Followers

Monday, July 5, 2010

Ang 25% Love Ni Babes

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Habang hiihintay ang Part 26 ng AKKCNB, ipost ko muna itong luma kong post tungkol sa babes ko - bago pa kami nito, mga seven months pa sa aming relasyon, at masaya pa. Wala lang, naalaala ko lang at gusto kong i-share. Fond memories kumbaga. Kahit nasaktan ako sa taong iyon, may pingsamahan kasi kami at hindi mawawala iyon.

Bati Portion:

Gusto kong batiin dito sina Regie and Russ... sa kanilang 4th year na relasyon noong Jun 28. Wish you good luck guys!

--------------------------------------------------


I have always believed that loving someone involves not only taking and accepting the whole person but also making that person feel you care significant events in his/her life. I think it is the reason kung bakit ang birthdays, anniversaries, monthsaries, at kung anu-ano pang mga “-saries” ay naimbento. Kung mahal mo nga naman ang isang tao, alam mo ang mga importanteng petsa sa buhay nya at sa mga sentimental at meaningful na mga pangyayari sa relasyon ninyo. Pinapahalagahan mo ang theme song nyo, terms of endearment, remembrances, etc. Kahit nga yung mga maliliit na bagay, nagiging malaki kung itoy nakakapagbigay alaala sa pag-iibigan.

Ang isa sa pinaka-importanteng event sa buhay ng isang tao ay ang birthday. Para sa akin, kapag hindi mo naalala ang birthday ng taong mahal, ay may kulang sa pagmamahal mo. Ewan ko kung mejo overly judgmental lang ako. Pero bakit yung ibang mag-syota natatandaan kahit yung petsa nung una nilang pagkikita, pagbati-an, pagngiti-an, pagkain-lovan, paghahalikan, pagmumurahan, hehe. Natatandaan nila ang eksaktong spot ng lugar mismo, o anong kulay ang sinuot nilang mga damit, o sinu-sino ang mga taong kasa-kasama o nakakakita sa mga pinaggagawa nila... Kahit bango nga ng perfume o brand ng baby cologne natatandaan pa e, pati na ang pamumulaklak ng kamatsile o gumamela sa paligid. Sweet no?

Kaya kapag may nakita akong mag-syota o mag-asawa na magkasamang sini-celebrate ang anniversary o birthday, nagho-holding-hands na parang walang pakialam sa mundo, parang naiinggit ako. Nasasabi ko sa sariling, “Ako kaya? Meron pa kayang taong sadyang para sa akin, papatol na parang asong nasaniban at makipag-celebrate sa birthday ko hanggang sa uugod-ugod na ako, at makikipamasyal pa with matching holding-hands kahit nangangatog na ang mga tuhod namin?” Hehehe.

Si Dennis, bago lang sa buhay ko. Actually, kung sa sabon pa yan, promotion lang sya. I am not giving him some serious thoughts na kumbaga. I mean, bata, good-looking, matangkad, athletic, tinitilian sa basketball, at malayo kami sa isa’t-isa. Hindi ko nga alam kung bakit pa dumating kami sa puntong mag “kami” na nga. It’s like a nightmare, este, dream (ba?); too good to be true, kumbaga.

Yan ang dahilan kaya I’m not completely trusting the guy. In spite of our status, I am still very much skeptical. Nakasaksak palagi sa isipan na sooner or later, wala na rin kami, aagawin din yan sa akin ng mga piranha, buwaya at anaconda na naglipana sa paligid, hehe. E, sino ba naman ako, isang hamak at kapiranggot (ngunit flawless naman – eeewwww!) na tipaklong na lulukso-lukso sa gitna ng malawak na palangisan ng Mideast – lol.

Naalala ko mga 4 months na ang nakaraan, tinanong ko sya kung ano ba ang theme song namin. Gusto ko sanang i-suggest ang kantang “I Was Looking For Someone...” by Leif Garett na syang kinanta ko nung una kaming nagkita sa videoke bar at sya ring gusto nyang kantahin ko palagi kapag nagsasama kami sa videoke. Pero naunahan ako ng hiya baka di nya type dahil classic iyong kanta (baka gusto nya yung mga Spongecola o Parokya ni Edgar, Bamboo, o Cueshe type, hehe). At isa pa, parang hindi rin maganda ang nilalaman ng kanta na iyon dahil may linyang “...but you were just looking around” Ibig sabihin, “naghahanap ako ng mamahalin, tas nahanap ko sya, ngunit sya naman, hindi ako napansin” Anu ba yun? Parang masaklap ata, diba? Magkatotoo man yan, e, wag na sa theme song, hehe. Hindi kakayanin ng powers ko. So, di na ako nag-suggest. Sabi ko nalang pabiro sa text, “Babes, ‘Turagsoy’ na lang kaya theme song naten?”

Sagot nya, “Hahahaha! Ano ba yan Babes, bakit yan pa? Alam mo ba kung ano ang Turagsoy?”

“Mudfish?”

“Oo. Bakit yan?”

“E, mukha naman tayong mudfish e – joke!”

“Hehehe. Kaw lang Babes, joke! Sarap sigurong magtampisaw tayo sa mud Babes, ano, kasama ang mga kalabaw at makipag-wrestling sa kanila?”

Wait lang. May laman yung joke nya na ako lang ang mukhang mudfish ha? Naaapektuhan ako jan dahil ako mismo ha, sa tuwing haharap ako sa salamin, napapansin kong tila tinutubuan nga ako ng kaliskis at hasang, hehe.

Ngunit di ko na lang pinatulan pa yung joke. Sinagot ko nalang, “Nang hubot-hubad? E kung ganun, lovemaking nalang gawin naten sa mud, Babes?”

“Kasama ang mga kalabaw? Hehe!”

“Kayo na lang ng mga kalabaw Babes dahil magkamukha kayo e. Tsaka, tinutubuan ka na rin kasi ng sungay, hehe.” Sigaw ng utak ko, “Yesss! Nakaganti akoh!”

“Niloloko mo naman ako, Babes ah.”

“Hindi Babes! Totoo ang sinabi ko. Magkamukha talaga kayo ng kalabaw, ehehe.”

“Wahehe! E, yung kanta naman, Babes, alam mo ba ang lyrics?”

“Nilagpang ko nga turagsoy, sa sabaw, nagalangoy-langoy... Ang siling sa nakatilaw, sampak gid ang templada mo. Nilagpang, nga turagsoy, kanamit gid – pro!”

“Hahaha! Kabisado mo ah! Pero wag yang kantang yan Babes, masagwa. Dapat, tungkol sa ating dalawa, tungkol sa love?”

Dahil gusto kong sya ang mag suggest, kalokohang kanta pa rin sina-suggest ko. “Ito na lang kaya Babes, tungkol sa love - ‘Love-a-dami, love-a-ngo! Ang Mister Clean, sulit for two...!’”

“Babes naman, niloloko mo na naman ako e...”

“Ikaw na nga lang kasi ang mag-suggest.”

“Sige na nga. Maghanap ako...”

Hanggang ngayon, naghahanap pa rin sya ng theme song. Ala e...! Kahirap palang hanapin ng damuhong teym sung teym sung na yan, hehe.

December ang birthday ni Dennis at ganun din ang sa akin, mejo mauuna lang sya ng 5 days. Matagal ko nang alam ang birthday nya, simula pa nung una kaming magkita sa harap ng bar na iyon kung saan sya nagtangkang magpakamatay, este, mag-apply pala ng trabaho at kung saan nagsimula ang napakaasim at napakasangsang na “lab apeyrs” (Ehem!) namin.

May 18, 2007 yun, Friday ng mga alas 10 ng gabi. See? Tandang-tanda ko pa ang eksaktong petsa at lugar (sa tulong nga lang ng aking electronic organizer), hehe. Alam ko, hindi na natatandaan ng mokong yun. May isang beses kasi sa pagtitexttext namin simula nung mapalayo kami sa isa’t-isa, naitanong ko sa kanya kung anong petsa ba unang magtagpo ang aming mga landas at pinag-umpog ang mga ulo (hehe!).

