Followers

Saturday, November 7, 2009

Ang iPhone 8

****************Monday 12:30am**************



Tahimik lang si Alex habang nagdriDrive papuntang bahay nina Andrew at si Andrew naman ay todo ang promise sa kaniyang mga pamangkin na nasa backseat na ipapasyal pa sila ulit nito bago siya umalis papuntang Canada.

"Di ba nagPromise din sina Tito Mike and Tito Dex nyo na pupunta kayo sa OceanPark next time?" Ang makulit na sabi nitong si Andrew sa mga bata na ikinahiyaw naman ng mg ito.

"Lex, Di ba ikaw na ang magpapasyal sa kanila kahit wala ako?" Ang masayang tanong ni 'Nakapulot' kay Alex na siyang lalong ikinairita nito. "Di ba Lex?" Kulit ni Andrew. Hindi pa din nagsasalita si Alex at seryoso ito sa pagdriDrive. Kinagat ni Alex ang kaniyang lower lip para mapigilan ang matinding pagsabog ng kaniyang mixed emotions. Nalulungkot, naiiyak, naiinis, nagagalit. Gusto niyang sakalin that time itong si Andrew na talaga namang napaka-Insensitive sa ganoong mga situation.

Tahimik lang si Alex hanggang makarating na sila sa bahay nitong si Andrew at tinulungan niyang alalayan ang mga bata pababa mula sa kotse. Pagkatapos ay niyaya siya ni Andrew na pumasok at magkape. Tumangi si Alex at tumayo tinitigan lang si 'Nakapulot' sa mata ng tahimik at seryoso. Nagkamot ulit si Andrew ng ulo nang mapansin niya ang hitsura ni Alex. Biglang nagSmile si Andrew nang may pumasok na idea sa kaniya kung bakit ganoon ang hitsura nga nitong si Alex.

"Lex, Thank you ha." Masaya at Clueless na sinabi ni Andrew sa nakapamewang na si Alex. NagLevel up ang pagka-inis ni Alex sa pagmumukha ni Andrew at inaya niya ito sa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi na naghintay ng sagot si Alex at mabilis siyang pumasok  sa kotse. Ilang seconds din ay napansin niyang hindi sumunod si Andrew kaya naman tumingin siya sa bintana at nakitang papalapit na ito. Binuksan ni Andrew ang pintuan at hindi ito pumasok kundi dumungaw lang at nagsalita.

"May pupuntahan pa ba tayo?" May pagkapilyong ngiti na sinabi ni Andrew na siyang ikitinaas ng kilay ni Alex. Alam ni Doc kung ano ang nasasa-isip nito at malayong-malayo sa kaniyang iniisip. Gusto ni Alex na masabi kay Andrew ang lahat-lahat ng kaniyang ayaw sa ugali nito at talagang sesermunan niya ito ng pagkatakot-takot lalo na ang hindi nito maagang pagsasabi sa kaniya na nakaplano na pala itong pumunta sa Canada. Hindi talaga kayang iabsorb ni Doc ang balita sa kaniya ni 'Nakapulot.'

"Next time nalang Lex. Inaantok na ako. Maaga pa akong papasok tomorrow." Ang dagdag pa ni 'Nakapulot'. Talagang sinandya ni Andrew na magpakipot para pilitin siya ni Alex na sumakay sa kotse at isama sa kung saan mang lugar na gustuhin nito at tutal nama'y matagal na silang magkBF. Hinintay ni Andrew ang reaction nitong si Alex at laking gulat niya nang bumusangot ang pagmumukh ni Doc.

"Fine! Matulog ka na!" Ang masungit na sinabi ni Alex kay Andrew sabay dukwang niya  at tulak sa balikat ni Andrew. Napaatras si Andrew dahil sa pagtulak nitong si Alex sa kaniya. NagPanic itong si Andrew dahil hindi niya expected ang ganoong reaction ni Alex. Magsasalita na sana siya para magExplain pero hindi na niya ito nagawa dahil mabilis na isinarado ni Alex ang pintuan ng kotse sabay paandar ito.

"Anyare?" Ang nasabi ni Alex sa kawalan at tanging kalsada lang ang nakarinig. Clueless na clueless itong si Andrew. Ilang seconds ding nakatayo at nakatangang mag-isa si 'Nakapulot' sa kalye sa harapan ng bahay nila.

"May nasabi ba ako?" Nakuha pang magtanong ni Andrew sa dumaang askal sa harapan niya. Bigla siyang kinahulan ng nito na tila ba nakikiayon kay Alex. Hindi pa rin maGets ni Andrew kung anong dahilan at bakit nagWating si Alex.

"Adik!" Ang sagot ni Andrew sa kumakahol sa kaniyang askal sabay pasok nito sa gate ng bahay nila.



**********************1:30am*******************



Nakapuwesto na ang sasakyan ni Alex sa Parking Lot ng Condo pero hindi parin siya bumababa dito. Nang-gigigil na nakahawak ang kaniyang dalawang kamay sa  Steering Wheel at inuuntog-untog niya ng marahan ang kaniyang noo dito. Galit na galit siya kay 'Nakapulot'. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"AssHole kang talaga!" Ang galit na sabi ni Alex para kay 'Nakapulot'. Naiiyak siya sa galit.

"Now lang ako naging masaya tapos gaganyan ka pa!" Ang galit na sermon nitong si Alex. Inilabas lahat niya ang naipong sama ng kaniyang loob that time dahil hindi na niya talaga kakayanin. Nagpatuloy sa pag-iyak itong sa Alex habang nakatatak sa kaniyang isip ang pilyong ngisi nitong si Andrew sa kaniya kanina.

"AssHole, AssHole, AssHole!" Ang paulit-ulit na sinasabi ni Alex habang iniImagine niya na leeg ni Andrew ang manibela na sinasakal niya ngayon. Iniiyak talaga ni Andrew ang lahat para maubos na ang kaniyang luha hanggang sa makarinig siya ng isang katok mula sa labas ng bintana. Agad na ibinaba ni Alex ang kaniyang window at nakitang ang Guard pala ng Condo ang kumatok.

"Okay lng ba..." Hindi n natpos pa ng Guard ang kaniyang sasbihin nang tinignan siya ng masma ni Alex at kitang-kita niyang namumula at namamaga ang dalawang mata nito.

"Sige po Doc. Sensya na. Tuloy nyo lang po yan." Ang ninenerbyos na sambit ng Guard kay Alex at mabilis siyang lumayo sa kotse nito. Kilala ng Guard si Alex at alam niyang may hindi magandang nangyari na naman sa Lovelife nito at nasanay na nga itong si Manong na makita si Alex na ganoon ang siste at sa kaniyang kotse ito umiiyak habang nakaPark. Ayaw na mapasama itong si Manong Guard kaya lumalayo siya dito as much as possible kay Alex pagnagkakaganyan.

Nangiti lang si Alex sa reaction ni Manong Guard sa kaniya. Huminga siya ng malalim at sumandal sa Backrest ng upuan. Ipinikit niya ang mga mata at ilang minutes din siyang nagInhale and Exhale hanggang nagLevel Down ang kaniyang galit kay Andrew. Nang medyo okay-okay na siya ay kinuha niya sa kaniyang lumang Phone at tinawagan niya ang kaniyang BestFriend na si Michael para maging Shock Absorber niya ulit.

Tinignan ni Alex ang kaniyang Wristwatch at malapit ng mag 2am. Nagtataka siya dahil maka-ilang beses na siyang nagTry na tawagan itong si Michael pero walang sumasagot kaya nagDecide nalang si Alex na tumigil na at bumaba ng kaniyang sasakyan upang pumunta na sa kaniyang Unit at doon ituloy ang pagdradrama. Hindi alam ni Alex na kasama sa Room ni Dexter si Michael sa Condo nito that time.



********************2:00am*************************



Lagpas ng 1 Hour ay nakahiga pa din sa kama at nakadamit pa din sina Michael at Dexter. Pareho silang wlang imik at nakatitig sa ceiling. After na umalis itong sina Alex at Andrew kasma ang mga bata ng naghiwahiwalay sila s aStar City ay inaya nitong si Dexter si Michael kung gustong magSleepOver sa Condo Unit niya. Naging interesting itong si Michael para kay Dex dahil sila ang magkasama habang ipinapasyal ang mga pamangkin nitong si Andrew sa StarCity. Hindi niya alam kung anong biglang naramdaman niya for Michael at gusto pa niya itong makasama ng matagal. 

Laking tuwa naman ni dexter ng mabilis na pumayag ito at masayang-masaya pa. Pareho lang kasi ang nararamdaman ni Michael for Dexter. Habang On-the-Way silang dalawa pauwi sa Condo Unit ni Dexter ay nagkaroon sila ng Chance to get to know each other at tila naglaho na sa isipan n dalawa ang pangblaBlackMail ni Dexter kay Michael at tanging tanong tungkol sa buhay ng bawat isa ang naging usapan nilang dalawa.

Alam nila na malibog ang bawat isa at expected nila na magseSex sila kaya lang naaalala pa din nila ang sinabi ni Andrew kanina at hindi nila alam sa kanilang mga sarili kung bakit sila affected.

"Bagay sila ano?" Naglakas ng loob itong si Dexter na magsalita.

"Oo! Kayo ni bestFriend hindi." Ang pagbibiro ni Michael kay Dexter. Naging kampante na si Michael sa pakikipag-usap kay Dexter at nakukuha na niyang magbiro dito. Iniunat ni Dexter ang isa niyang braso at agad namang umunan si Michael sa balikat ni Dex.

"Kawawa naman si Lex." Malungkot na sinabi ni Dexter.

"Kala ko ba susulutin mo si Alex?" Nagtatakang tanong ni Michael kay Dexter. LAking gulat talaga nitong si Michael sa ipinagbago nitong si Dexter.

"Masaya na ako." Mahinang sambit naman ni Dexter sabay sinapo niya ang isang balakit ni Michael ng kaniyang kamay kung nasasaan nakaunan si Michael para lalo pang madikit ito sa kaniya. That time ay kinikilig na talaga si Michael dahil long time Crush niya si Dexter.

"Panong naging masaya ka?" Ang maang-maangang tanong ni Michael na abot tenga na ang ngiti nito sa labi.

"May bago na akong Fubu." Ang seryosong sambit ni Dexter.

"Sino?" Tanong ni Michael ulit. Di na siya sinagot pa ni Dexter bagkus ay binigyan nalang niya ng isang Smack sa lips itong si Michael na ikinagulat nito kasbay pikit ng mata ni Dexter para matulog na.  Idinantay ni Michael ang isa niyang braso't hita kay Dexter at mahigpit siyang yumakap dito. Hinimas-himas naman ni Dexter ang well-formed na likod ni Michael.

"Fuck Buddy lang ba?" Ang pilyong sambit ni Michael. "Ayaw mo?" Baling ni Dexter.

"Gusto." Sagot ni Michael. "Ganon na rin yun." Ang natatawang sambit ni Dexter.

"Next time nalang tayo magSex ha." Sambit ni Michael.

"Sure! Mas masarap nga ang Cuddle." Assurance ni Dexter. Sabay hinigpitan pa nila ang pagkakaHug sa bawat isa.

"I want to help Alex." Mahinang sambit ni Michael.

"Yeah. Me too." Ang pabulong na sinabi ni Dexter.

HWalang kamalay-malay sina Mike and Dex na naging way sina Alex and 'Nakapulot' na mas lalo pa nilang makilala ang bawat isa at naging mas malapit sila ngayon. Kabaligtaran sa mangyayari sa Relationship nina Alex at Andrew.



********************3:00am***********************



Mahapdi na ang mata ni Alex at tahimik itong nakahiga sa Sofa. Hindi siya madalaw-dlaw ng antok kaya naman kung ano-anong pumapasok sa kaniyang isip. Dalawa lan ang pinakamatindi at palagaing pabalik-balik na tanong niya sa kaniyang sarili. Malas ba siya sa kaniyang Lovelife or talagang itinakda siyang maging Single. Mari rin siyang naging questions sa Current Relationship niya with Andrew. "Itutuloy ba niya ito o hindi?" Ang Last Question niya sa kaniyang sarili. That time ay sinimula ng timbangin ni Alex ang lahat-lahat.

Hindi naman kasalanan ni Andrew ang pag-alis at mas nauna naman ito sa plano ni 'Nakapulot' bago siya dumating sa buhay nito. Sutil lang at Abnormal itong si Andrew at Wrong timing ang PagAnnounce niya na papaAlis na siya. Kung sinabi naman kasi nito na pupunta siyang Canada hanggang maaga ay hindi ganoon masyado ang magiging Reaction nitong si Alex. Maaabsorb nito ng paunti-unti ang mauuwi nilang Long Distance Relationship nilang Dalawa. Pero iba ang Situation na nangyari dahil nasa Peak itong si Alex sa kaligayahan with Andrew at saka ibabalita ng makulit na si 'Nakapulot' ang pag-alis nito. Yun ang naging Dilema ni Alex. Para siyang batang inagawan ng masarap na Candy.

Hindi pa nakakaExperience si Alex na magkaroon ng isang Long Distance Relationship kaya naman medyo kinakabahan siya dito. Parang naTrauma na rin kasi siya from his Previous na naging mga BF na niloloko siya at kinakaliwa. Dito lang yung mga yun sa Pinas. Ano pa kaya kung nasa ibang bansa pa. NagAssume na si Alex sa kung anong kaya at pwedeng gawin nitong si Andrew. Kung isang babae si Alex ay masasabi niyang pinahahaba ni 'Nakapulot' ang kaniyang buhok. Charming si Andrew at pilyo. 

Kahit yung mga Baristang babae, Nurse sa Hospital at kahit siya ay talaga namang inLove na inLove kay Andrew. Iba talaga si Andrew. Gwapong may sungay. Pero lovable. Yan ang iniisip nitong si Alex. Malaking Sacrifice talaga ang gagawin niya kung magdiDecide siya na iContinue pa ang Relationship niya kay Andrew. Aminado si Doc na 'Nakapulot' makes him Complete kahit sa maikling panahon palang nila ng kanilang pagsasama. Masaya siya with Andrew at nakikita't nararamdaman niya na ganito din si 'Nakapulot' sa kaniya. "Masasanay din ako."  Ang sambit ni Alex sa sarili kasabay ng pagpasok naman ng isapang mabigat na Idea para sa kaniya.

Madyo sumasang-ayon din naman ang si Alex sa Logic na huwag ng ipagpatuloy pa ang Relationship niya kay Andrew at talaga namang malaki ang Percentage na hindi tumagal ang kanilang magiging Long Distance Relationship at talagang mahina siya sa BreakUp lalo na't malakas ang tama niya talaga kay 'Nakapulot'. Nang malaman nga niyang aalis na ito ay talaga namang nasaktan siya. Lalo na siguro kung tumagal ang kanilang Relationship at naging Long Distance pagkatapos ay hindi iyon magWorkOut. Mas masasaktan siya ng todo. Mas makakabuti pang hangga't maaga ay tapusin na niya ang Love Story nila ni 'Nakapulot'.

Ito ang dalawang Idea na pinaglamayan ni Alex na talaga namang hindi niya ikinatulog. Si Andrew naman ay himbing na himbing at naghihilik sa mga oras na iyon at Peaceful na Peaceful. Wala siyang kaalam-alam sa dinadanas ngayon nitong si Alex pero hindi niya nakalimutang magText dito.

'Yabyu Doc :)' Sender:Nakapulot

Ito ang nabasa ni Alex na lalong nagpagulo sa kaniyang pagdeDecide kung ano bang gagawin niya sa relationship nilang dalawa ni Andrew.



**********************Monday to Thursday**************************



Naging Sweet ulit ang Communication nina Alex at Andrew via Text Messaging, Voice Calling, Video Chatting sa FB at naging madalas na rin ang pagpaparamdam nitong si 'Nakapulot' kay Doc.

Naging ka FB na rin nina 'Ako Si Doraemon' sina Dexter at si Michael na ang Status na sa FB ay Engaged sa DP ng bawat isa. Ikinatuwa din naman ni Alex ang naging Status ng kaniyang BestFriend at ng kaniyang Ex kahit Slight siyang naiinggit sa kanila dahil nga sa papalapit na pag-alis ni Andrew sa bansa.

Inaaliw-aliw din naman nina Michael at Dexter si Alex at todo  ang Support na ibinigay nila dito at lagi nilang sinasabihan na iContinue ang Relationship nila ni Andrew. Minsan kasi noong niyaya nilang dalawa itong si Alex na magDinner ay naikwento nito ang dalawang pinagpipilian niyang gagawing Decision para sa Status nila ni Andrew. NagPromise naman ang dalawa na hindi sasabihin ito kay Andrew.

Kahit ano pang gawin nina Michael and Dexter kay Alex ay talaga namang hindi maiwasang malungkot nitong si Alex lalo na sa trabaho. Pansin na pansin ito ng mga Staff lalong-lalo na ang mga Nurses sa Manila Doctor's Hospital. Nagsungit kasi itong si Doc nang tinanong ng isang Nurse kung kamusta na si Andrew.

Affected na affected talaga itong si Andrew. Aminado siya na mahina siya noon pa man pero kakaibang Challenge ang kinakaharap niya ngayon. Habang nagraRound siya OneTime sa isang Hospital ay may pumasok na isang magandang Idea sa kaniyang isip na talaga namang ikinaExcite niya. Alam niyang makakatulong iyon sa kaniyang pagGawa ng Final Decision about His Relationship With Andrew.



************************Thursday 10:30pm************************



Nasa Kalagitnaan ng Texting sina Doc at 'Nakapulot'. Pagod na pagod si Alex that Evening dahil andami niyang Schedules sa mga Clinics at Hospitals kaya naman pagDating niya sa Condo ay naligo muna ito bago sumalampak sa kaniyang kama.

'SleepOver ka naman dito. Yes lang ang dapat na Reply.' Text ni Alex.

'Sure. NakaPJ ba dapat? :)' Reply ni 'Nakapulot'

'Kahit ano. Okay na bukas ha?'

'Say Pls.' Pasaway na Reply ulit ni 'Nakapulot' hindi na talaga binago ni Alex ang name na nakaSave sa luma niyang Phone. Nasa Drawer pa din ang iPhone niyang binili at naDrain na ang Battery nito.

'Adik.' Sagot ni Alex.

'Thanks! :)' Reply ulit ni 'Nakapulot'

Di na nagreply back si Alex at nilagay niya sa Silent Mode ang kaniyang Phone at natulog na siya para makabawi ng lakas at kakailanganin niya iyon bukas ng gabi pag nagSleepOver si Andrew sa Condo Unit niya. Bagabag pa din ang feelings ni Alex pero mas malakas ang hatak ng Excitement sa kaniya.



***********************Friday 11:00pm*****************



NagDinner muna sila Alex at Andrew sa Burger King ulit at Treat ito ni Andrew. SInabi niyang maagang paDespidida niya iyon kay Alex at Blow Out din niya iyon dahil talaga namang isang Honor para sa kaniya ang maInvite na magSleepOver sa Condo nitong si Alex dahil hindi pa siya nakakaapak sa isang Condo Unit. Ngingiti-ngiti lang itong si 'Nakapulot' habang kumakain at pagnagjoJoke naman ay binibigyan lang ito ni Doc ng isang Sarcastic na smile. Gustong-gusto na ni Alex na lamutakin ang pagmumukha nitong si Andrew dahil sa pagpapamukha sa kaniya na aalis na ito pero ikinasasaya naman niya na Excited itong si Andrew sa SleepOver niya sa Condo ni Alex.

Naunang magShower itong si Alex bago si Andrew. Pagkatapos na magShower itong si Andrew ay hindi na nila inaksaya ang oras at naging mainit ang paghahalikan nilang dalawa. Parehong nakaBoxer Shorts  lang si Alex at si Andrew. Nakapatong si Andrew kay Alex. Hindi minsang mapigilan ni Andrew na mangiti habang nakikipagHalikan siya kay Alex na ikinaiinis naman nitong isa.

Ito ang Idea ni Alex. MakikipagSex siya kay Andrew at kung magkaroon siya ng lakas ng loob na sabihing magBreak na sila ay gagawin niya. Ito ang Final na Decision nitong si Alex. Pagnagkalakas siya ng loob ay hihiwalayan niya si Andrew at ieExplain niya dito kung bakit pero paghindi naman siya nagkaroon ng Guts ay sasabihin nalang niyang kay Andrew ang Pros and Cons ng isang Long Distance Relationship at He will let Andrew na magDecide sa Future nilang dalawa. Tatanggapin nalang niya kung anong magiging Decision ni Andrew.

Kahit Hot na Hot na itong si Alex ay naisipan niyang biruin itong si 'Nakapulot' since parang hindi ito seryoso sa kanilang LoveMaking. Hinawakan niya ang mga kamay ni Andrew at inilagay ni Alex ang mga ito sa kaniyang Well Defined Chest.

"Ang liit pala ng mga kamay mo." Sambit ni Alex na nakangiti.

"Hoy! Sa Size ng Shoes ang basehan at hindi sa kamay." Parang naInsecure bigla itong nakapatong na si 'Nakapulot' sa sinabi ni Alex.

"May ipinagtataka lang kasi ako sa Size ng hands mo." Ang Curious na sagot naman ni Alex. Napatigil si Andrew sa pagGrind ng kaniyang lower body sa Abs ni Alex.

"Anong Problem sa Size ng Hands ko?" Seryosong sabi ni Andrew habang nakatingin siya sa Eyes nitong si Alex.

"Ang liit ng kamay mo pero bakit mo nahawakan ang buong mundo ko." Ang seryoso ring sabi nitong si Alex. Naglakas loob talaga siyang magPick Up line at hinintay niya mangiti si Andrew pero napakaSerious pa din ng mukha nito. 

Medyo kinabahan itong si Alex at baka hindi naGets ni Andrew ang kaniyang pick up line.

Walang pasabing inilapit ni Andrew ang kaniyang mukha kay Alex at binigyan ito ng isang mainit na halik. Habang nasa kalagitnaan silang dalawa sa isang seryosong FrenchKissing ay naramdaman ni Alex na may kung anong maligamgam na pumatak sa kaniyang dalawang pisngi. Dumilat si Alex kasabay ng pagtigil niya sa pakikipaghalikan kay Andrew.

Hindi na napigilang lumuha din ni Alex nang makita niyang lumuluha itong si Andrew. Hinawakan niya ang batok ni Andrew para ilapit ang mukha nito sa kaniyang dibdib at pagkatapos ay kaniyang niyakap ng mahigpit si Andrew. Niyakap din ni Andrew si Alex ng mahigpit. Pareho na silang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng matataba nilang luha.

Hkbi lang ang naririnig at ang tunog ng Aircon sa apat na sulok ng Room ni Alex. Mahigpit pa rin ang kanilang pagkakayakap sa bawat isa hanggang sa makatulugan nila ang ganoong porma at umaasa silang dalawa na bumagal ang takbo ng mga oras kung hindi ito mapipigilang huminto.





To Be Continued

Monday, November 2, 2009

Ang iPhone 7

*************Saturday 7:00am**************


Hindi makapaniwala si Alex habang tahimik niyang pinagmamasdan ang maamong mukha nitong natutulog na si 'Nakapulot' dahil sa unexpected na ginawa nito kaninang madaling araw. Kinagat ni Andrew ang kaniyang lower lips habang pinapanood niya sa kaniyang mga ala-ala ang ginawang paghalik sa kaniya ni Andrew kanina.

Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya sa mga halik ni Andrew. Mainit at malambot ang mga mapupulang labi nito at ganoon na din ang dalawang kamay ni Andrew na nakasapo sa kaniyang dalawang pisngi kani-kanina lamang. Ramdam na ramdam ni Alex sa sarili ang matinding emotion na ipinadama sa kaniya ni Andrew kahit isang simpleng kiss lang ang ibinigay nito sa kaniya.

Unconciously na hinihimas-himas ni Alex ng kaniyang mga daliri ang kaniyang mga labi at hindi pa rin talaga siya lubusang makapaniwala. "What's happening to me?" ang tanong ni Alex sa kaniyang sarili dahil hindi man lang siya nakapagReact sa ginawa ni Andrew sa kaniya. Alam niya sa kaniyang sarili na nagulat siya pero alam din niya at kilala niya mismo ang sarili na sa mga ganoong mga situation ay talaga namang hindi siya nagpapatalo't makikipagsabayan siya katulad sa mga naging Ex niya. Mahalikan lang si Alex sa kaniyang Lips or Cheeks ay kaagad naman siyang gumaganti at hindi umaatras. Pero iba talaga ang naging sitwasyon kanina at hindi niya alam kung bakit.

Napabuntong hininga nalang si Alex habang lalo niyang tinignan pa si Andrew. Napangiti pang lalo si Alex nang pinagbalik-balik niya ang kaniyang paningin sa matabang pamangkin ni Andrew at kay Andrew na parehong tulog na tulog. Isip-isip ni Alex na parehong maamo at mukhang behave pagtulog ang dalawang magTito pero sigurado siyang magkasing kulit lang ang dalawang ito.

Kinuha ni Alex ang isang Monoblock Chair at ipinuwesto sa Bedside ni Andrew at kaagad siyang naupo sa tabi ni 'Nakapulot' upang lalo pa niya itong mapagmasdan. "Thank You." Ang naala-ala ni Alex na sinabi sa kaniya ni Andrew matapos siya nitong halikan at mabilis na pinatay nito ang Nintendo DS then walang paalam sa kaniyang ipinikit nito ang mga mata at wala pang ilang minutes ay naringgan na rin niya ito ng mahinang hilik.

Noong umpisa'y gusto talaga nitong si Alex na maCareer itong si Andrew pero ngayon ay tila ba inLove na inLove na siya dito kahit masyadong pasaway at makulit. May kasalanan sa kaniya si 'Nakapulot' sa loob ng isang week pero nakalimutan lang lahat nito ni Alex. Ganyan kalakas ang tama niya kay Andrew. Gusto mang halikan ni Alex si Andrew sa lips nito habang tulog ay hindi na niya ginawa. Napag-isipan ni Alex na iba si Andrew sa lahat ng kaniyang naging BF. Malakas ang SexAppeal nito ngunit nang unti-unti na niya itong nakilala sa maikling panahon ay naging iba na ang kaniyang attitude para dito. Although sutil ito pero mas nakikita naman niya ang GoodSide nito at higit sa lahat ay hindi na isang Sex Object si Andrew para sa kaniya. Mas gusto na ngayon ni Alex na yakapin itong si 'Nakapulot' ng mahigpit at pugpugin ito ng mga halik sa Cheeks. "Cute na sutil" Ang naging description niya para kay Andrew at Ito lang ang iniisip ni Alex na nakapagpasaya sa kaniya nang ipinikit na niya ang kaniyang mata upang kumuha siya ng madaliang idlip.


******************11:30am*******************


Pabalik na si Alex sa kaniyang Condo nang maihatid na niya mismo sa bahay nito si Andrew at ang kasama nitong pamangkin na si Steven. Bago muna sila umuwi ay dumaan muna sila sa Drive-thru ng Jollibee para bumili ng makakakain nitong si Steven at nagRequest kasi ito sa kanila dahil nabitin ito sa Breakfast na rasyon sa Hospital. Naubos na rin nito ang mga Chips at Softdrinks na nasa supot ng Mercury. Naging close sila ni Alex at halos di makapagDrive ng mabuti si Alex dahil walang tigil ang barahan ng magTito sa loob ng kaniyang kotse.

Mas matalino't mabilis na nakakapag-isip si Steven ng pangSagot at pang-Alaska sa kaniyang tito Andrew habang kinakain ang isang Jolly Hotdog at Champ. Nakakasagot lang si Andrew dito tuwing titigil ito sa kakanguya at kakasalita kapag sisipsip ito sa Straw ng Softdrinks.

Halos maOverwhelmed itong si Alex nang tumuloy siya sa bahay nina Andrew. Nandoon ang dalawa pa nitong mga pamangkin at ang hipag ni Andrew. Laking mangha din nitong si Alex nang makita niya ang kuya nitong si 'Nakapulot'. Mas gwapo ito kay Andrew pero tahimik at kabaligtaran sa pagiging makulit ni 'Nakapulot'.

Hindi na nagstay pang matagal itong si Alex sa kanila at bago umalis ay niyakap muna siya ng hipag ni 'Nakapulot' at nagThankYou sa kaniya. Sumunod naman itong mga pamangkin ni Andrew at ibang feeling ang naramamdaman ni Alex nang nagThank You din sa kaniya ang tabachoy na si Steven. Lastly itong si Andrew ang yumakap at nagpasalamat kay Alex.

Hindi expected nitong si Alex na yayakapin siya nitong si Andrew sa harapan ng mga kasama niya sa bahay. Nagawang yakapin din naman ni Alex ang hipag at mga pamangkin nitong si Andrew kanina pero tulad ng nangyari sa Hospital ay hindi niya magawa-gawang yakapin din si Andrew. Alam naman niyang walang malisya kung yayakapin din niya si 'Nakapulot' pero tila ba nahihiya siya. Hindi sa Family ni Andrew but kay Andrew mismo. Para niyang HighSchool Crush lang ang pasaway na si 'Nakapulot' kahit BoyFriend na niya ito.

Ang hindi expected nitong si Alex ay nang tila ba naramdaman niyang nagblush siya nang tumingin sa kaniya ng direct eye contact itong si Andrew matapos siyang mahigpit na yakapin nito't magThank You. Nakangiti ito at tila ba naghihintay ito sa susunod na gagawin ni Alex. Automatic na inisip nitong si Alex na naghihintay itong si Andrew ng isang Goodbye Kiss mula sa kaniya. Napansin din naman ni Andrew ang Akwardness nitong si Alex kaya naman kinindatan nalang niya ito at nagThank You ulit. Lalo pang natuwa si Alex kay 'Nakapulot' nang ginulo ng kaniyang hipag ang buhok nito.

At habang nagdriDrive nga itong si Alex pauwing Condo niya ay napakagaan ng pakiramdam niya dahil sa nakilala niya ang Family ni Andrew at ang pakiramdam niya'y Welcome na Welcome siya. Feel At Home siya sa bahay nitong si 'Nakapulot'. Matagal na ding hindi nararamdaman ni Alex ang ganoon simula noong nagRetired at NagStay nalang sa US ang kaniyang mga parents. He feels at home with Andrew. Yan ang tunay na nararamdaman nitong si Alex at ang nakapagExplain ng lahat-lahat sa kaniya. "I Love You." Ang sinabi ni Alex patungkol kay 'Nakapulot' sa loob ng kotse na may ngiti sa kaniyang mga labi.


**************1:30pm****************


Dumiretso si Alex sa kaniyang kwarto pagkadating na pagkadating niya sa kaniyang Condo at ibinagsak ang kaniyang katawan sa kama. Tinignan muna niya ang kaniyang Cellphone bago matulog. Halos napuno ang kaniyang Inbox sa mga message ni Dexter at bigla niyang naalala ang last text message niya sa kaniyang Ex. Napangiti itong si Alex at para bang nasiyahan siya sa kaniyang ginawa kay Dexter.  

Di na nagEexpect itong si Alex na makakita siya ng Text Message galing kay 'Nakapulot' pero nagScroll Down pa rin siya kahit alam niyang 50/50 na makakakita siya ng message nito. Napangiti ng todo si Alex nang nakita niya sa kaniyang Inbox ang name na 'Nakapulot' na napapagitnaan ng maraming name na 'Dex'. Agad niyang binasa ang Message ni Andrew.

'Lex ty talaga ng madame 2loy tau bukas 6pm sa Star City' Sender:Nakapulot

Agad namang nagReply si Alex para magConfirm at pumayag din naman sa reply si 'Nakapulot' sa alok niyang sunduin ito sa kanilang bahay.

'Dnt reply para makapagpahinga ka na. Lam kong napuyat ka dahil sa akin. TY again. I LOVE YOU SO MUCH LEX' Sender: 'Nakapulot'

Hindi na nagtext itong si Alex at ipinikit nalang niya ang kaniyang mga mata habang inuulit-ulit niya sa kaniyang isipan ang All-Caps na parte ng last message sa kaniya ni 'Nakapulot'. Bago tuluyang mahimbing si Alex ay nagWish siya na sana laging ganyan kabait at katino si Andrew palagi.


*********************9:00pm***************


Inis na inis pa rin itong si Dexter sa last message niya na nareceive from Alex at talaga namang hindi matanggap ng kaniyang Ego na madaling nakaRecover sa kanilang BreakUp itong si Alex. Alam ni Dexter ang ugali nito at labis ang pagtataka niya nang naging Aggressive sa kaniya nga itong si Alex. Naka-ilang text message na rin siya pero wala pa ding reply ito at kahit ilang beses siyang tumawag dito ay automatic na naRereject ang kaniyang call. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Alex pero napatawad na naman siya nito ngunit ang kaniyang ikina-iinis ay nagkaroon agad ng kaRelationsip itong kaniyang Ex at nakikita niya dito ang pagiging masaya. 

Big Catch itong si Alex para sa kaniya at mapagbigay talaga kaya naman nang naisipan niyang makipagBalikan dito at nalaman niyang Its Too Late ay talaga namang ikinasama niya ito ng loob at ngayon nga ay talagang nag-iinit na itong si Dexter na sulutin itong si Alex sa kaniyang current Boyfriend na si 'Ako Si Doraemon'.

Tinignan ulit ni Dexter ang FB Profile nitong si 'Ako Si Doraemon' at laking gulat niya sa Status nito na may nakalagay na 'Going to StarCity with Alex tomorrow' at may heart text pa ito. Ilang minutes din na nag-isip ng magandang Plan itong si Dexter upang mapigilan niya ang date nitong si Alex at ng kaniyang bagong BF. Hindi na eepekto kay Alex ang pagpapa-awa niya kaya naman tinignan niya sa ChatList ang name ni Michael kung naka OnLine ito at nakangisi siyang nagVideo Call dito. Kailangan niya itong si Michael para maisagawa ang kaniyang nabuong magandang plano para sirain ang date ng dalawa.

"Bakit?" Ang masungit na tanong ni Michael kay Dexter.

"Ang sungit mo Mike." Ang pabirong sagot ni Dexter sa BestFriend ni Alex.

"Asshole ka kasi."

"Sinong Asshole?"

"Ikaw? Sino pa ba? Sige na bye na." Ang masungit na sagot ni Michael bago niya i-EndCall ang kanilang VideoChat.

"Baka gusto mong sabihin ko kay Alex ang ginawa natin." Mabilis na sinabi ni Dexter kay Michael. Biglang napahinto itong si Alex sa pangBlaBlackMail sa kaniya ni Dexter. NagSex kasi silang dalawa ni Dexter minsan at BF pa ito noon ni Alex. 

NagSeminar kasi noon si Alex at kinulit nitong si Dexter si Michael na samahan siya sa Condo dahil bored at wala siyang maka-usap. Pinuntahan naman siya ni Michael at alam naman nitong si Dexter na malibog itong BestFriend ni Alex kaya naman ay madali niya itong nabuyong makipagSex sa kaniya at ginawa pa nila mismo sa kama na tinutulugan nilang dalawa ni Alex. Hindi naman nalaman ito ni Alex at kaya din naman todo suporta ang ginawa nitong si Michael para sa kaniyang kaibigan dahil naGuilty talaga siya.  

"Anong gusto mo?" Ang seryosong sinabi ni Michael kay Dexter. Hindi niya lubusang maisip ang gagawing pagBlackmail sa kaniya nitong tusong si Dexter ay ang kanilang ipinangako sa bawat isa na kanilang isisikreto. Sinabi sa kaniya ni Dexter ang plano nitong pumunta din sa Star City bukas kasama siya. Inutusan ni Dexter na magsinungaling itong si Michael pagnandoon na sila at pagnakita na nila sina Alex at ang bagong BF nito.

"Sige pero tandaan mo ito Dex! Walang makakarating kay BestFriend." Ang huling sinabi nitong si Michael kay Dexter na pinangakuan naman ng kaniyang kausap na walang malalaman ang kaniyang BestFriend basta gawin lang niya ang pinag-uutos nito sa kaniya.

Habang nakangising natutulog si Dexter ay hindi naman mapakali itong si Michael sa gagawin nitong si Dexter sa date ng BestFriend niya at ang bago nitong BF. Ayaw talagang gawin ni Michael ang makisakay sa Bitter na si Dexter ay talaga namang wala siyang magagawa dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Alex. Wala siyang magagawa at hawak siya sa leeg nitong si Andrew.


******************Sunday 6:30pm**************


Tahimik na naghihintay sa Entrance ng Star City sina Michael at Dexter nang makita nila ang paparating na si Alex at kasama nito ang isang gwapong lalaki. "Si Ako Si Doraemon' siguro." Ang isip-isip nitong si Dexter. Pinatext niya kay Michael si Alex na kung pupuwede ba ay sumama silang dalawa at Curious sila sa bagong BF nitong si Alex. Nagpaalam naman muna itong si Alex kay Andrew kung pupuwedeng sumama sa kanilang date sina Michael at Dexter. Sinabi naman ni Alex sa kaniya na ExBF niya itong si Dexter at okay lang naman kung hindi siya papayag pero masaya naman itong si Andrew at sinabi niya kay Alex na mas masaya kung marami sila.

Hesitant pa rin by that time itong si Alex at nahihiya siya kay Andrew. Wala namang paki-alam itong si Andrew sa Past ni Alex at siniguradong okay lang sa kaniya at ang importante ay ang sa ngayon. Ang kasalukuyan nilang Relationship.

Dahil nga Hesitant itong si Alex ay nag-isip ng magandang plano din itong si Andrew para sa kanilang pagpunta sa Star City para magEnjoy silang lahat at hindi maging Akward sa isa't-isa.

Nang makalapit na itong sina Alex sa naghihintay sa kanila ay talaga namang napakalaki ang ikinatuwa nitong si Michael nang makita nitong may tatlong bata silang kasama. Isinama din ni Andrew ang kaniyang mga pamangkin para nga hindi sila magkaroon ng Akwardness at aminado't alam naman din ni Andrew na mangyayari talaga ito kung sila-sila lang. Next time nalang niya sosolohin itong si Alex.

After na magpakilala sila sa isa't-isa ay ipinakilala naman nitong si Andrew ang kaniyang mga pamangkin at ang kahuli-hulihang sinabi niya sa mga ito na tawaging Uncle sina Michael at Dexter tulad ng itinatawag nila kay Alex.

Hindi naging parang Date ang lakad nina Alex at 'Nakapulot' kundi ay naging pagpapasyal nila sa mga bata na talaga namang ikinatuwa nitong si Michael at nakahinga siya ng mabuti. Buong gabi na nakasimangot ang mukha nitong si Dexter dahil hindi na naman natuloy ang plano niyang sirain ang inaakala niyang date nina Alex at Dexter. Sa simula ay insecure siya kay Andrew pero nang kalaunan ay naging kampante na siya dito dahil sa pagiging Childish nito at alam niyang hindi sila magtatagal nitong si Alex. Pagnagkaganoon ay agad niyang susunggaban ang Opportunity na mabawi niya si Alex.

Although Bitter itong si Dexter ay nagEnjoy naman siyang kasama sina Alex at Andrew pati na rin ang mga pamangkin nito. Ngayon lang niya nakitang masayang-masaya itong si Alex sa mga pakwela ng magtitiyuhin at pati na rin si siya ay hindi maiwasang matawa kapag nagbabarahan ang mga ito lalong-lalo na pag pinagtutulungan ng tatlong bata itong si Andrew.  

Naging malinaw ang lahat kay Dexter at kay Michael kung bakit madaling nakaRecover itong si Alex. Kahit sila ay ramdam na ramdam ang masayang Aura at Personality ni Andrew.  

Laking pasasalamat din naman ni Michael at nakilala ng kaniyang BestFriend itong si Andrew at kitang-kita niya ang malaking pagbabago sa Attitude ng kaniyang BestFriend. Naikwentong lahat iyon ni Alex sa kaniya at Agree si Michael na unexpected talaga ang pagkakakilala nilang dalawa.

Habang tumatagal ang kanilang pagStay at pagEenjoy sa Star City ay nagiging Close na ang mga bata dito kay Dexter at di na rin napigilan nitong Ex ni Alex na magLoosen up para sa mga bata at siya na mismo ang bumili ng mga pagkain ng mga ito, nagbayad ng mga rides at higit sa lahat ay siya na rin mismo ang nagbantay sa mga ito na talaga namang ikinagulat nina Alex at Michael. Hindi maiwasang magtaka talaga itong si Michael na makita si Dexter ng ganoon. Kinala-una'y tinulungan na rin niya si Dexter sa mga bata.  

Halos kaladkarin na ng mga bata sina Michael at Dexter sa tuwing makakita sila ng mga rides na kanilang magustuhang sakyan o kaya nama'y may gusto silang ipabili sa mga ito. Nakaakbay lang si Andrew kay Alex habang sinusundan nalang nila ang mga ito at tila ba nakalimutan na ng mga ito na kasama silang dalawa. Kitang-kita nila sa mga mukha nitong sina Michael at Dexter na talaga naman na nagEenjoy din sila kasama ang mga bata.

Halos magmiMidnight na nang matapos at mapagod ang mga bata sa kakalakad at kakasakay sa mga Rides at nakalimutan na din nina Michael at Dexter ang kanilang pinag-usapan at naging close sila't nagkakilala ng mabuti habang kasama nila ang mga bata. Sinamahan muna nila ang mga bata sa Parking Lot at nagpaalam sila sa mga ito bago tuluyang sumakay ang mga ito sa kotse ni Alex. NagPromise din silang dalawa sa mga ito na ipapasyal nila ulit sila sa Resort World naman.

Bago tuluyang maghiwahiwalay sila ay nagpaalam rin sila kina Alex at Andrew.

"Nice meeting you Andrew. Ang kukulit ng mga pamangkin mo." Ang masayang sambit ni Michael kay Andrew.

"May pinagmanahan lang." Singit ni Alex.

"Tito nila talaga ako." Ang masayang sagot naman ni Andrew dito.

"Nice to meet you Tol. Add mo ko sa FB ha. Alagaan mong mabuti si Alex." Ang sinabi ni Dexter kay Andrew habang kinakamayan niya ito. Nagkatinginan ang magBestFriend at nagNgitian dahil sa pag-iiba ng Attitude nitong Loser na si Dexter.

"Nga Pala! Ngayon ko lang naalala." Ang sabi ni Andrew sa tatlo.

"Ang alin?" Kaagad na tanong ni Alex kay 'Nakapulot'.

"Invited silang dalawa sa Despedida ko." Nakangiting sabi ni Andrew kay Alex.

"Ha?" Ang nagulat na tanong ni Alex. Ikinagulat din naman nina Michael at Dexter ang narinig from Andrew.

"Hindi ko din pala nasabi sa iyo Lex. Matagal ng ayos ang mga papers ko papuntang Canada and Next Next Week na ang alis ko." Masaya pa din itong si Andrew sa pagEexplain. Tahimik lang ang tatlong nakatingin sa kaniya.

"Madami kasing nangyari kaya nakalimutan kong sabihin sayo." Ang pagtatapos ni Andrew pero Clueless pa din itong nakangiting parang batang nagDeliver ng Good News. Ang hindi nito alam ay para siyang nagpaSabog ng isang Rebentador sa tatlo lalong-lalo na kay Alex.







To Be Continued

Saturday, October 31, 2009

Ang iPhone 6

***********10:30pm Friday********** 



Mabilis na nakapuntang Manila Doctors Hospital si Alex at habang On-The-Way siya kanina ay tumaas ang level ng kaniyang pagkaBadTrip dahil sa pang-iIndian ni 'Nakapulot' sa kaniya sa kanilang date sana ngayong gabi sa Star City. Halos buong week na nagpasensiya si Alex sa di masyadong pagpaparamdam sa kaniya ni 'Nakapulot' at buong week din siyang excited na makita at makasama ito. Alam niyang Childish itong si Andrew pero nagbakasakali pa rin itong si Alex na gawing isang perfect partner si 'Nakapulot' para sa kaniya.

"I'm tired of you!" Ang nasambit nalang nitong si Alex nang bumaba siya sa kaniyang kotse. Tila ba nawawalan na siya ng gana na ituloy pa niya ang kanilang relationship na dalawa. Hindi rin makapaniwala itong si Alex na nagawa niyang maging aggresive sa Ex niyang si Dexter at siya pa mismo ang nagyayang makipagBreak Up Sex para lang makaganti sa ginawang pang-iiwan ni Andrew sa kaniya sa ere.

Gusto ni Alex na tuktukan ang kaniyang sarili kani-kanina lamang nang napag-isip-isip niyang mali ang mabilisang desisyon niya kanina towards sa issue niya kay 'Nakapulot'. Alam niyang may mali din siya dahil 100% siyang umasa sa sinabing date ni Andrew. Ito rin ang isa sa mga weakness nitong si Alex. Mahilig siyang umasa sa mga binibitawang salita ng kaniyang mga Ex sa kaniya kaya naman ang laging Ending ay umiiyak siya. Hindi alam ni Alex kung anong klaseng way ang pwede niyang gamiting paraan para sa relationship nila ni Andrew.

Halos maiyak na sa inis at galit itong si Alex dahil sa ginawa sa kaniya ni Andrew. Thankful din naman siya at hindi natuloy ang pakikipagSex niya kay Dexter dahil sa Emergency na itinawag sa kaniya pero hindi niya mapigilang mabanas din sa pasyenteng kasalukuyan nagpaConfine at titignan niya ngayon.

Halos magdikit na ang dalawang kilay nitong si Alex habang pinapakinggan niya mula sa ER attendant ang mga kinain ng Pasyenteng naimpatso at nagPapanick. Lapids Chicharon, Onion Rings, French Fries, Hot Fudge Sundae sa McDo, Kwek-kwek, Isaw and Pinya. Ito ang mga sinabi sa kaniya ng ER Attendant na kinain ng pasyente. Lalo pang nainis itong si Alex nang sinabi sa kaniya na kinaing lahat iyon ng pasyente noong Thursday Evening at nagkaroon ito ng Tummy Ache madaling araw ng Friday. 

"Kung hindi ba naman Bopols." Ang masungit na sinabi nalang ni Alex sa kaharap niyang Attendant at mga Nurses sa ER. Hindi na rin niya binasa ang Record ng Patient dahil tiwala siya sa mga tao sa ER at base on the list ng mga kinain ng pasyente ay talaga namang hindi ito matutunawan lalong-lalo na at sa gabi niya ito kinain.

Hindi na napigilan nitong si Alex na masermonan at masungitan ang mga staff sa ER nang sinabi dni nila na hindi nila mapilit na magpaDextrose ang pasyente at napakakulit naman talaga nito at takot sa karayom. SOP kasi talaga na gawin ito sa mga nakoConfine. In the case of the patient naman ay nagpumilit talaga itong magpaConfine.

Pagkatapos na pagalitan ni Alex ang mga staff ay siya naman ang nagtanong sa mga ito upang tiyaking walang chances na magka-Appendicitis ang patient. Very Professional itong si Alex pagdating sa sinumang Patient kaya lang kung minsan ay nadadamay ang lahat including the Staff pag may Personal Issue itong si Alex. Maayos pag GoodMood itong si Alex at talaga namang iniiwasan siya ng mga Staff kapag nasa BadMood ito na kalimitan namang dahilan ay ang mga hindi magagandang nangyayari sa Relationship niya.

Mabilis na pinuntahan ni Alex ang room ng pasyente upang matignan na ito at makauwi na siya at nang dumaan siya sa Nurse's Station sa nasabing Floor ng Hospital ay kaagad niyang nabungaran ang masayang usapan ng mga nurses at mga nag-oOJT.

"Ang gwapo niya! Hiningi pa nga ang number ko!"

"Buti nalang at nagpaConfine siya at napunta dito sa Floor natin!"

"Ewan ko ba at baka nag-iinarte lang yun! Pero In-Fairness talaga namang Handsome!"

"Makulit lang talaga pero I like it! Bagay naman sa kaniya diba!"

Nagtawanan ang mga staff na nasa Station at pinatapos lang sila ni Alex bago siya nagpakita upang sermunan niya ang mga ito.

"Natutuwa pa kayo't naConfine ang tao! Hindi ba dapat nga Concern kayo sa situation ng pasyente." Ang mabilis at mariing sinabi ni Alex sa mga iyon na ikinagulat at ikinayuko ng mga ulo ng mga Nurses. Ang pinaka-Ayaw din ni Alex sa lahat ay ang mga babaeng Nurses na Flirt sa pasyente dahil insecure siya sa mga ito kapag malakas ang Appeal at may hitsura ang Patient. Hindi siya makapagFlirt dahil isa nga siyang napakalaking Paminta.

"Ano na ang lagay ng Patient?" Ito ang sinabi ni Alex matapos siyang magsermon.

"Doc Alex, NagSubside na po ang pain kaya lang medyo matigas pa po ang tiyan ng patient. Medyo nahirapan nga po kami dahil may abs siya." Ang sambit ng isang Nurse at bigla itong namula nang maRealize niya ang huling part ng kaniyang sinabi.

"Umayos ka." Ang sinagot nalang ni Alex na medyo maaliwalas na ang pagmumukha. Medyo nadadala na siya sa mga Nurses. Nginitian niya ang mga ito at naRealize din niyang medyo Out Of Line ang kaniyang pagsusungit. Huminga ng malalim itong si Alex upang iLevel down ang kaniyang pagkabadtrip at hindi magiging maganda ang pakikiharap niya sa pasyente.

"Doc nandoon na po si Ate Jai at si Nhinzy. Oras na po kasing kuhanan ang Patient ng Vitals kasi." Ang dagdag na Information ng isa pang Nurse.

"Sige Thank You." Ang paalam ni Alex sa kanila upang tunguhin na ang Room ng pasyente. Iniwan niyang taimik ang mga Nurses na tila ba nanliliit pa rin dahil sa kaniyang sermon kaya naman makailang hakbang pa lamang niya'y huminto siya agad at humarap ulit sa mga iyon.

"Hindi nyo ba ako sasamahan?" Ang nakangiting sinabi sa kanila ni Alex. Hindi niya talagang ginagawa ito sa mga Staff pero sa pagkakataong iyon ay gusto niyang makabawi sa mga ito dahil nasungitan niya sila dahil sa kaniyang Personal Issues. Nagngitian naman ang talong mga Nurses at mabilis na sumunod kay Alex. Kahit naman si Alex din ay Affected sa same Reaction ng mga Nurses at nakaramdam siya ng kakaunting excitement na makita ang sinasabi ng mga itong gwapo't makulit na Pasyente.

"Makikita ko na naman ang Tattoo niya!" Hindi na mapigilan ng isang Nurse ang masambit ito na siya namang ikinasingkit ng mata nitong si Alex dahil pumasok na naman sa kaniyang isipan itong si 'Nakapulot' dahil nakita niyang bahagya ang Tattoo nito nang nagmeet sila sa Rob Mla for the second time.

"Mauna na kayo." Ang biglang sinabi ni Alex sa mga Nurses nang nagRing ang Phone niya. Gamit pa din niya ang luma niyang Phone at nakalimutan na niya ang iPhone niya at nasa sa loob pa rin ng Drawer.

"Lex! I'll wait for you here sa dati kong Condo." Ang sinabi agad nitong tusong si Dexter nang nagHello si Alex.

"Please lang. Puntahan mo ako dito at nalulungkot talaga ako." Sunod na dagdag nito. "I need some one to talk with." Ang may pagmamakaawang boses nitong si Dex. Desidido na talaga siyang sulutin itong si Alex. Para bang nasaktan ang Ego niya nang makitang masaya itong Ex niya dahil ang pagkakakilala niya dito ay isang vulnerable na tao dahil noon ay hinayaan lang siya ni Alex na magloko at pakiramdaman niya'y hindi nito kakayanin kung mawala siya sa buhay nito.

"I'll try Dex." Ang impatient sagot lang ni Alex kay Dexter at pagkatapos ay nagEnd Call na siya't inilagay ulit ang Phone niya sa bulsa. 

Labis ang pagtataka nitong si Dexter sa isinagot sa kaniya ni Alex dahil dati rati'y kaagad-agad na sumusunod itong si Alex pagnag-aawa-awaan siya. Lalong naChallenge itong si Dexter na talagang makuha niyang muli itong si Alex. Ang hindi niya alam ay unti-unti na itong nagbabagao at natututo dahil sa influence sa kaniya ni 'Nakapulot'. Nagdecide si Dexter na magPM kay Michael at tanungin ito kung kakilala niya ang nakita niyang kaRelationship ni Alex sa FB na si 'Ako Si Doraemon'. Si Michael lang ang tanging taong naisip ni Dexter dahil bestfriend niya si Alex at alam niyang nagkukwento itong si Alex kay Michael lalo na pagdating sa mga relationship nito.

Bago pa man makapasok itong si Alex sa room ng Patient ay narinig na niya ang mga boses ng mga Nurses na inaalo-alo ang pasyente. Hindi muna siya pumasok at nagpakita para marinig niya ang mga ito.

"Masakit pa ba?"

"Ayos ka lang ba? Teka i-Pluff natin yang pillow mo para comfy ka."

"Hindi ka na ba nahihirapan?"

"Anong gusto mo?"

Ikinataas bigla ng kilay nitong Pamintang si Alex ang ginagawa ng mga Nurses sa pasyente. "Para silang may inaalagaang Spoiled Brat!" Ang inis na sinabi nitong si Alex sa sarili. 

"Okay lang ako. Thank you. Wala pa bang doktor na titingin sa akin?" Ito ang narinig ni Alex na sinabi ng pasyente sa mga Nurses na kaniyang ikinagulat at ikina-inis bigla. Halatang-halata niyang nakikipagFlirt ang pasyente sa mga Nurses at kilalang-kilala niya kung kanino ang boses na iyon. Hindi siya pupuwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya kung sino ang makulit nilang pasyente. 

Ang mataas na level ng pagkaBadTrip nitong si Alex ay mabilis na nawala kasabay ng pagGuit ng isang pilyong ngisi sa kaniyang mga labi. "Humanda kang pasaway ka!" Ang sambit ni Alex sa sarili at tuluyan na siyang pumasok sa room.

"Heto na pala si Doc!" Ang masayang sambit ng isang Nurse sa pasyente para hindi na ito mag-alala pa sa kakahintay sa sinumang Doctor na titingin sa kaniya. Namutlang bigla ang pasyente nang makita nito kung sino ang kaniyang Doktor.

"Nandito ka pala." Ang nakangising sinabi ni Alex sa pasyente.

"Kilala ninyo siya Doc?" Ang biglang naitanong ng OJT Nurse kay Alex.

"Yup! At malaki ang atraso nyan sa akin." Ang nakangising sagot ni Alex na nakatitig pa din sa pasyente.

"A-A-Alex ikaw pala!" Ang nauutal na sambit ng pasyente. Napakamot ito ng ulo na siya namang lalo pang ikinatuwa nitong si Alex. Lalong ngumiti itong si Alex nang makita niyang suot ng pasyente ang 'SpongeBob and Patrick' na Tshirt.

"Bakit hindi pa ito nakaPatient's Gown?" Ang may authority na sinabi ni Alex sa mga nakapalibot na mga Nurses.

"Ayaw po kasi ni Sir Andrew na isuot iyon Doc." Ang paliwanag ng isa. Tinignan ng diretso ni Alex si Andrew sa mga mata na kaagad naman iniiwas nito. Kitang-kita kay 'Nakapulot' na nahihiya ito dahil naging isang malaki siyang pasaway sa mga Staff ng Hospital simula sa ER hanggang sa mga Nurses sa Floor ng kaniyang kuwarto.

Hirap na hirap na pigilan ni Alex ang kaniyang mga ngiti nang makita din niyang kasama ni Andrew ang tabachoy niyang pamangkin na kasalukuyang natutulog sa isang higaan/upuan na para talaga sa mga companion ng mga Patient. Sa tabi nito ay may isang supot ng Mercury Drugstore na halatang puro Chichirya at Softdrinks In Can ang laman.

"Ayaw mo ding magpalagay ng Dextrose." Ang sunod na sambit ni Alex kay Andrew. Para siyang nagsesermon sa isang bata na matigas ang kukote.

"Ano pa bang hinihintay ninyo?!" Ang biglaang sabi ni Alex sa mga Nurses at agad namang nagsipaglabasan ang mga iyon upang kuhanan si Andrew ng Gown at ng Dextrose. Naiwan lang ang Head Nurse, Isang Regular Staff at ang isang nag-oOJT.

Alam ni Alex na hindi masama ang sitwasyon nitong si Andrew pero sasamantalahin niyang turuan ito ng lesson. Ang ikinaka-inis lang naman nitong si Alex sa ngayon ay alam naman nitong si 'Nakapulot' na isa siyang Doctor at hindi man lamang siya naisip nito o sinubukang maContact.

"No Need na po Doc. Okay na po ako." Ang walang ideyang sinabi nitong si Andrew kay Alex. Nahihiya siyang magSuot ng Gown at takot talaga siya sa Karayom.

"Hindi ka ba nag-aalala at baka naAppendicitis ka?" Ang tanong ni Alex dito. Tahimik nalang ang mga Nurses na pabalik-balik ang mga tingin nila kina Alex at Andrew.

"Nag-aalala lang naman ako Doc. Masama ba. Sabi naman sa akin sa ER eh di lang naman ako natunawan." Sambit ni Andrew na halatang-halata na Guilty sa ginawa niyang pagbibigay ng sakit sa mga ulo ng mga Staff ng Hospital.

"Ganoon ba?" Sambit naman ni Alex. "Double Check natin." Dagdag pa nito nang nilapitan niya itong si Andrew upang magperform siya ng Abdominal Exam. Gustuhin man nitong si Alex na itaas ang Tshirt ni Andrew para makita ng lubusan ang Tattoo nito sa side ng Abs ay hindi na niya ginawa at baka mabuko siya ng mga Nurses na ngayon ay kumpleto na't dala-dala nito ang Gown at Dextrose.

Tahimik lang si Andrew na nakahiga lang na parang bata habang marahang dinidiinan ni Alex ang kaniyang sikmura sa iba't-ibang parte. Napahangga itong si Alex nang maramdaman niya ang Firm at slight muscled Abs ni 'Nakapulot'. Batid din naman ni Alex ang sinabi ng ER Attendant na walang Syptoms ng Appendicitis itong si 'Nakapulot' kaya naman medyo tinagala niya ang kaniyang ginagawa.

"Wala namang Problema." Sambit ni Alex. Tinignan niya ang mga Nurses.

"PaUltrasound ninyo para makasiguro tayo at baka hindi Appendicitis ito." Utos ni Alex sa kanila. Kaagad-agad namang lumapit kay Andrew ang dalawang Nurse na may hawak ng Gown at Dextrose na kaagad namang ikinaPanick nitong si 'Nakapulo'.

"Doc nahihiya ako!" Ang naibulalas nalang ni Andrew kay Alex. Wala na siyang maisip na palusot at hindi na uubra ang pagtanggi niya dahil andito na si Alex. Tumaas ang dalawang kilay ni Alex at nagwikang "Nahihiya ka?". Tumungo nalang itong makulit na si Andrew na nagsisimula ng magBlush na siyang ikinatawa naman ng mag Nurses.

"Basta huwag ka ng pasaway." Sambit ni Alex kay Andrew. "Promise Doc." Ang mabilis na sagot ni 'Nakapulot'.

"Pakibaba nyo na siya para maUltrasound na at maka-uwi na ito." Ang mahinahong utos ni Alex sa mga Nurses. Hindi na niya mapigilan mapangiti nang makita niyang tila ba nadismaya ang mga pagmumukha ng mga Nurses dahil hindi na nila mapapalitan ng Gown itong si Andrew.

"Huwag kang pasaway doon at baka paahitan kita." Ang huling warning ni Alex para kay Andrew nang masara ang Elevator. Namulang bigla ang mukha ni Alex dahil naghagikhikan ang mga kasama niyang magagandang Nurses sa loob ng Elevator. 

Hihintayin nalang niya ang Result ng UltraSound at buti nalang ay disOras na ng gabi kaya naman niya naipaRush ang procedures at resulta sa MedTech. Pupuwede namang si Alex ang magUltraSound kay 'Nakapulot' ngunit kailangan niya ng sandaling oras ng katahimikan upang makapag-isip-isip tungkol sa kanila ni Andrew.

Hindi niya alam talaga kung ano ang standing ng relatonship nilang dalawa pero kahit ano pang inis niya kay 'Nakapulot' sa nagdaang week ay bigla itong nawala nang makita lang niya ito.Unexpected ang lahat-lahat sa kaniya ngayong gabi at tinanong niya ang kaniyang sarili kung talaga bang Destiny ang pagkakaHospital ni Andrew upang masiyasat niya ang kaniyang sarili. Masaya siya pagnakakasama niya itong si Andrew kahit kanina sa Room ay overwhelmed siya sa kakulitan nito kahit buong week siya nitong pinaputi ang kaniyang mga mata sa kakahintay na magparamdam ito.

NaGuilty din siya sa ginawa niyang pagyaya kay Dexter na makipagBreakUp Sex ito sa kaniya. Hindi isang excuse para sa kaniya ang ginawa kahit pa man din na talagang iniwan siya sa ere nitong si Andrew sa kanilang date. Kung natuloy man ang pagseSex nila ng kaniyang Ex at nalaman niyang nasugod pala sa Hospital itong si Andrew kaya hindi nakapunta sa kanilang Date ay talaga namang pagsisisihan niya iyo ng lubusan. 

"Thank God!" Ang nasabi na lamang ni Alex sa sarili dahil tila nakaiwas siya sa isang napakalaking pagkakamali dahil sa pabigla-biglang desisyon niya. Ngayon ay alam na ni Alex ang gagawin niya. Patuloy siyang hahawak ng mahigpit sa 'SomeWhat Kind Of A Relationship' nila nitong si Andrew.

Lubusang naging masaya si Alex that time kahit medyo parang Abnormal sa kakulitan itong si Andrew. Nagdecide si Alex na sundan si 'Nakapulot' sa UltraSound Room nang tumunog ulit ang kaniyang Phone. Si Dexter ulit. Kaagad naman niyang niReject ang Call at bago pa niya maiSilent ito ay agad-agad namang tumunog ang Message Alert Tone nito.

"Wala na ba talaga tayong pag-asa. OK lang naman to me basta magkaroon lang tayo ng closure. I'll wait for you." Ang Text Message ni Dexter sa kaniya. Unconsciously na nagReply itong si Alex kay Dexter.

"Fuck You and Grow Up." Ang mabilis na naiSend ni Alex na Reply kay Dexter at agad na niyang naiSilent Mode ang Phone niya't bumaba na din para puntahan si Andrew.


***************12:30am Saturday***************


Matapos maCheck at mabasang mabuti ni Alex ang Results ng UltraSound at ang ipina-ulit niyang laboratoy ni Andrew ay nagmamadali siyang pumunta sa room nito. 

"What's the urgency Doc." Ang nagtatakang tanong ng isang Nurse nang makita nitong dumaan si Alex sa kanilang Station na naghihikahos.

"Wala ito." Ang maikling sagot ni Alex sa kaniya. "Its Okay. Ako nalang." Ang idinagdag pa ni Alex sa Nurse nang aktong susunod na ito sa kaniya. Hindi nalang itinuloy ng Nurse ang pagsunod niya at nag-aalala nalang niyang tinignan si Alex nang pumasok ito sa Room ng pinakapaborito nilang Pasyente.

"Wazzup Doc!" Ang masayang bati ni Andrew kay Alex nang itinigil niya ang paglalaro ng Nintendo DS. Mahimbing pa rin ang tulog ng matabang pamangkin ni 'Nakapulot'.

"May Malignant na bukol na nakita sa Intestine mo." Ang Straight to the point na sinambit ni Alex kay Andrew. Tahimik lang si Alex na nakatingin sa mga namimilog at nanlalaking mata ni Andrew. 

Unti-unting nawala ang kulay ng mukha nitong si 'Nakapulot'. Ilang seconds din na naging tahimik ang buong kwarto. Ang tanging naririnig lamang nilang dalawa ay ang tunog na nagmumula sa Nintendo DS ni Andrew at ang mahinang paghilik ng pamangkin ni niya.

Lumunok muna ng laway itong si Andrew bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Gaano kalala Lex?". Walang naisagot itong si Alex sa kaniyang mahinang tanong.

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

"Joke lang! Pwede ka ng umuwi mamaya!" Ang masayang sambit nitong si Alex kay 'Nakapulot'. Binantayan nitong si Alex kung ano ang magiging Reaction ng kaharap. Medyo unti-unting kinakabahan itong si Alex dahil wala pang reaction itong si 'Nakapulot'.
Walang pasabing bumaligwas mula sa kaniyang pagkakahiga itong si Andrew na ikinagulat namang bigla nitong si Alex kaya naman ay napapapikit siya ng mabilis at hinintay niya ang sapak na ibibigay sa kaniya nitong si 'Nakapulot' dahil alam niyang napakaBelow The Belt at Very Foul ang pagbibiro niya dito.

Now lang niya naRealize ang consequences ng kaniyang idea na iGoodtime ito upang makaResback at makabawi sa buong week ng di pagpaparamdam sa kaniya ni Andrew.

Laking gulat na lamang ni Alex nang hindi kamao ni Andrew ang lumapat sa kaniyang mukha kundi ay ang dalawa nitong mga maiinit na kamay na humawak sa kaniyang magkabilang pisngi.

Akmang didilat na itong si Alex ay bigla namang napapikit siya nang maramdaman niya ang malambot na labi nitong si 'Nakapulot' ay ang sumunod na lumapat sa kaniyang mga labi na siya namang ikinalambot ng kaniyang mga tuhod.






To Be Continued

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails