***2:00pm Wednesday***
Maagang umuwi mula sa trabaho si Andrew. Sa Ayala Avenue cor Buendia siya palaging naghihintay ng bus papuntang Baclaran para makababa sa Taft Avenue at doon sumasakay siya papuntang Remedios at pagbaba niya ay nilalakad nalang niya ang papuntang Paco Park kung saan malapit lang ang bahay ng kanyang kapatid kung saan siya naninirahan. Tapat lang kasi ito ng Parke.
26 years old na si Andrew at nagtratrabaho bilang isang software developer sa isang American Company na nakabase sa Makati para ma-accomodate nito ang mga kliyente ng kompanya sa Asia...
Nakahiga na si Andrew sa kanyang kama at hawak-hawak pa rin niya at pinagmamasdan ang iPhone na nakuha niya sa bus. Naalala pa ni Andrew nung pag-upo niya sa bus ay may kung anong matigas siyang naramdaman sa kanyang puwitan at nang tumayo siya ay nakita nga niya itong telepono.
“Swerte ! ! !” Ang nasambit nalang niya ng makita niya ang iPhone.
Walang masyadong pasahero sa bus pag ganoong oras. Napaaga ang uwi nila dahil nagkaroon ng problema ang server ng kanilang opisina at kinakailangan ng 6 hours para maisaayos ito. Pinayagan sila ng boss nilang magsiuwian na at tutal wala naman silang gagawin habang down ang system. Hindi na sumama sa iba niyang kaopisina si Andrew na pumunta sa Glorietta para mamasyal. Mas gusto ni Andrew na mahiga na lamang at magpahinga dahil 2am na siya nakatulog kagabi dahil sa paglalaro sa kaniyang Nintendo DS.
Sa ganoong edad ni Andrew ay mahilig pa rin itong maglaro ng mga video games. Alam ni Andrew na isip bata pa rin siya, kaya malalapit ang mga pamangkin nito sa kanya. Maagang namatay ang mga magulang ni Andrew at itinuring niyang magulang ang kaisa-isa niyang nakakatandang kapatid na si Kuya Jimmy. Sa awa ng Diyos ay napagtapos ni Jimmy si Andrew bago ito mag-asawa at ngayon nga ay medyo nakakaluwag na sila. Nang nag asawa ang kaniyang kuya Jimmy ay nagpaalam si Andrew na aalis na sa poder ng kapatid ngunit hindi pumayag ang mag-asawa at sinabihan nalang si Andrew na saka nalang siya bumukod pag may asawa na siya. Tumutulong sa gastusin si Andrew sa bahay. Nagbibigay ng pang tuition ng mga bata, mahal na mahal ni Andrew ang pamilya niya.
Nakagawian na ni Andrew na pagkagaling sa opisina ay maligo at mahiga sa kama para makapaglaro ng mga RPG hanggang sa makatulog siya.
Naalimpungatan si Andrew ng may nagring... galing ito sa iPhone na nakuha niya sa bus kanina. Sinagot ito ni Andrew.
“Hello?” sagot ni Andrew.
“Ako ang may-ari ng telepono. Kailangan na kailangan ko ang phone ko. Bagong bili ko at matagal kong pinag-ipunan yan. Pakisoli naman . Please lang.” sunod sunod na paliwanag ng lalaki sa kabilang linya.
Buong-buo ang boses nito at matikas.
“Sulat mo ang cellphone number ko. Sa Friday ng 530pm mo ako puntahan sa harapan ng opisina ko.” Tamad na sagot ni Andrew.
Ibinigay ni Andrew ang phone number niya at kung saang kompanya siya nagtratrabaho sa lalaking kausap sa kabilang linya.
“Hindi ba pwedeng ngayon na lang?” sagot ng lalaki.
Tinignan ni Andrew ang telepono niya at 6:40pm pa lang pala.
“Hindi.” matigas na sagot ni Andrew.
“Bukas?” tugon ng lalaki.
“Sa Biyernes nga.” Sagot ni Andrew.
Walang kumikibo sa linya.
Hinihintay ni Andrew ang sagot ng lalaki.
“Kung ayaw mo sa Biyernes wag nalang.” Inaantok na sabi ni Andrew sabay off sa iPhone at kaagad namang bumalik sa pagtulog.
Ang ayaw na ayaw sa lahat ni Andrew ay ang makipagkulitan at paiba-iba ng desisyon. Mabilis lang siyang magdesisyon. Tumunog ang telepono niyang nokia6133 at kaagad naman niyang binasa ang text message.
“Cge sa Friday na lang.” sabi sa text.
“See you on Friday.” Nagreply si Andrew gamit ang kaniyang sariling phone.
Pag send niya ng message ay tuluyan ng bumalik sa tulog si Andrew dahil maaga pa siyang papasok bukas.
************************
“Ano Pre... Nakausap mo?” tanong ni Michael kay Alex.
“Oo... sa Friday daw.” Malungkot na sabi ni Alex.
Tumabi si Michael kay Alex at ngumiti.
“Yun naman pala! Cheer up, at least hindi nawala ang bago mong biling iPhone”
Napangiti nalang ng pilit si Alex at di pa rin nito maitago ang kaniyang kalungkutan dahil sa recent break-up nila ng kaniyang kalive-in na boyfriend for almost 4 years. Nahuli niya ang kaniyang boyfriend na may ka sex sa mismong kamang tinutulugan nilang dalawa.
Sa haba ng pagsasama nila ng kaniyang boyfriend ay nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa pangloloko sa kanya ng Ex niya. Kahit na sinasabihan siya ni Michael at ng iba pa niyang mga kaibigan. Ngunit noong Lunes ay hindi niya ito nakayanan ng makita ng dalawa niyang mata ang panglooko sa kanya, at tuluyan ng pinunit niya ang kaniyang relasyon sa boyfriend niya.
“Talagang mahirap maka get over at move on.” Sabi ni Michael.
Matalik niyang kaibigan si Michael. Nagkaroon sila ng relasyon ng kausap ngunit nauwi ito sa pagiging matalik na magkaibigan nilang dalawa na lamang.
Tahimik lang si Alex.
“Basta tuloy pa din ang plano.” sabi ulit ni Michael.
Tinawagan ni Alex si Michael ng pinalayas nito ang kaniyang boyfriend. Si Michael ang dumamay sa kanya buong gabi sa paghihinagpis sa nangyari. Nang mahimas-himasan at naging kalmado si Alex ay kumuha ng tiyempo si Michael para palakasin ang loob ng kaibigan. Mahaba ang usapan nila ni Michael ng gabing iyon at paminsan-minsan ay tumutulo ang luha ni Alex.
Napagdesisyunan ni Alex na sundin ang suggestion ni Michael na magpaka busy nalang muna siya sa kaniyang mga pasyente, sa mga kaibigan, sa pamilya at kung ano pang pwedeng pagkaabalahan sa buhay niya para mabilis niyang makalimutan ang masamang nangyari. Isa na dito ang pagbili ng bagong telepono.Ngunit sa kasamaang palad naman ay nawala niya kaagad ito. Di niya alam kung saan dahil coding ang sasakyan niya pag Wednesday kaya nagcocommute nalang siya pag nagpupunta siya sa ospital kung saan ay may schedule siya sa mga pasyente. Isang Specialista sa Internal Medicine si Alex at ang mga clinic na pinupuntahan niya ay naglipana sa buong Manila.
“Saan mo ba naiwan yung phone mo?” tanong ni Michael.
“Di ko alam pare.” Sagot ni Alex.
“Hindi ba sinabi nung nakakuha?”
“Oo, parang kakagising lang.” Pagtatapos ni Alex.
“Baka taga Call Center yun. Di bale sa Friday makukuha mo naman ulit.” masayang sambit ni Michael habang umiinom ng beer.
Ngumiti nalang ng pilit si Alex dahil iniisip pa rin niya ang kaniyang ex, hindi niya ito sinabi kay Michael dahil alam niyang magagalit ito.
“Kase naman ang hilig mong mag boyfriend ng bata sa iyo.” Malaking ngiti ni Michael upang asarin ang kaibigan.
“Lesson learned...” nasabi ni Alex sa sarili sabay bato ng kinumuyos na tissue sa mukha ng kaibigan...
Umuwing mag-isa si Alex sa condo dahil hindi na sumama pa si Michael. Ang plano kasi ay mag sleepover si Michael sa kanila para may maka-usap si Alex upang malibang naman ito. May nakilala ito sa bar na pinag-inuman nila kanina at doon sumama si Michael. Malibog talaga si Michael, natatawang iniisip ni Alex.
Binuksan ni Alex ang email niya at nakita sa inbox ang mga message na may subject na “im sorry” galing ito kay Dexter. Ang Ex niya
Ilang araw palang ang break up nila kaya medyo masakit pa ang damdamin nitong si Alex kaya sinunod nalang niya ang payo ng mga kaibigan na putulin na ang communication niya dito. Alex deleted all the messages from Dexter sa Inbox niya at nagbukas ng facebook. Titignan niya kung may account yung nakapulot ng telepono niya. Naalalang bigla ni Alex na hindi pala niya nahingi ang name ng kausap niya kanina at gayon din naman siya. Kinuha niya ang luma niyang cellphone para itext ito. Marami siyang text message na siguradong nanggaling kay Dexter. Tinignan niya ang Inbox niya baka nagtext ang taong nakapulot ng kaniyang telepono. Puro lang text message na galing kay Dexter, hindi na niya binasa ang mga ito at tuluyan ng binura lahat.
Nagcompose si Alex ng text message para i-send sa kaniyang number ng taong nakapulot ng telepono niya para magpasalamat dahil hindi siya nakapag thank you dito kanina...
Inalala ni Alex kung ano nga ba ang impression niya sa boses ng taong nakausap niya.
Mabagal, di gaanong kalakasan at malumanay mag salita, dahil siguro kakagising lang nito. Ganito din ang pagka curious niya ng first time niyang makausap ang kaniyang Ex sa telepono. Napaluha si Alex nang maalala niya si Dexter. Habang lumuluha ay nagtext na si Alex, 1130pm na ng gabi pero naiisip ni Alex na hindi naman siguro makakaistorbo kung magpapadala siya ng message.
“Thank you for returning my phone. Really appreciate it. btw im Alex” message niya.
Pagkasend niya ay tuluyan ng nagconcentrate si Alex sa pag-iyak para mailabas niya ang lahat ng sama ng loob, at habang nasa kalagitnaan siya ay tumunog ang phone niya. Nasa inbox niya ang name na “NAKAPULOT".
“Thank me when I return your phone. Sa Friday pa iyon. Huwag kang mang istorbo pag ganitong oras at baka itapon ko ang iPhone mo” reply ni "NAKAPULOT"
Nangiti nalang si Alex sa reply.
Ang hindi alam ni Alex ay nasa mainitang bakbakan si Andrew sa paglalaro ng DOTA nang mareceive nito ang message niya.
*****FRIDAY 3:00pm*****
Habang nasa break si Andrew at ang iba niyang mga ka officemate ay nagtatalo sila kung ibabalik ba ni Andrew ang bagong iPhone na kaniyang napulot.
“Huwag na tol, bihira lang na mangyari yan.”
“Oo nga, bagong bago yan. Mahal yan.”
“Hindi, pinag-ipunan ng may-ari yan, maawa naman kayo.”
“Baka isinanla ang lupa nila makabili lang ng ganyang phone”
“Pinag-ipunan nga eh!”
“Huwag mo ng isaoli para mapalitan na yang cell mo.”
Ito ang mga sinabi ng mga kasamahan ni Andrew.
Napabuntong hininga nalang itong si Andrew at nagsalita.
“Hindi ko ipagpapalit ang Nokia6133 ko. 5 yrs na kami nito at Bebe ko ito.” Sabay halik ni Andrew sa telepono niya at nagtawanan ang kanyang mga kasamahan.
Kaya namang bumili ng mamahaling telepono ni Andrew kaya lang ay itinuturing niyang mahalaga at may sentimental value ang mga gamit niya. Hindi siya maluho sa mga kung ano-anong bagay. Kalimitan lang naman niyang pinagkakagastusan ay ang panonood ng sine, sa mga games niya at minsan sa pagkain, mahilig kasing maghanap ng kakaibang mga kainan at pagkain itong si Andrew.
“Habol ka nalang sa amin o gusto mong hintayin ka namin mamaya?” Mungkahi ng isang kasamahan ni Andrew.
“Hindi nga ako pwede at pagkasauli ko ng telepono ay may pupuntahan pa ako.” Sagot nito sa kanya.
Kanina pang umaga kasing niyayaya siya ng mga kasamahan na kumain sa labas pero nakapagplano na siya na manonood ng sineng mag-isa. Mas pabor kay Alex na manood na mag-isa upang lalo niyang maintindihan ang palabas.
“Saan ka ba pupunta? Sama nalang kami sa iyo. Miss ka na namin.” Sabi ng isang kasamahan niya.
“Secret!” Pangiting sinabi ni Andrew at iniwan na niya ang mga kasamahan para bumalik na sa trabaho.
To Be Continued
pag si ponse gumawa, panalo.. kaabang-abang..
ReplyDelete-arejay kerisawa
Ganda Ng Simula ah . Wiiw . Exciting Ang Susunod Na KABANATA :))
ReplyDeleteBasta Talaga Gawang PONSE ,
Adiiik ! :)))
- eyrielgandita@y.c
This is the fourth time that I'll be reading this obra. I was in the middle of reading someone's work - chapter 18 of something - but ... I guess stories involving student-aged characters are well ... medyo hindi na ako maka-relate. Kaya siguro na-bore rin ako sa Harry Potter. :-)
ReplyDelete