Aba’y ang sagot ba naman, “A... ano ba yun, Babes? A, e... mga second week ba yun ng January or April? Sorry Babes, di ko na matatandaan, hehe. Pero Babes, natatandaan ko pa ang lugar, ang oras, ang mga kinakanta mo sa videoke... at ang nilalaklak nating inumin at nilamon nating pulutan” (Joke lang yung huli ha? Baka isipin nyo ganyan ka-sugapa Babes ko, hehe.)”

Kaya, syempre, kapag ba naman ang Babes mo ay ganun ang sagot sa tanong na iyan, mag-iisip ka talaga, “Oo nga ano? Kailan nga pala yun? Ako man, di ko rin alam e. Malay ko ba sa pesteng petsa na yun.” Lol!

Ang ibig ko lang sabihin, na kahit wala akong organizer, pwede naman nyang alamin yun e, o tandaan, diba? At kapag nasagot nya yun ng diretso, sigurado ako, at least, 25% - na mahal nya nga talaga ako, hehehe. At kapag naalala pa nya ang birthday ko, abay, another 25% din yun, for a total of 50%, hehe. (Yung other 50% ay malalasap mo na lang sa lagkit ng laway sa paghahalikan nyo, o galing ng gymnastics nya sa kama, hehe.)

Anyway, mga 4 na araw bago dumating ang birthday ni Dennis, at heto na, nagpaparinig, mejo nakainum. Sabi sa text, “Alam mo, Babes, lapit na birthday q...”

Kahit alam ko, kunyari di ko alam to-the-max. “Talaga, Babes? E... ano ngayon?” sagot kong bumungisngis ang bibig sa tawa dahil sa lingid sa kaalaman nya, kinontsaba ko na ang ate nya sa para sa isang sorpresa.

“E... wala lang, sinabi ko lang sau para alam mo” sagot nya. Ganun sya ka-demure, hehe.

“A... ganun naman pala e. E di, ok... at least ngayon, alam ko na. Ano ngayon ang plano mo?”

“Wala, sa bahay lang... sana mag-blow out mga ka-tropa ko sa basketball at mag-inuman kami dito sa bahay.”

“Hmmm, may pa-drama effect pa to...” sabi ko sa sarili. “Ah, sige.” ang maiksi kong sagot.

Hindi na sya sumagot. Siguro na-frustrate na wala akong binanggit na pabirthday, hehe.

Nagtext ulit ako, “Alam mo Babes, 5 days pagkatapos ng bday mo, birthday ko na rin.”

“Talaga?! Anong gusto mong regalo ko para sau, Babes?” ang mabilis namang sagot.

Hanep sya ha? Nag-iisip, hehehe. Reverse nga lang. Alam kong yun ang gusto nyang tumbukin kong tanung para sa kanya.

Ngunit di ko kinagat. Bagkus, “Talaga? Ikaw? Kahit ano wala akong pili?”

“Wahehehe. Ala akong pera, e. Ako na lang Babes, sarili ko lang mairegalo ko sau, maging honest at loyal”

“Hmpt! Narinig ko na yan dati pa, sa mga taong bolero, manloloko, sugarol, swindler, snatcher, smuggler, rapist, hired killer, at ex ko - lol.” sabi ko sa sarili. “Ok... pwede na yun” sagot ko nalang.

Isang araw bago dumating ang birthday nya, “Babes, nag-away kami ng ate ko. Dito ako ngayon sa ka-tropa ko natulog, ayaw ko ng umuwi dun sa ate ko, Babes, masyadong masakit ang binitiwan nyang salita sa akin.”

Di ko maintindihan naramdaman ko. “Nagdrama ba ito, o humahanap lang ng alibi?” tanong ng isip ko. Sagot ko nalang, “Ano bang pinag-awayan nyo?”

“Wala, yung alam mo na, nakikitira lang kasi ako sa kanila, pinapagalitan, pabalik-balik na sermon, etc, etc.”

“Ano ba to? Nagpaparinig ba upang rentahan ko sya ng apartment o bilhan ng condom, este condo unit? Hah! Maswerte sya ha, wala nga ako nun, no?” sigaw ng utak kong makunat. “Alam mo Babes, naranasan ko na rin ang ganun eh. Gusto lang ng ate mo siguro na maging productive ka, makatulong sa mga gawaing bahay, hindi yung puro barkada, basketball, etc. Naranasan ko din dati sa ate ko ang ganun, Babes. Talagang mahirap ang nakikitira lang. Kahit kapatid mo pa, e may asawa yan eh. Asawa nyan ang naghahanap ng makakain nyo. Mahirap talaga, hindi mo alam kung paano diskartehan, mapaiyak ka na lang dahil nakakarining ka ng hindi magandang salita. Minsan hindi na lang kakain dahil sa hiya sa mga naririnig... Dumaan ako sa ganyan, Babes. Ngunit, tingnan mo naman. Nalampasan ko rin ang ganung pagsubok. Intindihin mo nalang sila, Babes. Isipin mo na balang araw maipagmamalaki ka rin nila...” (Hmmm, may kalaliman ang mga katagang nabuo sa mga pinipindot na letra ng aking mga hinlalaki)

“Ewan ko Babes. Masakit talaga, di ko kaya” sagot naman ng kanyang hinlalaki, este, ni Dennis.

“Sila lang ang pamilya mo jan sa Manila Babes, at birthday mo bukas. Maaatim mo bang barkada mo ang kasama mo sa espesyal mong araw? Ang barkada nanjan lang yan sa panahon ng kasayahan. Paglipas ng ilang araw, makakarinig ka rin ng di maganda sa kanila. Pamilya mo ang dadamay sa iyo lalo na sa kagipitan mo, sa panahong kailangan mo ng tulong... Kaya dapat doon ka magcelebrate ng birthday mo sa kanila.”

“Magpalipas lang ako ng sama ng loob dito Babes...”

“Magpalipas hanggang sa birthday mo?”

“Bahala na.”

“Text ka sa ate mo”

“Ayoko.”

“Please?”

“Ayoko talaga Babes.”

Hindi ko na sya pinilit. Tinawagan ko ang ate nya para i-confirm ang nangyari at buti nalang at totoo ang sinabi. (At kung hindi ay hindi ako maghuhunos-dili, hehehe) Nabu-bwesit na daw ate nya sa palaging pagbabarkada, pag-iinum, ni wala nang naitutulong sa mga gawaing bahay, etc, etc, para daw syang sirang plaka... “Gusto ko, matuto syang magtrabaho, maghanap ng trabaho at ma-realize na hindi ganyan kadali ang maghanap ng pera, at na maging responsableng tao sya. Spoiled sya masyado eh!” ang nanggagalaiting sabi ng ate namen, este, ate nya lang pala.

Tama din naman, di ba? Dapat kahit man lang sa pagbubunot ng sahig, pagluluto, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke, pagpapasusu ng bata (hmmm... mahirap yan, lalu na kung matanda na ang pasususuhin niysa – lol!). Kaya dapat talaga kahit papanu, tumulong sa mga gawaing bahay, batugan sha! Walang silbe! (Aray kopo! Babes ko pala un, ehehe)

“Panu na lang yung pa-birthday natin?” tanong ko sa ate niya.

“Ayun, ibinigay ko na sa kanya. Bahala na sya dun at bahala sya sa kung ano man ang gagawin nya sa buhay. Malaki na sya. Basta, ayaw kong ako ang maunang tumawag o magtext sa kanya. Bakit, tama naman ako, Mike, diba?”

At syempre, “Oo” ang sagot ko. Ate yun eh, hehe.

At nagbirthday nga sya dun sa barkada nya. Nag-greet pa rin ako, textext kami, at nag thank you din naman sya sa pa-birthday ko, kahit papanu, hehe. Hindi ko na sinabi na tumawag ako sa ate nya, baka lalong lalala ang away nila.

“Babes, uwi ka na, please. Sigurado, hinahanap ka na ng ate mo.” text ko sa kanya.

“Ayoko Babes. Papalipas pa ako ng sama ng loob dito”

“Hanggang kailan ka ba jan?”

“Di ko alam”

“Di alam. Bakit sino ba yang kasama mo jan? Cge, bahala ka. Basta gusto ko, umuwi ka na kung ayaw mong mag-isip ako ng masama.”

“Babes naman, ka-tropa ko ito, kababata, ano ka ba naman? Heto ako may problema tas kung anu-ano iniisip mo?”

“Ka-tropa? Jan ka nagbibirthday sa ka-tropa mo? Jan ka natutulog sa ka-tropa mo? Katabi mo ba sha? Wow naman, sine-swerte ang ka-tropa mo na yan, ha.”

“Napilitan nga lang ako dito dahil sa nag-away nga kami ng ate ko eh! Nahihiya nga ako dito eh. Labo mo namang kausap! Bat ganyan ka kung magsalita, wala kang tiwala?”

“Talaga! Kaya... umuwi ka na sa ate mo o kaya’y magtext ka sa kanya upang hindi ako mag-isip ng masama.”

“Ayoko.”

“E, kung ganun, bahala ka sa buhay mo!”

“Talaga rin!” ang huling text nya.

At sa sobrang inis ko, di na ako nagtext pa. Syempre, malungkot. Parating ang sarili kong birthday, nagkasamaan pa kami ng loob. Para sa akin, hindi kumpleto ang birthday ko kapag hindi nya ako na-greet. At hindi lang magiging hindi-kumpleto yun, magngingitngit pa ang mundo, sasabog ang maraming bulkan, at may world war 3 na magaganap dahil iyon ang kauna-unahang birthday ko simula nung mag-officially kami na nga. At iyon ang barometro ko kung tunay nga bang mahal nya ako, kung maalala nya sa espesyal na araw ko. Aba, 25% din yan sa criteria ko para sa love nya – lol!

Dalawang araw bago ako magbirthday, nagtext sya. “Babes, sori pouh!”

Dahil sa inis ko pa rin sa kanya, hindi ko sya sinagot.

Text sya ulit, “Babes, galit kaba...?”

Hindi pa rin ako sumagot. Hanggang sa di na sya nag-text sa araw na iyon.

Isang araw na lang bago ako mag birthday, wala pa rin syang text.

Araw ng birthday ko. Natatanggap ko na text-greeting ng mga kaibigan, kamag-anak, kapamilya, kakilala, kakilala ng mga kakilala, mga inaanak, kapitbahay ng mga inaanak, (hehe) ngunit walang text galing sa kanya.

Nakasimangot na ako sa work, lumalaki na ang mga butas ng ilong, parang puputok na ang balon-balunan at tila gusto ko nang pumatay ng tao, hehe. Hapon na at wala pa ring text. Gusto ko na talagang maglaslas ng leeg (ng manok – lol).

Nung mag-aalaskwatro na ng hapon, may text. Galing kay Dennis! Excited ako. “Gosh! Ito na iyong greeting nya! Sweet talaga ng Babes ko!” Di magkamayaw kong binuksan ang inbox at binasa, “Babes, text2 naman jan o...”

Bigla akong nanlumo sa nabasa, parang natabunan ng isang kapirasong buhanging sinlaki ng pinagdugtong na kontinente ng Antarctica at siyudad ng Muntinlupa. Sa sobrang pagkadismaya, hindi ko iyon sinagot.

Mayamaya, may message alert ulit. “Text ni Babes! Ah... ito na talaga yun! Kaw Babes ha, may pa surprise-surprise ka pa?” sigaw ng utak kong hyper na hyper ulit. Singbilis ng kidlat kong binuksan ang inbox. Sabi ng text, “Sori na poh, pls...”

Nanginginig na ang aking kalamnan sa pangalawang text nya. “Grrrrrrr! Grrrrrr! at Grrrrrrr!” Napaupo ako sa kama at ibinagsak ang katawan dun. Nag-isip, nagmumuni-muni. Ilang minuto ng pagmumuni-muni at parang nahimasmasan din ako, mejo naawa sa tao dahil sa ilang ulit nang nanghingi ng sorry at kahit hindi ko tinitext, nagtitext pa rin.

Kinuha ko ang cp at nagtext, “Galit ako sa iyo! Birthday ko ngayon, di mo ba naaalala? Sinabi mo pa kunyari kung anong gusto kong regalo tapos, wala pala sa isip mo iyon?”

Sumagot sya, “Di nga Babes? Birthday mo ngayon? Hapi bday Babes! Sori na po. Kailan ko sinabi yun?”

“Nung sinabi mo sa akin na malapit na ang birthday mo! Tanga!”

“Ay, Babes, mejo nakainom ako noon, nalimutan ko talaga. Sorry na talaga, promise Babes, pls...”

“Ewan! Galit pa rin ako!”

“Sori na poh, first birthday mo lang naman sa akin eh.”

“Oo nga at kinalimutan mo pa”

“Sori na talaga... Tawag ka pls.”

Nag-isip ako. Hindi ko alam kung patawarin sya, o anu. Ngunit tumawag na din ako.

Nung makontact na, “Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday.... Happy birthday to you...” kanta kaagad nya ang narinig ko sa kabilang line with matching gitara pa. “Babes happy Birthday! I love you! Mwah! Mwah! Mwah! Babes, di ko naman talaga nalimutan birthday mo eh. Gusto lang kitang i-surprise sa kanta ko, ehehe! Kala mo, ha?”

Pakiwari koy natabuna ako ng isang trak ng NFA rice. “Heh! Alam ko nalimutan mo. Sinungaling ka!” paggalit-galitan ko.

“Hindi ko nalimutan Babes. Totoo...”

“Kung totoo, bat wala akong maramdaman? Parang may kulang eh...”

“Siguro yung cake. Walang cake dito Babes!”

“Hindi yan! Ewan. Basta, parang may kulang!”

“Hahaha! panu wala kang maramdaman, e ang layo-layo mo. Pag nandito ka sa piling ko e, siguradong magkabali-bali ang buto mo sa mga yakap at halik ko...”

“Sige Bolahin mo pa ako para maniwala ako... Alam kong basketball player ka kaya sanay ka sa mga bola…”

“Totoo yun Babes...”

“Na bolero ka?”

“Hindi! Nandito na nga ulit ako xa ate ko, apat na araw na. Kasama ko sya ngayon, shot-shot kami konti ng bayaw ko, naki-join siya, para sa birthday mo. Ano, kausapin mo Ate ko Babes?”

Parang binuhusan ako ng “mainit-init” na yelo (lol!), bigla kaagad kumambyo, “Nahiya ako Babes...”

“So naniwala ka na sa akin?”

Arangkada ulit. “Ewan ko sa yo!”

“Ewan-ko-sa-yo pala ha. Sige bahala ka.”

“Bahala ka rin!”

“Talaga!”

“Mas talaga ka!”

“Babes naman, mag-usap nga tayo ng matino...”

“Matinuin mo sarili mo.”

“Babes, please naman o...?”

“Bahala ka sa buhay mo!”

“Babes, please...?”

“Talaga!”

“Arrrrrgggggggggggggghhhh!”

Kaya yun... alam ko na, na kahit papanu, love ako ng Babes ko – 25% nga lang, hehe.

(End)

6 comments:

  1. Ang cute ng flow ng kwento, or I say ung pagiisip mo Kuya Mike, hehe.. Mga tipaklong, Mudfish, etc etc...,

    ReplyDelete
  2. natawa naman ako sa 25% na love. :)

    -jayEm

    ReplyDelete
  3. Napaisip lang ako kuya Mike,

    sabi u, 25% pag nasagot nya ng diretso at tama ang mga dates, 25% pag naalala nya birthday mo, at 50% ang galing nya sa bed, hihi..

    so kung 25% lang pagmamahal ng "ex" u, e ibig sabihin d xa magaling sa "tuuuuut", hahaha....

    ReplyDelete
  4. ang tanging mssbi ko sau kuya mike ang landi mu whahahah.. well 25 % tlga huh ? hmmmmm hahaha.. sobrng funny xa.. ask ko lng kung anu n ang buhay ngaun ni dennis?

    sna mgkroon ng follow up ang 75% percent hahah ! ingat k kuya mike.. god bless and stay happy and inlove!

    ReplyDelete
  5. Na delete ata isang comment ko dito T_T

    ReplyDelete
  6. hi kuya mike!!! me ganun???may criteria pa talaga.,hehehe.,sal ahat ng stories mo ito ang nakakatuwa.,hahaha.,TC po palagi.,muuaaahhh

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails