By: Michael Juha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
----------------------
Tila pinalo ng malaking pala ang aking ulo sa pagkarinig ko sa sinabi niya habang ang cp ko naman ay halos mabitiwan na ng aking kamay.
“Jason, anak… ano kamo? Nasa ospital si Kuya Romwel mo? Bakit??” ang boses na narinig ko mula sa cp gawa nang hindi ko pagsagot sa mama ko.
Dali-dali kong pinatay ang cp at hinarap ang tisoy. “What did you say? You are Kuya Rom’s lover?” ang seryoso kong tanong sa kanya, ang boses ay tumaas at ang mga kilay ay nagsalubong na naging isang linya na lang yata.
“Yes.” ang maiksi naman niyang sagot.
“How come? Kuya Rom is not gay!”
“I am. We just decided to be in a relationship a while ago… actually, few munutes before you arrived.”
“What??? I’m 25 minutes too late by MLTR? Hoy, Kano –“
“I’m Canadian” pag interrupt niya. “And my name is Shane…”
“Whatever… Cana! Hindi ako naniniwala sa iyo dahil si Kuya Rom ay may girlfriend at ang pangalan ng gf niya ay Kris!”
“I know. And they already split”
Na-windang naman ako sa sagot niya. “Aba! At nakakaintindi ng Tagalog!” sigaw ng isip ko. “Hoy, huwag mo nga akong inglesin d’yan. Alam kong pinalitan na ng Tagalog ang national language ng Canada dahil sa dami na ng Pinoy doon!” Ang matary kong sabi. “At bakit sila nag-split?”
“They –“
“Whatever!” Ang pag-cut ko. “Kay Kuya Rom lang ako maniniwala, hindi sa iyo!” sagot ko, sabay silip sa glass window ng operating room. “Bakit ba si Kuya Rom ang nand’yan! Dapat ikaw ang nand’yan!” sabay irap sa kanya.
“Why would I be there?” sagot niya na tila natutuwa sa nakita sa akin sa inasta ko. In fairness, mukhang mabait naman ang kumag. Ewan ko lang din.
“Magpatanggal ka ng atay o ng baga o di kaya, utak dahil di mo naman yata nagamit yan. O yan na lang ari mo ang ipatanggal mo, wala din namang silbi iyan!”
“Hahahaha! Romwel is right. You are so funny!”
“Amfff! Ginawa pa akong clown nito!” sabi ko sa sarili. “Anong funny? Hindi ako nagbibiro no! Gusto mo ipabugbog kita sa driver ko?” sabay lingon sa aking driver na tila biglang namutla noong marinig ang sinabi ko at makita ang gahiganteng 6-footer na Canadian na sa porma pa lang ng katawan ay mistulang boksingero ang dating.
Napatingin naman ang Canadian sa driver ko, pansin sa mukha ang pigil na pagtawa. “Ok, ok… I’m sorry. Let’s be serious here. Romwel is there and he needs our support. If you don’t wanna talk to me, it’s OK. You can ask him everything when the operation is over and when his condition is fine already.”
“Ano pa nga ba ang magagawa ko?” At Naupo na lang ako sa isang bench sa labas ng operating room. Sobrang kaba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon at maraming katanungan ang bumabagabag sa isip. Bakit nandoon sa operating table si Kuya Rom? Bakit bigla na lang sumulpot itong isang alien na lover daw niya?
Habang nasa ganoon akong pagmumuni-muni, tumabi naman sa pag-upo sa akin si Shane. Ngunit inirapan ko lang siya. Kinapa ko ang cp ko at tinawagan uli ang mama ko. “Ma… si Kuya Romwel nandito sa operating room, hindi ko alam kung bakit. Pero malaki-laki siguro ang babayaran niya dito ma!”
“His expenses are already –“
“Shut the hell up!” Ang bulyaw ko kay Shane, pag cut sa sinabi niya, ang mga mata ko ay lumaki.
Nagulat at natameme naman si Shane at hindi na nagsalita pa.
“O Sige, mag-inquire ka nalang d’yan kung magkaano at bukas pupunta kami ng papa mo d’yan…” ang sagot ng mama ko.
Mistulang nabunutan ako ng tinik sa sinabing iyon ng mama ko. Ngunit syempre, litong-lito pa rin ang isip ko. Gusto ko sanang mgtanong katabi kong tisoy tungkol sa dahilan kung bakit na-operahan si Kuya Rom. Ngunit nanaig pa rin ang inis ko sa kanya sa sinabi niyang lover daw siya ni Kuya Rom. “Ano siya? Siniswerte? Ako ang nagbungkal sa lupa, nag-irrigate nito, nagtanim ng palay dito, hanggang sa pag-ani, pagluto, at pagkatapos ng lahat ay iba pala ang kakain? Hindi pwede iyan no! Mahal ko iyong tao at alam ko dito sa puso ko na mahal din niya ako. Kung ganoon man lang na sa isang lalaki din din ang bagsak niya, puwes, ipaglaban ko siya kahit darating pa kami sa bukana ng tambol mayor, saan man iyon!” sigaw ng utak ko.
Naisipan ko na tawagan si Kuya Paul Jake upang puntahan niya ako sa ospital at samahan ako. Ngunit nasa klase pa siya at hahabol na lang daw.
Maya-maya, hindi rin ako nakatiis. Nilingon ko si Shane at tinanong, “Bakit nga ba inoperahan si Kuya Rom? Ano bang ginawa mo sa kanya?” ang may halong pagkainis kong tanong.
Tumingin sa akin si Shane. Bago nagsalita, nilingon ang likuran niya at tumingin uli sa akin. “Are you talking to me?”
“Aba’t antipatiko!” Sambit ko sa sarili. “Bakit multo ka ba? Tayo lang namang dalawa ang nakaupo dito ah!” ang mataray kong sagot.
“Baka sasabihin mo na naman sa akin na ‘shut the hell up!’” ang malumanay na sagot niya pansin ang kahirapang magsalita ng Tagalog.
“Paano mo ako masasagot kung i-shut-the-hell-up na kita?” Bulyaw ko sa kanya sabay bulong at irap, “Hirap palang kausap nitong mga ET!”
“What? ET?” tanong niya, pagklaro sa narinig na salitang ibinulong ko.
“ET. Extra Terrestrial, alien, Canadian, martian…”
“Hahaha!” bigla siyang natawa.
“Sagutin mo na nga lang ako!”
“OK... Romwel’s mother is too sick. She needed regular dialysis and a kidney transplant. Romwel offered one of his kidneys for his mom.”
Tila binatukan naman ako sa narinig. “What? They are going to remove his kidney? Why not look for a donor first?”
”We’ve tried that but we could not find it. It’s hard to look for a compatible kidney and his mother needed the transplant immediately.”
Hindi ko lubos maintindihan ang tunay na naramdaman sa narinig. Syempre, nalungkot ako sa nangyari sa kanya. Ngunit may tampo din itong dulot sa akin sa hindi man lang niya pagsabi sa akin sa mga problema niya.
“Why did he not tell me all about this?” tanong ko uli.
“You better ask him… I’m not privy to what’s in his mind.”
“I’m not privy to what’s in his mind.” Ang paggaya ko sa sinabi niya, ang bibig ay ngingiwi-ngiwi. “How much is his hospital cost? My mom will pay it.” Ang pagdivert ko sa usapan.
“It’s OK. I’ve paid it all…”
“What? Why did you not tell me?” ang tanong ko, nabigla sa narinig.
“I told you… but you said ‘shut the hell up!’”
Natameme naman ako, hindi nakasagot kaagad.
“So..?” dugtong niya.
“And why did you have to pay his bills?”
“I love him; he loves me; that’s simple.”
Mistulang nakarinig ako ng napakalakas ng pagsabog ng isang bomba sa sinabi niya. Pakiwari ko ay hindi ako makahinga, at parang dinurog ang puso ko. “I don’t believe you!”
“Then you better ask him.”
“Of course I will.”
At iyon… bigla kaming natahimik at kahit nanatiling nakaupo na magkatabi, mistulang hindi kami nagkakilala.
Hinanap ko ang ward ng mama ni Kuya Romwel at noong mahanap iyon, kinausap siya, kinumusta. Doon ko nalaman ang kalubhaan ng kanyang karamdaman. Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak sa kalagayan niya. Nakita ko kasi sa mukha niya ang kahirapan, bigat ng karamdaman at pagtitiis, na sa kabila nito ay pilit pa ring lumaban at mabuhay. Iyon bang nakikita siyang nakahiga lang at hind imakakilos, may mga nakakabit na kung anu-anong equipment sa katawan, bakas sa mukha ang hirap at sakit na naramdaman, hirap sa paghinga... ngunit lumalaban pa rin. At syempre, naitanong ko rin ang napakalaking gastusin sa pagpagamot sa kanya. “Nay... huwag po kayong mag-alala, tutulungan naming kayo” ang nasambit ko na lang. Gusto ko pa sanang itanong ang tungkol kay Kuya Rom at Shane ngunit naisip ko rin na baka makadagdag pa ito sa nadaramang paghihirap niya.
Doon ko narealize kung gaano kamahal ni Kuya Rom ang nanay niya.
Noong bumalik na ako sa operating room, eksaakto naman ng pagdating ni Kuya Paul Jake. “Nasaan si Romwel?” tanong niya kaagad.
“Nasa operating room pa.” Sagot ko naman.
Noong mapansin kong nakatingin si Shane sa amin at dahil na rin sa inis sa sinabi niya na partner siya ni Kuya Rom, ipinakila ko si Kuya Paul Jake sa kanya, “This is Paul Jake… my partner. You know what partner is? Lover!” ang may halong pang-iinggit kong sabi, ginaya ang pagkabigkas niya sa salitang iyon noong magpakilala siya sa akin.
Pansin ko ang pagkabigla ni Kuya Paul Jake sa sinabi ko at magre-react a sana. Ngunit agad kong patagong kinurot ang gilid niya, pagpahiwatig na sakyan na lang ang sinabi ko. Hindi naman siya umalma at binitawan na lang ang isang pilit na ngiti kay Shane, sabay pakipagkamay sa kanya. “Paul Jake!” sabi niya.
Tinanggap naman ni Shane ang kamay ni Kuya Paul Jake sabay sabi ding, “You two are good!”
“What do you mean good? We are better and best!” ang pabalang kong sabi. Natawa naman si Kuya Paul Jake.
Marahil ay nakuha ni Kuya Paul Jake ang gusto kong iparating, pinanindigan na rin niya ang pagka “magkasinatahan” namin. Inaakbayan niya ako habang nakaupo kami sa bench, minsan inililingkis ang kamay sa beywang o sa katawan. Noong kumain kami ng setserya, sinusubuan ako sinasadyang mapansin ni Shane. Nasabi ko tuloy sa sariling “Sweet pala nitong si Kuya Rom. Sana siya na lang ang minahal ko…”
May limang oras ang nakaraan at natapos din ang operasyon kay Kuya Romwel. Idineretso siya sa kanyang ward. Sumunod kami sa ward niya ngunit sinabihan kaming bawal pa siyang kausapin habang nasa ganoong delikadong kalagayan pa. Kaya nagkasya na lang kami sa pagtingin sa kanya sa loob ng ward niya. Noong makita naming OK naman siya, hinalikan ko ang pisngi niya at nagpaalam na. “Kuya, aalis muna kami ni Kuya Paul Jake, babalik na lang kami bukas…” ang bulong ko. Naiwan si Shane sa tabi niya.
Habang nasa sasakyan kami ni Kuya Paul Jake, tinanong niya ako tungkol kay Shane. “Sino ba iyon?”
Lover daw ni Kuya Romwel!” ang padabog kong sagot.
“Hahahaha! Lover? As in bf?” ang reaksyon ni kuya Paul Jake, hindi makapaniwala sa narinig.
“Opo!”
Tumawa uli siya, mas malakas pa.
“Huwag ka ngang magtatawa d’yan kuya! Naiinis ako!”
“Kaya pala ipinakilala mo ako sa kanya na lover mo. Nagseselos ka! At Si Romwel… pumatol sa lalaki?” ang tanong niya, hindi pa rin mapigil sa pagtatawa.
“Kuya naman. Nakakasakit ka. Ibig mong sabihin hindi ka rin makapaniwalang posibleng mahalin ako ni Kuya Rom dahil sa lalaki ako?” ang may halong pagkainis kong sabi.
Tila nahimasmasan naman siya noong marinig ang tanong ko. Tiningnan niya ako, inakbayan. “Hindi naman sa ganoon bunso… natawa lang ako dahil hindi ko naman inaasahang ganoon talaga ang mangyari e… Di ba ang sabi ko palagi sa iyo na lalaki si Romwel at hindi ka papatulan noon. E, ngayong alam na natin na puwede pala, e di syempre, posible palang mahalin ka rin niya, di ba? At alam mo? Kung ako lang ang masusunod, gusto ko ikaw para sa kanya. Kasi, nakikita ko kung gaano ka over-protective si Romwel sa iyo eh, kung gaano kayo ka close, kung gaano ninyo ka-alam ang isa’t-isa… At sa nangyari, ngayon ko na realize na marahil ay mahal ka nga niya.”
“T-talaga Kuya?” ang excited ko namang sagot. Kapag naman kasi may naririnig kang positive reinforcement tungkol sa mahal mo lalo na kung ito ay kabig sa iyo, feeling mo lumulutang ka sa ikapitong alapaap.
“Sa tingin ko lang. Pero syempre, huwag tayong mag-expect dahil baka mali din ako. Baka, bilang kapatid lang talaga ang pagmamahal niya sa iyo…” ang biglang pag-atras naman niya.
Kinabukasan, nauna akong dumating sa ospital gawa nang may pasok pa si Kuya Paul Jake. Noong makapasok na ako sa ward ni Kuya Rom, nakita kong gising na si Kuya Rom at nandoon din si Shane, kausap niya. Mistulang piniga ang aking puso sa sakit sa nasaksihang pag-uuap nila. At lalo pa itong nadagdagan noong lumapit na ako at hinalikan ko si Kuya Rom sa pisngi. “Kumusta ka na Kuya?”
“OK naman, sagot niya. Nasaan na ang boyfriend mo? Kaya pala hindi na kita mahahagilap, may iba ka na palang pinagkakaabalahan… Hindi nga ako nagkamali ng hinala ko sa inyo ni Paul Jake. Kaya pala pinalayas mo na ako sa kwarto mo noong huli tayong magkita.”
Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ang ang lahat ng dugo ko. Tinitigan ko ng matulis si Shane.
“What?!” sambit niya noong mapansin ang titig ko sa kanya.
“You told him?”
“That’s what you told me, right? And you were both very sweet with each other. The two of you were even embracing, caressing… in front of me?”
“Kuya… wag kang maniwala d’yan!” baling ko kay Kuya Rom.
“Now I am a lying ha?” pagsalungat naman ni Shane sa sinabi ko.
“Shane… can you leave us alone for a moment please?” ang pakiusap ni kuya Rom.
Lumabas si Shane ng walang imik.
“I-explain mo nga sa akin kung paano naging kayo ni Paul Jake? Di naman ako magagalit e.”
Ewan ko pero sobra talaga akong nasaktan sa sinabi niyang hindi siya magagalit. Iyon bang nag-expect ako na magselos siya, magalit dahil ibig sabihin noon ay may naramdaman din siya para sa akin. Ngunit wala palang epekto ang palabas ko. Bagkus, para pang kinonsente niya kami.
“Di ba dapat ikaw ang mag-explain sa akin kung bakit hayan… nalaman ko na lang na boyfriend mo na pala itong alien na yan?”
“Unang-una, tinanong mo na ba akung ok lang ako? Tinanong mo na ba kung may problema ako?”
Napaisip naman ako sa sagot niyang iyon. “Hindi ko naman kailangang magtanong kuya eh. Kung may tiwala ka sa akin, sa amin ng mga magulang kong nagmahal din naman sa iyo, kusa mo itong sasabihin. Bakit wala kang sinabi?”
“Magsasabi naman talaga ako e. Ngunit dinaig ako ng hiya. At noong nagpasya na sana akong magsalita noong pinuntahan kita sa bahay mo, wala ka namang ibang sinasabi kungdi puro pagsiselos, kesyo nagkita kami ng girlfriend ko, kesyo nagsama kami... sarili mo lang ang iniisip mo, tol. Hindi mo ako naramdaman. Hindi mo ako hinayaang magpaliwanag at magsalita kung ano ba talaga ang bumabagabag sa isip ko, kung bakit hindi na ako pumapasok ng eskwelahan. Iyon na sana ang puntong sasabihin ko sa iyo ang kalagayan ng nanay ko. Ngunit ano ang ginawa mo? Pinalyas mo ako sa kwarto mo. Ansakit... umalis akong hindi alam ang patutunguhan. Gusto ko na nga lang sanang magpasagasa sa mga oras na iyon eh. Sobrang sakit ng damdamin ko. Ngunit tiniis ko ang lahat, ang problema ko, ang galit mo sa akin...” Ang sabi niya, halos hindi maintindihan ang sinasabi dahil pigil na pag-iyak.
Hindi ako nakaimik sa narinig. Namalayan ko na lang na tumulo na rin ang luha ko sa awa sa kanya at sa pagsisisis asobrang pagkamakasarili ko.
Nagpatuloy siya. “...At noong bumalik naman ako sa inyo noong huli dahil sa hindi ko na talaga kayang sarilinin ang lahat at hindi ko na rin alam kung saan kukuha ng pera para sa regular na pagdadialysis ng nanay, wala ka naman doon. Kaya nag-iwan na lang ako ng sulat sa pag-asang puntahan mo ako kaagad. Ngunit naghintay ako sa wala. Nasaan ka? Hindi kita mahagilap. Napaka-kritikal ang oras iyon para sa akin, alam mo ba?”
Patuloy pa rin an gpagpahid ko ng luha. “Sana tinext moman lang ako kuya.”
“Paano kita matext? Wala akong cp, ibinenta ko na!”
“Patawad kuya. Hindi ko akalain na napakalaking pagkakasala pala ang nagawa ko sa iyo. Kasalanan ko ang lahat kuya. Sana ay patawarin mo ako.” At napahagulgol na lang ako habang niyakap ko ang bandang uluhan niya. “Kuya... patawarin mo ako”
“Pinatawad na kita tol... Lagi namang ganyan eh. Di kita matiis. Kaso lang...”
“Kaso... ano?” Tanong ko.
“Huli na ang lahat. Pati kaluluwa ko ay naibenta ko na rin”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ginamit ko ang katawan ko. Para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng nanay ko. At noong sinabi ng duktor na kapag hindi makakapagkidney transplant ng nanay ay hindi na magtatagal ang buhay niya kaya napilitan akong tanggapin ang alok ni Shane. Kaya nga sana noong bago ako magdesisyon, hinahanap kita tol… gusto kong marinig ang sasabihin mo. Subalit wala ka, hindi kita mahagilap. Wala ka sa panahon na kailangan ko n asana ang tulong mo. Kailangan kong magdesisyon sa araw ding iyon. Kaya wala na akong magawa...”
“Bakit? Ano ba ang alok niya sa iyo?”
“Kapag gumaling na ako, sasama ako sa kanya sa Canada. At doon na raw kami magsama...”
(Itutuloy)
wala ako ng masabi (Bravo!)...just waiting for the next chapter hehehe
ReplyDeleteAiy...bitin ako..Kaloka! wait for the next chap nalang.. Sana happy ending..
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!
ReplyDeletenakakaiyak!!
Sana gawin tong movie!
dahil kahit ilang beses uulitulitin ko to!!
IPAGLABAN MO SYA JASON!
MY GED! PATAYIN SI SHANE!!!
NEXT CHAPTER PLEASE!
WTF?! parang ako yong nasabugan nang bomba sa nabasa ko! shit!!! kaka inis! gumawa ka nang paraan jason! buy him off again sa alien na yan! bayaran mo ang kano! si Kuya Rom naman kasi pakipot pa eh. love your stories Mike Juha!
ReplyDeletehaist.. di ako maka move on sobrang kakakilig ng ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN! bet ko si kuya Rom. hahaha
ReplyDelete