Followers

Wednesday, July 27, 2011

The Letters 7

WRITER:Unbroken/Rovi

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.










March 20, 2009

Journal,


Madaling araw na pero di pa din ako makatulog.Di ko malaman kung anong nangyayari. I feel better dahil nakapagpahinga ako at naalagaan naman ako nung nurse sa clinic. Masaya din ako dahil kahit papaano bumaba ang lagnat ko at di na ako masyado nagchichill unlike kanina nang pumasok ako sa office. Nakita ko ang aking sarili sa salamin,mukha akong may sakit pero di pa rin naalis ang nakaplaster na ngisi sa aking mga labi.

“Bakla. Oh bakit pumasok ka pa kanina sa office? Eh may lagnat ka na nga?” sabi ni Kevin na aking officemate/roommate

“Bebegirl. Kailangan eh,alam mo naman na kailangan kong pumasok at magagalit ang mga Koreano pag absent ako.” sabi ko.

“Sabagay. Pero how are you feeling na ba bakla?” tanong ni Kevin sa akin.

“Medyo okay na naman ako. Nakapagpahinga na ako sa clinic kanina.” sabi ko sa kanya.

“Malanjutay ka. Kaya ka lang masaya kasi balita ko si George ang nagdala sayo sa clinic.” pangaasar nito sa akin.

I really couldn't help but to giggle nang marinig ko ang sinabi ni Kevin. Di ko alam pero parang may kuryenteng dumidila sa katawan ko sa twing maririnig ko ang pangalang George. Di ko maiwasang di kiligin at obvious na obvious sa akin. Nakakahiya.

“Bakla nagbablush ka oh!” pangaasar ni Kevin.

“Bebegirl hindi ah! Ang OA mo!” depensa ko

“Ayan oh! Icheck mo sa salamin!” Agad nitong dinampot ang pink na kwadradong salamin at itinapat sa mukha ko.

“Ayan! Namumula ka!” sabi pa nito.

“Ha? Hindi ah! Grabe ka!” sabat ko.

“Eh ano yan? Namumula oh? Nagmaxipeel ka?”

Tawanan.

“Oo na. Dinala ako ni George sa clinic. Masaya ka na?” sabi ko

“Kaloka ka. Namanchi! Kaso bakla may pechay si George no. Paano ka? Number two ka ganun?” sunod-sunod na tanong nito.

“Bakit kami ba? Di naman ah.” sabi ko.

“Di nga kayo,pero mukhang nagugustuhan mo na sya.” seryosong sabi nito.

“Ang OA mo talaga bebegirl! Ang OA ha? Wala pa ngang one week yung tao sa office magugustuhan ko na agad? Grabe ka!” sagot ko.

“Bakla,sa basketball ko nga,in 2 minutes nananalo pa ang dehado. Sa loob pa kaya ng ilang araw na nabigyan kayo ng pagkakataong magmoment? Wag mo akong echusin. Bakla na ako. Wag mo na akong baklain. Echusera ka.” sabi nito

Natahimik ako sa narinig. Di ko alam kung anong isasagot ko. Habang sinasabi ni Kevin yung linya na yun,nangingiti ako. Kaso nung bigla nyang inispluk na may pechay o may jowa si George ay parang nasira ang moment. Parang biglang gumuho yung magandang mga bagay na naiisip ko para samin. Oo nga pala,may GF nga pala si George at nagpapakatino na sya. Pero kung ganoon bakit ba napakafriendly nya sakin? Ano bang gusto nya? Di ko din sya maintindihan. Magpapakita ng sweetness,pero di ko maintindihan kung para saan? Bakit? Am I spreading myself too thin? Masyado bang obvious na I have this something para sa kanya? Teka? May something ba ako para sa kanya? OMG.

“Bakla. Natulala ka na dyan. Di mo na ako sinagot. K. Thanks. Bye. Goodnyt.” sabi ni Kevin sabay talon sa kama at talukbong ng kumot.

Agad akong umupo sa gilid ng kama namin ni Kevin.

“Bebegirl,bakit ganun sya sakin?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Wala na. Tulog na ako. Goodnyt. Zzzzzz.” pabirong sabi nito.

“Gaga ka talaga! Dali na mamaya ka na matulog, Dali na!” pangungulit ko.

“Kiki naman nito oh. Anong problema? Dedede ka?”

“Gaga! Bakit ganun sakin si George?” tanong ko dito.

“Ewan ko. Di naman kami close no.”

“Sa tingin mo nga?” tanong ko.

“Di ako makatingin.”

“Sa palagay mo?” sabi ko.

“Di ako mapalagay.” pangdadaot nito.

“Taena naman bebegirl eh.” sabi ko.

“Hahaha! See? Eh di interested ka din sa kanya. Inarte ka pa dyan kanina.”

“Oo na fine! Fine! Fine! I kras him na.” sagot kong namumula.

“You kras him? Does he kras you ba?” sabi nito.

“Ewan.” clueless kong sagot.

“Ayan ka na naman Criselda ha? Kiki mo. Pag nasaktan ka na naman sakin ka na naman iiyak. Basta di dapat laging puso. Ginawa ang utak para gamitin,wala pa kong nakitang utak na pangdisplay. Gamitin mo utak mo this time,para di mangalawang.” sagot nito.

“Bebegirl naman eh.”

“Ayyy ang kikay mo ha? Para kang bata dyan. Kiki mo.” sabi pa nito.

“Sige pagiisipan ko. Matulog ka na nga.” sabi ko.

“K, Thanks. Bye. Nyt.”

Ilang segundo pa ay nakita kong naghihilik at tumutulo na ang laway ni Kevin. Bakla kung bakla magpayo,pero he makes sense naman. Sana nga ay maisip ko kung ano ba talagang nararamdaman ko kay George. Sana nga maging tama ang desisyon ko. Sana maging maganda din ang kahinatnan nito. Sana lang.

* * *

Maaga akong nagising bukas. Wala na si Kevin sa room,siguro ay pumunta na sa kanyang part-time job. Naginat-inat ako at bumangon sa kama. Iniligpit ko muna ang aking pinaghigaan at ibinukas ang bintana para pumasok ang hangin sa kwarto. Nilaplap ng sinag ng araw ang aking maputlang balat. Maganda ang buhay,masaya ang buhay. Nakakaramdam ako na magiging okay ang araw na to. Sana nga.

Naligo,nagbihis,nagayos ng buhok. I'm off to work.

Lord,sana naman di ko makita si George at yung GF nya na magkasama. Please?

I took a cab going to work and wala pang 20 minutes ay nasa office na ako. People have been asking how I was and all that. I feel okay na naman kahit papaano. May hinahanap ako sa office,wala pa sya. Napansin ni Allyna na ilang stations lang ang layo sakin na parang may hinahanap ako,she went near me and said:

“Si George ba? Di ata makakapasok kasi may problema daw na inaayos.” sagot nito.

“Really? Sana maging okay na naman.” sabi ko,trying not to sound concerned

“Bakit Ati? Bakit mo hinahanap si George?” tanong nito sa akin.

“Wala lang.” sagot ko

“Echusera. Bakit nga?”

“Wala lang. Gusto ko lang sanang magpasalamat.” sabi ko sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.

“Ayyy ang sweet. Sana maging close kayo para maging masaya tayong friends.” sabi nito sabay balik sa kanyang station.

Isang minuto nalang at maguumpisa na ang mga klase ng mga teachers nang nagulat akong dumating si George. Humahangos at pawis na pawis. Halatang tumakbo para di malate sa work. Teka? Akala ko ba di sya makakapasok at may problema? Bakit nandito sya? Anyhow,di ko na naman business yun para pakialaman ko pa.

Umupo sya sa station nya at agad na inopen ang computer. He looked so serious at parang nakakatakot magstart ng conversation. Nakita nyang nakatingin ako sa kanya at tumingin ito sa akin na parang galit na ewan. Nakaramdam ako ng takot.

“Ahhh.” nausal ko.

Tinaas nya ang kanyang kilay bilang sagot sa aking sinabi.

“George salamat kahapon.” I managed to say atleast.

Ngumiti lang ito at nagpahid ng pawis na kanina pa tumutulo sa kanyang noo.

“George,is everything okay? I heard na problemado ka daw sabi ni Allyna? Maybe I could help.” sabi ko,di ko alam kung paano o bakit ko nasabi.

“No. Thanks.” matipid na sagot nito.

“Ahh okay.” I said,dumbfounded.

* * *

Naging ganoon ang set-up namin ni George. I tried to make a conversation pero parang di sya interesado sa akin. He's a totally different guy now. Kahapon ang sarcastic nya pero dinala ako sa clinic at kahit papaano'y inalagaan. Pero ngayon,I can't read what's on his mind. Nakakabingi yung silence nya. Di to maganda.

6PM na. Dinner break ko na. Saan ba masarap kumain?

I packed my things and left my station clean. I'll be back in an hour. Papaalis na ako nang biglang hatakin ni George ang kamay ko.

“Saan ka pupunta?” tanong nito.

“Ha? Bakit?” nagulat at natakot kong tanong.

“Wala lang. Sorry kanina ha? Medyo iritado ako kasi ang init sa labas. Tapos muntik pa akong malate.” paliwanag nito.

“Ahh Okay. I understand.” sabi ko sabay ngiti.

“Ang cute ng ngiti mo.” sabi nito withoout batting an eyelash.

“Ha?” sabi ko na natulala at kinilig.

“Wala sabi ko san ka pupunta?” sabi nito at binitawan ang kamay ko.

“Ahhh dinner time. Kakain ako sa baba.” sabi ko.

“Ahh nice.”

Then there's an awkard silence.

Binitawan ni George ang kamay ko at nakita kong inayos ang kanyang work station. Kinuha din nito ang bag nya at muling humarap sa akin.

“Tara?” tanong nito.

“Ha? Saan?” tanong ko.

“Dinner.”

At muli nyang hinatak ang kamay ko papalabas ng opisina.

Till next time,
Chris.

Tuesday, July 26, 2011

MY LIFE'S PLAYLIST (chap 6)

Author's Note: Sorry sa mga bumabasa(kung meron man). Di agad ako makapag-upadate dahil sa thesis at assignments ko. Sinabayan pa ako ng pagkasira ng PC ko kaya rental mode ako ngayon ahahahaha. Salamat sa readers(kung meron man talaga ahahaha)

Hay 11:45am nandito na ako sa school. Masyado akong kinabahan sa multa hehehehe. Buti na lang talaga maraming puno dito sa school, maraming natural shade at mahangin pa. Nakakarelax. Teka si Kian at si Cedie yun huh. Mukhang seryosong usapan ang nagaganap dun.

“grrrrr” ang tunog ng aking tyan na wala pang breakfast or lunch.

Makakain nga muna ako sa canteen nagagalit na si Mr. Stomach eh ahahaha.

Habang naglalakad ako sa school napagtanto kong napakarami palang maganda at gwapong lower year level. Well I guess dapat mas maaga na akong pumasok sa school lagi para lang magtingin-tingin hehehe.

Biglang may humatak sa akin mula sa likod ko. Mukhang galit na galit.

“Kirk akala ko ba magpapakalalaki ka na? Anu yung nabasa kong tweet mo na may gusto kang guy. Kahit iba name mo dun obvious na ikaw yun. Wag ka nang magkaila. Anung gusto mo sabihin ko ulit sa Mommy mo na may kalokohan ka na naman.” ang mahina ngunit klarong sinabi ni Liezel.

“Huh?! Wala naman akong ginagawang masama huh. At hello pwedeng magjoke di ba?! Nagwala ba ako nung sinabi mong crush mo si Alodia? Kaya wag kang magwala kung magpost ako na crush ko ang isang guy.” ang naisagot ko.

“Well di yun normal sa isang straight na lalaki! Tigilan mo na yan! Pag nagkamali ako at nadulas sira ka na” ang galit pa rin na pagkakasabi ni Liezel.

Oh sh*t paano ba ‘to. Heto na naman sya. Haist! I can’t let this happen again. Not again.

“Sige po titigilan ko na po! Ang masasabi ko lang eh masyado kang stressed out. Chillax!”

“Kasi naman sobrang busy na ako sa projects natin ikaw lumalandi pa. Yung mahal ko naman ang gulo ng utak. Yung isa naman medyo ganun din.”

Aw lumalandi talaga?! Kinda harsh huh… Oh well kaibigan ko ‘to. Kahit ang posibleng gawin nito might ruin me she is still my friend. Siguro gusto nya lang maging ok ako. Pero nakakawindang to the max.

“Sus tara na nga ikain na lang muna natin yang stress mo! Libre ko!” yaya ko sa kanya sa canteen. Hay naku di nga ako late pero bakit parang may multa pa rin. Amp things I do for friendship. Haist sabi na nga ba eh ang love, relationship at fling nakakasira ng aral at budget eh.

After ng lunch pumunta na agad kami ni Liezel sa ilalim ng puno, yung tambayan namin.

“Cedie! Kian! Kumain na ba kayo?” tanong ko sa dalawa.

“kumain na ‘ko kanina sa bahay.” sagot ni Kian.

“Ako rin! Pero kung manlilibre ka eh ok lang!” sagot naman ni Cedie.

“Asa you?!” ang pang-aasar ko kay Cedie.

“Tweet tweet text message”

Since magugulatin ako medyo na-shock pa ako sa pagba-vibrate ng phone ko. Pansamantalang akong tumalikod sa kanila para basahin ang na-receive kong text.

~Message Received from Rex

-Uy paalis na ‘ko ng bahay
C u :)

~

Pagkakatapos kong basahin ang text ni Rex eh bumalik na ako sa pakikipag-usap sa kanila bigla nga lang bumanat si Cedie ng “Ayiieeee GF mo yan nagtext no?”

“weh bat mo naman nasabi?” pagtataka ko sa nakakatopak na banat nya.

“Uy nagbublush ka Kirk!” ang sabi ni Liezel.

Sa pagpapanic ko bigla akong nagpaalam na magpupunta muna sa CR. Di kalayuan ang CR sa lugar namin kung kaya’t nakarating agad ako dun. Walang patumpik-tumpik na tumingin ako sa salamin para kumpirmahin kung totoo ba ‘tong blush blush na ‘to.

“ohemgee” ang pagkakagulat ko. Di ko na-realize nagbublush pala ako. Mula sa kwento ni mama ganun daw sya nung bata pa sya medaling mamula pisngi. Sabagay ganun rin naman yung nakakababatang kapatid ko pero nung high school naman walang pumapansin kaya di ko alam na pati pala ako eh ganito.

Sa isip isip ko di ‘to maaari. Kung kelan pawala na ako sa pagiging teen ager ngayon pa ako nagkaroon ng ganitong sign na pagka-obvious na kinikilig. At wow so kinikilig pala ako. Wah di ‘to maaari.

“Kirk lalaki ka! Magpakatino ka! Don’t be stupid.” ang pagkikipag-usap ko sa sarili ko sa harap ng salamin habang tinatampal ko ang pisngi ko.

“Hoy Kirk ang tagal mo dyan sa CR, bibili pa tayo ng gamit para sa thesis.” sigaw ni Kian sa labas ng CR.

“Patapos na. Wait lang ng sandal!” ang sagot ko sa kanya. Binuksan ko agad ang gripo at naghilamos ng mawala ang blushing na kabwisitan na ‘to.

Pagkakalabas ko ng CR ay patakbo akong bumalik sa kanila sa ilalim ng puno at iniwan ko si Kian sa kinatatayuan nya sa labas ng CR. Kung iisipin parang may pagka-insensetive ako sa kanya lately pero sa tingin ko ok na ‘to kaysa naman maging close na naman kami na tulad ng dati.
Sabi nga sa mga books, stories at posts sa facebook, kung minsan dapat mong isuko ang damdamin mo para sa isang tao at piliin mo yung relationship na mas tatagal na magkasama kayo. At ayun ang ginawa ko buong summer kong pinilit limutin ang feelings ko, but that’s another long story.

“Oh nasan naman si Kian?” tanong ni Liezel.

“ah ayun oh sumusunod na.” sagot ko sa kanya.

“Loko ka anung topak mo at tinakbuhan mo ‘ko dun?” medyo inis na tanong ni Kian.

“ah wala nagmamadali lang kasi di ba bibili pa tayo.” Sagot ko kay Kian.

Habang nasa ilalim kami ng puno ng mangga at nakaupo kami sa benches sa ilalim nito, ramdam mo ang malamig na simoy ng hangin habang tumatama naman sa ‘yong balat ang matingkad na sinag araw. Hay refreshing talaga. Ilang minuto rin kaming nag-discuss kung pano ang gagawin namin. I suggested na ako na lang ang magre-research nung kulang namin na circuit at magrerenta na lang ako sa labas ng school. Siguro impluwensya na rin ng peaceful and refreshing ambiance kaya parang di na kami nagtalo pa. Sila ay bibili ng ibang tools at components ng project at ako na lang ang maiiwan malapit sa school na magre-research. Isa ring dahilan kaya dapat may maiwan malapit sa school eh para may magkapagpaalam na baka ma-late sila sa klase in case na matagalan sila sa paghahanap ng gamit.

------------

Dumiretso na agad ako sa computer shop na nasa likod lang ng mall at sinimulan ko na ang research. Somehow dahil na rin siguro sa super focus ko ay natapos ko naman ng mabilis ang gawain. Pagtingin ko sa wall clock nakaramdam ako ng assurance na aabot ako sa napag-usapan namin ni Rex.

------------

Nasa 3rd floor ako at nakadungaw sa circle dito sa sm nang biglang may sumundot sa aking tagiliran.

“Hayup sino yan!!” di ko sinasadyang maisigaw dahil sa pagkagulat.

“Hehehehe sorry lang… Ang cute mo talagang magulat!” animo’y namimilipit sa tawa.
Babatukan ko na sana sya kaya lang dumulas yung paa ko sa gilid. Eh sya lang ang pinakamalapit kong mahahawakan since nakaharap na ako sa kanya.

“thuggggg…”

Nasa sahig ako nakapikit. Ramdam kong sa akin bumagsak si Rex. Ayoko nang buksan ang aking mata dahil sobrang nakakahiya nitong posisyon naming ngayon at lahat ng makakakita sa amin ay pag-uusapan kami, as in wagas talaga, Promise!

Leche pa ‘tong heart beat ko parang tatalon na puso ko palabas ng dibdib ko. Pero teka anu ‘tong nararamdaman ko, dibdib nya ‘to. Mabilis rin heart beat nya?!



Buti na lang may bagong tinatayong stall dito sa side na ‘to ng mall kundi marami nang nakakita sa di kanais-nais na moment na ‘to.

Tuyo ng Damdamin


share lang ulet ako :D salamat sa blog ni sir mike ^_^v

-Aeki

------------------------------------------------------------------------------------------

Napakaraming bagay ang gumugulo sa aking ispan, napakaraming katanungan na hinahanapan ng kasagutan.

Marahil para sa iba ay medaling sulosyunan. Ngunit sa akin at isa itong tila pag susulit na hindi ko napaghandaan.

Patuloy akong anaguguluhan sa aking nararamdaman, patuloy ang pagsilip at pagtuklas kung saan nga ba ako nabibilang, may puwang sa puso na nagsasaad na mali ito at hindi wastong damdamin ang sa kapwa ay magisnan, at sa isang bahagi ay puwang na nagsasabing bakit hindi ko subukan ng akin itong malaman.

Marami na rin akong nasaktan, mga dahilang kaibigan lang ang hangganan, ngunit ang totoo nyan ay hindi ko lamang maintindihan. Kahit gaano ko kagusto ang babaeng aking napupusuan ay tila ang sarili ko ang syang nagsasabing huwag ko munang simulan.

Una kong nagisnan ang mga taong nagbigay dahilan, nang damdaming umusbong ng hindi inaasahan, kasagsagan ng aking kabataan ng akoy mahumaling sa masidhing kamunduhang pagnanasa na bumuo sa mundong aking kinabibilangan.

Sabi nga choice mo daw kung saan ka papanig, ano ang mas nakakalamang at ano ang nararapat? Katanungang hindi ko alam ang pinagmulan..

Mga pagkakamali, ganyan ko tingnan ang mga nagawa kong sala, mabuti man o masama, hindi ko lubos maisip na nagawa kong maging mahalay di lamang sa aking mga pinsan at maging sa kabarkada. Nagging dahilan ito ng pang araw araw na paghahanap sa kapirasong laman. Totoo ang kasabihan na once you pop you can stop, parang sigarilyo na hinahanap hanap at mahirap tigilan. Naglaon naman at natugunan ng aking isipan ang katanungan sa issue nay an.. nasarapan ba ako ? tama kaya na ginagawa ko ito ??

Naranasan ko nang iwasan, maiwanan at tingnan nila ng kakaiba. Tagos hanggang sa kalamnan.

Masaklap, ang iniingatan mong ihemplo ng isang maayos na tao ay nadungisan ng dahil sa isangdi mapagkakailang kasalanan na alam ko naming kanilang hinahanap hanapat nais balikan.

Gaano ba kadaling magmahal? Kadalasan kasi ay maraming nagsasabi sayo ng mahalagang salita nay an, ngunit hanggang saan nga ba talaga ang kayang marating nyan. Napakaraming tao na kasi nakapagsabi nyan sa akin , madalas ay sa text, gusto nilang minamadali ang lahat, at kapag sinabi mo naming ganito , iiwan ka na nila , susuko… masasabi mo ba itong tunay at tapat ?

Mga kasinungalingan , bagamat alam kong mayroon akong pagkakamali ay kumakapit ako sa sarili kong dahilan upang maikubling mali ako.. di ko matanggap sa sarili na nagkasala ako, pero sa huli anong mapapala ko sa d pag sasabi ng totoo? Kung lahat naman ng tunay ay lalabas mismo sa bibig mo.

Lagi ko na lamang iniisip na nagiisa ako , kahit ang totoo ay napakaraming nariyan para damayan ako. Nalulungkot , bahagi nay an ng buhay ko simula ng pumanaw ang ama ko, madalas walang nagtatangol sa iyo, walang nagpangaral, walang nagturo, kailangan matuto ka sa buhay n gang inaasahan ay sarili mo, nakakapagod na intindihin sila , habang ang ginagawa nila y kinukutya ang mga bagay na nagagawa mo. Gaano ba nila alam ang tunay na nararamdaman ko ?

Minsan ay ninais ko na rin wakasan ang aking buhay, pinilit isiksik sa sarili na wala na akong halaga sa mundo. Lahat ng pinahalagahan ko ay ang siyang sumusira sa pagkatao ko, ang siyang humahamak sa mga kilos ko, ang siyang patuloy na nagbibigay dahilan saking sumuko sa buhay na kapiling ang mga suliraning naibibigay nila. Pero kahit pa man ganoon ay pang unawa pa rin ang nangibabaw sa pagkatao ko.

Salamat sa musikang nagbigay tawid sa akin, nilanaw ang isip kong huwag sumuko sa laban ng buhay, na mayroon pang magandang bukas na maaring magbago sa takbo ng buhay na meron ako, na dapat harapin ko ang lahat ng problema kaakibat ng damdaming kinahaharap ko. Aabanga ko na lang ang pasya ng kamatayan ko. At pag tuunan ng may kasamang ngiti ang nalalabi pang kinabukasan.

Natutunan kong unawain ang maraming bagay, ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy pa ding naguguluhan . saan nga ba ako tutungo? Kaibigan ?

Friday, July 22, 2011

The Letters 6

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.









March 19, 2009

Dear mister lappy,

I don’t know what has gotten into me. May mali eh. Alam ko at ramdam kong may mali. Yesterday was a not-so-good day. I have no plans of talking or even staring - yes! staring - at Chris pero buwisit, buwisit, buwisit! I can’t help myself from looking at him.

Alam kong nararamdaman na niya ang coldness ko pero nag-uumpisa pa lang ako. He's going to see the monster in me. I kept my distance sa kanya para mag-work yung “silent treatment” ko. My plans are set to be done kaso letse talaga.

I don’t know how Allyna knew about me at na-shock ako nang i-announce niya sa loob ng elevator that I wasn’t straight. I held no reaction pero deep inside gusto ko nang ipa-salvage ‘tong babaeng ‘to. Believe me, pinilit kong dedmahin yung sinabi niya. Siguro likas lang talaga sa babaeng ‘to na makaamoy ng pagkatao. Parang isang tunay na bakla,masyadong malakas ang kanyang Gaydar.

Anyway, nakaramdam ako nang concern kay Chris when he suddenly run under the rain. I was astonished upon seeing that. Di ko maiwasang di magtaas ng kilay pero deep within me,I feel so concerned. What a stupid deed di ba? Well, your guess is as good as mine at apir tayo dyan. He's trying to avoid me which I don’t know kung bakit ayokong iwasan niya ako.Weird. Not now.

Tumakbo ako papunta sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Hala ka! Kala ko ba bagong buhay ka na at pechay na gusto mo at hindi nutribun? Shut up stupid! Umatake na naman. Pinagalitan ko siya sa pagiging stupid niya pero nainis din ito. Ano ba gagawin ko sa taong ‘to. Nakakairita rin ang aking baklang alter-ego.

He was soaking wet as he stand like a stupid slut under the rain. Nilapitan ko sya at pinayungan. I saw how he shivered meaning nilalamig sya dahil sa kagaguhang ginawa nya. Kundi ba naman tanga eh. Ang bobo!

“Ihahatid na kita sa inyo!” sabi kong pagalit.

“Kaya kong umuwi. Salamat.” sabi niya,mahina ngunit dinig ko pa rin.

“Hindi ihahatid nga kita!”pagtutol ko.

May dumaan na taxi at agad niyang pinara.

“Salamat sa pagpayong George.” sabi niya.

At nagmadali nang sumakay ng taxi at iniwan ako.

“Manong,kapitolyo.” Narinig ko pang sabi niya bago tuluyang umalis yung taxi.



* * *



Naiinis ako! Sa kabila nang pinakita kong mabuti sa kanya kahapon eh ganun pa rin ginawa niya. Ano ba kasi gusto niyang mangyari? Hindi ko siya mai-spell. I have to clear things out.

Maaga akong pumasok ngayong araw na ito. Nasa may building na ako pero hindi pa ako pumapasok sa loob. Inaabangan ko siya. Gusto ko siyang kausapin. I guess luck’s hand is in mine dahil nakita ko na ang pagbaba niya mula sa taxi.

Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagkalikot sa dala niyang bag kaya naman hinablot ko siya papalapit sa akin. Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa kanyang maamong mukha.

“Ay palaka! Ano ba!” nagulat na sabi nito

Isang seryosong tingin ang isinagot ko sa kanya. Nabanaag ko naman ang rumehistrong takot sa mukha niya.

“A-anong problema G-george?”

“We need to talk!”

“Ah eh mag-log in muna ako.” Ramdam ko ang pag-iwas niya.

“Iniiwasan mo ba ako huh Chris?” Hindi ko pa rin siya binibitawan.

“Ah eh hindi ah. Bakit mo naman nasabi yan?”

“Nararamdaman ko eh.”

“Huh?” At nakita kong pinagpapawisan siya.

“Nararamdaman kong . . . mainit ka! Bakit ka pa pumasok? Nilalagnat ka ah?” Di ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya.

Natameme siya sa reaction ko. “Naku, kaya ko ito. Nakainom naman na ako nang gamot kanina eh.”

“Halika!” Sabay hablot ulit sa kanya.

“Teka, saan tayo pupunta?”

“Ipupunta kita dun sa clinic para makapagpahinga ka muna.”

“Hindi pwede magagalit si TL tsaka ayoko um-absent.”

“Stupid! Hindi ka aabsent. Ako na bahala kay TL at ako na rin bahala sa DTR mo basta ang unahin mo ngayon ay magpahinga.”

Nag-alala talaga ako sa kalagayan niya. Hindi ko naman magawang sisihin siya sa katangahan niya kagabi dahil ayoko naman na madagdagan pa nararamdaman niya. Gusto ko sana syang sermunan pero para saan pa? Baka mas lumala lang ang lagnat nya pag nagkataon. Tatahimik nalang ako kahit gusto ko talaga syang batukan.



* * *


Matapos ko siyang iwanan sa clinic ay dumiretso na ako sa floor namin para mag-log in. Pumasok ako at dali-daling kinausap si TL tungkol sa kalagayan ni Chris. Sinabi ko rin na ita-time in ko na rin ito. Considerate naman siya kaya’t pinayagan ako.

Heto ako ngayon, natutulala. Nag-aalala pa rin kasi ilang oras na rin ang nakakalipas eh hindi pa rin pumapasok si Chris.

Bakit? Kayo na ba at ganyan ka mag-alala sa kanya? Siyempre hindi. Apat na oras na rin kasi siyang late. Siguro nagpapahinga pa rin siya. Kahit na ba, mali pa rin yang ginagawa mo. Paano na si Joy? Bigla akong natauhan sa sinabi nang buwisit kong other half sa akin. For the first time, hindi ko siya binara.


* * *


Matapos akong mag-dinner ay agad ko siyang pinuntahan sa clinic. May dala-dala akong pagkain baka kasi hindi pa siya kumakain. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga at mukhang tulog. Lumapit ako nang dahan-dahan, nagmulat siya.

“Okay ka na ba?” May pag-aalalang tanong ko.

Tumango ito.

“Heto nga pala, binilhan kita nang pagkain. Kainin mo na habang mainit pa.”

Inayos ko sa may kalapit na mesa yung pagkain.

“Naku ako na. Kaya ko na.” Pagtanggi niya nang akma ko siyang susubuan.

“I insist. Say ahhh!”

At hayun, kumain na rin siya. After niyang maubos yung pagkain, bumalik na ako sa floor at nagsimulang magtrabaho. This time medyo panatag na ako. Maya-maya pa nakita ko siyang umupo na sa cubicle nito. Bagama’t medyo di pa rin maganda ang pakiramdam niya ay pinili pa rin nito ang pumasok.

“Thank you George!” Sambit niya.

Ngiti lang tugon ko.

Hayan. O paano mister lappy, sa susunod ulit. Masaya na ako ngayon. :DD

George :)

One More Chance - 08

Photobucket































This chapter is dedicated to Keng Barnes... a straight female who read my novels. Thank you hija. :)



Chapter 8

No you don't love me Popoy! You love nothing but yourself!

Tumataginting na hiyaw ni Basty sa isipan. Wala sa plano niya ang pakikipagkita ngayon sana kay Popoy kundi lang siya inudyukan ng matinong bahagi ng isip niya na puntahan ito sa bagong bahay nito.

Wala na silang koneksiyon nito, as far as he was concerned. Pero ang makatanggap ng sulat mula rito at ng kopya ng susi ng bagong bahay nito ay nagbigay ng kaunting pag-asa sa puso niya. Pag-asa na magkaka-ayos silang dalawa. 

But something hit him when he started reading the letter.

The fact that Popoy did not give him the key to his house personally meant only one thing. He doesn't want to deal with him anymore. That is why he sent him the key just so he could get his old things from his new house. As if he couldn't wait to get rid of those. Or simply put, get rid of him. Completely. 

So typical of Popoy.

Kaya naman ng pagpunta niya roon ay laking gulat niya ng makitang naroroon ang kotse nito. Wala siyang pasabi kung kailan siya pupunta. Talagang hindi siya nagpasintabi rito. Ayaw rin naman niya itong makita sa ganoong estado ng pag-iisip niya.

But heavens must be planning something evil for he got the shock of his life when he saw Popoy walking out of the bathroom in his birthday suit. Imagine how that got him hard in an instant. Wala siyang ideya na ng isipin niyang naroroon sa kwarto nito ang mga lumang gamit niya ay makikita niya itong nakahubad. All for his eyes to see.

Agad ang pagbalot ng init sa katawan niya sa nakita pero nagpigil siya. Idinaan niya sa insulto ang lahat kahit pa gustong-gusto na niyang hablutin ito at gawin ang pinakainteresanteng bahagi ng pagsasama nila noon, their love makings.

Kahit sa opisina niya, ang paborito nilang sofa ay naroroon pa rin. Halos limang taon na ang tanda noon pero pinapapalitan lang niya ng cover at ipinapa-reupholster lang becaue of sentimental reasons. Halos mawasak na nila ang sofa na iyon pero hindi niya magawang maipatapon. Kahit ngayong hindi na sila.

And now... Popoy was telling him he loved him?

Ganoon lang ba iyon? He knew that what they were talking about a while ago was closure. Hindi niya na kasi mapigilang ibulalas dito ang lahat. Everyone thought of him as the evil one. The bad one. Where in fact Popoy is the main reason they broke up.

Of course, they were both busy. But he can handle his appointments well. Ano bang silbi ng salitang time-management kung hindi mo gagamitin? Pero mukhang sa kaso ni Popoy ay hindi nito alam iyon. They could always make love? Sure they can, but the question was when is the most convenient time? And was Popoy giving his all whenever he's thrusting so deep within him?

It was so frustrating on his part that whenever they were making love, it was like a deed that has to get over and done with. The intensity was there but it was lacking something. From Popoy's part.

Naramdaman niya ang panginginig ng katawan ni Popoy sa ilalim niya. He liked it whenever he was doing it. He felt like a king. Popoy never fail to make him feel like that. But then, it was like hitting an impossible target. Because Popoy was here and then he was gone the next minute. 

He moved very slowly. Pinning the man under him so that the accommodation will be swifter. God how he missed the man. Walang araw sa buhay niya ang hindi ito nami-miss that's why he looked for his exact opposite. Nakilala niya si Nikkos. A very good listener. 

Gusto niya ng diversion mula sa pag-iisip kay Popoy. Kung hindi niya gagawin iyon ay mababaliw siya. Wala siyang paki-alam kung pinagtatawanan siya ng mga kakilala nila. As long as it can keep him from thinking about Popoy, its okay.

Nang makilala niya si Nikkos ay nag-click kaagad sila. He felt what he first felt when he and Popoy met. He was excited about getting to know the man more. At nakita niyang lahat kay Nikkos ang hindi niya nakita kay Popoy.

Nikkos was submissive and coy. Mahiyain rin ito pero may sense kausap. Hindi lang talaga ito masalita pero nagtatanong rin naman subalit hindi nakikipagtalo sa mga suhestiyon niya. Hindi rin nakikipagdebate -na palaging nangyayari kapag si Popoy ang kasama niya. 

Simpleng mga bagay lang katulad ng kung ano ang kakainin. Kung saan kakain. Pinagtatalunan pa nila ni Popoy. Kay Nikkos, wala ang mga iyon. Hindi na ito nagtatanong pa, bagkus, game na game na sinasamahan siya nito kapag may problema siya. Kaya naman naging sila.

Kay Nikkos, wala siyang kalabang kakampi ang mismong nobyo niya. Kay Popoy, you had to get in line to be with him. He was never submissive. Nikkos could set everything aside in his life for him. Nakita niyang lahat iyon dito. 

And so he broke up with Popoy. And he dated Nikkos afterwards. They talked. They dined out. And after one month sila na. At isang buwan pa lang... bored na siya.

Man,  he was bored out of his fucking wits! Yet, may mga times na maayos naman sialng dalawa ni Nikkos. Na-appreciate pa rin naman niya ang paglalaan nito ng oras, ang pag-aasikaso. In fact, he even bought him a condo just so they could cuddle each other whenever he is lonely, something that never happened when both Popoy and him got very busy. But still, the boredom struck every now and then. It was weird what he felt. At naiisip niyang siguro ay inaalipin lang siya ng kanyang nakaraan. Nasanay lang siguro siya na lahat ng bagay sa relasyon ay mayroon challenge at ngayong wala ng tila obstacle course na nakaharang para makasama ang kanyang boyfriend, saka naman siya nabo-bore. 

Naiinis siya na nagkaganoon ang mind-set niya sa relationships ng dahil kay Popoy. Kaya nga siya nakipaghiwalay rito kasi ayaw niya ng ganoong scenario pero bakit ganoon ang hinahanap niya ngayon? Para siayng addict na tumigil na sa pagdodroga pero hinahanap pa rin iyon sa tagal ng pagkakasanay sa paggamit niyon.

Napagdesisyonan niya na panatilihin at panghawakan pa ang relasyon kay Nikkos. Hindi tama an gpagkakaroon ng pagdadalawang-isip. Unfair iyon sa nobyo niya ngayon. Masaya naman silang dalawa. Huwag lang isali ang boredom niya.

He remembered his relationship with Popoy. They were very happy then. Damn happy, in fact, he decided to ask for his hand in marriage once they had the chance to go on a vacation. He would like to marry him someday But that was too far-fetched now. Everything in Popoy's life is in order. It's always been like that. It has always been the case.

It looked like someday will never come. Popoy changed and he needed so much more than his spare time. 

Basty had to admit though that kissing him, touching him, felt so awesome it reminded him of the way it used to be between him and Popoy.

Iniharap niya ang katawan nito. Without breaking the contact. He could see Popoy's mesmerizing eyes.

"Kiss me Popoy."

Tumalima ito. He liked it when he was submissive like that.


Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails