anyway here is the next part of hirap umamin
this is el seniorito agua saying
no one "EVEN DEATH" cant seperate the two souls of love
blogger:senioritoaguas.blogspot.com
-------------------------------------
Dumating ang araw ng summer… araw na talagang pinakahihintay ni Christopher , bukod kasi sa marame na silang oras ni marco upang gawin ang lahat ng kanilang gusto, darating pa ang kanyang mga magulang na galing sa ibang bansa…
“chris!!! Bilisan mo!!..”pagtawag kanya ng kanyang ate
Ito ang araw na susunduin nila ang kanilang magulang sa airport , at syempre sa pagsundo kasama nila christopher ang taong minamahal niyang tunay, si marco
Patakbong bumaba ng hagdanan si Christopher
“ito na ako!!!...”pasigaw na sabi niya sa kanyang ate…
Sumakay na agad ni Christopher ng van magkatabe sa backseat sina Christopher at marco , samantalang ang kaniyang ate ay ang nagmamaneho
Malaki ang ngiti na nasa mukha ni Christopher halatang excited na itong Makitang muli ang kaniyang mga magulang , ngunit sa itsura naman ni marco , para itong takot na takot
“is there something wrong babe?”pagtatanung ni Christopher ng mapansin ang takot na nasa itsura ni marco
“ah wala”pagsisinungaling nito
“sure ka?”
“eh kasi ngayon ko nalang makikita uli sila tita, natatakot akong baka malaman ang tungkol saten” pag-amin nito na may lungkot na ngayon sa kanyang itsura
“don’t worry babe… kahit naman anung gawin nila hindi nila tayo pwdeng paghiwalayin”paninigurado ni christopher
Ilang oras pa at nasa airport na sila… ilang minuto lamang silang naghintay at nakita na nila ang kanilang magulang
“ma!!!”sigaw ng ate marta ni Christopher
Patakbong nilapitan nila ang magulang at niyakap ng mahigpit…
“pa!.. namiss namen kayo sobra!”sambit ni Christopher
“tita , tito, welcome back po”pagbati ni marco
“salamat iho,grabeng nakakapagod ang byahe, nahihilo pa ako”sabi ng kanilang mama
“cge ho tita, naruon ang van”sabay kuha ni marco ng mga gamit
Tumulong narin si Christopher sa pagbubuhat,
Pagdating sa bahay
“grabe nakakapagod talaga ang byahe!”pagkaasar ng kaniyang mama
“pero ayos lang kasi nandito na sa tabi ko ang baby boy ko”sabay gigil na gigil na hinalikan nito ang pisngi ng kanyang anak
‘hay nakowh ma kung alam mo lang baby girl napo ito’sigaw ng isip ni Christopher
“ma naman hindi na ko bata noh”sabi ni Christopher sabay yakap sa kanyang ina
“ikaw iho , kamusta naman ang studies mo”baling ng papa ni Christopher kay marco
“ayos naman po”maikling sagot nito
“ay pa!... top 1 yan samen , top ranking!... natalo na nga ako eh top 2 lang tuloy ako”pagmamalaki ni Christopher sa parangal na natamo si marco
“congrats iho pagpatuloy mo yan”sabay tapik sa balikat ni marco
“salamat po”sabi ni marco
Maya maya pa ay lumabas na galing ng kitchen si marta
“ito oh.. mag meryenda po muna kayo”sabay lapag ng juice at mga tinapay
“ay oo nga pala iha, ayos naba ang kwarto namen ng papa mo?”pagtatanung ng kanilang mama
“oho pinalinis na ho namen”pagsagot ni marta
“gusto ko munang magpahinga ang sakit ng katawan ko”
“sige ho ma.. kami nang bahalang magayos nitong mga gamit”sabad ni Christopher
At umakyat na nga ng second floor ang kanilang magulang upang magpahinga, nakakapagod at nakakahilo ang byahe at dahil narin siguro sa tanda ng mga ito kaya mabilis mapagod
Habang nag aayos ng mga gamit, di parin matanggal sa dibdib ni marco ang kaba, kaba sa maaaring mangyare kung malaman ng mga magulang ni Christopher ang tungkol sa kanila, natatakot siyang paghiwalayin sila nito at mawala sa kanya ang taong minamahal niya ng lubos
Nakatulalang nagiisip si marco ng biglang lumapit si Christopher sa kanyang harapan at hinalikan ang kanyang mga labi…
“I love you babe, don’t worry nothing bad will happen ipaglalaban kita kasi mahal na mahal kita”paniniguro ni Christopher sabay ng pagyakap nito
Di alintana ni Christopher ang ate niya na nasa tabe lamang nila… o ang mga magulang na nasa 2nd floor
Ang alam niya ay mahal niya si marco at gusto niya itong ipakita sa ibat ibang paraan na alam niya
Kahit pinapakita ni Christopher ang katapangan sa harap ni marco, di parin niya kayang itago na kahit papano ay natatakot rin siya na malaman ito ng kanyang mga magulang, kilala niya ang mga magulang niya ,alam niya kung pano ito magalit at kung pano nito ginagawa ang lahat ng bagay para lamang masunod ang mga kagustuhan nito
Dumaan ang bawat araw na ingat na ingat silang dalawa na huwag malaman ang secretong ito, secretong pagnalaman ng kanilang magulang ay maaari silang paghiwalayin
“oh iho? San ka pupunta? Tuwing Saturday and Sunday umaalis ka ng bahay ah”pagtatanung ng kaniyang mama ilang weeks palang ang kanyang mga magulang pero pansin na nito ang pagalis alis niya ng bahay at ang palagi niyang alibi
“ma may practice po kame sa school eh”
Pero ang katotohanan pupunta siya ng plaza at makikipag kita kay marco… masakit rin kay Christopher na lokohin ang kanyang mga magulang… pero kung ito na lang ang tanging paraan upang magkita sila, gagawin niya
Habang naka upo sila ni marco sa isang bench , pansin ang lungkot sa mukha ni marco
“something wrong?”pagtatanung ni Christopher
“kasi babe, ayoko na nang ganto eh.. niloloko naten sila tita”sabay yuko nito
Ngayon ay pansin narin sa mukha ni Christopher ang lungkot na sa ilang weeks na nakakasama niya ang kaniyang mga magulang ay niloloko lamang niya ito sa tunay niyang katauhan
“anung gusto mong gawin naten?”pagtatanung muli ni Christopher
“ipaglalaban kita… kahit anong mangyare”sabi ni marco
Sa panahon na ito , naghanda na silang dalawa ng kanilang sarili , aaminin na nila ang pagmamahalan nila sawa na sila sa patagong pagmamahalan at sawa narin sa panloloko ng mga tao sa kanilang paligid
Magkasamang pumunta ng bahay sina Christopher at marco , pagdating nila sa harapan ng bahay,,, rinig nila na tila may sigawan sa loob ng kanila bahay
“ALFREDO!! TAMA NA!”sigaw ng kanyang mama
Patakbong pumunta sa loob si Christopher,nakita niya na nakaupo sa sahig ang kanyang ate at umiiyak,nangmakita siya ng kanyang ama patakbo itong lumapit sa kanya at isang malakas na sampal ang dumapo sakanyang mukha, bumalandra siya sa sahig dahil sa lakas ng sampal na ito
“HAYOP KA!... ILANG LINGGO MO NA KAMENG NILOLOKO HA!... HALOS LAHAT NG KAPITBAHAY ALAM TAPOS KAME WALANG KAALAM ALAM SA KABAKLAAN MONG HAYOP KA!...”galit na sigaw ng kanyang ama
Nakatungo lamang si Christopher habang sinasabi ito ng kanyang ama.. nakatungong umiiyak.. maya maya ay naramdaman niya ang kamay ng kanyang ate sa kanyang balikat
“pa wag na po si chris.. ako nalang… ako naman po nagtago nito sa inyo eh… wag nyo po siyang saktan”pagmamakaawa ng kanyang ate
“ABA! KONSINTIDORA KANG TALAGA”parang hayop lamang na binalibag nito ang kanyang ate ,muli ay bumaling ang paningin nito kay Christopher akmang sasampalin nito muli si Christopher nang biglang humarang si marco
“TITO WAG PO… mahal ko po si Chris… wag nyo po siyang saktan”mahina ngunit madiin at palaban na sabi ni marco
“ALAM MO BA KUNG ANUNG SINASABI MO HA? KALA KO BA MATALINO KA? ANO YUN? PALABAS NYO LANG RIN? MGA HAYOP KAYO!”pasigaw na sabi ng papa ni Christopher
“ALAM MO BA KUNG ANONG MANGYAYARE SAIYO PAGNALAMAN TO NG PAMILYA MO HA!”pagpapatuloy nito sa pagsasalita
“alam ko ho ,,.. pero kahit anung mangyare hindi ko iiwan si chris… mahal ko siya… siya ang buhay ko.. hayaan nyo na ho kame parang awa nyo na”pagmamakaawa ni marco
“MGA BOBO!”
Wala ng nagawa pa ang papa ni Christopher kundi ang umakyat sa 2nd floor
Nang mawala na ito… nilapitan naman agad ng mama nila si marta…nagpatawag ito ng doctor upang tumingin kay marta , nang matiyak na ayos na si marta , pinagtuunan naman ng pansin nito si Christopher
“anak ayos ka lang ba?”sabi nito at sabay kuha nito mula sa bisig ni marco
“iho sumagot ka si mama to”sabi muli nito sabay ang mahinang pagsampal nito sa pisngi ng bata
Ngunit ng tingnan ni elisa ang kanyang kamay halos mapuno ito ng dugo na dumadaloy sa ulo ng bata
“ma?”pag gising ni Christopher
“anak ….wag ka nang magsalita ha… pupunta tayo ….ng ospital”sabi ng kanyang mama habang umiiyak
“TULONG!! TULONG!! ANG ANAK KO!!”ang sigaw ng kanyang mama
Yun na lamang ang narinig ni Christopher at nawalan na siya ng malay
Di naman alam ni marco ang gagawin.. kitang kita niya ang pagdaloy ng dugo ng kanyang minamahal… nang marealize ang mga nangyayare… agad siyang nag tawag ng mga tao sa paligid at humingi ng tulong
Maya maya pa ay dinala na si Christopher ng ambulancia sa ospital
Ilan pang mga oras ang nagdaan… mga oras na sobra ang kaba ng mga taong nagmamahal kay Christopher… mga oras na puro panalangin lamang ang masasandalan para sa ikagagaling ni Christopher
Dumatin ang ibat ibang mga tao na nagmamahal ng lubos at nagaalala rin sa kalagayan ni Christopher
“anung nangyare… asan si chris?”pagtatanung ni cheska at pulang pula na ang mga mata
Pansin rin sa ilang mga kasama nito ang pagiyak ,
“wala pang sinasabi ang doctor”maikling sagot ni marco… kung kanina ay pagkatulala ang namamalai sa kanyang mga mata ngayon ay napalitan na ito ng galit… galit sa ama ni Christopher…
‘anong klaseng ama ang kayang patayin ang sariling anak ng dahil lamang sa pagmamahal nito sa kaparehas na kasarian’galit na sambit ng isip ni marco
Lumipas muli ang oras ang lahat ay nagdarasal ,tanging bagay na magagawa na lamang nila ngayon ay ang magdasal para sa ikagagaling ni christopher
Nasa kalagitnaan ng pagdarasal ang ina ni Christopher ng lumabas ng emergency room ang doctor
“doc ayos na ho ba ang anak ko?”
“tatapatin ko ho kayo… may nangyareng fracture sa bata… maliit ho ang possibility na makayanan niya ito”pagtatapat ng doctor
Nangmarinig ito ng ina… bigla itong napahagulgul ng sobrang lakas
“doc…… parang…. Awa … nyo na…. gawin,,,, nyo,,, ang lahat”pautal utal na sabi ng ina ni christopheer
“oho tinitingnan pa namen ang lahat ng posibilidad, gagawin ho namen ang lahat n gaming makakaya misis wag ho kayong magalala”mahinahong sabi nito
At tumalikod na ang doctor…
Nangmarinig ni marco ang sinabi ng doctor.. di niya na alam kung nahinga paba siya o buhay paba ang diwa niya… hindi siya makagalaw.. nagising nalang siya sa mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata . patakbong tinahak ni marco ang emergency room nagsuot ng mask at soute nang makalapit kay Christopher… agad niya itong niyakap
“wag mo kong iiwan … diba promice mo yon? Walang iwanan”sabi ni marco habang niyayakap si Christopher
Tuloy tuloy ang pagiyak ni marco , nangmapansin niya ang paggalaw ng daliri ni Christopher…
“mahal na mahal kita chris… lumaban ka .,.. mahal na mahal kita”sabit muli niya sabay ang paghalik sa labi nito
Ngayon naman ay tumulo ang mga luha sa gilid ng mga mata nito, sa mga oras na iyon bagong pagasa ang sumibol para sa pagmamahalan nilang dalawa…
Dumaan ang mga araw… lingo at mga buwan ,,, naghihintay silang lahat .. umaasa na sana muling gumising ang taong kanilang hinihintay
Dumaraan ang mga buwan.. at tila ang ibay nawawalan na ng pagasa… tila mga pagod na sa paghihintay ng muling pagbalik ng kanilang hinihintay
Ang mama ni christopher ay tila baliw na sa sobrang pagaalala
Ang kanilang ama ay kasalukuyang pinaghahanap ng kapulisan
Ang kanyang ate na lamang ang nagaasikaso ng iba pang kailangan na ayusin
Ang lahat naman ng mga kaibigan ay hindi na rin dumadalaw
Ngunit si marco ay nananatiling matatatag naghihintay , umaasa, at nananalig sa may kapal
Namuling gigising si Christopher . na muling maririnig niya ang mga tawa nito.. ang ramdamin ang mainit na yakap nito sa kanya at muling lasapin ang matamis na halik nito
Hanggang sa
“DOC!...SA ROOM 201 PO!”sigaw ng nurse na nasa lobby
Agad na tumakbo papunta ng room na iyon si marco room iyon ni Christopher, nangmakarating siya roon kitang kita niya ang pagaagaw buhay ni Christopher… ang muling pagbigay buhay ng doctor dito
Ngunit…
“time of death… 9:38 am”
Narinig ni marco na sambit ng doctor…
Patakbo siyang lumapit sa doctor
“DOC HINDI HO PWDE!... DOC I TRY NYO ULE!!.. PARANG AWA NYO NA.. HINDI PWDENG MAMATAY SI CHRIS … BUHAYIN NYO SYA I TRY NYO ULE!!!”
ang sigaw at hagugol na pagiyak ni marco ay ang tanging maririnig sa kwartong iyon..
umiling na lamang ang doctor at lumabas ng kwarto… naiwan ang mga nurse
“BAKIT MO KO INIWAN!!!.. NANGAKO KA SAKEN!! WALANG IWANAN DIBA!!?? GUMISING KA CHRIS! ANDITO AKO!!... WAG MOKONG IWAN!!”
“iho tama na… wala na tayong magagawa”pag pigil ng mama ni Christopher dito
Napayuko na lamang si marco at humagulgol sa pagiyak,,,
Tiningnan na lamang ni marta ang pagiyak nito…
Maski siya at tumutulo ang luha
Ngunit
Nangmabaling ang paningin niya sa bangkay ni Christopher..
May lumalabas na tubig sa mga mata nito
“ma!!... si chris!!..”sabay turo niya
Lumuluha si Christopher… muli ay tinawag nila ang doc…
Ng chineck ng doctor si Christopher… muli ay stable na ang kalagayan nito
“isang himala ito..”bulalas ng doctor
Halos tumalon at lumundag sa katuwaan ang mga taong naroroon , kitang kita ang katuwaan sa muka ni marco
Muli dumaan ang mga linggo
Hanggang sa dumating ang isang araw
Habang natutulog si marco sa tabe ng bed ni Christopher
Ramdam ni marco ang palad na dumarampi sa kanyang ulo… dampi na parang nagsasabi na ayos na ang lahat, mahal na mahal kita
Nangminulat ni marco ang kanyang mga mata kitang kita niya ang mala angel na muka ni Christopher , naka ngiti ito
Agad na tumayo si marco at niyakap ni Christopher
“salamat sa dyos”sambit nito habang umiiyak
Tinawagan nito ang kanyang mga magulang agad naman itong dumating.. sa panahon na iyon… alam na nila marco at Christopher na wala nang maaari pang maghiwalay sa kanila
Kahit pa ang kamatayan
(wakas)
tnx sa npakagandang love story mo. keep up the good work.
ReplyDeleteaaaaaaaaaaaaaawwwwwwwwwwwwwwwwwww!!!! grabe!! napakaganda ng story :') hahaha!!!
ReplyDeletegrabe naiiyak ako... kinana lng natutuwa ako s cute ng kwento naalala ko tuloy ang mga katagang "tears of joy"
ReplyDeletethanks agua...GOODLUK & moer POWER po.
nagcomments ako s blogsite mo kso d pwede kc google ako eh AOL K PLA
Ganda ng story mo Mr Author. Iyak at sya.......Salamat God Bless Yo.
ReplyDelete