.
“O sige, heto ang dahilan: dahil hindi ko na siya pinapansin!” Sabay bitiw ng matulis ng tingin sa akin. “Ngayon, happy ka na? Ha?!” ang sarcastic pa rin niyang dugtong.
Parang gusto kong matawa sa narinig. “Nang-aasar ba to?” sa isip ko lang. Para kasing baligtad e. kaya sinagot ko rin siya ng, “Hindi ako naniniwala! Bakit niya sinabi na tantanan mo na siya at nasusuka na siya sa mga pinaggagawa mo. Bakit? Ano ba ang pinaggagawa mo sa kanya? Nagkikita pa rin ba kayo?”
“Tangina andami namang tanong! Hindi na nga kami nagkita e. Ang kulit mo!”
“Hindi ako naniniwala! Nagkikita pa kayo! Niloloko mo ako!”
“Ay, kung ayaw mong maniwala, e ok lang. Not my problem. At hindi ako m-a-n-l-o-l-o-k-o!” ang pagbigkas pa niya ng malakas sa salitang manloloko na para bang may pinariringgan. “Tanungin mo kaya ang kuya mo, kung ano ang totoo!”
“Pwes, huli na dahil aalis na ang kuya ko papuntang Lebanon! Ang for your information, nasa airport na siya ngayon!”
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkabigla noong masabi ko ang pag-alis ni kuya. Nanlaki ang kanyang mga mata na mistulang nagbabaga sa galit at bumubulong ng kung ano, pinisil-pisil ang kanyang kamao na parang gustong manuntok.
Dali-dali niyang pinindot ang keypad ng kanyang cp at idinikit na ito sa kanyang tenga. At dahil nakadalawang pindot lang siya, napagtanto kong nasa call history lang ang taong tinawagan niya. Ibig sabihin, nakausap na niya ang kung sino man ang tinawagan niyang iyon.
Ngunit hinarap ko siya at lalong kinulit pa. “Sino ang tinatawagan mo? Si kuya ba? Si kuya ba ang tinawgan mo? Ha????!” ang sigaw ko na halos hablutin ko na ang cp niya.
At marahil ay nakulitan, hininto din niya ang pagtawag, may pinindot sa cp niya na marahil ay ang cancel key at hinarap ako. “Ba’t ba ang kulit-kulit mo?
“Bakit mo kami pinaglalaruan ng kuya ko?”
Na siyang tuluyang ikinaiirita niya. “Huwattttt?!!! Ako pa ngayon ang naglalaro sa inyo? Funny! Very, very funny!” At binitiwan ang nakakaasar na tawa. “Baka naman nagkamali ka. Hindi kaya ako ang pinaglalaruan ninyo… E-N-Z-O???! inimphasize pa talaga at isinigaw ang pagbigkas ng papangalan ko, ang mga mata ay lumaki na parang nangungutya.
Pakiramdam ko ay isang bomba ang sumabog sa aking harapan sa pagkarinig ko sa tunay kong pangalan. Parang hindi ako makakilos, hindi makatingin sa kanya, hindi makapagsalita. Magkahalong hiya at takot ang nadarama sa pagkadiskubre niya sa aming sikreto.
“O ano… e di natulala ka? Di ba pakana mo ang lahat ng ito? At ngayong heto, ang lahat ay bumalik na sa iyo, ako naman ang sinisisi mo. Tol… you reap what you sow. Hindi mo ba alam ang kasabihang iyan? Sa simula pa lang, niloko mo na ako e. Kaya expect that one day, ang mga niloko mo ay gaganti sa iyo!”
“A-alam mo??? Alam mo ang lahat? Alam mong Enzo ang pangalan ko????”
“Opo. At matagal na po.” Ang mapangutya niyang sagot sabay bulyaw naman bigla ng, “Bakit, sobrang napaka-tanga ba ng tingin mo sa akin? Ha?!”
Matindi talaga ang pagkabigla ko sa binitiwan niyang rebelasyon. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makahanap ng dahilan o salita na siyang sasabihin ko.
“Matagal ko nang alam, E-N-Z-O. At naghintay lang ako kung kailan mo sasabihin ang lahat. Ngunit ayaw mo pa ring sabihin e. Masakit, alam mo ba iyon? Ang buong akala ko ay nakikipagchat at nakikipagkaibigan ako sa mga matitinong tao. Syeet! I was taken for a ride! Akala mo ganoon lang ka simple iyon? Sarili mo lang ang iniisip mo? Paano naman ako? Naintindihan mo ba ang kalagayan ko? Ang nararamdaman ko?”
Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik. At dahil sa bull’s eye ang mga ibinato niyang salita, namalayan ko na lang ang sariling umiiyak, hindi makatingin-tingin sa kanya bagamat may galit pa rin sa loob-loob ko dahil sa nakulangan talaga ako sa paliwanag niya tungkol kay kuya.
Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama kung saan ako naupo, hinaplos ang aking buhok. “M-mahal naman kita e…” ang pang-aamo niya.
“Sinungalingggggg!” ang bulyaw ko, sabay waksi sa kamay niyang humahaplos-haplos sa buhok ko. “Mahal mo ako pero mas mahal mo si kuya!!!”
Natigilan siya ng sandali. At noong magsalita, “Hindi totoo yan!”
“Paano mo mapatunayan?”
Hindi niya sinagot ang tanong kong iyon. Bagkus, “Bakit ba puro sarili mo lang ang iniintindi mo? Di ba dapat mag-sorry ka sa pinaggagawa mo dahil sa unang-una pa lang, ikaw na ang nanloko. Ikaw ang nagsimula sa kaguluhang ito. Bakit ako na ang may kasalanan ngayon?”
Napaisip ako sa binitiwan niyang salita. Kung tutuusin naman talaga, may punto siya. Ako nga naman ang may kasalanan ng lahat. At sa sinabi niyang iyon, pakiramdam ko ay humupa ang galit ko.
Tiningnan ko siya. Puno pa rin ng kalituhan ang aking isip, hindi malaman kung ano ang paniwalaan, kung ano ang gagawin, kung maawa kay kuya o manatili na lang sa penthouse at hayaan ang kuya kong sinasarili ang kalungkutan sa paghihiwalay namin at ang bumabagabag sa kanyang isip kung ano man iyon.
Binitiwan ni Zach ang nakakabghani at ang ultimate na pamatay niyang ngiti, sabay lingkis ng kamay niya sa katawan ko.
Hinawakan ko na ang kamay niya, hinaplos-haplos din ito. Tuluyan nang nawala ang galit ko sa kanya.
Ngunit noong mapako ang tingin ko sa bracelet na ibinigay niya at suot-suot ko, napahinto ako; napa-isip. “Malaki ang bracelet... Noong tinanggap ko ang box nito, bukas na ang balot… Si kuya Erwin ang mas naunang dumating sa penthouse kaysa sa akin... Inamin ni Zach na matagal na niyang alam na Enzo ang tunay kong pangalan… Bakit Erwin pa rin ang nakalagay sa card ng box at sa bracelet mismo...?”
Bigla akong napatayo at walang pasabi na kinuha ang aking knapsack na nakalatag sa isang tabi at nagtatakbong lumabas ng penthouse. “Hahabulin ko si kuya! Alam ko na ang lahat! Alam ko na ang lahat!” sigaw ng isip ko.
“Babes! Saan ka pupunta?” sigaw ni Zach na nabigla at tumakbong sinundan ako hanggang sa pintuan.
“Babes mong mukha mo!” pabulyaw kong sagot habang tinumbok ko na ang elevator.
Nasa elevator ako noong maisipan kong tawagan si kuya. Ngunit walang kuyang sumagot sa tawag ko.
Isiniksik ko na ang cp ko sa bulsa ng aking knapsack noong may makapa akong isang sulat. “Sulat-kamay ni kuya!” sigaw ng isip ko.
“Tol… Ayaw ko sanang umalis dahil hindi ko kayang mawaly ka sa akin. Mahirap mawalay sa nag-iisa kong kapatid, sa nag-iisang baby bro ko. Kaso, malalim ang dahilan kung bakit ako aalis. Pasensya ka na. Basta, tandaan mo palagi, mahal na mahal kita kahit ganyan ka ka kulit, ganyan ka kataray... Alam kong galit ka sa akin ngayon. Ngunit maintindihan mo rin ako pagdating ng araw. –Kuya Erwin–”
Tinawagan ko uli ang cp ni kuya. Ngunit wala pa ring sumagot. Kaya tinext ko na lang siya, “Kuya, huwag ka nang tumuloy please… naintindihan ko na ang lahat kuya. Mahal na mahal din kita kuya, hindi ko kakayanin kapag umalis ka e…”
Noong makalabas na ako ng resort at makasakay ng taxi, agad kong inutusan ang driver na bilisan ang pagdrive niya papuntang airport.
“May hinhabol ba tayong flight sir?” tanong niya.
“Opo manong. Alas singko na flight po… Kaya bilisan niyo po”
Habang umaandar ang taxi, balisang balisa ako. Alas kwatro na kasi iyon at may isang oras sa tantiya ko na tatakbuhin ang airport galing sa resort nina Zach. tawag pa rin ako nang tawag sa cp ni kuya ngunit nanatiling “out of coverage area” ang sagot.
Grabe, hindi ako mapakali. Parang napakabilis ng takbo ng oras. Hindi pa kami nakakalahati ay 4:30 na. At alam ko kapag ganoon, nagsisimula na silang magboard sa eroplano.
Tila nawalan na ako ng pag-asa. Tinatawagan ko uli ang cp ni kuya ngunit patay ito. Text nang text ako pero hindi na rin siya sumasagot. Pumasok tuloy sa isip na marahil ay pinatay niya ito dahil sa pagtatawag ni Zach at nakulitan na.
Tinawagan ko na rin ang mama ko. Ngunit ang sabi niya ay on the way na daw sila pauwi dahil naka check-in na si kuya.
Kaya wala rin. Pakiramdam ko ay nanlumo na ang buo kong katawan.
At lalo naman akong nahabag sa sarili noong pinatugtog sa fm radio ng taxi ang isang makabagbag-damdamin na kanta na lalong nagpapaalala sa akin kay kuya at kumurot sa aking damdamin –
The road is long
With many a winding turn
That leads us to who knows where
Who knows when
But I’m strong
Strong enough to carry him
He ain’t heavy, he’s my brother.
So on we go
His welfare is of my concern
No burden is he to bear
We’ll get there
For I know
He would not encumber me
If I’m laden at all
I’m laden with sadness
That everyone’s heart
Isn’t filled with the gladness
Of love for one another.
It’s a long, long road
From which there is no return
While we’re on the way to there
Why not share
And the load
Doesn’t weigh me down at all
He ain’t heavy, he’s my brother.
He’s my brother
He ain’t heavy, he’s my brother.
Narinig ko na ang kantang iyon. Ngunit noon ko lang ito napagtuunan ng pansin. Kasi, napaka-makahulugan ng lyrics nito hindi lang dahil sa mensahe ng pagmamahal ng isang kuya kundi talagang literal ang pagkahalintulad nito sa ginawang sakripisyo ng kuya ko para sa akin kung saan napatunayan kong sobrang mahal niya ako.
Nagbakasyon kami noon sa probinsya ng lola ko. Sampung taon lang ako noon at si kuya naman ay 14 na. Tatlo lang kami ni mama ang nakapagbakasyon gawa nang may trabaho si papa. Sa di inaasahan, nilagnat ako ng matindi at hindi makatayo sa sobrang sakit ng ulo at panginginig. Akala ko, mamamatay na talaga ako. Nagsusuka ako at matindi pa ang nadaramang pagkahilo. Kitang-kita ko kung gaano kabalisa si kuya. Hindi mapakali, at hindi umaalis sa tabi ko. Hanggang sa napagdesisyonan nilang dalhin na ako sa ospital. Ngunit dahil napakalayo at bulubundukin pa ang lugar, walang makapasok na saskyan.
At doon naantig ang puso ko noong kakargahin na ako ni kuya at sinabihan siya ni mama na, “Erwin, si Tito mo na ang magbuhat kay Enzo. Mabigat na iyang kapatid mo. 10 years old na iyan at mahirap ang daan!”
Na sinagot naman ni kuya ng, “Kapatid ko ‘to ma, hindi sya mabigat para sa akin. Kahit ilang daang kilo pa siya at kahit gaano man kahirap ang lalakarin ko, kaya ko siyang buhatin.” sabay hatak niya sa akin at binuhat ako sa kanyang mga bisig.
Naluha ako sa narinig na iyon galing sa bibig ni kuya. Syempre, feeling mamamatay na ako sa sobrang hirap sa dinadalang karamdaman. Ngunit sa nadamang pagdamay ni kuya sa akin, pakiramdam ko ay naibsan ang aking paghihirap.
At pinanindigan nga ni kuya ang kanyang sinabi. Habang tinahak namin ang madamo at makitid pang daanan patungo sa pinkamalapit na kalsada damang-dama ko naman ang habol-habol na paghinga niya, tanda ng hirap at pagsisikap na dinanas niya sa pagbuhat sa akin. Alam ko, na kahit halos umabot na ng 6 feet si kuya sa edad niyang 14 at malaki ang katawan samantalang ako ay payat na maliit pa, hirap na hirap pa rin si kuya sa pagkarga sa akin. Ngunit kinaya pa rin niya ito at wala akong narinig na reklamo galing sa bibig niya.
Awang-awa naman ang mama ko sa kuya ko ngunit ayaw pa ring paawat ni kuya. Para bang ang dahilan kung bakit gusto niyang isalba ang buhay ko ay dahil buhay niya rin ito, na kailangang kargahin sa sariling niyang mga bisig.
Isa iyon sa mga ginawa ni kuya sa akin na nagpatunay kung gaaano niya ako kamahal; na hindi niya ako kayang pabayaan, na hindi niya kayang tiising makitang naghirap ako…
Napahagulgol akong bigla noong maalala ko ang insidenteng iyon.
“A, Sir, bakit po kayo umiiyak? May problema ba?” ang taxi driver noong mapansin ang malakas kong paghagulgol.
Napa-“Amfffff!” naman ako sa pagka echosero niya. Pinakikialaman ba naman ang aking pag-e emote. Kaya nasagot ko tuloy siya ng “Meron po! Sobrang bagal po ng pagpapatakbo ninyo kung kaya napahagulgol ako. Kaya kapag hindi ko nahabol ang flight ng kuya ko, susunugin ko talaga itong taxi mo!” sa sobrang pagka-inis ko.
Eksaktong alas 5:00 ng hapon noong maabot namin ang airport. Halos lilipad na ako sa bilis ng pagtatakbo ko patungo sa harapan ng entrance at sinilip kung makikita ko pa ba si kuya doon bagamat sa isip ko alam kong nasa loob nsa siya ng eroplan.
At sa inaasahan, bigo ako. At dahil hindi pinapayagang makapasok ang mga walang tickets sa loob, tinumbok ko na lang ang tv monitor kung saan nakalista ang mga flights at tiningnan ang schedule ng eroplanong patungong Lebanon.
At doon na ako tuluyang nanlumo noong makita ang nagbi-blink na schedule ng flight ni kuya at ang ang nakasulat dito ay “Departed”
Napaupo ako sa isang gilid at di ko na npigilan ang pagpatak ng aking mga luha sa labis ang pagsisisi at galit para sa sarili at kay Zach. Para akong isang paslit na humahagulgol, di alintana ang mga taong nakapaligad at ang iba ay nakatingin sa akin.
At ang sunod na naalimpungatan ko ay ang paglalakad ko sa gilid ng kahabaan ng highway nang walang klarong patutunguhan, bitbit ang aking knapsack. Hanggang sa maabot ko ang isang seawall at doon umangkas sa taas noon at umupong nakaharap sa dagat, nagmuni-muni habang pinagmasdan ang paglubog ng araw.
Wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan na lang ang kawalan sa malayong banda pa roon ng dagat. Naisip ko na marahil ay sa banda roon pa ang patutunguhan ni kuya, sobrang layo na na hindi ko na maabot pa… Lalo itong nagpatindi sa akign naramdamang kalungkutan. Tila isang munting talon ang aking mga mata sa walang humpay na pagdaloy ng aking mga luha.
Maya-maya, ibinaling ko ang paningin sa buong lawak ng dagat. Napakamaaliwalas nito; kabaligtraran sa magulong pag-iisip at mabigat na kaloobang naramdaman ko. At dagdagan pa sa napakagandang tanawin ng paglubog ng namumulang araw at sa itaas nito ay ang magka-ternong namumulang kulay ng langit at ulap. Tila may synchrony, may harmony… nag-uusap ba sila? Nagkaintindihan?
“Napaka-ironic talaga ng buhay. Naghihinagpis ako, ang puso ko ay nagdurugo… ngunit ang kapaligiran ay tila hindi naiintindihan ang mga hinagpis ko. Bakit hindi nila naramdaman ang bigat ng damdamin ko?” bulong ko sa sarili.
Sa unti-unting paglubog ng araw ay naihalintulad ko ito sa senaryo ng paglayo ng eroplanong sinasakyan ng kuya ko. Habang patuloy ang tila mabilis nitong pagtago sa ilalim ng karagatan at unti-unting pagkawala nito sa pangingin ko, kagaya din ito sa eroplanong sinakyan ng kuya ko, unti-unting nawawala, unti-unting lumalayo at hindi ko na maaabot pa…
Naihalintulad ko rin ang buhay ko sa paglubog ng araw kung saan, tuluyan ring nailibing ang masasayang mga araw ng samahan namin ng kuya ko. Masaklap. Kasi, kapag magpapakita na uli ang araw kinabukasan, ibang klaseng buhay na ang tatahakin ko. Nag-iisa, wala na ang kuya na palaging nad’yan para sa akin, handang magsakripisyo, mapasaya lang ako.
Sa pagmumuni-muni kong iyon, hindi ko maiwasang bumabalik-balik ang mga insidente kung saan napakasaya ng buhay ko sa piling ni kuya. Parang hindi ko maimagine ang sarili na wala ang kuya ko sa tabi ko. Parang hindi ko kayang tumayo sa sariling mga paa, parang hindi buo ang buhay ko kung wala siya sa aking tabi.
Nag-flashback sa isip ko ang mga masasayang ala-ala na magkasama kami. Ang palagi naming pagsasabay sa school, sa mga outings, sa mga bakasyon ng pamilya. Ang paghihigpit niya sa akin, ang paghaharutan namin, nag munting mga tampuhan at awayan, ang paglalambing ko sa kanya... kahit iyong pambabatok niya at pagsambunot sa buhok ko kapag naiirita siya o natutuwa sa akin, sobrang nagdulot iyon ng marka sa aking ala-ala.
Ngunit higit sa lahat, tumatak sa isip ko ang mga ginawang kabutihan at kabaitan ng kuya ko sa akin, ang pagpapaubaya at pagbibigay niya, lalo na kapag may nagustuhan akong bagay kahit taliwas ito sa gusto niyang mangyari.
Naalala ko rin isang beses na binigyan kami ni papa ng tigpa five-thousand pesos noong makatanggap siya ng malaking bonus sa kanyang kumpanya. Tuwang-tuwa si kuya dahil nagkataong sira na ang sapatos niyang pambasketball at may ligang sasalihan ang mga barkada niya. Buhay kasi ni kuya ang basketball kaya ito ang nakapagbibigay sa kanya ng ibayong kasiyahan. At dahil dito, importante talaga sa kanya ang panlarong sapatos. At kaya siya natuwa ay dahil napadesisyonan na sana niyang huwag na lang sumali sa kadahilanang wala nga siyang maisusuot apatos sa laro. Subalit noong nagbigay na si papa ng five thousand, nabuhayan siya ng loob at masayang ibinalita niya sa barkada niya na makasali na siya. Kitang-kita ko sa mga mata ni kuya ang matinding kasiyahan.
At nakapili kaagad siya ng sapatos, bagamat hindi muna niya ito binili dahil naghanap pa siya ng mas mura na maganda ang klase. Ganyan kasi si kuya; matipid pagdating sa pera.
Samantala, ang limang libo ko naman ay naubos ko na, at kaagad. Bagong cellphone ang pinili ko bagamat trinade-in ko lang ang luma ko sa pinakabagong modelo at ibinayad ko ang limang libo ko. Matatawag na luho na lang talaga iyong sa akin. Kaso, noong magshopping kami ni kuya at may nakita akong isang pares na sapatos, sobrang nagustuhan ko ito. “Kuya! Gusto ko ang sapatos na iyan!” sabi ko sa kanya.
“E, ano ngayon? May pera ka naman. Di bilhin mo!” ang sagot ni kuya.
“Wala na eh, nai-trade in ko na ng bagong cp eh…” ang pag-aalangan kong sabi.
“Ano??!! E, alangan namang pera ko ang gamitin mo sa pagbili niyan?” ang med’yo may pagkairitang sagot niya, naamoy na may masama akong balak sa pera niya.
“E... gusto ko iyan kuya eh! Basta gusto ko iyan!” sigaw ko at nagdadabog pa.
“Tol… may kanya-kanya tayong pera. May paglalaanan ako sa pera ko, ano ka ba! Alam mong gusto kong sumali sa liga ng basketball!”
“Ah, basta gusto ko iyan! Gusto ko iyan!”
Hindi na umimik ni kuya. Alam niya kasing kapag ganoong may gusto ako, kukunin ko talaga at kapag hindi ako pinagbigyan, aawayin ko siya at magsisigaw pa ako lalo na kapag madami pa siyang sinasabi.
Ngunit hindi rin niya binili ito. Kaya nag-iiyak akong umuwi at inaway ko siya nang inaway at hindi pinapansin. Ilang araw din iyong pang-iisnab at pagsisimangot ko sa kanya. Hanggang sa isang gabi, kumatok siya sa kwarto ko.
“Bakit?!” ang bulyaw ko kaagad sa kanya noong binuksan ko ang pinto.
Bigla siyang pumasok sa kwarto ko ng walang pasabi at noong nasa koob na, sumigaw ng “Surprise!!!!” sabay abot din sa akin ng plastic kung saan ang laman ay ang sapatos na gusto ko.
Sobrang touched ako sa ginawa na iyon ni kuya. Nagtatalon ako, di magkamayaw sa sobrang tuwa. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “Thank you, thank you, thank you kuya! Mwah! Mwah1 Mwah! Mwah!” ang sambit ko.
Na sinagot naman niya ng batok sa ulo ko sabay sabing, “Kung di lang kita mahal, tado ka!”
Grabe, sobrang saya ko sa ginawang iyon ni kuya. Ang masaklap lang, hindi na rin sumali ni kuya sa liga ng basketball.
Doon ko narealize na basta sa ikasasaya ko, kayang isakripisyo ni kuya ang sariling kaligayahan. “Napakaswerte ko na nagkaroon ng kuya na katulad niya.” Bulong ko sa sarili habang binitiwan ang malalim na buntong-hininga. “Totoo pala talaga ang sinabi nila na kung kailan mawala sa iyo ang isang bagay, ay saka mo pa marealize kung gaano kahalaga ito para sa iyo. Kapag nad’yan pa silang nagmamahal, kadalasan ay hindi natin nakikita o naaapreciate ang sakripisyo nila, ang pagmamahal nila. Ngunit kapag nawala na sila, saka pa natin hahanap-hanapin ang mga ito, at marealize na mahal din pala natin sila.”
Walang humpay ang pag-agos ng aking mga luha.
Mag aalas 9 na noong maisipang kong umuwi. May isang oras din ang biyahe pabalik ng bahay at noong nasa harap na ako ng gate, tila bumigat uli ang pakiramdam ko. Nalala ko na naman si kuya. Kasi kapag ganoong nasa lakad ako at hindi siya kasama, palaging sinsalubong niya ako sa gate pa lang at sabay akong babatukan at paulanan ng katakot-takot na tanong kung bakit ako ginabi, kung sinu-sino ang kasama ko, kung saan ako nagpupunta… at pagkatapos noon, saka ako tatanungin kung kumain na ba ako, at sasabayan na akong kumain kapag hindi pa.
Wala... tumulo na naman ang mga luha ko.
Dali-dali akong pumasok sa bahay at nagtatakbong umakyat sa second floor, kung saan naroon ang aming kwarto ni kuya. Hindi ko na kasi napigilan ang mg luha kong walang humpay ang pagpatak. At ayaw kong makita nina mama ang aking pag-iyak. Ang gusto ko sa mga sandaling iyon ay ang mapag-isa, magmukmok, mag-iiyak, at , maglupasay sa loob ng aking kwarto…
Ngunit imbes na sa kwarto ako dideretso, may nag-udyok sa aking isip na silipin ang kwarto ni kuya. Parang may isang parte ng aking utak na nagbakasakaling nandoon siya sa loob; na baka nagbago ang isip niya at hindi tumuloy sa pagsakay sa eroplano at umuwi ng bahay.
Hinawakan ko ang door knob at inikot ito. At mistulang may mga tambol na dumadagundong sa aking dibdib noong malamang hindi naka lock ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, ramdam ang palakas ng palaks na kabog ng aking dibdib.
Subalit noong tuluyan ng mabuksan ang pinto, walang kuya Erwin akong nakita.
Pakiramdam ko ay bigla din akong nawalan ng lakas. At muli, dumaloy na naman ang aking mga luha. Matamlay akong pumasok sa loob ng kwarto niya, dumeretso sa loob ng banyo, nagbakasakaling baka nandoon siya sa loob noon.
Ngunit wala din.
Naupo ako sa gilid ng kama niya at doon ko na tuluyang pinakawalan ag aking matinding hinagpis. Kinuha ko ang isang frame ng litrato ni kuya at parang gagong humagulgol nang humagulgol sa harap nito, at hinalik-halikan pa. “Kuyaaaaaa! Mahal na mahal kita! Na-miss na kita kuya! Paano na lang ako. Iniwanan mo ako. Kuyaaaaaa!!!”
May halos kalahating oras din akong parang isang baliw na nakikipag-usap sa litrato.
Lalabas na sana ako sa kwarto ni kuya noong madako naman ang tingin ko sa drawer kung saan itinago niya ang mahiwang litrato na hinahalik-halikan niya. Ngunit naka-lock pa rin ito. Hindi ko na pinilit na buksan pa ito. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya at tinumbok ang pintun ng kwarto ko.
Pahid-pahid ko pa ang mga luha sa pisngi, agad kong binuksan ang pinto upang doon ipagpatuloy ang pag-iiyak. Ngunit laking gulat ko noong sa pagbukas ko sa pinto, may isang kamay na biglang humablot sa aking buhok mula sa loob ng aking kwarto at hinila ako papasok sabay bulyaw ng, “Bakit ang tagal-tagal mo? Saan ka ba galing? Bakit ka ginabi...?”
“Si kuya! Parang kahawig ng boses niya!” sigaw ng utak ko.
At noong binitiwan na niya ang buhok ko, halos hindi makagalaw ang buong katawan ko sa nakita ng aking mga mata. “Si kuya nga!!! Sigaw ko.
“Surprise!!!!!!” sambit niya.
Hindi ako magkandaugaga sa gagawin. Niyakap ko kaagad siya ng mahigpit at humagulgol. “Kuya! Kuya! Na-miss kita! Sorry na po… Hindi ko kaya kapag wala ka kuya eh…!”
Niyakap din niya ako ng mahigpit, hinahaplos-haplos ang aking buhok. “Sorry din tol… may pagkukulang din ako sa iyo e.”
“Bakit hindi ka tumuloy?”
“May nalimutan kasi ako e”
“Ano?” ang tanong kong may halong pagkagulat, hindi alam kung ano ang nalimutan niya.
“Heto! Ummmmm!” Sabay batok sa ulo ko.
Napahaplos akong bigal sa ulo kong natamaan. At noong tiningnan ko siya, mabilis itong umatras habang abot tenga naman ang ngisi.
Agad ko siyang hinabol hanggang sa magpangbuno kami sa ibabaw ng kama. Noong maabutan ko, inilingkis ko kaagad ang aking mga kamay sa kanyang katawan at hindi ko na binitiwan pa ito. Hindi na rin siya gumalaw. Parang nasa suspended animation kami sa aming posisyon. Nakatihaya siya at nasa ibabaw ako ng katawan niya, yakap-yakap ng mahigpit ang kanyang dibdib.
Tahimik. Ang tanging nararamdman ko ay ang paggalaw ng aming mga dibdib at tiyan gawa ng parehong habol-habol na paghinga.
Hanggang sa magkasalubong ang aming mga tingin. Sabay kaming nagtawanan.
Tahimik uli kami. Nagpakiramdaman.
“A-alam mo, kuya, mahal na mahal kita…” pagbasag ko sa katahimikan.
“Mahal na mahal din kita tol…”
“Bakit hindi ka tumuloy?” ang tanong ko, nanatili pa rin akong nakapatong sa katawan niya, ang isang kapay ay iginuri-guri sa kanyang mukha, habang ang pangibabang parte ng katawan namin ay nagkadikit, nararamdaman ko pa ang kanyang malaking bukol na dumadampi sa aking harapan.
“Dahil hindi kita maiwanan e. Ma-miss ko ang katarayan ng utol ko, ang pagka-spoiled niya, ang pagka-sungit.“ sabay pisil din sa pisngi ko.
“H-hindi na kita tatarayan, hindi na kita susungitan.”
Binitiwan niya ang pamatay niyang ngiti; iyong ngiting nagpapakilig at nagpapabaliw sa mga babaeng humahanga at nagkakaroon ng crush sa kanya. “Promise?”
“Promise po...”
Biglang naging seryoso ang kanyang mukha. “N-naghiwalay na kayo ni Zach?”
“O-opo...” ang sagot ko. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit galit siya kay Zach. Ngunit hindi ko na itinuloy pa ito gawa ng takot na baka masira ang mood naming dalawa.
Ngunit tuluyan ding lumungkot ang mukha niya. At ang sunod niyang nasabi ay, “May isang bagay kang dapat malaman, tol...”
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
grr! grabe iyak ko dito >.<
ReplyDelete:'(
ung pakiramdam na ang haba ng drama moment ni enzo, ang dami nyang sinabi at realizations tungkol sa paglubog ng araw,, tapos hindi naman pala umalis ang kuya nya,, hehe iyak pa naman ako ng iyak,, haha
ReplyDelete