Followers

Sunday, January 6, 2013

Mr Sunshine Meets Mr Gloom

Hello Guyz due to readers demand ito na poh ang next chapter....Salamat po pala sa mga nagbasa at nagcomment especially. Kuya Sen Janus maraming salamat poh sa comment mo it made my date ng nabasa ko poh. Para naman sa mga silent readers plz lang welcome na welcome kayo mag comment. I would appreciate even  thought negative at least next time better na diba

Chan Erange


Mr Sunshine Meets Mr Gloom

By: Chan Erange
Email: chan.erange@gmail.com
Blog: http://storyforspecialhearts.blogspot.com/

“IKAW!” sabay nilang sigaw.Medyo na bulabog ang mga tao sa La Mia Taza at medyo na pansin ito ng manager kaya naman lumapit ito at nagtanong ng nangyayari.
            “Um sir meron po bang problema?” tanong ng manager
            “Ah wala naman” sabi ni Nico habang nakasmile ng sobrang tamis
            “Ganoon ho ba? Medyo na bulabog kasi ang ibang customer” sabi ulit ng manager
            “Um Sir we’re sorry for the commotion that we made but everything’s fine” sabi naman ni Mark. Na medyo kinatakutan ng manager dahil sa aura nitong nakakatakot.
            “Ok sir” pagkasabi nito ay dali daling umalis. Sa pagalis ng manager ay natahimik ang dalawang campo. At umopo na si Mark paharap kay Nico. Sa pagupo ni Mark hindi sinasadyang matitigan ito ni Nico at medyo nainis si Mark sa ginawa niya.
            “Bat ka nakatingin ng ganyan?” tanong ni Mark na may diin
            “W-Wala. Akala ko kasi ikaw yung nakikita ko sa labas na baliw” sabay tawa
            “Pwede ba andito ako para sa business so let’s just talk business”
            “Alam mo bang kanina pa kami naghihintay sayo” medyo umiinit na ang mga campo
            “Sa tingin mo. Syempre alam ko yun kaya nga nagmamadali ako pumunta dito at ang dadatnan ko lang pala eh mga taong naguusap na para bang date ito.” Ratrat ni Mark
            “Ako kasi kinakausap ko ng maayos ang mga taong nagiging cliente ko para naman magi silang comportable sa akin at mga pauusapan. At alam kong hindi ito date kinikilala ko lang ng mabuti ang mga cliente ko!” Ratrat naman ni Nico.
            “Let’s talk business alright guys” awat ni Alex sa dalawa dahil baka makagawa nanaman ito ng commotion sa shop
            “Oo nga naman” sabat naman ni Jamie. At dahil doon natauhan ang dalawa at pinagusapan na ang business. Ilang oras rin silang nag usap at sinabi ang mga condisyones sa pagiging partner nila. At ayon na nga nag signing of contract na at natapos na ang lahat. Tumayo na si Nico at papalabas na ng.
            “AHhhhhhhhhhhhh!” sigaw ni Nico dahil na rin sa my hindi siyang napansing paa na nakaharang sa kaniyang daanan. Dali daling tumayo si Alex at sinalo si Nico. Dahil sa pagkakasalo ni Alex kay Nico ay saglit na tumigil ang mundo ni Nico. “Shit, ang gwapo talaga ni Alex maslalo na sa malapitan.” sabi nito sa isip niya.
            “Nico ayos ka lang ba?” tanong ni Alex na nagpabalik kay Nico sa realidad
            “Ah eh anu...Ok lang ako” taranta sagot ni Nico. At itinayo na siya ni Alex
            “S-Salamat nga pala Alex” sabi Nico
            “Ah wala yun” sabi naman ni Alex.
            “Ah sige mauna na kami” sabay hila kay Jamie na nakaupo pa. Ngunit walang nagawa si Jamie at sumunod na kay Nico. Nasa pintuan na sana sila ng my humawak kay Nico ng kaniyang kamay na nagpatigil sa kaniya, sasapakin na sana niya ang taong yun ngunit nakita niya si Alex na my dalang panyo.
            “Oh nahulog mo Nico”
            “Ah salamat ulit” sabay kuha ng panyo
            “Ah Nico....May itatanong sana ako” medyo nahihiyang sabi ni Alex
            “Anu yun Alex?”
            “Pwede ko bang mahingi ang number mo?” tanong ni Alex
            “Ah yun lang ba oh ito” sabay bigay ng kaniyang calling card
            “Ah sige salamat ulit Alex” sabay ngiti si Nico na napakatamis. Lingin sa kanilang lahat ay nakamasid lang si Mark sa lahat ng ngayayari. Ang akala niya ay gegerahin siya ni Nico dahil sa pagkatisod nito ngunit bigo siya at sa tuwing nakikita niya si Nico ay umiinit talaga ang dugo niya.
Samantala pagkatapos ng usapan iyon ay dumeretso na sila Nico sa restaurant:
            Naka upo sila Nico sa opisina niya sa loob ng restaurant at kasama si Jamie.
            “Haiiiiiiiiii” sabi ni Nico
            “Hoy nagdedaydream ka nanaman Nico”
            “Ikaw ba naman kasi unang taong humingi ng Number mo”
            “Ngek number lang naman ah eh an rami kaya ng humihingi ng number mo ng college and high school hindi mo binibigay kasi ang sabi mo mauna ang studies mo. Tapos ngayong tapos kana at my sarili ng resto eh marami parin huminhingi di mo naman binibigay. Kay Alex lang yata ah.” Ratsada ni Jamie
            “Eh sa angwapo naman noon eh at isa pa mayaman dream guy ko na yun te. Pasalamat yung isa doon hindi ko na siya geneyera dahil sa nataranta ako sa giniwa ni Alex sus kong hindi lang sana ako na salo ni Alex kakalbohin ko yung isang yun!” galit na sabi ni Nico
            “Ganoon haba ng hair mo ah. Hay naku masgusto ko si Mark ang gwapo at naks sa attitude.”
            “He! anu naman kung gwapo yun eh ansama naman kaya ng ugali ni hindi nga nagpakilala sayo at saakin diba”
            “Ay oo nga no pero gash ang gwapo talaga”
            “Hay naku bes mabuti pa bumalik kana sa opisina mo at baka anu pang mapagusapan natin”
            “Mabuti pa nga” umalis si Jamie sa at naiwan si Nico na nagiisa at nagiisip kay Alex
Sa kabilang dako naman ng ating storya:
            Nasa opisina na rin si Mark at si Alex na pinagusapan ang nangyari kanina
            “Nakakainis talaga!” bulyaw ni Mark
            “Anu naman kinaiinisan mo?”
            “Yung Nicong yun. Hay makita ko lang eh nabwibwisit na ako. At isa pa Alex bakit mo pala hiningi number noon wag mong sabihin na my gusto ka doon.”
            “Anu ba ikinagagalit mo kay Nico ha? Eh anu ngayon kung gusto ko yung tao alam mo naman na BI ako ah.”
            “Eh yun kaya yung nakatama sakin sa ulo sa coffee shop. At isa pa pagnakikita ko yun eh nabwibwisit talaga ako ng di ko alam. Anu!? Alam kong BI ka Alex pro hindi ganoon mga gusto mong diba?”
            “Hindi ko rin alam bro basta nong kasama ko si Nico parang angaan ng loob ko. Parang ansarap niya protektahan at ansarap ng pakiramdam pag tumatawa siya”
            “Don’t tell me bro you’re in love with that fag?
            “Maybe, I’m not sure. Eh anu naman kung in love nga ako kay Nico. Wag mong sabihing nababakla kana sakin bro?”
            “Gago, hindi anu. Nakakabwisit lang talaga yun Nicong yun. I hope I never see him again”
            “Bahala ka nga sa buhay mo bro. Oh siya aalis na ako at my gagawin pa ako sa office ko. Just call me if you need me and wala pa pala akong pamalit na secretary mo. Ayaw na yata ng mga hiring company na magbigay dahil lahat naman daw eh nasisisante kung hindi isang araw mga oras palang wala na.”
            “Oh sige ako na muna magmamanage kaya ko naman .”
            “Sure ka dyan ha?”
            “Oo nga umalis kana kaya”
            Pagkasabi ni Mark noon ay hindi na nagsalita pa si Alex at umalis na ng opisina. Habang naiwan si Mark na nagiisip kung pano makagaganti kay Nico.   
Kinabukasan sa ating bidang si Nico
            Nakaupo si Nico sa opisina niya at ginagawa ang lahat ng gawain ng biglang mag ring ang cellphone niya dali dali naman niya itong sinagot.
            “Hello this is Nico speaking”
            “Ah Nico this is Atty. Alex”
            “Oh ikaw pala Alex bakit napatawag ka? Akala ko kung sino na”
            “Ah ganoon ba. Um Nico my gagawin kaba after work?”
            “Wala naman bakit?” medyo kinikilig na si Nico dahil alam niyang yayain siya ni Alex na mag date
            “Mabuti naman. Yayain sana kitang kumain sa labas. So I’ll pick you up at 6?”
            “Sure” gustong humiyaw ng puso ni Nico dahil sa kilig.
            “Ah sige so 6?”
            “Oo nga. Ulit ulit kana yata ah?” natatawang sabi ni Nico
            “Ah ganoon ba medyo excited yata ako. Oh sige bye na baka nakakaistorbo na ako sa ginagawa mo.”
            “Ok lang yun basta ikaw Alex wala ko pakialam sa mga gagawin ko.” Gusto sanang isatinig ni Nico ngunit hindi niya nagawa dahil alam niyang magmumukha siyang tanga at malandi.
            “Ah sige. Di naman konti lang naman ginagawa ko.”
            “Oh sige bye Nico see you Later”
            “Bye Alex. Later” pagkatapos noon ay pinindot na niya ang end call. Lumipas ang oras at naghanda na si Nico sa Date nila ni Alex. Paglabas na paglabas ni Nico sa office ay nakita sa labas ng resto ang isang  na sa tingin niya ay kay Alex. Kaya naman humugot siya ng isang buntong hininga, iniligay ang napakatamis niyang ngiti at lumabas sa resto. Hindi nga nagkamali si Nico kotse nga ito ni Alex kaya naman paglabas na paglabas niya ay binusinahan agad siya ni Alex at ibinaba ang salamin ng kotse
            “Nico!” sigaw ni Alex kay Nico
            “Ako nga bakit?” tanong ni Nico na nakangiti
            “Sandali alam ko may pupuntahan ako. Alam mo ba kung sino ang sundo ko Alex?” dongtong nito
            “Sandali sino naman kaya yung hinihintay kong cute? Ikaw ba yun Nico”
            “Ako cute hindi ako cute gwapo ako?” sabay tawa. Sa pagtawa ni Nico ay hindi niya namalayan na nasaharapan na niya pala si Alex.
            “Ay Kabayo!” gulat na sabi ni Nico
            “Ako kabayo?” sarkastikong tanong ni Alex
            “Nang gugulat ka naman eh”
            “HIndi kaya ikaw lang naman ang gugmulat sa sarili mo.” Tawang sabi nito
            “Ah ganoon edi hindi na lang ako sasama” tampong sabi ni Nico
            “Oh sige na ako na po ang may kasalanan. Sorry na” sabay luhod
            “UY anu kaba anraming nakakita tumayo ka nga”
            “Hindi ako tatayo hanggat hindi ka nagsasabing sasama ka”
            “Oh sige na sasama na ako. Para tayo nitong magjowa tumayo kana nga”
            “Bakit ayaw mo ba?” tumayo na si Alex.
            “Ngek ni hindi ka panga nanliligaw eh” hindi na sumagot si Alex at pinagbuksan na lang si Nico ng pintuan. Naintindihan naman ni Nico ang ibig sabihin ng ginawa ni Alex kaya pumasok siya sa kotse at pumasok na rin si Alex. Nasa driver seat si Alex habang si Nico naman ay katabi nito.  At pumunta na sila sa kanilang destinasyon. Inihinto ni Alex ang sasakyan sa harap ng isang resort.
            “Hanggang dito muna tayo Nico”
            “Bakit naman?”
            “Mabliblindfold ka muna”
            “Ngek kailangan ba talaga yun?
“Oo sympre para surprise”
            “Edi magblindfold”
            “Lumabas si Nico sa kotse at tumalikod kay Alex” lingayan naman ni Alex ng blindfold si Nico. At nagsimula na silang maglakad. Mula sa tiles ng resort ay naramdaman na niya ang buhangin sa paa at naririnig na niya rin ang alon mula sa dagat at umiihip na rin ang malumanay an hanggin sa tabing dagat. Dahan dahang inalis ni Alex ang blindfold at.
            “WOW” nanlaki ang mga mata ni Nico sa nakita

To Be Continued........

Anino Ng Kahapon 21




Photo by: Justyn Shawn


Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Manigong Bagong Taon!


Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.  Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat.  Sana po ay naintindihan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!

STRAIGHT


Ako si Christian o Xian. Isa akong paminta. Baklang nagbibihis lalaki at nagpupumilit umakto at magsalita bilang tunay na lalaki. Lumaki ako sa pamilyang hindi malaking isyu ang pagiging bakla o tomboy. Nabigyan kami ng karapatan kung ano ang gusto naming gawin sa buhay. Malaya kaming magkakapatid ngunit may mga responsibilidad parin kami sa aming mga sarili. Ikinital sa mga isipan namin na gawin namin kung ano ang makapagpapasaya sa amin ngunit dapat harapin namin ang bunga ng aming ginawa, ito man ay mabuti o masama.
                                                -Kilalanin si Xian sa ating nobelang “Straight”

                Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali’t salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak… malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko.
            Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, ang barkada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa.
- kilalanin si James sa susunod nating nobela pagkatapos ng nobela nating “Nang lumuhod si Father”

Abangang ang kuwento nina Christian at James pagkatapos ng ating nobelang “Nang lumuhod si Father.” Mababasa ang kakaibang kuwento ng pag-ibig sa blog na ito…

Thursday, January 3, 2013

Mr. Sunshine Meet Mr. Gloom Chapter 1


So heres my first series story hope you like it guyz and comments are very much appreciated. Hindi na ako magbibigay ng pre story kayo na lang bahala kun anong mangyayari. XD

Chan Erange
Mr Sunshine Meets Mr Gloom

By: Chan Erange
Email: chan.erange@gmail.com
Blog: http://storyforspecialhearts.blogspot.com/
     
      Isang normal na araw ito para kay nico ngunit wala siyang kaalam alam na ito ang simula ng kaniyang lovestory? O kalbaryo?. Nakaupo si Nico sa kaniyang favorite spot sa La Mia Taza at nagiisip ng mga bagong pakulo at recipe sa kaniyang restaurant. Si Nico ay nakapagtapos ng HRM at Culinary arts sa prestiyosong mga eskwelahan at sa edad na 22 ay meron na siyang sariling restaurant na ngayong namamayagpag sa mga tao. Hindi rin lingid sa kaniyang magulang ang kaniyang katauhan at dahil wala na siyang ama naintindihan ng kaniyang ina ang katayuan ni Nico. Wala rin siyang pakialam sa mga sasabihin ng tao sa kaniya. Physical feature ni Nico ay maputi medyo chubby my matangos na ilong at nakasalamin dahil na rin sa pagiging near sighted nito my konting balbas na maslalong nagpapagwapo sa kaniya at higit sa lahat masayahin.

Oh sige tama ng introduction balik tayo sa coffee shop.
“haiiiii” sabi ni nico sabay inat sa upuan.
“Aray!!!!” sabi ng tinamaan ni nico ng kanyang kamay sa pag inat.
“Ay Sorry” sabay ngiti.
“Anung sorry sorry?” tanong ng lalaki na nakakunot noo at nalilisik na mata.
“Sorry dahil tinamaan kita, anu pa ba?” natatawang sabi ni Nico
“Ganyan ka ba talaga ha! Nakatama ka na nga tumatawa kapa!! Sigaw ng lalaki
“Aba’t sinisigawan mo ba ako?” nakakunot noong sabi ni Nico
“Sa tingin mo?” sarkastikong tanong ng lalaki
“Anu ba tong coffee shop na ito nag papasok ng mga walang modong customer” parinig ng lalaki sa mga tao sa coffee shop at kay Nico
“Abat magaling rin tong magparinig ah” sabi niya sa kaniyang sarili kaya naman para di na rin sila makagawa ng malaking exsena ay gagamitin na niya ang kaniyang pagiging actor. Humugot siya ng isang buntong hinga at nagsalita.
“Am sir uulitin ko po SORRY dahil tinamaan ko kayo at SORRY rin po dahil napatawa ako sainyo” Nakangiti nitong sabi at with matching pacute.
“tsh....Pasalamat ka my gagawin pa ako at andito lang ako para uminom ng cape”
“Ah ganon ho! Ba? Ah sige po SORRY ulit” nakangiti pa rin nitong sabi
“Sige Sige” pagpapatawad ng lalaki
At lumabas ang lalaki sa La Mia Taza at naiwan si Nico na bwisit na bwisit sa lalaking iyon. At dahil sa bwisit niya hindi niya na pansin ang waiter na nakalapit sa kaniya.
            “Nakakabwisit yun na lalaking yon ah!” nalakas niyang sabi
            “Ok ka lang sir?” tanong ng waiter
            “ah eh ok lang ako. Isa na lang na latte.“ tarantang sabi nito
            “hai nico wag mo ng pansinin ang lalaking iyon at gawin mo na lang ang mga gagawin mo. Pro infeness gwapo siya at sa tingin ko yummy pa. Ay anlandi! Naku naman kinakausap ko nanaman sarili ko hai” sabay buntong hininga. Ganoon nga ang nangyari ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.

Samantala sa ibang bahagi ng ating storya:
            
       “YOUR FIRED!” sigaw ni Mark sa kaniyang secretarya na nagkamali. Ito naman si Mark aka Mr. Gloom daw sahil sa sobra nitong gloomy, kinatatakutan ng mga empleyado sa companiya nila kaya naman pag sinabing andiyan na ang President lahat ng tao sa opisina ay todo gawa ng kanilang mga gawain. Si Mark ay ipinanganak na laki sa layaw mabait kung mabait ka saka niya Masama kung MASAMA. Hindi naman dating kaganiyan  si Mark infact napakabait niyang Presidente until takasan siya ng kaniyang fiancé at sumama sa isa sa mga empleyado ng companya at simula noon nagi na siyang bugnutin at workaholic. Sa edad na 25 ay marami na siyang na accomplish sa companya meron na itong 5 five star hotel 10 resorts sa iba’t ibang summer spots at marami pang iba. Physical Features Gwapo kung Gwapo chinito magandang katawan at higit sa lahat killer smile dahil nga sa killer smile niya ay nagging model siya ng isang toothpaste.

Oh sige yan muna balik tayo sa mga nagyayari.
            
               “But sir I didn’t mean to forgot your coffee” naiiyak na sabi ng secretarya
            “No buts you’re fired I brought it myself and because of that I had a little quarrel with a fag and that’s your fault.” Sabi ni Mark
            “And oh before you go find a new secretary for me will you.” Sarkastiko nitong sabi
            “FIND A NEW SECRETARY YOURSELF SIR!” sigaw na sabi ng secretarya habang umiiyak
            “hahahahahahahahaha” tawa ng tawa si Mark paglabas ng babae
            “Ikaw talaga bes” sabi ng taong pumasok
            “Oh Alex” sabi nito habang tumatawa parin
            “Hoy nababaliw kana ata”
            “Hindi. Kung nakita mo lang sana mukha noon habang umiiyak pati ikaw matatawa”
            “Naku naman kahit kailan talaga bes sadista ka parin”
            “Baliw ka Alexander hindi no. Total andito ka na rin ikaw na maghanap ng bago kong secretarya gusto ko yung magaling ha!” sabi ni Mark
            “oh sige sana naman itong kukunin ko eh di na ma tangal. Dalawang araw pa lang ang secretaryang iyon wala na agad hay naku Mark kailan mo kaya makikita ang katapat mo?”
            “Katapat hay walang makakatapat sakin”
            “oh siya sige andito rin pala ako sayo dahil my pinapabigay si tito ramon”
            “Anu yun? Akin na dali” seryoso na ang mukha nito
“Oh ayan” sabay abot ni Alex ng folder. “Kausapin mo daw ang may ari niyan at mag invest nasa top restaurant rin ang restong yan . At dahil doon gusto ni tito ramon na mag invest dyan.” Pagpaliwanag nito habang si Mark naman ay binabasa ang nasa loob ng folder.
“An rami na naming negosyo ah bakit magdadagdag pa?” tanong ni Mark
            “Iba daw kasi yang restong yan. Yung ama ng may ari niyan ay Bestfriend niya daw gusto niya sanang tulungan and magandang investment rin daw yan.”
            “Oh siya sige kailan ang meeting nito?”
            “Wala pang date kasi naman wala ka na ngayong secretarya kaya wala ng gagawa niyan para sayo kaya ikaw mismo pupunta diyan at ikaw na rin mag set ng date.” Sabi ni Alex
            “Oh sige sige” naka ngisi nitong sabi
            “Andyan na rin yung telephone number at isa pa kahit anu pa daw magyari dapat maging ka sosyo ka ng restong yan sabi ni tito ramon. Aalis na rin ako dahil tapos na rin ang trabaho ko dito” sabi nito at lumabas na
            I denial niya ang cellphone number na nasa information na binigay ni alex. May ringback ang cp nito kaya naman mas naaliw siya at di niya namalayan may sumagot na
            “Hello?” tanong ng nasa linya
            “Ah Hello?” gulat na sabi ni Mark
            “What can I do for you?” tanong ng nsa kabilang linya
            “Is this the owner of the restaurant?” tanong ni Mark
            “Yes it is”
            “I’m the president of chua company. I’m interested to be a part of your restaurant. And for that I would like to set a meeting.”
            “Sure. It’s a pleasure meeting the president. When and Where?”
            “Tomorrow 8 am at La mia taza and could you also prepare a contract”
            “That would be a pleasure so tomorrow?”
            “Yes and goodbye”
            “Thank you and Goodbye”
            At naputol ang linya nila sa isa’t isa. Ngunit nagkaroon sila ng kutob na kilala na nila ang isa’t isa sa boses. At sabay silang nagsabi.
            “Parang kilala ko ang boses na yun”
            Pagkatapos na pagkatapos ay tinawagan niya ang kaniyang attorney at pinagawa ng contract sumang ayon naman ang attorney at sinabihan niya rin ito na pumunta sa meeting. Tinwagan din ni Mark si Alex ang attorney niya at sinabi ang gagawin tomorrow.
 Kinabukasan nagising si Nico ng 7 naghanda para sa meeting ganoon din si Mark. Naka polong Puti at Chaleco lng si Nico na nagpatingkad ng kaniyang pagkacute. Si Mark naman ay naka suit usual na gamit niya sa mga meeting at umalis sa bahay ganoon din si NIco. Nauna si Nico sa meeting place maya maya naman ay dumating na rin ang attorney nito at omorder siya ng black coffee dahil nakalimutan na niyang magkape sa condo niya at kumain ng conting cake. Mga 10 minutes ang nakalipas dumating na ang attorney ni Mark si Alex at nagpakilala.
            “Oh Hi I’m Attorney Alex attorney ng iyong cliente.” Sabay abo’t ng kamay kay Nico
            “Hi I’m Nico the owner of the restaurant” sabi ni Nico habang hawak ang kamay ni Alex
            “So Mr. Alex anung oras darating ang client ko?” nakasmile na tanong ni Nico
            “Soon andito na rin iyon “
            “Ah sige, want some coffe?”
            “No thanks, maybe later”
            “Ganoon ba. Mukha kasing hindi kapa nagaalmusal. Mr Alex masama yan, siguro naman alam mong pinaka importanteng meal ito sa araw” sabi ni Nico habang nagpapacute “Ang gwapo naman ni attorney gagamitan ko nga ang pacute hahahahhahaha” sabi ni Nico sa sarili na nagpatawa sakanya ng kaunti na napansin naman ni Alex.
            “Oh bakit ka natatawa?” tanong ni Alex
            “Ah wala, umoorder ka na kaya. Kahit coffee lang” At umepal si Bestfriend/Attorney
            “Oo nga naman alex hindi yan titigil si Nico sa kakapilit sayo. Ganyan yan maslalo na sa mga cliente kasi naman natural na maalahanin ito.” Pamimilit ng bestfriend/attorney ni Nico
            “Ah Ganoon ba attorney. Sandali anu nga palang pangalan ninyo nakalimutan kong magpakilala sainyo.” Ngayon pa lang na pansin ni Alex si attorney
            “Ah I’m Attorney Jamie Mendez, as you can see attorney ni Nico at bestfriend niya rin”
            “Oh I’m so sorry attorney di ko kayo na pansin”
            “Ok lang lagi naman tong nagyayari”
            “Ganoon ba?”
            “Oo, ito kasing si Nico sobrang liwanag kaya naman mga nasapaligid eh hindi na nakikita” tumatawang sabi ni Jamie. At umepal na rin si Nico dahil mukhang napapahiya na siya kay Jamie.
            “Anu ka ba, hindi anu. Wag mo ng pansinin sinabi ni Jamie oh siya oorder ka na ba?”
            “Sige na nga. Nagugutom na rin kasi ako, ayaw kasi ng boss ko na kumakain sa oras ng trabaho”
            “Wala pa naman siya at isa pa akong bahala sa kaniya, So alex na lang ang itatawag ko sayo. Hindi kasi ako masyadong sanay sa formalities eh”
            “Sige mas confortable nga ako nyan eh”
            “Ah sige” at tumawag si Nico ng waiter. Omorder si Alex ng Black coffee at ng Caramel cake. At hindi nila na, malayan ang oras na magaalas otso na ng umaga. Nasa kasagsagan sila ng paguusap ng mag bumukas ang pinto at ilinuwa nito si Mark. Hindi namalayan nila Nico ang paglapit ni Mark sa kanila kaya naman ng makita ni Alex si Mark ay nagulat ito.
            “Mark!” gulat na sabi ni Alex
            “Alex, asan na ang owner?” tanong ni Mark
            “Ayan siya” turu ni Alex. Nakayuko si Nico ng mga oras na iyon dahil sa sumigop ito ng cape. At tumayo si Nico inayos ang sarili at naka smile na humarap sa cliente niya at iaabot na sana ang kamay ng makita niya ito. Nanlaki ang mga mata ni Nico ganoon din si Mark
            “IKAW!” sabay nilang sigaw.

Itutuloy.......Mr. Sunshine Meets Mr. Gloom

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails