By: Michael Santos
Notes from MSOB:
Ang kuwentong ito ay kusang ibinahagi ng isa sa mga followers ng MSOB na tawagin na lang natin sa pangalang Michael Santos (MS)
Habang ginagawa ko pa ang Part 27 ng AKKCNB, naisipan kong i-post muna ang akda ni "MS". Basahin po ninyo, makakarealate po ang marami sa atin. Kung ikaw ay isang taong "itinatago" ang sarili at ang tunay na naramdaman para sa isang kapwa, masasalamin mo ang sarili mo sa kuwentong ito.
Maraming salamat kay Michael Santos...
Comments and feedback sa gawa ni "MS" are appreciated. Sana i-encourage pa natin ang mga katulad ni "MS" na willing na magsulat at magbahagi ng kanyang talento upang lalo pa niyang mapa-improve ang sarili, at maengganyong magsulat.
Bati portion:
Binabati ko ang mga chatters for the last few days: agua, july, taga cebu, daucus, junius (sorry na bunso please...), aran, just, eric, gerald, whitepal, at sa ibang hindi ko nabanggit...
Binabati ko rin ang mga commenters sa lat three posts: whitepal, jockolong, unbreakablej, daucus, siopao, gillian, gboi, jess sanchez, just, mr. romantico, matt, lanzdiaz, junie, roy, and dreimie.
Binabati ko rin ang 178 ko nang mga followers. Yeheeyyy! :-)
-Mikejuha-
-------------------------------
Chapter 1: Part 1
Ang pag-ibig daw ay walang pinipiling lugar, edad, kasarian at pangyayari. Eh pano kung ang lahat ng ito ay kabaligtaran ng nangyari sayo. Nanaisin mo pa bang ipagpatuloy ang sugal o isasantabi nalang ang nararamdaman para sa ikabubuti at ikatatahimik ng kalooban ng bawat isa kahit alam mong nasasaktan kana? Ilan lang yan sa mga katanungang bumagabag sa isipan at kalooban ni mike sa halos 4 na taong pagkakaibigan nila ni steve alam nya noon pa na mahal na nya si steve higit pa sa pagkakaibigan ngunit lagi syang inuunahan ng hiya, kaba at takot na mawala ang ilang taon nilang pagkakaibigan. Alam nyang imposible ang kanyang pangarap pero hanggang pangarap nalang ba at tanging sa mga nobela nalang ba matatagpuan ni mike ang ganoong realidad?
-o-
ako si mike mag 19 na sa susunod na buwan. Noon palang ay namulat na ako sa kakaibang sitwasyon ng aking pagkatao. Nandyan ang ma attract ako sa kapwa ko kalarong lalaki, ang magkaroon ng mga crush at higit sa lahat ang magkaroon ng minamahal sa di normal na estado.
Si steve kaibigan ko simula ng highschool palabiro, masarap kasama, chickboy (alam ko pede sa chicks hindi lang ako sigurado sa boy hehehe) at medyo may pag ka emo pag nabibigo. Halos wala na kaming maitago sa bawat isa. Nagsasabihan ng mga problema lihim at kung ano ano pa maliban sa sekreto kong pinagkakatago. Mahilig kaming tumambay sa kanila manonood ng kung ano ano palabas, maglalaro ng baraha at kung ano ano pa. Kilala narin ako sa kanila at naging malapit narin ako sa kanila minsan kalaro ko yung isa nyang kapatid na si drew isang taon lang ang agwat nila pero mas matangkad si drew kesa kay steve kaya minsan napagkakamalang mas matanda si drew kesa kay steve. Palibhasa dalawang anak lang ay sunod sa luho ang dalawa na sya naming minsan ko ring kinaiinggitan pero ayos naman ang estado ng buhay naming sapat lang para sa aming tatlo. Kahit nag iisa akong anak ay hindi ako minulat ng mga magulang ko sa mga makikinang na bagay kaya lumaki ako sa simple at payak na pamumuhay.
Sa subdivision na aking tinitirhan ay may isang malaking puno na tapat ng isang lawa. Iyon na yata ang naging sangtuaryo ko sa mga panahong malungkot, nag iisa at gustong mapag isip. Napaka ganda ng paligid na napapalamutian ng mga luntiang dahon, napakasarap ng hangin at tanging lagaslas lang ng tubig ang iyong maririnig kasabay ng mga ibong malayang lumilipad sa malawak at bughaw na himpapawirin. Sa lagi kong pag upo doon sa punong iyon ay tila naging kadugtong na ng ugat ko ang bawat himay ng puno na nagsisilbing lilim ko. Ng maging kaibigan ko na si steve ay dinala ko sya roon at isang manghang ekspreyon lang ang napinta sa kanyang mukha
“ohhh steve nakita mo na diba sabi ko sayo maganda…….dito ako lagi tumatambay pag may problema o kaya may iniisip o gusto lang mag relax”
“oo nga ehhhh mike ang ganda dito nakakarelax ang ganda pagmasdan ng paligid”
“ano steve gusto mo ligo tayo?”
“huh…..ehh hindi kasi ako marunong lumangoy hehehehe” ang medyo nahihiyang wika ni steve sakin
“tange ang babaw lang nyan hindi nga aabot sa leeg mo yan ehhhh”
“ehhhh basta next time nalang mike ayokong maligo ngaun saka kaliligo ko lang”
“ahhh basta tara ligo na tayo” sabay ngisi ko ng pagkapilyo pilyo sabay higit sa kanya papunta sa lawa. Tawa ako ng tawa sa reaksyon nya ng mabasa na ang pantalon tila basang sisiw na hindi maintindihan ang mukha
“loko ka talaga mike binasa pati pantalon ko pano ako uuwi nyan”
“hahahahahaha basta samin ka nalang magpalit hahhahahaha” ang daredaretso kong tawa sa kaniya
“sige pagtawanan mo ko pag nahuli kita lulunurin talaga kita” sabay takbo papunta sakin dahil nasa tubig kami nahihirapan akong tumakbo kaya panay nalang ang saboy ko ng tubig sa mukha nya para mapigilan sya sa pagtakbo.
Wala kaming ginawa nun kundi magharutan at magtawanan iyon na yata ang isa sa mga masasayang araw sa aking buhay hanggang sa mapansin naming magtatakip silim na pala kaya minabuti na naming umahon dahil sa kaunti lang naman ang tao at ilang bloke lang ang layo ng bahay nmin doon ay agad kaming nakarating sa amin.
“ohhhh bkit basang basa kau mike sino sya at saan kayo galling?” ang sunod sunod na usisa ng nanay ko
“dyan lang nay sa may lawa…..sya nga pala nanay si steve kaibigan ko
“naku anak basaing basa ka pasensya kana sa anak ko naku kaw talaga mike……sige magbabasta lang ako ng hapunan anak ditto kana sa amin maghapunan ha tapos pahiramin mo nalang mike ng pantalon at t shirt mo dun bilisan nyo magbanlaw na kayo baka mapulmonya pa kayong dalawa……nak nandyan ung mga tuwalya haa” ang mahabang litanya ng nanay ko
“ok lng po…..sanay na ako sa kakulitan ng anak nyo po hehehhehe” ang wikang biro ni steve sa nanay ko
“ay naku steve tara na baka kung ano masabi mo dyan” sabay aya ko papunta ng kwarto ko.
Pagpasok at pagpasok namin sa kwarto ko ay hinubad ni steve agad ang kanyang tshirt at pantaloon “hooy anong gingwa mo dyan?” ang gulat kong tanong kay steve na nasa akmang huhubarin na ang pantaloon
“bakit maghuhubad gusto mo ba akong matuyuan?”
“hindi naman kaya lang ginawa ang banyo namin para doon gawin yan” ang sarkastiko kong sagot sa kanya
“ehhh magkakalat pa ako ng basa ehhh kaya dito ko nalang huhubarin parehas naman tayong lalaki ehhhh”
at wala akong naging tutol sa kanyang sinabi pero tila may kuryenteng dumaloy sa aking mga kaugatan ng magumpisa ng maghubad si steve. Hindi ko maipaliwanag pero ayokong mahalata nya na parang tensyonado ako sa pagkakataong iyon kaya pumasok nalang ako sa banyo at huminga ng malalim makalipas ang ilang minuto roon ay kumatok si steve “mike matagal ka pa ba dyan?”
“ahhh ehhh eto tapos na” laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay bumulaga sakin ang white bench brief nya na halos tumunaw sa akin dahil sa maala Adonis na pagkakalilok ng kanyang katawan na may butil butil pa ng tubig na nagpatingkad sa makinis nyang balat. Hindi ko alam kong ano ang naging reaksyon ng aking mukha ng mga panahong iyon dahil 1st time na nangyari sa akin iyon. Habang tensyonado akong napako sa kinatatayuan ko ay biglang nagbalik ang aking kaluluwa ng mag salita uli sya sa akin
“ano padadaanin mo ba ako o ditto narin ako magbibihis?”
“ahhh ehhh sorry sige na daan kana”
namutla ako sa sinabi nya hindi ko alam kung paano haharap sa kanya ng mga panahong iyon dahil baka nahalata nya ako. Habang nag hihintay sa kama ay patuloy ang pag kukuyakoy ko sa aking binti dahil sa nerbyos na nararamdaman. Maya maya pa ay lumabas na sya na agad ko naming sinigundahan para hindi mahalata
“steve tara na daw kakain na sunod ka nalang don haa”
“teka hindi mo ba ako iintayin….ang sama mo haaa hehhehehehe kasi naman nahihiya parin ako sa mama mo kaya intayin mo na ako”
kaya naman nag intay nalang ako at pagkatapos ay sabay kaming bumaba at kumain. Pagkatapos ng mahaba mahabang kwentuhan naming ay nagpaalam na si steve. Hinatid ko sya hanggang sa kanto at hinintay na mawala sa paningin ang sinasakyang jeep. Pagkauwi ko ay ibang ngiti ang bumihag sa aking mukha. Nung gabi ring yon ay hindi ako pinatulog ng paulit ulit na pagbalik ng mga eksena naming sa banyo hehehehe.
Nagpatuloy ang ganoong setup namin ni steve pag minsang wala syang kasama sa bahay kaming tatlo lang ng kanyang kapatid ang naroon at minsn ay nakikitulog roon at kung minsan namay sa bahay. Masaya pa ang mga lumipas na buwan sa aming dalawa hindi matutumbasan yon sa parte ko pero biglang darating sa eksena si jen EX girlfriend ni steve. Marami rami narin ang naikwento ni steve sakin tungkol kay jen doon ko napagtanto na talgang babae ang hanap nya at gustong makasma habang buhay ni steve. Kahit may sundot sa puso ko ay inilihim ko nalang iyon dahil sa mga panahong iyon ay hindi pa ako sigurado sa aking nararamdaman para kay steve.
Pero lumipas ang ilang linggo at napabalitang nagkabalikan sila. Hindi ko binigyang pansin yon dahil wala namang nababanggit sakin si steve tungkol doon hanggang sa isang araw. Habang nag aantay ako sa labas ng gate kay steve ay biglang may nang gulat sa akin kaya napabalikwas ako medyo nainis ako dun dahil ayoko sa lahat ng ginugulat ako. “ano ba!!!!!” ang mataas kong tono ng Makita si steve na panay ang tawa
“ay high blood?” ang panuksong wika ni steve sakin
“bata pa ako para dyan……saan ka ng galing kanina pa kita iniintay ditto ehhh”
“sorry naman……..may sinundo lang kasi ako”
“at sino naman?”
“si jen………” sabay lapit ng isang babae na maganda sa aming dalawa sabay abot ng softdrinks kay steve
“ay mike si jen girlfriend ko……..jen si mike best friend ko yan!!!!” pagmamalaking wika ni steve kay jen
“hi mike ikaw pala ung lagging kinukwento sakin nito….nice meeting you”
naguluhan, natuliro at nasaktan ako sa di malamang dahilan ng mga sandaling iyon kaya hindi ko na nagawa pang tumugon. Tila may gustong sumabog sa loob ko na hindi ko alam. Iniabot ko lang ang aking kamay sabay bitiw ng isang mapilit na ngiti. Naglalaro parin sa isip ko kung bakit inilihim sakin ni steve yon hanggang sa muling nagsalita si steve
“mike may sasabihin ako sayo mamaya haa”
“ano yon ngaun na kasi uuwi narin ako may lakad kami ni nanay ngaun ehhh”
“huh kala ko naman sasabay ka sa amin?”
“ahhhh hindi na steve next time nlng buong linggo na nga tayong magkasama ehhh hindi kaba nagsasawa? Saka may pupuntahan kami ni nanay ngaun importante lang”
“ahhhh ganun ba sige bukas pwede ka ba kain lang tayo dun sa may bagong karinderya na bukas sabi nila masarap daw mga pagkain don ehhh”
“sige sige try ko bukas…….sige una na ako sa inyo….steve, jen ingat nalang kayo” hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot at agad akong tumalikod. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko bakit ako nag kakaganito diba dapat masaya ako dahil masaya ang best friend ko pero bakit ganito nasasaktan ako. Iyon ang mga tanong na bumagabag sa aking isipan hanggang sa makarating ako sa bahay
“ohhhh ang aga mo yata ngaun?” tila pang aasar na wika ni nanay sakin
“nay tulog muna ako…….medyo pagod ako sa eskwelahan”
“ehhh hindi kaba muna kakain?”
“nay mamaya nalang……….pag may naghanap sakin sabhin nyo nalang na umalis” sabay pasok ko sa kwarto at higa.
Habang nasa gitna ako ng pag iisip at pagkalito ay biglang sumiksik sa akin ang mga tagpo ng pagpapakilala sa akin ni steve kay jen hanggang sa di ko namalayan na gumuguhit na pala ang mga luha sa aking mga mata. “wala ito……wala ito ……..wala ito” ang pilit kong isiniksik sa utak ko ng mga oras na iyon pero kahit ilang salita ang bigkasin ko ay pilit ko paring nararamdaman ang isang ugat sa puso ko na tila may kirot at dinarama.
“mahal nga siguro kita pero imposible….napaka imposible at hindi maaaring mangyari” ang bulong ko sa sarili habang patuoy ang pag patak ng aking mga luha sa aking kobre kama.
Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang bilis ng panahon. Sa pagdaan ng mga kubling araw na tila kay saya saya ko ay nagtatago ang isang anino. Anino na tila habang buhay kong dadalin. Ang araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan. Ganyan kabilis tumakbo ang oras sa aming tatlo.
Hanggang isang araw napilitan akong mag cutting class. Maghapon akong tumambay sa lilim ng aking sangtuaryo. Ninanamnam ang lamig ng paligid ang payapang tubig at ang hanging bumubulong sa aking isip. Isang mundo ang nabuo sa aking isipan ng mga panahong iyon. Isang mundong walang gabi o araw, isang mundong walang pagpatangis at isang mundong walang pagpapanggap. Napaka perpekto na ng nasa isipan kong iyon kasama ko sya nag sasaya, magkahawak ang kamay at malayang ginagawa ang nasa isipan ngunit ginising ako ng aking mga luha sa aking mumunting panaginip. “Heto nanaman ako sa realidad” ang bulong ko sa sarili. Wala akong gustong gawin noong oras na yon kundi padaluyin ang aking mga luha na nagtatangan ng isang damdaming hindi masabi at mabigkas.
“mahal na mahal kita pero masya ka na ehhh at alam kong hindi ako kasama sa mga pangarap mo……masya na ako sa ganito……….masyang lumuluha………masayang nagkukubli……..masayang minamahal ang sarili…….masya khit sa kakaunti pagmamahal ng isang kaibigan…………… pero mahal na siguro talga kita steve kung alam mo lang” at hindi ko napagilan ang paghagulgol sa hangin. Hanggang sa unti unti kong maramdamn ang isang taong papalapit sa akin.
“mike!!!!!! Sabi na nga ba ehhh nandito ka……..” ang nakangiti nyang bati sa akin kaya agad akong tumalikod at nagpunas ng mukha na halos malunod. Hanggang sa mapansin nya ang kakatpos ko lang na pag iyak
“mike bkit hindi ka pumasok kanina?.................umiiyak ka ba?..........mike may problema ba?” sunod sunod nyang tanong sakin
“huh!!! Ako umiiyak……..hindi nohhhh bkit ako iiyak” ang pilit kong kubli sa kanya
“hay naku mike ako pa paglilihiman mo……..tignan mo nga naka school uniform ka pa……..ano nga ang problema ?” ang malumanay na wika ni steve sabay tabi sa aking kinauupuan
“ahhh ehhh wala ito wag mo ng intindihin pa!!!!”
“ano nga mike sabhin mo na”
hindi ko na naitago pa ang mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak. Sa nais na maikubli ang totoong nararamdaman ay nagsinungaling nalang ako sa kanya
“kasi steve na busted ako……..alam ko mahal ko na sya at matagal na”
“ohhh bakit ngaun mo lang sinabi na may nililigawan ka na pala……ikaw huh naglilihim ka na sakin”
“hindi naman sa ganun kaya lang ayokong Makita mong nagkakaganito tignan mo nakita mo na ang kahinaan ko!!!”
“sus mike kaibigan mo ako naiintindihan kita ganyan din ako nun kay jen hindi mo lang alam kung ilang gabi ko rin syang iniyakan natural lang yan kapag nagmamahal ka mike tandaan mo yan………”
“pero mahal na mahal ko siya ehh steve hindi ko kayang mawala siya sakin” ang patuloy kung pagtangis sa aking kaibigan
“oo nga mike pero sa lahat ng bagay may tamang oras at panahon ok!!! Tama na yan hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak ng dahil lang sa isang babae…..tama nayan ok marami pa dyang babae na makapagbibigay sayo ng pagmamahal antayin mo lang wag hanapin kusang darating yan”
“tama ka steve siguro nga hindi kami para sa isat isa” ang medyo humuhupang wika ko sa kanya
“teka sino ba yang tinutukoy mong babae kilala ko ba?”
“ahhh ehhhh……hindi matagal ko ng kakilala yon……hindi mo rin kilala”
“ahhhh sige basta next time haa wag sasarilihin ang problema okey nandito lang ako at your service hehehehhee” ang patawang biro sakin ni steve na nagpagaang ng aking loob.
Humupa na ang tension ng puso at isipan ko. Napanatag kahit saglit na oras na pag uusap naming. Hindi ko na nagawa pang buksan ang topic na iyon kay steve dahil ayoko ng sariwain pa.
“ano ligo tau?” ang aya ni steve sakin sabay hatak ng aking mga braso kaya hindi ko na nagawang papigil pa.
Basa ang polo at ponds ko pero ok lng. Napuno ang katahimikan ng lawa ng panandaliang saya at halakhakan. Kahit papaano ay naibsan din non ang bigat ng aking dinadala hanggang sa mapansin namin na magtatakip silim na saglit kaming umupo at nag pahinga sa ilalim ng puno, pinanood ang pag aagaw ng dilim at liwanag. Habang unti unting nababalot ng dilim ang paligid ay hindi ko namalayang nakakatulog napala sa balikat ko si steve marahil sa pagod ng ginawa naming harutan. Napaka among tignan ng mukha nya sa balikat ko tila isang anghel na hinehele sa ulap ng himbing. Hanggang sa hindi ko na malayan ang unti unti kong paghalik sa kanyang labi. Isang hiram na halik, isang nakaw na halik sa isang hiram na sandali. Matapos non ay bumalik ako sa pagtingin sa kalangitan humihiling na sana ay wag tapusin ang mga oras na yon. Unti unti nanamang gumuhit ang aking mga luha………luha ng saya at pagtanggap hanggang sa ilang minuto ay biglang napabalikwas si steve
“mike gabi na pala…….nakatulog pa yata ako…..” dahil sa tubig sa aming mga katawan ay hindi na nya napansin ang aking mga luha
“oo kanina pa tara na……gabi narin” ang aya ko sa kanya
pagpasok naming ng bahay ay gulat si nanay dahil para nanaman kaming dalawang basang sisiw
“haaayyy naku san nanaman kaung dalawa galling……..puro talga kayo pasaway mga bata nga naman ngaun ohhhhhh……” ang kunsimidong bungad samin ni nanay
“nay dyan lang naman kami naligo ehhhhh don’t worry nay ok lng kami…..sige na baka matuyuan pa kami ditto punta muna kami ng kwarto para mag palit”
“mabuti pa nga nak…….sige na kayo talaga!!!!”
umakyat kami ng sabay at pag pasok ay binilinan ko na sya agad “ohhh sige na ikaw na mauna gumamit ng banyo!!!”
at agad naman siyang pumasok roon at nag shower makalipas ang ilang minuto ay tumawag sya na kung pedeng makihiram ng tuwalya at short sympre sinamahan ko narin ng damit.
“ohhh seƱorito ito na po!!!!” sabay bukas nya ng pinto ng CR.
Pag abot ko ng tuwalya ay saglit akong natigilan dahil nahawakan nya ang kamay ko at nagtama ang aming mga paningin. Halos kainin ako ng mga sandaling iyon. Ilang Segundo ng katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa ako na ang bumawi sa pagkakapako ng aming mga tingin. Pagtalikod ko ay abot abot ang kaba ko ng mga sandaling iyon hindi lubos maisip kung ano nanaman ang maaaring isipin sa nangyari pero dinedma ko nalang kahit may kaunting kilig. Paglabas nya ay walang imik akong pumasok hanggang sa matapos.
Sumabay sya sa amin ng hapunan hanggang sa magpaalam sya sa amin para umuwi na. Hindi ko alam kung nabasa nya ba sa mga mata ko ang nais kong iparating sa kanya. Kinabukasan humarap ako sa klase na parang ordinaryong araw, isang ordinaryong estudyante. Pero kahit ganon ako katatag tignan ay walang kasing sakit ang aking nararamdaman sa araw araw na makikita kong tila panuksong nakahain sa akin sina jen at steve gayun pa man patuloy parin kami sa normal na buhay hindi ko nalang pinapahalata ang totoong saloobin ko. Pilit kong inalis sa puso ko ang pagmamahal ko para kay steve pero habang tumatagal ay mas lalo ko syang minamahal. Naging piping saksi ang mga puno, halaman at ang kapaligiran ng mumunti kong paraiso sa gitna ng lahat ng aking hinaing at nararamdaman. Inukit ko sa puno ang mga araw na tila nagpasya ang tadhana na sadyang ganyan ang aking buhay at kailangan kong masanay.
Lumipas ang buwan at may kakaiba nanaman akong napansin kay steve naging malimit na ang pagliban nya sa klase pero kahit anong usisa ko sa kanya ay tila ba may malaking problema na ayaw pasabugin.
Hanggang sa matuldukan lahat ng tanong kong iyon. Isang malamig at tila balisang umaga ang sumalubong sa akin. “nak……mike……..may kumakatok buksan mo may ginagawa lang ako dito” ang sigaw ni nanay para makatipid ng enerhiya sa katawan
“sige po nay….teka lang baba narin ako” at maya maya pa ay bumaba narin ako para pagbuksan ang isang malaking surpresa
“mike pasensya na haaa kung nakaistorbo kami” ang bungad ni steve na bakas sa mukha ang hapis at pagod
“ok lang bakit may problema ba?” ang usisa ko na medyo may pangamba dahil sa nakita ko si jen na nakakubli sa likod ni steve
“ahhh ehhh titigasan ko na ang mukha ko ngaun mike pasensya na” ang medyo nakayukong wika ni steve sakin
“huh ano hindi kita maintindihan?” ang medyo napaisip kong wika kay steve
“pumasok nga muna kayo…….” Hanggang sa nagulat ako ng makitang parang buntis si jen. Ayokong isipin yon pero parang totoo. Inisip ko nalang na nakalulon ng pakwan ang garutay na babae.
“nag agahan na ba kayo? Gusto nyo ba ng kape o anong maiinom?”
“ahhh hindi na ikaw naman ang sinadya naming ditto……”
“steve ano ba ang problema?” ang seryoso kong tanong
“kasi mike……..” humugot ng isang malalim na paghinga si steve
“kasi si jen nabuntis ko!!”
tila ako sinibat ng milyong palaso sa dibdib at tila nagsikip ito at hindi makahinga pero pinilit kong wag magpakita ng emosyon o ano pa man. Pilit kong pinakalma ang sarili at intindihin ang sitwasyon ng aking kaibigan.
“And?”
“alam ko kasi ikaw lang ang pedeng lapitan namin…….pinalayas kasi si jen sa kanila……hindi rin matanggap sa amin dahil nagalit sa akin si mama kaya wala kaming matakbuhan kundi kayo dahil alam ko ikaw lang ang pedeng makatulong sa amin” ang halos maiyak na salita ni steve sa akin.
Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili kung gusto ko bang magalit o maawa pero sa huli nanaig parin ang aming pagkakaibigan. “teka steve haaa…..medyo malaking usapin ito teka kakausapin ko muna ang nanay ko tapos kayo ang mag usap usap ok?” sabay alis ko sa kanilang dalawa.
Pumunta ako sa kusina para puntahan si nanay at kausapin tungkol doon at naging maayos naman at pumayag dahil tatlo lang naman kami sa bahay at ngaun wala pa si tatay dahil stay in sya sa kanyang trabaho dahil may kalayuan ito mula sa aming tirahan. Inihabilin ko nalang ang lahat kay nanay dahil hindi ko kaya ang sitwasyon ngaun kaya lihim akong umakyat sa kwarto at nag kulong doon lahat ng sakit sa dibdib ay lumabas. Halos wala akong lakas na para buhatin pa ang sarili pa punta ng kama. Sa likod ng pinto ako napaupo at nagsimulang itangis ang hapdi na dulot nitong puso ko. Natapos na lahat ng aking imahinasyon. Natapos na ang mga araw na sanay pangarap kong ibigin nya rin ako at natapos na ang lahat.
Ang sakit sakit walang kasing sakit ang harapang pagsaksak nila sakin. Maka ilang ulit ko pang sinubukang intindihin pero hindi na talaga kaya ng puso ko ang sakit na lumalatay dito. Walang kasing sakit. “lord ilang beses pa ba akong iiyak, ilang beses mo pa ba akong sasaktan, ilang beses mo pa ba akong pahihirapan. Kulang pa ba ang mga ito. Hindi ko napo kaya kailan ba ako matututong isuko ang damdamin kong ito……..hindi ko po gusto ito lord tao lang po akong nagmahal. Kulang pa ba ang mga ginagawa ko ang gusto ko lang naman ay kaunting saya iyon lang”
Nagpatuloy ang pagtangis ng aking mga luha kasabay ng pag agos nun ang paglaho ng pag asa na kahit saglit ay maipahiram sa akin ang isang ngiti ng pagmamahal. Tila nakikidalamhati rin ang panahon sa aking damdamin ng magsimula na itong magsungit. Nabalot ng lamig ang buong paligid ng aking kwarto dahil sa hangin at ulan na nanggagaling sa aking bintana. Mula sa pagkakaupo ay pilit kong ibinalik ang lakas at pakalmahin ang sarili.
Hanggang sa isang katok ang nagbalik sa akin sa realidad. “nak nandyan ka ba?”
“opo nay…….may ginagawa lang ako” habang pilit kong inayos ang sarili, naghilamos at nag ayos ng sarili
“gusto ka daw kausapin ni steve…….”
“sabihin nyo susunod nalang ako tatapusin ko lang ito”
“o sige bilisan mo nalang dyan ha!!!” at bumaba na ang nanay ko at ng matapos akong ayusin ang sarili ay lakas loob akong lumabas. Isang ngiti ang nais kong ipabatid sa kanilang dalawa na hindi ko naman magawa.
“ohhh ano sabi ni nanay?” pinilit kong magmukhang masaya sa harap nila. Ikinubli ang lahat ng takot at sakit sa malalaking ngiti. Ngunit kahit anong tago ko ay hindi ko napigilan tila nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga luha. Kusa na itong pumatak sa gitna ng aming pag uusap. Tila gulat at pilit nagtataka ang kanilang mga mata sa nasaksihan sakin
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteito michael santos...
ReplyDeleteawwe, perfect, sad but meaningful story, after "idol ko si sir" by mike juha, this is the second story na iniyakan ko while reading, i kept on crying while reading the last part from the graduation ceremony, plus ito pang "my redeemer" na song na naka play sa ipod touch ko, shit, parang walang katapusang luhaan to, hahahah, the story may look like a reverie, but jeez, IT is breathing, and i just love it...di tulad ng iba na pure lust ang story, ito pure love and sacrifices, which makes the story worth-reading, i love the characters, well-tailored story, kala ko mahaba haba pang basahan to, pero first part palang, woot, woot, ubos na ang luha nyo, kung sino ka mang author ka, you have the gift to entertain your readers and to tell a story, KUDOS☻☻☻
Like what I've said in BOL, Michael Santos you write great!
ReplyDeleteNapaiyak talaga ako, as in hikbi at iyak.
Keep it up!
grabe... !!! ito ang second story na talagang nadala ako XD... the first story na talagang iniyakan ko is yung tol i love you... grabe talagang pumapatak ng to the highest level ang tears ko!!!... isang malakasang pelekpeken para kay
ReplyDeletemichael santos
(MS)
hahahah anyways thnx muna kuya mike sa BATIAAN PORTION HAHAH KSMA AKO haha:))
ReplyDeleteanyways pra xang TOL I LOVE YOU huh.. hmmm i cant wait what is next..!
michael santos...
ReplyDeleteyour a good writer...
i know its shows ryt
..and you can flaunt to us that you have the guts to be the best writer someday..pero lahat ng actions at talents may positive at negative compliment...mapa singing o dancing contest man ito..may mga jurors pa nga na nagbibigay ng komento sa mga ito....so lets get straight to the point na...i like how you deliver the idea of story...panu ka bumuo ng imahe ng mga tao sa story mo sa isip ng mambabasa....gusto ko rin yung friendship yung parang main topic m kasi most of the people na nagdaraan sa ganitong feeling most of the time na fefeel nila ito sa mga bestfriends nila...i also like the fact na ginamit mo ung galing mo to write how to make it more dramatic and emotioanal...kumbaga huling huli m ang kiliti ng mga pinoy na medyo mellow dramatic as you can see na marami kang napa iyak..so it means na touch m sila.........
pero personally nakulangan kasi ako eh.. i mean im not a good writer pero i can say naman na im a good critic..and based sa ginawa mo parang may kulang i know di pa end yung story pero sana medyo mas hinimay m pa ang story eh para mas may dating pa talaga...siguro nakulanagn lang talaga ako kasi siguro may hinahanap ako na atake na di ko nakita sa ginawa mo,,,but im not saying its bad kumbaga parang uminum ako ng zagu na walang pearl...ayun sana by the next chapter or mga next stories na gagawin mo you will prove to the people like me na tlagang to the next level na yung story mo...kasi maganda yung ganun eh may transition di ka nagiging stagnant...sana di mo ika offend ito, though for me its kinda negative compliment...thanx and good luck........
marqee
mark_camina@yahoo.com
SHIT PAREHAS KAMI N2..HUHUH.. GANITO DN SNABI Q "lord ilang beses pa ba akong iiyak, ilang beses mo pa ba akong sasaktan, ilang beses mo pa ba akong pahihirapan. Kulang pa ba ang mga ito. Hindi ko napo kaya"
ReplyDeleteSHIT..PANAMA TLGA..PERO NGAUN..NATUTO Q N HND SYA MAHALIN.
naiiyak ako sa ngyayari sa kwento,, bukod sa pinagdaanan ni Mike,, eh nahirapan din ako sa pagbasa,, ung totoo, tuloy-tuloy ang sentence,, kulang sa tuldok (yung pause man lang),, hehe nabubulol din ako sa ibang word,, pero kidding aside, wonderful story it is,
ReplyDelete