Followers

Saturday, August 21, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [29]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Waahhhhh! Todo na to! Hanggang part 30 na talaga siya. Mukhang di kayang mag end sa part 29, kasi gusto ko pang mambitin, lol!

Part 30 na talaga ang ending. Di ko kasi nakokontrol ang takbo ng utak ko, hehehe. Sensya na sa mga nag-abang...

Bati portion:

Yeheeeeey! 213 na ang followers ko!!!

Binabati ko ang mga bagong followers na sina jet at arby. Ewan kung bakit di ko mahanap sa list ang iba pang mga bago (baka anonymous lang, walang pic). Syempre, sa lahat ng mga followers na rin (I mean, listed followers). Uulit ulitin ko, kayo ang nagbigay ng inspirasyon sa akin upang magsulat. Kapag nakikita ko ang listahan ng followers na iyan sa taas, nakokonsyensya ako kapag di pa nakagawa ng update - lol! Alam ko naman kasi na hindi isang click lang ang pag follow. Kaya salamat na nanjan kayo.

Binabati ko rin ang mga commenters kong sina - alex, drooling, eban, bladez, edgar, jess, larry, ubreakable, russ, dennis (??? huwaaah may naalala ako!), emjhay, daucus (na idol ko sa katalinuhan at pagka "L" - lol! musta na kaya iyon?), half, bashee, rham, adam, almonz, white (di na nagparamdam?), agua, at iba pang di ko na nabanggit...

Binabati ko rin ang mga chatters na sina troy, lola bashang (nasaan na kaya yun? A baka nagpalit ng name), enzo, noel (ang nawalang kapatid), roy (nasaan ka na roy???), atebugs, sino pa ba... di ko na matandaan lahat... sensya na po. At may shoutouters ding sina rayven, razhly, larry, at eman.

Binabati ko rin ang mga friends ko na sina oliver (punta kami sa inyo ha sa bakasyon?), sandy, gerald, at oo ng apala, newbie!!! handa na ang MSOB sa iyong pamamalakad... may email na ako sa iyo.

Gusto ko ring batiin ang mga MSOB textmates, at email pals. Di ko na banggiting ang mga names ninyo dahil alam kong karamihan sa inyo ay ayaw pabanggit (may itinatago ba? lol!)

Syempe, ang mga contributors ng MSOB na sina Alex, Senyoritoaguas, MS (nasaan ka na?), aaron, july, speed... (nasaan na sila?)

Gusto ko ring iparating ang aking tuwa sa nalamang may isang sectarian school sa Manila na inilagay talaga ang libro kong "Idol Ko Si Sir" sa library nila at according to my source na nag-aaral din doon, "pinipilahan" daw ang aking aklat. Hindi pa tapos magbasa nung isa, may naka-reserve nang susunod. Salamat po!

At para doon sa gustong bumili ng book ko, please go to the website ng publisher ko http://central.com.ph may online sale sila at nandoon din po ang mga address ng mga branches/outlets nila.

One chapter na lang at magpaalam na tayo kay Kuya Rom!!!

Huhuhuhuhuhu!

-Mikejuha-

--------------------------

Matapos mahuli ng mga pulis ang natirang mga tauhan ni Kris na sumurrender, agad na dinala nila ang mga ito sa presinto habang si Kris ay dinala sa ospital sinamahan ng ilang mga escort na pulis.

Dinala din namin sina Noel at kuya Rom sa ospital. Si Noel ay conscious bagamat mad’yo malakas ang pag-agos ng dugo galing sa tama niya sa braso. Ngunit doon ako natatakot sa kalagayan ni kuya Rom. Mistula itong patay na hindi siya gumagalaw. Inalam ni kuya Paul Jake kung pumipintig ba ang puso niya at nag thumbs up naman ito. Hindi naman ako mapigil sa kasisigaw, “Kuya Rommmmmm!!!”

Sa pinakamalapit na ospital sila dinala. Kaagad silang ipinasok sa emergency room. Habang inasikaso sila ng mga duktor, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, sobrang bagal ang pagtakbo ng oras sa sandaling iyon.

Doon na rin kami nakapagkuwantuhan ni Kuya Paul Jake sa mga pangyayari. Kaya pala niya natunton ang lugar na pinagdalhan sa amin ng mga tauhan ni Kris at nakatawag pa siya sa mga pulis ay dahil sa binanggit ni Kuya Rom na mga codes galing sa cp kong sikretong nakabukas.

“‘Partner’, kasi ang pakilala ni Romwel sa akin kay Kris noong may dalawang beses kaming nagpang-abot sa restaurant na malapit sa bodegang pinagdalahan nila sa inyo. Paborito ko ang restaurant na iyon at naimbitahan ko siya doon upang i-try ang kanilang mga pagkain at makita ang sariwang ambiance nito dahil nakatayo ito mismo sa gitna ng lawa. Paborito din palang hang-out ito ni Kris at mga ka-tropa niya. Nagtatawanan pa nga kami noon dahil pagkabanggit ni Romwel na magpartner nga kami, dinugtugan ko naman ito ng ‘partner sa katarantaduhan’. At ang restaurant na iyon ay madadaanan kapag nanggaling ka sa Marcos intersection na siyang unang binanggit mo. At ang bodegang dinalhan sa inyo ay pagmamay-ari ng Tiyo ni Kris na isang politiko. Nakita na rin namin ni Romwel ito. Ibinunyag kasi sa amin ni Kris na sa bodegang iyoon nila ginagawa ang mga initiations kapag may mga bagong aplikante ang fraternity/sorority nila. Kaya noong mabanggit ni Romwel ang ‘kakain sa restaurant’ at ‘maraming tubig’… doon ko napagtagpi-tagpi ang ibig ipahiwatig niya: isang restaurant na nasa lawa at ang salitang partner ay nangangahulugang may kinalaman kay Kris. Kaya sa bodega na iyon kaagad ang sumiksik sa isp ko.” Paliwanag ni Kuya Paul Jake.

Nagulat naman ako sa narinig. Hindi ko kasi akalain na dahil pala kay kuya Rom kaya kami natunton ni kuya Paul Jake at ng mga pulis. Ang buong akala ko, hindi niya naintindihan ang pagmuestra ko na sikretong nakabukas ang cp ko. Lalo na noong sinabi pa niya na “kakain kami sa restaurant” na nadismaya ako dahil ang buong akala ko ay ang ibig niyang sabihin talaga ay dideretso kami sa planong kainan at kung ganoon, maisip ni kuya Paul Jake na ok lang kami at hintayin na lang niya sa venue na plano namin sa gabing iyon. Ang hindi ko pala alam ay coded messages na pala iyon para kay kuya Paul Jake.

“Ang galing talaga ni Kuya Rom! Kahit saan ang galing-galing niya!” bulong ko sa sarili. Lalo tuloy akong napahanga sa sa kanya. Ngunit lalo din akong naawa at natakot sa maaaring mangyari. Hindi pa rin bumalik ang kanyang malay-tao.

Nagpasalamat ako kay kuya Paul Jake dahil sa ipinakitang gilas din niya. “Magpartner talaga kayo, kuya!” sabi ko sa kanya. “Kasi, alam na alam ninyo ang mga kilos at ibig ipahiwatig ng bawat isa.”

Napangiti naman si kuya Paul Jake. “Ano ba yan selos o papuri?”

“Syempre naman papuri no! Di mo naman kailangan ang katulad ni kuya Rom eh.”

“Joke lang.” Bawi din niya. “Pero ang galing din ng ginawa mong pagbukas ng cp mo. Iyon ang daan upang marinig ko ang mga pag-uusap ninyo”

Isang pilit na ngiti ang binitiwan ko. “Salamat kuya.”

Pagkatapos ng halos dalawang oras, lumabas ang isa sa mga duktor na nag-asikaso sa kanila galing sa operating room at inilabas na rin si Noel na naka-stretcher ipapasok sa kanyang ward. “Ligtas na siya. Walang nang dapat ikabahala pa sa kanyang natamong tama.”

Niyakap ko si Noel at hinalikan sa pisngi. “Maya mag-usap tayo tol ha?”

Tumango naman ang bata.

“Dok… kumusta na po si Mr. Romwel Iglesias?” ang tanong ko sa duktor.

“Ah… So far unconscious pa rin ang pasyente. Apparently gawa ito nang pagkabagok ng ulo niya. Pero oobserbahan pa natin siya… Isang tama sa balikat ang natamo niya at naoperahan na rin ito.” paliwanag ng duktor.

“Di ba may tama din siya sa dibdib dok…? Kitang-kita ko kasi ang pagtama ng bala sa dibdib niya.” ang pagklaro ko sa nasaksihan ko kay kuya Rom bago siya bumagsak sa sahig na siya kong ikinatakot na baka ang tamang iyon sa dibdib ang kikitil sa buhay niya.”

“Hindi tumagos sa dibdib niya ang balang iyon. Nasangga ito ng pendant na suot niya… Maswerte sa kanya ang kwentas na iyon. Kung hindi dahil doon, siguradong sa puso niya tatama ng balang iyon.”

Kinilabutan naman ako sa narinig. Sa kuwarto ko kasi nagbihis si kuya Rom bago kami lumabas at napansin ko na ang medalya na iyon na suot-suot niya. Ito kasi iyong gintong medalyang ipinagkaloob sa kanya ni papa noong matuwa ito sa pagkakaroon ni kuya Rom ng mga anak. Ang totoo, masamng-masama ang loob ko sa pagbibigay niyon sa kanya. Kasi, iyon daw ay namana pa niya sa kanunu-nunuan ng mga Igelsias. Tapos, kay kuya Rom ipinagkaloob samantalang ako naman ang tunay niyang anak. Nagtatampo ako, umiiyak kasi pakiramdam ko ay talagang wala nang pagmamahal at tiwala ang papa ko sa akin.

“Alam kaya ni papa na ito ang magligtas sa buhay ni kuya Rom? O sadyang ito lang talaga ang tinatawag nilang devine providence.” Ang naitanong ko sa sarili. Bumalik-balik tuloy sa isipan ko ang mg paalala sa akin ni mama kapag ganoong nagrereklamo ako sa mga gustong kamtin ngunit hindi ko makuha. “May mga bagay na sadyang hindi nakalaan para sa atin. May mga bagay din na kahit nakalaan sa atin ay sadyang hindi pa panahon para maging atin. At may mga bagay din na napupunta sa ibang tao dahil sa mas kailangan nila ito kaysa sa atin. Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan kung bakit nandyan at bakit napupunta o hindi napupunta sa atin. Ang mahalaga ay dapat masaya tayo sa kung ano man ang ipinagkaloob sa atin at matuto tayong pahalagahan at ma-appreciate ang mga ito… Huwg mo nang questionin ang papa mo kung bakit kay kuya Rom mo ibinigay ang pendant na iyon. Isang araw, masasabi mo na lang sa sariling, ‘tama lang pala na hindi napunta sa akin ang bagay na iyon’...”

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala na darating pa ang panahon na masasabi ko iyong sinabi ni mama. Ang alam ko kasi, unfair talaga si papa; mas mahal niya si kuya Rom at bilib na bilib siya dito. Iyon ang dahilan kung bakit niya ibinigay ito kay kuya Rom. Kinimkim ko ang sama ng loob kong iyon.

Ngunit sa sinabi ng duktor na ang medalyang iyon pa pala ang sumangga sa balang sa puso sana ni kuya Rom tatama, doon ko napagtanto ang pagkamakasarili ko at pagkamababaw ng aking pag-iisip. Hindi ko inakala na hahantong pala sa ganoong pangyayari kung saan ang medalyang iyon ang siyang magligtas sa kanyang buhay.

“I-ibig sabihin dok, ligtas na si kuya Rom kahit na unconcious pa rin siya?” ang dugtong kong tanong sa duktor.

“Ligtas na nga ang buhay niya ngunit maselan pa rin ang kanyang kalagayan. Malamang na nagdulot ng problema ang pagkabagok ng ulo niya sa semento na siyang naging dahilan ng kanyang pagka-unconscious. Kung hindi pa siya magising hanggang bukas, malamang na nagkaroon nga ng problema. Ang tanging magagawa natin ay hintayin ang resulta ng CT scan…”

Lungkot na lungkot ako sa narinig na pahayag ng duktor. At ang nagawa ko na lang ay umiyak. Niyakap ako ni kuya Paul Jake. “Huwag tayong mawalan ng pag-asa tol… ipaglaban ni Romwel ang buhay niya.” ang pag-encourage sa akin ni kuya Paul Jake.

Dahil nasa operating room pa si kuya Rom at hindi pa kami pinayagang makita siya, inihatid muna namin si Noel sa kanyang ward.

“Tol… ligtas ka na. At bukas daw ay pwede ka nang makalabas dito sabi ng duktor. Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko ha? Buti a lang at sa braso ka lang natamaan” ang sabi ko kay Noel noong mailipat na ito sa kama. Hinaplos-haplos ko ang mukha niya.

“Ok lang iyon kuya. Gagawin ko pa rin iyon kapag may nagtangka sa buhay mo”

“Ay… huwag mo nang gawin iyon! Hindi puwede. Paano kung mamatay ka?”

“E, ganoon din naman kuya kung hindi mo po ako pinulot sa kalsada… patay na rin po ako ngayon.”

Ramdam kong may sumundot naman sa puso ko sa sinabing iyon ni Noel. Niyakap ko na lang siya at hinalikan sa pisngi. “Hmmm. Ambait talaga ng utol ko. At matalino pa. Mwah!”

Maya-maya dumating naman si mama, hindi magkamayaw sa pag-alala sa nangyari. Niyakap ko siya at dun na humagulgol, humugot ng lakas sa kanya.

Kinabukasan, lumabas ang resulta ng CT scan at nakita ang crack sa bungo ni kuya Rom. May blood clot daw at kailangan ang agarang operasyon na isinagawa naman kaagad.

Naging successful ang opersayon bagamat nanatiIi pa ring unconscoius si kuya Rom. Sabi ng mga duktor, oobserbahan lang ang kanyang kalagayan at may chance naman daw na manumbalik pa ang kanyang malay. Yun nga lang, kung sakaling manumbalik ang kanyangmalay, may posibilidad din na magkaroon ng epekto ito sa normal na mga functions ng kanyang katawan.

Malungkot kaming lahat sa nangyari. Ilang araw at ilang gabi rin akong nagbantay kay kuya Rom. Galing sa school diretso ako sa ward niya at doon na rin natutulog, doon kumakain. Kahit na hindi niya ako narinig o naramdamn, ibinigay ko ang lahat ng suporta sa kanya. Habang pinagmamasdan ko siyang walang malay na tila nahihimbing lang sa pagtulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Bumabalik-balik ang mga eksena kung saana masayang-masaya kaming dalawa, ang unang pagtatagpo namin sa volleyball court ng eskwelahan pinapasukan namin, ang pagsasali namin sa mga liga kung san siya ang bantay at bodyguard ko, ang pagsagip niya sa akin noong nalunod ako sa ilog. Naalala ko rin ang pagbigay niya sa akin sa singsing na minana pa niya sa papa niya, sa pagbibigay niya sa akin ng kung anu-anong bagay at mga alaala, ang pagluluto niya sa paborito kong pagkain, ang pang-aasar niya, ang paglalambing, ang pagpaparaya kapag may hiniling ako kahit nahihirapan pa siya, ang pagtapon ko sa singsing niya sa ilog at halos malagutan na siya ng hininga sa pagsisid noon at pagkatapos ay ibinigay niya uli sa akin… Hindi pa ako handa na mawala ang lahat ng iyon. Hindi ko kaya...

“K-kuya… kung naririnig mo man ako, mahal na mahal kita. Huwag kang bumitiw kuya. Kasi sabi mo sa akin, huwag akong bibitiw sa iyo eh. Sana ikaw ganoon din sa akin. Hindi ko kayang mawala ka kuya. Please kuya, lumaban ka.” Ang mga salitang pabalik-balik kong ibibubulong sa tenga niya.

Dinala ko na rin ang lahat ng mga ala-ala na ibinigay niya sa akin – ang singsing na isinuot ko na, ang gold bracelet, ang kumpol ng mga rosas na isa-isa kong ipini-preserve, ang mga litrato namin… lahat.

Naglagay din ako ng malaking streamer sa loob ng ward niya na ang nakasulat ay, “Kuya… Welcome Back!” at may maraming iba’t-ibang kulay na mga baloons at yellow ribbons, na nangangahulugang naghintay ako at hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya.

Kung titingnan ang loob ng ward ni kuya, mistulang may welcome party ito, ang saya-sayang tingnan. Pilit kong ipinakita sa mga taong malakas ang kutob kong babalik pa rin ang malay ni kuya, na hindi ako mabibigo sa paghihintay sa kanya.

Ngunit, isang kabaliktaran ito sa tunay na pangyayari. Hindi pa rin nagising si kuya.

Alam ko, nahahabag na sa akin ang mama ko at mga kaibigan namin kuya Rom. Habang tumatagal kasi, naramdaman kong unti-unti na ring nawalan sila ng pag-asa.

Patuloy pa rin ang pag-usad ng araw at mistulang walang pagbabago sa kalagayan ni kuya Rom. Ngunit nanatiling matatag ako, hindi pa rin nawalan ng pag-asa.

At bagamat hindi ako sigurado kung maririnig niya, pabalik-balik kong ipantugtug ang paborito naming kanta na lalo namang nagpatindi sa pangungulila ko. Kahit nagka-crack ang boses ko sa pag-iiyak, sinasabayan ko pa rin ang pagkanta sa paborito naming kanta kagaya ng ginagawa naming dalawa palagi sa kwarto ko.

“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me

There were times I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I never let you go and slip away
Had enough reasons for you to stay

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling out your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home... back to me

Sleepless nights 'cuz you're not here by my side
Cold as ice I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling our your name)
'Cuz I'm barely hanging on

Baby you need to come home back to me...”

Sa bawat tugtog ng kanta na iyon, sumiksik sa isipan kong sadya talagang mapaglaro ang tadhana. Ang bawat kataga kasi ng noon ay may dalang mensaheng halos tugma sa aming kalagayan. Kagaya ng binanggit sa kanta, nagmamakaawa akong sana ay bumalik na ang kuya ko sa akin, inaasam na maramdaman niya ako, na marinig niya ang aking panaghoy; ang pagtawag ko sa kanyang pangalan…

Isang araw, dalawang araw, tatlo, apat, lima… isang linggo. Wala pa ring pagbabago sa kalagayanni kuya Rom.

“Josh, anak… turuan mo ang sariling tanggapin na ang katotohan… at ang maaaring mas higit pang masakit na maaaring darating pa.” payo sa akin ng mama ko.

Ngunit hindi ako natinag. “Ma… habang buhay pa si kuya Rom, hindi ako nawawalan na pag-asa ma!” Ang padabog kong sabi. “Kasi po, hindi ko malimutan ang huli niyang sinabi sa akin na kahit na anong mangyari, huwag akong bibitiw dahil hindi rin daw siya bibitiw ma… Nangako siya sa akin ma, at nangako din ako sa kanya! Kaya, hindi maaaring mawalan ako ng pag-asa. Alam ko, nand’yn lang siya. Alam ko, nakikinig siya sa akin ma…”

Hindi na magawang magsalita pa ni mama. Alam ko, nabalisa na rin siya sa kalagayan ko.

“Alam mo kuya, naintindihan kita…” ang wika naman ni Noel na noon ay isang maliit na bandage na lang ang nakatakip sa unti-unti nang gumaling niyang sugat.

“Buti ka pa tol… naintindihan mo ako.”

“Kasi… noong malapit nang mamatay ang inay, ganyan ang naramdaman ko.”

“Ngunit hindi mamatay ang kuya Rom tol. Alam ko, hindi niya tayo iiwanan…” ang pagtutol ko naman sa pagkumpara niya sa kalagayan ni kuya Rom sa nangyari sa kanyang nanay.

“Mahal mo si kuya Rom?”

Tumango lang ako.

“Mahal ko rin si kuya Rom e…” Ang puno ng kainosentehang sabi ni Noel. “Alam mo kuya, sabi sa akin ni kuya Rom sa airport noong inihatid namin siya papuntang Canada, na mahal na mahal ka raw niya at palagi daw kitang babantayan, at alagaan. Kaya noong nakita kong babarilin ka na doon sa bodega, tinakpan kita kasi ayokong mabaril ka at naalala ko rin ang sabi ni kuya sa akin. Atsaka Iglesias na raw ako kaya dapat matatag din ako at matapang katulad niya.”

Napaiyak na naman ako sa narinig. Niyakap ko na lang si Noel. “Oo, Iglesias ka tol, na kaya palagi nating tandaan ang mga sinabi ni kuya Rom sa atin ha?”

Ewan, pero sa dinaanan kong hirap, tanging ang pangako ni kuya Rom at ang mga naririnig kong kwento tungkol sa kanya na lang ang nagpaptibay ng loob ko. “Hindi ako bibitiw kuya dahil iyan ang pangako natin sa isa’t-isa” ang palagi kong ibinubulong sa kanya.

Dahil dito, natuto din akong manalangin ng taimtim sa kanya sa taas. Alas dose palagi ng hatinggabi ako nagpupunta sa kapilya ng ospital at nanalangin.

“Lord, pasensya na po kayo dahil minsan, nalilimutan kita at minsan din, nagtatampo sa ibinigay mong klase ng pagkatao ko. Inaamin ko naman, hindi ako naging mabait na tao. Marami akong pagkakasala, marami akong pagkukulang… Subalit, marami din po akong masasakit na dinadanas sa buhay na ibinigay ninyo. At ikaw lang ang bukod tanging nakakaalam sa lahat ng hirap at sakit na naranasan ko sa buhay. Simula noong marealize ko ang kakaibang naramdaman ko, sobrang sakit na ng kalooban ko na nahirapan akong tanggapin ito. Muntik na akong mawalan ng pag-asa. Muntik na akong magpakamatay sa nalalamang ganitong klase ang pagkatao ko. Ngunit ibinigay mo sa akin si kuya Rom. Sa kanya tumibok ang puso ko. Hindi ko ginusto ang lahat. Bagamat marami din akong pinagdaanang hirap sa kanya at maraming beses din akong nagreklamo at nasaktan sa relasyon namin, ngunit ngayon ko po narealize na hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko. Handa kong isakripisyo ang lahat, mabuhay lamang si kuya Rom ko. Kahit ano po ang ibibigay ninyong kapalit, tatanggapin ko, manumbalik lang po ang malay niya. Kahit anong hirap pa po ang kabayarang ipataw mo, intindihin ko po at tatanggapin. Kahit buhay ko po, handa kong ialay para sa kanya. Mahal na mahal ko po siya. Kahit ako na lang po ang kunin mo, maintindihan ko po. Kasi, kahit mabuhay man ako ngunit kunin mo ang taong minahal ko, gugustuhin ko na rin pong mamatay. Ayaw ko po sa klase ng pagkatao na na ibinigay ninyo sa akin. Mahirap po kasi, marami pong balakid sa pag-ibig. Hindi ko kayang magkunyari, hindi ko kayang harapin ang mga pangungutya. Ngunit kinaya ko po ang lahat, tinanggap bagamat masakit at mahirap. Ito po ay dahil sa kanya – kay kuya Rom. Kung mawawala po siya sa akin, hindi ko po alam kung paano mabuhay. Sana ay huwag mo siyang ipagkait sa akin panginoon. Kinuha niyo na po ang papa ko. Sana, huwag po ninyong kunin si kuya Rom sa akin…”

Natapos na akong magdasal noon at bumalik na sa ward ni kuya. Pnasin kong nagkagulo ang mga nurse at duktor na nagmamadaling pumasok sa ward ni kuya.

Matinding kaba ang bumalot sa buong pagkatao. At namalayan ko na lang ang sariling nagtatakbo din sumugod sa ward. Noong nasa loob na ako, narinig ko naman ang sigaw ni Noel, “Kuya Rommmmm!!! Kuya Rommmmm! Huwag mo kaming iwan kuya Rom!!!”

Tiningnan ko ang mga appratus sa at huminto na ang mga ito. Ang monitor ng graph na may tumataas-baba pang mga linya ay deretsong linya na lang ang nakikita. Pinindot pala ni Noel ang distress button ng ospital noong mapansin ang mga monitor na hindi na humihinga si kuya Rom.

Dali-daling ni-revive ng mga duktor ang paghinga ni kuya. Tinanggal ang damit niya sa kanyang dibdib at biglang inilapat doon ang de-koryenteng metal. Mistulang tumalbog ang katawan ni kuya sa pagdiin niyon. Tiningnan ng mga dukto ang monitor kung nanumbalik ba ang pintig ng puso ni Kuya.

Ngunit wala pa rin.

Idiniin ulit ang mga aparatong iyon sa kanyang dibdib.

Wala pa rin.

Hanggang sa ang nakita ko ay ang pag-iling na ng duktor, tiningnan ako at buong lungkot ang boses na nagsalita, “I’m sorry. He’s dead...”

“Kuuuuuuuuuuuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!” ang salitang umalingawngaw sa buong ospital.

(Itutuloy)

41 comments:

  1. no shet!! no no no!!!! im crying na!!!!!!!!!!!!!! fuck!

    ReplyDelete
  2. Tang ina!! I've been crying for hours na.. Hehehe ganun? Pptayin tlga?? Kala q pa nmn kaya ngkagulo kc ngkamalay naxa..

    Hmmm..i think me mirakol nyan.. Mabubuhay yan bgla?? or pde rn ngmalfunction lng ang machine?? Or me kable lng na natanggal.. Tnt..

    Wag mo nmn ptyin c kua rom kua mike!
    Huhuhu.. No no no please! I cant tolerate another story na mamamatay nnmn ung bida.. Wtf?! Ahihi

    anyways.. Nice 1 kua mike! worth the wait! Kaso bitin again.. tc lagi! :D

    ←♥ cielo ♥ primo ♥ nikko ♥ bladez ♥--<

    ReplyDelete
  3. rayven say:
    weee patay na c rom... hmmm bka pareho end nito ibang story b4.. lamayan end.....tnt!

    ReplyDelete
  4. Kuya bakit ganun? Ganun nalang ba lagi ang mangyayari? Lagi nalang po bang sad ending? HIndi mo po ba kami pag bibigyan? Please kuya pag bigyan mo na ang hiling namin. Ayaw na po namin ng may namamatay. Kung may dapat mamatay ay si kris nalang po. Pano ang mga anak nya? Pano tayong magkapatid? Hahayaan mo nalang bang iwanan tayo ni Kuya Rom? Please kuya. Minsan lang ako mag paramdam pero please pag bigyan mo hiling ko. BUHAYIN MO SI KUYA ROM!

    ReplyDelete
  5. hindi naman siguro mamamatay si kuya rom!

    palagay ko pakulo lang yan ni kuya rom... ang magpatay-patayan... pero ang totoo, may malay na sya! hahahahahaha

    kuya mike, wag mo naman patayin si kuya rom... pero malakas ang pakiramdam ko na, pinasasabik mo lang kami.

    sana mapost agad yung last chapter!

    thanks kuya mike!

    ReplyDelete
  6. kakaloka ka yalaga kuya mike....galing mong mangbitin lol...pero worth it namn...keep it up!!!!!

    ReplyDelete
  7. Well,kung mabubuhay din naman at isa sa mga magiging complications ay "impotency". Di bale na mamatay nalang. he he he!

    ReplyDelete
  8. huhuhuhu nakakaiyak pero alam ko mabubuhay pa si kuya rom! basta kailangan nyang mabuhay! kung hindi magproprotesta ako hahahaha....daucus grabe ka hahahhaa ok lng khit na maging inpotent si kuya rom! hahha...troy!

    ReplyDelete
  9. kadrama naman sad uy kuya. hehehhehe

    ReplyDelete
  10. mamatay si kuya rom pati si bunso
    pero sa kabilang life sila mag sasama ng napakasaya... tapos makikita nila ang dady ni bunso at paghihiwalayin ulit sila
    hahahah

    ReplyDelete
  11. huhuhuhu... ano ka ba kuya mike... tragic na naman ba ang ending nito???

    huhuhu... namaga ang mata ko kakaiyak sa iba mong kwento... pati ba naman 'to...???

    anyways... looking forward sa ending ng story itong.... after nun, baka magpacheck-up ako... may sakit na ata ako sa puso kakabasa ng mga stories na likha mo...

    t.c. kuya...

    ReplyDelete
  12. mamatay si kuya rom pero mag reincrnate at kahit malaki na ang age gap nila, muli pa rin nilang ipagpatuloy ang kanilang naunsyaming love story... lol!

    ReplyDelete
  13. Kuya Mike, wag kang ganyan..... buhayin mo siya..... Kuya Mike.... please.... wala akong paki kung magmumukhang imposible, pero marami na pong nangyayaring milagro.... buhayin mo siya.... ikaw ang nagpapaandar ng kwento.... Mabubuhay siya....

    Huwag ka nang ganyan Kuya Mike, buhayin mo siya... huwag kang uulit ng kahit anong ending o story line na nagawa mo na dati sa mga kwento mo dito.... magsasawa ang mga tao... mula una pare-parehas ang takbo... ngayon, please, buhayin mo siya.....

    Sa isang halik... pwede yan mabuhay...

    ReplyDelete
  14. Maganda pagkakagawa kaso para sakin panget ang naging story. bkit may mamamatay? hndi pwdng mamatay si kuya rom. ayoko!! hehe. pero cyempre mabubuhay yan cguro sa pangatlong pagkuryente magkakamalay na si kuya rom. teka s part 30 n daw ang last, sana masbi na ni kuya rom kung anu man ang hiniling nya kay daddy, kung anu nangyari kay paul jake, bkt hnd cya nbaril? haha. joke. at sana happy ending naman kc talamak na ung sad ending. wag un. kuya mike salamat sa isang npakagandang kwentong ibinahagi mu sa amin, tumatak sa aming mga isip at puso. m0re powers! hehe. nagustuhan q dn 2loi ang back to me by cueshe.. ska maganda din ang tol, i love u with matching theme song pa na lucky by jason mraz ft colbie callait. pwdng pang indie films ung mga kwento, tyak blockbuster! sna maganda maging ending

    ReplyDelete
  15. waaaaaaaaah,,,,i hate the endin of the story...ammf...tlga...sana mabuhay si kuya rom..amfff...ito ata ang bunga ng poll ni kuya mike..waaaah,,,,grabe,,,


    tsk....

    ReplyDelete
  16. haha natawa nmn ako sa comment ni x4nthz.

    @story: waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! kuya mikesnesss.... may 2 part na nmn ba ang ending? XD isang happy isang sad? XD

    WTF deds si rom XD

    ReplyDelete
  17. ahahha.. ang ganda ng storya.. di na uso ang happily ever after.

    mabuhay ang tragic stories.. ahehhe
    pa post na po yung next.. TC

    ReplyDelete
  18. Kuya Mike...
    babaha ng luha dito sa blog mo pag tinuloy mo na ang kamatayan ni Kuya Rom.. ahahaha.. okay lng yan.. magpapa-misa na lang ako.. sa'n po ba ang burol ni kuya Rom? ahehehe..

    Ang galing mo kuya Mike..
    payakap nman.. ahehehe.. ingat!
    ;)

    ReplyDelete
  19. Sir Mike, i'm one of those who voted fo Rom to die. Hahaha! Great part of the story yun e. :) Interesting na pangyayari. Its sad, but its life. And how you mirror life di ba? It is at times fun and at times sad and tragic. :)

    Im super intrigued on how you will make us happy, cry or laugh on the next chapter! Endings of a story is only sad cause there will not be a continuation. :) Great job as usual Sir Mike. :)

    ReplyDelete
  20. @UnbreakableJ...
    ah isa ka pala sa mga nagvote na mamatay si kuya rom ha, papatayin kita.... hahha joke..
    kuya mike wag naman tragedy uli... masaya naman... katawa comment ni x4nthz... hahah kala nya? fairy story??/ hahah pero nice one...heheh
    -Kielex

    ReplyDelete
  21. Hayyyssstttt!

    Matatapos na ang kwento :-(

    sad, di ko na makikita si kuya rom :-(

    Marami ang nagrequest na buhayin ko daw si kuya Rom at ang maisasagot ko lang dito ay...

    hay naku! paano ba sya buhayin? e sinabi na ngang patay na eh... lol!

    basta abangan na lang po! may twists pa po towards the end...

    Ingat po sa lahat.

    Oppssss! si NEWBIE ang gumagawa ng paraan upang mapaganda ang MSOB. Palakpakan naman jan!!! At kapag nag EB tayo, bigyan natin si newbie ng kiss ha??? lahat ay ki-kiss sa kanya, sa lips. lol!

    ReplyDelete
  22. haiz! bakit ganun? pwede naman siya hindi mamatay na sad ending eh! kasi kung siya nagpapatay patayan lang, matutuluyan yan kung dinefib siya! bakit ganun? ang sad! huhuhu :'(

    nwei, if mamatay si rom, life must go on..... let's wait for the twist, sana lang maipost na agad ni mike! hehehe

    pero sad ako! sad talaga!

    ReplyDelete
  23. Waaahhhh!!!!!!

    bakit ganun?!?!?

    kuya mike tama na po ang TRAGIC ENDING!!!
    utang na loob BUHAYIN MO SI KUYA ROM!!
    hehehehe.. =))

    - White_Pal

    ReplyDelete
  24. Dalhin nyo ako sa ospital!!!.... Can't breathe! Ang sakit kasi ng ending...

    ReplyDelete
  25. kuya mike wag mong papatayin si kuya rom kung hindi ikaw ang hahanapin ko dyan sa saudi.....
    hahahahaha
    at wag mo ring gawing dalawang ending dahil ayoko ng bad ending kung hindi hahanapin ulit kita!!!!!!

    ReplyDelete
  26. everyday i read this post, hoping na sana nagkamali lang ako ng tingin.. haay.. kua wag niu po cyang patayin.. please..:(

    ReplyDelete
  27. habang may buhay, may pag-asa....

    Huwagmawalan ng pag asa kay kuya rom.

    ReplyDelete
  28. Sadness...

    Kuya Mike naman eh...

    Wah... Parang kailan lang nang mamatay si Sir James. Ngayon, si Kuya Rom naman...

    :(

    ReplyDelete
  29. pls wag nman papatayin su kuya rom...mamaya mabubuhay nga c kuya rom wala nmang naalala..haay..dpat hapi ending PLSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS??????????dhil sa kwentong itO nawili ako magbasa p ng ibang kwento...

    ReplyDelete
  30. Hahaha! Medyo parang nag-iba ang klase ng panunulat ni kuya Mike. Parang hindi katulad ng mga past story. Parang nag-iba yung style (obserbasyon lang po--maaring mali, maaring tama--hehehe). Uhm, base sa mga nabasa kong kwentong pinost ni kuya Mike, parang mamatay si Kuya Rom. Bakit? Eh papano naman kasi di ba si kuya Rom ay si Dennis nga ba...(nakalimutan ko na yung pangalan--yung isa sa mga tauhan sa kwentong may kinalaman sa "Alarm")At lately(dunno the latest), eh not in good terms sila ni Kuya Mike? Kung sa ngayon eh ok na silang dalawa ni kuya Mike, possibleng may happy ending... Anyway, bahala na si kuya Mike kung paano niya tatapusin o ipagpapatuloy ang relasyon nila, este and istorya... Peace Kuya Mike!

    Note: Based lang po sa own perception. I may be wrong.

    ReplyDelete
  31. haayyss..matatapos na yung favorite story ko ni kuya mike..

    inaabangan ko talaga to at pinagpupuyatan..lalo na nung lumabas ako bilang isa sa mga bagong characters,,hehehe


    SANA MAGKAROON TAYO NG CHANCE KUYA NA MAGKITA


    ang lungkot.lungkot..but we should be smiling at everyhting..hehhehehehe


    more power sa MSOB



    truly yours,



    noel :D

    ReplyDelete
  32. Kuya mike ang galing ng story! inaabangan ko talaga... vote din ako na papatayin si kuya rom at si paul jake ang makakatuloyan ni bunso.... saka panu si shane at yun anak ng tauhan nila bunso sa bukid nila?

    ReplyDelete
  33. kuya mike, thanks sa pag-greet mo sa akin ha. saka dun din sa payo mo sa akin dun po sa email mo. ok ka talaga kuya mike.

    sa story naman po, nakakalungkot talaga kung mawawala si kuya rom. kasi di ba ang dami na nila pinagdaanan ni jason. and in the end, magkakahiwalay pa rin sila. marami kaya nag-expect na magiging masaya silang dalawa. kung ako nga lang ang sana ang masusunod, tutal nasa picture pa si noel, sya pala ang magiging susi sa pagsasamang muli ni bunso at kuya romwel. dahil sa pagiging mabait ni jason, si noel pala ay ang kanyang guardian angel and magiging parang si Santino at bibigyan ng second chance mabuhay si kuya romwel. at after mabuhay ni kuya romwel, magba-byebye naman si noel dahil hinahanap na sya sa heaven. so, magiging happy naman si jason at kuya romwel at magsasama ng matagal hanggang sa kanilang pagtanda.

    kuya mike kasi, kahit hindi realistic, buhayin mo na si kuya romwel. sobrang laki ng effect nito sa mga readers at followers ng blog mo. imagine, 200+ na kami ha. at saka kahit sa story lang, magiging masaya sa piling nating lahat si kuya romwel, lalo na sa part mo. hehehe.

    thanks again kuya mike. more power

    ReplyDelete
  34. Hey MikeyBoy,

    ayus, kung saan saan na napunta, mga twists ng story hehehe,

    Parang alam ko na rin mapupunta ang ending .nito

    Dedz pa rin si kuya Rom hehehe

    talagang ganyan ang life, :P

    ReplyDelete
  35. antagal naman ng ending... excited na ako sa kahihitnan ng love story nina jason at romwel..

    haaayyy kaadek ang kwentong to... sobra!!!!!!!!

    buti na lang nirecommend saken to ni whitepal at troy09


    bigbro09 of PEX

    ReplyDelete
  36. Wow sana isapelikula yan ang galing ng pagkagawa,, cguradong patok yan sa international awards

    ReplyDelete
  37. grbe ,, ang ganda ng story ..
    ang daming mga suspense at drama ..
    kaya lng nkakalungkot ung sa bandang huli na kc alam ko na matatapos na yong story ... hmmpt..

    ReplyDelete
  38. nakaabot na ako sa chapter na to, please kahit itong story lang na to, buhayin nman sana ang mga bida,,pag namatay na naman to, hindi ko na alm pannu ko babasahin ang iba pang story,,huhu lagi na lang ako umiiyak..=(

    ReplyDelete
  39. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails