“Tol… I Love You [11: Last Part – Ver 1]
Pakiwari ko ay napakabigat ng aking mga paa habang nagmamartsa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sariling tapusin ito hanggang sa makarating ako sa altar. Habang nakatayo ako doon at hinintay ang ang aking bride na nagmartsa na rin papuntang altar sampu ng kanyang mga bridesmaid, ibayong kaba naman ang naramdaman ko. Tila may kung anong emosyo ang nagbabadyang sumabog ano mang sandali. Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Sa kabila ng napakalaking okasyon na iyon sa buhay ko, tila hindi ko na naramdaman ang excitement na dulot nito. Ang bumabagabag sa isip ko ay si Lito, kung bakit hindi siya nakarating, at kung bakit wala man lang siyang paalam kung ano ang nangyari. Sa pagkakilala ko sa kaibigan, alam kong hindi niya magagawa ang hindi pagsipot sa okasyong para sa akin lalo na sa isa sa pinakaimportanteng bahaging iyon ng buhay ko.
Noong magsimula na ang misa at nasa parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.
Tinanong uli ako ng pari. “Warren, tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”
Sa pangalawang tanong ng pari, naramdaman ko ang sobrang pagkalampag ng aking dibdib. At imbes na sumagot sa tanong niya, bigla akong tumayo, tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng simbahan.
Nabigla ang lahat, ang iba ay nanlaki ang mga matang sinundan ang mabilis kong pagtakbo palabas ng simbahan, di makapaniwala sa nasaksihang eksena at sa gnawa ko. Ngunit wala akong pakialam.
“Warren! Saan ka pupunta!!!” ang narinig kong sigaw ni Sarah.
Hindi ko siya snagot. Nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Noong nasa labas na ako ng simbahan, tinumbok ko ang puting kotse na sasakyan sana namin ni Sarah patungong reception area pagkatapos ng aming kasal. Kumpleto pa ito sa mga dekorasyon, bulaklak, ribbons, at may streamer pang nakasulat sa likuran nitong “Just Married”. Binuksan ko ito at dahil sa nakasaksak lang ang susi sa susian, agad-agad akong umupo sa driver’s seat.
Hindi ako lubusang marunong magmaneho at wala pa akong lisensya. Si Lito lang ang nagturo sa akin isang beses noong namasyal kami gamit ang sasakyan nila. Ayaw ko sanang magpaturo gawa nang wala naman kasi kaming sasakyan ngunit mapilit isya. “Sa buhay ngayon, Tol… isang advantage ang marunong ang isang taong mag-drive. At malay mo, darating ang panahon ng kagipitan at kailangan mong magsalba ng buhay at walang ibang marunong mag-drive. E di manghihinayang ka kung bakit hindi ka pa nag-aral magmaneho, diba?” Ang paliwanang niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatanggi.
Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan at noong makaandar na, pinaharurot ko naman ito, ang ibang mga sasakyang nakaparada ay nasasagi ko. Sinisigawan at hinahabol ako ng mga may-ari ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga ito. Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa bahay ni Lito.
Noong makarating na ako, agad-agad akong nag door bell.
Nakailang door bell din ako. Sa pagkainip na matagal binuksan ang pinto, kinapa ko na ang door knob at noong mapansing hindi naka-lock ito, binuksan ko na at tuloy-tuloy sa pagakyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ni Lito. Agad-agad kong binuksan ito at ang sumalubong sa aking pandinig ay ang malakas na tugtog galing sa stereo niya. Ang paboritong kanta niya -
“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
Hinalughog ko ang buong kwarto – sa CR, sa cabinets, pati na sa ilalim ng kama. “Litooooo!! Nasaan ka?” Ang sigaw ko.
Dahil sa hindi ko naisara ang pinto, narinig ng katulong ang ingay ng tugtog at sigaw ko na nagmula sa kwarto ni Lito at agad-agad itong napasugod.
“Martha, nasaan ba si Lito?” ang tanong ko kaagad sa kanya. Bakat sa mukha niya ang pagkagulat sa pagkakita sa akin na nandoon sa loob ng kuarto ni Lito imbes na sa simbahan, sa kasal ko.
“Nakaalis na Kuya, kanina pa mga 8:45 ng umaga! Dala niya ang Toyota Camry, siya mismo ang nagmaneho. Bakit kuya, wala pa ba siya doon?”
Hindi ko na sinagot si Martha. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay hindi lumalapat ang mga paa ko sa hagdananan habang patakbo akong palabas ng bahay at binalikan uli ang kotseng dala, sabay paandar at paharurot uli nito.
Ang sunod kong tinumbok ay ang paborito naming beach kung saan nakalibing ang kabibeng may malaking kahulugan para sa kanya at sa aming relasyon.
Noong makarating na, dali-dali kong tinumbok ang ilalim ng hagdanan ng cottage kung saan ibinaon namin ito. Dali-dali kong hinukay ito. Ngunit laking gulat ko noong makitang isang biyak na lang ang naroon. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay umikot ang paligid ko sa magkahalong lungkot, pagkalito sa nasaksihan, at takot sa kung ano man ang ibig ipahiwatig nito. At lalo akong kinabahan noong may nakabaon na sulat kasama sa natirang biyak na kabibe. Binuksan ko ito. Sulat kamay ni Lito.
“Tol… binigyang laya na kita. Dala-dala ko ang isang biyak ng kabibe at dadalhin ko ito saan man ako pupunta. Ang kabibeng ito ang magsilbing alaala ko sa iyo. Dito, sasariwain ko ang mga masasayang samahan at karanasan natin kung saan, kahit pilit lang, ay ipinadama mo sa akin kung paano mahalin ang isang katulad ko... Sobrang sakit. Alam kong hindi mo ako minahal. Ramdam ko ito sa bawat bigkas ko sa mga katagang ‘I Love You’ pero hindi mo ito tinugon… Naghintay ako, ngunit wala. Hanggang sa nalaman ko na lang na ikakasal ka. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo ngunit paano ko ito gagawin gayong alam kong hindi mo naman ako mahal? Ngunit huwag kang mag-alala dahil natutunan ko nang tanggapin ang lahat…Huwag mo akong alalahanin pa, at huwag mo akong sundan kung saan man ako patungo. I-enjoy mo lang ang buhay kasama ang babaeng mahal mo na siya mong pakakasalan. Sa kanya, matutupad ang mga pangarap mong magkaroon ng anak at pamilay. Hangad ko ang kaligayahan ninyo. At palagi mong tandaan tol… mahal na mahal kita. Sana ingatan mo palagi ang sarili mo… Warren.”
Pumatak ang mga luha ko sa pagkabasa sa sulat niya. At lalo itong nagpaigting sa takot na namumuo sa isip ko.
Agad kong inilagay ang kabibe at ang sulat niya sa isang plastic. Hindi ko alam kung saang lugar ko pa siya hahanapin ngunit biglang pumasok sa isip ko ang rooftop ng school building. Muli pinaharurot ko ang sasakyan patungo doon.
Ibayong kaba naman ang naramdaman ko noong makita ang panyo niya na nakatali sa may hagdanan ng palapag papuntang rooftop. Iyon kasi ang palatandaan namin na kung ang isa sa amin ay maunang umakyat doon, itatali niya ang panyo niya sa may hagdanan at ang susunod sa kanya ay siyang magtanggal nito at dadalhin na sa itaas.
Tinanggal ko ito at isiniksik sa aking bulsa. Ngunit noong makaakyat na ako, walang Lito akong nakita. Hinanap ko siya sa paligid, sa likod ng tangke. Wala. Noong mapansin ko ang malaking takip ng tangke na nakalatag na sa sahig na semento, agad-agad kong inakyat ang bunganga ng tangke. Bukas nga ito. Sinilip ko ang loob ngunit wala akong maaninag. Bumaba uli ako at nanghagilap ng mahabang kahoy upang gawing panungkit sa loob ng tangke.
Nakahanap ako ng isang tubo na may habang 4 na metro, umakyat muli ako sa bunganga ng tangke. Nahirapan akong iakyat ang tubo na iyon dahil sa sobrang bigat at haba. Ngunit marahil ay dahil sa nag-uumapaw na pagkabagabag ng isip at matinding pagnanais na isalba si Lito kung nandoon nga siya, nagawa ko pa rin itong iakyat at ipasok sa tangke. Hawak-hawak ang nakausling dulo ng tubo, hinalukay ko ang buong lalim ng tubig sa loob ng tangke. Maya-maya lang, may nasundot ang dulo ng tubo na sa pakiwari ko ay mistulang isang katawan ng tao.
Tila nawala na ako sa tamang katinuan sa matinding kutob na iyon na nga si Lito. Binitiwan ko ang tubo at umangkas sa bunganga mismo ng tangke. Akmang tatalon na ako sa loob niyon noong mula sa likuran ay may narinig akong sigaw, “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan?!”
“S-si Lito!” sigaw ng isip ko. Akala ko ay niloloko lang ako ng kaibigan. Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ng boses. Ngunit laking pagkadismaya ko noong makita ang dalawang maintence technician ng school. Ang isa sa kanila pala ang sumigaw sa akin. Wala na kasing pasok sa araw na iyon kaya gumawa sila ng maintenance activity sa buong building.
“Kuya! Nasa loob po ng tangke ang kaibigan ko, hindi po marunong lumagoy iyon!” ang sigaw ko sa kanila at nagmamadali na akong tumalon sa loob ng tangke, hindi na hinintay ang kanilang isasagot pa. Sinisid ko nang sinisid ang tubig hanggang sa may makapa ang mga kamay ko. “Tao nga!” sigaw ng utak ko. Bigla ko namang naramdaman ang kalamnan kong nanginginig, iniisip na baka katawan ni Lito nga iyon.
Hawak-hawak ko ang kwelyong suot niya, hinila ko siya hanggang sa nakalutang na kami sa ibabaw ng tubig. Noong maaninag ko na ang mukha, doon ko na nakumpirma. Si Lito. At kumpletong suot pa niya ang sinabi kong uniporme namin para sa pagbe-best man niya sa kasal ko – itim na coat, tie, at isang pulang-pulang rosas na naka-pin pa sa kaliwang dibdib niya. Parehong-pareho sa sinusuot ko.
“LITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!” Hiyaw ko, ang lalamunan ay mistulang puputok sa sobrang lakas nito. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang hawak-hawak ng kamay ko sa likuran niya ang tubong ginamit kong panungkit upang hindi kami lumubog.
Nanumbalik sa isip ko ang sinabi niya sa akin isang beses noong nagparinig siya na may iba siyang mahal at hindi niya magawang sabihin ito sa kanya. “Kapag hindi ako kayang mahalin ng taong iyon, tol… tatalon ako sa tangke na to at magpakamatay na lang.” Sa pag-aakalang babae nga ang ibig niyang ipahiwatig, tumawa pa ako ng malakas at biniro ko siya na “Ikaw? Hindi kayang mahalin? Sa dami ng nagka-crush at nagkandarapa sa iyo d’yan? Tol naman…” Natandaan ko pa ang isinukli niya sa biro kong iyon – isang matalinghagang ngiti. Malay ko ba naman na ako pala ang ibig niyang sabihing taong mahal niya.
Humagulgol ako nang humagulgol, sumigaw nang sumigaw at umaalingwngaw ang aking paghihimutok sa loob ng tangke na iyon. “TOOOOOOLLLLLLLLLLLLLLLLL!!! BAKIT MO GINAWA ITO??!!! ARRRRRRRGGGGGGGHHHHHHHH!!!” Mistula akong isang batang naglupasay sa mgakahalong galit at sama ng loob.
Habang nasa ganoon akong paghihimutok, namalayan ko na ibinaba ng dalawang maintence personnel ang hagdanan na gamit nila. Dali-dali naming iniakyat si Lito na noo’y sa tingin ko ay simputi na ng papel ang balat at malamig na malamig na ang kamay at mukha. Noong mailatag na siya sa sementong sahig ng rooftop, sinabihan ko ang mga technician na tumawag ng ambulansya. Agad naman nilang sinunod ang utos ko.
Habang nakalatag siya, napansin kong isang sapatos lang pala ang suot niya. Namukhaan ko ang sapatos na iyon; iyon din iyong kapares noong itinapon namin sa tangke. At noong tinggal ko naman ang mga butones ng long sleeves niya sa may bandang leeg upang luluwag ang pressure sa parte ng katawan niyang iyon at sisimulan ko na ang CVR, lunamtad naman ang kabiyak ng kabibe na kapares noong naiwanan sa beach na dinala ko. Isiniksik pala niya iyon sa sa loob ng kanyang coat. Iyon pala iyong matigas na bagay na dumampi sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya sa loob ng tangke.
Tinanggal ko ito at walang sinayang na sandaling pinump ko ang dibdib niya tapos mouth-to-mouth, tapos pump uli, mouth-to-mouth, pump uli, mouth-to-mouth… tila walang katapusanang pag-CVR ko sa kanya dahil sa hindi ko pa rin mahagilap ang kanyang pulso at walang bakas na bumalik na ang pintig ng kanyang puso. Hanggang sa dumating na ang mga paramedic at itinuloy nila ang CVR.
Maya-maya, dinala nila si Lito sa ambulansya nila kung saan may equipment silang pampa-revive ng puso at paghinga. Ngunit pati ito ay wala na ring silbi kay Lito. Hanggang sa ang isa sa mga paramedics ay nagsalita. “Hindi na kaya… We are sorry.”
Mistulang pinutukan ako ng bomba sa narinig, hindi makapaniwalang wala na si Lito. Sumigaw ako hanggang sa tuktok ng aking baga sa laki ng panghihinayang at sama ng loob. “ARRGGGGHHHHHHH!!! Ngunit hanggang sa pagsigaw na lang ang kaya kong gawin para sa kaibigan.
Hindi ko alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Puno ng pagsisisi, galit sa sarili, at awa sa kaibigan. Pakiramdam ko, gusot ko na ring magpakamatay at samahan na rin si Lito. Ang nakahadlang lang nito ay ang paniniwala ko na mali ito.
Ibinurol si Lito sa bahay nila ng limang araw. Sa panahon din iyon, doon ako pinatulog ng mga magulang siya sa kwarto mismo ni Lito. Ibinigay nila sa akin ang karapatan sa kung ano man ang gusto kong gawin sa mga personal na gamit ni Lito. Noon daw kasing panahon na malungkot na malungkot si Lito dahil sa hindi ko pagpatawad sa kanya, may nabitiwanitong salita ito sa kanila na kung ano man ang mangyari sa kanya ay huwag nila akong sisihin at ipaubaya sa akin ang mga personal na gamit niya.
Noong manghalungkat ako sa mga personal na gamit ni Lito, nakita ko ang mga litrato namin sa panahong napakasaya pa naming nagsama bilang magkaibigan. May isa ding litrato kung saan may nakaukit sa likod na, “My Best Friend, Warren… Mahal na Mahal Ko Iyan!”. Nakita ko rin ang isang tuyong bulaklak kung saan natandaan kong ibinigay ko sa kanya isang beses na biniro ko siyang bakla. Nandoon din ang isa kong shorts na hiningi niya sa akin matapos kaming maligo sa beach. Habang isa-isa kong hinalungkat ang mga gamit niya, isa-isa ding bumabalik ang mga ala-ala na nakaukit nito. Hindi maiwasang hindi tumulo ang mga luha ko.
Iniligay ko ang lahat ng iyon sa isang karton, kasama na syempre ang pinakamahalagang mga bagay para sa amin, ang pares ng sapatos na itinapon namin sa tangke na pinagbuo ko na at ang kabibe. Bago ko binuo at tinalian ang kabibe, gumawa muna ako ng sulat –
“Dear Lito, salamat sa lahat ng kabutihan mo sa akin. Salamat at kahit sa maikling panahon ay may isang katulad mo na dumating sa buhay ko. Salamat sa lahat ng tulong, salamat sa lahat ng payo, salamat sa pagiging tapat na kaibigan, salamat sa kaligayahang ibinigay mo sa akin. Higit sa lahat, salamat sa pagmamahal. Pasensya ka na, na ako pa itong dahilan sa wala sa panahong pagpanaw mo. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang lahat… Hindi ako mapakali. Nahirapan akong tanggapin ito. Kung alam ko lang na ito pala ang kahahantungan ng lahat, sana, hindi ko na hinayaan ang sariling lumayo pa sa piling mo. Hindi ko mapatawad ang sarili ko tol. Sana naghintay ka. Sana hiniling mo sa akin na ayaw mo akong magpakasal. Hinintay ko lang naman na sabihin mo iyon sa akin e… Ngunit wala na akong magaagwa pa. Sana ay kung saan ka man naroon, masaya ka, mapayapa, sa mundo na kung saan sinabi mo sa kanta na ‘lucky’ ka dahil mahal mo ang best friend mo. Huli na man ang lahat, ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito Tol… I Love You!”
Isiniksik ang sulat na iyon sa loob ng binuong kabibe. Tinalian ito upang siguradong hindi na maghihiwalay pa.
Sa libingan ni Lito inilibing ko rin ang lahat ng mga alaala namin. Nakihatid ang lahat ng mga kaibigan, kaklase, mga buddies. Ako nag pinakahuling umalis sa libingan niya.
Habang nag-iisa, parang isang baliw akong nakikipag-usap sa kanya. Walang humpay ang pag-agos ng aking luha. At bago ako umalis, binitiwan ko uli ang mga katagang matagal na niyang inaasam-asam na marinig sa mga bibig ko.
Alam ko huli na ang lahat…
Mahigit alas 8 na ng gabi noong maisipan kong umuwi. Sa taxing napara, umupo ako sa harapan sa tabi ng driver. Disoriented, pagod ang katawan at sobrang bigat ng kalooban. Pakiwari ko ay himinto ang takbo ng mundo, naglaho ang sigla na harapin pa ang bukas.
Inilabas ko ang cd na baon-baon ko. Hiniling ko sa driver na isalang ang laman noon sa player niya.

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair
Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky we're in love in every way

Lucky to be coming home someday”
Tumulo muli ang mga luha ko. Sa bawat bigkas ng mga kataga ng kanta, naiimagine ko ang tindi ng kalungkutang nadarama ni Lito sa kabiguan ng pagmamahal niya para sa akin. At ang naibulong ko sa sarili, “Sana natupad na ang mga katagang sinasabi ng kantang iyan, kagaya ng palagi mong sinasabi sa akin kapag pinatugtog mo iyan, na sa kantang iyan mo lang nabibigyang-buhay ang ‘pagmamahalan’ natin dahil sa totoong buhay, ikaw lang ang nagmamahal. Ngunit nagkamali ka tol… Hindi ko lang masabi-sabi ito sa iyo dahil nahirapan din akong tanggapin sa sariling nagmahal ako sa isang lalaki. Hintayin mo ako d’yan; isang araw, magsama din tayo. Palagi mong tatandaan, tol… I Love You!”
(Wakas)
Author’s Note:
May gagawin pa akong version 2 ng ending… abangan! :-)

nakakaiyak naman :(
ReplyDeletegrabe mike di ako magsaswang basahin ang story n toh.. sna mike pa din toh mag karron k ng book.. bbli tlga ako.. thnx mike for thsi story..
ReplyDeletekakaiyak :(
ReplyDeleteShet kapangalan ko pa si warren! awwww! and it also happened in my ture life.. na minahal ako ng bestfrend kooooooo! waaaaaaaa!!! but hes alive still though wehhehehe...
ReplyDeleteLove u bestfriend..
Grabe ka na writer!!!! alam mo bang magang-maga na ang mga mata ko kakabasa lang nitong Tol... I love you mo!? ang sama mo talaga... huhuhuhhhuhuhu
ReplyDeleteGinuntuang Aral:
Lito: Pagmahal mo ang isang tao, ibibigay mo siya sa taong mahal niya kung alam mong doon siya masaya...
Warren: Kapag nariyan na ang pagibig, grab it! Bago pa maging huloi ang halat.
Me: Wag magmahal ng kaparehong sex, Napakasakit pala!!!!!!!!!!!
huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhhuhuhuhuhh
Ahhhhh a very nice story nun dumating na ako sa part na may song na "lucky" im not familiar with the song but i download it sa computer para marinig ko naman at at nang nandun nako sa last part with at pinatugtog grabe ang feelings na na feel ko at napaluha sa story sobrang sakit pal ang ganon.
ReplyDeletetalagang nasa huli ang pagsisisi. kaya people outthere wag sayangin ang panahon until meron pal.
nakakaiyaaaaaaaaaaaaaaaK!! :'( d best maaalala ko ang kwentng ito whenever i hear the song 'Lucky' .
ReplyDeletemy god, nasa office ako nung binabasa ko to! grabe! hindi napigil ang umiyak,huhuhuhu
ReplyDeletehuhuhu....the story really touch my heart,umuiyak din ako sa bawat pag luha ni lito,i cant believe it,two thumbs up para sa writer and keep up the good work
ReplyDelete..grabeh i would say n eto ang favorite q story kua mike it really made great impact sa mga reader at sa mga ngmamahal jan..it really touch my heart super nakaka iyak..more power kua mike and Godbless
ReplyDelete-lerrad
kuya mike bakit ang galing mo kainis ka napa iyak mo nanaman ako akala ko Ang kuya kong crush ng bayan ang pinaka magandang storya mo ngyon pala meron pa! habang kcing hinintay ko yung nxt part ng Ang kuya kong crush ng bayan na kita ko to binasa ko nman hahaha grbe super ako naiyak ang skit sa lalamuna kc pinipigilan ko na maiyak pero hindi koya naiyak parin ako sana marami ka pang ganitong mga storya heheheh love it love it kawawa si warren at lito! huhuhuhu ....troy lee
ReplyDelete► naks ganda neto ah labas lahat ng sipon ko! 2:00 am na POWTEK! kuya Mike angGanda pabili ako nan Book!! leche kainis iyak ako nan iyak d2 buyseett!!!
ReplyDeletesa lahat ng mamambabasa ng kwento ni kuya mike, we have the same feelings while reading...thanks tlga kuya mike pero actually it happend to me right this moment, tol mahal na mahal ako ng bestfriend ko pero bakit hindi ko maramdaman at bakit pinangarap ko pang mawala ako sa piling niya at kalimutan ako? tol promise totoo ito, lahat nlng ibinigay niya, lahat ipinakita niy apero at minsan naisip kung nagamit kuna asiya sa sariling kung kagustuhan.. tol sa sobrang mahal niya sa akin lahat gagawin pati sa sex. sabi pa niy alumigaya lng daw ako...tol hindi ko kayang makipag plastikan kasi ramdam ng puso kung hindi ako masaya..huhuhuhhuuh
ReplyDeletesobrang galing sir...i was cryin like a baby...ang hirap i explain ng nararamdaman ko while reading the story...naalala ko tuloy yung movie na "the cure" i was grade 5 then when i saw it on tv...pero that tym iyak n ko ng iyak...sobrang bigat sa pakiramdam...now ko lang ulit naramdaman yung ganung feeling...naka relate ako dahil kahit ako na inlove din sa bestfriend ko...halos tumga mga pangyayari sa amin sa kwento mo... hayz kuya mike... ibang lvl k sir! more power
ReplyDeletemenriz06@yahoo.com
kuya mike!!! grbe story mo.... shet, ang ganda!.... napaiyak ako dun ng wala sa oras... at 2:15am ko na tong natapos basahin... at take note, may exam pa kami sa ana/physio. mas pinili ko tong basahin kesa sa magstudy. hahaha... naadik na ako, nung nasa part 9 na ako, sabi ko sa sarili ko na hindi pwedeng hindi ko to tapusin... hehehe, so ayun. hindi ako nagsisisi na hindi ako nakastudy kasi worth it ang nabasang kong story, madami akong napulot na aral. hinding hinding ko 'to makakalimutan, lalo na't favorite song ko ang 'lucky' at fan ako ni jason mraz... SALAMAT sa story kuya! hehe, siguradong hindi na ako ngayon makakatulog ngayon :D hahaha....
ReplyDelete-philip
naiyak naman ako dito..
ReplyDeletehnde ako mhlig tlga mgbasa.. pero sbrang naadik ako s lhat ng mga kwento dto.
xet iyak ako nang iyak as in nakakai yak d 2lad nang kuya kong crush nang bayan marahil mag magpapakamatay din ako pag ganyan din nangyari sakin promis yan T_T grabe mababaliw ako
ReplyDeleteI prefer this ending, kasi mas dramatic ika nga.
ReplyDeleteKasi in contrast sa AKKCNB na sila in the end, gusto kong makabasa ng storya na masaklap ang ending.
And that's what I got here!!!
You just got me hooked!!!!
Hindi ako emotional na tao, pero with AKKCNB and this, TILY, you just triggered my depression state!!!!
Na kahit kailan, di ko mae-experience na mahalin din ako ng taong mahal ko in the same way na mahal ko siya.
Kudos to you!!! :D
Andrew Johnson
angh ganda ng kwento ako sa totoo nangyayari to skin ngaun nahihirapan ako punili kung ung awa lang ba o pagmamahal papairalin ko........... hirap pla pag 2 nagmamahal sau
ReplyDeletegrabe talaga ang bigat na nararamdaman ko sa lahat ng iyong mga likha..grabe...hindi pweding hindi ako maiyak..matuwa at mainspire...keep it up kuya mike and more power.
ReplyDelete-jojie
ang sakit sa puso ng ganitong kwento..
ReplyDeleteparang dinudurog ung puso ko ngayon..
-van
wwwwwwwwoooooooooohhhhhhhhh.........grabe naman!!!!!!!!!!!!nakakaiyak talaga..totoo po ba ito?sana sagutin nyo kaagad tanong ko...tnx po
ReplyDeleteKuya Mike though masakit at mabigat ang loob ko hindi masyadong lumabas ang luha pero alam ko ang anlaki din ng impact ng story itong sa akin grabe andami mo nang natuturo sa akin kuya mike tatapusin ko ng isang araw lang kanina lang ako nagsimula at babasahin ko na ang version 2 hope happy ending sya!!
ReplyDeletehuhu lam mo ung pakiramdam na ang sakit ng lalamunan mo kasi pinipigilan mo ang umiyak (bkit kasi dito natulog and pinsan ko sa kwarto)..huhu pati mata ko namumula sa pigil na luha..huhuhuhu gusto ko umiyak..shet ang saket ng story,, sana iniba na lang ung ending,,sana si lito na lang ung nagsalita ng "anung ginagawa mo jan" habang takot na takot si warren sa posibleng nasa loob ng tangke at sana sapatos lang ung ntusok ni warren sa tangke,,edi sana kilig pa ung ending,,hay
ReplyDeleteKakalungkot yung story pero maganda .. nakarelate ako kasi inlove din ako sa bestfriend ko .. pero kahit alam na yung feeling ko for him di pa din nagbabago pakikitungo nya sakin at yung pagsasamahan namin .. kakainspire yung kwento para sakin ..
ReplyDeleteI would like to know when this book will be published together with "Si Utol at Ang Chatmate Ko". I've also seen a lot of typos as I read your work. I hope before the books become available to the market, the typos will be edited. Kahanga-hanga ang galing mo Sir Mike sa pagsulat. Maraming Salamat!
ReplyDeletekala ko pa naman happy ending. kaya eto ako kuya, malungkot.
ReplyDeleterhon
shit!!!! sasabog na ata dibdib ko!!!! i love you sir mike!!! napakagaling mo!!! grabe ka!!! para akong batang umiiyak takte. 19 na ko eh!!!! kawawa si Lito, pero feeling ko pag ako din ang nasa kalagayan niya ganun din ang gagawin ko. ewan. sa P.O.V. ni Lito ko kasi linagay yung sarili ko kaya sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Babasahin ko to uli at sa P.O.V. ni Warren ko naman ilalagay yung sarili ko.
ReplyDelete4;24 a.m.
ReplyDelete- David
Grabe nmn tong ending na to, sobrang nakakaiyak. Kahit sad ang ending maganda p rn ang naging takbo ng story. Gj sir
ReplyDeleteIm reading this for so many times.,.,, ;( it makes me cry alsys.. nkakainis bt wlang forever s knlang dlwa..
ReplyDeleteKailn po ung second version ng ending...