Followers

Sunday, August 7, 2011

MY LIFE'S PLAYLIST (chap 9)

Author's Note: Paalala ko lang po pala, The story is purely fiction. Some events might have been inspired by real events or other stories, novel, movie or song but that's as far as it goes. Hindi po ito story ng buhay ko, natripan ko lang gamitin ang name ko. Syempre, ang sarap kayang makita name mo sa isang story ahahahaha. Kung gusto nyo po suggest po kayo ng names para sa susunod na book ng MY LIFE'S PLAYLIST. di ko na kasi nabalikan ang kwento ni eman, at kung bakit nagkagulo talaga si kirk at kian. Maraming salamat po sa readers. Kayo ang lakas ko. :)


-------------------


And everything as I knew it changed.

Pagkakagising ko nakikita ko agad ang mga text nya na:
~Hoy gising na!

Miss na kita eh heheheh :)

~ I ♥ u

Then right before lunch mare-receive ko:

~ kumain na ba mahal ko?

~ if you want kain tayo before class, just to make sure na bochog ang mahal ko ahahaha

At before class makikita ko na sya sa ilalim ng puno ng mangga, at lumilingon-lingon na parang may hinihintay o hinahanap. Sa totoo lang nagtataka ako kasi usually late sya sa klase or saktong sakto lang sa oras, but I admit it, natutuwa ako hihihi…

Pagkakakita nya sa akin niyayaya nya akong kumain sa may canteen at hahatakin nya ako sa kamay. Medyo nabubwisit ako kapag ginagawa nya yun pero nung nagpaliwanag sya bakit nya ako hinahatak sabi nya, “Hehehehe sorry lang, gusto lang kita i-holding hands ng di halata!”

Habang sinasabi nya yun kinakamot nya ang ulo nya at nakatungo sya. Tipong mukhang nahihiya talaga. Haist kakilig. Lately paulit-ulit ako ng pagsasabi ng kakakilig, mahirap na atang tanggalin ‘to sa habits ko.

Sa classroom magkatabi na lagi kami. Sa sobrang kulit namin at pigil na tawa habang magkatabi sa klase nabiro kami ng prof namin na para kaming may sariling mundo o di kaya naman may relasyon daw kami. Sa isip isip ko lang, “prof totoo! Meron talaga, how did you know?” ahahahaha pero syempre di ko pwedeng gawin yun.

After ng klase habang naglalakad papuntang computer shop a.k.a tambayan, todo akbayan. Tipong parang lasing lang na naglalakad na magkaakbay. Pag nasa computer shop na kami dapat magkatabi ulit kami at sa laro kita kita ko ang tuwa nya kapag magkakampi kami at ang simangot nya kapag magkalaban kami.

Kapag uwian na super text sa isa’t isa just to know kung nakauwi na. Tapos text text ulit kung nakapagdinner na. Ganun ulit just before we go to sleep.

And the routine starts all over again.

I think ito ang routine na di ko pagsasawaang ulit ulitin.

---------------

Sa school ang daming assignments pero di ko alitana, inspired eh.

“Ikaw na inspired” sabi ng isang side ng utak ko.

Sagot ko naman, “I know, right?!”

Potek yan baliw baliwan na ako. I guess I just can’t help myself from being too happy all of a sudden, after all, I know for a fact that I deserve to be this happy.

“Arrraaayyy!!! Sinong may gawa nun?” pasigaw kong nasabi nung biglang may tumamang maliit na bagay sa noo ko.

"hahahaahahaha!!!" tawanan ng mga classmates ko. at yung iba pigil pa ang tawa.

“Mr. Chua I see that you just came back to this world, so how was the dream world?” ang sarkastikong tanong sa akin ng prof ko.

“Ahh sorry if I spaced out, it won’t happen again.” Ang paghingi ko ng despensa sa prof ko.

“I hope so Mr. Chua. The next time I see you like that I will deduct some point from your grade” pananakot ng prof ko. Well I guess I derseve that. Sobrang nakakahiya yung moment na yun. Grrrr kakapikon ka KIRK CHUA!!! Focus! Focus! Focus!

“Mukhang lutang na lutang ka kanina huh…” biro sa akin ni Kian.

Kalapit ko ng upuan si Kian kasi kagrupo ko sya sa subject na ‘to. Well I guess I really don’t care much about the past now. May Rex na ako. Parang ganito lang kasi yan, “He loved me at my worst. You had me at my best. But binalewala mo lang lahat yun. And you chose to break my heart.” Nakawan ko ba daw ng linya si john llyod. But then again sa utak ko lang yan.

“Ah may bo… I mean may kasambuhay na kasi ako eh. Di ko mapigilang isipin.” Sagot ko kay Kian.

“Ahhh ok” maikling tugon nya. At after nun nagtaas sya ng kamay at tumayo.

“Mam can I please be excused. Emergency lang po.” Tumayo sya at lumabas ng room after tumango ang prof namin.

“What’s wrong with him?” tanong sa akin ni Liezel.

“Malay ko?!” sagot ko sa kanya.

Mula ng moment na yun parang sya naman ang lumalayo sa ‘kin. Kung kelan ok na ako sa kanya tsaka naman sya gumaganun ng drama. Palaka sya!

-----------------

“This is it!” sabi ko habang nakaharap sa salamin bago pumasok. Saturday ngayon, ang araw nang reunion ng family ni Rex. As promised kasama ako dun. I already picked out my best outfit, pati ang pabango ko naka-ready na rin. Nagbaon na rin ako ng konting damit in case mag-overnight ako sa kanila kung gagabihin kami dun.

When I reached school nakita ko silang nagsusulat at nag-aabang sa iisang yellow pad. Isa lang ang malinaw na meaning nun. Walang klase at nagpa-attendance na lang si Sir Alcantara.

“Wag ka nang makipila dyan naisulat ko na name mo with pirma.” Biglang pag-akbay sa akin ni Rex mula sa likod ko.

“Potek ginulat mo ko. Alam mo namang magugulatin ako eh.” Sagot sa kanya.

“bakit ka naman nagugulat. Eh ‘tong mukha bang ‘to dapat ikagulat?” sagot nya habang nagpapa-cute sya.

“Oo naman. Sinong di magugulat sa mukha mo, eh parang isang anghel na bumaba sa lupa. Kala ko tuloy sinusundo na ako papuntang after life.” Sagot ko with matching sundot sa tagiliran nya.

“Weh ang cheesy mo!” sagot nya sabay ganti ng kiliti sa akin.

“Handa akong maging cheesecake para lang sa ‘yo!” sagot ko sa kanya.

“bakit naman cheese cake?”

“Eh di para sweet na cheesy pa, at pahabol na lang yung cool pa…” sagot ko sa kanya with matching kindat.

“Hoy friend hayagayan nyo ba talagang gagawin yan?” tanong nang taong nasa likod namin.

“Wah Rein sorry naman.” Sagot sa kanya.

“Friend ikaw huh. I thought you were ignoring me but now it’s clear to me. Di mo na kailangan magpaliwanag.” Sabay kindat.

“Wah it’s not what you think?!” sagot ko with matching akbay kay Rein at nilayo ko sya sa pwesto namin.

“Sus friend. It’s ok with me. Di ba ako ang dakilang confidant mo. Last time sabi mo magpapakalalaki ka na, but if this is what makes you happy eh di gorabels!” sagot nya sa akin na may follow up na kurot sa pisngi.

“Hoy! Reina! Anu yan?” biglang pag-interrupt ni Rex.

“Ay jelly si bf mo. Pasado yan sa standard ng good bf. Good luck friend!” bulong sa akin ni Rein.

“Sus Rex bestfriend ko yan si Rein. At alam nya na.” mahinang sabi ko kay Rex.

“Waahhhh! Bakit mo sinabi? Kala ko ba secret natin ‘to.” Pagpapanic ni Rex.

“Don’t worry. She’s good with keeping secrets. Pasalamat ka inistorbo nya tayo. Kasi kung nagkataon tayo na nagbulgar sa atin dahil sa ka-cheesy-han natin kanina.”

“hmmmm ganun ba…” obvious na relieved na si Rex.

“Wahhhh salamat bisprin Rin!!!” biglang paghawak ni Rex sa kamay ni Rein with matching shake hands manner.

“Aysus! Basta wag kasi kayong pa-obvious! Wag PDA kahit ganyan lang kung sikreto ever nyo yan. Mga BEKsfriend ko talaga…” payo sa amin ni Rein.

“HOY LALAKE AKO!” sagot namin pareho ni Rex kay Rein.

“oh easy lang! Joke lang yun. Eh di kayo na ang lalaki! You already! Kayo na!” sagot ni Rein na super natatawa.

“Oo kami na talaga. As in kami na talaga!” sabay akbay sa akin ni Rex.

This moments talaga pakiramdam ko mamamatay na ako sa kilig. Parang nanghihina ako sa akbay nyang yun. Tapos ganun pa sinabi nya. Ah tinamaan ako ng shot gun ni Cupid! At oo shot gun or maybe canyon pa nga eh. Ang lakas ng tama sa heart ko.

At nabasag na naman ang tawanan namin ng biglang may kumalabit sa likod ko.

(Grabe sa amin noh puro nanggugulat mula sa likod. So bawal sa amin ang may heart attack. Ayun ang isang purpose ng medical exam sa colleges. Jokes!)

“Hoy Kirk may grouping tayo mamaya sabi ni Liezel!” parang bored na parang bwisit na parang ewan na may chilling feel na pagkakasabi ni Kian. Parang hinugot sa ilalim ng earth ang lalim ng voice.

“Ay sorry pre may lakad ako. May lakad kami ng family ko. Pakisabi pasensya na. Super duper mahalaga lang na nandun ako at di ko pwede i-cancel.” Sagot ko kay Kian na may kasamang dramatic effect.

“Ah ganun ba. Sige sasabihin ko na lang kay Liezel. By the way kung hahabol ka, sa bahay namin ang grouping.” Pahabol ni Kian.

“Ah ok! Salamat ng marami!” sagot ko kay Kian.

Mula naman sa sagot kong yun hinatak ako ni Rex papunta sa dulo ng hallway. Habang naglalakad kami papalayo kumaway na lang ako kay Rein para magpaalam. Nang makarating kami sa dulo ng hall lumiko kami papuntang janitor’s room. Pagkakarating namin dun niyakap ako ni Rex ng mahigpit.

“Wah di ako makahinga Rex. Medyo loosen up the hug. I love the hug pero medyo ipit lang yung chest ko” nasabi ko habang tinatapik ang likod ni Rex.

Kumalas sya sa pagkakayakap at humarap sa akin habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. Pagharap nya sa akin kitang kitang tuwang tuwa sya na medyo teary eyes na at sinabi nya na “Di ko akalaing mas uunahin mo ang reunion ng family ko kaysa sa thesis nyo!”

Medyo na-shock naman ako dun. Niyakap ko ulit sya at binulong sa tenga nya, “syempre pamilya ata yun ng bf ko!”

“ahhhh….” medyo paungol kong ingay. Bigla nya kasing kinagat tenga ko.

“Adik ka bakit mo yun ginawa?” tanong ko sa kanya habang di pa rin kumakalas sa pagkakayakap.

“Wala lang. Di ba nagustuhan mo naman?” sagot sa akin ni Rex.

“How sure are you?”

“Eh dahil dito!!!”

Bigla ko syang nabigyan nang malupit na kurot sa tagiliran.

“Aw what was that for?” tanong na medyo natatawa.

“Ehh adik ka eh! Ambastos mo!” sagot ko sa kanya at based on the heat I’m feeling nagbublush ako. Ganitong ganito kasi yung feeling ko pag nangyayari yun eh.

“Sus ako pa bastos eh junjun mo yung nagising!” natatawang sagot ni Rex.

“Wah gagu ka pala eh ikaw may kasalanan nito!” pasigaw na sagot ko sa kanya at nagsimula akong mag-walk out. Honestly sobrang napahiya ako. Mas malala pa ‘to compared dun sa binato ako ng chalk sa noo nung nakaraang araw.

Hinabol ako ni Rex at pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap mula sa likod ko.

“Sorry naman. Joke lang yun. Di ko kasi mapigilan eh. Masyado akong natuwa sa ‘yo!”

“Hmpft! Ganun ka ba matuwa? Well I don’t like it.”

“Sorry na po. “ kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at lumuhod sa harap ko.

“Sorry na talaga!” pagsusumamo ni Rex habang naka-pout pa sya.

Badtrip naman kasi eh. Ang hirap magalit sa mokong na ‘to. At epal di naman kasi ang automatic body reactions or should I say Involuntary reaction ng katawan. But then again, tao lang ako di ba?

“Tumayo ka nga dyan! Kung di lang kita bf baka inupakan na kita eh.” Sagot ko sa kanya na badtrip tone pa rin.

“Wow love mo talaga ako!” sagot nya sa akin na tuwang tuwa. Tumayo agad sya at niyakap ulit ako.

“Ahemmmm..” sabi ng manong sa di kalayuang lugar.

“Ay pasensya na po manong alis na po kami…” paghingi ko ng dispensa kay manong janitor.

Potek ang daming panggugulat today. Phew takbo mode kami ni Rex palayo sa janitor’s room. After namin magtatakbo nagpahinga muna kami sa canteen.

---------------------

“Di ka ba nawe-weirdo-han?” tanong ko kay Rex.

“Saan?”

“sa ‘tin.”

“panong sa ‘tin?”

“as in sa relasyong ‘to?”

“elaborate….”

“wow English!”

“naman!”

“back to the topic nga!”

“English rin oh!”

“adik!”

“hmmm sa totoo lang naninibago. Syempre this is my first relationship with a guy. Pero somehow pag kasama kita, kausap kita, ‘pag naghaharutan tayo o nagkukulitan, I tend to forget all those things.”

Nung sumagot sya ng ganung kaseryoso parang iba ang tingin ko sa kanya. As if parang ang mature nya. Parang di talaga sya. Sa totoo lang parang may liwanag sa langit na lumusot sa bintana na sakto sa kanya na parang spotlight at lalong na-enhance ang kagwapuhan nya.

Sa sagot nyang yun nakasigurado na ako, I will breakdown all my walls na. Di ko na kailangan mangamba. Sabi nga ni Ai ai sa ANG TANGING INA, THIS IS IT!!!

Hinawakan ko ang kamay nya at sinabi kong “Salamat! Di ko alam pero ganun din ako. Nawawala ang takot sa lahat. Kumbaga sa DOTA para akong si SVEN, na naka-god strength na kumpleto ng gamit.”

(Para po sa di naglalaro ng dota, si Sven po ay isang karakter dun. Para sa akin isa yun sa pinakamagandang gamiting heroes. Itanong nyo na lang po sa ka-close nyong dota player.)

“So kung magkataon dumating ang panahon na kailangan na nating sabihin sa magulang natin ok lang?” tanong ni Rex. Kitang kita ko ang pagseryoso nya. Shet minsan ko lang ‘to makita. Ang sarap picturan men. Wahhhh mas nahuhulog talaga ako. Everyday may bago sa kanya. Haist…

“If you’re ready then I’m ready. Kung di man sila pumayag handa akong magsimula ng buhay na tayong lang. Malapit na rin tayo gumradweyt eh.” Sagot ko sa kanya.

“Don’t worry if that ever happens I’m ready for it. Sa totoo lang meron akong small business na nasimulan. Mula yun sa naipon ko dati.” Ang nakakagulat na sagot ni Rex.

“Weh ipon mula saan?”

“Siguro naman napagtanto mo na rin na I’m from a well of family.”

“Well obvious yun dati pa, pero di ko expected na may business ka.”

“Ganito kasi yun, dati dapat private school ako. Ang budget na binibigay sa akin for tuition ay P70,000.00 per sem. Up until nalaman ng parent ko na sa state university ako nag-enrol at nalaman nila na 1/7 lang ng budget ang napupunt talaga sa tuition.”

“Wah! For how long?”

“Till third year.”

“Wah!!! Grabe men ang laki ng ganun!”

“Yup pero marami na rin ako nagasta”

“Wah almost P300,000.00 ang ipon mo dapat!”

“Ganun na nga.”

“So anu naman yung business mo?”

“Mobile reloading, sio mai stall na may pinapaswelduhan na ako na tagatinda, at nakipartner ako sa katropa ko sa isang computer shop”

“Wah ang galing mo pala! Grabe ka!”

“Well sinwerte ka ata sa bf mo. Hmmm masyado ka ngang sinwerte!”

“Wew marami ka pang di alam sa akin. Kung alam mo lang kung gano ka kaswerte!”

“Weh? Sige nga, tell me!”

“Marunong ako magluto, magplantsa, maglaba, magtiklop, maglinis ng bahay, magligpit at marunong din ako ng onting ibang lengguahe.”

“Wow para pala akong nagkaron ng wife!!!”

“Hala wife talaga?”

“Oo! Bakit ayaw mo ba akong husband?”

“Bakit sinabi ko bang hindi?”

“Adik ka rin talaga!”

Pagkakasabi ni Rex ng ganun hinawakan nya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. Natuwa naman ako ahahahaha. Konti lang kinain namin nung hapon na yun umalis na kami ng canteen. Pinuntahan na rin namin yung motor nyang naka-park sa mall.

------------------



------------------
After maitabi yung onti kong gamit sa kasama ng motor niyaya ko muna syang maglakad lakad lang.

“Hmmm anu nang gagawin natin ngayon?” tanong ni Rex.

“Wala lang. Mahaba pa naman oras natin eh.” Sagot ko sa kanya.

Di katagalan biglang bumuhos ang ulan.

“Potek ang lakas ng ulan! Tara sumilong na tayo!” pagyaya ko sa kanya.

“Wag kang magagalit pero trip kong maligo ngayon sa ulan!” sabi ni Rex with matching smile na naman na para bang nagsusumamong samahan ko sya.

“Eh di maligo na nga sa ulan” ang para bang walang pakialam kung anung mangyayari kong sagot.

Bakit ganun parang ang dali na ng lahat. Kung makikita ako ng sarili ko last year babatukan ako nun at sasabihan ng “Hoy Kirk gagu ka ba! Balak mong magkasakit!” but then again di ko naman makakausap ang dating ako. At for sure kung makakausap ko sya at malalaman nya kung gaano ako kasaya, maiintindihan nya na rin ang lahat at di na ako aawayin pa.



Ganun na nga at nasa ulanan kami sa likod ng mall sa may parking lot. Naghahabulan at nagsasayaw na para bang may sinasabayang music. Mukha kaming tanga para sa iba, pero this moments is simply perfect.

Wednesday, August 3, 2011

One More Chance - 10

Photobucket


Hello there, pasensiya na sa mga naghintay ng update nito. Ang pasaway ko kasing henyong utak ay may tatlong on-going stories. Salamat sa suport. Salamat lang talaga. Love you all...


Chapter 10

SABADO. Nakatakda ang pagkikita nilang dalawa ni Gabe. Hindi niya inasahan na sobrang ganda ng boses nito sa phone. Nawala tuloy ang mga ipinagdaramdam niya ng mga panahong iyon. Kung alam lang niya na ang makakatulong sa kanyang makalimot kahit saglit sa mga ala-ala ni Basty ay ang boses nito, sana ay noon pa niya kinuha ang numero nito.

Nasa kahabaan na siya ng Edsa. Magkikita silang dalawa sa Dencio's sa Megamall. Bahagyang umuulan ng gabing iyon kaya hindi nakapagtatakang sinasalubong niya ngayon ang traffic. Tiningnan niya ang oras sa relo. Eksakto alas-sais empunto. Rush hour pa. Mabuti na lang at malapit na siya sa patutunguhan.

Liliko na sana siya sa intersection kung saan maaari siyang mag-U-turn ng may bumangga sa likuran ng sasakyan niya na pampasaherong jeep. Agad ang ginawa niyang pag-apak sa preno para hindi bumangga sa sinusundang sasakyan ngunit nahagip pa rin iyon ng bahagya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang tatak ng sasakyang nadisgrasya. It was an Audi.

Napapalatak na lang siya at ini-imagine sa isip ang damage ng kotse habang bumababa. Bukod sa nakadale siya ng mamahaling kotse ay may nakadale rin sa kanya. Problema nito kung paano iso-shoulder ng nakabangga sa kanya ang damage ng sasakyan niya.

"Holy shit!" napapamurang anas niya.

Nagmamadali siyang bumaba at tiningnan ang damage ng Audi. Hindi naman malaki ang dent sa rear bumper nun pero alam niyang malaki pa rin ang babayaran niya dahil hindi sa ordinaryong casa ito ipapagawa. Naiiling na sinulyapan lang niya ng bahagya ang likuran ng saakyan niya.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Bumukas ang pinto ng Audi at bumaba naman ang driver ng jeep. Napapikit na lang siya sa desperasyon. Nagpasya siyang tingnan ang nasaling sa bahagi niya. Maliit na dent lang iyon at hindi halata kung di mo iinspeksiyunin. Nilapitan siya ng driver.

"Pasensiya na Sir. Palyado po ang preno ko eh. Hindi po agad kumagat ng umusad ako," nagpapakumbabang sabi nito.

"Paano yan Manong?" ang tanging nasabi niya.

"Eh paano nga po ba ito Sir? Wala pa po akong kita at may sakit pa si Misis," bakas ang pag-aalala sa mukha ng driver. "Baka po gusto ninyong hulugan ko na lang ang magagastos ninyo?" anito sabay hugot sa wallet at iniabot sa kanya ang sedula.

"Nariyan po ang address ko Sir. Kung may calling card po kayo ay pahingi po ako para matawagan ko kayo." pagpapatuloy pa nito.

Napahilot sa batok niya si Popoy. "Sige na po, Manong. Okay na po iyan. Ako nang bahala dito."

"Naku! Salamat Sir. Pasensiya na po talaga at maraming salamat ulit.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Samantala, nang paalis na ang driver ng jeep ay narinig naman niya ang boses ng isang lalaki sa likuran niya.

"Pare, itabi natin ang mga kotse natin," tumalima naman kaagad siya.

Mukhang suplado ang lalaki. Matangkad ito at medyo may kaputian. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil nakabaseball cap ito at nakasalamin. Pero naaninag niyang guwapo ito base sa bone structure ng panga. Natural din na mapula ang labi nito. Bagay rin sa katawan ng nakabanggaan niya ang boses nito. Deep. Masculine. Rugged. Parang porma nito.

He mentally shook his head. That was very weird of him to think that way. Nasa isang aberya na nga siya nagawa pa niyang mag-assess ng katawan ng tao? 

Nang maitabi ang kani-kanilang sasakyan ay bumaba itong muli at mabilis na sinilip ang dent ng kotse nito. Napapangiwing nilapitan niya ito. 

"Ahm... gaano ba kalaki ang damage, pare?" tanong niya rito. 

Sinipat niya ang relo at nakitang magsi-six thirty na. Malapit na siyang ma-late sa usapan nila ni Gabe. Mahirap ng magkaroon ng impresiyon na late comer siya palagi.

"Hindi naman ganoon kalaki. Pero sa tingin ko mahaba-habang usapan ito." anito sabay tayo ng tuwid sa harap niya saka nito inalis ang suot na cap.

Halos napatulala si Popoy sa dalawang bagay na iprinisinta sa kanya ng estranghero. First, the man was literally towering above him. Sa height niyang five eleven ay tinitingala niya ito. He must be six feet five or something. Second, he was a very attractive man. He was oozing with sex appeal and a very commanding presence. Napaka-suplado ng dating nito but he's the type of snob you would die for.

"I'm sorry," aniya sa lalaki. 

Humalukipkip lang ito at tiningnan siya ng mataman. Nakdama siya ng panliliit sa inaakto niya. Why in the world is he acting like a scolded child. He's the Medical City's Director for crying out loud! With that in mind ay naibalik niya ng unti-unti ang composure na kanina pa nawawala sa katauhan.

"Look, my car is insured and you'll get paid. In case na hindi ma-cover ng insurance ko ang damage ng sasakyan mo, I'm more than willing to pay the excess amount. I'm leaving you one of my ID's. Ito rin ang calling card ko." may pagka-snob niyang sabi sabay akmang babalik ng sasakyan ng magsalita ito pagkakuha ng ID at tarheta niya.

"Isn't it rude to leave your date here?"

Napatda siya sa narinig.

"What?" di makapaniwalang sabi niya.

"You heard it right, Doctor Richard Mondragon, Director, Medical City," natatawang sambit pa ng lalaki.

"No way." gilalas pa rin niyang wika.

"Yes way, Doc Popoy. I'm your date. I'm Gabe." anito sabay ngiti.

"I'll be damned!" natatawang sabi ni Popoy sabay lapit dito. Hindi malaman ang gagawin kung makikipagkamay o yayakap sa nagpakilalang ka-date daw niya.

Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya. "Kung nag-aalangan ka sa gagawin mo, a handshake will do." tukso nito.

Agad ang pamumula ng mukha niya sa sinabi nito. Mukhang maloko ang isang ito base a laugh lines sa gilid ng mata nito. At hindi nga nagbibiro si Half ng sabihin nitong kahawig nito si James Yap. Hindi iyon eksaherasyon. Magkasing-tangkad din yata ang mga ito. Iyon nga lang, mas softer ang features ni Gabe but that doesn't made him lesser attractive and masculine.

Mas lalo siyang namula ng ito na ang kumuha sa kamay niya para isakatuparan ang handshake. Napaka-firm ng hawak nito. Nakapag-imagine na tuloy siya ng ilang maseselang eksena dahil doon.

God! Get a hold of yourself Popoy!

Napailing siya sa epekto ni Gabe sa kanya. Marahil ay nadadala lang siya sa obvious an admiration ng isang ito sa kanya. Grabe kasi ang kislap ng mga mata nito tuwing tinitingnan siya. Kagaya ngayon.

"Gabe, ah... you know it's impolite to stare."

Natawa lang ito. "Sorry Poy, but you have to know na ang hirap paniwalaan para sa akin na naririto ka ngayon at kaharap ko. Sa mga business pages lang kita nakikita eh."

Nag-blush na naman siya sa compliment nito.

"Ah... hindi ako sanay Gabe nang pinupuri."

Nagtaas lang ito ng isang kilay habang may pinipigil na ngiti sa labi. Tinapatan niya lang iyon ng reprimanding look na ibinibigay niya sa mga tauhan niya.

Pinagmasdan niya ulit ito mula ulo hanggang paa. Naaaliw talaga siya sa taas nito. Sabagay, binagayan naman iyon ng malaking pangangatawan nito kaya hindi alangan sa tangkad nito. Alon-alon din ang buhok nito na may kaunting patilya. Bagay sa genius look nito.

Gwapo talaga ang loko.

Malago ang kilay nitong bagay na bagay sa deep set nitong matang matiim kung makatingin. Maliit ng bahagya ang ilong na bumagay din sa manipis nitong labi. He looked yummy and delectable. Naka-walking shorts lang ito at tinernuhan ng maluwag na T-shirt na nagmukhang fitted dahil sa built nito. Naka-sneakers ito na walang medyas. Very comfy and yet quite rugged. An unconventional combination.

"I know I'm quite good looking." pukaw nito sa observation niya.

Natawa siya bagama't bahagyang napahiya.

"Yabang mo. Kumain na nga lang tayo." pag-iiba niya ng usapan.

"Sure. Sino bang mag-aakalang dito tayo unang magkikita? Akala ko nga male-late ako dahil nabangga pa ang sasakyan ko. Buti na lang ikaw ang nakabangga."

"I'm sorry talaga Gabe. Kung okay lang sa'yo ako na ang sasagot sa gastos."

"Okay lang 'Poy. Kaunting gasgas lang iyan at insured din ang sasakyan ko."

"Oo nga pala. Convoy na lang tayo ha."

"Okay," ani Gabe.

Maya-maya lang ay nasa pinag-usapang restaurant na sila. He was having fun with Gabe that Popoy forgot to take notice of the time for the very first time. Hindi kagaya noong sila pa ni Basty. Kapag may date kasi sila noon ay parang gusto na niyang umalis agad kahit kakaupo pa lang nila.

But with Gabe, it was different.

Tawa siya ng tawa sa mga jokes nito kahit corny. Pero may iba rin itong jokes na talgang mapapa-isp ka. Hindi nonsense kaya naman dedma siya sa mga nakakarinig sa halakhak niya. Oblivious din siya sa mga questioning stares ng nasa paligid. Bakit nga naman hindi eh dalawang magagandang lalaki ang magkasama na animo nasa isang date. Buti na lang at hindi romantic ang ambiance sa Dencio's.

"Okay, I have a friend. His name is Pluto and he's a cockroach," panimula nito ng panibagong joke.

"I'm beginning to think that you love insects," biro niya kay Gabe.

"On the contrary, ipis ako nung past life ko," sabi nitong ikinatawa niya.

Natawa rin ito sa ginawi niya. Natigil nga lang iyon ng hawakan nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa.

"Gabe... m-may na-nakatingin..."

"I don't care 'Poy," determinadong sabi nito. Wala na siyang nagawa kundi magpaubaya.

Gabe smiled. "I'm glad na napapatawa kita. Mukha kasing ang lungkot-lungkot mo kanina. Kaya tuloy hindi ko magawang magalit kanina kahit nabangga mo ang sasakyan ko. And I'm only thankful na yung crush ko at yung nakabangga sa akin ay iisa. Imagine my surprise ng lumabas ka ng kotse mo. Sabi ko, I have to make sure na ikaw nga iyon kaya hindi ako nagsasalita hanggang sa mag-abot ka ng ID mo."

Speechless siya sa madamdaming declaration of love ni Gabe sa kanya.

"G-gabe..."

"I know you're still hurting. At ang pakikipagkita mo sa akin ay way mo ng pagko-cope up but let me help you Popoy. Willing akong maging panakip-butas para sa'yo."

Hindi pa rin siya makaapuha ng sasabihin. Damang-dama niya ang sincerity sa boses nito. Iyon nga lang, hindi niya alam kung kaya na ba niyang makipag-compromise dito. Unfair naman yata kung gagawin niya iyon.

"T-that's unfair, Gabe..."

"Wala naman akong choice di ba? Dumating ako sa panahong naghihilom ka pa. So, let me help you instead. Di naman ako nagmamadali eh."

Nilinga niya ang paligid. Napailing siya ng makita ang mataktikang pag-iiba ng tingin ng ilang customer. Napabuga siya.

"Let's talk about this sa ibang lugar."

Nagtatakang tiningnan lang siya ni Gabe pero tumalima rin ito. Tinawag nito ang waiter para sa bill nila at hanggang makalabas na sila ng establisyimento ay hindi sila nag-iimikan.

Nang makarating sa parking lot ay binasag na niya ang katahimikan.

"Kaya mo bang sakyan lang ang topak ko hanggang sa maging full-blown na ang pagiging sira-ulo ko?"

Nagtatakang tiningnan siya nito.

"What do you mean?"

"Kung willing ka ba kakong magkaroon ng boyfriend na baliw?" natatawang sabi ni Popoy.

"Don't say that, hindi ka baliw."

"Yes I am. At kung di mo kayang sabayan ang topak ko, hindi ka pwedeng maging boyfriend ni Popoy Mondragon."

Napangiti si Gabe. Ganoon din siya. Mukhang na-gets na nito ang ibig niyang ipahiwatig. This time will be different. Hindi siya maglalagay ng restrictions. Wala ng inhibitions. Come what may. Ibibigay niya ang lahat sa bagong relasyon na papasukin niya. Doon din naman sila patungo ni Gabe, bakit pa niya patatagalin?

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin bago nagsi-sakay sa kani-kanilang sasakyan.


Itutuloy...

Tuesday, August 2, 2011

MY LIFE’S PLAYLIST BOOK 2 PREVIEW

Author's Note: Pasensya na po sa late updates. Medyo nakakastress lang talaga ang thesis. At sad to say thanks to the epal storm may ubo't sipon pa rin ako, so it means antukin talaga ako ngayon. I will do my best to update as soon as possible. Medyo matagal lang akong gumawa kasi agawan kami ng mga kapatid ko sa iisang desktop eh. At marami nga po palang salamat sa readers. Malapit na ako gumradweyt makakapag-update na ako ng mas madalas after that ahahaha.... Salamat ulit sa readers :D




“Potek recently lagi ko ‘tong naririnig sa bus, fx, jeep at minsan pati sa bahay, si ate kasi fan ni taylor swift tsk tsk tsk… Pero bakit parang natatamaan ako sa lyrics?”



I used to think one day we'd tell the story of us
How we met and the sparks flew instantly
People would say they're the lucky ones
I used to know my spot was next to you

Now I'm searching the room for an empty seat
'Cause lately I don't even know what page you're on
Oh, a simple complication
Miscommunications lead to fallout
So many things that I wish you knew
So many walls up, I can't break through

Now I'm standing alone in a crowded room
And we're not speaking
And I'm dying to know, is it killing you
Like it's killing me

I don't know what to say since a twist of fate
When it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now
Next chapter

How'd we end up this way?
See me nervously pulling at my clothes and trying to look busy
And you're doing your best to avoid me
I'm starting to think one day I'll tell the story of us
How I was losing my mind when I saw you here
But you held your pride like you should have held me

Oh I'm scared to see the ending
Why are we pretending this is nothing?
I'd tell you I miss you, but I don't know how
I've never heard silence quite this loud

Now I'm standing alone in a crowded room
And we're not speaking
And I'm dying to know, is it killing you
Like it's killing me

I don't know what to say since a twist of fate
When it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now

This is looking like a contest
Of who can act like they care less
But I liked it better when you were on my side

The battle's in your hands now
But I would lay my armor down
If you'd say you'd rather love then fight

So many things that you wish I knew
But the story of us might be ending soon

Now I'm standing alone in a crowded room
And we're not speaking
And I'm dying to know, is it killing you
Like it's killing me

I don't know what to say since a twist of fate
When it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now
Now, now
And we're not speaking
And I'm dying to know, is it killing you
Like it's killing me?
And I don't know what to say since a twist of fate
'Cause we're going down
And the story of us looks a lot like a tragedy now
The end

“ahh takte tama ba ‘to? Pambabae ‘tong kantang ‘to at medyo up beat pero bakit ako naiyak? T*ngna! Lead ako ng banda tapos napapaiyak ako ng isang taylor swift song. F*ck!” bwisit kong nasabi sa sarili.

Bakit ba kasi parang aloof na si Kirk sa akin. Alam kong nasaktan ko sya dati nung sinabi kong di dapat maging kami but did he forgot na sinabi ko rin na ayokong may magbago. Bakit ba naman kasi nagsisikreto pa sila ni Liezel eh. Tapos magugulat na lang ako one day sasabihin nila parehong may feelings sila sa ‘kin. What was I suppose to do?!

All I wanted to do was to protect Liezel from a heart break from Cedie but di ko napagtanto na iyon ang reason kung bakit sya nagkagusto sa ‘kin. Tapos ‘to naman si Kirk, mabait sya, masayahin pero super sensitive, I wanted to protect him ‘coz that’s what bestfriends do, Right?

Di ko ginustong may magbago. Mahalaga sila pareho sa ‘kin. Pero may nararamdaman ba akong higit pa sa pagkakaibigan?

I was right about Cedie, ngayon may GF na sya at hindi yun si Liezel. Parang good + bad news lang, good news di nasaktan si Liezel kay Cedie, bad news ako na ang gusto ni Liezel at I think she’s expecting me to make a move with her.

Ito naman si Kirk parang ewan. Dati lagi naming syang kasabay ni Liezel maglunch, dinner, gumala sa mall, magcomputer rental, ngayon parang lagi syang out of sight. Lately lagi syang kasama sa grupo nina Jon, Mackie at Rex or kung di naman sila kasama nya todo kwentuhan sila ni Reina. Ampness what the hell did really happen.

Dati pag-late ako sa klase makikita ko na lang sa attendance sheet nakasulat na name ko at obviously handwriting yun ni Kirk. At sure na akong may mauupuang malapit sa harap na row sa tabi nya. Pag gusto kong gumala sa mall isang text ko lang or tawag kay Kirk nandyan na siya. Minsan nililibre ko sya pero mas maraming beses nya akong nililibre kahit na street foods lang.

Tama ba ‘to?

Classmate ko pa rin naman sya huh pero bakit parang ang layo na nya?

Syet I feel like a f*cking trash. Di pwede ‘to. This so unlike me.

I had heartaches and heart breaks before but this is different.

I need to go somewhere to take this of my mind. San na ba yung phone ko?
Ahhh ayun..

“Jeff tawagan mo yung banda, praktis muna tayo!” pangungulit ko sa drummer namin.

“Kian wala naman tayong gig ngayon ah?” sagot ni Jeff sa kabilang linya.

“Ah basta call them!!!” bulyaw ko kay Jeff.

“Pre I think you need a drink. Ibuhos mo yan. Wag yung binabaling mo sa ibang bagay galit mo! Siguro busted ka sa nililigawan mo no?” sagot ni Jeff.

“Loko!!! Sige inuman na lang. Kitakits Padi’s” sabi ko kay Jeff.

“Libre mo?” biro naman ni Jeff.

“Sagot ko isang unang bucket ng beer”
“Wow may dinaramdam nga ang Lead namin! Sige tatawagan ko na sila pre”

“Loko gusto ko lang talaga magpalipas ng oras.”

Tama naman si Jeff eh. Ewan ko ba kung anung kalokohan ‘to.
This is so freakin unlike me!!!

“Ate pakihinaan nga yang kantang yan! Paulit-ulit ka dyan sa kantang yan eh, favorite?!” sigaw ko sa labas ng pinto.

“Ay bunsoy galit ka? Kung galit ka wag mong pinapasa sa iba huh baka di kita bigyan ng baon dyan!” sagot ni ate with matching threat.

“Sige na nga! Bahala ka na nga dyan. Aalis ako mamaya, baka late na ako umuwi huh.” Paalam ko kay ate.

“Don’t forget your keys. Now I'm standing alone in a crowded room, And we're not speaking, And I'm dying to know, is it killing you, Like it's killing me…..” sagot ni ate tapos sumabay pa sya sa kanta.

Hay bwisit! I hate that song!!!

MY LIFE'S PLAYLIST (chap 8)

Author's note: Wah super salamat sa mga comments super naging happy ako. Sorry di ko nagawang mag-update agad sunod sunod ang events eh. Napaka-hectic ng sked. Kung pede lang di na ako umatend sa mga school events at birthday ng katropa eh di ko na gagawin eh... JOKES lang. If I do that eh di upak naman ako dahil di ko rin na keep ang promise ko sa kanila. At syempre mahalaga ang school work. Try kong mag-update tommorow ng madaling araw. Wah at super happy nga pala ako na i got the chance to meet Daddy Mike. Super thankful talaga ako sa kanya. Hay naku sana totoo na lang 'tong wento ko ang lamig eh need ko ng kayakap, kasi 'tong si bagyo eh.... brrrrr!!! Ahahaha JOKES... Salamat ulit!!!


“Hmmm sarap naman ng pakiramdam ko. At ang sarap pang yakapin nitong unan na ‘to... Aba teka di ‘to unan huh. Hala bakit may nakahawak sa ulo at parang pinagtitripan pa buhok ko?!” ang nasabi ko sa sarili ko habang nakahiga ako sa isang super comfortable na lugar.

“Sabi nila piliin ko daw ang taong masaya ako, kumportable akong kasama sya at yung nakakapagpapawi ng lungkot ko sa di maipaliwanag na paraan. Yun nga lang kung pipiliin ko daw ang taong yun mag-ingat daw ako kasi pag nawala yun sa akin mas masakit daw” sabi ng naririnig kong boses habang nakahiga bisig nya.

“Wah papano ako napunta sa ganitong moment?! Last thing I remember sinabi nyang bf nya ako sa harap ng uncle nya huh!!!
Hohemgeeeee... Feel ko ang saya saya ko pero nakaka-panic at the same time” sabi ko na naman sa sarili ko habang nakahiga pa rin sa tabi ni Rex.

“Rex... Anung nangyari bat ako nandito? Di ba kanina lang nasa harap tayo ng pinto ng bahay nyo?” tanong ko kay Rex.

“huy nagulat naman ako sa ‘yo gising ka na pala. Narinig mo ba yung sinasabi ko” tanong sa akin ni Rex na parang nakuryente sa pagkagulat.

“Huh wala naman. Huy bakit nga biglang nandito na tayo sa kwartong ‘to? Anu bang nangyari?” palusot na sagot ko sa kanya kahit obvious naman na narinig ko talaga yung sinabi nya kanina. Hihihih lakas topak ko noh. At syempre gusto kong malaman bakit parang tumatalon na lang ang mga pangyayari.

“ah nahimatay ka kahapon.” Sagot sa akin ni Rex na medyo natatawa na ngayon.

“Hmmm weh... di nga... di naman nangyayari sa ‘kin yun eh. Last time na nangyari sa akin yun may ulcer ako tapos yung time before that eh nung naaksidente ako nung bata pa ko. Tapos nun wala na akong moment na nawalan ako ng malay.” Paglilinaw ko sa kanya.

“Di nga promise nga nawalan ka ng malay. Doctor si Uncle Ash. Wala naman daw syang nakitang problem sa ‘yo. Nung nawalan ka nga lang daw ng malay medyo mainit ka at mabilis heartbeat mo.” Kwento ni Rex.

“Wah panung ok lang ako kung mainit ako at kakaiba ang heartbeat ko? Anu yun parang ewan lang?”

“Eh kasi kaninang umaga at kaninang hapon he checked up on you again at ok ka naman daw. It’s either pagod ka or...” biglang tumigil si Rex at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko habang ang kanan nya kamay ay nasa dibdib nya at ang kilawa nyang kamay ay nasa dibdib ko.

“Hmmm I think tama ang theory ni Uncle Ash...” sabi ni Rex.

“wah anung theory naman yun?”

“Kasi nung tulog ka normal naman yung heartbeat mo, tapos kanina kanina lang ganun din. Eh nung nilapit ko yung mukha ko sa mukha mo eh...”

“ano? Ituloy mo! Anung meron” sa totoo lang may idea ako kung anung gusto nyang sabihin pero syempre dapat wag pa-obvious. Hahahah.

“I think in love ka!” sagot ni Rex sa tanong ko.

“Hmmm bakit mo nasabi?”

“Una, nung sinabi kong bf kita sa harap ng uncle ko nahimatay ka at based on your story its not common for you to just faint like that. Pangalawa, nung nilapit ko mukha ko sa ‘yo bumilis heartbeat mo. Pangatlo..” pambibitin na naman ni Rex.

“Anung pangatlo?” pagtatanong ko with matching pretend na bwisit sabay kunot noo.

“From what I observed may tendency ka ma-attract sa guys...” sagot ni Rex.
Pakiramdam ko sasabog ang utak at puso ko. Di ko alam kung matutuwa ako or matatakot. Parang gusto kong tumakbo at magsisigaw o di kaya magtago sa ilalim ng kaibuturan ng lupa. San nya nakuha ang idea na yun.

“Huh? Anung sinasabi mo?” tanong ko kay Rex.

“Wag kang magagalit at sa totoo lang eh di rin naman ako sure. Kasi one time maaga ako pumasok, tatambay sana ako sa likod ng chapel at narinig kong sinabi ni Kian na hmmmm correct me if I’m wrong sa pag-quote ko, Ayoko na nang ganito Kirk nasasakal na ako! Lumayo ka muna sa akin. But then again that was so last sem ago.” Ang nakakagulat na kwento ni Rex.

“ahhh away lang naming yun. Kasi remember ayun yung time na naaksidente sya sa motor. I was merely trying to lend a hand tapos bigla syang nagfreak-out nun. Sa totoo lang up to this day di ko alam bakit nya nasabi ang ganung kasakit na salita.
I never thought na may magsasabi sa akin ng ganun.” Sagot ko kay Rex at di ko pansin tumutulo na pala luha ko. I guess masakit pa rin yung alaala na yun.

Niyakap ako bigla ni Rex ng mahigpit. At narinig ko sa kanya ang pinakamasarap na salitang di ko expected kahit kalian, “Di ko na papayagang may manakit pa sa ‘yo nang ganun. Kung di ka nya kayang ipahalagahan ako na lang ang gagawa nun. He doesn’t deserve a friend like you. Ikaw ang nagpasaya sa akin nung binasted ako at somehow naparamdam mo sa akin na di na ako mag-iisa hangga’t nandyan ka.”

Sa totoo lang tulala ako sa narinig kong yun. Lalo tuloy akong naiyak. Niyakap ko na lang din sya ng mahigpit. I feel safe at the moment. Parang all fell right into place. Matagal nang walang yumayakap sa akin, parang nalimot ko na yung warmth nang yakap. Pero sa moment na ‘to parang iba. Parang first time ko maramdaman ang ganitong pagyakap. Di ko alam kung bakit parang binuksang gripo mata ko. Parang waterfalls na sya. Ang saya saya ko ngayon kaya this can’t be crying, this must be what they call tear of joy.

Kumalas sya sa pagyayakapan namin at humarap sya sa akin. Nilapit nya ang mukha nya sa akin at nagsalita sya, “Mahal mo ba ako? Kasi ako di ko sure pero parang mahal na kita”

Sa bilis ng tibok ng puso ko di ko alam kung anung gagawin. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Isa lang ang bagay na magagawa ko. Pinikit ko ang mata ko at ginawa ko na ang bagay na di ko naisip na gagawin ko sa totoong buhay. I kissed him.

Naramdaman ko na lang na humigpit ulit ang yakap nya, this time while kissing me.

Di ko sukat akalain mangyayari ‘tong moment na ‘to. I dreamt of this type of stuff, oo nakapanaginip na ako ng something like this pero hellow, asa naman akong magkakatotoo pala yung mga yun.

-------------

Pagkakaraan ng ilang sandaling bumalik kami sa pagkakahiga at muling nag-usap.

“hmmm so” medyo feeling awkward at kinakabahan ako sa sasabihin ko.

“Hmmm so what?” sagot nya sa akin.

“D-d-does this mean what I think it means?”

“I think so...”

“So are we?”

“We are”

“Really?!”

“hindi, joke lang. Batukan kita eh malamang tayo na! Ikaw pa naman ‘tong matalino sa math at English tsk tsk tsk” sagot ni Rex sa akin na may halong biro.

“heheheh sorry lang. Karamihan daw nang mahusay sa academics tanga sa love eh.” Sagot ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran nya.

“hmmmm so bobo ka nga sa love ahahahaha!!!” sagot ni Rex sabay tawa.

“Di naman!!!” sagot ko sa kanya sabay pouty face.

“Pero wag kang mag-alala, I will teach you!” sagot ni Rex sabay flash ng kanyang super amazing smile.

Sa sagot nyang yun kiniliti ko ulit sya sa tagiliran at ginantihan nya rin ako. Pagulong gulong kami sa higaan. Kilitian at tawanan. Parang sana di na matapos ‘tong moment na ‘to.

Hay naku feel ko inaakyat na ng sampung bilyong langgam ang kwartong kinalalagyan namin. Badtrip kasi ‘tong si Rex, ang sweet masyado ahahahah. Potek I feel so malandi at the moment. Ahahaha. Tawa naman ako ng tawa. Kung nakikita ako ng lola ko babatukan ako at sasabihan ng “tawa ng tawa, gusto nang mag-asawa”. Ewan ko kung saan libro or baul yun nakuha ni lola pero why not di ba. Kung si Rex ang papakasalan ko why not. Mahal daw ako. At hellow based on my abnormal heart mahal ko na rin sya. Bonus na lang na pogi at mayaman sya.

Pero teka, how would we tell our respective families, parents at friends. Wah!!!
Ayan na naman nakakaramdam na naman ako ng wagas na takot at kaba. Potek talaga ako oh panira ng ka-sweetan.

Di ko gusting sirain ang moment pero I had to ask, “Teka! How would we tell our parents about this? Or kung sino man.”

“We don’t have to. This can be our sweetest secret. Tayo lang. Bahala sila. We’re old enough to decide for ourselves. Don’t you think we deserve to be happy?” sagot sa akin ni Rex na medyo sumeryoso ng mukha.

“Hmmm basta nasa tabi kita at alam kong totoo ‘tong nararamdaman natin handa na akong isugal ang lahat. I put my trust in you. Ang masasabi ko lang alam mo ang feeling na masaktan at iwan and same goes for me. Hangga’t kaya pa natin walang bibitiw huh.” Yan ang sinabi ko while holding his hand tight.

“Wag kang mag-alala. Mahal kita!” pagkakasabi nun niyakap nya ulit ako.
I feel so lucky. Parang nananaginip lang ako. Aba teka baka nananaginip nga lang ako.

Tinulak ko ng onti si Rex. Obviously nagtaka sya sa ginawa ko. Bigla kong kinurot ng pino ang mukha nya.

“Aray!!! Para saan yun?” medyo badtrip na tanong ni Rex.

“Ahhh gising nga ako. Kala ko kasi nananaginip ako eh..” sagot ko sa kanya.

“Di ba pagkinukumpira kung gising ka or hinde you inflict pain on yourself? Eh bakit ako ang kinurot mo?” sabay kurot ni Rex sa pisngi ko.

“Di ko ramdam” ewan ko kung dahil sobrang hyper at saya ko pero di ko masyadong ramdam ang kurot nya.

Bigla syang lumapit at niyakap ako at bigla akong hinalikan at kinagat sa leeg.

“Awww!!!! Gag* ka ba? Ang sakit nun huh!” Medyo galit kong sabi sa kanya.

“Eh at least ngayon sure kang gising ka at may souvenir pa akong kiss mark sa ‘yo!” sagot ni Rex na nakangisi.

“Hmmmm oo nga no! Sure na nga akong gising ako. Ang galing naman ng labs ko!” sagot ko kay Rex with matching pacute na smile hehehe. Sorry kung parang masyado akong nagiging malandi eh first bf eh.

“Uy tama ba yung narinig ko? Labs? Yes!!! Yessssss!!!!! Wooohooo!!!!! Yan na tawagan natin huh” excited at tuwang tuwang nasabi ni Rex.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ulit ang Uncle Ash ni Rex.

“What’s with all the noise? Pwedeng magharutan at magkulitan pero please keep it down.” bwisit na pagwa-warning sa amin ng Uncle Ash nya. At bagsak ulit ng pinto.

Super kabado ako sa moment na yun pero napaisip rin ako bigla kaya napatanong ulit ako kay Rex, “Huy di ba sabi mo sa Uncle mo bf mo ko? Anung sinabi nya?”

“Ah yun ba? Bumanat agad ako ng JOKE LANG. Kaya nagulat ako nung bigla syang nagdive sa sahig para saluhin ka. Kaya ayun parang wala lang yung moment.” parang worry-free na sagot ni Rex.

“So ok lang sa kanya if ever malaman nya?” pagtataka ko.

“Hmmm not really pero mabait yang si Uncle Ash. He won’t tell if he ever found out anything about us.” paniniguro ni Rex sa akin.

“Bakit naman?” isa ulit malaking question mark sa akin.

“Eh kasi dati nahuli ko yun na may kahalikang lalaki. So ayun, he promised to never meddle with my life and keep quiet with what he’ll know and same goes for me to him” sagot ni Rex na parang proud pa sa alas nya against his uncle.

“ahhhhh beki si Uncle?” tanong ko.

“Ah ewan ko dun. May fiancé yun eh at malapit na daw silang ikasal. Kung anumang ginagawa nya, bahala na sya dun. Kung san sya masaya eh bahala na rin sya dun. Basta ako masaya ako sa ‘yo.” Biglang banat ni Rex.

“Hmpft may ganun talaga?! Ah o sya sige kung ganun na nga eh di wala palang masisiwalat na secret bukas sa reunion nyo?” follow up question ko kay Rex. Kulit ko no tanong ako ng tanong.

“Hmmm next week pa naman yun eh...” sagot ni Rex na nakangiti na nakakaloko.

“Halalalalalala anu daw? Eh bakit tayo pumunta ditto?” medyo shocked na tanong ko.

“Hmmmm gusto lang sana kitang ipasyal. Maka-bonding. Alam kong lately parang stressed out ka so naisip kong imbitahan kita. Pero napagtanto ko rin na you never agree to something without a good reason so nagdahilan akong reunion na this weekend.

“ahhhh... wait so teka dumating tayo dito gabi ng Saturday tapos ngayon Sunday na right? Kahit na sa Tuesday pa pasok natin di kaya dapat na akong bumalik ng Manila tomorrow, magagalit na parents ko.” Nasabi ko sa kanya.

“hmmm no worries. I called your mom already at pinagpaalam na kita. Nag-3G call na ako para kita ng mama mo na kasama kita at safe ka. Sabi ko rin kung ok lang sa mama mo na mag-stay ka muna dito till Tuesday morning, pumayag naman.” Kwento ni Rex.

“Really? Pano mo nakumbinsi si Mama?” tanong ko.

“Hmmmm base sa kwento ng mama mo madalas mo daw akong nababanggit. So alam ng mama mo mayaman ako na I can provide for you.” Sagot ni Rex.

Wow! Provide for me. Parang asawa lang huh. Ang perfect na nitong mundo ko at this moment. Sana makapunta kami sa isang dimension or alternate universe kung saan walang judgement sa love na natagpuan namin isa’t isa. I wish we could escape this society. Ahahaha but then again we just have to be strong I know our love can make it thru.... aheheheh wagas ang ka-cornyhan ko. Pero sabi nga nila pag in love naging corny at sweet.

“Ngingiti ngiti ka dyan!” panggugulat sa akin ni Rex.

“ah eh na-stun lang ako ng kagwapuhan mo!” sagot ko sa kanya.

“Weh? Kiss mo nga ako.”

“ayoko nga, ako na kumiss sa ‘yo kanina eh. Ikaw mag-kiss sa akin!”

“sige na nga...”

At yun na nga. This is my first official in a relationship kiss. Yung kanina kasi sagot ka lang sa kanya kung kami na eh. Pero based on my count third kiss na naming ‘to. Including yung nadapa ako at napahiga kami pareho sa mall. Ahahahaha potek kinikilig ako all over. As in wagas. Tama ba ‘to?! But then again sabi nga nila walang mali sa taong nagmamahal. And you can’t say something is wrong if it makes you happy.

----------

We had dinner. After nun we decided to sleep sa kwarto nya. Nakatulog agad sya, I guess puyat sya kakabantay sa ‘kin nung wala akong malay. So I let him sleep, di ko na inistorbo. Habang nakahiga ako inabot ko yung celphone ko sa bedside table. Pinatugtog ko as usual pero super hina lang, yung enough lang na marinig ko.



Buhay pa pala ‘tong kantang ‘to sa phone ko. Hmmm perfect!!! Like, like, like it!!!

I decided to create a note sa phone.

>The best day ever!!!
>Finally found someone to love who loves me back.
>Thanks LORD!
>Sweetest escape from my daily routine.

Binalik ko na ang phone sa bedside after magplay ng song at gumawa ng super note na naka-attach sa date today. At ginawa kong naka-repeat one song ang setting para paulit-ulit lang. Kahit super kilig pa rin ang nararamdaman ko, ramdam ko na rin ang antok so I decided to sleep na rin. First time kong matutulog ng may katabing mahal ko. Hmmmm ang sarap. Sakto aircon pa ang room.

Hay this is the life, its just so perfect!!!

Monday, August 1, 2011

Ang Tutor 3



"Ano Baby? Handsome ba ang Daddy?" Ang nagpapaCute na tanong nitong si Arthur kay Jenny habang pakindat-kindat at paPose-pose na parang kasali sa Mr.Pogi itong si Arthur. Si Jenny nama'y nakanguso at paulit-ulit na iniirapan nito ang kaniyang daddy.

"D.I. ka pala." Ang unconcious na nasabi nitong si Matt kasabay ng unti-unti niyang pagSmirk habang seryoso siyang nakatingin kay Arthur.

Hindi niya napigilang mapaComment sa Act nitong si Arthur at talaga namang nagLevel up ang pagkainis niya dito nang sabihan siya nitong samahan muna niya si Jenny habang nasa business meeting siya that evening pero narinig niya mismo mula kay Arthur na makikipagDate lamang siya.

Parang sinabuyan ng malamig na tubig itong si Arthur sa banat nitong si Matt. NaOffend siya sa birit nito sa kaniya. Proud na proud itong si Arthur sa pagiging CumLaude niya noong College at hindi niya matanggap na iCompare siya nitong bagong Tutor ni Jenny sa isang D.I.

Lalo pang nagLevel up ang pagkainis nitong si Arthur nang makita niyang nakatingin itong si Matt sa kaniya na may mga nakakalokong ngisi. Napansin naman kaagad nitong si Matt sa reaction nitong si Arthur na affected na affected ito sa kaniyang sinabi. Lalo siyang napangisi dito.

Sabay na nagInhale itong sina Matt at Arthur para biritan ang bawat isa pero naunahan sila nitong si Jenny na magsalita.

"Tito Matt, What's D.I.?" Ang inosenteng tanong nitong si Jenny. Mabilis na sasagutin na sana nitong si Arthur ang tanong nitong si Jenny pero mas mabilis ang matalas na dila nitong si Matt.

"Dance Instructor." Ang sinabi nitong nakaNgiting si Matt kay Jenny. Tinignan ng masama nitong si Arthur si Matthew at talagang nagpahalata ito kay Matt na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito sa kaniya.

"May problem ka ba sa mga D.I.?" Ang sinabing sunod nitong si Matt kay Arthur nang napansin niya ang masamang titig nito sa kaniya. Natameme itong si Arthur sa question sa kaniya ni Matthew.

"Marangal na trabaho ang pagiging D.I." Ang mabilis na idinugtong pa ni Matthew.

"Wala naman akong sinabi ah." Ang explain agad nitong si Arthur at huling-huling kasi siya ni Matthew na guilty sa pangmamaliit sa mga D.I.

"Yes! Magaling na D.I. si Daddy!" Ang proud na sinabi nitong si Jenny na ikinasamid nitong si Matthew at ikinapula naman ng mukha nitong si Arthur.

"Wow naman!" Ang sagot naman nitong si Matthew kay Jenny habang pinipigilan niya ang malakas na pagtawa. Hindi maipaliwanag nitong si Arthur ang kaniyang biglang pagkakaroon ng daga sa dibdib at nag-isip siya kaagad ng sasabihin para maiba ang usapan pero tuloy-tuloy pa din itong si Jenny sa pagsasalita.

"Si Daddy ang nagturo sa aking mag GangNam Style." Ang sinabi ng proud  pa ring si Jenny. Napakunot ng noo itong si Matthew dahil Clueless siya kung ano yung sinasabi ni Jenny na 'GangNam Style'. Napansin kaagad iyon nitong si Arthur.

"Hindi mo alam ang 'GangNam' Tito Matt?" Ang shock na shock na tanong naman nitong si Jenny sa kaniyang tito Matt. Si Matthew naman ang nag-isip ng kung anong sasabihin at sinamantala naman nitong si Arthur ang Chance para makaScore.

"Sang bundok ka ba galing at di mo alam ang 'Gangnam' ?" Ang mabilis na sinabi nitong si Arthur. Alam niyang Corny pero yun lang ang kaagad na pumasok sa isipan niya. Naglaho ang smirk sa lips at napalunok ng laway naman itong si Matthew at hindi talaga niya alam ang isasagot dahil outdated siya sa mga 'In' sa Pinas dahil kakauwi nga lang niya galing US and walang interest itong si Matt sa mga Dance Style na nauuso.

"DADDY! WHY DON'T YOU JUST SHOW TITO MATT HOW TO GANGNAM!" Ang malakas and proud na sinabi ni Jenny sa kaniyang Daddy Arthur.

Nabaligtad ulit ang situation. Napangisi ulit itong si Matthew at talagang ipinakita niya sa kaniyang facial expression kay Arthur na gusto talaga niyang malaman kung ano ba talaga ang 'GangNam'. Muling namula ang mukha nitong si Arthur dahil sa hiya at para bang nangliliit siya habang serious itong sina Matt and Jenny na nag-aabang sa kaniyang next moves.

"I'll go na. Text me nalang Matt." Ang walang emotion na sinabi nitong si Arthur sa dalawa at kaagad niyang nilapitan itong si Jenny at hinalikan sa cheek. Napag-isip-isp nitong si Arthur na mas magandang magRetreat muna siya pero nag-iinit pa din ang ulo niya dito kay Matthew nang makita niya itong may triumphant na smile.

"Pakibukas ang gate." Ang sinabi ni Arthur kay Matthew. Speaking to Matt as a Boss.

"Daddy! Your big na eh! Kaya mo na yun! Wala akong kasama!" Ang masungit pa rin na sinabi nitong si Jenny sa kay Arthur. Lalong nag-usok itong ilong ni Arthur nang makita niyang muli ang pagmumukha nitong si Matthew na pakiramdam niyang nanghahamon pa.

"Bye Daddy!" Ang sinabi nitong si Jenny sabay irap nito kay Arthur.

"Bye!" Ang may tonong pang-iinis na sinabi naman nitong si Matthew kay Arthur. Hindi na napigilan nitong si Arthur na magMakeFace kay Matthew dahil ito lang ang kaniyang naisip at kakampi nito si Jenny.

"May araw ka rin." Ang isip-isip nitong si Arthur towards Matthew habang papalabas na siya ng bahay. Tama nga ang kaniyang hinalang sasakit ang ulo niya sa Attitude nitong si Matt towards him. Clueless itong si Arthur na naTrigger niya ng kaniyang slight na pagsisinungaling ang Bitter and Sarcastic personality nitong si Matthew. "Humanda ka sa akin." Ang dagdag pa nitong nangGagalaiting si Arthur.



******************************



"Tito Matt, After we wash the dishes may ipapakita ako sa'yo." Ang masayang sambit ni Jenny kay Matthew nang matapos na siya sa kaniyang dinner na biglang ikinaCurious naman nitong si Matt. Satisfied na satisfied itong si Matthew at naturuan niya ng lesson itong si Arthur. Para na rin niyang nagantihan ang sinungalin niyang exBF.

Pagkatapos nilang magligpit and maghugas ng kanilang pinagkainan ay agad na hinawakan ni Jenny si Matthew sa isa niyang wrist at exicted niya itong hinila papunta sa isang room sa kanilang house.

"Mommy, This is Tito Matt." Ang masayang sambit ni Jenny sa solo painting ng kaniyang mommy Liz. Half body ang painting ni Liz na nasa silver frame na nakasabit sa isang side ng wall sa study room/small office ni Arthur sa bahay. Proud na proud itong si Jenny na ipinakita ito kay Matthew.

"Tito Matt, This is Mommy Liz. I forgot to introduce you kasi eh." Ang masayang sambit nitong si Jenny sa kaniyang tito Matt. Binigyan ni Matthew si Jenny ng isang sweet fake smile dahil kitang-kita niyang hindi pa ito nakakapagCope up and recover talaga sa pagkamatay ng kaniyang mommy. Tumatak sa isipan nitong si Matthew na magreResearch pa siya sa internet tungkol sa mga ganitong case. Niyakap niya itong si Jenny ng mahigpit. Walang kamalay-malay itong si Matthew na katulad lang siya nitong si Jennifer. Hindi pa rin siya nakakaGet Over sa masakit niyang breakup with his Ex.

"Say Hi to mommy." Ang sweet na sinabi sa kaniya nitong si Jennifer. Agad namang tumayo itong si Matthew at humarap sa painting ni Liz.

"Hi Ms.Liz." Ang sinabi nitong si Matthew. Biglang bumilog ang dalawang mga mata ni Matthew dahil pakiramdam niyang nginitian siya ng painting ni Liz ng pagkaSweet-sweet. InInspect muli ni Matthew ang painting at napansin niyang mas buhay na buhay ang larawan ni Liz sa painting kaysa sa family portrait na nasa room ni Arthur.

Unti-unting gumaan ang pakiramdam nitong si Matthew nang magawi ang kaniyang paningin sa mukha ng painting ni Liz. Hindi alam nitong si Matthew kung siya lang o naiImagine niyang may pagkaPilya ang ngiti nitong si Liz or guni-guni lang niya ang lahat. Pakiramdam nitong si Matthew ay natutuwa itong si Liz sa kaniya dahil sa ginawa niyang pang-aasar kay Arthur.

"Tito Matt! Let's play na! Bilis!" Ang biglang sambit nitong si Jenny na nagpatigil sa pagiInspection nitong si Matthew sa portrait nitong si Liz. Kaagad niyang sinundan itong si Jennifer na papalabas sa study room at bago iClose ni Matthew ang door ay tinignan niya ulit ang painting ni Liz. Ganoon pa din ang sweet smile nito. Hindi alam ni Matthew kung anong nararamdaman niya pero sinuklian niya ng smile ang portrait ni Liz and this time isang honest smile na ang gumuhit sa lips nitong si Matthew.



****************8:00pm****************



Habang nakaPark sa harapan ng Entrance ng Condo building nina Katrina itong si Arthur ay umuusok pa din ang ilong nito dahil sa pagkaSarcastic nitong si Matthew kanina. Kapag inilalabas niya ang daughter ng kanilang President sa Company ay ganito lagi ang kanilang set-up. 

"What's his problem?" Ang hindi naiwasang maisambulat nitong si Arthur habang inaalala niya ang pagpapaRealized sa kaniya nitong si Matthew na maypagkaPride siya sa kaniyang sarili. Hindi talaga ikinoCompare nitong si Arthur ang kaniyang sarili and his position sa mga people na kaSame workforce level ng mga D.I. Bagama't tama naman itong si Matthew na maranggal na trabaho ang pagiging D.I. ay hinding-hindi niya mapapalagpas ang ginawang pagkoCorrect sa kaniya nitong si Matt.  

Yan ang ayaw na ayaw nitong si Arthur. Ang maCorrect ng mga taong may mas mababang position sa kaniya. Tanging ang late wife lang niya ang nakakagawa sa kaniya ng ganoon.

"I'll put you in your place." Ang matigas na sinabi nitong pikon na si Arthur na alam niyang useless dahil hindi ito naririnig ni Matthew.

Lalo pang naBadtrip itong si Artur nang mapansin niyang nasa labas na ng entrance itong si Katrina at nakapameywang habang nakatinging sa windshield ng kaniyang kotse. Dahil sa sobrang inis ni Arthur kay Matthew ay hindi na niya napansin ang paglabas nitong si Katrina sa building. Nakasimagot na bumaba sa kaniyang car si Arthur upang sunduin itong impatient na si Katrina and maalalayang sumakay ito sa kaniyang kotse.

"What took you so long. Kanina pa ako nakatayo." Ang naiinis na sinabi nitong nakangusong si Katrina habang nagsiSeatbelt. Walang imik si Arthur nang pinatakbo na niya ang kotse.

Mas lalo pang naBadtrip itong si Arthur kaysa kanina nang makita niyang mabuti sa side ng kaniyang eyes ang get-up nitong si Katrina. Naka little red dress ito na fit na fit sa buto't balat nitong katawan. Amoy na amoy din ni Arthur ang matapang na amoy ng kung anumang chemical na inilagay sa malalaking kulot at mahabang buhok nitong si Katrina. Lalong naalala nitong si Arthur ang pagtawag sa kaniya nitong si Matthew na isang D.I. nang makita niyang nilalagyang ulit ni Katrina ng lipstick ang kaniyang napakapulang mga makakapal na lips. Lalo pang na emphasize ang pagkakakapal ng mga labi ni Katrina nang ngumuso pa ito sa harap ng hawak nitong compact mirror upang matiyak na lahat ng part ng kaniyang lips ay nalagyan ng red na lipstick.

"Where do you want to have dinner?" Ang tanong ni Arthur kay Katrina na kasalukuyang naman abala ng naglalagay ng face powder. Tila ba adik sa MakeUp itong hindi talaga namang kagandahang si Katrina.

Kanina pa talaga nagwawala ang mga bulate sa tummy nitong si Arthur lalo na nang makita niya ang Chicken Pork Adobong dala-dala ni Matt. Naglaway talaga siya nang makita niya sina Matt at Jenny na nagdiDinner. Gusto sana niyang makikain na din kanina kaya lang nga'y lalabas sila ni Katrina.

"Hindi ako nagdiDinner! Ano ka ba Art?! Ang tagal mo na akong nakakasama!" Ang mataray na sagot ni Katrina kay Arthur. Dahil sa gutom ay nawala sa isipan nitong si Arthur na hindi nga pala kumakain ng dinner itong strict sa diet na si Katrina.

"Where do you want to go?" Ang tinatamad na reply naman ni Arthur. Gusto nang umuwi nitong si Arthur that time at kumain nalang ng Dinner sa bahay. NagwiWish siyang pinagtirhan siya ng kanin at ulam dahil matagal-tagal na din siyang hindi nakakakain ng lutong bahay.

"Gusto kong magBallroom." Ang sweet na sinabi nitong si Katrina. "May alam akong place!" Ang excited na excited na isinagot ni Katrina habang nagbiBeautiful eyes pa ito kay Arthur.

"SYET!" Ang nasambit nalang ni Arthur sa kaniyang sarili kasabay ng maypagkaBitter niyang pagSmile. Pakiramdam niya'y pinagtulungan siya nina Matthew and Katrina.

Naubos ang pagkaCool nitong si Arthur dahil sa birit nitong si Katrina kaya nama'y nagDecide siyang huwag nalang ibigay kay Katrina ang One Dozen of Red Roses and ang isang Box of Chocolates that he bought before going to Katrina's place.

Ayaw talagang ilabas ni Arthur itong si Katrina pero as a VP ng Company nila ay talagang kasama iyon sa kaniyang work. Masungit ang kanilang President at kay Arthur lang ito mabait dahil sa kaniyang daughter na si Katrina. Alam ng President na nagdeDate sina Katrina and Arthur at botong-boto siya sa kaniyang VP for her daughter. Alam din ni Arthur na ikasasama ng image niya sa President and sa kaniyang Company once na maUpset sa kaniya si Katrina.



******************************************



Wala pang 15 Minutes ay nagbackOut na itong si Arthur sa DanceFloor at talaga namang kumakalam na ang kaniyang sikmura at naasiwa siyang magBallroom Dancing na kasama si Katrina. Affected pa din siya sa sinabi sa kaniya nitong si Matthew. Lalong nagLevel Up ang init ng ulo nitong si Arthur nang makita niya ang Menu sa Ballroom Club na pinuntahan nilang dalawa. Puro mixed nuts and alcoholic beverages lang ang kaniyang nakita. Naghintay nalang  siyang mag 10:30pm para yayain na si Katrinang umuwi. Pinalipas nalang niya ang oras sa paglalaro ng Temple Run sa kaniyang iPhone.

"Hey, Let's call it a night. Maaga pa akong papasok bukas." Ang aya ni Arthur kay Katrina nang nilapitan niya ito sa Dance Floor. Kapartner nito ang isang batang-batang D.I.

"Don't go to the office nalang bukas. Akong bahala kay Daddy." Ang walang pakialam na sinabi sa kaniya ni Katrina habang nagiiStart na ulit itong magsway with her D.I.

"Walang kasama si Jenny." Ang sunod na sinabi ni Arthur. Si Jenny ang excuse palagi nitong si Arthur kay Katrina. Napasimangot itong si Katrina at binitawan ang kaniyang dance partner.

"I Hope makakuha ka na ng Nanny For Jenny. I'll ask my maids kung may kakilala sila." Ang naiiritang sinabi nitong si Katrina kay Arthur. "Take Care! Mauna ka na at nagEenjoy pa ako." Dagdag pa nitong si Katrina sabay bigay kay Arthur ng isang smack sa lips. Mabuti nalang ay nakaiwas itong si Arthur at hindi ito nahalata ni Katrina.

Kaagad na tinalikuran ni Katrina si Arthur at nakipagsayaw ulit sa kaniyang partner. Mabilis na lumabas naman itong si Arthur sa Club at kasabay ng pagiiStart niya ng kaniyang Car ay pinupunasan niya ng madiin ang kaniyang cheeks para makatiyak na wala itong stain ng red lipstick from Katrina.

Kada minutes sa byahe nitong si Arthur pauwi ay nawawala ang kaniyang pagkaBadtrip dahil naoOverpower iyon ng pagkalam ng kaniyang tummy. Dumaan muna si Arthur sa Seven Eleven para bumili ng two Jumbo Siopaos. Hindi niya iyon kinain at talaga namang tiniis niya ang gutom hanggang makauwi dahil naglalaway talaga siya sa Chicken Pork Adobong dala-dala ni Matt. PangBack Up lang ni Arthur ang Siopaos that he bought just inCase wala siyang madatnang leftover food sa bahay. He is crossing his fingers na sana'y meron.



*****************11:30pm*********************



"How's Jenny?" Tanong agad nitong si Arthur nang pagbuksan siya nitong si Matthew ng door.

"Mga 9:00pm siya inantok and before 10:30pm eh nakatulog na siya." Sagot naman nitong si Matt.

"Hindi ba natuloy ang Business Meeting mo?" Ang sarkastikong dagdag pa nito kay Arthur nang makita ni Matt ang hawak nitong roses, chocolates and siopaos. Hindi na pinatulan ni Arthur itong si Matthew dahil he is eager na malaman kung pinagtiran siya nito ng Food. Nahihiya namang magAsk itong si Arthur kay Matthew kung may Food pa at baka mabiritan pa siya nito.

"Bahala ka na dyan. Tapon mo kung gusto mo." Ang walang emotion na sinabi ni Arthur sabay bigay niya ng mga Roses and sa box of chocolates kay Matthew. Nagulat naman itong si Matthew sa behaviour nitong si Arthur. Hindi na niya ito biniritan at pakiramdam niya'y Badtrip ito.

"Same time tomorrow ulit Matt. Help yourself nalang paglabas. I'll check on Jenny. Thank you." Ang sunod-sunod na sinabi nitong si Arthur kay Matt. Ipinakita ni Arthur kay Matthew sa kaniyang pananalita na 'Who is the Boss'. Wala namang nasabi pa itong si Matt habang tinitignan niya ang well built na likod nitong si Arthur na patungo na sa room nitong si Jenny.




*************************************



Ngingisi-ngisi itong si Arthur habang nakatingin siya sa kaniyang  wristwatch. Hindi muna siya lumabas ng room ni Jenny nang tinignan niya ito. Magpapalipas siya ng 10 minutes quietly inside the room of Jenny at sapat na iyon para maka-uwi na itong si Matthew. Maayos naman ang lagay nitong si Jenny kaya nama'y excited na excited na itong si Arthur na pumuntang kitchen. Exactly after 10 minutes ay dahan-dahang lumabas itong si Arthur sa room ng kaniyang daughter at pagkatapos ay tinignan niya kung wala na itong si Matthew. Nang maConfirm niyang nakauwi na nga itong si Matt ay kaagad siyang nagLock-up ng bahay at masayang pumunta sa kusina.

"AYOS!" Ang masayang sambit ni Arthur nang makita niyang madami pang kanin and ulam na nakatakip sa table. Inilapag ni Arthur ang hawak niyang supot ng Seven Eleven at kaagad niyang ibinuhos sa bowl ng rice ang Chicken and Pork Adobong nasa isang bowl. Kumuha ng Spoon itong si Arthur at habang papunta siya sa kaniyang study room ay hindi na niya naiwasang sumubo ng food. Nakagawian na nitong si Arthur na pag magmiMidnight snack siya or will have a late dinner na mag-isa ay doon siya sa kaniyang study room kakain. Pakiramdam kasi nitong si Arthur na habang tinitignan niya ang painting ng kaniyang asawa sa loob ng kaniyang study ay kasama niya in Spirit si Liz.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa kaniyang Studyroom ay nagmamadaling naupo sa Lazy Boy Chair itong si Arthur upang upakan na ang kaniyang food.

"Kain tayo Mommy." Ang masayang sinabi nitong si Arthur sa Portrait ni Liz pero biglang namilog ang kaniyang dalawang eyes sa kaniyang nakita. May nahulog pang ilang butil ng kanin sa kaniyang open mouth. Hindi talaga akalain nitong si Arthur ang kaniyang madadatnan sa kaniyang study and talaga namang naSurprise siya sa kaniyang nakita.

Nawalang bigla ang pagkaStress nitong si Arthur at sumandal na siya sa kaniyang Lazy Boy at magana niya ng sinimulang kainin ang Dinner na itinira para sa kaniya nitong si Matthew.

"Kung hindi ka lang madaldal." Ang masayang sambit nitong si Arthur for Matthew habang nakaSmile siyang kumakain.

Paminsan-minsan ay tinitignan niya ang portrait ni Liz and ang iniwang Roses and Box of Chocolates ni Matthew sa maliit na table na nasa harapan ng portrait ng kaniyang nakaSmile na late wife.











To  Be Continued


Spice Girls - Stop Mp3

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails