Followers

Saturday, November 27, 2010

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[7]

Authors note:
pasensya na kayo kung matagal ako makapag update busy kasi sa studies eh.
pasensya na din sa mga hindi ko nasendan kaagad ng part 5 kasi ngayon ko lang nakita na nasa spam pala ung iba. pero na send ko na lahat ng nasa spam na mga request nyo. :)


email: watashioonheru03@gamail.com
fb: http://facebook.com/oonheru
by: oonheru


SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[7]



pakatapos naming kumain ay hinawakan niya ang kamay ko. Nagtaka naman ako sa ginawa niya! Mag popropose na kaya siya sa akin?manliligaw? Aamin na mahal na pala niya ako? Teka teka nasaan na ang puso ko. Nahulog yata at tumalon talon pa sa labis na tuwang nararamdaman. Nasaan na ba ang puso ko?hehe saan na napunta yon?
"teka, bakit m0 hinawakan ang kamay ko?" ang sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay.
"nakalimutan mo na ba na may pupuntahan tayo? Ikaw talaga ulianin." sabay pisil sa ilong ko.
Wow ang puso ko tumalon nanaman.hahaha adik eh.
"ah oo nga pala. Pero bakit kelangan nakahawak ka pa sa kamay ko? At saan m0 ba ako dadalhin?" ang mataray na sabi ko sa kanya.
"arte naman neto, basta alam kong gusto mo ito at masisiyahan ka dito" sabay bitiW NG pilyong ngiti.
Hindi ko namang maiwasan na hindi mag isip ng masama kasi parang may ibig ipahiwatig ang kanyang ngiti.
"maaga pa naman diba, tara samahan mo muna ako"
Hindi na ako umimik pa at sumunod na lang ako sa kanya. Sumakay kami ng taxi at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko rin naman narinig ang sinabi niyang lugar sa driver dahil naka headseat ako noon.
Mga dalawampung minuto na kaming nag ba byahe tumingin ako sa paligid habang nakikinig ng music. Bigla na lang akong kinabahan ng makita ko ang pangalan ng establisyamento, napa shet naman ako. Tumingin sa akin si francis, ewan ko ba parang may isang masamang espiritu ang sumapi sa kanya, kung makatingin siya ay parang nang aakit. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng aking dibdib. "saan ba talaga tayo pupunta?" ang boses ko ay may halo ng pagkairita. "jan oh" sabay turo sa mataas na establisyamento. "adik ka ba mag aano taYo jan sa MOTEL?" lalo pang lumakas ang kaba ko.
"hehehe ikaw naman hindi na mabiro. Sa likod tayo nyan pupunta, kukunin ko kasi ung laptop na hiniram ni Beng"

"naku kahit kailan talaga adik ka" sabay tawa ko. Tumawa rin siya. Ewan ko ba para nagustuhan ko rin ung biro niyang iyon. Bumaba na kami ng taxi at pinuntahan si beng para kunin yung laptop. Pagkakuha namin sumakay ulit kami papunta sa school.
"tara may pupuntahan ulit tayo bago pumasok may 15minutes pa naman tayo di ba?" ang dirediretso niyang sabi.
"saan na naman ba tayo pupunta?" ang naiirita kong sagot sa kanya.
"basta" at hinawakan niya ulit ang aking kamay. Para namang may dumaloy na kuryente sa aking katawan. Para akong nakikilitg. Ewan ko ba ngaun ko lang ito naramdaman.
Naglakad kami papunta sa aming building na naka HHWW (Holding hands while walking). Xet kinikilig talaga ako. Hehehe
Maya maya pa tumigil kami sa may freedom wall ng aming building.
"nababasa mo ba ito?" sabay turo sa nakapaskil doon.
"oo naman, anong gusto mong gawin ko ngayon?"
"tara mag auidition tayo"
"A-U-D-I-T-I-O-N?? Okay ka lang ba? Naka ecstacy ka ba? O naka singhot ng katol?" ang sabi ko sa kanya na nanlalaki ang mata.
"hindi ah! Wala namang masama kung mag ta try tayong mag audition sa PBB ah este CHEERLEADING pala."
"ang lakas din ng trip mo ano at isasama mo pa ako. Ikaw na lang support na lang ako sayo"
"di ba magaling ka naman sumayaw?" ang kanyang mukha ay malungkot.
"at kanino mo naman nalaman na magaling akong sumayaw?" ang tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.
"nakita kita sa SM, kayong dalawa ni kuya mo na nagsasayaw ng Dance Maniac ba yon? Ang galing mo kayang sumayaw"

"oo, magaling nga akong sumayaw pero nahihiya akong mag auidition" ang pa pilit epek ko. Hehe
"kasama mo naman ako eh"
"basta ayaw ko" talagang pa pilit pa talaga ako.
"sige na please?" at lumuhod pa ang hunghang sa harap ko parang sinasamba ang diyos at diyosa ng karagatan. Pero kilig to the bones ako nun. Ikaw ba naman ang luhuran ng gwapong lalaki kung hindi ka kiligin. Baka pati underwear mo malaglag..hihi
"okay sige na nga, tumayo ka nga diyan para kang engot, pinagtitinginan ka ng ibang mga estudyante oh"

sabay abot ng kamay ko sa kanya para makatayo siya.
"yeheeyyy" sabay yakap sa akin. Para siyang bata na binilihan ng lobo.
"oh tara na at late na tayo"

Pag pasok namin sa classroom naroon na ang aming mga ka klase pero wala pa ang proffesor namin. Nainip naman ako dahil ang tagal dumating ng prof. Namin kaya nag text muna ako sa textmate ko.
"hi! Kumusta ka na?"
"eto okey lang, ikaw ba?"reply niya.
"ayos lang din ako. May ginagawa ka ba?"
"wala nga eh. Na miss mo ako ano?"
Napatawa naman ako sa kanyang sinabi at kinilig.
"haha adik ka yung text mo ang na miss ko hindi ikaw"
"uy baka ma inlove na ako niyan sayo. hehehe"

hindi ko namamalayan na nasa likuran ko lang si francis at binabasa ang mga text ko.

"si naman iyan?" ang mataas niyang boses.

nagulat naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"ah eh textmate ko ito."
"ah ganun bakit may pa inlove inlove pa iyang textmate mo?"
"ano naman ang paki alam mo at bakit nagagalit ka? magkalinawan nga tayo. ano ba kita sa buhay ko?" ang mataray kong sagot sa kanya.
hindi naman siya nakasagot bagkos umupo na lang sa kanyang upuan.
ang mokong na ito at nagseselos sa textmate ko. ang gusto niya siya lang ang masaya. hmmmmp..
sakto na mang dumating ang super late naming professor ang sarap niyang sipain. haha pati prof. ko na pag iinitan ko na rin.
discuss dito discuss doon at sa wakas natapos din.

pag ka dismiss ng aming klase dali dali naman akong lumabas ng classroom.
"marky, sandali lang. intayin mo ako" ang pasigaw na sabi ni francis sa akin.

dirediretso pa rin ako sa paglakad ko hindi ko siya pinansin. ngunit naabutan niya ako.
"marky sorry naman oh.. please?" shit nakita ko naman ang maamo niyang mukha na parang isang anghel sa langit. kaya naman unti unting nawala ang pagkainis ko sa kanya.

"oo na, ganyan ka naman lagi eh, iyan ang sandata mo sa sa akin para mapatawad kita yang maamo mong mukha na iyan" sabay pisil ko sa kanyang pisngi, nakakagigil talaga ang sarap halikan ng kanyang mapupulang labi, kung wala nga lang mga dumadaang estudyante doon ay ginawa ko na. hihihi
"yan ang bestfriend ko, alam ko hindi mo ako matitiis. hehehe" xet eto na naman ang kanyang pamatay na killer smile para akong mag co colopse sa mga sandaling iyon, grabe talaga mga ateng!!

"sige tara na sa student center para makapag audition na tayo."

pumunta agad kami sa student center. nang makarating na kami ay marami naring mga estudyante doon, siguro mag aaudition din.

"francis, teka ang daming mag aaudition oh, baka hindi tayo matangap, umuwi na alng kaya tayo?" ang may pag aalinlangan kong sabi sa kanya.
"ano ka ba wag kang kabahan andito naman ako eh," ang pagpapalakas niya ng loob sa akin.

pinapasok kaming lahat sa student center at nang makapasok na kami lahat ay siguro nasa singkwenta lahat kami doon.

maya maya pa grinupo kami para turuan ng step ng sayaw na ipeperform naminsa audition.

nagenjoy naman ako sa pagsasayaw dahil iyon naman talaga ang hilig ko simula elementarya pa lamang.. nakakapagod pero masaya naman.

"ano nag enjoy ka ba?" ang tanong sa akin ni francis.

"oo sobra pa sa enjoy, na miss ko kasi ang sumayaw eh."
"sabi ko na sayo eh, okey praktis ulit tayo para ma perfect na natin.
medyo may kahirapan din ang step kasi sobrang bilis ng mga moves pero nasasabayan ko naman. kelangan accurate ang mga moves mo at tension level ng kamay mo.

makalipas ang dalawang oras naming pagpapraktis ay tinawag kaming lahat.

"okey mga auditioners, pumili kayo ng mga ka partner ninyo para madaling matapos ito. goodluck sa inyong lahat"

OMG!kinabahan na ako noon dahil dala dalawa ng pinapapasok para mag perform.
xet baka makalimutan ko ang step. hehehe syempre kaming dalawa ni francis ang mag partner.

"Marky at francis!!" ang tawag sa pangalan namin.

jusku this is it, this is it!!

papasok pa lang kami sa student center ay parang tinatambol na ang aking dibdib sa sobrang kaba.

may apat na hurado ang nasa harap namin at ang iba ay mga seniors na ata.

eto na. dance, dance, dance, hehehe. at nang matapos iyon ay nakahinga na ako ng maluwag, ngunit hindi pa pala tapos iyon.

"okey on the spot na sayaw naman. music please!" ang sabi ng babaeng nasa harapan namin. ano ba naman ito akala ko ay tapos na hindi pa pala. nagkatinginan kamini francis nangungusap ang aming mga mata kung ano ang aming gagawin. at nag play na ang kanta. mabuti na lang hiphop ang iyon at hindi naman kami nahirapan gumawa ng step.
pinagpapawisan na ako ang init sa pakiramdam.
" okey tama na!" sabi naman ng isang hurado.
napa yes naman ako dahil akala ko tapos na.
"skills naman"
jusku wala na yatang katapusan ito. grabe!
"ikaw ano ang kaya mong gawin?" ang tanong sa akin ng hurado.
"ah marami po" ang sagot ko naman
"basta related sa cheerleading ha. baka naman magluto ka dyan. okey gow!"

syempre nag pa impress ako, hehehe ginawa ko ang mga kaya kong gawin tulad ng back tuck, cart wheel, jumps, back walk at syempre ang pamatay na isolation moves, hehehe ang yabang.

"ok thats all. next"

hay salamat akala ko wala ng katapusan.

natapos na ang lahat mag audition at muli kaming pinapasok sa loob ng student center.

"okey guys, wala pong magagalit sa amin kung hindi man kayo palarin na mapasama sa pep squad,apat kaming nag judges sa inyo kaya goodkuck na lang sa mga makakapasok. 35 kayong lahat na nag audition pero 30 lang sa inyo ang ang kailangan namin para mabuo ang isang squad. okey babasahin ko na po ang mga nakapasa ayon sa performance ninyo."

nagkatnginan kami ni francis.
"baka hindi tayo matangap" ang sabi ko sa kanya.
"ano ka ba, think positive wag kang aayaw, think positive wag kang aayaw"
"hahaha okey"
"matangap man tayo edi maganda, kung hindi naman eh ayos lang atleast nag try tayo at nag enjoy kanina."

at isa isa ng tinawag ang mga pangalan.

Jane Labrador, Bea Avellaneda, Jen Cordial, Kath Daniel, Biangca Gonzales, Kristine Masangkay, at Ivy Arevalo."

"iyan po ang mga flyer na natangap base sa kanilang performance. sa mga boys naman"

grabe kinakabahan talaga ako.

Crimson Castaneda, Gilbert Alberto, Kim Cordial, Arvin Azores, JD Dela Cruz, PJ Reyes, Argie Lopez, Arnel Roxas, Richard Belardo, MC Jade Tapado, Jeric Idanan,
naka sampo na wala parin ang pangalan namin naka labing isa,dalawa tatlo hangang labing pito, tumigil muna ang nagbabasa at naghabol ng paghinga.

"last 3,, Reynan Cruz, Prince Marky Rodriguez and Francis keviN Gariguez."
hay salamat nakahinga din ako ng maluwag at sobrang saya ko.

pero bago pa iyon may narinig akong comment sa pangalan naming dalawa. sosyal daw,.. hehehe


"so iyon po anu? ung ibang hindi natawag ay reserved po kayo pero pwede pa rin kayon mag praktis sa cheerleading kung gusto ninyo, kaya bukas umpisa na ang ating praktis dahil yung ibang squad na kalaban natin ay nagsimula na. same time pa rin po, so maliwanag ba? nagkakaintindihan ba tayo?"

"opo" ang sabay sabay naming sabi na parang grade one student.

umuwi na kami at inihatid ako ni francis sa boarding house ko.

"salamt sa paghatid ha, sige ingat ka bukas ulit"
"ah wala iyon, ah marky???"
"ano iyon at bakit nauutal ka dyan?"
"ah marky ma- ma-" ang pa putol putol niyang sabi.
"anong ma-? bakit paral nauutal ka at pinagpapawisan kapa? may sakit ka ba?"
ano naman kaya ang sasabihin ng mokong na ito.

"Ma--una na ako"

"hahaha un lang pala eh"


"sige ingat ka, salamat ulit"

pero bago siya umalis bigla niya akong hinalikan sa pisngi!

(itutuloy)

11 comments:

  1. ka asar bitin nmn o
    super kilig na sana ako

    love ur story so much.

    ReplyDelete
  2. ganda ng story, nakakabitin, nawa may kasunod na

    ReplyDelete
  3. may part 8 na po ba? ganda ng story pedeng pang indie film.

    ReplyDelete
  4. bat ang tagal ng kasunod? nakakabitin naman oh!!

    ReplyDelete
  5. sabi ko na nga ba eh...wala na naman karugtong..

    ReplyDelete
  6. Haha kilig sobra...

    ReplyDelete
  7. hahaha amazing kilig to the bones dude

    take care keep on writing

    ReplyDelete
  8. wla na ba itong kasunod, ang ganda pa naman ng story...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails