Followers

Monday, May 6, 2013

318 (Ang textmate ko) Chapter 6.



318 (Ang textmate ko)

By: ImYours18
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          


Authors note:



Hello sa lahat. Eto na po pala ang chapter 6 nang aking akda. Pasensya na po kung natagalan ang update ko, bilang pangbawi, hinabaan ko na po ang chapter na ito hanggang sa, ah basta hahaha :D



Happy Reading guys =) Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta ng akda ko. Take Care and Godbless =)



PS: Add nyo naman po ako sa FB hehe (nielisyours@yahoo.com.ph) tumal pa po friends ko e hehehe XD mag-popost din po ako dyan ng mga preview for the incoming chapters =)).




Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.



ENJOY READING =)




Chapter 6…


“Hahaha. Love. May tanong ako sayo?” Nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba sa tanong na iyan. Pakiramdam ko kasi kapag magtatanong siya ay may kaugnayan sa kalokohang ginawa ko e. Pero, sa tono ng boses niya,may naramdaman akong sinseridad, pero ewan ko kung bakit ako kinakabahan.




“Ano naman iyon love?” Paguusisa ko.




“Pwede bang maging tayo na? What I mean is can you be my partner?”



Shocked. Hindi ako makapaniwala sa offer or proposal niya. Syempre, mahal ko na si Tristan, pero hindi ko aakalain na seseryosohin niya din kung anong mayroon kami. Hindi ko naman inakala na gusto niya pang lagpasan iyong linya ng relasyon namin na “mutual understanding” lang e. Teka, teka teka! Ano bang isasagot ko? Oo kaya? Mahal ko naman si Tristan e, siguro napakaswerte kung magkaroon ako ng boyfriend na halos full package na ang itsura at ang ugali at saka ang sama ko naman kung i-rereject ko yung offer niya, bakit? Maganda ka ba Colby?! Haha. Hindi kaya ang isasagot ko? Magiging komplikado ang lahat. Sa simula pa lang noong makita ko siya sa gate ng university at nangyari ang makasaysayang pagkadulas ko alam kong magiging komplikado na, hanggang sa naging kaklase ko siya at naging kaibigan, sa tuwing tumatagal ang pagsasama namin sa personal at habang lumalalim ang namamagitan sa amin sa pamamagitan lamang ng “text” ay mas lalo itong nagiging komplikado. Paano pa kaya kung naging kami?



“Love? Andyan ka pa ba? Hindi mo ba nagustuhan iyong proposal ko?” Pagtatanong ni Tristan. I noticed na medyo malungkot ang boses niya sa tanong na iyon. Gawd!! anong isasagot ko? O.O



Sa sobrang kalituhan ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya..



“Huh? Hindi ah? Oo , Tristan, oo, gusto kita maging partner ko. Mahal na mahal kita.” Taos puso kong sagot. Ewan ko ba? Bigla na lang iyon ang dinikta ng puso ko e. Kanina litong lito ako pero parang biglang nag-trigger sa aking puso at isipan na sagutin ang proposal niya. Siguro ito nga yung sinasabi nilang kapag mahal mo ang tao nagiging bulag ka, hindi mo nakikita ang kamalian basta kapag dinikta ng puso mo ay dapat mong sundin.



“Yes! I love you too Love. Mahal na mahal din kita Vince! Hooooo!!!” Pasigaw niyang sabi. Ramdam na ramdam ko ang kagalakan ni Tristan sa sinabi niya.



“Mahal na mahal din kita, Tristan. You don’t know how happy I’am.” Sambit ko. Tumulo naman ang luha ko sa sobrang saya, alam mo yung feeling na dati sa pangarap mo lang iyong tao, pero sa ngayon abot kamay mo na sya? Ganoon  akong kasaya, pakiramdam ko nga ay daig ko pa ang maging big winner sa PBB at maging soul survivor sa Survivor. Basta! Higit pa doon ang kagalakang nararamdaman ko. Pansamantala ko nga atang nakalimutan na may problema ako e, basta ang alam ko masaya ako sa ngayon.


TRISTAN POINT OF VIEW :



I think I was the happiest person nang sagutin niya ako. Taken na ulit ako! After I had a broke up with him (my ex) malamang? Haha! Ayun nga taken na ulit ako. Hindi ko naman hinihiling na maging taken lang syempre gusto ko ulit maging masaya at maging inspired tulad ng dati. Mahal ko na si Vince., kahit na sabihin na sa text lang kami nagkakakacommunicate, may facebook naman e, at least pwede naming makita ang isa’t isa through pictures.



Isang gabi noon,lungkot na lungkot ako sa nangyaring break up sa amin ng ex-boyfriend ko. I was waiting for his reply, sa text lang kasi ako nakipag-break, masyado bang formal? Masasabi bang break up kung through text lang ito isinagawa?, Ginawa ko iyon dahil sa aking palagay iyon ang tama. Sa mga nakaraang linggo kasi puro na lang away, sa text? away, sa chat? away, sa persona? away, kapag magkasama? nagtatapos sa away, nakakatulog nang hindi nagbabati, nakakasawa! So I decided to end our relationship. Alam ko masakit at mahirap sa kanya, sa akin din naman e. Back to our story, that night habang nagiintay ako sa reply niya. Biglang may nagtext sa akin na unknown number.


09*********: Hi


Ako: Hello, NASL pare?


Sya: Im Vince, 17 bi manila. And you?


At nagpakilala na ako sa kanya, siguro naman ay nakita niya na ang facebook account ko sa mga oras na iyon. Ako naman ang nanghingi ng facebook account sa kanya. Noong nakuha ko ang kanyang facebook account, nagulat ako dahil sa angking ka-gwapuhan nito. Noong una ay nagtaka ako kung poser ba itong Vince na to, madami na kasi akong na-encounter na poser e, iyon bang gumagamit nang picture ng iba, lalong lalo na kapag may itsura ang ginamit na profile picture. Ewan ko ba? Kung bakit wala silang confidence na iharap ang sarili nila. Hindi naman ako choosy na tulad ng ibang tao, ang gusto ko lang ay totoo sa akin.


Nag-surf pa ako sa ibang albums niya, ang palatandaan ko kasi sa mga posers kapag profile picture lang ang mayroon sila at kapag may isa o dalawang albums lang ito. Ngunit, nagkamali pala ako, siya pala talaga ito dahil mayroon itong pitong albums at ang mga pictures ay mukhang nakuhaan sa mga magagandang lugar. Mayroon kuha sa beach, sa bahay, sa mga malls at iba pa..


Pinagmasdan ko ang picture ni Vince. Sa tingin ko ay may 5’7 itong tangkad at maputi ito. Bilugan ang mga mata at makinis ang balat, kung titignan mo siya at your first impression mapagkakamalan mo siyang koreano o miyembro ng isang k-pop group, ganoon kasi ang porma niya sa mga pictures.


Sa gabing iyon, pansamantala kong nakalimutan ang lungkot dahil sa break up namin ng ex-boyfriend namin ko. Ewan ko ba kung bakit ganito? Magaan ang loob ko kay Vince kahit na sa text lang kami nakakapagcommunicate. Noong unang beses din siyang tumawag, labis din akong natuwa dahil parang kahalihalina ang boses niya. Ewan ko ba? Nahalata ko na sa boses niya na medyo tagilid siya, pero I keep on talking with him kasi parang ang gaan na agad ng loob kong kausap siya.


Akala ko nga hindi ako mahuhulog sa kanya. Mayroon kasi akong nabasa na article sa internet na normal lang naman daw ang magkaroon ng attraction ang isang tao sa isang tao lalo na kapag may napansin kang somewhat attractive dito kaya hindi ko na masyado pinansin. Pero mali ako, tuwing magkatext kami, para akong natotorete sa pagmamadali magreply, kahit may ginagawa ako, pilit kong isinisingit ang pagrereply sa kanya. May pagkakataon nga na naliligo ako, binalot ko pa talaga ang cellphone ko sa dalawang plastic na transparent para lang mareplyan si Vince. OA di ba? Pero ganoon talaga e. I don’t know kung bakit ganoon na lang iyong pakikitungo ko sa kanya.


Hanggang sa dumating ang pasukan. Nag-shift nga pala ako ng course from IT to Accountancy dahil sa parang hindi ko na kaya ang course na iyon, medyo hirap kasi ako sa programming subjects, pero sa accounting subjects namin ay hindi naman ako nahirapan. Okay na sana ang pag-shishift ko ng IT until someone’s ruined it (to be discussed on further chapters hahaha!). May mga nakilala din akong mga new friends sa school, yung mga boys ng klase namin na nakakasama ko minsan sa basketball games at dota (irregular student lang kasi ako kaya bihira lang kami magkabonding), si Nerrisse ang medyo chubby ngunit ma-appeal na classmate ko at ang kaibigan niyang si Colby na medyo nahalata ko sa simula pa lang na may gusto sa akin ^_^. Hindi naman sa assuming ako ah? Nahalata ko kasi sa kanya noong first day of school na parang ang lagkit ng tingin sa akin. Minsan nga ay nahuli ko itong nakatitig sa akin at may pagkakataon na parang nag-iimagine ito na parang ewan, iyon bang parang wala sa sarili at may papikit pikit pa? HAHA!
Kay Vince? May napansin akong kakaiba sa kanya. Sa tuwing nasa school ako, bihira kami magkatext, iyon bang kamustahan lang. As in bihira, hindi naman sa masyado kong pinanghihimasukan ang ka-busyhan ng tao. Pero parang nakakaramdam talaga ako ng awkwardness sa tuwing nasa school kami at nagkakatext kami. Paano ko ba ipapaliwanag? Sige ganito, kapag nasa school kami ayaw niya na tawagan ko siya, noong una tumatawag ako e, pero pinagbawalan niya. Noong una naintindihan ko kasi syempre school yun at busy hours pero kapag minsan katext ko siya ng break ayaw niya magpatawag, inintindi ko na lang. Pagkauwi ko naman saka lang niya gusto ako tumawag or saka siya tatawag. Ewan? Inintindi ko na lang. Ganun ba yun? 
Kahit ba through text pwede maramdaman ang awkwardness?


Hanggang sa dumaan ang isang buwan. Ganoon pa rin ang sitwasyon namin ni Vince, sweet pero awkward pa din kasi ayaw niyang makipag-eyeball, puro text lang, pero parang ewan ko, kahit sa text at tawag lang namin kinikilig ako. Sa school naman, mas dumami pa ang mga naging ka-close ko, lalo na sa BSA101A. Mas naging close ko na rin ang mga boys sa room, maganda rin ang aking performance sa school. Isa rin sa mga kaibigan ko ang naging crush ko. Ang kulit niya kasi e, at saka ang cute niya, masayahing tao, palatawa, joker, pero medyo halata siyang bakla sa kinikilos niya, si Colby. Oo, iyong kaibigan ko na sinasabi kong palagay ko at nahalata ko na may gusto sa akin, naging crush ko rin siya, humanga kasi ako sa kanya, sa very jolly personality niya. Ngunit, dinikta naman nang isip ko na hindi pwede at hanggang crush lang iyon, may Vince na ako e. ^_^ haha!


Enough with the flashback, sa ngayon kami na ni Vince. Sa mas medaling salita, akin na siya, at siya’y akin hahaha. Ewan ko ba? Sa mga past girlfriend ko pati boyfriend nag-popropose ako personally, never pa sa text, I don’t know kung ano bang nakain ko kung bakit ko ginawa tong proposal na to. Basta I have only one thing to assure, masaya ako na naging kami, kahit through text lang.


“Ako rin love, ako na ang pinakamasayang lalaki ngayon .” Buong galak kong sabi. Corny noh? Pero totoo yan.


“I love you Tristan!”


“I love you more Vince!” Malambing kong sabi. Narinig ko naman na parang humihikbi siya, ibang klaseng hikbi e, hindi ko malaman kung humihikbi ba siya sa kagalakan o dahil sa kalungkutan. Huh? Kalungkutan? E paano naman? Mukha bang nakakalungkot ang nangyayari ngayon.


“Umiiyak ka?” Pag-uusisa ko.


“Huh? Ah.. Ehh.. Hindi, masayang masaya lang ako love.” Tugon niya, syempre kinilig naman ako. Pero kinakabahan pa din ako kung bakit siya umiiyak. Bakit kaya?


“Ako din, ang saya saya saya ko.” Pagdugtong ko sa sinabi niya. “Oo nga pala love, ngayong tayo na siguro naman hahayan mo na akong makipag-meet sayo?”


“Huh? Ahh.. Ehh.. Pero..”  Pag-aalangang sagot niya.


“Wala nang pero pero, ako na ang pupunta dyan sa inyo, di ba 18 ngayon? Ito ang monthsary natin, pupunta ako dyan next month. Sa darating na first monthsary natin, sabik na sabik na akong makita ka..” Malugod kong sagot sa kanya. Natahimik siya, di ko alam kung anong iniisip niya. Parang nabusalan siya sa pagyayaya ko. Na-curious tuloy ako, bakit ba parang pigil na pigil niyang magkita kami? Ano bang meron siya at parang may tinatago. “Oh natahimik ka love?”


“Ahh. Ehh.. Sige.” Simpleng sagot niya.


“Napipilitan ka lang ata e.”


“Huh? Hindi ah? O sige love, matutulog na ako, maaga pa kasi ang pasok ko bukas e, sorry love.” Pagpapalam niya. Huh? 8pm pa lang ah? Saka hindi naman ito ang usual na tulog ni Vince e, kapag magkatext kami at magkatawagan usually inaabot kami ng 12 midnight. Hindi ko na lang pinuna, mahal ko naman iyong tao e, baka pagod at inaantok na talaga.


“Ahh ganun ba love?” sabi ko na medyo may halong lungkot ang boses. “Sige love, tulog ka na, goodnight! I love you!” Malambing kong sabi.


“ I love you too!”


“I love you more!” Dagdag ko pa. At hindi pa talaga nagpa-awat ahaha :D


“I love you most!” Ahhmff! Talo na ako hahaha.


“Haha, talo na ako.” Pagbibiro ko sa kanya.


“Haha, ikaw talaga love, osige tulog na ako, tulog na rin ah? Goodnight, I love you.”


“Opo, I love you too po.” Paglalambing ko.
In-end ko na ang call conversation. Hayyyss, hindi pa rin ako makapaniwala, nagmamahal na ulit ako. Iba pala talaga iyong feeling na kapag nagmamahal ka, pakiramdam mo, gusto lumabas ng puso mo sa sobrang saya, lalong lalo na kapag alam mong mahal ka rin ng taong gusto mo. Iyon ang nararamdaman ko sa ngayon, parang gusto kong sumigaw sa sobrang saya. Habang nagmumuni ako sa kama ko sa mga oras na iyon, kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog..
               


God Gave Me You.


For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue

God gave me you to show me what's real 
There's more to life than just how I feel 
And all that I'm worth is right before my eyes 
And all that I live for though I didn't know why 
Now I do, 'cause God gave me you 

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt 
All wrapped up in that hurt 
For every glass I saw, I saw half empty 
Now it overflows like a river through my soul 
From every doubt I had, I'm finally free 
I truly believe 

God gave me you to show me what's real 
There's more to life than just how I feel 
And all that I'm worth is right before my eyes 
And all that I live for though I didn't know why 
Now I do, 'cause God gave me you 

In your arms I'm someone new 
With ever tender kiss from you 
Oh must confess 
I've been blessed 

God gave me you to show me what's real 
There's more to life than just how I feel 
And all that I'm worth is right before my eyes 
And all that I live for though I didn't know why (didn't know why) 
Now I do (I finally do), 'cause God gave me you (God gave me You) 

God gave me you
               


Sobra naman ang kilig na naramdaman ko habang pinatugtog ang kanyang iyon sa cellphone ko. Tamang tama kasi lyrics na iyon sa nangyayari ngayon. Sana siya na nga  ang biyaya sa akin, sana siya na ang magpakita sa akin ng katotohanan, at sana siya na ang magparamdaman sa akin ng lubos na kasiyahan bilang kasintahan.


Group Message:

“Happiness is being with someone who will stick to you no matter what.”

Goodnight guys!!
Taken! :p
Tulog na kami ng mahal ko hahaha <3

~groupmessage
#T&V
#18 <3



Colby’s Point of View:


               
Pagkabasang pagkabasa ko ng Group message na iyon ni Tristan, hinagis ko na sa kama ko ang cellphone ko. Buti pa siya, nakuha niyang maging masaya pero ako ang lungkot lungkot ko. Oo, masaya na sana e kaso hindi ko naman expected na mas mapapadali ang date ng eyeball namin, hello? Kahit almost 1 month pa iyon darating at darating din iyong araw na iyon.


Kahit siguro masaya siya ngayon, ano kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niya? Panigurado mas malala pa sa nararamdaman ko ang mararamdaman niya at sa pwedeng maramdaman ko kapag dumating iyong revelation ng sikreto ko.


Sa sobrang gulo ng isip ko, namalayan ko na lang na lumuluha ako. Actually kanina pa e, habang nag-uusap kami, noong una tears of joy talaga kung bakit ako naluluha, ngunit tila napalitan ito ng tears of sorrow sa offer niyang eyeball. Gawd! Sinong ihaharap ko sa kanya?


Aaminin ko na kaya? Kasi kung hindi, magiging malala pa ang lahat e. Hahanapin ko kaya kung sino ang nasa ginamit kong picture ko sa facebook ko? Hala, baka kapag nahanap ko iyon at sinabi ko sa kanya na ginawa ko siyang front at ang mas malala ay sa kapwa niya lalaki ay baka ma-jombag niya ako, and worst? Baka hindi na ako makauwi ng buhay O.O haha.


“Bahala na, aaminin ko na lang siguro.” Bulong ko sa sarili. :’(


At nakatulog na ako ng gabing iyon. Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Walang bago, siya pa rin ang nasa isip ko. Haiiisstt, oo, kinikilig ako sa nalaman pero hindi ko makuhang ngumiti dahil sa problemang meron ako ngayon. Ano ba yan? Dito pa lang problema na agad? Paano pa kaya kapag nagkaalaman na? Delubyo!


Pumasok ako ng parang wala sa sarili. Nakikitawa na lang sa mga classmates ko kapag nagbibiruan. Nanibago naman sila sa akin, hindi kasi ako nag-jojoke ngayon tulad ng dati. Tinanong ako ni Nerrisse kung ano bang problema pero sinuklian ko lang to ng ngiti.


“To naman! Wala hahaha. Nakakapanibago ba?” Pagkukunwari ko kay Nerrisse. Tumabi kasi siya sa akin nun.


“Tsss! Nako teh, sa akin ka pa magdedeny?” Pang-iintriga niya.


“Haha, okay lang ako teh, thanks sa concern.” Pagpapasalamat ko.


“Basta If you want to unload dito lang din ako ah? Katok katok lang pag may time.” Pagbibiro niya, napangiti naman ako. Iba talaga itong si Nerrisse, para siyang si Xander, iyong bestfriend ko na kinekwento ko, kasi kapag ayaw niyang mag-unload ako bibiru-biruin niya na lang ako. At least kahit papaano ay gagaan ang loob ko sa pamamangitan ng pagbibiro.


“Hey okay ka lang? parang ang lungkot mo ata ngayon.” Sabi ng isang pamilyar na boses habang tinatapik ang balikat ko sa aking likuran, si Tristan. Napangiti naman ako ng dumating ito.


“Oo naman. Haha, I’am okay” Magiliw kong sabi. Nginitian ko siya. Hayss Tristan, ikaw talaga ang lakas ko sa mga iniisip ko, pero ikaw din ang nagpapahina sa akin e. Iyong sikreto ko sayo. :’( Haissstt..


“Good. Hehe, namiss ko lang kasi iyong masayahing Colby araw araw e. Nanibago ako.” Pagpapaliwanag niya. Syempre, na-touch ako sa sinabi niya, kasi at least kahit papano ay may na-appreciate din siya sa pagiging si Colby ko. Nginitian ko na lang siya.


Sa maghapong iyon sinubukan kong maging masaya, pilit kong inaalis sa isip ko iyong tungkol sa pagsisinungaling ko kay Tristan. Kaya ang ginawa ko, dating gawi, nakipagbonding ulit ako sa mga classmates ko kapag may free time kami. Kapag oras naman ng pag-aaral, seryoso akong nakikinig sa turo ng mga professor, sunog kilay din kasi ako sa pag-aaral at dito ko na lang ibubuhos ang lahat ng iniisip ko..


Group Message:


(As Colby)


Good Afternoon Guys :D


On my way home. Ingat sa ating lahat.


Hayyyssst, sana ganoon na lang kadali lahat. :’(

-gm
#CT :D


Syempre ang kahulugan ng CT ay Colby at Tristan, wala namana sigurong makakahalata nun kaya iyon ang ginamit ko. Kahit si Tristan ay pinadaanan ko ng group message na iyon, pero syempre yung cp number ko na pang-public ang ginamit ko.


Sa hapong iyon, ang tanging laman ng isip ko ay si Tristan. Ang hirap! Oo, kami na. Kungtutuusin, dapat nga ay magtatalon ako sa tuwa di ba? Sana kasi hindi na lang ako pumayag sa gusto niyang mangyari, pero paano naman ako makakatangi? E kung magtaka siya? E kung makipaghiwalay siya? Parang hindi ko na yata kaya. Uulitin ko, mahal ko na si Tristan, mahal na mahal.


----------------------


Tristan’s Point of View



Tatlong lingo na pala ang lumipas simula nang maging kami ni Vince. One week na lang, first monthsary na namin. Masayang masaya ako sa mayroon ako ngayon, kahit minsan nakakaramdam ako ng lungkot at awkwardness sa mga bagay bagay na nangyayari ay hindi ko na iniisip. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagka-awkward, were in a relationship but out communication is through text and call lang, walang meet up, at walang actual communication, oh di ba?


 Sa tingin ko nga, he is my strength if I have a problem. Nakakatuwa kasi, lagi na siyang tumatawag sa akin, kahit minsan nakakaramdam pa rin ako ng awkwardness kapag nasa school ito at ayaw makipagtext o tumawag ako kahit sandal. Inintindi ko na lang dahil baka busy nga siya.


My ex-boyfriend? Unti-unti na rin siyang nabura sa isip ko, pero ewan, minsan nararamdaman ko pa rin na namimiss ko siya. Syempre, for almost half a year na pinagsamahan namin as lovers and 3 years as bestfriend before we became lovers, mahirap kalimutan ang lahat especially the good memories. At least ang mahalaga ngayon, in love ako at unti unti na siyang naalis sa isip ko.


Haha! Oo nga pala, nakakatuwa kasi may mga insidente rin sa school na hindi sinasadya. Tulad na lamang nang nangyari sa amin ng kaibigan kong si Colby. (Ooooppss :D wag green hahaha!) May nangyari kasing nakakatuwa sa aming dalawa noong nagkaroon ng retreat ang section namin sa Baguio. Pero, hindi naman nagdala ng kalituhan sa akin ang mga pangyayaring iyon, oo crush ko siya, pero hanggang doon na lang iyon, may Vince na ako e. Hehe!


Naging masaya ang buwan na iyon para sa akin. Parang perfect ang lahat. Ang mga kaibigan ko sa school tulad na lamang nila Colby, Nerrisse, Christine, at ang mga makukulit na dota/basketball boys ng blocked namin. Ang aking pamilya ko na lagi ding nandyaan para sa akin, at syempre si Vince, ang pinakamamahal ko.


May natuklasan din akong isang nakakabiglang kaalaman mula kay Colby…


(Flashback)


“Colby?!” Pagtawag ko sa kanya sa canteen ng school namin. Nakita ko kasi siyang mag-isang kumakaen. Ewan ko ba? Tinotopak na naman siguro tong si Colby. Ganito kasi siya kapag tinotopak o may iniisip madalas hindi mo matatagpuan kasama ng mga kaibigan.


“Oh? Tristan? Naparito ka?” Gulat niyang tugon.


“Haha! Bakit? Is this your property para tanungin ako ng ganyan? Haha.” Pagbibiro ko sa kanya. Syempre, gusto ko lang tumawa siya, ang cute niya kaya kapag tumatawa >.<, siya lang itong walang self confidence na sinasabi sa classroom namin na kesho pangit siya, na kesho bansot siya. “Biro lang cute!” Dagdag ko.


“Haha, yeah this is my property!” Medyo sarkastik niyang sagot. Alam ko namang nagbibiro lang ito. Nakita ko naman ang kanyang mga ngiti, iyon bang parang kinikilig haha, I don’t know, pero baka siguro dahil dapatwat sa sinabi kong ‘cute’.


“Lunch?” Pagaalok ko sa kanya. Actually kasi kanina pa ako gutom, nagaantay lang ako nang kasabay, then I saw Colby, tutal, may pakay din naman akong itanong sa kanya e.


“No thanks. Kakatapos ko lang.” Ani niya sabay sipsip sa drinking straw ng iniinom na chocolate shake.


“Haha! Uy, may itatanong ako sa iyo?”


“Ano po iyon?”


“Hahaha, itigil mo muna iyang kaka-‘po’ mo sa akin. Haha” Pagbibiro ko pa.


“Okay po. Haha.” Pagbibiro ni Colby, “Biro lang!”


“Haha sige ganito, hmmm? Di ba nasabi mo dati na taga bulacan kayo dati? Remember? Noong hinarana kita? este kinantahan kita sa mini park sa subdivision sa inyo? Haha.” Pagpapa-alala ko sa kanya.


“Yeah. Ah.. Eh.. Okay, natatandaan ko na.” Tipid niyang sagot. I noticed something from his voice and reaction, nauutal utal pa, bakit kaya?


“May tropa kasi ako from bulacan, ang sabi niya may kamaganak daw siya dito sa manila. Matagal ko na kasing hindi nakikita iyon e. Childhood bestfriend ko kasi. Ang pinagtataka ko lang kasi parehas kayo ng apelyido at probinsya, anyway baka kilala mo haha.” Pagpapalusot ko, pero iyong tropang iyon ay si Vince, sobra na ata akong obsessed sa kanya, ako pa talaga ang pupunta. Pagibig nga naman oo! =’)
Napansin ko si Colby na parang nag-isip sa sinabi ko. Ewan ko ba? Pero I feel something sa loob loob niya e, parang natatakot? Kinakabahan? Then why?


“Ahh. Vince ba kamo Tristan? Vincent Rivera?” Medyo nalilito niyang tanong sa akin. Parang nangangasim iyong mukha niya, ewan! Hindi naman ganito si Colby e, parang ang lalim ng iniisip.


“Yeah, exactly!” Shit! Bakit niya kilala si Vince, parang tama ang kutob ko ah?!


“Ahh kasi Tristan, he’s my cousin.” Parang nahihiya niyang sagot. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Shit! Antagal na ko nang nasa harap si Colby tapos ito?  Pinsan niya pala ang taong pinakamamahal ko? Shit! Parang ang saya! Haha, pero napansin kong parang may mali sa sinabing iyon ni Colby, yung “eh kasi Tristan” medyo malakas ang pagkakasabi niya, ngunit yung “He’s my cousin.” Pansin ko na humina ang pagsasalita niya. Hindi ko na lang ininda.


Natatandaan ko, yung time na tinawagan ko kasi siya. May tumawag sa pangalang Colby, at ang sabi ni Vince, pinsan niya iyon. Shit! Tama nga ang kutob ko. Magpinsan sila.


“What?! Pinsan mo siya?” Gulat kong reaksyon. “Pinsan mo talaga si Vince?” Pagkukumpirma ko.


“Yup.” Malungkot niyang tugon. Bakit kaya? “Bakit? Anong pakay mo sa kanya?” Tanong niya. Napaisip naman ako, ang OA pala ng reaksyon ko, ganoon ba ang reaksyon kapag nalaman mo na ang tropa (kuno) mo ay pinsan ng kaibigan mo? Parang ang hirap paniwalaan na kaibigan lang. Maliban na lang siguro kung straight si Colby. I know, may naamoy siya sa sinabi kong iyon, kaya siguro ganoon ang rekasyon niya sa pagkagulat ko, marahil at nagiisip ito.



“Ah, wala naman Colby, kasi kapit bahay niya iyong nililigawan ko haha.” Pagdadahilan ko. “Through text na ligawan lang namin, kaibigan daw ng pinsan mo, nireto sa akin.” Pag-aalibi ko sa kanya . Napansin ko naman na parang tumahimik siya, may nararamdaman akong kakaiba sa mga mata niya e, parang ang lungkot? Parang ang daming problema? E kanina ang ganda ganda ng ngiti niya sa akin e. “Are you alright Colby?”


“Yeah, yeah! I’am okay, sorry napuyat lang kagabi.” Pagpapaliwanag niya, para naman tong nagising sa ulirat sa tinanong ko. “Paano pala kayo nagkakilala ni Vince?”
Isip isip ng alibi..


“Ahh.. Ehh.. Kasi, yung uncle ko taga bulacan. Nagbaksyon kasi kami doon ng kuya ko. Kaibigan siya ng brother ko, tapos iyon naging magkaibigan na din kami. Nakuha ko lang iyong number nya kumakailan lang noong nagka-chat kami sa fb, tas yan yun may nireto siya sa aking chicks!” Pagdadahilan ko sa kanya. Hindi man ganung kapani-paniwala ngunit bahala na.
Hindi siya sumagot. Mistula siyang wala sa sarili at parang ang lalim ng iniisip.
Tahimik.


“May favor sana ako sayo?”


“Ano iyon Tristan?”


“Pwede bang samahan mo ko kay Vince? This weekends? Sagot ko pamasahe mo.” Mungkahi ko sa kanya.


“Ano?! Makikipagkita kay kay Vince?!” Gulat niyang sabi. Napansin ko na mistula siyang binatukan ng maraming beses sa reaksyon nya. Nakakatawa nga e, pero napaisip ako. Para saan iyong reaksyon na iyon?


“Yep, may masama ba dun?” Confident kong sabi.


“Ahh.. Ehhh.. Kasi Tristan, may gagaw..”


“Please?” Pagmamakaawa ko kay Colby. Hay nako Tristan! Ganyan ka ba ka-desperado magmahal? Namimilit pa ng tao?


“May gagawin pa kasi ako this weekends e, remember? Iyong assignment natin sa accounting?”


“Please? Sandali lang naman e, saka pwede naman natin iyon gawin dun. Tutulungan kita? Please?” Pagmamakaawa ko. Desperado? Oo e, si Vince naman kasi e, kung dati pa sana nag-meet up na kami hindi n asana ganito pa na kailangan kong mamilit ng tao.


“Ahh.. Sige. Fine.” Cold na sabi niya. Parang napilitan lang.


“Thanks talaga Colby, salamat!” Yes! Napapayag ko na siya and finally, magkikita na rin kami ni Vince!


“Pumunta ka na lang sa bahay ng Friday 6 p.m. huh?” Pagyayaya niya.


“Sure, salamat talaga Colby.” Pagpapasalamat ko. Binigyan nya lang ako ng isang ngiti.



(flashback ends here XD)



So this is my plan, pupunta ako kila Vince sa darating sa sabado. Sa sabado na rin kasi ang monthsary namin e, and I want to surprise him. Also, eto na rin siguro iyong mothsary gift ko sa kanya.
Buti na lang talaga at napapayag ko si Colby sa gusto kong mangyari. Nagulat talaga ako sa rebelasyon niyang iyon. Kung matagal ko na sanang alam, malamang sa malamang matagal na kami nagkita ni Vince.


Wednesday in the afternoon, I decided na pumunta sa mall para bumili ng another monthsary gift para kay Vince. Bumili ako ng isang mamahaling wrist watch para sa kanya. Maganda iyong wrist watch na binili ko for him, ang sabi nga sa akin ng sales lady ay bagong labas lang daw iyon. Ang mahal nga e, halos maubos iyong allowance ko sa pagbili nun, pero ayos lang, that’s for my love of my life.


<3
               

Colby’s Point of View.



Tatlong lingo na ang nakalipas since naging kami ni Tristan, hindi pala ako, si Vince at si Tristan =(.  Halo halong emosyon naman ang naramdaman ko sa halos tatlong lingo na iyon. May mga kilig moments din syempre as a Vince, pero isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa amin ni Tristan as ako si Colby.


Retreat namin iyon, sa Baguio. Ayaw nga ako payagan ni Mom dun kasi nga malayo pero pinaalam ako ni Nerrisse kay Mom kaya pinayagan niya na rin ako. And take note! Nandoon din si Tristan para ipagpaalam ako before out retreat, syempre, kilig naman ang lola niyo.


(flashback…) 

    
Dumating kami ng 4 in the afternoon sa venue. Syempre kapag retreat, may mga activities na may kaugnayan sa religion at kay God. Nagkaroon ng mga games at may mga pastor pa na nag-speech sa harap about sa sacrifices ni God dahil sa pagmamahal sa atin. Hindi naman ako nabored na retreat na iyon dahil sa masaya ito, madami kang ma-rerealize at may mga comedian pang emcee ang mga activities na isinagawa tulad ng mga games nga, pagdadasal, pagkanta ng mga religious songs at pagmemedidate.


It was eight in the evening noong nag dinner kami. At nine in the evening noong pinagprepare kami para matulog dahil 10:00 p.m. ang lights off sa dormitory. Hiwalay ang boys at girls sa dormitory, syempre alam na, at iyon ang ina-avoid ng university namin kaya pinaghiwalay.


Nasa baba ng double deck noon si Tristan, pinili niya daw talaga ang babang parte ng double deck dahil malulain daw iton at malikot matulog.


“Tol, sa taas ka na lang ha? Malikot kasi ako matulog e, saka malulain, baka malaglag ako pag ako sa taas.” Pakikiusap niya.


“Okay sige.” Pagsasangayon ko sabay bigay ng isang ngiti. Nagulat naman ako dahil kinurot niya ang aking mga pisngi, parang nangigil o nakyukyutan? Haha. Assuming here :D (Cute daw e, gwaarrrrkk! XD)


Habang nasa taas ako ng double deck narinig ko naman ang usapan ng ibang boys ng room namin.


“Pare, may multo daw dito sa dormitory na to.” Ani ni Carlo, isa sa mga classmates ko. Kinilabutan naman ako sa narinig. Oo, mahilig akong mag-explore at mag-research about creepy things, pero ako din naman tong takot at hindi makatulog kapag nag-eexplore ako.


“Oo nga daw pare, sa taas daw ng dorm? Malapit sa may terrace? May namatay daw kasing security guard na nagbabantay ng terrace na iyon. Napagtripan daw ng mga loko lokong nag-retreat dito, kaya madalas daw nagpaparamdam daw iyon namatay na guard na iyon sa mga nagreretreat dito.” Kwento ng isa ko pang kaklase, si James. Shit! Lalo tuloy akong kinilabutan. Dalawang palapag lang kasi ang layo naming mula sa terrace e, tapos na sa may bandang pintuan pa ako. Malawak pa naman ang imahinasyon ko lalo na sa ganyang mga bagay.


“Saan mo naman nalaman yang kwentong yan?” Tanong ni Tristan na parang hindi naniniwala sa kwento ng mga kaklase naming.


“Dati na kasi kaming nag-retreat dito pre, noong 4th year high school pa lang ako. Nag-ghost hunting kasi kami dito, kami walang nakita pero iyong dalawang kasama naming, may nakita daw pagkabukas nila ng pinto palabas ng terrace.” Kwento pa ni James, o__o tama na please, kinikilabutan ako sa kwento mo James e, naiimagine ko kaya!


“Sus, barbero ka tol!” Si Tristan, sabay hagis ng dalang unan kay James.


“Hindi ako nagloloko tol, promise. Ang kwento pa nga minsan rumoronda ang guard na iyon kapag lights off na e. Nagpapakita daw sa mga nag-reretreat dito. Hindi naman daw lahat pinapakitaan nun, pero malas mo kapag napakitaan ka. Walang mata ang guard na namatay na iyon at duguan ang ulo.” Grabe na! Pwede pa bang mag-backout at umuwi na lang sa Manila? Natatakot na talaga ako e.


Habang nasa ganoon silang kwentuhan, biglang…


LIGHTS OFF!


“Shit! Ano ba to? Ang dilim!” Bulong ko sarili. Ang dilim kaya! Lalo tuloy akong kinilabutan! :\


At ayun nga! Lights off na nga pero tuloy pa rin sila sa pagkekwentuhan ng mga nakakatakot na bagay.


“Gusto nyo i-try natin mamaya mag-ghost hunting para malaman natin kung totoo nga ang sinasabi nito ni Mokong?!” Yaya ni Rex, isa sa mga kaklase ko. Sabay turo kay James na nagkwento ng mga kababalaghan na iyon.


“Baka naman mahuli tayo nyan ng mga facilitators, wag na!” Tangi ni John.


“Oo nga.” Pagsang ayon pa ni Yro. Isa sa mga classmate ko.


“Sus! Mga duwag. Bilis na mga parekoy, wala namang makakakita kasi tulog na ang mga facilitator. At iyong mga gising pa, nasa baba iyon ng dorm kasi nag-peprepare pa iyon ng breakfast para bukas.” Pag-iinsist ni Rex. Parang may naguundyok sa aking katauhan na sumama sa kanila, pero natatakot naman ako dahil baka nga totoo yung kwento na kinekwento ng mokong na James. Tssss! Kinwento pa kasi e, teka sino ba nagsimula nito? Pitikin ko kaya sa pancreas to? XD


“Sige guys, try natin.” Pag-iinsist ng mahal ko :D. Noong marinig ko naman na sasama siya, aba’y parang mas lalo tuloy akong ginanahang sumama sa kanila. Haha. Talande!


“Deal?” Si James, buset to! Pasimuno. Nagkwento pa kasi e. Sana makatulog mamaya :’(


“Tara! Game.”


“Game.”


At napagdesisyunan na nga nilang anim na mag-ghost hunting. Si mahal, si James, si Carlo, si Yro, si Rex, at si William. Dahil sinasama nila si mahal kong Tristan, parang may nag-udyok sa akin na sumama rin. Kaya tulad ng ginagawa nila, naghanda rin ako ng, kumuha ng flashlight at nang panyo, syempre kapag nakakakita ng multo may magagamit akong panakip ng mata, Haha!


Akmang lalabas na sila ng pinto ng dorm, nagdahan dahan lang sila dahil baka may mga facilitator sa labas ng dorm. May iilan din silang mga kasabwat na mga kaklase naming na kasama sa dorm, pero iniiwasan nila magising ang ibang mga sumbungero naming kaklase upang hindi mabuko sa makasaysayang ghost hunting. Palabas n asana sila ng biglang..


“Sandali lang..” Pagpigil ko sa kanila. Lumingon naman sila sa akin. Ang akala kasi nila ay hindi ako sasama sa kanila dahil hindi naman talaga ako kasama sa kwentuhan nila before. “Sasama ako..” Tipid kong proposal sa kanila.


“Wow sure baby…” Pangaasar ni James, loko to ah? Sino siya para tawagin akong baby? Si Tristan lang ang pwede :D


“Tara na, bilis.” Si Yro.


Habang dahan dahan kaming naglalakad papunta sa hagdan paakyat sa sinasabing terrace nitong James na to..


“Maghiwa-hiwalay tayo, tignan niyo din sa ibang floor kung may ibang kababalghang nangyayari..” Insist ng tapang tapangang Rex.


“Eh, wag na. Wala namang ganyanan.” Tangi ni John, hahaha duwag talaga to! Hahaha parang ako hindi e noh? Pero sa totoo pa lang kanina pa ako pawis na pawis dahil sa takot, sa kwento pa lang ng mokong na James.


“Sige na, disperse mga parekoy.” Ani ni Boss Rex :3


Umakyat ako sa susunod na palapag, samantalang ang iba ko namang kasama ay nag-explore sa iba pang floor nang dorm na iyon, karamihan sa amin ay bumaba. Dala dala ang flashlight na nagiisang ilaw sa kadiliman.


Sobra akong nanginginig sa mga oras na iyon, iyon bang napakagulo ng aking isip. Gusto kong mag-backout ngunit gusto ko ding mag-explore kung totoo nga ang sinasabi ni James.


Bawat hakbang ko sa bawat palapag ng hagdan, pakiramdam ko ay parang nalalapit na ako sa kamatayan. Ano kaya ang gagawin sa akin ng multong guard ng terrace na iyon kapag  nakita ko siya? Harujusku! Baka himatayin ako at magulat na lang ako at kaladkarin isama niya ako sa kabilang buhay. Harujusko!


“Kalma Colby, Kalma.” Bulong ko sa sarili.


Maya maya ay narinig akong mga yapak ng paa na parang tumatakbo sa kabilang hagdanan. Takot na takot akong naghikahos makaakyat at napasandal ako sa isang pintuan. Dalawang pintuan ang nandoon, sa tingin ko ang isa ay isang pintuan para sa restroom dahil may nakalagay na sign na “Restroom” Malamang sa malamang restroom yun. Tsk Colby talaga. Samantala, tinapatan ko naman ng flashlight ang pintuan ng terrace. Pinilit ko itong binuksan ngunit sarado ito.


Sunod ko namang pinaplanong buksan ay ang pinto ng CR, ewan ko ba? Pero parang kinakabahan ako sa itsura ng pintuan at ang ambiance sa tapat ng pintuan na iyon. Parang mayroong tao sa loob, Jusmiyo! Wag naman sana si Manong guard :’(


Takot na takot kong hinawakan ng doorknob ng banyo malapit sa pintuan ng terrace. Pawis na pawis ako sa mga oras na iyon. Para akong hihimatayin sa takot. Ewan ko ba kung anong klaseng espirito ang pumasok sa katauhan ko para subukan tong ghost hunting na to. Si James kasi e, bakit niya pa kasi naisip na maghiwahiwalay kami sa pag-goghost hunting e.


 Hawak sa doorknob.


Unti-unting binuksan ang pinto habang hawak hawak ko ang flashlight ko.


Tagaktak ang pawis sa sobrang takot.


Sigh!


Nanlalamig ako! Sobra!


Aktong pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto napasigaw ako sa nakita, isang salamin. Hindi naman ako natakot at nabigla sa sarili ko. Bagaman sa isang lalaking may hawak ding flashlight sa likod ko.


"Ahhhhh!!!!" Pagsigaw ko. Shit! Multo! Hala.


“Ahhhhhh!!!!!” Sigaw din ng multo, hala, manong guard? Ikaw na ba yan? Wag ka naman ganyan oh? Hindi ako ang pumatay sayo. Teka, teka, teka, bakit ka natakot sa akin? Multo natakot sa tao? Bago yun ah?
Tumalikod ako at kakaripas sana ng takbo ng biglang bumanga ang buong katawan ko sa gitna nang dibdib ng multong iyon. Mabilis kaming bumagsak sa lapag, napaibabaw ako sa multo.
Pero teka? Di ba kapag multo dapat tatagos ka sa kanya? Pero bakit ganito? Parang hindi siya multo? Shit! Buhay si Manong guard? At naghihiganti? Hindi naman ako ang pumatay sa iyo ah? Wag ka sa akin maghiganti.


At saktong pagkalapat ng likod ng lalaki sa lapag gawa ng lakad ng impact ng pagkatulak ko, aksidenteng sumubsob at naglapat an gaming mga labi. Laking gulat ko sa pangyayaring iyon, mistula akong natigilan at pakiwari ko ay tumigil din ang oras sa mga oras na iyon. Teka, teka, teka? Sino ba ito? Shit! First kiss ko ay Multo? Manong Guard? Bakit ikaw pa? Pero teka? Nakikiss ba ang multo? Haha.


Hindi pa rin naalis ang pagkakalapat  ng aming mga labi sa sobrang galit naming dalawa, naamoy ko ang isang pamilyar na pabango, teka, ito yung pabango ni..


At kumalas na kaming dalawa mula sa pagkakalapat ng aming labi. Kinuha ko ang flashlight ko at tinutok sa mukha ng taong nakadaganan  at aksidente kong nakahalikan.


Gulat na gulat ako sa nakita ko, si Tristan. Shit! Teh? Penge namang isang bakantang lugar oh? Namumula na ako sa sobrang kilig.. Shit! He is my first kiss.. My boyfriend, este, Vince’s boyfriend. =( Pero kinikilig talaga ako e.


Nakita ko ang ekspresyon ng mukha nito, noong tinutukan ko siya ng flashlight para itong nasilaw, hindi ko man lang nakita ang pagkagulat sa kanya. Parang natatawa tawa pa ito. Wow! Baka nagustuhan niya mga ateng ang “as soft as a cotton kong labi” :D pweeee!


“Uhh.. Ehh.. Tristan? Anong ginagawa mo dito? At sa ka?..” Utal kong tanong sa kanya ng bigla niyang hinarang ang kanyang hintuturo sa labi ko.


“Shhhhtt. Its okay. Sa atin lang naman iyon e, at least walang nakakita.” Sabi ni Tristan. Iyong boses niya. Shit! Iyong parang nangaakit? Napaka-romantic. Potteekk! Tinitigasan tuloy ako ^_^


“Huh? Ah.. Ehh.. Sorry..” Nahihiya kong sagot ko sa kanya. Plastic ka Colby, kinikilig ka kaya. Basta iyon, nauutal ako sa pagsasalita sa pagkagulat at sobrang kilig na hindi ma-release release.


“Do you want to continue? Ok lang, atin atin lang.” Mapangakit niyang tanong, oh yeah baby sige lang haha! Pero parang may bumalot sa aking katauhan na huwag ituloy ang makamundong pagnanasa na iyon kay Tristan. “Joke lang.” Dagdag niya T.T Potek, buti na lang at hindi ako pumatol at baka hinuhuli lang ako nitong si mahal. Haha XD


“Haha. Loko ka Tristan. Tigilan mo nga ako..” Pakipot kong sabi. Kulang na lang ay hawiin ko ang buhok ko at ipatong sa tenga ko para maturing na pakipot e haha XD.


“Sus. Hahaha! Tara na nga at bumaba na tayo. Wala naman atang multo dito e. Loko yang James na yan ang daming kabarberuhan.” Sambit niya sabay hawak sa mga kamay ko at hinila ako pababa ng hagdan. Shit! Kilig rate(1,000,000,000,000,000%).


Bumaba kami ng hagdan ng magkahawak ang mga kamay. Nakita na namin ang aming mga kasama na parang mga bigong pusa na hindi nakakain ng inaasam na tinik.


Tama nga ang hinala ko, mga wala rin silang nakita. Tinanong nila kami ni Tristan kung may nakita ba kami sa taas, nagkatinginan muna kami at sabay naming binigkas.


“Wala.” Sabay naming bigkas.


Pero may ang totoo, may nasaksihan naman talaga kami. Ang insidenteng hindi ko makalilimutan ang first kiss ko.


Pagkabalik na pagkabalik ko ng kama ko. Kinuha ko ang aking unan at itinabon ko ito sa mukha ko at nagsimulang tumili, buti na lang at tinabon ko ang dala kong unan upang hindi ako makalikha ng ingay. Grabe mga ateng! ngiting tagumpay ako. Kung pwede nga lang sana umurong ang oras at ulitin ang mga pangyayari hindi na ako kakawala pa sa kanyang mga labi. Ngunit, tapos na e. Naunahan ako ng pagkabigla at sobrang kilig kanina.


(flashback ends here XD)


Sobra ang tuwa ko nung araw na iyon. Halos hindi nga ako makatulog e. At last, nakatamtan ko na rin ang aking fist kiss ko, sa unang lalaking pinakaminahal ko. Grabe! Pahawak hawak pa ako nun sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng bakla sa buong mundo sa mga oras na iyon. Ikaw ba naman? Ang lalaking ang tagal tagal mo nang pinapantasya ay nahalikan mo. Hayahay ang buhay.


Ngunit, isang malaking problema naman ang haharapin ko ngayon. May tatlong araw na lang pala at hindi pa ako nakakaisip ng alibi upang  mapurnada ang balak ni Tristan.


Miyerkules ng gabi habang naglalakad lakad ako sa loob ng village namin, ang dami daming laman ng isip ko. 
Unang una, paano mapupurnada ang makasaysayang eyeball na magaganap? Pangalawa, dapat ko pa bang ipagpatuloy ay pagtatago ng sarili ko sa katauhan ni Vince? Pangatlo, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo? Pangapat, matatangap niya pa kaya ako? Bilang Colby? Bilang Colby na naging kaibigan niya? Ang dami daming katanungan ang umiikot sa isip ko ngayon.


Hanggang sa ito na lang ang choice ko, ang umiyak. Bakit ko pa kasi ginawa to e? Edi sana hindi na ganung ka komplikado ang lahat. Napakalakas ng daloy ng luha ko, sa sobrang dami ng iniisip, parang hindi ko na ata kaya. Lalo na noong mabasa ko ang text ni Tristan kanina sa akin.


Tristan: Love? Malapit na eyeball na tin ah? Surprise yung date. =) I love you…


Hindi man lang ako nakaramdam ng kilig sa text niyang iyon. Sobrang bigat kasi ng dinadala ko e. Ang komplikado na, at ang malala, wala siyang kaalam alam kung gaano na kakumplikado.


“Ang hirap. Ang sama sama kong tao, manloloko ako. Naawa ako sa kanya kapag nalaman niya, parehas kaming dehado.” Sambit ko sa sarili habang umiiyak at nakaupo sa parehas na upuan kung saan kami umupo nung kinantahan niya ako.


Habang nasa ganoon akong pag-iyak, naramdaman ko naman ang tulo ng tubig sa aking balikat. Umaambon nap ala. Ngunit hindi ako nagpatinag sa ambon, naupo pa rin ako sa upuan na iyon.


Hanggang sa lumakas ang ulan. Tila nakikisama naman ang panahon sa emosyon ko sa mga oras na ito. Bakit ba ganito ang ulan? Ang sabi sa napanuod ko na koreanovelang “Love Rain” na ang pag-ulan daw ay sumisimbolo ng pag-ibig. Pero bakit ganito? Hindi ko maramdaman iyong pagibig? Hindi ko maramdaman iyong saya ng isang taong umiibig. Napakakomplikado ng lahat. Ang hirap. Kung pwede lang sana lagpasan ang araw ng biyernes at sabado ay matagal ko nang ginawa. Bakit ang aga naman ng kirot na nararamdaman ko? Bakit hindi man lang ako hinayaan ng tadhana na namnamamin ang pag-iibigan namin ni Tristan? Sabagay, hindi naman talaga kami ang nagiibigan, ako lang ang nagmamanipula.


Kinabukasan ay hindi ako nakapasok ng school, sobrang taas kasi ng lagnat ko dahil sa pagpapaulan ko kagabi. Hindi pa naman ako sanay na magpaulan at kapag nauulanan ako ay paniguradong kasunod nito ay sakit. Tinawagan ko na rin si Nerrisse na hindi ako makakapasok dahil sa sobrang taas ng lagnat ko.


“O sige teh magpagaling ka ah? Nagalala kami sayo.” Alalang sambit ni Nerrisse.


“Salamat, oo nga pala teh, di ba bukas wala na tayong klase ng 10a.m. onwards punta ako sa inyo. May sasabihin ako.” Balak kong mag-unload kay Nerrisse at baka may maitulong siya sa akin.


Kinabukasan, magaling na ako mula sa katakot takot na lagnat. Medyo sinisinat na lang pero kaya ko na namang kumilos. Hindi na ako pumasok ng unang subject dahil dumeretso ako sa clinic at nagpahinga sandal upang bumawi ng konting lakas.


Natapos ang klase nila, nakita ko pa si Tristan na nagmamadaling lumabas ng school gate..


“Siguro, magiimpake na siya..” Sambit ko sa sarili.


“Huy teh?” Si Nerrisse, pagkakalabit sa akin ng kaibigan agad akong humarap sa kanya at niyakap to.


“Colby..” Paglalambing niya sabay haplos sa likod ko. I know, alam niya na may problema ako. “Its okay.” Dagdag niya pa. Unti unti nang dumaloy ang mga patak ng luha sa pisngi ko. Tumulo naman ito sa mga balikat ni Nerrisse.


Pumunta na kami ni Nerrisse sa bahay nila. Saktong nasa trabaho ang mga parents niya kaya napagdesisyunan naming sa sofa na lang mag-usap instead sa kwarto niya, hindi pa daw kasi siya nakakapaglinis.


“Teh, now tell me. Ano bang problema?” Bungad na tanong niya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.


“I’m sorry teh.”


“Sorry? For what? May nagawa ka bang kasalanan sa akin? Kung ano man iyon? Napatawad na kita.”


“Partly meron.”


“And what is it?”


“I lied on you.”


“Na?”


“Na tuwid ako, na hindi ako bakla. Teh, bakla ako. Umiibig ako sa kapwa ko lalaki.” Naluluha kong sambit.


“Teh, kahit hindi mo sabihin matagal na kitang tanggap. Hindi ako galit, pero teh ang gusto malaman iyong full. Ang sabi mo nagkasala ka sa akin partly, e kanino iyong fully?”


At ikinwento ko kay Nerrisse ng buong detalye ang lahat ng pangayayari simula pa lamang nung magkakilala kami ni Tristan through text. Maging siya ay nagulat kay Tristan, hindi niya inaakala na nagmamahal din pala ito ng kapwa babae. Nagulat din siya sa napakadaming twist of fate na nangyari sa amin ni Tristan. Nang hingi din siya ng sorry dahil pinaalala niya pa dati iyong dapat itanong ni Tristan sa akin.


“Teh, ang sama sama ko.” Sambit ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko.
Niyakap niya ako.


“Hindi teh. Iyan ang huwag na huwag mong paniniwalaan.” Sabi ni Nerrisse habang hinahaplos haplos ang likod ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.


“Ang hirap na kasi teh, sobrang komplikado na. Nanloko ako ng tao, ang sama sama ko.”


“No, naniniwala ako Colby. Nagawa mo na lang iyan dahil sa nagiging turing ng karamihan sa iyo, pero I know, hindi mo ginusto iyan. I know, nararamdaman ko hindi mo ginusto iyan. Lahat ng nangyayaring bagay sa atin ay hindi natin ginusto, may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, I know, may rason ang lahat.” Pag-cocomfort niya. I was amaze sa mga sinabi niya, tama siya. Lahat ng nangyayaring to ay may rason, na hindi lang aksidente kung bakit kami nagkakilala at nagkandabuhol-buhol ang mga pangayayari.


“Ano bang dapat kong gawin teh? Hirap na hirap na ako.”
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga kamay ko..


“Colby, you have to tell him. May karapatan siyang malaman ang lahat. At least, habang maaga pa ay malaman niya na. Kung mas late mo pang sasabihin at ipagpapatuloy mo pa ang pagpapangap mong iyan mahihirapan ka, mahihirapan siya. Kaya tell him Colby, I know magiging masakit iyon pero para iyon sa ikakabuti niyong dalawa. Hindi niyo man maisalba ang pagiging magkasintahan niyo o ang pagkakaibigan niya ang mahalaga magkalaman na. Mas masakit Colby kung sa iba niya pa malalaman.” Sambit ni Nerrisse, tama siya, magiging mas mahirap kung sa iba niya pa malalaman.


At nakagawa na ako ng desisyon. Tama! Isisiwalat ko na sa kanya ang lahat. Oo, magiging mahirap at masakit ang mangyayari pero para na rin iyon sa ikakabuti naming dalawa. Malalagpasan ko to. I know, everythings gonna be fine.


Sa buong maghapong iyon ay nag-stay na muna ako kila Nerrisse. Naglaro kami ng xbox niya at nagbonding sa kusina. Napaka-swerte ko na magkaruon ng isang totoo at matulunging kaibigan tulad ni Nerrisse. Maraming salamat sa kanya at naliwanagan ako at tila gumaan ang makiramdam ko.


“Handa na akong harapin ka Tristan, no matter what happen, at least. Masasabi ko na rin sa iyo.”


Hinatid ako ni Nerrisse sa sakayan ng bus, niyakap niya ako..


“Teh, tawagan mo ko kahit anong mangyari ah? Nandito lang ako. Kaya mo yan, basta ang isiksik mo sa isip mo, hindi ka masama. Lahat ng tao hindi perpekto, nakakagawa ng mali. Isipin mo na may rason to kung bakit nangyayari, lahat ng bagay may dahilan.” Sabi ni Nerrisse habang nakayakap siya sa akin.


“Salamat teh, hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sayo. Naliwanagan ako.” Pagpapasalamat ko sa kanya.


“Basta ikaw teh, sige na. Ingat ka. Tumawag ka mamaya ah?” Pagpapaalam niya..


Habang nasa bus ako, tinignan ko ang isang cellphone na ginagamit ko sa public, mayroon itong 3 missed calls mula kay mommy at 10 mula kay Tristan. Pagkatingin ko naman ng cellphone kong isa na ginagamit ko pang-contact kay Tristan, nagulat ako dahil mayroon din itong missed calls mula sa kanya. Hindi na ako nagtataka kung tumawag siya, pero parang may naramdaman kasi akong kaba noong makita ang mga missed calls na iyon sa number na gamit ko upang makatext siya.



Pagka-skip ko naman ng missed call tab, nakita ko naman ang isang message mula sa kanya. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako noong makita ang laman ng message na iyon.




Tristan: Shit! Manloloko ka! Bistado ka na! 




-I T U T U L O Y




Sunday, May 5, 2013

CAMPUS TRIO 19-20

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Nais kong magpasalamat ulit sa mga taong patuloy na sumusubaybay at nagbibigay ng kanilang mga komento sa aking kwento. Sana po ay hindi kayo magsawa hanggang sa pagtatapos nito. Kaunting tiis na lang po at mababasa niyo na ang inaabangang karugtong.

Happy Reading... 



[19]
"Ano sinabi sayo ni Mom?" ang nakangiting pagtatanong ni Bryan kay Andrew. 
Ngunit hindi na nagawa pang sagutin iyon ni Andrew sa halip ay agad siyang kumaripas ng takbo. Ayaw niyang ipakita dito ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Naririnig niya ang pagtawag ni Bryan sa kanyang pangalan pero hindi niya pinansin ito.

Agad namang nakahanap ng lugar na matataguan si Andrew. At doon niya ibinuhos ang kanyang mga saloobin sa pamamagitan ng pag-iyak.Unang beses pa lang siya magmahal kaya napakasakit para sa kanya ang lumayo sa taong laman ng kanyang puso.

Sa kabilang banda naman ay puno ng pagtataka si Bryan sa inasal na iyon ni Andrew. Naisip niya na baka may kinalaman ang naging usapan nila ng kanyang ina kaya minabuti niyang kausapin ito.

Pagkapasok ng opisina ay agad siyang nagtanong.
"Sinabihan ko lang siya na titigil na siya sa pagtutor sa kapatid mo." ang sagot ng kanyang ina na abala sa pagsusulat.
"Bakit niyo ginawa yun Ma?" ang nabiglang tanong nito.
"Im not satisfied sa kanyang pagtuturo sa kapatid mo."
"Really? Nakita niyo naman ang pagtaas ng mga grades ni Billy."
"Gusto ko rin mag advance lessson siya. Mas makakabuti sa kanya kung isang professional tutor ang magtuturo sa kanya."
"Andrew can do that. Matalino siya at alam niyo yun."
"I know but my decision is final."
"Hindi maaari ito Ma. I know na may iba pang dahilan ang pagpahinto mo sa kanya. Alam na ba ni Billy ang tungkol dito?"
"Kahit anong pagtutol mo ay wala ka nang magagawa pa. At tungkol naman kay Billy, hindi ko naman kailangan ipaalam pa sa kanya dahil ako ang masusunod."
"Paano naman po si Andrew, Mawawalan ang pamilya niya ng additional income."
"Sinabihan ko siya na pag-iisipan ko pa ang ipapalit kong trabaho sa kanya."
"Kailan pa?"
"Maghintay siya."

Hindi kumbinsido si Bryan sa sagot ng ina.
"Ano pa ang iba niyong pinag-usapan Ma?" ang sunod niyang tanong. Gusto na niyang malaman ang tunay na dahilan ng ginawang aksyon ng kanyang ina kay Andrew.
"Yun lang. Bakit may iniisip ka pa bang iba?"
"Meron. Kanina pagkalabas ni Andrew dito, bigla na lang siya umiwas at nagtatakbo nang makita ako. Hinala ko na may sinabi ka sa kanya na naging dahilan para magkaganon siya."
"Talaga palang ganyan ka kung makapag-alala sa kanya." ang pahayag nito na sinabayan ng pang-insultong ngiti.

Sa narinig na sagot ay may nakuha na siyang clue sa kanyang gustong malaman.
"Oo Ma. Dahil mahalaga siya sa akin." ang deretsahang niyang sagot.
"Alam mo ba ang sinasabi mo?!" ang medyo napataas na ng boses na tanong ng ina.
"Oo at seryoso ako Ma."

Napatakip ng mukha ang ina ni Bryan dahil sa mga narinig sa anak. "Yan, yan ang dahilan kung bakit ko siya pinatigil. Gusto kong lumayo siya sa iyo."
"Hindi ako papayag Ma."
"Nahihibang ka lang. Hindi mo ba iniisip ang maaring mangyari ng kahibangan mong yan. Ngayon pa lang pinag-uusapan ka na ng lahat ng tao at estudyante sa buong university. Wala ka bang kahihiyan? Kung hindi sa sarili mo sa pamilya na lang sana natin."
"Yan pala ang inaalala mo Ma. Ang reputasyon natin dito sa school tsk. I dont care sa iisipin at sasabihin ng iba tungkol sa akin o sa pamilya natin. Ang importante lang sa akin ay ang kasiyahan ko at ito ay si Andrew."
"Masyado nang nilason ng Andrew na yan ang isip mo. Sabi ko na nga ba noon pa lang may hinala na ako sa inyong dalawa. Sige pairalin mo ang tigas ng ulo mo. Tignan lang natin ang pwede mangyari sa kanya."

Natigilan si Bryan sa narinig sa ina. Alam niya ang mga kayang gawin nito makuha lang ang gusto. Una niyang naisip ang scholarship ni Andrew. Maaaring siyang tanggalin at hindi na makapagpatuloy ng pag-aaral. Kung mangyayari iyon ay masisira ang kanyang kinabukasan pati ang magiging buhay nilang mag-ina.
"Ok. Kung anuman ang gusto niyo susundin ko." ang tila sumusuko nitong pahayag.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo."

Pagkalabas ng opisina ay agad niyang pinuntahan si Andrew sa room nito upang kausapin ngunit siyay nabigo. Napagdesisyunan na lang niya na puntahan ito sa kanilang bahay.
______
Malungkot na inilahad ni Bryan sa kanyang mga kaibigan ang naging usapan nila ng kanyang ina.
"As expected. Noon pa lang naisip ko na ang possibility na mangyayari ito" ang komento ni Michael.

"So ano na ang balak mo ngayon. Isusuko mo na ba si Andrew?"
"Never kong gagawin ang bagay na yan." ang pagdeny ni Bryan sa narinig.
"Pero pumayag ka sa gusto ni Tita."
"Nasabi ko lang yun para hindi na maging kumplikado pa ang sitwasyon. Baka kung magpumilit ako ay pahirapan niya si Andrew."
"Ano naman ang gagawin mo?" si Troy.
"Naisip ko na sundin si Mama sa ngayon. Hihintayin ko lang na makapagtapos ako at makahanap ng magandang trabaho nang sa gayon ay hindi na ako aasa pa sa kanya. Hindi na niya ako makokontrol at magagawa ko na ang gusto ko."
"I agree with your plan tol. Talagang ang laki na ng pinagbago mo." ang masayang papuri sa kanya ni Troy. Simula nang makilala niya si Andrew ay napansin niya ang paglabas ng mga mabubuting katangian ng kaibigan.
"So the question is, makakaya mo bang dumistansiya sa kanya. Almost a year pa ang hihintayin mo?" ang tanong ni Michael.
"Pipilitin ko kung yun lang ang tamang paraan." ang tugon ni Bryan. "Kaya mga tol may papakiusap lang sana ako sa inyo."
"Kung tungkol kay Andrew, sige tutulungan ka namin." ang agad na sagot ni Troy.
"Balak ko siyang kausapin mamaya para sabihin sa kanya ang lahat ng magiging plano ko para sa kanya. At pagkatapos nun, ay hindi ko muna siya malalapitan. Kaya mga tol pabor lang. Kayo na lang ang maaaring makausap niya, sana pakibantayan niyo at kung anuman ang maging problema niya ay matulungan niyo siya. Pwede ba yun mga tol."

Inakbayan siya ni Troy sabay tapik sa balikat nito. "Basta ikaw tol. Dont worry. Kami na ang bahala sa kanya." ang nakangiti nitong sagot.
"Salamat sa inyo." si Bryan sabay ngiti sa kanila.
_______
"Bakit ang aga mo anak. Wala ka bang tutorial ngayon?" ang nangtatakang tanong ng ina kay Andrew nang umuwi siya nang hapong iyon.
"Wala na po nay." ang walang emosyong tugon nito.
Napansin ng ina ang kakaibang itsura ng mukha ng anak.
"Pinahinto na po ako ni Mam Sebastian." ang pagpapatuloy ni Andrew sabay upo sa silya at naghubad ng sapatos.
Nilapitan siya ng ina. "Bakit naman biglaan yata?"
"Gusto po niyang layuan ko si Bryan."

Nakuha na ng kanyang ina ang ibig ipakahulugan ng anak. Bilang ina ay nalulungkot din siya sa pinagdadaanan ni Andrew.
"Wala tayong magagawa kung iyon ang desisyon ni Mam Sebastian. Hayaan mo na anak, tutal kahit papaano ay nakapag-ipon ka naman di ba."
"Opo nay. At napagdesisyunan kong tanggihan na rin ang iaalok niya sa akin na bagong trabaho para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Sige po nay pahinga na muna ako." ang malungkot pa rin nitong sambit. Nagtungo na siya sa kanyang kwarto.
Hinayaan na lang munang mapag-isa ng ina ni Andrew ang kanyang anak. 
_______
Kinagabihan habang naghahapunan ang mag-ina ay malungkot na inilahad ni Andrew ang lahat ng mga nangyari sa ina.  Patapos na sila ng pagkain ng biglang may kumatok sa pinto ng kanilang bahay.

"Kayo na po magbukas nay baka si Bryan yan." si Andrew. Ayaw na niya kasing kausapin pa ito.
"Wala ka bang balak na harapin siya anak?" ang tanong ng kanyang ina.
"Sabi nga po ni Mam Sebastian na lumayo na ako sa anak niya di ba? Kayawala na akong dahilan para makipag-usap sa kanya."
"O siya sige ako lang na magbubukas." ang tugon ng ina sabay tayo papunta sa pinto.

"Magandang gabi po nay." ang pagbati ni Bryan sa ina ni Andrew pagkabukas ng pinto. "Si Andrew po?"
"Ah nagpapahinga na. Medyo masakit ang pakiramdam niya." ang pag-aalibi ng ina nito.
"Ganoon po ba?" ang malungkot niyang tugon. "Patawad po pala nay sa mga nangyari, sa ginawa ng Mama ko kay Andrew."
"Wala kang dapat ihingi ng tawad iho. Bilang ina rin ay nauunawaan ko ang naging pasya ng Mama mo."
"Pero di po ako sang-ayon sa gusto niya. Pinagkakaitan niya ako ng kaligayahan. Kaya po narito ako ngayon para kausapin siya at sasabihin ko po sa kanya ang mga plano ko."
"Plano?" ang nagtatakang tanong sa kanya ng ina ni Andrew. "Kung tungkol yan sa pagsuway mo sa utos ng iyong magulang at ipagpilitan ang iyong kagustuhan ay huwag mo na sana ituloy."
"Pero sana po maintindihan niyo na hindi ko kayang mawalay kay Andrew."
"Alam ko iho ang nararamdaman mo. Ngunit hindi mo ba naisip ang posibilidad na baka lumala pa ang sitwasyon. Sana maintindihan mo rin na iniisip ko ang kapakanan ng aking anak."
"Opo nay. Kaya nga po pinagplanuhan ko pong mabuti ito."

Akmang sasagot pa ang ina ni Andrew nang biglang itong ubuhin.
"Ayos lang po ba kayo nay." ang nag-aalalang tanong ni Bryan. Sa tingin niya kasi ay parang hindi normal ang pag-ubo nito.
"Oo iho medyo malamig kasi eh. Sige na umuwi ka na, masyado nang gabi."
_______
Nanatiling nakatayo si Bryan sa kanto. Hindi siya uuwi hanggat hindi niya nakakausap si Andrew. Nagtiyaga siyang maghintay hanggang sa makahanap siya ng tiyempo. Madaling araw na at halos tahimik na ang lugar na iyon nang magdesisyon siyang bumalik sa bahay nito. Tinungo niya ang bintana ng mismong silid ni Andrew. Inangat niya ang kahoy na nagsisilbing pangsara nito.

Naaninag siya ni Bryan sa pamamagitan ng ilaw na nagmumula sa poste. Nakahigang nakatagilid siya patalikod sa bintana. Pumasok siya at umupo sa matigas niyang kama.

Ang haplos ng kanyang kamay sa ulo ang siyang nagpagising kay Andrew.
"Bryan anong ginagawa mo dito?" ang tanong niyang may pagkabigla. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo.
"Gusto lang kitang makausap at huwag kang maingay baka magising si nanay." ang sagot ni Bryan. Ikaw kamusta ka na?" ang sunod niyang tanong. Nais niyang malaman ang kanyang kondisyon matapos ang mga nangyari.
"Ayos lang." ang matipid na tugon ni Andew.

Sa kabila ng madilim na silid ay napansin ni Bryan ang mga mata ni Andrew, iba ito sa dating maganda at mapungay na isa sa mga nagustuhan niya rito.
"Thats a lie. Kaya pala tinakbuhan mo ako kanina."
"Nagmamadali lang ako kanina."
"Talaga, e bakit ka naiiyak? Huwag kang magkaila, napansin kita kanina. Hanggang ngayon, kita ko sa mga maga mong mata."

Napayuko na lang si Andrew at nagsimula nang maiyak ulit.

Maya-maya ay naramdaman na lang niya ang mga malalaking braso na bumalot sa kanyang katawan.

Itutuloy...



[20]
Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Andrew sa pagyakap na iyon sa kanya. Ilang saglit lang nagtagal ito ng biglang kumalas si Bryan.

"Nasaan na ang kwintas?" ang agad na tanong nito nang makitang hindi ito suot ni Andrew.
"Ha! tinago ko lang. Hindi ako sanay matulog nang may suot ng kung anu-ano."
"Sigurado ka?" ang sunod na tanong nito.
"Oo."

Kinuha ni Andrew ang kwintas sa kanyang drawer. Bago bumalik sa kama ay binuksan na niya ang ilaw upang makapag-usap sila ng maayos.
"Oh eto ang kwintas mo. Kukunin mo na ba?" ang tanong niya sabay bigay ng kwintas. Naisip niya na baka babawiin na nito ang kwintas dahil sa mga nangyari.

Ngunit nagkamali siya ng akala. Nang kunin ito ni Bryan ay isinuot ito sa kanyang leeg.
"Sanayin mong palaging suot ito ha." ang kanyang sabi. "Lalo na ngayon na pansamantala tayong hindi magsasama. Ito ang magsisilbing alaala mo sa akin."

Napatingin si Andrew sa pahayag na iyon ni Bryan.
"Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na ang mga pinag-usapan niyo ni Mama. Ako na ang humihingi sa iyo ng tawad sa mga ginawa niya sa iyo."
"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. Naiintindihan ko naman e. Kasalanan ko rin naman ito. Sana noon pa hindi na ako nagpadala pa sa nararamdaman ko"
"Parang sinabi mo naman na nagsisisi ka." ang may himig pagtatampong sambit ni Bryan sa mga narinig sa kausap.

Hinaplos ni Bryan ang magkabilang pisngi ni Andrew.
"Alam mo ba na sobrang naging masaya ang buhay ko nang makilala kita. Ikaw ang dahilan ng aking pagbabago Andrew. Kung ang nasa isip mo ngayon ay ang pagsuko, ibahin mo ako. Tulad nga ng sabi ko kanina, pansamantala tayong maghihiwalay. Susundin ko si Mama. At kapag nakatapos na ako at makatayo sa sariling paa, pangako ko na babalikan kita. "

Napayuko si Andrew habang iniisip ang mga sinabi ng kausap.
"Kaya sana Andrew ganoon ka rin. Huwag mo naman ako isuko. Ipangako mo sa akin na hindi ka bibitaw kahit anong mangyari."
"Kahit kailan talaga matigas ang ulo mo Bryan." ang nasabi ni Andrew.
"Yah right." ang nakangisi nitong tugon. "So promise me Andrew."

Nagkatinginan ang dalawa.
"Sige." ang pagpayag ni Andrew.

Niyakap muli ni Bryan si Andrew.
"You're mine Andrew. Lahat ng magtatangka sa iyo ay makakatikim sa akin." ang pagbulong nito sa kanyang tainga.

Hindi naman naiwasang mapangiti ni Andrew sa narinig. "Ows. Baka nga ikaw eh. Kapag hindi ka na makatiis ay maghanap ka na ng iba jan o di kaya ay mambabae ka na."

Kumalas muli si Bryan at tinignan ang mukha ni Andrew.
"Ang ibig bang sabihin nito na magseselos ka kapag ginawa ko iyon?" ang nakangisi nitong sambit.
"Hindi ah! Tatanggapin ko naman kung sakaling manliligaw ka ng babae. Sa itsura mo ba naman, alam kong maraming nagkakagusto sayo."
"Are you sure?" 
"Oo naman."
"Sige masubukan nga yang sinasabi mo." sinabi lang niya ito para malaman ang magiging reaksyon ni Andrew. At nakita lang niya ang pagtahimik nito.

"Biro lang yun." ang pagbawi niya ng kanyang sinabi. "Hinding-hindi ko magagawa yun sa taong laman ng aking puso."

Tinignan naman siya ni Andrew at nakita nito ang sinseridad sa mapupungay nitong mga mata.
"Wala ka man lang sasabihin jan?" ang tanong nito sa kanya.
"Anong gusto mong sabihin ko?"
"Yung sinabi mo sa akin sa mall."

Naalala naman niya ang naging eksena nila doon kung saan ay inamin ni Bryan sa kanya ang tunay nitong nararamdaman.
"Look at my eyes Andrew, and say to me the words I LOVE YOU."
"Nasabi ko na yan."
"Gusto ko ulit marinig ang mga salitang iyon sa iyo."
"Hindi na siguro kailangan pa iyon."
"I need that Andrew. Dahil iyon ang magiging inspirasyon ko upang maghintay."

Sa pagkakataong iyon ay nakita ni Andrew ang pagiging seryoso ni Bryan. Muling nagbalik sa isipan ni Andrew ang ilang mga alaala na magkasama sila.
"Hanggang ngayon Bryan, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nagkagusto ka sa isang tulad ko."
"Hays, ilang beses mo na yata tinanong yan sa akin. Sige ganito na lang. Look at yourself sa salamin para malaman mo ang dahilan."

Hindi naman sa pagyayabang ngunit masasabi ni Andrew sa kanyang sarili na may itsura siya tulad ng pagpuri sa kanya ni Dina. Ngunit iniisip niya na wala siyang binatbat kung ikukumpara siya kay Bryan. At ngayon, ang isang tulad niya ang nagustuhan nito na siyang habulin at tinitilian sa campus ng mga babae at binabae.

Sa nagdaang mga buwan na magkasama sila nang madalas ang naging daan upang mahulog ang loob niya rito. At ang sobrang kalungkutan niya sa naging hakbang ng ina ni Bryan ang siyang magpapatunay na mahal na niya ito.

Dahil dito ay binigkas na niya ang mga katagang nais marinig muli ni Bryan sa kanya sa mga oras na iyon.

Nakita ni Andrew sa mukha nito ang isang napakatamis na ngiti matapos niyang sambitin ang mga katagang iyon. Ngiting na hanggang ngayon ay nagpapahumaling sa kanya.

"Ang sarap sa pandinig ng mga sinabi mo Andrew. Kahit papaano ay may pinanghahawakan na ako upang magtiyaga sa paghihintay." ang nakangiti pa ring pahayag ni Bryan.
"Ayan sinabi ko na sa iyo ha." si Andrew.
"Pwede mo bang ulitin isa pa."
"Tama na. Napilitan nga lang ako kanina e."
"Napilitan? So you mean sinabi mo lang iyon dahil sa inutos ko."
"Hindi. Ang totoo niyan pinipigilan ko pa rin ang sarili ko ngayon. Natatakot kasi ako at nag-aalala na baka ang pagmamahal kong ito sa iyo ang siyang ikasira ng buhay namin ni nanay. Yung Mama mo pa lang tutol na siya sa atin di ba?"
"Hayaan mo malalagpasan din natin ang pagsubok na ito." ang huling pahayag ni Bryan habang hinahaplos ang ulo ni Andrew.
_______
Sa paglipas ng isang buwan...

"Kamusta na si Andrew?" ang tanong ni Bryan na kakapasok lang kay Michael na nabala sa pagbabasa sa kanilang tambayan.
"He's Ok." ang matipid nitong tugon.
"Hays. Ang tagal naman!" ang medyo iritang pahayag ni Bryan sabay takip ng mga palad sa mukha.

Natawa naman si Michael. "Hindi ka na ba makatiis?"
"Alam mo ba tol yung pakiramdam na hindi kayo nagpapansinan. Naisip ko nga na baka may iba na siya."
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Madalas kaming nagsasalubong dalawa. Nakatingin ako sa kanya, pero siya todo effort talaga sa pag-iwas. Minsan nga nagtatago pa talaga."
"Hindi ba iyon ang usapan niyo."
"Oo. Pero ewan ko ba. Iba ang nagiging pakiramdam ko."
"Huwag kang mag-alala tol. Si Andrew ay hindi tipo ng tao na madaling magbago ang nararamdaman. Kaya pwede ba tol itigil mo na yan. OA ka na masyado."
"Sira. Baka gusto mo upakan kita dyan. Kita mo na ngang seryoso ako. Siya nga pala, nasaan na naman si Troy?"
"As usual. Kasama na naman niya si Andrew."
"Ayus ah. Halos araw-araw na silang magkasama."

Tinignan ni Michael ang kausap matapos niyang marinig ang pahayag niyang iyon. May napansin kasi siyang iba sa tono nito ng pagsasalita. "Oo naman. Di ba yun ang pinakiusap mo ang bantayan si Andrew."
"Oo na!"ang medyo pabulyaw niyang sagot.
"Cool ka lang tol. Teka nga bakit ka ba naiinis?"
"Hay ewan ko sa iyo." ang huli niyang sagot bago lumabas ng tambayan.

Napailing na lang si Michael sa inasal ng kaibigan.
______
"Wala ka bang ibang gagawin Troy?" ang tanong ni Andrew habang naglalakad sila palabas ng campus.
"Bakit ayaw mo na ba akong kasama?" ang nakangiti nitong sagot.
"Hindi naman. Kasi naisip ko na baka marami ka nang bagay na hindi nagagawa dahil sa akin. Ayaw ko naman na ibuhos mo ang lahat ng atensyon mo sa akin na halos hindi mo na bigyan ng oras ang sarili mo."
"Ano ba yang mga sinasabi mo? Masaya ako sa ginagawa ko." ang walang pag-aalinlangan na pahayag ni Troy.

Hindi sumagot si Andrew.
"By the way, nasabi sa akin ni Tita na bumalik ka na daw sa dati mong trabaho." ang pag-iiba ng usapan ni Troy. Ang tinutukoy niya ay ang pagbabalik sa pangangalakal ng basura ni Andrew.
"No choice ako eh. Nauubos na kasi ang perang naipon namin mula sa pagtututor ko.  Tapos si nanay, medyo hirap na siya sa pagtatrabaho. Madalas na siyang sumpungin ng sakit niya. At ito nga pinoproblema pa namin kung saan kami maninirahan."
"Bakit?" ang medyo nabiglang tanong ni Troy sa huling sinabi ni Andrew.
"May nakabili na ng lupang tinitirikan ng bahay namin. Nagpadala na nga ng notice sa amin tungkol sa demolisyon."
"Ganoon ba? So kailan ba yun?"
"Binigyan kami ng isang buwan para makapaghanda."

Isang bagay ang agad pumasok sa isipan ni Troy matapos  marinig ang mga pahayag ni Andrew.
_______
"Kuya, hindi pa po ba darating si Kuya Andrew?" ang agad na salubong na tanong ni Billy sa kararating lang na si Bryan kinagabihan.

Halos araw-araw at walang patid kung magtanong ang kanyang kapatid ukol sa bagay na iyon. Umupo siya sa sofa at inaya ang kapatid na kumalong sa kanya.
"Pupunta rin siya dito." ang malambing nitong sagot.
"Kailan pa po Kuya. Ayoko na po kasi ng tutor ko e."
"Bakit naman?"
"Masungit po siya."

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Bryan ang hindi pag-eenjoy ng kanyang kapatid sa bagong tutor na kinuha ng kanilang ina. Kapansin-pansing hindi na ito ganung kasigla tulad ng mga panahong si Andrew ang nagtuturo dito.
 
"Ganoon ba? Gusto mo kausapin ko si Mama at sasabihin ko na palitan na si Teacher Rose?" ang tanong niya sa kapatid.
"Opo. Si kuya Andrew na lang po ulit."
Bahagyang natawa si Bryan sa sagot ng kapatid. "Ikaw talagang bata ka."

Naputol ang pag-uusap ng magkapatid sa pagdating ng kanilang ina sa pamamagitan ng busina ng kanyang sasakyan sa labas. Agad na tumayo si Bryan at pumunta sa kwarto nito. Hanggang ngayon kasi ay may sama ng loob pa rin siya sa kanyang ina.
_______
Nakahiga si Bryan sa kanyang kama na nakaunan ang kanyang isang braso sa ulo habang nakatingin sa kisame. Iniisip pa rin niya ang kanyang pangamba kay Andrew.
"Siguro nga nagseselos ako!" ang sabi niya sa kanyang sarili patungkol sa palaging pagsasama nina Troy at Andrew. "Pero wala naman akong magagawa. Inihabilin ko siya sa kanya kaya natural lang na maglapit silang dalawa."

Maya-maya lang ay nag-ring ang kanyang phone. Nang makita ang pangalan ni Troy sa screen, ay agad niyang sinagot ang tawag.
"Oh tol napatawag ka"
"Oo, mahalaga kasi itong sasabihin ko tungkol kay Andrew."
"Bakit anong nangyari sa kanya?"
"Oh calm down, walang nangyari sa kanyang masama."
"Pasensya na. Sige ano ba iyon?"
"May malaking problema kasi ang pamilya niya ngayon. Pinapaalis na sila sa kanilang tirahan dahil may nakabili na ng lupa tinitirikan ng kanilang bahay."
"Ganoon ba?" ang nanlalambot nitong tugon sa sinabi ni Troy. Sa mga oras na iyon ay nais niyang matulungan agad si Andrew ngunit sa kanilang sitwasyon ay malabo itong mangyari.
"Ano may naisip ka na bang paraan para matulungan siya?"
"Actually kanina ko lang naisip ito. Kaya tinawagan kita para ipaalam sa iyo ang mungkahi ko na doon ko sila sa bahay patitirahin. Kinausap ko naman na si Lola at sinabing ayos lang sa kanya. Kumbaga, kukunin namin ang kanyang ina bilang kasambahay."

Bigla namang naguluhan si Bryan sa narinig niyang suggestion ni Troy.

Itutuloy...




Friday, May 3, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 12]






Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 12]




By: Crayon





***Aki***




4:55 am, Sunday
March 20





Kanina pa ako nagpapaikot-ikot sa mga kalye ng Maynila. I need to see Kyle. Alam kong umiiyak siya, alam kong nasasaktan siya, and i wanted to be there for him. Oras na may mangyaring hindi maganda sa kanya, hindi ko alam ang magagawa ko kay Renz. I've been trying to call him but he's not answering his phone. Damn! Hindi ko na alam ang gagawin ko. I already told Gelo to call me in case may balita sila kay Kyle.

Tumitigil ako sa lahat ng bar na madaanan ko. I know he's still drinking. Wala akong pakialam kahit maubos ang pera ko kakabayad ng entrance fee sa mga bar. I just need to find him. Hindi ko na iniinda ang pagod, dahil alam kong mas nahihirapan si Kyle. Hindi ko naman alam ang address niya sa Bulacan at tingin ko rin ay di niya gagawing umuwi ng may dugo sa ilong. Balak kong dumaan sa apartment niya kapag nagliwanag na.

Itinabi ko muna ang sasakyan ko sa tapat ng isang bar para makapagisip kung saan maaring nagpunta si Kyle. Ngunit paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ay ang itsura niya kanina bago siya umalis sa bahay nila Gelo. Lumuluhang mata na nagsasabing pagod na pagod na siya, duguang ilong at labi, at ang kanyang malungkot na mukha.

"Tang*na Kyle! Nasaan ka ba?!", isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa manibela habang paulit-ulit itong hinahampas. May tumulo ng luha sa mata ko dahil sa halong frustration at pag-aalala.

"Kyle please be ok, and i promise that i will not let anyone hurt you like this again. Please Kyle.", di ko na napigilan ang pagdaloy ng aking luha at ng samu't saring emosyon.





***Renz***




5:30 am, Sunday
March 20





Asshole. Tama si Aki, i'm an asshole and i don't deserve Kyle. Bumuntong hininga lamang ako at uminom muli sa bote ng beer na hawak ko.

Matapos ang insidente sa bahay nila Gelo ay hinintay ko lamang na lagyan nila ng first aid ang mga tama ni Alvin at dumiretso na kami ng uwi. Naririnig kong nagpapaliwanag sa akin si Alvin habang hinahatid ko siya pauwi ngunit di ko pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi. Lutang lang ang aking isip ng mga sandaling yon. Nang dumating ako ng bahay ay kumuha ako ng beer sa ref at saka nagkulong sa kwarto.

Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang ganon kay Kyle. Hindi kahit kailan pumasok sa isip ko na kaya ko siyang mapagbuhatan ng kamay. Nabigla lamang ako sa nangyari pero alam ko naman na hindi yon maaring excuse sa ginawa ko.



"You know more than anyone here, that i won't start a fight for no reason."

Yun ang sabi sa akin ni Kyle habang lumuluha siya. Nakatitig lamang kami sa isa't isa. Kita ko sa mga mata niya ang labis na hinagpis at lungkot dahil sa nagawa ko. Ramdam ko sa mga titig niya na labis siyang nasaktan at di niya inaasahan ang ginawa kong pagsuntok sa kanya.


Nang magpasalamat siya sa akin ay parang gumuho ang mundo ko. Parang nagpapaalam na siya sa akin. Parang sinasabi niyang suko na siya sa pag-intindi sa akin. Parang sinasabi niyang hanggang doon na lang ang kaya niya. Na gustuhin niya man ipagpatuloy pa ay pagod na siya. Lahat yan nararamdaman ko sa bawat pagtitig niya sa akin. Sa kalagitnaan noon ay muli kong nakita ang pamilyar na pagtingin niya sa akin. Yung tingin niya na nagsasabing masaya siya kapag nakikita ako. Hindi ako maaring magkamali sa tingin na yon dahil lagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin ng ganoon. At labis kong ikinasisiya ang isiping tinitingnan niya ako ng ganoon. Tingin na may pagsinta. Kahit na walang patid ang agos ng luha sa kanyang mata ay di ako maaaring magkamali sa aaking nakita. Alam kong maaaring iyon na ang huling beses na titingnan niya ako ng ganoon.


Hindi ko namalayan ang sariling pagtangis. Naalala ko ang pagyuko ni Kyle at marahang pag-alis sa lugar. Gusto ko siyang pigilan at humingi ng tawad pero para akong na-istatwa at hinayaan lamang siya na makalabas ng pinto.


Panghihinayang. Kung kaya ko lamang ibalik ang oras, pipiliin ko na manatili sa mga sandali na masaya kaming dalawa. Na hindi komplikado ang sitwasyon. Na masaya lang kaming magkaibigan. Handa akong tiisin na mahalin siya ng lihim wag lamang siya mawala sa akin. Pero alam kong hindi maaring mangyari pa yon.


Mas gugustuhin ko pa sana na gumanti na lang siya ng suntok sa akin. Sana pinagmumura niya na lang ako nung sinapak ko siya. Sana pinakiusapan niya na lang si Aki na bugbugin ako. But this is Kyle. Alam ko na kahit anong galit niya sa akin ay di niya ko magagawang saktan. Kahit anong inis ang nararamdaman niya sa akin ay di niya ako matitiis kapag kailangan ko ng kausap. Kahit ilang beses akong magkamali handa niya akong patawarin. Kahit gaano kasama ang loob niya sa akin, ay bihira niya akong sasabihan ng mga masasakit na salita. Lahat kinikimkim niya, wag lang sumama ang loob ko. Lahat ng yon ginagawa ni Kyle para sa akin. 


Eh ako? Anu na bang nagawa ko para sa kanya. Wala akong makabuluhang bagay na maisip na nagawa ko para sa kanya. Tinatawagan ko siya kapag kailangan ko ng kasama sa lakad, kapag wala akong makausap, kapag kailangan ko ng kasiping. Hindi ako kailanman prinessure ni Kyle na suklian lahat ng naitulong o nagawa niya para sa kin.


Ngayon ko lang na-realize ang mga ginawa niya para sa akin kung kailang wala na siya. Kung kailang alam kong di na niya gagawing bumalik pa. 


I always knew Kyle's good side, inside that thick shell is a very kind, caring, sacrificing friend. Pero i choose to see him as the slut, the bitch and the easy guy. Tang*na! Ako na pinakitaan niya ng lighter side niya ang siyang numero unang humusga at nag-isip na hindi siya magbabago. He doesn't even have to change in the first place cause he is a good man. Ako ang may problema dahil kahit anong kagandahang loob ang ipakita niya sa akin ay itinatak ko na sa utak ko na isa siyang pakawala, na katulad lang siya ng ibang taong nakilala ko sa bar.


Shame on me. Sa sobrang inis ay naibalibag ko ang bote ng beer sa pader. Isinubsob ko ang ulo ko sa aking tuhod at umiyak. Naiinis ako sa sarili ko.  


Beep. Beep. Beep.


Napilitan akong tingnan ang cellphone ko dahil sa sunod-sunod na pagtunog nito. Iniisip ko rin na baka sila Gelo iyon at may balita na kay Kyle. Nagbilin kasi ako na tawagan ako kapag may balita na kay Kyle.


Pagtingin ko sa cellphone ay isa lang pala iyong alarm. Binasa ko ang note sa alarm.


"Birthday na bukas ni Kyle. Huwag mo kalimutang ibili siya ng regalo at ayain na magdinner."


Napatanga na lang ako sa nabasa ko. Birthday nga bukas ni Kyle at ang early birthfay gift ko sa kanya ay isang malakas na suntok sa mukha.




***Kyle***





10:00 am, Sunday
March 20





Nasilaw ako ng bigla idilat ang aking mata. Sinubukan kong bumangon ngunit di ko magawa dahil masakit ang babang parte ng katawan ko. Iba rin ang pakiramdam ng kaliwa kong kamay. Nang makapag-adapt ang mata ko sa liwanag ay nakita kong naka-dextrose ang isa kong kamay. Hindi ko makita ang nangyari sa paa ko dahil nakatakip ito ng kumot at di ko magawang bumangon. Napansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa silya sa paanan ng aking kama. Nakasubsob ang kanyang ulo sa ibabang bahagi ng kama.


Mukhang matangkad din ang lalaki. Di ko gaanong makita ang mukha pero ayon sa pananamit niya ay masasabing mayaman ito. Not to mention the iphone he's holding with his left hand.


"Aray!", napalakas kong sabi ng makaramdam ng malakas na pagpintig sa ulo ko.


Nagising ang lalaki sa ingay na gawa ko. Nataranta naman siya ng makitang gising ako.


"Anong masakit sayo? Tatawag ako ng doktor, saglit lang.", atubiling sagot ng estranghero.


Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil sa lumabas na din siya agad ng kwarto.


Bumalik siya na may kasamang nurse. Agad naman akong kinuhanan ng BP ng nurse, tiningnan din nito ang nakasabit na dextrose. 


"Sir, may nararamdaman ba kayong masakit sa inyo?", tanong ng nurse sa akin.


"My head is aching.", maikli kong sagot.


"Ok po, marahil po ay sa pagkakatumba niyo yan. Kakausapin ko po si dok para mabigyan kayo ng gamot for headache."


"Salamat."


"Dito po kayo sa boyfriend niyo magpasalamat dahil kagabi pa niya kayo binabantayan.", sagot ng nurse sa akin. Napanganga na lang ako sa sinabi niya.


"Sige na miss salamat. Maari mo na kaming iwan.", masungit na sabi ng estranghero sa nurse.


Nang makalabas ang nurse ay tinapunan ko naman ng tingin ang lalaki sa loob ng kwarto. Nagulat siya ng tingnan ko siya ng masama, agad niya ibinaling ang tingin sa lamesa sa kabilang side ng room.


"Sandali, ipaghanda kita ng makakain."


"Bakit di mo muna subukang magpakilala at magpaliwanag honey?", sinadya kong lagyan ng sarkasmo ang salitang honey.


"Ok, i'm sorry wala kasi ako maisip na magandang excuse kaya sinabi kong boyfriend kita.", sagot ng lalaki.


"Hindi ba pwedeng sabihin na pinsan o kaya kapatid?", pang-uusig ko sa kanya.


"Baka di sila maniwala. Hindi tayo magkamukha.",walang kagatol-gatol niyang sagot. Minasdan ko ang ang lalaki at napagtantong gwapo siya. Mukhang nasa early twenties pa lang siya. Maputi, matangkad, matangos ang ilong at mapula ang maninipis niyang labi. Halata ring batak ang katawan sa exercise.


"Nakakainsulto ka ha! Bakit ka ba andito?", naiinis konng sagot sa kanya.


"Bigla kang tumawid sa kalsada at sinalubong ang padating kong kotse, ayan kaya ka andyan at ako andito.", nun ko lang naalala na lasing pala ako kagabe. 


"Eh bakit mo kailangang sabihing partner kita?"


"Ayaw kong tumawag sila sa pulis. Sabi ko may nakabangga sayo at biglang humarurot paalis. I have to pretend na boyfriend mo para may ma-establish akong relation natin.", mahaba niyang paliwanag.


"So gusto mo maabswelto sa kasalanan mo ganon?"


"Well, oo. Di ko naman kasalanan na tumawid ka, not to mention lasing pa. At ayaw kong magkarecord sa mga pulis sa isang bagay na di ko naman kasalanan.", antipatiko niyang sagot.


"Toyo ka din no. Tingin mo naman sasakyan ko trip mo?!"


"Babayaran ko gastos mo sa ospital, dadagdagan ko pa yon just keep your mouth shut."


"Mayabang ka talaga no?!"


"Rich lang with resources.", mayabang pa din niyang sagot habang nakangiting nakaka-gago.


"Hoy hindi ako hampas lupa tulad ng iniisip mo no! Kaya ko bayaran ang pampa-ospital ko. At di ko din kelangan ng dagdag na bayad mo. Ang sabihin mo alam mong mabilis ang takbo ng lintik na kotse mo kaya ka nakabundol ng tao!"


"Ok fine i'm sorry. Ang dumi mo kasi nung nakita kita kanina, close to being pulubi ang itsura mo."


"Hoy wala pa ko nakitang pulubi na nakasuot ng CK na watch no. Nasan ba yung nurse?! Nurse! Tumawag kayo ng pulis! Dali! Bilisan niyo!", malakas kong sigaw. Nataranta naman siya sa ginawa ko kaya agad siyang lumapit sa akin at tinakpan ng malapad niyang kamay ang bibig ko.


"Hmmmp!!!!! Argggghhhh!!!! Hmmmmp!!!", hindi ako makasigaw ng maayos dahil sa ginagawa niya.


"Hindi ko tatanggaling ang kamay ko hanggang di ka tumatahimik.", lalo akong nainis sa sinabi niya.


Kinagat ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.


"Shit!", mura niya ng makagat ko siya.


"Nurse! Help me! Nurse!", muli kong sigaw.


"Lintik! Hahalikan kita kapag di ka tumahimik!", banta niya sa akin.


"Nurse! Tulungan niyo ko may sira ulo dito! Dalian niyo tumawagkayo ng pu.... hmmpp!!!", hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla niyang idikit ang labi niya sa akin. Sinubukan kong magpumiglas pero mahigpit ang hawak niya sa akin. Mapusok ang halik niya, hanggang sa naging bayad. Gawd! He is a good kisser. Di ko na namalayang gumaganti na ako sa halik niya.


Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.


"Sir, tumatawag po ba ka--- ay sori po! Pindutin niyo na lang po yung button sa ulunan ng kama kapag kailangan niyo ako.", nahuli kami ng nurse sa aktong paghahalikan kaya nahiya ito at mabilis din lumabas ng kwarto.


Nang balingan ko ng tingin ang estranghero ay nakangisi lamang siyang nakatayo sa gilid ng kama ko.


"Sweet lips, huh?", pang-aasar niya sa akin. "Looks like you enjoyed it."


"I'm not the one who's having a boner.", sagot ko sabay nguso sa kapansin-pansing bukol sa kanyang shorts. Nakita kong pinamulahan siya ng mukha sa nakita ko.






***Aki***





11:25 am, Sunday
March 20





Halos labing dalawang oras ko ng hinahanap si Aki. Sinubukan ko na ring tawagan ang iba pa naming kaibigan upang alamin kung nakita nila si Aki, ngunit bigo ako. Pinuntahan ko ang apartment niya kanina, tanging ang kanyang landlady lang ang nakausap ko. Pinuntahan nito and kwarto ni Aki at ayon dito ay wala namang sumasagot noong kumakatok siya. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Marahil ay lowbat na ang phone niya dahil hindi ko na ito makontak.


Hindi ko iniinda ang antok at pagod ko. Ang importante ay makita ko si Kyle.


Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko ngunit ibang pangalan ang lumitaw sa screen at hindi ang pangalan ni Kyle.


"Hello Gelo? Anung balita?", bungad ko sa aking kaibigan.


"Pre wala talaga eh. Nag-aalala na din kami sayo dahil wala ka pang pahinga. Mabuti siguro na matulog ka muna, babalitaan ka na lang namin kung sakali may makakita kay Kyle.", mahabang sabi ni Gelo.


"Mahirap gawin yan Gelo, lalo na't hindi pa ako siguradong ok na si Kyle."


"Hindi rin naman makakatulong kung papatayin mo ang sarili mo sa pagod. May kakilala si Neil sa HR ng pinapasukang opisina ni Kyle. Titingnan namin kung may makuha kaming number ng magulang ni Kyle. Baka nasa Bulacan na din kasi yon eh."


Nagkaroon ako ng konting pag-asa sa sinabi ni Gelo. 


"Sige tol, salamat."


"Sige, magpahinga ka kahit konti. Tawagan na lang kita mamaya."


Binaba na ni Gelo ang telepono. Siguro tama siya. Kailangan kong umidlip kahit saglit para may lakas ako hanapin si Kyle mamaya. Pinasya kong umuwi muna sa condo ko at magpahinga.





***Kyle***



12:13 pm, Sunday
March 20





Matapos akong halikan ng lalaki ay matagal din siyang hindi nagsalita. Pinipilit kong makatulog ngunit ayaw naman akong dalawin ng antok dahil sa dami ng iniiisip ko.


"Sino ka ba?", tanong ko sa estranghero. Mapapanisan na din kasi ako ng laway eh.


"Luigi Zamora. Lui na lang.", sagot niya. "Angelo ba nickname mo?"


"Kyle. Call me Kyle.", tumango lamang siya. "Anu pa lang nangyari sa paa ko? Bakit hindi ko maigalaw?"


"Ang sabi ng doktor may konting fracture yung buto mo. Kailangan lang na hindi magalaw kaya nila sinimento. After 3 weeks daw ay ok na yan.", sagot ni Lui sa akin.


"Nakita mo ba ung phone ko?"


"Actually hindi. Baka nahulog mo, hindi ko na napansin dahil nagmamadali akong isugod ka dito."


"Ganun ba? Pwede bang makitawag?"


"Sige.", sagot niya sabay abot ng cp niya sa akin.


"Ano nga pangalan ng ospital na to?"


"Antipolo Doctor's Hospital."


Agad ko namang dinial ang number nila mama para ipaalam ang kalagayan ko. Since hindi ako makapaglalakad ng mag-isa kailangan ko magpasundo kela mama. Tiyak na masesermunan na naman ako pero wala naman akong choice.





...to be cont'd...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails