Followers

Wednesday, December 31, 2014

PARA SA MGA AMATEUR WRITERS NA GUSTONG MAISAAKLAT ANG KANILANG MGA AKDA!


Tama po! If you dreamed of having your own book, this is the answer. Sa minimum cost lamang ay puwede na po kayong magpaprint ng book na matatawag na "quality" at "standard".

Self-publishing po ang tawag dito. Pero unlike the conventional self-publishing na kailangang gumastos ng malaki at kailangang maramihan ang i-print upang maging mura lang ang per book cost (na aabot din sa hindi kukulang sa 50K ang overall cost), ang MSOB book ay tumatanggap ng kahit minimum na 25 copies lamang sa mamabang presyo.

At de kalidad ang libro, hindi newsprint ang gagamitin, may copyright ninyo (tutulungan kayo namin na mag-apply ng copyright), at may ISBN (International Serial Book Number). Ito ay upang talagang katanggap-tanggap ang book ninyo as a standard book.

Nakapagprint na po kami ng books, at katunayan, may mga books na kami na pumasa sa evaluation ng National Book Store, kagaya ng "Santuwaryo: Tatlong Kuwento Ng Pag-ibig" (on display na sa NBS), at mga books na soon to be displayed at National Book Stores na "Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan", "MSOB Anthology 2", at "Munting Lihim".

Heto po ang specifications:

1) Size: 5.5” x 8” (ito lamang ang size na puwede naming gawin)

2) Cover: Softbound

3) Inside pages: Bond paper, white (hindi newsprint)

4) Binding: Perfect binding

5) Minimum no. of copies: 25

6) Rate per book:

60 pages = Php120
80 pages = Php130
100 pages = Php140
120 pages = Php150
140 pages = Php160
160 pages = Php170
180 pages = Php 180
200 pages = Php 190
220 pages = Php200

7) MSOB will handle in the application of ISBN for your book for a fee of Php500.00

8) We will assist you to obtain a copyright para sa book mo

How to calculate:

Assuming that -
a) Your book has 60 pages, and
b) You want to print 25 books

120.00 x 25 = 3,000.00
Add ISBN Fee = 500.00

Total = 3,500.00

For 3.5K, you will have already 25 quality books complete with copyright and ISBN.

Heto ang procedure:
i. Submit your manuscript (MS) via email. Edited, at naka layout sa size na 5.5" x 8"
ii. Kasama sa manuscript ay ang mga title page, copyright page, acknowledgement page, etc. (we can give a sample on this)
iii. Submit your image in high resolution, ready to print, again naka layout para sa cover ng book, including the spine and bleed

We will start this project po by December, 2014.

For more information, please pm me, or send me email at getmybox@hotmail.com

-Michael Juha-

Wednesday, December 24, 2014

HAPPY HOLIDAY!

Playful Jokes -Chptr17



Athr'sNote-

Hi guys :)) Advance Merry Christmas!!

Anyway,

Ang hirap palang 'humugot.. lalo na kapag wala kang pinagdadaanan xD

Siguro sa chapter na ito, medyo palpak ang pag'hugot ko, medyo magulo eh, haha. Kayo na ang bahala guys! :))


Happy reading..


--


Point Of View

 - K a s h -

2:30 in the morning!



Heto at ang aga ko nagising.

Kagabi ay hindi ko na alam kung anong oras natapos uminom ang mga katiwala sa bahay at kung anong oras rin natapos magsi-inom sila Jacob.

Maaga kasi kami natulog.

Ako, si Seven, si Tenten at si Chan.

Alas-nuwebe palang ng gabi ay niyaya ko na silang matulog, magsisimba kami ngayon, unang simba sa madaling araw.. para sa kapaskuhan.

Heto at magkakatabi kaming apat.

Sa totoo lang, hindi talaga kami maagang nakatulog ni Seven eh, kaya naman.. ay ewan.. haha.

Hanggang sa fahan-dahan na nga akong tumayo.

Agad na akong lumabas ng kwarto para maghanda ng apat na milo, sa may simbahan na lang kami kakain, mamaya.

Napangiti na lang ako nang makita sila Jacob sa may sofa, silang lima.. kanya-kanyang pwesto.

Ako lang ang gising, halatang pagod ang lahat.

Nang makita ko ang kusina ay agad kong pinigilan ang emosyong aking nararamdaman.

Si inay, dito siya palagi.. nagluluto ng pagkain, naghahanda para sa hapag at naglilinis.

Kailangan ko talagang magpakatatag. Ayaw kong makita ng kapatid ko na lagi akong umiiyak dahil sa naaalala ko si inay, ayokong masanay siya sa ganoong bagay.

Pagkatimpla ko ng apat na milo ay agad ko na itong ipinasok sa kwarto.

Pagkalapag ko sa may maliit na lamesa ay malaya kong napagmasdan ang tatlo.

Parang magkakapatid lang kaming apat.

Agad kong nilapitan si Seven na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang pagtulog.

Napangiti ako sa aking naisip, may magandang paraan para gisingin siya.

Halik sa kaliwang pisngi, sa kanang pisngi, sa noo, sa ilong, sa baba.

Nang bigo akong magising siya ay muli ko siyang pinaghahalikan.

Sa kaliwa, sa kanan, noo, ilong, baba.. nguni't wala parin.

Muli ko siyang pinaghahalik-halikan.

Sa magkabilang pisngi, noo, ilong..

Pababa na sana ako sa baba niya nang wala sa sarili akong napatigil.

Isang napaka-mapusok na pag-angkin sa labi ko ang ginawa ni Seven, gising na pala siya.

Sa sobrang pusok ay nakuha ko pang mapakapit sa higaan..

Hanggang sa..

 "Baka kung saan pa tayo mapunta, tumayo kana nga diyan."

Ang pabiro kong sabi, siya naman ay pangiti-ngiti lang.

 "Ikaw na talaga, Kash."

Rinig kong sabi niya nang dumeretso ako sa may lamesa.

 "Pero mas 'ikaw na talaga.. Seven." ngiti ko, agad naman niya akong nilapitan.

 "I love you.. I love you.. I love you.. I love you.. I love you.."

Bigkas niya sa bawat halik niya sa akin, ginaya niya yung ginagawa ko kanina.. kaliwang pisngi, kanang pisngi, noo, ilong at baba.

 "And lastly.. Mahal na mahal kita, Kash.."

Rinig kong sabi pa niya at sa nakita ko na lang na naghahalikan na nga kami.

Medyo mabagal.. yung bang ninanamnam namin ang bawat isa, pero kahit mabagal ay naroon parin yung salitang "mapusok" sa pagitan namin.



.....




4:00 in the morning.
@Simbahan


Si Tenten, si Chan, si Seven at ako.

Yan ang pagkakasunod namin, habang nakaupo.

Makikita mo palang ang simbahan mula sa labas, mararamdaman mo na kaagad yung presensya ng kapaskuhan.

Heto kami ngayon, nakaupo at nakikinig sa misa.

Ilang sandali na lang ay malalayo na sa akin si Seven.

Sabi ng daddy niya, alas-nuwebe ng umaga ang flight nila.

Si Chan maiiwan sa amin, bale dalawang bata niyan ang aalagaan ko.

Hindi ko alam kung bakit aalis si Seven, pero alam ko.. babalik siya.

....


 "Peace be with you.."

Bati namin sa isa't-isa ni Seven nang nakangiti, pasimple naman niya akong hinalikan sa noo.. nakigaya narin ako.

Yung dalawang bata, ayun at pinaghahalik-halik narin namin.

Nang magsitahimikan na ang loob ng simbahan ay marahan na akong pumikit at yumuko.

 "Panginoon ko..

 Hindi ko ho alam kung mahihirapan ba ako o ano..

 Ang dami na hong nangyari, hindi ko na ho alam kung ano bang aral ang nais niyong iparating..

 Nawala na ho si inay,

 Tapos ay aalis pa si Seven..

 Paano na ho ako niyan?"

Pakikipag-usap ko sa nasa itaas.

Totoo'y nahihirapan na talaga ako.. sadyang nagpapakatatag lang ako dahil kailangan.

Siguro naman ay maayos rin lahat ng 'to, magiging masaya rin kami ni Seven.. kalaunan.

 "Sana po bigyan ako ni Kash ng regalo.. yung hindi ko po makakalimutan, yung espesyal po tapos yung.."

Mula sa pagkakapikit ko ay napatingin ako kaagad kay Seven.

Nakapikit siya, nakangiti habang nagsasalita.

Pasimple ko naman siyang siniko.

 "Kailangan mo ba talagang iparinig sa akin?" natatawang sabi ko.

Tinignan naman niya ako.

 "Gusto ko yung bear, ganito yung size oh.." sabi niya kagad habang iminumuwestra pa niya kung gaano kalaking bear ang gusto niya.

Napa-iling na lang ako. Mabuti at nasa hulihan kami, wala masyadong nakakakita sa amin.

 "Oo na." pagsuko ko. "Tatlong dangkal?" pahabol ko pa.

Agad ko namang ipinuwesto yung kamay ko sa may dibdib niya.. tsaka nagdangkal pababa..

At nang medyo malapit na ang aking kamay sa may..

 "Kash hwag dito please..." kunwari'y tonong nagmamakaawa niya.

At sa pareho kaming natawa sa pinaggagawa namin.

 "Salamat pala kagabi ah?" pagbulong niya.

Wala sa sarili naman akong napalunok.

First time naming dalawa kagabi. Hindi ko alam kung tama ba yung pinaggagawa namin, pareho kasi kaming walang alam.

 "Bitin nga eh." pagsakay ko sa sinabi niya, lalo naman kaming natawa.

Sa maniwala kayo o hindi, puro halikan lang ang naganap kagabi, haha.

Wala kaming kaide-ideya kung paano eh, kaya ayun.. puro kiss.. whehehe.

 "Pagbalik ko, siguro magagawa na natin?" pagbulong ulit niya.

 "Oo.." pagbulong ko rin, yung sa pamamagitan ng hangin.

At nakuha pa naming magkulitan dahil sa kalokohan namin. (--,)

..


 "The father.. The son.."

Literal naman kaming napatayo nang mapansing patapos na pala ang misa.

 "Ayan kasi, ang kulit mo.." pagsiko-siko ko pa kay Seven.

 "God bless.." sabi niya at agad na paghalik niya sa noo ko.

Napangiti naman ako..

 "God bless din, Mahal ko.." balik ko at mabilisang paghalik rin sa noo niya.



-----



Point Of View

 - Third Person's -



 "Nasaan po si Seven?"

Ang naitanong ni Kash pagkalabas niya ng bahay.

Hindi alam ni Kash na siyang paglabas niya ng kwarto ay siyang patagong pagpasok naman ni Seven.

May inihandang liham si Seven para sakanya. Patago niya itong inilagay sa may likod ng picture frame sa may tabi ng higaan ni Kash, na kung saan silang dalawa ang nasa larawan sa may picture frame na iyon.

 "Pumasok eh, hindi mo ba nakita? Pinuntahan ka kaya.." ang sabi naman ni Jacob.

Muling naglakad papasok si Kash, nasa may sala na siya nang makita niyang lumabas mula sa kwarto niya si Seven.

 "Hi Kash."

Ang agad na bungad sakanya ni Seven habang nakangiti ito.

 "Hinahanap mo ata ako?" tonong pagmamalaki ni Kash habang pataas-baba taas baba pa ang mga kilay niya.

 "Ang tagal mo kasi sa loob eh, kaya sinundan na kita." balik ng isa. "Eh kaso nasa labas kana pala." palusot pa nito.

 "Payakap nga.. aalis kana lahat-lahat, ang kulit kulit mo parin." pabirong sabi ni Kash at mabilisan na nga niyang niyakap si Seven.

Isang napakahigpit na yakap ang namagitan sa dalawa.

Hindi alam ni Kash pero ninenerbyos talaga siya, kanina pa siya nag-aalala para kay Seven na siya talagang bumabagabag sakanya.

Kanina napakatahimik lang ni Seven, hindi niya alam kung bakit. Parang nanghihina rin ito, bagay na talagang nagbibigay dahilan sakanya para mag-alala.

 "Mag-iingat ka ah? Pwede ka naman sigurong magtext palagi diba?" bilin ni Kash. "Alagaan mo yang sarili mo.. para mapanatag ako ha?" dagdag pa niya.

 "Syempre naman, para sa'yo." paninigurado ni Seven. " Ikaw rin, mag-iingat ka palagi ah? Gusto ko pagbalik ko, ako parin. Kash, ako lang ha?" paghawak pa ni Seven sa magkabilang pisngi ni Kash pagkakawala niya.

 "Oo nga, ulit-ulit?" pagngiti ni Kash. "Pakiss na nga lang." sabi pa nito at mabilisan na nga niyang hinalikan si Seven.

 "Mamimiss ko yan, tsk.. hindi ko ba pwedeng baunin yang labi mo sa pag-alis ko?" pagnguso pa ni Seven.

Nakangiting napa-iling naman si Kash, pabiro niya ring binatukan si Seven.

 "Tara na nga, baka kung saan pa tayo mapunta." sabi pa niya.

At magkahawak kamay nga silang lumabas ng bahay.

Ang buong tao sa loob ng bahay at ang mga kaibigan ni Kash ang nasa labas, gusto kasi nila na makitang umalis si Seven.. para narin hindi maramdaman ni Kash na sa pag-alis ni Seven ay mag-iisa na lang siya.

...

Nakita na lang ni Kash ang sarili na kumakaway at nakatanaw sa papalayong kotse na sinasakyan ng taong mahal niya.

Kanina lang, siyang pagpasok ni Seven sa kotse ay siya nang tuluyang pagpatak na ng mga luha ni Kash, kanina niya pa ito pinipigilan. Mabuti at hindi ito napansin ni Seven.

Katulad nga ng sinabi niya ay ayaw niyang ipakita kay Seven na nahihirapan siya sa pag-alis nito, na umiiyak siya. Kaya naman simula kaninang umaga, ay ngayon niya lang nailabas ang kanina niya pang pinipigilang pag-iyak.

.....



Siyang pagpasok ni Seven sa kotse ay siyang mabilis na pagbagsak ng kanyang mga luha.

Kaya naman minabuti na niyang hindi na lingunin pa si Kash, ayaw niyang makita siya nitong umaalis na umiiyak.

Dapat talaga'y hindi pa siya aalis, pero siya sa sarili niya.. alam na niya talagang may mali na sakanya, na parang nahihilo siya ng 'di inaasahan, na parang nanghihina na siya.

Nang ma-ospital siya kamakailan ay mas lalo siyang nabahala, maging ang kanyang itay kaya naman pinakiusapan na siya nito na magpagamot na.

Hindi niya alam kung anong sunod na mangyayari, kung may magbabago ba kapag nadala na siya sa ospital.

Kay Kash, para kay Kash.. para kay Kash kaya siya magbabakasakali.

.....


Ilang araw na ang nakalilipas matapos umalis si Seven.

Totoo'y napakatahimik ng bahay, bawat isa kasi'y tila nalungkot sa pag-alis ni Seven at ng daddy nito.

Si Kash naman, laging tahimik.. walang gana, minsan ay tulala, minsan rin ay tahimik na umiiyak.

Simula nang umalis si Seven, naging tahimik at matamlay na siya. Hindi niya alam kung bakit.

Tila may nagbibigay sakanya ng rason na maging malungkot.

Hindi rin niya alam kung bakit napapadalas ang nararamdaman niyang takot, nerbyos. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aalala.

Isama pa na hindi nagtetext o tumatawag man lang sakanya si Seven, bagay na talagang ikinakabahala niya.

Si Seven lang naman ang iniisip niya, si Seven na lagi niyang hinahanap.


.....



Huling araw na ng simbang gabi.

Halos dalawang oras na lang ay magpapasko na. Kung ang iba'y hinihintay ito at sabik na sabik na, kabaligtaran naman nito ng nararamdaman ni Kash.

Wala ang inay niya, wala si Seven.. para saan pa?

Pero kailangan niya paring magpakatatag, para sa mga kasama niya sa bahay, sa mga kaibigan niya.. sakanyang itay at para narin sakanyang kapatid, kay Tenten.

Ngayon ay magkakasama silang lahat, alas-diyes trenta ng gabi, ngayon ay nasa simbahan sila para sa huling simbang gabi.

Deretso lang ang tingin ni Kash sa lumikha, nakikipag-usap, nagtatanong, nagkekwento, humihiling.

Isa lang naman ang paki-usap niya eh, na sana.. ligtas ang kanyang mahal kung nasaan man ito. Na sana.. wala lang ang nararamdaman niyang kaba at takot, para rito.

Dala-dala rin niya yung Teddy Bear na binili niya para kay Seven, hindi niya alam kung kailan niya ito maibibigay, pero maghihintay siya.. dahil yun ang pangako niya.

Nang halos patapos na ang misa ay dun niya naalala yung unang engkwentro nila ni Seven.

Kahit hindi ito nakakakita ay tila masaya parin ito, kung saan kinabilib niya rito ang katatagan nito. Na kung saan, kahit wala itong kakayahan na makita ang bawat bagay.., ay positibo parin ito sa lahat ng bagay.

Dahil sa bagay na iyon, na-realize ni Kash na masyado na siyang nagiging makasarili ngayon.

Dahil sa napakatamlay na niya, hindi na siya katulad ng dati, hindi na siya palatawa, higit sa lahat ay napapabayaan na niya ang kanyang mga kaibigan lalong-lalo na ang kanyang itay at kapatid.

 "Mali ito." ang naisa-isip niya.

Hanggang sa napansin na lang niya na tapos na pala ang misa.

Mula sa pagkakatingin niya sa altar ay agad niyang nilingon ang kanyang itay at kapatid.

Walang anu-ano'y agad niyang niyakap ang kanyang itay.. sunod ang kanyang kapatid na si Tenten., niyakap narin niya ng napakahigpit si Chan.

 "Simula po ngayon, gusto ko na maging maayos na ang lahat."

Ang sabi niya sakanyang itay nang magbigay ito ng naninibago at nagtatanong na tingin.

 "Hindi po matutuwa si inay kung magiging ganito na lang ako. Hindi rin po matutuwa si Seven kung sa habang hinihintay ko siya ay ganito ako." ang nakangiti na niyang sabi.

 "Mabuti at naisip mo narin yan sa wakas anak, kaya kita hinahayaan ay gusto ko na ikaw mismo.. maisip at masabi mo ang mga bagay na yan. At, hindi nga ako nabigo."

Tonong 'proud na sabi ng kanyang itay.

 "Tama yun, dapat masaya ang kainan mamaya.. tayo-tayo na nga lang ay magdadramahan pa tayo, baka magalit si mam niyan." sabi naman ni yaya Cindy

At sa nakangiting nagsi-uwian ang magkakasama, binati narin ni Kash sa text ang mga kaibigan niya.. pati narin si Seven.


.....


 "Last one minute!.."

Ang napakalakas na pagsigaw ng kanilang guard.

Sasalubungan nila ang pagpatak ng araw ng kapaskuhan sa pamamagitan ng iilang maiilaw na paputok, katulad ng fountain.

Agad nang pumikit si Kash, nais niya sulitin ang isang minuto.

 "Seven, si Seven.. si Seven.. si Seven.. si Seven.. si Seven.. si Seven..."

Paulit-ulit na pagbulong niya na tila siya'y nagwi-wish.

Hanggang sa literal naman siyang napamulat sa narinig.

 "Si Tenten.. si Tenten po.. si Tenten.." ang bulong rin ni Chan.

 "Si Chan.. si Chan po.. si Chan po.." ang paulit-ulit ring pagbulong ni Tenten.

At sa natawa na nga siya, mahilig talagang manggaya ng trip ng may trip itong dalawang batang ito.

 "Merry Christmas sa dalawang baaaaatang makulit, mahal na mahal ko kayo.."

Ang masayang sabi niya., siyang pagsimula ng pagpapaputok ay siyang mabilisang pagyakap niya sa dalawang bata.

At sa napuno na nga ng batian ang magkakasama, puro kainan, tawanan, kulitan na ang nangyari sakanila.

Tama nga ang naisip ni Kash, mas maganda ngang maging positibo sa lahat ng bahay.. katulad ni Seven nang mga panahong hindi pa ito nakakakita






.....




After 14 days



Isang napakatahimik na kwarto ang siya ngayong kinalalagyan ng mag-ama.

Si Seven at ng kanyang daddy.

Mula sa pagtulog ay nagising na si Seven.

Matamlay na tila nanghihina..

 "Daaad.."

Agad na pagtawag niya sakanyang daddy nang makita niya ito.

 "Daddy.."

Muling pagtawag niya rito, natutulog kasi ang kanyang daddy.

 "Daddy.." pag-uulit pa niya.

Nakita naman niya na agad itong napatayo mula sa kinahihigaan nito at mabilisan siyang nilapitan.

 "Anak Seven? K-kamusta na? Kahapon pa kita hinihintay na magising.. pinag-alala mo naman ako.." agad na sabi ng kanyang itay at paghawak ng mahigpit sakanyang kamay.

Ngumiti lang si Seven bilang tugon.

 "Anak, ayos ka lang naman diba? H-hindi naman totoo yung sinabi ng doktor diba?"

Ang umiiyak nang sabi ng kanyang daddy.. may panghihikayat sa tono nito.

Hindi narinig lahat ni Seven ang pinag-usapan ng doktor at ng daddy niya. Pero isa lang ang masisiguro niya, may problema siya sa puso na siyang nagpapahina sakanya ngayon.

 "Hindi ko po alam eh.. Iba na po kasi yung nararamdaman ko... dad.." ang naluluhang sabi na ni Seven.

 "I-iba? A-anong hindi mo alam? Seven diba sabi m.."

 "Dad." pagputol kagad ni Seven. "Pwede po bang dalhin niyo dito si Chan?"

Sa huling sinabi ni Seven ay siya na ngang pagpikit at pagyuko na ng kanyang daddy.. idinala na lang nito sa pag-iyak, tila alam na niya ang nais ipunto ng kanyang anak.


'Katahimikan

Nanatili lang na nakatingin si Seven sa kanyang daddy habang patuloy lang sa pag-iyak, naaawa siya rito.. siya naman ngayon ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang daddy.


 "Daddy, nahihirapan na po talaga ako.. Daddy.." tonong pasuko na ni Seven, tonong humihingi rin ng tulong.

 "Seven.. ano ba yang mga sinasabi mo? Hindi naman sigur.."

 "Dad, please." agad na pagputol niya sa sinasabi nito.

 "Si Kash? Siya, gusto mo ba na dalhin ko rin siya rito?" maya-maya'y tanong ng daddy niya.

Marahan lang umiling si Seven, mas lalo siyang naiyak nang marinig ang pangalan ng taong mahal niya.

 "Bakit?"

 "Na.. Natatakot po ako eh, a-ayoko po na magalit siya.. na malaman niya na may itinago nanaman po ako sakanya.. ayoko rin po na mag-alala siya.."

 "Iba na yung sitwasyon ngayon anak.." agad na pagputol ng kanyang daddy.

Muli, marahang umiling si Seven, dahilan para kusa nang tumango ang kanyang daddy.

 "Hwag niyo pong ipapaalam sakanya dad ah? Paki-usap po.."

 "Oo anak.. oo." ang tanging nasabi ng isa.

 "Sunduin niyo na po si Chan dad.. hindi ko po alam kung anong mangyay.."

 "Kuya?"

Parehong napalingon sa pinanggalingan ng boses ang mag-ama.

 "Chan anak?" gulat na sabi ng daddy nila.

Pinilit rin ni Seven na maupo nguni't sadya nga ata siyang nahihirapan kaya bigo ito.

 "Paano?" sabi pa ng daddy nila.

 "Pasensya kana Rayven, hindi ko matiis. Ibinilin kayo sa akin ni Myrna." ang agad na sagot ng driver nila, halos dalawang dekada na itong naninilbihan sa pamilya nila.

 "Ayokong makitang nahihirapan kayo rito, at ang bunso niyo naman ay walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Pinakiusapan narin ako ni Seven, noong nakaraan niya pa gustong makita ang kapatid niya." dagdag pa nito.

Marahan lang yumuko ang kanilang driver bilang pagpapa-alam at lumabas na nga ito. Alam niyang kailangang mapag-isa ng mag-aama.

 "Kuya.." ang tonong nagtatanong pa ni Chan pagkalapit nito sakanila.

 "Chan..." tuwang sabi ni Seven nang mahawakan niya ang kamay ng kapatid, gusto na niya talagang makita ito, hindi niya kasi alam ang mga pwedeng mangyari.


Tila kusang nagyakapan ang magkapatid, mas lalo pang naiyak si Seven, gayun rin ang kanilang daddy na pinagmamasdan lang ang dalawa.

 "Bakit po kayo nandito? Akala ko po ba kay lolo?" tanong ng bata pagkakawala.

Alam kasi nito'y sa ibang bansa ang punta nito.

Pinagmasdan lang ni Seven ang kapatid, nakangiti kahit na may mga luha ito..

 "Daddy? B-ba't po umiiyak si kuya? K-kuya? a-anong pong nangyari sa inyo? ba't po kayo nakahiga diyan?"

Ang palipat-lipat na tingin ni Chan sa dalawa, dahil sa bata siya'y naguguluhan siya.

 "Sorry Chan ah? Basta mahal na mahal kita.. gusto ko goodboy lagi ang bunso namin ah?." ang pilit na pagnonormal ni Seven sakanyang boses.

Pasimpleng tumayo ang kanilang daddy.

Dahan-dahan itong lumabas ng kwarto at pasandal na naupo, dito na ito tuluyang napahagulgol.

Ang magkapatid naman ay naiwan sa kwarto, si Chan na nakatingin lang sakanyang kuya.. siya narin ang humawak sa kamay ng kanyang kuya, napakarami nitong gustong itanong.



Saglit na namayani ang 'katahimikan sa pagitan ng magkapatid.

Pinilit rin ni Seven na pigilan ang kanyang pag-iyak, na pakalmahin ang sarili bago kausapin ang kapatid.

Tahimik na pinagmamasdan ng bata ang mga bagay na naka-konekta kay Seven.

 "Christian?" mahinang pagpansin niya kay Chan nang maikalma na ang sarili.

 "Po?" balik nito.

 "Kamusta si kuya Kash mo?" pilit na pagngiti ni Seven.

Mahal na mahal niya si Kash, gustong-gusto na niyang balikan ito upang mahagkan at makasama.. nguni't tila masyado nga atang maramot sa kanya ang tadhana't pagkakataon.


 "Ayos lang naman po, lagi niya po kaming inaasikaso ni Tenten, siya po lagi ang kasama namin.. kinukwento niya nga po sa amin yung mga napanaginipan niya eh..." pagngiti ng bata, tila napunta ang sistema nito sa mga bagay na ginagawa ni Kash, kaya naman nakuha nitong ngumiti.

 "Talaga? A-anong kinukwento ng kuya Kash niyo?"

Matutunugan ng kainggitan at kagalakan ang tono ni Seven. Kung sigurong magkasama sila ni Kash ay siya ang kinukwentuhan nito.

 "Kayo po." simpleng sabi ng bata.

 "Ako?" hindi makapaniwalang sabi naman ni Seven, napangiti ito sa narinig.

 "Opo." balik ng bata.

 "Ano ba yung napanaginipan niya? Ano yung kinukwento niya?"

Nakangiti si Seven, excited siya sa sasabihin ng kanyang kapatid.

 "Kayo pong dalawa, yung masaya raw po kayong dalawa. Tawa nga po kami ng tawa ni Tenten eh, kasi sabi ni kuya Kash nagpakasal daw po kayo." nakangiting sabi ng bata na parang binabalikan nito yung pagkakataong nagkekwento si Kash.

Unti-unti namang nabubura yung kasiyahan sa mukha ni Seven, yung kagalakan, yung mga ngiti nito'y nawawala.

Hanggang sa tuluyan na nga itong napahagulgol, yung sobrang pag-iyak, punong-puno ng sakit at panghihinayang.

Masyado itong nagi-guilty. Dahil sa sitwasyon niya ngayon ay imposible nang mangyari ang mga napanaginipan ni Kash.

 "K-kuya? b-ba't po kayo umiiyak?" ang tarantang sabi kagad ng bata.

At sa tuluyan naring napa-iyak si Chan.

Unti-unti, dahan-dahan..

Napansin na lang ng bata ang kanyang kuya na nakapikit, na hindi na gumagalaw, na hindi na umiiyak, na wala ng malay.

Sunod rin nito'y ang sunud-sunod na pagtunog ng isang bagay.. bagay na siyang ikinakatakot ng sino mang nasa ospital.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Ayoko na, baka mahulog ako."

Agad na pagtanggi ko.

Narito kami sa may Sky Ranch, Pampanga. Yung ferris wheel, grabe nakakalula.

Bonding kaming magkakaibigan, si Vince, si Alex, si Ivan, si Marvs at si Jacob.. syempre ako rin.

Treat ni Ivan, ewan kung anong meron? Nagpapalakas ata kay Alex eh, haha.

 "Ang OA mo naman Kash, game na kasi.. last na lang oh.." pamimilit pa ni Vince.

Ayoko na eh. Hindi naman sa OA, parang talagang ninenerbyos ako eh? Hindi ko alam kung bakit.

 "Ang daya." simangot ni Jacob. "Tara na nga, food trip na lang." dagdag pa ni Marvs.

At naglakad-lakad na nga kami, naghahanap ng masarap na pagkain. Kita ko naman na inis sila Vince na masyadong adik sa ferris wheel.

Halos ilang araw na kaming ganito. Palibot-libot, bonding, tawanan, kulitan.

Tuwing uuwi naman ako ng bahay galing sa paglibot, si Tenten at Chan naman ang kasama ko magdamagan, hanggang sa pagtulog ay katabi ko sila.

Ayaw kong makita nilang lahat na nahihirapan ako dahil sa wala si Seven. Ayaw ko silang mag-alala, kaya hangga't kaya ko.. ngingiti at ngingiti ako.

Yung teddy bear, gabi-gabi bago ako matulog.. kinakausap ko.

Para kay Seven yun at ipinasadya ko pa ng tahi ito sa may gilid, "Kash&Seven".

....


 "Namimiss mo nanaman noh?"

Napatingin naman ako kay Alex dahil sa sinabi niya.

 "Tulala ka nanaman, uuwi rin yun Kash.. hwag kang masyadong excited." dagdag pa ni Vince.

Napagtutulungan nanaman ako, tsk.

 "Miss ko lang kasi." ang nasabi ko.

Nasa fastfood kami, dito na lang kami kumain. Hindi ko napansin at natulala nanaman pala ako kakaisip.

 "Tara na nga, uwi na tayo.." pahabol ko pa at mabilis na pagtayo.

 "Osiya oras narin, let's go guys.." pagtayo narin ni Marvs.

 "Okay salamat sa treat ni Ivan, next time si Jacob at Marvs naman ang taya." excited na sabi naman ni Vince.

Maglalakad na sana kami paalis nang saglit akong napatigil, napatigil narin sila.

 "May tumatawag." sabi ko at mabilis na kinuha yung cellphone ko.

 "Kayo pala tay, bakit po?" agad na pagsagot ko.

 "Asan ka? Uwi kana anak.. hinahanap ka ni tito Rayven mo, dali."

Tito Rayven? Eh nasa ibang bansa sila eh.

 "P-po? Bakit po daw? Umuwi na po ba sila ni Seven?" agad na tanong ko.

 "Hindi ko alam eh tsaka siya lang mag-isa, anak umuwi kana.. may sasabihin siya, importante daw."

 "O-opo." ang tanging nasabi ko at ibinaba ko na nga ang tawag.

Agad kong tinignan ang mga kasama ko na halatang naghihintay ng aking sasabihin.

 "Guys tara dali uwi na tayo.. hinahanap daw ako ni tito Rayven." sabi ko sakanila at nakuha ko na ngang naglakad papalabas.

Hindi ko alam kung bakit nanaman ako ninenerbyos.

Tsaka, bakit mag-isa lang si tito? Ba't hindi niya kasama si Seven?


-----



Point Of View

 - Third Person's -

*After an hour



 "Ano ba yan Kash, bababa nanaman? Late na tayo, hinihintay kana nila niyan."

Naiinis nang sabi ni Jacob.

Naka-ilang baba na kasi mula sa kotse si Kash, ang daming pagkain na ang binili niya.

Sa totoo'y nararamdaman niya na baka nariyan si Seven at surpresa ito.

Kaya siya nagsibili ng mga makakain, baka mamaya'y mapuno sila ng kwentuhan kung nariyan nga si Seven.

 "Last na 'to, Zagu.. favorite niya 'to." excited na sabi ni Kash at bumaba na nga siya ng kotse.

 "Sana nandyan nga si Seven." ang nasabi ni Marvs nang makalabas na si Kash.

 "Si Kash naman kasi eh, tignan niyo.. iiyak yan kapag wala si Seven, pramis." paninigurado pa ni Vince.

 "Sama tayo sakanila? Baka mamaya umiyak nga yan, dapat nandun tayo." sabi naman ni Jacob.

....


 "Tay.."

Ang agad na pagpansin ni Kash nang makita niya ang kanyang itay sa may gate.

Pababa siya ng kotse ng tawagin niya ito.

 "Karlo anak, pwede bang manlambing ang itay mo?"

Napakunot naman siya sa sinabi ng kanyang itay.

 "Tay ah.. napapadrama tayo." biro niya nang makita niya ang ekspresyon nito.

 "Payakap nga, Karlo." pagngiti na ng itay niya at pagyakap sakanya.

 "Si tito Rayven mo nasa may pool, puntahan mo na.. mukhang seryoso ang pag-uusapan niyo."

Pagbulong pa nito.

Napatango na lang siya at tila otomatiko siyang naglakad papunta sa may pool ng bahay nila Seven.

Dala-dala niya yung dalawang chocoZagu.

 "Tito Rayven.." agad na pagpansin niya sa daddy ni Seven nang makalapit na siya rito.

Isang napakadilim na tagpo ang sa ngayong pumapalibot sa dalawa.

Ekspresyon ni Rayven na siyang ikinatakot ni Kash, parang may mali.

 "Nasan po si Seven?"

Hindi na niya natiis at tinanong na nga niya kung nasaan ang taong mahal niya.

Ngunit hindi ito sumagot, nanatili lang itong nakatingin sakanya.

 "Tito, may problema po ba?" ang pilit na pagngiti na ni Kash.

Ayaw niya ang kanyang nararamdaman, katulad kanina'y ninenerbyos nanaman siya.

 "Kanino yan?" tanong na ng daddy ni Seven.

Nagulat siya nang mapansin nito ang kanyang hawak na Zagu.

Agad niyang itinaas ang kanyang hawak.

 "Kay Seven po." tonong pagmamalaki niya. "Sa aming dalawa, diba po nandyan siya? Marami po kasi kaming pagkekwentuhan niyan eh.." dagdag pa niya.

Marahan lang umiling ang daddy ni Seven, nakangiti.. kahit na may namumuo nang luha sa mga mata nito.

 "Tito.. wala naman po sigurong problema diba?"

Mula sa pagkakangiti ay unti-unti naring lumulungkot ang ekspresyon ni Kash, sa totoo'y naiiyak na siya.

Parang may mali.

 "Karlo, mahal mo yung anak ko diba?"

Marahan lang siyang tumango sa tanong nito.

 "Kung ganon, kahit ayokong mag-alala ka, sa tingin ko'y.. kailangan mo nang malaman."

Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ng daddy ni Seven, kanina niya pa ito pinipigilan.

 "Malaman ang ano po? T-tito naman.. n-nasan po ba si Seven? T-tsaka.. ba't po kayo umiiyak?" pag-aalala ni Kash, naiiyak narin ito.

 "Karlo, si Seven.. kasi.."

Hindi na natapos magsalita ang daddy ni Seven dahil sa tuluyan na nga itong napahagulgol.




Itutuloy


Guys, madi-delay yung regalo ko. Baka sa katapusan na lang :))

Salamat, commentators!


- Playful Jokes

Tuesday, December 23, 2014

Merry Christmas!

Merry Christmas to all MSOB friends, followers, and fans!

MSOB wishes that all of you have a truly blessed and happy Christmas.

Here's our Christmas dedication to you!





:-)


Monday, December 22, 2014

GEO - MR. ASSUMING CHAPTER 19



GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER  19
ISANG MALIGAYANG KAARAWAN KAY MICHEAL JUHA!!! Heehhe caplock para ramdam mwuah mwuah

AUTHORS NOTE: OOOppsss update uli! Hehe mejo natagalan.. Pasensori mejo bumibusy ako hahaha.. Salamaat talaga sa patuloy na support hehe mwuah mwuah,..! First nanaman ba ang BTBBC hahaha? Shemps nangunguna kayo sa puso ko.. Bitterness all around to the left to the right hahaha joke jigs clark and ryl the  pengeng regalo hahaha chos.. The jonas brothers! Amore mio and fafa! Kay red na mahaba ang buhok hahaha.. Sichem na super inlove na mahilig magback hug! .. Kay nhe na matampuhin hehhe bumibusy lang si ako hehe kay myun din salamat kay kuya japs na may masarap na leche plan hehe kay mark ansley salamat din sa suporta kay IAN KITOY!!! Hehhee dandandan hehe ikaw ang pinamalupit hehehe ingat sa pagseshave haha
                Marvin and Young!! The loveteam haha kay seyren and Jm perez, Gilrex, tofic and troy salamat sa inyo hehe shai bord.. Jhooharei tabao, king gregorio..bryan lopez,. Kay nestea ebril salamat din kay hazuuel.. OOpppss sa lahat ng di ko nabanggit sorry talaga hehe.. Mejo busy .. Sa susunod nalang.
  
sali kayo sa group.. More pictures of the characters.. And kwentuhan.. Close close tayo..mwuah


Or add me sa fb

https://www.facebook.com/rosecharlie.claveria

SI PAUL


                 Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang pinagmamasdan palayo yung sinakyan ni geo na tricycle. Haixt Sabi na si blue parin ang mahal ni chris.. Buset tanga din pala tong geo na to.. Hindi bagay sa kanya yung naghahabol..buhay nga naman..Muli lang akong sumakay sa kotse saka to pinaandar pauwi sa bahay.. matutulog nalang ako.. Di ako makikialam.. Kung hindi sila maghiwalay edi Ok.. Pero kung maghiwalay sila mas ok.. Baka sakaling magkachance ako.. Haha ganito ata talaga magiging role ko buong buhay taga salo ng mga taong iniiwanan.
                 Pagdating ko sa bahay pabagsak lang akong naupo sa sofa..kanina habang nakikita kong umiiyak si Geo habang nakaharap sa motor ni chris.. Gustong gusto ko bumaba sa kotse para yakapin sya. Punasan yung luha niya..at higit sa lahat sapakin si chris! Pero wala naman akong karapatan .. Ni hindi nga kami magkaibigan  ni geo eh at lalong hindi naman talaga kami close..Hindi ko man narinig yung sinasabi ni chis kanina.. Alam ko si blue parin yung mahal niya.. Aixt Geo.. tumayo lang ako saka nagpasyang buksan yung computer at nagsimula maglaro. Buti pa ang LOL hinding hindi ako iiwan.
                 Maya maya naisipan ko magbukas ng facebook, natigilan lang ako ng isang familiar na mukha yung nag message sakin. Si nathan.. 

                 Hi paul.. Kamusta ka I miss you na.. finally nakatanggap din ako ng message from you ang tagal kong hinintay yun eh inisip ko kasi na baka galit ka sakin. Masaya ako dito kasama yung boyfriend ko.. Alam mo araw araw niyang sinasabi na maganda ako tulad ng ginagawa mo dati. pero di na ko napipikon ngayon.. Kasi totoo na maganda na ko..hehehe. Miss you na bestfriend sana magkabalita naman ako sa lovelife mo Coz someone like you deserves to be happy.. Balitaan mo ko pag natagpuan mo na yung the one mo huh love yah and take gaod care of yourself.. See you soon. 

                 Ilang sandali lakong nakatitig lang sa screen ng computer habang paulit ulit na binabasa yung msg niya sakin.. Isang ngiti lang yung pinakawalan ko.. Pano mo masasabi na move on ka na..? Kapag naramdaman mo na masaya ka na masaya sya.. nagsimula lang akong magtype sa keyboard.

                 Hi Nate.. first of all maganda ka naman talaga dati pa..haha.. Miss you na din at hindi ako galit sayo.. Kailangan ko lang talaga lumanghap ng hangin from outerspace haha..Mejo naenjoy ko eh.. Im so happy na masaya ka na pag pray mo naman lovelife ko as of now kasi complicated eh.. Always nga palang complicated lovelife ko. Remember sarah.. Naging kami pero naghiwalay din.. Si dennis talaga mahal niya eh well that's life.. Magkakalovelife din ako.. At ipapakilala ko sya sayo...Remember that ok.. Love ya din and see you soon.

                 Reply ko sa msg niya.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka ngumiti. I'm happy for him I mean for her. haha
                 Halos isang oras na ko nakaharap sa computer nun ng makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura.. Haixt simula nung iwan ako ni mommy di na ko nagluluto tuwing nagugutom ako sa labas nalang ako kumakain. Ang hirap naman kasi matuto magluto nakakainis.. Maski pritong itlog nasusunog ko pa..si google nakakaboring sya magturo haha
                 Tumayo lang ako saka lumabas ng bahay at tumuloy sa kotse ko.. Ang daming nangyare ngayong araw.
                 Nagpasya lang ako bumuli ng pagkain sa tapsihan sa highway.
                 " ate tapsilog po.. Take out." saad ko sa waitress tinanguan naman ako nito.. Ilang sandali pa kong naghintay ng ibigay nito yung oder ko.  Pagkasakay ko ng kotse may napansin lang akong apat na kalalakihan na nagtatawanan habang nakatingin sakin. Problema ng mga to..? Pinaandar ko lang yung kotse.. Napansin ko naman na naghiwahiwalay yung apat yung dalawa humarang lang sa dadaanan ng kotse ko.  Shit..! Trouble..
                 Bumisana naman ako pero hindi parin sila umalis kaya tinigil ko yung kotse. "FUCK!!" gigil na saad ko ng marinig yung pagkabasag ng salamin sa likod ng kotse ko.. Shit! Gigil lang akong bumaba.
                 " ano problema niyo huh!" angil ko sa kanila nagtawanan naman sila na lalong kinagigil ko.
                 " Well naghahanap lang kami ng mapagtitripan.. Sakto nakita ka namin.."
                 " Kilala niyo ba ko huh mga gago pala kayo eh.?!!"
                 " hindi pero si alex kilala ka.." 
                 " So inutusan kayo ni alex..? Hayop talaga yun.. Ilabas niyo sya.. Tang ina niya!" sigaw ko.
                 " I'm here Pinsan..." rinig kong saad mula sa likod.. Nakita ko lang si alex na nakasakay sa motor niya. " ganda ng kotse mo tol.. Ginasgasan lang namin.. Ok ba.?" ngiting saad nito.
                 " Duwag ka talaga eh noh..?" sarkastikong saad ko. " di ka makalapit sakin ng magisa ka lang.. Kung hindi mo kasama yung girlfriend mo itong mga panget na to yung dala mo.. Napakaduwag mo! Subukan mo kaya kumain ng balot para naman tumibay tibay yang tuhod mo!" saad ko pero isang sapak mula gilid ko yung tumama sa mukha ko.. Napaupo lang ako sa kalsada habang nagtatawanan sila.
                 " Duwag na kung duwag .. Ang importante makaganti ako sayo." rinig kong saad nito ngumisi lang ako saka tumayo. " sige boys kayo na bahala dyan.. Wag niyo papatayin huh siguraduhin niyo lang na pagpapawisan yung doctor na gagamot sa kanya."
                 " Gago bakit hindi ikaw ang lumaban sakin..?" hamon ko sa kanya.
                 " wag na tol.. Sa mga yan palang kawawa ka na.. Alis na ko.. Dadalawin nalang kita sa ospital.." natatawang saad nito saka pinaandar yung motor niya.
                 "hayop ka alex bumalik ka dito!!" sigaw ko nagtawanan lang yung apat na kasama nito saka ako pinalibutan.. Nakuyom ko lang yung kamao ko.. Saka gigil silang tiningnan.. Nahagip naman ng mata ko yung hawak na baseball bat nung isa.. Shit.. " kaibigan ba kayo ni alex..? Bakit ang papanget niyo Putek maghahanap lang ng kaibigan yung gagong yun mga iskwater pang mukhang di nasasayaran ng malinis na tubig ang balat!? Kayo niyo ba talaga ko mukha kayong hindi kumakain eh.!" sarkastikong saad ko.. Natawa lang ako ng makita yung gigil sa mukha nila. Lumapit lang ako sa kotse ko saka kinuha yung binili kong pagkain sa loob. " kumain kayo mga gago..!" bato ko ng plastik sa kanila. Nagkalat lang yun sa kalsada.
                 " simulan na natin to.. Paduduguin ko yang bibig mong gago ka!! Masyado kang madaldal." gigil na sigaw nung isa.
                 " gawin mo!! Sa panget mong yan di na kita kailangan gulpihin. Wasak na wasak na yang mukha mo!"
                 " talaga lang huh.. Game.!" saad nung isa aktong sabay sabay silang lalapit ng ngumisi ako.
                 " mga duwag din pala kayo.? Apat laban sa isa..? Wow mana nga kayo sa amo niyo." Saad ko kita ko lang gigil sa mukha nila saka sabay sabay lumapit sakin.. Shit.. Sinugod ko lang ng sapak yung isa.. Sapul to sa mukha pero pagtalikod ko isang sapak yung sumalubong sakin.. Bumagsak lang ako.. Namilipit pa ako ng bigla akong sipain ng isa sa kanila sa sikmura.. aixt. 
                 " Ano tumayo ka.. Matapang ka di ba.?" natatawang saad nung isa.
                 " tayo.!" isa pang sipa yung natanggap ko mula sa likod..
                 " Wala pala to eh.. Bagsak agad .. Hindi man lang ako pinagpawisan.. Hindi na pala kailangan to eh." saad nung may hawak na baseballbat.. Pinilit ko naman tumayo.
                 " tanga pala kayo.. Apat na nga kayo.. May baseballbat ka pang hawak..? Damn it! Mga iskwater! Naliligo ba kayo.. Mga putang ina niyo! Ang babaho niyo lumayo kayo sakin!" Sigaw ko.. Mabuhay lang ako dito tangina ka alex babalikan kita.
                 " Tang ina ka din..!" sigaw nung isa.
                 " Mga bakla!" sigaw ko aktong susugod sila sakin ng umatras ako.. Shit Sa mga itsura nitong mga to mga mukhang pumapatay ng tao.. Haixt.. Nakakailang hakbang na ko ng sumugod yung isa.. Sinalubong ko naman to ng sapak.
                 Bagsak sa kalsada.. Naglakad naman papalapit sakin yung dalawa pa habang yung isang may hawak na baseballbat ay umikot sa likod ko.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumugod sa dalawa.. Pilit ko nilalaban bawat suntok nila..bawat pagdapo ng kamo nila sa mukha ko.  Aktong hahampasin ako mula sa likod ng agad akong umilag..
                 " Damn it!! Lumaban kayo ng patas!" gigil na saad ko.. Pinalibutan naman nila ko.
                 " Bakit kami lalaban ng patas kung pwede ka naman namin pabagsakin ng sabay sabay.." ngiti nung isa.
                 " Mga duwag!!"
                 " Game na... Tol gamitin mo na yan baseballbat mo.." saad nito sa kasama niya.. Napangisi naman yung isa.
                 " peram ako tol huh nasapak ako ng gagong yan.. Isang matinding hampas lang." Shit.. Ospital ata talaga bagsak ko ngayon ah.. haixt.
                      
                 " Paul..?" Napalingon lang ako ng marinig yun.. Nakita ko lang si Geo habang nakangiti sakin.
                 "Umalis ka na.. Anong ginagawa mo dito.?"
                 "ayt kala ko kasi naglalaro kayo.. Sali sana ako..?" ngiti niya.. Yung mga mata niya.. Halata na galing sya sa pagiyak.. Pero bakit nakakangiti parin sya.
                 " fuck geo umalis ka na!" gigil na saad ko.. Nakuyom ko lang yung kamao ko ng makita na lumapit yung isa kay geo.
                 "gusto mo sumali..?" saad nito Saka sinapak si geo..Shit!!
                 " geo!" Sigaw ko..kita ko naman na nahawakan niya yung panga niya.
                 "yan na ba yung pinakamalakas mo..?" sarkastikong ngiti ni geo. Nagtawanan naman yung ibang kasama nito. Muli lang tong lumapit kay geo, muli isang sapak yung binigay nito. Damn it. Tangina sinapak niya yung mahal ko!?? Nakagat ko lang yung labi ko sa gigil.. Mga putang ina talaga tong iskwater na adik na to,
                 " shit ano ba ginagawa mo Geo!" sigaw ko aktong lalapit ako ng humarang yung dalawa pang lalake sakin
                 " kasali na sya dito since mukhang kaibigan mo sya." saad nung isang mukhang tilapia na tinubuan ng tigyawat..
                 "fuck ako nalang wag niyo na sya idamay!"
                 " Sure idamay niyo ko.!!" sigaw ni geo.. Napangiwi naman ako baliw na ba sya..!
                 " Geo nababaliw ka na!"
                 " mahina pa ba..?" gigil na saad nung lalake.
                 " ang hina! Lakasan mo pa.!" gigil na saad ni geo muli lang syang sinapak nung panget na lalake.. Hanggang makita ko na napaupo na sa kalsada si geo.. Mahal ko yan bakit sinasapak niyo..!! aiixxxxtt Shit..! Gigil ko lang sinugod yung dalawa saka ubod lakas na binigyan ng suntok.. Bagsak agad to.. Aktong sasapak yung isa sa gilid ko sipain ko yung tuhod niya dahilan para mapaluhod sya agad ko lang syang tinuhod sa mukha.
                 Napalingon lang ako sa likod ng marinig yung pagbagsak sa likod ko.. Nakita ko lang si geo na nakangiti sakin sabay kindat.. Hindi ko naman napigilan pagmasdan yung mukha niya pero biglang isang suntok yung dumapo sa mukha dahilan para bumagsak ako napapikit lang ako ng makita ng aktong sisipain pa ko nito sa mukha pero nagulat ako ng tumamba to sa tabi ko.. Ngumiti lang si geo saka nilahad yung kamay sakin Tinanggap ko naman to saka sumugod sa likod niya at sinuntok yung may hawak na baseball bat. Ilang minuto din kaming nakipagsapakan hanggang isa isa tong nagsitakbuhan. Hindi ko lang mapigilan yung sarili kong pagmasdan si geo habang nasa balikat niya yung baseball bat at nakangiti.
                 " are you ok..?" tanong niya.
                 " Ok lang ako.. Ikaw.. Tanga ka ba bakit nagpasuntok ka dun.?!"
                 "Sarap nga eh. Para lang niya kong tinapik.. bakit ikaw hindi ka ba nasuntok.?"
                 "nasuntok..?ouch." inda ko sa suntok sakin kanina pero natigilan ako ng makita ko yung pagtulo ng dugo sa noo ni geo mula sa ulo niya.
                 "why.?"
                 " Are you ok Geo..?"
                 "Yes I'm fine..mejo nahihilo lang." ngiti ko. 
                 " dumudugo yung ulo mo.. Natamaan ka ba..?" tarantang saad ko. Dinala niya lang yung palad niya sa ulo niya.. Nang tingnan niya to  napangiti lang sya ng makita yung dugo sa kamay niya
                 "ah wala to.. Natamaan lang kanina.." natatawang saad niya lumapit lang ako sa kanya ng mawalan sya ng balanse saka sya hinawakan para hindi matumba." wait I'm ok nahihilo lang ako."
                 " No hindi ka ok dadalhin kita sa ospital.."
                 " wa-" saad pa niya pero nawalan na sya ng malay.. Shittt!! Agad ko lang syang binuhat saka dinala sa kotse ko.
     

            
                 Hindi Ko lang mapigilan pagmasdan yung mukha ni Geo habang nakahiga sya hospital bed na yun..Ang gwapo naman talaga niya kaso yung confidence niya tinalo pa eiffel tower sa taas..! Well siguro isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya..Yung lips niya I know dalawang beses na niya ko nahalikan pero ngayon ko lang natitigan yung mga yun.. sobrang perfect pala ng hugis nito.. Parang sobrang lambot.. Yung kinis ng mukha niya, yung mhahaba niyang pilik mata, yung hugis ng ilong niya.. May nunal pala sya sa tenga..Aixt paul.. Umiwas lang ako ng tingin.. May syota yang kaharap mo.
                 Base sa mga test na ginawa sa kanya okay naman daw yung ulo niya.. Buset naman kasi ang tanga pumayag na hampasin sya ng baseball bat eh.. Napalingon lang ako sa pinto ng bumukas to pumasok lang si blue at aldred na may dalang plastik ng pagkain.
                 " Hindi ka ba uuwi paul? Umaga na kaya." tanong ni blue.
                 " pwede patambay muna..?"
                 " kailan pa naging tamabayan ang ospital.?" natatawang saad ni aldred.
                 "hindi rin ako mapapakali sa bahay eh.. Saturday naman wala din akong gagawin.. Saka wala naman tayong praktis di ba.. I guess.?"
                 " Uhmm  meron di ba..?"
                 " Blue nasa ospital si geo saka injured pa ko.." taas ko sa kamay ko na may benda. " tingin mo makakapgdrums ako ng maayos nito.? Sobrang sakit kaya ng kamay ko tapos yung katawan ko pagod na pagod.?" napabuntong hininga naman sya. " mejo matagal pa yung battle of the band don't worry."
                 " malapit na kaya paul..bakit naman kasi nakikipagaway eh."
                 " Oo na basta walang praktis ngayon huh please text mo nalang sila.?"
                 " Oo na,.. Breakfast muna tayo.." saad ni blue habang nilalabas yung pagkain na binili nila. "ok nanaman si Geo.. Hindi mo na kailangan magworry." abot sakin ni blue ng pagkain na nasa stiro kinuha ko naman to.
                 " thanks kagabi pa ko nagugutom eh." ngiti ko.
                 " Bakit ka ba kasi napaaway sa mga yun..?" tanong ni aldred.
                 " Hindi naman ako ang nagsimula.. Binasag nila yung salamin ng kotse ko eh tapos Itong pinsan mo pinanganak atang pakialamero nakisali pa..kaya ko naman yung mga yun kahit wala sya."
                 " Ows.." 
                 " Nareport ko nanaman to I'm sure hinahanap na ngayon yung mga panget na yun.." saad ko lang habang nakatingin kay Geo.. Hindi pala nakakasawa tingnan yung mukha niya mukha syang mabait pag tulog. haha 
                 " may nabanggit ba sayo si Geo.?" tanong ni aldred napalingon naman ako dito..
                 " nabanggit na alin.?" 
                 " aldred..?" pigil dito ni blue umiwas naman to ng tingin.
                 " Ah wala.."
                 " Galing sya kala chris kagabi right.." turan ko sabay naman silang napatingin sakin.
                 "pano mo nalaman.?" tanong ni blue.
                 " nakita ko sya kagabi bago pumunta kala chris.."
                 " nakita mo..?"
                 "yeah si joseph kasi sumabay sakin.. Kaya napadaan kami sa kanto ng subdivision niyo. Ihahatid ko sana sya kala chris since malapit lang yung house niya samin pero tumanggi si geo kaya hinayaan ko nalang."
                 " Ok ba sya kagabi I mean.. Nakangiti na ba sya.? Or malungkot ba..?" tanong ni ladred habang nasa tabi ng kama at nakatingin kay geo.
                 "nung dumating sya sa away ngumiti naman sya sakin kagabi..nagaway ba sila ni chris..?" tanong ko pero walang sumagot sa kanila nagkibit naman ng balikat si aldred.
                 " kainin mo na yan Paul." ngiti ni blue sakin namayani lang yung katahimikan sa loob ng kwartong yun.. Ramdam na ramdam ko yung kakaibang aura.. Parang sobrang lungkot. Tingin ko tungkol to sa nangyare kagabi. Ayoko sabihin na nakita ko lahat hindi naman ako kasali dun. 
                  Maya maya napansin ko na dumilat yung mata ni geo agad naman akong napatayo saka lumapit sa kanya.
                 " Geo..?" saad ko lumapit din sila blue tumingin naman sa mukha ko si geo. Ilang sandali syang hindi nagsalita saka tumingin kay blue at aldred.
                 " geo..?" saad ni blue.
                 " Nasa ospital ako.?" tanong niya.
                 " Nasa morge ka na. Anghel mo ko eh..?" pilit na ngiti ko agad naman akong binatukan ni aldred. " aray naman!" simangot ko.
                 " gago ka paul." natatawang saad ni geo aktong uupo sya sa kama ng pigilan sya ni blue.
                 " hey humiga ka lang.."
                 "Blue I'm ok.." saad niya saka umupo hinawakan niya lang yung ulo nya na may benda. " buo pa naman daw yung bungo ko..?" ngiti niya marahan naman ako tumango.
                 " Ok naman daw yung ulo mo maliit na sugat lang naman. Pag nagising ka na daw pwede na tayo umuwi. Yung mommy mo papunta na dito." saad ni aldred.
                 " Kuya naman sana hindi mo sinabi kay mommy magaalala pa yun eh."
                 " Kailangan malaman ng mommy mo yun." 
                 " ewan ko sayo kuya papagalitan ako nun." nguso niya.
                 " Magsosorry nalang ako sa mommy mo geo ako naman may kasalanan eh.."  saad ko.
                 " kaya ko na si mommy baka bungangaan ka lang nun.." natatawang saad niya. "Gwapo pa naman ako blue di ba.?" ngiti niya natawa naman ako.
                 "cute ka parin.." ngiti ni blue tumango naman si geo..
                 Ilang sandali nabalot ng katahimikan yung kwartong yun parang may gusto itanong si aldred pero hindi niya magawa.. Si blue naman iwas yung tingin.. Haixtt
                 " hindi ba masakit ulo mo.?" tanong ko marahan naman syang umiling.
                 " uhm geo yung kagabi." simula ni aldred pero isang ngiti lang binigay ni geo.
                 " Kuya kung nakita mo kami ni paul kagabi bibilib ka samin. Hanep para kaming mga action star.. At take note kuya kami yung bida! Walang wala samin yung mga panget na yun.." kwento  ni geo habang may ngiti sa labi.. Bakit ganun yung ngiti niya.. Bakit iba. " di ba paul.. Kung nakita mo lang kuya aldred pano kami nakipagsuntukan saka kung pano namin sila napabagsak.. Walang wala yung mga action star local man o hollywood..! As in isang sapak lang bagsak na sila sa kalsada. Titibay nga ng mukha eh bumabangon agad mga hayop.!"
                 " geo ok ka lang ba talaga..?" tanong ni blue.
                 " humuhingi pa naman ako blue so I think I'm fine." ngiti niya si aldred naman tahimik lang. " paul yung baseball bat.. Asan na..? Akin nalang yun huh.. Nakuha ko na yun sa kanila eh."
                 " Nasa kotse ko.." saad ko.
                 " ang astig mo paul ang lakas mo pala sumuntok.. Kilala mo ba yung mga yun.?" marahan naman akong umiling.
                 " Pwede na tayo umalis ok ka na ba geo..? isesettle na namin yung babayaran dito.." saad ni aldred saka lumapit sa gilid ng kama at niligpit yung mga kalat. Si blue naman lumabas lang ng kwarto para pumunta sa nurse station.
                 " sana navideo natin kagabi noh..?" ngiti niya sakin. " ang galing mo makipagsuntukan grabe.. Parang sanay na sanay ko pero alam mo i think kung hindi ako dumating dun baka ikaw ang humiga sa kamang to."
                 " hindi ako kaya ng mga yun.."
                 " ows.. Muntik ka na ngang mahampas eh.."
                 " Galing ka kala chris kagabi di ba..? What happened.?" tanong ko kita ko naman na napalingon si aldred kay geo. Umiwas naman sya ng tingin. 
                 " Uhm kuya galit ba si mommy nung nakausap mo..?" pagiiba niya ng usapan.
                 " Hindi naman.. Geo ano nangyare kagabi..?" tanong ni aldred.
                 " Uhm kagabi..? Nagpakaaction star kami ni paul.. Di ba paul.?" Ngiti niya sakin. " kuya tawag ka na ng nurse para matanggal na tong swero ko.. Saad niyang nakatingin sa kamay niya nakita ko naman na pinindot ni aldred yung buzzer. " buti nalanng tulog ako ng kinabit to.. Ang sakit kaya nito." saad pa niya nakita ko lang yung pagbuntong hininga ni aldred.
                 " hindi naman."
                 " masakit kaya.. Nung huling nilagyan ako ng swero gising ako eh..hate needle." saad niya.
                 " owss hindi halata eh.." ngiti ko.. dun naman may pumasok na nurse.
                 " Ate patanggal na po to.." saad ni geo.
                 " puntahan ko lang si blue.. Magayos ka na geo huh lalabas na tayo pagbalik namin." saad ni aldred saka lumabas ng kwarto hindi lang mapigilan ni geo mapangiwi habang tinatanggal yung swero sa kamay niya. Pagkaalis nito ay lumabas din yung nurse.
                 " Ouch.." saad niya habang hinihimas yung pinaglagyan ng swero sa kamay niya.
                 " ang arte di naman masakit yun." saad ko sinimangutan naman niya ko.
                 "masakit kaya. Ikaw kamusta ka.. Yung kamay mo..?" tanong niya tinaas ko naman yung kamay ko para makita niya yung benda dun. "masakit ba.?"
                 "hindi naman gaano." 
                 " Kagabi ka pa ba dito..?"
                 " yeah.."
                 " Uhmm.. Nakakailang.." napapakamot na saad niya.
                 " may gusto kang itanong..?" tanong ko umiwas naman sya ng tingin. " tayong dalawa lang naman nandito pwede ka magtanong.?"
                 " si chris.. Alam ba niya.? Pumunta ba sya.?"
                 " Ang alam ko tumawag si aldred kala chris so tingin ko alam ni chris pero hindi naman sya pumunta dito.." bumuntong hininga lang sya saka ngumiti. " ano ba nangyare..?" tanong ko.
                 " uhm wala.." ngiti  niya ilang sandali walang nagsalita saming dalawa. Nanatili lang akong nakatingin sa mukha niya.. Nang magangat sya ng tingin agad lang akong umiwas. " wag mo naman ako masyadong titigan baka mainlove ka sakin niyan.."
                 " baliw.. Hindi ako maiinlove sayo.." 
                 " wehh.." saad niya saka tumayo sa kama at lumapit sa paper bag na nasa mesa. " magpapalit ako ng damit.. Okay lang ba..?" lingon niya sakin tinuro ko naman yung Cr.
                 " dun oh..?"
                 " Sus dito nalang.." saad niya saka naghubad ng damit. " titigan mo na mabuti para masatisfy yung fantasy mo sakin." natatawang saad niya..  Natawa naman ako.
                 " kapal huh."
                 " hoy may abs yan.." hawak niya sa tyan niya.
                 "tabs kamo.." saad ko . Sinuot niya lang yung tshirt saka muling bumalik sa kama. Kahit nagbibiro na sya ramdam ko parin yung lungkot sa aura niya.. haixt.
                 " Hindi ka pa uuwi..? Magpalit ka na ng damit.. Kahapon pa yang damit mong yan ah..?"
                 " ok lang ako.. Eh kayo ni chris ok lang ba kayo.?"
                 " tagal nila kuya.. Gusto ko ng umuwi.."
                 " so hindi kayo ok..?"
                 " Wala ba kayong praktis ngayon... Hindi ka pa ata natutulog.? Masyado mo naman akong binantayan..?" ngiti niya.
                 " Sabi ko naman kasi sayo di ba.. Yung pagmamahal mo kay chris kalokohan yan.. Isang malaking kalokohan. Masakit ba..?" tanong ko deretsong nakatingin sa mga mata niya umiwas lang sya ng tingin saka ngumiti.
                 " nagugutom ako may food ba..?" saad niya saka muling tumayo. Lumapit lang ako sa kanya ng aktong kukunin niya yung isang stiro.
                 " akin yan.." ngiti ko.
                 " pahingi nagugutom na ko.?" nguso niya.
                 " Ano muna nangyare..? Hiwalay na kayo.?"
                 " sige na nga sa bahay nalang ako kakain.. Ang damot mo.." saad nya saka bumalik sa kama.
                 " so ayaw mo pagusapan.?"
                 " yung baseball bat bigay mo sakin yun huh.?"
                 " mukha naman peke yun.. Ayaw mo talaga pagusapan huh..?" saad kong nilapit yung mukha ko sa mukha niya.
                 " lumayo ka nga baka matunaw naman ako..?" tulak niya sakin natawa lang ako. " Ayaw mo pagusapan.?"
                 " Kanina nung natutulog siguro ako sobra mo kong tinitigan noh.?"
                 " pagusapan natin si chris.. Ayaw mo bang pagusapan yung nangyare kagabe mejo curious kasi ako eh..?" ngiti ko kita ko naman na sumeryoso yung mukha niya. " so ayaw mo talaga pagusapan.?"
                 " abvious ba.? Ang tanga mo pa nga paul makaramdam ka naman pwede.. And please wag mo nalang banggitin si chris pag nandito sila kuya aldred.. Sasapakin kita." simangot niya.
                 " so hiwalay na kayo..?" natatawang saad ko hindi naman sya nagsalita.. " ano.. ?" untag ko sa kanya.
                 " Paul.."  nakatungong saad niya.
                 " uhm..?"
                 " hindi porket single ako ngayon papatulan na kita.. Hindi kita type di ba..?"
                 " So hiwalay na nga kayo..?"
                 " Oo na nga.. Wag mo nalang banggitin kala kuya aldred."
                 " why..?"
                 " baka guluhin pa niya si chris.. Sasama na ko kay mommy paguwi ng cavite mamaya.."
                 " aalis ka na.?!! Ano ba nangyare..?"
                 " kung makareact ka naman.. Wala kang chance sakin paul kaya kung iniisip mo..?"
                 "eh kung tuluyan kong basagin yang bungo mo..?" simangot ko.
                 " joke lang.." iwas niya ng tingin. Napabuntong hininga naman ako He's hurt pero  nagagawa niya ngumiti Pano nangyare yun.. Ganun ba talaga sya kalakas.
                 " ok ka lang ba..?"
                 " mukha bang hindi ako ok..?"
                 " yeah..ano ba nangyare..?"
                 " love life ko yun kaya dapat akin lang .. Pwera nalang kung magiging tayo baka mashare ko pa sayo.."  nanatili lang akong nakatingin sa mukha niya.. Ng mga oras na yun kahit ngumingiti sya nakikita ko parin yung lungkot sa mata niya.. Na parang nagmamakaawa yung luha na lumabas mula duon. " sabi ko wag mo ko masyado titigan.. Nakakainlove ako sige ka.?" pilit na ngiti niya.
                 " Pwede ka naman umiyak Geo" seryosong saad ko napatingin naman sya sakin. "Hindi naman naisabatas sa pilipinas na bawal umiyak kapag nasaktan di ba.?" pilit na ngiti ko tumungo lang sya saka payak na natawa.
                 " ano ba sinasabi mo paul.?"
                 " Geo.. Nasaktan ka.. Alam mo normal na reaction ng katawan yung umiyak kapag nasugatan. NOrmal na umiyak kapag nasaktan.. Sabi nga sa fault in our stars..pain.? It demands to be felt.."  umiling naman sya. " tingin ko ayaw mo makita nila aldred na nasasaktan ka ngayon.. Geo I'm here.. Hindi kita masyadong kilala.. Hindi tayo close.. Kaya ok lang na makita kitang umiyak." nanatili lang syang nakatungo hinawakan ko lang yung kamay niya pero agad niya tong hinugot. " Geo.. Hindi naman masama umiyak eh.."
                 " mamahalin ba niya ko pag umiyak ako..?"seryosong tanong niya habang sa ibang dereksyon nakatingin. " paul Masakit Oo.. Lumaban naman ako.. Sinubukan ko.. Pero alam mo. " lingon niya sakin kita ko lang sa mga mata yung lungkot ng mga oras na yun.. " pero alam mo paul..Sometimes its not about how we fight.. Its about how we save ourselves.. Paul may konti pa kong pagmamahal sa sarili ko.. Kapag umiyak ako at nagmakaawa.. Baka maubos ako paul.." kita ko lang na may namuong luha sa mata niya pero agad syang tumingala para wag yun bumagsak. "Im not chris na inubos yung sarili niya para kay blue.. Hindi ko sya gagayahin..hindi.. Magkaiba kami kung hindi niya ko kayang mahalin.. Fine.. fine.." saad niya na may tumulong luha sa mata niya pero agad niya tong pinunasan. " alam mo sana nakinig nalang ako sayo.."
                 " Geo.."
                 " kasi paul ang sakit." bulong niya. 
                 " sabi naman kasi sayo.. Malaking kalokohan yan eh.."
                 " I know..kaya nga ang sakit kasi umasa ako.." pilit naman niyang pinupunasan yung mga luha sa mata niya. " lock mo yung pinto please..? Ayoko na makita ako ni  kuya aldred na umiiyak.. Magagalit sya kay chris.." hikbi niya napabuntong hininga naman ako saka binuksan yung pinto saka sumilip nakita ko naman si aldred at blue nasa gilid ng pinto. Sinenyasan ko lang sila na wag na muna pumasok. " paul lock mo na.?" saad ni geo sinarado ko naman yung pinto saka nilock. " hoy hindi porket pinalock ko yung pinto magpaparape na ko sayo huh.." 
                 " baliw ka ba.. Ospital to .? Kung mangrerape ako sa damuhan! mas realistic!" 
                 " Damuhan talaga..? Hindi ba pwedeng bodega..? Tulad sa mga mnovie."
                 " Pwede rin.." ngiti ko. " ang sakit masaktan noh.?" pilit na ngiti ko.
                 "naranasan mo na ba.?"
                 " yeah.. At sobrang sakit yung tipong gusto mo nalang mamatay.. Masarap daw magmahal..kalokohan..! masakit kung yung mahal mo iba ang mahal."
                 " ganun din nangyare sayo.?"
                 " yeah.. Magkaiba nga lang tayo kasi ako duwag hindi ko na sinubukan alam ko naman kasi na talo na ko simula palang.. Ikaw masyado kang matapang.. Napala mo..?"
                 " yabang mo..atleast sinubukan ko." 
                 " so susuko ka na..?"
                 " Ayoko ipilit yung sarili ko.." bulong niya.
                 " sa umpisa ka lang pala matapang." tumungo lang sya saka hinayaang pumatak yung luha sa mata niya. " Geo.." 
                 " Alam mo paul kung gusto talaga niya ko hindi niya ko sasaktan.. O kahit hindi niya ko gusto.. Sana hindi niya ko sinaktan.." bulong niya  habang pilit pinupunasan yung luha niya. " ayoko umiyak pero kasi.. Pero kasi paul si chris.. Sinaktan niya ko. paul lalayo naman ako eh basta sabihin niya.. Lalayo ako.. Basta sabihin niya.. Yung ginawa niya sakin.. Paul sobrang sakit.. Akala ko mahal niya na talaga ko..pero hindi pala.. " umiiyak na saad nya. "  
                 " SI blue parin..?"
                 "yeah.. Di ko alam bakit.. Bakit si blue parin."
                 " minsan geo may mga tao talaga hindi na natin mabubura sa puso natin. Kahit kailan.. Nagkaroon na kasi sila ng puwang sa puso natin na hindi na mawawala. Habang buhay yun.. Hanggang nabubuhay tayo . Mga taong hindi lang basta naging parte ng buhay natin.. Sila yung mga taong minsan naging buhay natin. Mga taong hindi man na natin kasama pero lagi  parin nasa puso natin.."
                 " ang lalim naman nun..Ikaw ba talaga yan.?" hikbi niya.
                 "pwede ba umiyak ka nalang..?" simangot ko natawa naman sya. 
                 " Joke lang.. Magiging ok din ako.. Ayoko umiyak ng umiyak. Dami ko ng naiyak kagabi tama na yun."
                 "So aalis ka na talaga.?"
                 " Yeah.."
                 " pano ako..?" saad ko kunot ang noo naman syang tumingin sakin. " I mean pano .. Uhm,, nevermind.." iwas ko ng tingin.
                 " So gusto mo nga ako..?"
                 " huh..?"
                 " paul gusto mo ko aminin mo na nga.?"
                 " hindi nga.." simangot ko. " tapos ka na ba umiyak baka nasa labas na sila blue.?" saad ko saka tumayo.
                 " wait paul.." saad niya napalingon naman ako sa kanya.
                 " why..?"
                 " Ang cute mo namumula ka.." ngiti niya.
                 " tigilan mo ko geo hindi kita gusto."
                 " Ok.. Sobra talaga akong nakakainlove noh.." natatawang saad niya habang pinunusan yung mukha niya. Natawa naman ako.
                 " Oo kaya nga hindi ka minahal ni chris eh.. Sad noh.?" ngiti ko sa kanya kita ko naman yung pagsimangot niya. " joke..?"
                 " Lumayo ka sakin paul..gugulpihin kita!" inis na saad niya natawa naman ako saka binuksan yung pinto naabutan ko lang si aldred na may nagtatanong na tingin.
                 " ok na ba.?" tanong ko.
                 " yeah.. " saad nito saka pumasok ng kwarto kasunod si blue. " uwi ka na paul nanjan na si mommy sa kanya nalang kami sasakay.."
                 " Ok.. Uhm geo..text mo ko." ngiti ko.
                 " Sige babe itetext kita." ngiti ni geo  
                 " babe mo mukha mo..! Uwi na ko blue .. Aldred.."saad ko saka lumabas ng kwarto.. Isnag buntong hininga lang yung pinakawalan ko.. Minsan wala tayong choice kundi magpanggap na ok lang.. Mangpanggap na hindi nasasaktan.. Ang sarap maginng manhid para wala ng maramdaman na sakit.


SI GEO


                 Lunes yun ng bumallik ako sa bahay nila kuya aldred para pumunta ng school at idrop lahat ng subjects ko. Aminin ko man o hindi may nagbago sakin. Ganun naman ata talaga pag nasaktan mawawala mo yung dating ikaw.
                 " Geo.?" bungad sakin ni Cj pagpasok ko sa gate ng school.
                 "hey bati ko dito.
                 "bakit di ka nakauniform..?" saad nito habang tinitingnan yung suot ko.
                 "Uhm idadrop ko lang lahat ng subjects ko."
                 " huh.. Bakit.. Si chris papasok ba ngayon.?" tanong niya.
                 " uh, nagmamadali kasi ako eh... May pupuntahan pa ko." saad ko saka mabilis na naglakad papunta sa registrar ng lingunin ko si Cj nakita ko lang yung pagkakamot niya sa ulo.. 
                 Halos abutin na ko ng tanghali nun sa pagpaproccess ng dropping form ko.. Pagkatapos papirmahan sa mga prof ay tumuloy na ko sa room namin.. Gusto ko lang malaman kung nandun si chris. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko ng makitang bakante yung upuan niya. Dun unang hinawakan ni chris yung kamay ko. Napangiti lang ako pero kasunod nun yung pagpatak ng luha ko.. Haixt.. Agad lang akong naglakad palayo sa lugar na yun. Gusto ko pumunta sa bahay nila chris pero baka ipagtabuyan niya lang uli ako. Ayoko na saktan yung sarili ko.
                 Pagkauwi ko sa bahay inayos ko na yung mga gamit na naiwan ko kala kuya aldred. Isa isa ko lang tong nilagay sa maleta ko. Natigilan lang ako ng mapansin yung pink na helmet na nasa ibabaw ng cabinet. Kinuha ko lang to saka pinagmasdan. "Iiwan narin kita dito huh.. Gusto ko makamove on agad at hindi mo ko matutulungan kapag dinala kita." bulong ko saka to muling binalik sa ibabaw ng cabinet.
                 Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko lang yung mommy ni kuya aldred nakatingin sa binatana.
                 " tita..?" 
                 " Uhm hindi mo ba hihintayin kuya aldred mo.?" tanong nito umiling naman ako.
                 " Umuulan.. Aalis ka na ba..?" saad nito lumapit naman ako dito saka tumanaw din sa binatana.. Sobrang lakas ng ulan. 
                 " Ang sarap po pakinggan yung pagbuhos ng ulan noh.?" pilit na ngiti ko habang nakatanaw sa bintana.
                 " Hindi mo man lang ba ikukwento yung nangyare sa inyo ni chris nung gabing yun..?"
                 " Uhm lalabas po muna ako tita.. Hihintayin ko po tumila yung ulan." saad ko aktong tatalikod ako ng yakapin ako nito. " tita ayoko na po umiyak.." bulong ko hindi naman sya nagsalita. " tita mamimiss ko po kayo."
                 "mamimiss kita Geo.. Ilang taon kaya kayo dun.?"
                 " I don't know po." humilay lang to saka hinaplos yung mukha ko. 
                 " Sorry kung hindi ko sinabi sayo yung pagbalik ng daddy mo huh.. Matagal na nilang inayos yung papers mo Ito sana yung suprise ng mommy mo sa birthday mo eh."
                 " Suprise.. Finally hindi na ko iiyak sa birthday ko."
                 " Geo Kung feeling mo hindi mo na kaya yung sakit.. Umiyak ka.. Just cry."
                  " Yes tita.. Lalabas po muna ako.." saad ko tumango naman to tumuloy lang ako sa front door rinig ko lang yung malakas na pagbuhos ng ulan dahan dahan lang akong humakbang palabas.
                 " Geo mababasa ka..?" rinig kong saad ni tita emma mula sa likod lumingon naman ako.
                 " Just want to cry tita.." ngiti ko tumango naman to tinuloy ko lang yug paglakad ko hanggang makalabas ako ng gate.. Ramdam ko yung malalaking patak ng ulan sa balat ko. Inangat ko lang yung palad ko saka sinalo yung bawat patak saka hinayaan yung mga luha sa mga mata ko.. Hindi naman masama umiyak.. Lalo na kapag sobrang sakit na. Nagsimula lang akong humakbang.. Isa, dalawa, tatlo pabilis ng pabilis hanggang tumakbo na ko papunta sa park.
                 Pagdating ko dun tumingala lang ako saka binuka yung bibig ko. I know hindi summer ngayon at imposible magkaroon ng summer rain Pero di ba Everything in this world is magical basta maniwala ka lang. Maniwala ng maniwala..
                 Umiyak lang ako habang nakatingala.. Hinayaang yung mga luha ko pumatak kasabay ng ulan.. Hayaang sabayan ng langit yung lungkot na bumabalot s apuso ko.. Ilang sandali pa ng umupo ako sa kalsada saka tumungo.
                 Napalingon lang ako ng isang kotse yung tumigil sa harap ko dahan dahan langakong tumayo saka inantay kung sino yung lalabas dito.
                 Bumukas yung pinto. Una kong nakita ay yung dilaw na payong kasunod nun lumabas ay si paul. Ngumiti lang sya sakin. 
                 "Umbrella..?" ngiti niya saka naglakad papalappit sakin.
                 " Wala kang pasok..?" tanong ko.
                 " Tinawagan ako ng mommy ni aldred.. Magtataxi ka lang daw.. So I'm here.."
                 " Kaninong kotse yan.?" tanong ko sa pulang mini cooper na dala niya.
                 " Uhm sinumbong ko si alex eh.. Pinahiram muna sakin ni lolo..Masarap ba umiyak sa ulan.?"
                 "Uhmm."
                 " Nabanggit sakin ni aldred na aalis ka na daw..?"
                 "yeah.. Sa Saturday na yung flight namin."
                 "where..?"
                 "Canada.. Nandun si daddy dun sya nagchechemo eh.." saad ko..
                 " I see.."
                 " si tita talaga tinawagan ka pa.. Kaya ko naman magtaxi eh..Ok lang ako.."
                 " payong.?" alok niya sa hawak niya.
                 " Wag na paul.. Basa na rin ako eh."
                 " Can I be your umbrella..?" saad niyang deretsong nakatingin sa mga mata ko. "Hindi mo kailangan maghintay ng ulan kapag gusto mo umiyak. I'm here I can offer my shoulder for you to cry on. I can be an umbrella to protect you from any storm. "
                 " Paul..?"
                 " Yeah.. Since aalis ka na rin naman atleast nasabi ko di ba.. I love you geo." napatingala lang ako ng maramdaman yung paghina ng ulan.
                 " you love me..?" natatawang saad  ko.
                 " Alam mo naman yun di ba..?"
                 "uhm.." iling ko. " joke lang naman yun.. Pero seryoso..?"
                 "yeah.." dahan dahan lang syang lumapit sakin saka ako niyakap dahilan para mabitawan niya yung payong.
                 "hey basa ako.."
                 "Ok lang.." rinig kong saad niya nanatili lang akong nakatayo. "Sana pagbalik mo dito maghilom na yung sugat jan sa puso mo."
                 " I'm not sure kung babalik pa ko.." humiwalay langs ya saka ako tinitigan sa mukha.
                 " Aantayin kita.." ngiti niya saka ako hinalikan sa noo.
                 "paul..?"
                 "hindi mo ko type..?"
                 " uhm joke lang din yun.. Pero hindi yun, konting layo masyado ka ng touchy eh." pilit na ngiti ko natawa naman sya saka humakbang patalikod.
                 " I'm sorry.."
                 " Basa ka na." saad ko saka kinuha yung payong na nabitawan niya. "wag mo ko antayin paul.. Baka mapressure ako bumalik dito."
                 " yun nga gusto ko eh.."
                 "naman to eh.."
                 " Basta aantayin kita.. Drummer ako di ba sa oras na bumalik ka sisiguraduhin kong sasabayan ko lahat ng beat ng puso mo." ngiti niya. Natitigan ko lang yung mukha niya. " oh magmove on ka muna bago ka mainlove sakin.." ngiti niya.
                 "baliw ka.."
                 "let's go.?" lahad niya ng kamay sakin.
                 " yeah.." tinaggap ko lang yung kamay niya.

SI CHRIS


                 Pababa ako sa hagdan nun ng makita ko si Cj na nakaupo sa sofa.
                 " Morning..este Good afternoon..magaalauna na kaya.?" bati nito ng makita ako saka tumayo..
                 "I know so what are you doing here..?"
                 " wala lang.. Lage naman akong nandito pag Saturday ah..?" saad niya tumuloy naman ako sa dining area.. Ramdam ko lang na sumunod sya. " bakit ang sungit mo ?"
                 " huh..?"
                 " Baka lang di ka aware huh isang linggo ka ng absent.. Alam mo bang nagdrop si geo sa lahat ng subjects niya.?"
                 " Uhmm papasok na ko sa Monday.."
                 "si geo.. Saan na sya..?bakit ba sya nagdrop..?" hindi lang ako sumagot. "May lakad ba kayo ngayon..Wala pa ba sya.?"
                 " Kain ka..?" saad ko saka umupo sa upuan.. Naghain naman yung isang katulong namin.
                 " where's your mom..?"
                 " Uhm umalis eh.." maikling saad ko. " kain ka.?"
                 " Tapos na ko kumain.." saad niya saka umupo. " bakit ganyan itsura mo last week lang full of energy ka.. Ano ba nangyare.? Kay Geo hindi ko na sya nakikita.. What happened to him.?"
                 " hiwalay na kami ni geo." seryosong saad ko.
                 " huh what happened?? Ok naman kayo ah.?"
                 " basta wala na.. Wala ako sa mood makipagkwentuhan.. You can go.." saad ko saka sumubo ng pagkain wala naman akong narinig mula sa kanya nanatili lang syang nakatingin sakin. " I said go!!"  
                 " You're back.." iling niya.
                 " what do you mean..?"
                 " yan yung chris nung una kitang nakilala.." humugot lang ako ng malalim na hininga. " So magbibilang nanaman ba tayo ng araw para maging mejo ok ka uli.?"
                 " Stop it Cj .. Umuwi ka na.."
                 " grow up chris .. Grow up.." 
                 " Pwede Cj wala akong plano makinig ng sermon mo.. Go.. Umalis ka na muna.."
                 " Magkaibigan tayo di ba.. Dadamayan kita."
                 " I don't need advice, I don't need pity. I dont need lectures.. I don't need anything.. Don't you get that! Now go!"
                 " Pero kailangan mo ng kaibigan..? Libre naman ako so pwede ako makinig."
                 " fuck!!" gigil na saad ko saka binitawan yung kobyertos na hawak ko. " I know Cj you like me.. gusto mo ko di ba..?"
                 "ano ba sinasabi mo..?"
                 " You love me.."
                 "Oo kaibigan kita eh.."
                 " Mahal mo ko Cj hindi lang bilang kaibigan.. Hindi ako manhid..! kung tingin mo mamahalin kita.. Mali ka.. Maling mali.." natahimik naman sya saka umiba ng tingin. " umalis ka na hindi ko kailangan ng tulong.."
                 " Chris Hindi mo ko kayang mahalin o kahit si geo.. Alam mo kung bakit..? Kasi hindi ka marunog magmahal.!" gigil na saad niya.
                 " really.." Sarkastikong saad ko.
                 " Oo hindi ka marunong nun chris..hindi.!!" hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko. " mahal mo si blue..? Bullshit! Hindi mo sya mahal.! Kasi kung mahal mo sya hahayaan mo syang maging masaya.. At kung mahal mo yung sarili ititigil mo yan pantasya mo na magiging kayo pa ni blue.. Tangina chris accept the fact the hindi ka niya mahal..!"
                 " mahal niya ko"
                 "In your fucking dreams! Wake up chris! Nakakaawa ka na masyado eh.. Nakakaawa ka na!" Sigaw niya 
                 " umalis ka na..!"
                 " Aalis talaga ko! hindi kita kayang tingnan.. Maawa lang ako sayo.!" saad niya saka tumalikod at mabilis na naglakad. Gigil ko lang hinawi yung mga pinggan na nasa harapan ko dahilan para mabasag to sa sahig. Damn it!! Gusto ko mapagisa hindi ba pwede yun.. Haixt!!
                 Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto ng araw na yun.. Umiyak.. Hanggang nagayon daman dama ko parin yung sakit na ginawa ko kay Geo..  Sumuko na ba talaga sya..? Nung gabing yun Isang katok lang yung hiningi ko pero hindi niya ginawa.. Kung mahal niya talaga ko.. Hindi sya susuko agad.. Agad ko lang pinunasan yung luha ko ng marinig yung katok sa pinto.
                 " Chris..?"
                 " Pasok mom.." saad ko bumukas lang yung pinto nakita ko lang yung pilit na ngiti ni mommy.
                 " Dinner.?"
                 " wala po akong gana..Mom si geo wala parin po ba.?"
                 " pumunta ko sa bahay nila aldred.. Wala si Geo dun at ayaw nila sabihin kung sya nakatira sa cavite."
                 " Mom bakit kayo pumunta dun..?"
                 " para sayo. Para maayos niyo to.."
                 " Mom.. Kung gusto niya pumunta dito.. Pupunta sya."
                 " Bakit kasi ayaw mong tawagan..?" marahan naman akong umling. " haixt chris alam mo sobra yung ginawa mo sa kanya that night.. Kahit ako kung ako nasa kalagayan niya hindi na muna ako pupunta dito."
                 " mom kung mahal niya ko hindi sya susuko agad."
                 " eh si blue.. Kailan mo sya susukuan..?" tanong nito umiwas naman ako ng tingin. 
                 " mom mahal ko si geo."
                 " pero hanggang ngayon mas mahal mo parin si blue di ba..?"
                 " yeah.. Pero si geo nalang yung meron ako.."
                 " pinagtabuyan mo pa.."
                 " Mom bakit ako hindi parin ako sumusuko kay blue pero si Geo.. Ganun nalang yun..? Bakit ang bilis.. Bakit parang sumuko na sya agad.."
                 " magkaiba kayo ni geo.."
                 " pero mahal niya ko.."
                 " at mahal niya rin ang sarili niya.."
                 " Mom.."
                 " Alam mo anak.. Tama na rin siguro yung nangyare.. Tulungan mo muna yung sarili mo chris.. Kasi wala naman makakatulong sayo kundi sarili mo.. Not me or even Geo..  Tama na anak.. Si blue si aldred ang mahal niya at hindi ikaw.." Ilang sandali lang akong hindi nagsalita saka tumungo.
                 " pero mom alam mong minahal niya ko.."
                 " pero mas mahal niya si aldred At alam kong alam mo yun..tanggapin mo na yun chris.." 
                 " Mom.." umiiyak na saad ko saka yumakap kay mommy. " Mom.."
                 "Tulungan mo yung sarili mo chris.. Tanggapin mo na.. Nangako ka sakin di ba..?"
                 " Nung nakita ko sya Ang hirap.. Ang hirap mom.. Gusto ko sya yakapin pero hindi ko magawa." 
                 " mahirap pero I know kaya mo.. Kahit si Cj pinagtabuyan mo.. Ano ba chris.? .Just because one person doesn't seem to care for you, it doesn't mean you should forget everyone else who does."
                 " I just want to be alone mom.."
                 " Chris kala ko tapos na.. Hindi pa pala.."
                 " Mom.." Sabay lang kaming napalingon ng may kumatok sa pinto.
                 " MA'am may naghahanap po kay sir chris." saad nung katulong tumayo naman si mommy saka binuksan yung pinto.
                 " Sino..?"
                 " Edna If it's Cj pakisabi tulog na ko.." saad ko.
                 " Aldred daw po eh." saad nito.
                 "si aldred daw..?" lingon sakin ni mommy.. Si aldred? Ano naman ginagawa niya dito.
                 " Mom pakisabi tulog na ko.."
                 " harapin mo na.. Para sayo to.."
                 " mom baka magkasakitan lang kami..ayoko.."
                 " tumayo ka na jan. Kung sapakin ka niya matutuwa pa ko baka sakaling magising ka na."
                 " pero mom.."
                 "Son.. Please.." saad nito saka lumabas ng kwarto humugot lang ako ng malalim na hininga. Ano ba paguusapan namin.. Shit sya ang pinakahuling taong iniisip kona pupunta dito sa bahay.. For what reason..? Damn it!! Bahala na.. Tumayo lang ako saka lumabas ng kwarto pagbaba ko sa hagdan nakita ko lang si mommy na may dalang bote ng alak.
                 " para san yan mom..?"
                 " drinks..?" saad nito saka tumuloy papaunta sa likod ng bahay sumunod naman ako dito.. Pagdating dun naabutan ko lang si aldred na nakatayo sa gilid ng pool. " aldred umiinom ka ba..?" tanong ni mommy kita ko naman yung tingin sakin  nito kaya agad akong umiwas ng tingin saka tumuloy sa bench.
                 " Mejo lang po.."
                 " Ok.. Here.." saad ni mommy saka nilapag sa mesa yung Alak. " nasa loob lang ako kapag may kailangan kayo.. Pasusunod ko nalang yung food here." saad ni mommy tinapik pa ko nito sa balikat bago pumasok sa bahay.
                 " sinabi ba ng mommy mo na naospital si geo nung gabing galing sya dito.?"
                 " with paul..? yeah." 
                 " bakit hindi ka pumunta..?"
                 " Pumunta ako.. Kaso nandun na kayo ni blue so I decided to go home na lang." saad ko saka binuksan yung bote ng alak.
                 " Inantay ka ni geo.."
                 " kasama naman niya si paul.." kinuha ko lang yung baso saka nagsalin  dito. " so bakit ka nandito.?"
                 " Gusto lang kitang sapakin.." saad niya natigilan lang ako saka tumingin sa kanya. Kita ko lang yung kaseryosohan ng mukha niya ng mga oras na yun habang deretsong nakatingin sakin. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka ininom yung alak sa baso.
                 " Go.."
                 "pero hindi ko gagawin.. Chris bakit mo to ginagawa sa sarili mo..?"
                 " kasi mahal ko si blue."
                 " pero mahal mo rin si geo."
                 " Mas mahal ko si blue.."
                 "pero ako ang mahal niya.."
                 "so anong gusto mong gawin ko gawing panakip butas si geo.. Gawing panakip butas yung pinsan mo..? Aldred hindi ko gagawin yun." iling ko.
                 " Mahal ka ni geo.." saad niya saka kinuha yung baso at nagsalin din ng alak saka to tinungga.
                 " I know.." 
                 " I know minahal ka rin ni blue.. Alam ko yun chris naramdaman ko yun.." gigil na saad niya saka nilapag sa mesa yung baso.
                 " I know kaya hindi ko sya makalimutan eh.. Kasi umaasa ako na one day baka maging kami.. Baka magkaroon kami ng chance..kasi alam ko minahal niya ko."
                 " Minahal ka niya.. Pero.."
                 "pero ano..?"
                 " Mas minahal niya ko.." saad niyang deretsong nakatingin sa mga mata ko. " Hindi mo ba sasabihin na I know..?" umiwas lang ako ng tingin. " alam ko at alam mo na minahal ka niya pero mas minahal, mas mahal, at mas minamahal niya ko kesa sayo.."madiin na saad niya nanatili lang akong nakatungo. " bakit hindi mo bigyan ng chance si geo..? Mahal ka niya."
                 " mahal ko sya kaya ayoko syang gawing panakip butas.."
                 " Pero bakit sinaktan mo sya ng ganun..?"
                 " kapag hindi ko ginawa yun.. Mas lalo lang syang masasaktan.."
                 " So ano nga ba ginawa mo nung gabing yun.??" Umiwas naman ako ng tingin.
                 "hindi ba niya sinabi sayo..?" umiling naman sya.
                 " Simula nung dumilat yung mata niya sa ospital hindi na niya binanggit yung pangalan mo.."
                 " I understand.. Siguro galit sya sakin."
                 " Chris the last time na nakita kong ganun si geo ay nung araw pagkatapos ng 13th birthday niya.. Alam mo kung bakit..?" saad niyang sa ibang dereksyon nakatingin kita ko lang yung pamumuo ng luha sa mata niya. "Nangako yung mommy niya na uuwi yung daddy niya sa birthday niya.. Simula umaga ng araw na yun nasa harap na sya ng gate.. Hanggang magtanghali hanggang umabot ng gabi..Pero hindi dumating yung daddy niya. I was there habang umiiyak sya dahil ayaw niya pumasok sa bahay.. Naalala ko pa yung sinasabi niya nun.. "MOmmy darating si daddy.. Di ba sabi mo darating si daddy..Mommy dito lang ako Sasamahan naman ako ni kuya aldred eh.."  Sinamahan ko si geo buong gabi nun pero walang dumating... the day after..?" lingon sakin ni aldred nagsalin lang ako ng alak saka tumungga 
                 "Nakangiti sya habang papasok ng school di ko sya maintindihan ng araw yun sinubukan kong itanong kung umuwi yung daddy niya pero ngiti lang yung sagot niya saka nagpapahabol sakin.. SImula nung araw na yun hindi ko narinig mula sa bibig niya yung salitang daddy." tumungo lang ako saka hinayaang tumulo yung luha sa mata ko.
                 " Hindi ako yung para kay geo..Aldred masasaktan lang sya sakin."
                 " Hindi ka si kupido para sabihin yan.."
                 "alam ko dahil yun ang nakikita ko.."
                 " Hindi mo alam kasi hindi mo pinakikinggan yung nararamdaman mo.. Chris Move on. Oo sige mahal mo si blue.. Oo hindi mo sya makalimutan.. Pero chris alam mo kung gano ko kamahal si blue at kung gano niya ko kamahal.. kahit pagbalibaliktarin ang mundo hinding hindi ko na sya bibitawan. Chris hindi ko sya iiwan kahit paulit ulit niya ko lokohin.. Hinding hindi na.."
                 " I love him.."
                 " Chris kalimutan mo na si blue."
                 " sana ganun kadali noh..? pero hindi eh." kita ko lang tumulo yung luha niya pero agad niya tong pinunasan.
                 " Shit ang sarap mo sapakin..!"
                 " Just do it.." mahinang saad ko nang mga oras na yun handa kong tanggapin lahat ng suntok na ibibigay ni aldred.. Lahat titiisin ko. " sapakin mo ko aldred kung gusto mo..Alam mo kung pwedeng lang na sa isang kisapmata mawala lahat ng nararamdaman ko kay blue.. Kung pwede lang.. Kaso hindi eh.. At ang sakit aldred.. Wala naman taong gusto masaktan di ba..? Ayoko masakatan aldred pero paulit ulit ko yun nararamdaman.. Paulit ulit.. Aldred paulit ulit yun.. Tingin mo ba gusto ko yun.? Aldred hindi..kasi kahit anong pilit ko kalimutan at burahin sya dito sa puso ko.. Hindi ko magawa."
                 " Chris tama na..?"
                 "alam mo masakit huh.. Kasalanan ko kung bakit nasaktan at nasasaktan..! Una palang naman pinamukha na ni blue sakin na ikaw yung mahal niya pero pilit kong pinaniwala yung sarili ko.. Nung niloko ka niya before.. Aldred It's all my fault kasalanan ko lahat yun.. Kasalanan ko.." gigil na saad ko.
                 " May kasalanan si blue.. May kasalanan siya chris kasi alam ko ginusto niya rin yun."
                 " Kasalanan ko lahat.. Kung may dapat sisihin.. Ako lang aldred.."
                 " Chris I'm sorry.." bulong niya kasabay ng luha niya " I'm sorry kung nasaktan ka namin ni blue.. I'm sorry kung Umasa ka. I'm really sorry for everything.. Sorry sorry chris sa lahat ng masasakit na salita na sinabi ko.. Sorry sa lahat ng nagawa ko..Sorry kung hanggang ngayon nasasaktan ka parin.. I am really sorry Pero sana chris wag mo na idamay si geo..mahal ka niya eh.. Mahal na mahal." 
                 " Mahal ko din sya.."
                 " Mahal..?"
                 " Oo mahal ko sya." 
                 " Pero mas mahal mo si blue.."  tumungo lang ako saka pinakiramdaman yung sarili ko. Saka marahang tumango.
                 " Aldred alam ko yung pakiramdam na nagmamakaawa mahalin..oo sinaktan ko si geo mas mabuti na yun kesa maranasan niya yung paulit ulit na madurog yung puso.. Hindi ako yung para sa kanya.. Hindi ako.. Geo deserves someone better.. And thats not me..for now."
                 " pero chris."
                 " Hindi ko sya gagawing panakip butas.. Ayoko naiintindihan mo.. Mahal ko si geo at hindi ko gagawin sa kanya yun."
                 " Chris.."
                 " I'm sorry aldred kung mahal ko parin si blue.. Someday mawawala rin to.. Lilipas din lahat nung nakita ko kasi si blue bumalik lahat.. Lahat ng alaala namin.. Hahanapin ko muna yung sarili ko .. Maybe this is not the right time para samin ni geo."
                 " Ngayon yung flight niya papunta sa daddy niya.. Hindi ka man lang ba magpapaalam sa kanya.?" marahan naman akong umling.
                 " Para sa kanya at para sakin to. Kung dumating man yung araw na magkita uli kami na ok na ko and his feeling for me is still there.. Baka pwede na kami. Baka maging masaya na kami.. But not now aldred.."
                 "I understand. " nakatungong saad niya.
                 "I'm sorry.."
                 " No it's ok chris.. Maybe tama ka hindi pa to yung time niyo ni geo... Aalis ko na ko .. goodluck."
                 " Aldred thank you.. It helps me."
                 " How..?"
                 "Tama ka.. Ikaw yung mahal ni blue.. Tama ka..thank you kasi pinarealize mo sakin yung bagay na yun " saad ko tumango naman sya saka naglakad papunta sa bahay.. Tumingala lang ako sa langit saka hinayaang pumatak yung luha ko. Magkikita uli tayo Geo.. Pangako yan.



SI GEO


                 " you are a star and I'm just a nobody." nanlaki lang yung mata ko ng marinig yung ringtone ng cellphone ko saka agad tong kinuha sa sidetable ng kama ko. Haixt geo sabing palitan na tong tunog na to eh. Nang tingnan ko yung screen nakita ko lang yung pangalan ni paul. Sinagot ko naman to.
                 " HAPPY BIRTHDAY!!" masiglang bati nito napangiti naman ako habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko.. Kitang kita dun yung mga namuong yelo. " hey geo.. Anjan ka ba..?"
                 "Yeah.. Paul may snow ngayon..?"
                 "really..?"
                 "tawag ka ng tawag baka masyado kang mainlove sakin niyan.?" 
                 " mukha mo..! Sige na .. Binati lang kita enjoy the day huh.." saad nito saka naputol yung linya.. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang pinagmamasdan yung pagbagsak ng snow sa labas ng bintana. Kamusta kaya sya.


SI CHRIS


                 "Kailngan natin manalo sa battle of the band this year.." Saad ni theo habang hawak yung guitara niya nasa music room kami nun habang nagpapraktis. " pero pano natin magagawa yun kung dalawa satin wala sa pokus.?" saad pa nitong nakatingin sakin at kay brax.
                 "kaya natin yan don't worry." saad ni brax.
                 " Ows.. Eh ikaw chris.. Ano na..?"
                 " mananalo tayo.."
                 "Yung joseph sa kabilang banda.. Magaling.. fuck parang pinagsamang theo at chris yun eh.." saad ni devin napabuntong hininga naman ako..
                 " Napanuod mo na ba..?"
                 " Oo lupit pare.."  
                 " game praktis na.. Hindi pwedeng matalo tayo.."
                 " kung nandito lang sana si geo.. Baka manalo talaga tayo.." saad ni theo napalingon naman ako dito. " inspiration..?" ngiti nito umiwas lang ako ng tingin saka sinimulan tipahin yung guitara ko.
                 " brax We can do it right.?" lingon ko sa drummer namin.
                 " yeah.." saad nito pipilitin kong manalo.. Pipilitin ko..
                 
                 Halos magaalasdyis na ng gabi nun ng maabutan ko yung kotse ni paul sa harap ng gate namin.. Nakasandal lang sya sa kotse.. Bumaba naman ako ng motor ko.
                 "Hi.." bati nito..
                 "may kailangan ka..?"
                 " Wala naman.. "
                 " ok pwede na kong pumasok..?"
                 " Wait chris.. Si geo.. I love him.."
                 " edi sundan mo sa canada.?"
                 " Ok lang sayo..? Bibigyan kita ng oras..kaya magpraktis na kayo ng mabuti.. Kapag natapos yung battle of the band at kami ang nanalo... Pupuntahan ko sya dun at sisiguraduhin ko magiging akin na sya,.." ngiti niya humugot lang ako ng malalim na hininga.
                 " pano kapag kami ang nanalo..?"
                 " edi punatahan mo sya.. Well If you have the guts para puntahan sya.. Duwag ka di ba..?" sarkastikong saad niya.
                 " Well see you sa battle of the band..goodluck." saad ko saka tumalikod.
                 " galingan mo.." habol pa niya muli lang akong sumakay sa motor ko saka pinasok sa gate.

ITUTULOY

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails