Followers

Friday, September 10, 2010

Walang Titulo: Ika-3 Kabanata

dalawang taon na kaming magkatipan ni mark. marami ang di makapaniwalang tatagal kami. magkaiba kasi ang aming mga hilig. kung madalas akong makita sa library, mas madalas namang sa gym mahagilap si mark – naghahabol ng bola o di kaya’y nagbubuhat ng weights. gimikero ito. mahilig sa nightlife. barhopping. disco dancing. ang hilig ko ay manood ng mga dula at konsiyerto. pero tanggap naman ng aming mga pamilya’t kaibigan ang aming relasyon. sabi pa nga ng tita, “kesa naman tumandang nag-iisa ang aking pamangkin.” inaya na niyang magsama kami pero tumanggi ako. sbi ko, “saka na pag may trabaho na ako.”

malambing si mark pero may pagkamatampuhin at pagkasumpungin. nasasakyan ko naman ang timpla niya. kung mag-away man kami ay siya ang unang nanunuyo. hanggang sa makilala naming si tod sa birthday party ni amy.

“mark, buti’t nahila mo itong sumama,” salubong sa amin ni amy.

“himala nga eh,” biro ni mark sabay halik sa pisngi ni amy.

“happy birthday, mi.” humalik din ako.

“thanks. akala ko di ka na talaga pupunta.”

“tinapos ko na ang research ko at baka awayin mo pa ako.”

“buti’t alam mo. may ipakikilala pa naman ako.”

“don’t tell me a new boyfriend?”

“how about miguel?”

“hindi noh! For keeps na ‘yon. inaya na nga akong pakasal.”

“talaga?”

“buti’t napaamo ka,” singit naman ni mark. papalit-palit kasi ito ng boyfriend. ang daling magsawa. si miguel lang ang tumagal. pasensiyoso kasi ito. halatang praktisado kay mark. mag- bestfriend kasi ang dalawa.

“san na nga pala si miguel?”

“kausap si tod. o, heto na pala sila.”

“’tol!”

“congrats, ‘tol!”

“balita ko, pasasakal ka na?”

“ulol! inggit ka lang!”

“inggit nga.” inakbayan ako ni mark sabay sabing, “ito kasing love ko, ayaw pang pumayag.” humalik siya sa akin. “payag ka na kasi love.” pinaamo pa ang mukha na parang aso.

“hahaha!”

siniko ko si mark at tumingin sa kasama ni miguel. qwapo ang lalaki. matangkad. alaga sa workout ang katawan. alun-alon ang buhok. malalantik ang mga pilikmata. kung moreno si mark, mestizo naman ito.

“no, it’s okay,” turan nitong nangiti nang mapansin ang aking tingin. lumabas ang biloy nito sa kaliwang pisngi. “inggit nga ako.” tumitig siya kay mark.

“oo nga pala,” singit ni amy. “this is my cousin tod. tod, sina anton at mark.“

“nice meeting you, tod.”

“likewise.”

“pare.” inalis ni mark ang pagka-akbay sa akin. iniabot kay tod. nagkadaupang-palad. nagkatitigan. nagkangitian.

“pare.”

sila na halos ang nag-usap buong gabi. palibhasa pareho sila ng mga hilig. basketball. gym. fitness. gmik. sino ba ang mas magaling, lakers o spurs? mas mainam ba ang home gym keysa sa membership? fitness o gold’s gym? the fort o libis? wala akong masyadong maiambag. swimming ang hilig ko. aklat ang binubuha; kung di national bookstore, powerbooks ang tambayan. kumukuha rin ng abogasya si tod kaya nagkakaintindihan sila ni mark. anong alam ko sa legalese? creative writing ang kurso ko; si mark, third year na sa law.

naging mas malapit pa sila ng umuwi akong probinsiya. nagkasakit ang nanay noon at di ako nag-aral para maalagaan siya. ang tita ko ay nakapag-asawa ng kano at sumamang amerika. ngunit pinabalik na ako ng inay ng sumunod na semester. wika niya, sayang ang panahon. naging busy ako dahil naghahabol makapagtapos sa marso. naging madalang ang pagsama-sama namin ni mark. habang padalang ng padalang ang aming pagkikita, padalas naman ng padalas ang aming pag-aaway. tulad na lang ng inaya niya akong manood ng laro niya.

“busy?! you’re always busy!”

“mark, please understand.”

“but can’t you find time? it’s our championship game.”

“i have an exam!”

“dati naman, ah.”

“di pa nga ako nakakapag-aral. andiyan naman si tod.” si tod nga ang isinama. pati sa victory party nila. kung di ko pa kinausap di ako kikibuin.

malimit sila na ni tod ang palaging lumalabas. minsan naitanong ko sa kanya kung bakit ang dalang na naming magsama, tinanong niya ako kung nagseselos ba ako. hindi, sagot ko. pero muntik na kaming mag-away noon. kasalanan ko rin daw kung bakit. wala na raw akong panahon sa kanya. di na ako nagsalita. di naman sa nagseselos ako sa pagkakalapit nila ngunit nakakarinig na rin ako ng mga salita mula sa mga kaibigan namin.

“anton, nakita namin sina mark at tod.”

“gumimik na naman ‘yong jowa mo.”

“ba’t iba ang kasama?”

“di ka inaya?”

“birthday...? dalawa lang sila.”

“parang ang sweet nila. Nagbubulungan ha!”

“magka-akbay pa.”

“nagulat nga ng lapitan namin. parang nag-alumpihit.”

“dali-dali ngang umalis eh.”

“didn’t you noticed, they were holding hands.”

“what?! di ko napansin. medyo madilim, eh.”

“sobrang lambing na ‘yan, gagah! maghawakan ba raw ng kamay!”

“baka may relasyon na sila....”

“guys, i trust them, okay?”

*      *      *

“Oo, dito na kami tumira ni Monty. Ipinamahala kasi sa amin itong resort.”

“Kayo pala talaga ni Monty ang nagkatuluyan.”

“Yes. Kung di ka nag-disappearing act, nakadalo ka sana sa kasal namin.”

Namamasyal sa dalampasigan sina Pol at Tonette. May suot na buri hat ang babae. Naka-bulaklaking maternity dress. SI Pol naman ay nakasuot ng puting polong hindi ibinutones, nakatupi ang pantalong manipis. Nilaru-laro ng mabining hangin ang kanilang mga buhok at damit. Bagong sikat palang ang araw at mapusyaw pa ang langit.

“Bat di ka dumalo sa kasal naming?”

Tumingin si Pol kay Tonette at tahimik na nagtanong, “And see them together?”

“I feel guilty, you know?”

“Guilty? Why?”

“Tumigil sa paglakad si Tonette. Yumuko. Tinanggal ang suot na buri. Inayos ang buhok. Huminga ng malalim.

“Sa nangyari sa inyo ni Red. If I only knew....”

“But you did not.”

“But –“

“Alam mo bang may relasyon sila?”

Marahang umiling ang babae. Inakbayan ito ni Pol.

“Ton, wala kang kasalanan, okay?” Hinawakan ni Pol ang kamay ni Tonette at pinanghimas sa maumbok na tiyan nito.

“Sige ka, magiging pangit ‘yang baby mo. At ayoko ng pangit na inaanak. Dapat mana sa akin. Gwapo na....” Nag-pose si Pol na parang kalahok sa paligsahan ng Mr. Iron Man. Pinapintog ang masel sa baysep. Pinalapad at pinaumbok ang dibdib. “Macho pa.” Pinakulot ang boses.

“Heh,” natatawang saway ni Tonette, “di bagay sa ‘yo.” Pero totoo ang sinabi ng kaibigan. Gwapo nga ‘to. Mula sa mapupungay na mga mata, matangos na ilong na parang nililok, sa mapula at manipis na labi. At gumanda ang katawan. Di tulad dati na may pagkapatpatin. May six-pack na ang loko. Dagdag pa ang tila lamlam na bumabalot dito.

“Anong di bagay?”” panghihilakbot ni Pol. “Ikaw lang, eh. Sa Amerika pinaghahabol ito, ‘kala mo.” Kinurap-kurap ang pinapupungay na mata. Ang matang tila laging nangungusap, matang nalalambungan pa rin ng lungkot.

“Oo na! Macho ka na!” Tinitigan ni Tonette ang kaibigan, tila inaarok ang tunay na loob. “But am I forgiven?”

“What’s to forgive?” Niyakap ni Pol ang babae.

Nagpatuloy sila sa paglalakad at hinayaang halik-halikan ng mga bula ang kanilang mga paa.

“Buti’t naisipan mong umuwi dito?”

Humarap si Pol sa silangan, dumipa, at humugot ng malalim na hininga sabay buga ng dahan-dahan.

“I missed this.” Hinayaan niyang dampian ng masuyong simoy ng hangin ang kanyang katawan. “Sa Amerika, masyadong naghahabol ng oras ang mga tao.” Hinarap ni Pol si Tonette. “Besides, may kailangan pa akong ayusin dito.”

May napansin si Pol na kumislap sa dakong unahan. Nilapitan niya ito, lumuhod at pinulot. Isang kabibe.

“Hanggang ngayon ay hilig mo pa rin ‘yan?”

“Oo.” Pinag-aralan ni Pol ang kabibe. Hugis-saging ito at may limang silik. Mapusyaw na dilaw ang kulay ng mga silik ngunit ang dulo ay kulay-lila. Ang guhitang katawan ay kulay-ginto. Kulay-kahel naman ang pahalang na nga guhit. Bata pa ay hilig na niyang mangolekta – laki kasi sa tabing-dagat – hilig na nakuha niya sa kanyang ina.

“Umupo nga tayo,” sabi ni Pol, inilagay ang kabibe sa buhanginan at hinubad ang polong suot upang maging sapin ni Tonette. Umupo silang nakaharap sa dagat. Inunat ni Tonette ang dalawang paa at itinukod sa likuran ang mga kamay. Pinagsiklop naman ni Pol ang mga tuhod at ipinatong ang mga bisig.

Nagtatampisaw sa dagat sina Monty at Red, kasama ang kambal na mga anak nina Monty at Tonette na sina Miko at Trey. Parang mga isdang nakikipagharutan sa mga alon ang apat. Minsan ay mapapatingin ang mga ito sa kanila. Magsisikuhan. Kakaway. Magtatawanan. Kakaway na naman. Magpapalipad-halik si Monty. Babatukan ni Red. Maya-maya ay tila nagpupustahan na ang dalawa. Pinasan ni Red si Miko. Pasan-pasan naman ni Monty si Trey. At naghabulan na ang dalawang pares. Naghilahan. Nagtulakan. Nagpatiran. At nagtatawanan na naman.

“Look at them,” nangingiting sabi ni Tonette.

“They look so happy,” sabi naman niya.

“Lalo na si Red,” sambit naman ni Tonette. Napatingin si Pol sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.

“Hindi mo ba napapansing nagniningning ang kanyang mga mata sa tuwing tinititigan ka niya?”

“Di ko alam, may pagkamakata ka pala.”

“But it’s true. He seems more carefree. More alive. Not even with Jeff was he like this. Oh –“ Namula si Tonette. Biglang ibinaling ang tingin sa apat.

“He just like kids,” patay-malisyang sagot ni Pol.

“He likes you more.”

“Don’t start, Tonette.”

“Call it a woman’s intuition.”

“Babae ka ba?”

“Lokah! Heto nga’t lumubo na naman.”

“Malay ko ba kung anong laman niyan.”

“Hoy! Buskahin ba raw ako.” Tinampal ni Tonette si Pol sa braso. “Ganyan ka naman, eh. Either you joke about things you feel uncomfortable with. O manahimik ka na lang.” Tumahimik si Pol. Di alam kung sasabihin kay Tonette na natatakot siya. “Basta,” pagpapatuloy nito, “nararamdaman kong mahal ka pa rin ni Red.”

Tumingin si Pol sa asul na dagat. Kumikislap ito. Tila mumunting brilyanteng nasisinagan ng araw. Tumayo siya at naglakad.

“Imposible! Di sila tatagal ng dalawang taon kung di niya mahal si Jeff.” Tumingin si Pol sa dako nina Red. “Kilala ko si Red, Ton. Di siya nakikipagrelasyon sa taong di niya gusto.”

“Maybe.” Tumayo na rin si Tonette at lumapit kay Pol. “But what if he’d court you again?”

Natimbuwang sina Miko at Red. Narining nila ang halakhak at sigaw nina Monty at Trey. “Hahaha! Paano ba ‘yan, ‘tol?! Talo kayo!” Ibinaba ni Monty si Trey mula sa kanyang balikat. Sisinghap-singhap na lumangoy si Miko. Binuhat ito ni Red.

“I don’t know.”

Napansin nilang may sinabi si Monty kay Red. Umiling si Monty. Itinuro si Miko. Umiling naman ang huli. Itinulak na ni Monty si Red. Nagkamot ito ng ulo. Naglakad. Nang makarating kena Pol ay hinila ang huli. Niyakap. Hinalikan. Tinulak ito ni Pol. Sabay patid. Bulagta si Red.

 

Dalawang lingo na ang nakaraan buhat ng magtungo sa Batangas sina Pol at Red. Di makatulog si Pol. Nagpabaling-baling sa kama. Bumabagyo at ang lakas ng ulan. Salit-salit ang pagkidlat at pagkulog. Bumangon si Pol at namintana. Pinanood ang pagbuhos ng ulan. Maya-maya‘y umalis siya sa bintana. Lumapit sa computer at nagsimulang tumipa.

Signature

Love at its Best5

Love at its Best
by: Migs

Maraming Salamat po sa lahat ng nagbasa at syempre kay kuya Mike sa pagpayag na mag post ako dito sa blospot niya! maraming salamat kuya Mike! ;-)

__________________________________________________________________________________

“Putaragis na buhay to oh! Now I'm stuck with Ed!” sabi ko sa sarili ko.


“katakaw mo kasi, di mo manlang napansin na may kakaiba dun sa lasa ng pagkain mo...” si Ed pinapamukha sakin ang katangahan ko...


“gago ka talaga! Pano kung na overdose ako dun sa ginawa mo?! Pano kung may harmful effects yun?! Maliban sa pagtatae!” sabi ko nang may pagkainis sa kaniya.


“it pays to check the label!” saby ngiti sakin ng nakakagago nanaman at habang pinapakita ang lalagyan ng gamot.


“sige na kainin mo na yang saging” at ngumiti nanaman si loko.


“ayoko! Malay ko bang kung ano meron diyan!” at tumawa siya ng malakas.


Nagulat ako sa susunod na ginawa niya, nagbukas siya ng isang saging kumain at kumuwa ng isa pang saging at isinubo sakin.


“mahilig ka pala talaga sa mahahaba at mabibilog na...” di ko na siya pintatapos sa sasabihin niya at binatukan ko na siya.

Habang nilalantakan ko ang isang piling na saging, naaasiwa naman ako sa pagtitig ni Ed , nang mapatingin ako sa kaniya, parang binabasa niya ang nasa utak ko... parang hinuhulaan niya ang dahilan ng pagiging aloof ko sa kanila... parang kinakabisa niya ang bawat pag nguya ko... seryoso ang mukha... malapit ng magdikit ang kilay niya... ako naman nalulusaw at di mapakali.


“So, Cha told me to check up on you” sabi ni Ed.


“I'm not sick, I don't need someone to check up on me, and besides bakit pa kailangang sabihin ni Cha yun sayo, e madalas naman kaming magkausap sa phone...” sabi ko ng medyo naiirita parin at nagtataka.


Parang isang bata naman siya na nahuli sa pagsisinungaling, di alam na nagusap kami ni Cha nito lang, saka di naman ako pinakakamusta ni Cha, siya mismo ang nangungumusta ng personal... inayos ni Ed ang sarili at ibinalik ang composure na nawala ng mapahiya sa kasinungalingang ginawa niya.


“ok fine! Andito ako cos I miss you!” sabi niya at napayuko. “after that incident nung birthday ni Cha, di ka na nakikipagusap sakin, di na kita nakikita madalas, nahihiya naman akong itext ka, baka kasi di mo lang ako pansinin... san ka punta Migs?” naputol siya sa kaniyang paglilitanya nung tumayo ako sa aking pagkakaupo at naglakad palayo, pumasok ako ng kwarto.


“damn! I hate drama!” isip isip ko.


Di ko inexpect na kay Ed pa manggagaling yun... malaking mama... lalaking lalaki... tas magdradrama ng ganon?!Nagulat ako ng biglang magbukas yung pinto ng kwarto ko.


“If you don't want to talk to me its fine...” at umupo siya sa tabi ko tapos hinawakan niya ang kanang balikat ko.


“bakit ba parang wala ka nang energy makipausap sakin?” paglalambing niyang tanong.


“araykupo!” napasigaw niyang sabi pagkatapos ko siyang haklitin sa batok.


“Tarantado ka pala eh! Pano ako magkakaenergy kung itinae ko na lahat!” at isang batok nanaman ang iginawad ko sa kanya... di naman siya tumigil sa kaka tawa nung mapatakbo nanaman ako ng CR...


“ano ba naman tong mga DVD mo dito Migs! Puro romantic movies! Wala ka bang bomba films dito?!” at ngumiti nanaman ng nakakagago si kumag... “aha eto maganda!” at sinalang nya yung DVD ng One more Chance... at tumabi sakin si kumag... di ko naman maiwasang mainis lalo


“puta naman talaga! One more Chance pa sa dinami dami ng pelikula Ed! One More Chance pa!!!” pasigaw kong sabi sa kaniya.


“di ko pa napapanood yan eh!” sigaw naman niyang ganti...


Habang nagkakaiyakan na, di ko rin mapigilang mapasinghap at mapaluha para akong tanga, alam ko pero anong magagawa ko eh naluluha ako eh... tas naramdaman ko na lang na umakbay sakin si Ed... lalayo sana ako.


“dyan ka lang” sabi niya ng mahinahon pero di parin ako nagpatinag tumayo ako pero hinila niya ang kamay ko at napaupo ulit.


“sabing dyan ka lang!” pagalit na niyang sinabi... wala na akong nagawa...


“luwag luwag naman kasi ng sofa Ed, bakit kailangan mo pang umakbay at sumiksik sakin!” pagtataray ko.


“wag ka nang mataray! Gusto ko may sandalan... inaantok ulit ako” di ko naman mapigilang mapangiti.


Pero syempre di ko pinahalata yun... non stop na yung luha ko nung dumating na sa part na umiiyak na si Maja Salvador... nung sinabi niyang pumikit si John Loyd para di niya makita na nasasaktan si Maja. At nang matapos na nga yung pelikula, napatingin ako sa katabi ko... akala ko natutulog nanaman ang kumag yun pala pinapanood ako... nakangiting gago nanaman... bigla naman akong nagpunas ng luha at uhog.


“para kang bata umiyak... naaalala ko si Cha nung inagawan ko ng candy... talaga namang kumukulot pa yung labi mo pababa tapos namumula pa yung ilong mo” at tumawa siya ng malakas at nakakaloko.


“Eh ano naman sayo kung para akong bata umiyak?!”


“bakit ba ang sungit sungit mo sakin ha?!” sabat na naman niya


“ikaw na lagyan ng pampatae pagkain mo makukuwa mo pa bang matuwa?!” sabi ko na pinapantayan ang pasigaw niyang boses.


“eh bakit ikaw?! Tama bang pagsarhan ako ng pinto ng kwarto nang alam na alam mo naman na wala akong matutulugan dito sa labas at nasa loob pa ang mga damit ko huh?!” pareho na kaming nakatayo at magkaharap, habang nagtititigan kami bigla niyang kinuwa ang baba ko tas inalog ang mukha ko kaliwa't kanan.


“ang cute cute mo talaga!” sabi ng may panggigigil.


Pero bumalik nanaman sakin yung itsura nila ni Lei at ang pagpapaalam sakin ni Jon... nalungkot nanaman ako.


“baliw ka na ba? Bakit kanina nagtataray ka, tas mukha kang kinikilig tapos ngayon naiiyak ka nanaman...” pagtatanong ni Ed.


At inirapan ko siya... tumalikod sa kaniya... bigla naman niya akong niyakap mula sa likod... pareho nanaman kaming napaupo sa sofa.


“ano ba kasing problema? Bakit ayaw mong sabihin? Di mo ba ako pinagkakatiwalaan?” sinabi niya with that effin bedroom voice! Gusto kong matunaw


“dahil ba kay Jon kaya ka nagkakaganyan?” tanong niya ulit.


Dahil nga ayoko ng drama sukang suka ako tuwing kokomprontahin ako, ay nagdahilan na lang ako.


“hindi, wala lang talaga akong energy dahil sa kagaguhan mo!” at humarap ako sa kaniya at ngumiti ng pilit... tumayo ako at nararamdaman kong sakin parin nakatingin si Ed...


Nagkwekwentuhan kami ni Ed habang nakain ng lunch.


“teka di ka a ba hinahanap ni Lei?” tanong ko habang kunwari ay busyng busy ako sa pagkain.


matagal siyang sumagot at ng tumingin ako sa kaniya, nagulat ako dahil ansama ng tingin niya...


“oh, bakit may nasabi ba akong di maganda?” tanong ko.


“wala naman, sabihin mo nga sakin Migs, nagseselos ka ba kay Lei?” at nasamid naman ako sa sinabing yun ni Ed.


“sus, ito naman masama bang mangamusta? Saka b..bakit naman ako magseselos” at tumawa ako pero mukhang napa OA ata kaya mukhang di kumbinsido si mokong.


“bakit mo ginagawang katatawanan to Migs? Ano ba ako para sayo?” at napatahimik ako sa tanong na yun ni mokong.


“aahhhmmm kuya ni Cha?” at nginitian ko siya nagdikit nanaman ang kilay ni mokong at hihiritan sana ako ng isa pang panabla pero nagring ang cell phone niya.


“Lei?”


Yun lang at tumayo siya palayo sa lamesa... sus may tumusok nanaman sa puso ko... pero di ko nagpahalata... tanginang pride to... pero alam ko kasi pag sinabi ko sa kaniyang nasasaktan ako at nagseselos kay Lei wala rin akong mapapala... natatakot akong masaktan... ma reject... di ako mahal ni Ed ang mahal niya si Lei... baka nga tawanan pa ako ni mokong! tinapos ko na ang pagkain ko... di ko na siya inintay... kinuwa ko ang twalya sa likod ng pinto ko sa kwarto at sumenyas sa kaniya na maliligo lang ako...


Humarap ako sa salamin... dati rati kasama kong tumitingin dito si Jon pag sabay kaming naliligo... dati rati sabay kaming nagto-toothbrush sa harap ng salamin na to ni Jon... dati rati yun... ngayon ako na lang mag isa dahil sa pagtraydor ko sa kaniya... pota ka bobo ko kasi... umasa ako na baka mahal ako ni Ed kaya hinanda ko ang sarili ko na pakawalan si Jon... kabobohon ko nga naman... ngayon eto... si Ed may girlfriend... ako, akala ko handa nang mawala at pakawalan si Jon, at si Jon... nasaktan ko ng todo...


Tumulo nanaman ang luha ko... “ano ba?! Di ka pa ba nagsasawang umiyak?!” sabi ng utak ko... naligo muna ako... nagrelax... at nagmuni muni... iniisip ko kung ano ang pinaguusapan nila Ed at Lei. “bakit ba papaapekto ka sa kanila?!” sabi nanaman ng utak ko... “madami namang iba dyan...” sabi ulit ng utak ko at pinatay ko na ang shower at tinuyo ang sarili...


Paglabas ko ng banyo... akala ko may makulit na Ed na susuyo at mangungulit sakin... pero wala pala. “tangna umasa ka nanaman ulit...” sa sobrang inis... tinawagan ko lahat ng bi friends ko at nagayang magclub.


“gurl ano ba lunes na lunes???” sabi ng isa kong kaibigan.


“cut the crap Migs! May pasok ako bukas” sabi naman ng isa... tinext ko si Cha, walang reply...


“VERY GOOD!” bulalas ko nanaman sa sarili ko... “me and my EPIC fail!” sabi nanaman ng utak ko... maski ako lang magisa pumanta akong MOA, madami namang bar sa likod nun pwede akong maginom kahit ako lang.


isa, dalawa, tatlo, pitong bote... groggy na ako... pero higit sa lahat natatae nanaman ako “putanginang gamot yan oh!” pinangako ko sa sarili ko na kapag sumabog ang tae ko dito hinding hindi ko mapapatawad si Ed...


Nagbayad na ako, may poise parin naman ako kahit groggy na ako... sumakay ako ng elevator papuntang parking.


“bobo! Bakit pa naman kasi ako sa level parking nag park” sabi ko nanaman sa sarili ko malamang mahihilo nanaman ako pababa pa lang ng level parking dedo na ako sa hilo. hinanap ko ang sasakyan ko... “peste! San nga pala ako nag park!?” At nakita ko na ang kotse ko, may mamang nakatayo...


“Migs ano ba yang ginagawa mo?! Bakit ka ba nagpapakalasing!?” tsk! Si Ed pala


“ahhh wala haha! Tangina kasi... dami kong problema ngayon pro wala to Ed” sabay ngiti...


“tignan mo nga sarili mo Migs...” at pinaharap niya ako sa bintana ng kotse ko. Tangina napaka wasted ko... para akong tanga... di naman ako ganito dati.


“halika na doon ang kotse ko...” sabi niya.


“wag na, kaya ko pa!” pagtanggi ko naman.


“wag ka ngang tanga!” at hinaklit niya ang batok ko.


“pano mo ba ako nasundan dito?!” tanong ko.


“nagtext sakin si Cha... sinabi niya rin na lagi ka sa south parking nagpapark... lakas pa ng loob mo na mag level parking ah?!” at tumawa siya pero di na ako tumawa... nahihilo na ako...


Habang nasa sasakyan andami daming tanong ni Ed, pero na sense ko na sa kadramahan nanaman matatapos lahat.


“sorry kanina, bigla akong umalis” sabi niya.


“sanay na ako” sagot ko naman.


“Migs ano bang ikinagaganyan mo? Sabihin mo naman sakin please oh!” pagmamakaawa niya at may galit sa boses.


“tulog muna ako Ed, please? Nahihilo pa ako eh...” pag iwas ko sa tanong niya, pero infairness nakakatulog na talaga ako.


“oi wag mo naman akong tulugan! Timo tong taong to matapos magpakalasing tutulugn ako!” at napangiti naman ako sa sinabi niyang yun...

“Migs! Migs!” inaalog nanaman ako ni kumag.


“Napaka antukin mo talaga! Andito na tayo sa bahay mo!” ngiting sabi niya sakin... malapit nanaman ang mukha ko sa mukha niya.


Napakagwapo talaga nitong mokong nato... di ko mapigilang humanga... pero mali kasi may Lei na naka harang sakin papunta kay Ed... binuksan ko ang pinto at naglakad palayo.


“Migs bakit ka ba nagkakaganyan?” habang tumatagal naiinis ako sa tanong na yun.


“dahil... dahil nasasaktan ako Ed” at nagulat siya sa sagot ko... bumaba narin siya ng sasakyan...


“Migs?” tanong niya.


“di mo ba nakikita Ed? Iniwan ako ni Jon! Iniwan niya ako dahil wala akong maisagot sa kaniya nung pinapili niya ako between you two!” dahil narin siguro sa alak kaya naging matapang ako ngumiti ako saglit.


“pathetic no?” at pagkasabi ko nun tumulo na ang luha ko.


“di ako agad sumagot na siya ang gusto ko kasi akala... akala... AKALA KO! Merong namamagitan satin... na pwedeng maging tayo... na..na... na mahal mo rin ako” at pinakita nanaman ng mga labi ko ang pekeng ngiti.


Nagulat ako kasi kahit papano akala ko papakalmahin ako ni Ed, kahit papano umasa nanaman ako! UMASA na sasabihin ni Ed na mahal niya rin ako akala ko yayakapin niya ako pero mali! Katangahan nanaman ang umiral sakin sa pagasang may nararamdaman siya nagulat ako kasi tumalikod siya at humarap sa sasakyan para umalis at lalo akong nawalan ng pagasa na sasabihin niyang mahal niya rin ako tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

“gusto kong sabihin mo Ed” wala nanamang puknat ang pag daloy ng mga luha ko.

“gusto ko sayo mismo mag galing” nababasa na yung tshirt niya sa likod dahil sa mga luha ko.

“sabihin mo na mahal mo ako... na... na hindi si Lei ang mahal mo... sabihin mo na mahal mo ako!! na ako lang ang nasa puso mo!!” at naramdaman kong bumibilis ang paghinga niya, inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at humarap sakin.

“Sorry Migs... but I Love Lei”...

ITUTULOY...

Thursday, September 9, 2010

WHY ME?

 

Author's Note:
To all followers, especially to Mark, THANK YOU. Rest assured that we are doing our best to update our stories and give the readers satisfaction. We do not intend to make an excuse but do understand that we also have other matters (especially jobs) to attend to. We are not professional writers - for some of us, writing is a hobby we indulge in our spare time; for some, it is a catharsis. But regardless of our reasons we hope that our readers do enjoy these stories we share. So saying, I hope you will enjoy the story below. Constructive criticisms highly appreciated :)

----------

Sonnet LXVI: I Do Not Love You Except Because I Love You

 

I do not love you except because I love you;
I go from loving to not loving you,
From waiting to not waiting for you
My heart moves from cold to fire.
I love you only because it's you the one I love;
I hate you deeply, and hating you
Bend to you, and the measure of my changing love for you
Is that I do not see you but love you blindly.
Maybe January light will consume
My heart with its cruel
Ray, stealing my key to true calm.
In this part of the story I am the one who
Dies, the only one, and I will die of love because I love you,
Because I love you, Love, in fire and blood.

 

-Pablo Neruda

It was another dog-day afternoon. Dull. Tiresome. The clock ticked-tocked in nerve-wracking slowness. I felt as productive as a sloth. As usual these days, I was staring stupidly at the blinking monitor, my mind floating aimlessly in empty space, trying to think about my life. In a little more than a year, my life had been turned upside down. Me, drab Chad Taylor, copyeditor, had caught the attention of hunky Lee Rawlins, billionaire tycoon. Since then, my life had become a rollercoaster ride.

"Hey babe." The voice sent shivers down my spine. "What are you doing?" he asked. I turned around and smiled at the man. God! He was gorgeous. Intelligent. And indecently rich. And he loves me? Me, who am best be described as a 5'4" pole stick. A ninny. Dumb. I did not know what he saw in me. I did ask him but the man just guffawed. Not laughed, guffawed as if finding my question bone-shaking silly. That's one more thing about the man except for his megawatt smile. The man's got a crazy sense of humor that borders on the absurd. Which just happen to pop at equally absurd times. I mean, here I am asking him what I considered to be a serious question and the man just laughed. The man do bugged me at times. Well, a lot of times. But he usually gets away with it. But I digress. Really, what's so funny with my question? I asked him because I certainly did not know.

There's nothing extraordinary about me. Brown eyes. Not deep soulful eyes. Nor limpid pools framed by sooty lashes. Nor enchanting eyes. Just dull brown eyes. Brown skin. Neither the honeyed skin most Indians have nor the tanned one sunbathing enthusiasts sport. Just sun-baked brown. Brown hair that refused to be tamed, ends sticking out every which way. Maybe... it's my bee-stung lips.

I am not tall. Not muscled. And definitely not rich. If I were, I would not have tolerated my oh-so-boring job. Nor would have I stayed in a ratty apartment that should have been demolished ages go. And I am certainly no Mr. Genius. Yeah, I can count and do my arithmetic. But beyond that, I am a hopeless case. It would have been better if I have the brains of Einstein though I looked like a mutt. Better yet if I have his brains and looked like those mouth-drooling models plastered on billboards in every nook and cranny in this labyrinthine city. Fortunately, I don't look like Einstein and have the brains of those models (not that I am saying that models are dumb nor Einstein's a mutt). But don't you think it's sinful to look that good and have brains too? Which Lee definitely is. Though he likes to pretend his dumb and tease me mercilessly about it. Don't be fooled by those sad puppy looks. Nor the vacant uncomprehending stare. He perfected it! He's intelligent and the man's a shark when it comes to business. He's one of the shrewdest and most successful businessmen in the country. He owns fleets of ships, chains of department stores, a freight company, and the publishing house where I worked. It seemed we lived on two different planets. It was a wonder our worlds collided. Sheer miracle that he noticed me. My guardian angels must be working overtime the day I came to tell the boss I lost the manuscript I was working on. My apartment caught fire and I got it misplaced in the mayhem. Not only did I not lost my job, I got a new place to stay. Lee offered his pad. Told the boss not to fire me. I should have condemned the arsonist that burned the building down to cinders. I silently thanked him instead.

That was the beginning. Once in a while, he would drop by to visit. Stayed for some time. Then the visits got more frequent; his stay a little longer. Then we started to end up sprawled on the sofa laughing our hearts out on some silly movies; or just sit there, eyes closed. I started to find myself listening to him talk. About himself. About his family. About his work. Sometimes even about his problems. We even started to go out, have some beers on my favorite crusty restaurant as we cheered and hollered for our teams. And I started missing him. But thought nothing would come out of it. The man's unattainable as an impossible dream. And the man could cook too. Argh! He looked just as good in a silly apron as he did in a suit. The first time he invited me to a dinner, I was in tethers. What do I know about glitzy restaurants and those hard-to-pronounce French cuisines? But no, he invited me to his house. I should have felt more than nervous then. Should have been on-guard. Better yet, I should have told him no. Well, I did but the man was relentless. "Refused" was not part of his vocabulary. He's sooo used to getting what he wanted that he could not take no for an answer. So what am I gonna do, one defenseless man, against his awesome bullying tactics. The man had practice. Lots of practice. So there was I, having a candlelight dinner, no less, in his house. He was at his most charming self. Witty. Confident. And his raw sensuality assaulted my senses. I should have known then that he was moving in for the kill. I was caught off-guard. The next thing I knew we were on his bed kissing like crazy, devouring each other's mouth like there would be no tomorrow, tearing our clothes off in frenzy.

But that was one hundred and eighty days ago. Six glorious months that still left me breathless. The man was magnificent. And a wonderful lover. Sensitive. Thoughtful. Warm. He was beyond my league. He was a skilled artist, a master. I was just some ingenue. A fumbling nobody swept in a dizzying whirlwind romance that left me craving for more. The first few weeks, we hardly had worn any clothes at all. Hardly left his bed. And it just got better. Then it suddenly ended. I should have anticipated it. The way his eyes started roaming around and sizing up every male in a room as if checking out their potentials. Or the way he flashed those high-voltage smile at them. Or his prowling. Or his uncharacteristic silence. Those things should have warned me. But I guess I was too lost in his magic. In his touches, though they had become more poignant than passionate. Or his kisses, though they were no longer soul-searing but heart-shattering in their intensity. I should have known. Then it was too late.

I could still remember vividly the day they walked into the office. I was busy finishing some manuscript the boss wanted to have on his desk by lunchtime. Lee was in Paris to close a business deal so I was surprised to see him walked through the door with his arms draped at his companion's shoulder. The other man was simply stunning. Sultry eyes. Smoldering pouts. He was tall with a slim athletic build. Golden. Perfectly sculpted muscles. Hair lush and fashionably styled. His clothes fitted him like a dream. Clothes that screamed Paris. From head to too, the man was elegance personified. My exact opposite. I was a total wreck. My hair was a mess, glasses askew, and clothes rumpled. I felt like an undiscovered life form being scrutinized under a microscope. He positively glowed. I flickered. And Lee introduced me as his employee.

"And this is Chad here. Chad, Antoine," Lee said casually but I noticed the way his silver eyes gleamed in proprietary manner every time he mentioned Antoine’s name.

Antoine flicked his eyes in my direction in an appraising manner. "Hi. Nice meeting you," he said suavely though his voice held a note of curiosity. He gave me a proud smile.

 450px-Blue_rose-artificially_coloured"Just thought to drop by," Lee offered. "I was just showing Antoine around. We'll be going now." And there's nothing casual in the small intimate gestures they gave each other. I should have understood then. But what made me realize everything's over was when I saw them fucking in Lee's bed. Fucking with abandon. With frenzy. The way we used to do.

And now, one hundred and eighty days after, I still did not know what Lee saw in me. Maybe the answer lies at the dozen blue roses and the note that accompanied it I received unexpectedly one day.

Because now, when I ask him, he just kisses me. He no longer laughed at what he thought was a silly question. He just kisses me and whispers, "I love you." Though his eyes still roam around, his heated gaze always return to me. He would still flash those megawatt smiles but always he smiles that sweet secret smile to me. He would still prowl but only to guard his territory. And his silence had come to mean that he was thinking of me.

 

Signature

Wednesday, September 8, 2010

Si Utol At Ang Chatmate Ko [9]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
site: http://men4menphilippines.ning.com

Author's Note:

Maraming salamt uli sa mga contributors ng MSOB. Natuwa ako na nag-update na kayo sa mga entries ninyo. Salamat ng marami kasi maraming nag-aabang din.

Gusto ko ring manawagan sa mga followers at reader ng MSOB na sana ay ipakita natin ang suporta natin sa mga contributors ng stories by posting comments po sa mga stories nila na nababasa ninyo, kahit anonymous lang po. Nakaka-inspire kasing makikita ng isang writer na may nagreact, may nagcomment. Kasi, libre lang po ang pagbahagi nila ng kwento dito. Hindi po kami kumikita, hindi siniswelduhan sa pagbahagi namin ng kuwento. Kaya minsan kapag tinatamad, nawawalan na ng gana... Iyon lang naman ang kaunting nakakapagbigay sa amin ng inspirasyon. Iyon lang po ang munti kong hiling.

Gusto ko rin pong magpasalamat sa mga followers na bago, hindi ko muna babanggitin ang mga names, hehe. Sa sunod na kuwento na.

Syempre, ang pasalamat ko kay newbie for helping out with administrating and improving the site.

Announcement:

I have decided na po na gawing book ang "Tol... I Love You!" by 2011 at gagawa po kami ng pa-contest for its cover design. Please see contest page dito sa MSOB to know the mechanics, submissions, deadline, prize, etc.

Also, you can email or message sa fb:

getmybox@yahoo.com
lorenso_mico@yahoo.com

Ang mga judges po ay ako, si newbie, at ang anak ko (Josh a.k.a. "Amaw"). But there will be a poll for the MSOB followers to participate in the pre-screening/evaluation procedures.

Sana ay sasali po kayo.

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

-----------------------------------------------------

Ipinikit ko ang aking mga mata gawa nang hindi ko nakayanang tingnang nabunggo ag aking pinakamamahal na si Zach. At ang sunod kong naalala ay ang malakas na “KA-BLAGGG!”. Biglang nahinto ang aming sinakyan.

Tahimik.

Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata, kinabahan sa kung ano man ang makitang hindi kanais-nais. At bumulaga sa aking paningin si Zach na nakahandusay may ilang metro ang layo mula sa kanyang motorsiklo. At kahit med’yo madilim na ang paligid, may naaninag akong dugo sa ulo niya!

“Kuya! Napatay mo si Zach! Napatay mo siya!” ang sigaw ko sabay baba ko sa kotseng sinakyan namin at tinungo ang kinaroroonan ni Zach.

Shock naman si kuya na nanatili pa rin sa driver’s seat at hindi makakilos.

Pinagmasdan kong maigi si Zach. Hindi rin ito kumikilos. “Kuya tulungan mo ako dito! Patay na yata ito eh!” ang taranta kong sigaw.

Doon na biglang kumilos si kuya. Lumapit siya sa amin, pansin ko ang pamumutla niya. “Tingnan mo ang pulso daliii!!” sigaw niya sa akin.

Dali-dali kong hinawakan ang pulso niya at sinalat ito kung may pintig pa. Gusto ko rin sanang salatin ang harapan niya ngunit sigurado akong patay iyon kaya minabuting pulso na lang niya ang aking sinalat. “M-meron pa ata kuya!”

“O-ok kargahin natin iyan sa kotse at dalhin sa ospital”

Nawindang ako sa narinig. Alam ko, sobrang pagka-rattle na niya na hindi na makapagisip pa ng tama. “Kuya, ambulansya o paramedics ang dapat kumarga niyan no! Hindi tayo puweding gumalaw d’yan baka lalong mas makasama pa sa kanya!”

“O sige, sige… tawagan natin ang ospital.”

At tinawagan nga namin ang ospital.

Habang naghintay kami sa ambulansya at paramedics, sinisi nang sinisi ko naman siya. “Ikaw kasi, salbahe ka! Ngayon, pag namatay iyan, kaya mo bang panindigan na ikaw ang nakapatay d’yan?”

“Huwag ka ngang talak nang talak d’yan! Lalo akong naguguluhan sa iyo!” bulyaw naman niya sa akin.

“Dapat lang na maguguluhan ka kuya dahil kapag may nangyari d’yan,” turo ko sa wala pa ring malay na si Zach, “ibubunyag ko talagang balak mo siyang patayin! Isa kang mamamatay-tao!”

“At kaya mo namang ipahamak ako, ganoon?”

“Oo naman! Sa ngalan ng pag-ibig…!” At talagang nasambit ko ang mahiwagang katagang iyon.

Marahil ay sa sobrang takot, hindi nakaimik si kuya.

“Pero, mapag-usapan naman iyan kuya eh... Hindi naman ako mahirap kausapin” ang dugtong ko noong may biglang sumagi na maitim na balak sa aking utak.

“O… ano na naman ang damage niyan sa akin?” ang sagot ni kuya noong natunugang may kapalit ang pagtikom ko ng bibig sa aking nalalaman upang hindi siya madiin.

“Ah… una, huwag mo akong isumbong kina mama at papa na – ehem! – lalaki pala ang type ko, at pangalawa, itutuloy pa rin ang pagpapanggap mo kay Zach na ikaw si Enzo…” At tiningnan ko siya.

Nag-isip naman si kuya. Maya-maya, “Paano kung hindi ako papayag?”

“Di ok lang… fine. Hayan na ang mga pulis o.” Ang sagot kong ang tono ay may lihim na pananakot sabay turo sa isang patrol na nauna nang dumating sa aming kinaroroonan.

“O, ano ang nangyari dito?” Tanong ng lider ng tatlong pulis na dumating.

Ako kaagad ang humarap. “Itong si Kuya po kasi…” turo ko kay kuya “Yang kaibigan ko, gusto niyang pata--“

Hindi na ako nakapagpatuloy ng pagsasalita gawa noong mabilisang pagtakip ng kamay ni kuya sa bibig ko, natakot na baka totohanin ko ang banta kong sabihin ang nalalaman ko.

“Sandali, bakit mo tinanakpan ang bibig niya?” tanong ng pulis noong makita ang ginawa ni kuya sa akin.

“Chief, unahin muna natin ang biktima o, dalhin na natin sa ospital. Walang malay pa kasi chief, baka matuluyan.” Singit ni kuya paglihis atensyon ng mga pulis.

Dali-dali namang nilapitan ng tatlong pulis ang nakahandusay pa ring si Zach at habang busy sila sa kakacheck sa pulso at pagtitingin sa kalagayan ni Zach, hinablot naman ni kuya ang buhok ko at inilapit ang tenga ko sa bibig niya at bumulong, pansin sa boses ang pagkainis. “Oo na! Payag na ako sa gusto mo, tangina. Wag mo lang akong idiin.” Sabay bitiw at batok naman sa akin.

Kinamot ko ang ulong natamaan. “Dapat lang kuya no! Dahil kapag sinabi ko ang lahat, mabibilanggo ka. At sa loob ng bilangguan, mare-rape ka pa dahil kapag mga katulad mong bata pa, sariwa, at lalo na artistahin pa ang dating mo, iyan ang type ng mga preso. Maraming preso ang mag-aagawan sa iyo. I-auction ka pa nila. Ngunit bago pa ang mga hayok sa laman na mga preso, mga pulis muna ang titira sa birhen mo pang pwet! Imaginin mo na lang ang pagmumukha ng tatlong mukhang tikbalang na mga pulis na iyan” turo ko sa tatlong pulis “...na siyang titira sa iyong pwet! Gusto mo iyon?” sagot kong pigil din ang boses.

Binatukan na naman niya ako. “At bakit ko gugustuhin iyon? Tado ka!”

“Dahil ba pangit sila?” tanong ko.

At isang batok uli ang lumanding sa ulo ko. Ngunit kahit napa- “Arekop!” ako sa batok niya, ok lang sa akin iyon dahil ako pa rin naman ang nagwagi. Bumalik-balik tuloy sa isip ko ang bago ko lang naimbentong kasabihan na “Sa panahon ng kagipitan, daig ng may major major na utak ang may major major na hitsura”. “Hahahaha!” tawa ko lang sa sarili.

Bagamat nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi ni kuya, worried na worried naman ako sa kalagayan ng aking prince charming. Naisip ko tuloy ang ginawa niyang pagsagip sa akin sa dagat at paglips-to-lips niya sa aking wala pang karanasang mga labi sa pamamagitan ng CPR na siyang nagpagising sa aking natutulog na kagandahan. Naimagine ko ang hitsura niya habang nag-eenjoy siya sa pagbubuga ng hangin sa aking baga na sinasidelinenan niya ng pasimpleng pagsisipsip sa aking mga labi.

Habang naglalaro sa aking isipan ang eksenang iyon, hinihipo-hipo naman ng aking mga daliri ang aking mga labi, at pagkatapos ay sinisipsip ko ang mga ito, ninamnam ang laway ni Zach na naiwan pa doon.

Nasa ganong akong kalalim na pagpapantasya noong napa-“Arekop!” na naman ako sa pagbatok uli ni kuya sa akin. “Si Zach! Dadalhin na ng ambulansya sa ospital! Di ka man lang gumalaw d’yan?”

“Sandali!!!” Ang bigla ko rin sigaw noong akmang bubuhatin na nila ang aking mahal. Sabay kasi sa pagbatok ni kuya ang biglang may pumasok sa aking kukote. “Ang mahiwagang Halik! Iyon marahil ang susi upang manumbalik ang kanyang malay!” sigaw ko sa sarili. “Kasi naman noong malunod ako, hinalikan niya ako, mouth-to-mouth nga lang. Kaya siguro dapat, ako na naman ang humalik sa kanya!” sa isip ko lang.

Nagulat naman ang mga taga-ambulansyang bubuhat na sana kay Zach noong sumigaw ako. Tiningnan ang aking alindog habang tumatakbo papalapit kay Zach na dali-daling binigyang-daan din nila upang makalapit, ako bagamat takang-taka sila sa nakita sa akin.

Akmang itanim ko na sana sa mga mapupulang labi ni Zach ang mahiwagang halik ko noong, “Ahhhhh! Uhmmmm!” Umungol si Zach! At sabay sa pag-ungol niya ay ang paggalaw ng kanyang katawan.

Syempre, nagulat ako na hindi ko pa man nailapat ang mga kaakit-akit kong mga labi sa mga labi niya, nanumbalik na kaagad ang kanyang malay. “Ganyan na ba talaga katindi ang kapangyarihan ng aking halik o o naramdaman lang niyang may nakaambang karumaldumal na mangyayari sa kanyang mga labi.” Sa isip ko lang.

“Ahhh! Arekopppp!!!” ang sunod na sambit ni Zach, hawak-hawak ng kanyang kamay ang kanyang ulong nagdurugo.

At sa pagbukas ng kanyang mga mata, ang pagmumukha ko kaagad ang una ninyang nasilayan!

Syempre, heaven ako noong ako pa talaga ang una niyang tiningnan samantalang nakapaligid naman ang mga pagmumukha din ng mg taga-ambulansya.

“K-kuya Zach???” ang buong kasabikang sambit ko. “OK ka lang ba?”

“E-erwin?” Sagot niya.

Bagamat nawindang ng kaunti ang utak ko sa binanggit niyang pangalan, bigla ko ring naalalang pinagpalit ko pala ang pangalan namin ni Kuya Erwin.

Ngunit kung gaano ako kasaya noong binigkas niya ang alam niyang name ko ay siya namang pagkadismaya ko nang, “N-nasaan si Enzo?”

“Amffff!!!!” Hindi pala ako ang hinahanap niya. Prang gusto ko siyang sakalin upang mawalan uli siya ng ulirat.

“Kuyaaaaaa!!!!!!! Hinahanap ka!!!!” sigaw kong may dalang pagdadabog.

Hindi rin nakasagot kaagad si kuya. Natulala ba dahil sa takot na baka sisihin siya ni Zach ngayong nagkamalay na ito at idiin sa mga pulis na sinadya siyang banggain nito, o natulala na siya sa kinasasadlakang sitwasyon na kung saan ay paninindigan na talaga niya ang pagpapanggap na chatmate at may love interest kay Zach.

“Kuyaaa!!! Sigaw ko uli.”

At lumapit naman si kuya. “Zach? Ok ka lang ba?” sambit ni kuya.

“Kuya Zach, dadalhin ka nila sa ospital.” Singit ko naman

“Ayoko. Ok lang ako” sagot naman niya at akmang tatayo ito.

Ngunit natumba siya marahil ay sa pagkahilo. At dahil doon tuluyan na siyang dinala sa ospital.

Kaya, imbes na sa bahay ang punta namin, sa ospital ang bagsak, dinamayan si Zach na conscious na conscious naman at normal naming nakakausap. Sabi ng duktor, may mga check-up lang daw na gagawin at i-CT scan pa ang ulo kung wala bang damage sa kanyang utak ang nangyaring pagdugo nito at pagka-unconscious niya. Kaya, kinabukasan pa raw siyang makalabas.

Wala namang sinisi si Zach sa nangyari. In fairness, ambait talaga niya, nakangiti pa, nagbibiro. Kaya panatag ang loob ni kuya na ok na ang lahat.

Ngunit noong dumating ang papa ni Zach na may kasamang dalawa pa, doon na uli kami kinabahan ni kuya. Paano ba naman. Isang general pala ng militar ang papa ni Zach na sa tingin ko ay marami nang mga napatay at ang huling napatay ay kapapatay pa lamang at atat na atat pa itong pumatay uli. At naka-uniporme pa, may dala-dala pang mga armalite!

Lumabas uli ng kuwarto ang dalawang kasama niya at noong kami na lang apat ang nandoon, dumadagundong naman ang nakakatakot na boses nito sa buong kwarto. “Sino?! Sino ang may kagagawan nito?” ang tanong kaagad ng papa ni Zach.

Nagkatinginan kami bigla ni kuya sa sobrang pagkagulat. At sa pagkakita ko kay kuya, pakiwari ko ay nagsitindigan ang mga buhok niya sa kanyang ulo habang ang mga labi niya ay simputi ng US bond paper. Parang gusto naming magsiunahang tumakbo palabas ng kuwarto.

Nagulantang din si Zach sa hindi inaasahang pagbulyaw ng daddy niya. “Dad… I’m ok. Don’t worry.”

“No son, this is not ok. Sino ang may kagagawan nito? Tell me!” Ang lalong pagtaas ng boses ng daddy niya.

Wala nang nagawa pa si Zach kundi ang tingnan kami. At noong nilingon naman kami ng daddy niya, ramdam ko naman ang panginginig ng aking buong kalamnan at lalo na si kuya.

“What happened???!!!” ang tanong ng daddy ni Zach sa amin

Grabe. Kahit iyon lang ang tanong niya, sobrang napaka-overbearing ng dating ng kanyang pinagsamang boses, tingin, at postura na para bang hihigupin ang lahat ng lakas at pag-iisip mo at wala ka nang magawa pa kundi ang manlupaypay at mawala ang normal na takbo ng iyong utak. Iyon bang takot ka na nga sa lakas at dumadagundong na boses niya, mas takot ka pang magkamali ng sagot dahil may mas nakakatakot pang mangyayari kapag hindi niya magugustuhan ang maririnig sa iyo.

“A… e…, a… e…” Iyon lang ang nasagot ni kuya.

Parang gusto ko na nga rin sanang dugtungan ng “i… o… u…” Kaso, natatakot akong baka masapak na nga ako ni kuya, babarilin pa ako ng to-be daddy-in-law ko.

“Anooooooooo????!” Bulyaw ng daddy ni Zach, hinawakan ang gatilyo ng kanyang baril na lalo namang nagpatindi sa mga takot namin.

At ewan ko ba, kung bakit bigla kong naibuka ang aking bibig. Marahil ay sa sobrang takot sa lakas ng boses niya at sa baril na rin na baka kapag hindi kami nasagot ay tutuluyan na niya kaming barilin. “A… e…, a… e…” habang ang kaluluwa ko ay mistulang lumayas na sa aking katawan.

“Ikaw ba ang bumangga sa anak ko?” Ang dumadagundong uli niyang boses at sinabayan pa ng paglaki ng kanyang mga mata. Ang bulyaw niya sa akin.

“H-hindi po! Siya po!” Sabay turo ko kay kuya na lalong nanginig, namutla at ang buhok ay nanatilnig nakatayo sa aking paningin.

Hindi pa rin nakasagot si kuya, marahil sa magkahalong matinding kaba at pagkagulat.

Mabuti na lang at sumingit na si Zach, “Dad, it was an accident. It was even my fault because I pursued them. They are my friends, dad…”

“O-opo. Aksidente po ang lahat. Wala po kaming kasalanan.” Dugtong ko.

At sa sagot kong iyon, bumaling naman ang daddy ni Zach sa akin. “Sino ba talaga ang bumangga sa anak ko? Ikaw ba?!” sigaw uli ng daddy ni Zach.

“H-hindi po, siya po!” Sagot ko uli at sabay turo na naman kay kuya na sa tingin ko ay lalong nanginginig at namumutla at tayong-tayo pa rin ang buhok sa tingin ko.

“Bakit ikaw ang sagot nang sagot sa akinnn?!”

“A… e…, a… e…” ang nasambit ko uli, hindi na magawang mag-explain pa.

“Anong a-e-a-e? Gusto mong barilin na kita??!! Ha??!!”

“Huwag po! Huwag po!!!” Ang pagmamakaawa ko. “Siya na lang po! Siya naman kasi talaga ang nag-drive e!” ang pagturo ko kay kuya na nanatiling nakatulala.

At marahil ay lumabas na talaga ang natural sa akin sa sobrang takot, napansin naman ito ng daddy ni Zach. “Bakla ka ba? Ha?! Dahil galit na galit ako sa mga bakla. Kapag nakakakita ako ng bakla binabaril ko kaagad ito. Bakla ka ano? Sagotttt!” bulyaw uli niya na ang mga mata ay nanlilisik.

“A, eh... Hindi po! Hindi ako bakla! Lalaki po ako!” ang sagot ko naman, ang boses ay sinadyang pinalaki at lalaking-lalaki ang dating kahit na naginginig ito.

Grabe ang takot ko! Pakiwari ko ay mamamatay na talaga ako sa mga sandaling iyon kung hindi man dahil sa nerbiyos, ay dahil sa pilit na pagpapalaki ko ng boses. Napaihi talaga ako, basang-basa ang aking harapan sa di ko napigilang paglabas ng tubig galing sa aking pantog! Nakakahiya grabe! At sa harap pa naman ng aking prince charming. Iba pala talaga kapag naaalipin ka ng takot, naiihi ka na nga, gusto mo pang barilin na lang ang kuya mo… Grabeh.

Ang siste, noong mapansin pa ng daddy ni Zach ang basa kong harapan, sinabihan ba naman akong, “Kailangan mo yata ay nakapampers!”

Grabe talaga ang nadarama ko. Magkahalong nerbiyos at matinding hiya at ewan ko ba... Ansakit-sakit! Parang mas masakit pa siguro siya kaysa binaril ako sa ulo. Kung di nga lang ako takot e, sana sinagot ko na siya ng, “Whisper with wings na po ang gamit ko!” Kaso, baka tuluyan na siyang mamaril dahil galit nga siya sa mga bading.

Nilingon ko si kuya, ang mukha ko ay mistulang sa isang musmos na sobrang naaapi. Ngunit noong makita ko ang mukha ni kuya, mas nagmukha pa pala siyang kaawa-awa.

In fairness naman kay Zach, hindi kami pinagtawanan. Bagkus tumayo siya at nagpagitna, “Dad… please. Aksidente po ang lahat at wala silang kasalanan. Ako pa nga ang dapat na masisi noon dahil hinabol ko nga sila eh. They are my friends, dad. Huwag mo naman akong ipahiya sa kanila o.”

“Ok… ok… sinabi mo. Sige, maiiwan na muna kita, son. Dumaan lang kami dito. May titirahin pa kaming mga criminal d’yan lang sa tabi-tabi.” Sabay tapik sa balikat ni Zach at tingin sa amin ni kuya na tila bang ipinarinig sa amin na criminal din kami.

Noong kami na lang ang naiwan, nakahinga naman kami ng maluwag ni kuya.

“Pasensya na sa papa ko ha? Ganyan talaga iyon. Istrikto iyon pero mabait.”

“Mabait ba iyon? Babarilin na nga kami eh…” ang pagtutol ko. “Napaihi pa tuloy ako sa pantaloon ko!”

Natawa naman si Zach at pati si kuya ay napangiti na rin. “Tinakot lang kayo noon. Iniisip niya kasing sinadya talaga ang pagbangga sa akin.” Paliwanag ni Zach.

Napatingin naman ako kay kuya. Kasi nagigiguilty ako sa sinabing inakalang binangga. E, binangga naman kasi talaga ni kuya eh.

“P-pasensya na talaga Zach, Ah.” Ayan si kuya ang magpaliwanag bakit ka nabundol. Sabay lingon kay kuya.

“Pasensya na Zach…” ang maiksing tugon lang ni kuya.

“Paano iyan, may utang ka na sa akin. Dapat may kabayaran iyan” sagot ni Zach kay kuya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni kuya. “Ha?! K-kabayaran? Ano...?”

“Pag nakalabas ako dito bukas, Sunday naman eh. Invite ko kayo sa beach resort namin.”

“Talaga?!” Sigaw ko. “Sure!” Dugtong ko pa na hindi na kinunsulta pa si kuya kung papayag ito.

“Ikaw Enzo?” Ang tanong ni Zach kay kuya.

Tiningnan ko naman si kuya, ang mga mata ko ay may pagbabanta.

“Ah, ok ba...” Ang may pagdadalwang-isip na sagot ni kuya.

“Yeheeeyyyyy!” sigaw ko naman sa tuwa, nakalimutan na basang-basa pa pala ang pantalon ko ng ihi.

Syempre naman, nakikinita kong naka-swimming trunks lang ang naggagwapuhang kuya ko at si Zach at syempre ako din. Naiimagine ko tuloy ang mga naggagandahang mga katawan nila, at magharutan kami sa dalampasigan, hahabulin ni Zach si kuya at ako naman, nasa likod at hahabulin si Zach. At kapag nahuli na ni Zach si kuya at nahuli ko na rin si Zach, magpagulong-gulong kaming tatlo sa buhanginan…

Pwede ring magsasayawan kami. Habang yakap-yakap ni Zach si kuya, ako naman, yakap-yakap ko si Zach sa likuran niya. Ang saya-saya!

(Itutuloy)

Tuesday, September 7, 2010

Love at its Best4

Love at its Best4
by: Migs

Maraming Salamat po ulit kay kuya Mike sa pagpayag niyang mag share ako ng stories dito sa blogspot niya. :-)

__________________________________________________________________________________

Di ko napigilang magulat... inabot niya ang kamay ko, inaaya akong lumabas na ng van... di ko rin napigilang magtanong... “Jon?” at niyakap niya ako...

“kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo.” mahinahon niyang sabi. “buti na lang sinusundan kita simula nung nag text ka” pahabol niya pa, siguro nung makita niya ang nagtataka kong mukha.

“bakit di ka lumapit sakin dati pa?” tanong ko na medyo nanginginig pa sa takot at sa panghihina... inabutan naman niya ako ng chocolate galing sa bag niya.

“alam ko kasi di pa panahon... naguguluhan ka parin alam ko...” at pareho kaming natahimik.

At kinuwanan na nga ako ng pahayag ng mga pulis... at inexplain ang pagsasampa ng kaso sa kung sino mang mga ponsyo pilato yun. Nang mahimasmasan na ako tinignan niya ako... nagtatanong ang kanyang mukha.

“wag mo nang pahirapan ang sarili mo Migs, alam kong mas gusto mo si Ed” at nakita ko siyang ngumiti... pero alam ko may natatagong sakit sa ngiting yun... pumara siya ng taxi

“ako ng bahala sa prisinto, magpahinga ka na” umiling naman ako sa gusto niyang mangyari.

“usap muna tayo Jon...” pagaalo ko.

“di na Migs, ok na ako... dapat maging ok ka na rin” pero nangingilid ang mga luha niya, kung baga di ako kumbinsido.

Pinaalis ko ang taxi pero pumara ulit siya ng isa pa.

“wag nang matigas ang ulo Migs, di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari nanaman sayo ng di maganda dahil sakin...”

At tumalikod na siya papunta sa mobile ng pulis, hinabol ko siya at niyakap mula sa likod...

“I'm sorry” tanging nasabi ko at patuloy ng bumuhos ang luha ko... tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya at pumunta sa may taxi.

“manong paki ingatan po tong tao na to” at nagpakawala nanaman siya ng ngiti sakin.

At pinasakay na niya ako sa kotse... tumungo siya at nilapit ang mukha sa mukha ko, nilapat ang labi niya sa labi ko, medyo nagtagal yun napapikit na nga ako at naramdaman ko na lang na pareho ng tumutulo ang mga luha namin... ansakit sa dibdib... di ko gusto ang mga ganitong drama... nuong maghiwalay kami ni Jon dahil nahuli ko siyang may ka sex sa apartment noon, mas pinili kong takasan ang tagpong katulad nito... di ko siya kinausap... pero pareho lang din pala... masakit din sa dibdib... katulad lang din pala sa pagtakas at sa pagharap ng mga ganitong drama moments... feeling ko sinusumpong na naman ako ng lintik na phobia na yan.

“bakit kailangan mong magmukmok diba gurl? Lalaki lang yan!” sabi ni Cha sakin.

Sumangayon lang ako sa sinabi niyang yun, di ako nagpahalata na apektado parin ako, hindi kasi basta lalaki lang si Jon... pinaglaban niya ako, minahal namin isa't isa... minahal niya ako ng sobra... tapos ganun lang, tinapon ko lang yun dahil may bagong dumating... di naman ako binigo ni Karma... dahil wala ring pinatunguhan ang akala ko'y worth it na ipagpalit kay Jon... nasan na nga ba si Ed? Di ayun... nakikipagmabutihan ulit sa “ex” niya, salamat kay karma na talaga namang pinamukha niya sakin ang aking katangahan.

Sa loob ng isang buwan, di naman ako binigo ni Cha, lagi siyang andyan... kahit na minsan tinotoyo ako, pero di ko pinapahalata at sinasabi sa kaniya na kaya ako nagkakaganun ay dahil sa katangahan ko sa kapatid niya... Isang buwan... akala ko ok na ako, akala ko wala na sakin ang lahat ng nangyari... akala ko... akala ko lang pala yun. Di nagtagal rumesbak nanaman si Karma at si Tadhana combo pa.

Nang isang beses na nagmumuni muni ako sa may by the bay, may hawak na mainit na kape mula sa starbucks, biglang bumuhos ang ulan... tumakbo ako dun sa may waiting area ng mga gustong sumakay sa tram... busy ako sa paghahanap sa panyo ko ng matandaan kong nasa bag ko nga pala yun na iniwan ko naman sa sasakyan ko... biglang may nagabot sakin ng panyo...

“naguulyanin ka na?” sabi sakin ni Ed... nakangiting aso nanaman

“bwisit!” nasabi ko sa sarili ko... binawi ko ang tingin ko sa kaniya at napatingin sa magandang babae sa tabi niya... ito talagang si karma, di pwedeng di ipaalala sakin ang katangahan ko at pananakit ko kay Jon.

“Hi Migs! Musta na?” sabi sakin ni Rubi ay ni Lei pala.

Pero bago ko pa man masagot ang tanong niya may mga grupo ng lalaki ang nagtatakbuhan at naghahanap ng masisilungan, nang makita ang aming pinagsisilungan pinilit nilang magkasya dito at siniksik kami, at napadikit naman ako kay Ed magkalapit ang mga mukha namin, agad akong umiwas at napansin ko namang napayakap si Lei kay Ed dahil sa pagtutulakan ng mga walang breeding na lalaki.

“very good ka talaga karma” nasabi ko sa sarili ko... ayan nanaman all along akala ko ok na ako... pero eto nasasaktan parin ako bumibigat parin ang dibdib ko.

“bakit nga pala bigla kang nawala nuon sa bahay ni Cha?” tanong sakin ni Lei

“ahhh nagmamadali kasing umuwi yung kasama ko eh... si...” di ko masabi ang pangalan ni Jon... para akong nasamid na parang may nakaharang sa lalamunan ko... nararamdaman ko ang tingin sakin ni Ed... pero di ko rin magawang tignan siya.

“anyways... una na ako ah... I have to go, malelate na ako sa duty ko...” pagiwas ko sa kanila...

“nonesense!” sabi ni Lei.

“anlakas lakas ng ulan” dugtong pa ni Ed.

Pero di ako sa sinabi niyang yun natigilan... napatingin kasi ako sa kaniya... parang may mabigat na pinapasan ito... kanina lang parang tuwang tuwa siya na nilalait nya ang pagiging ulyanin ko, pero ngayon iba na yung nasa mukha niya... ibang emosyon na.

“kailangan na talaga eh” at nagpaalam na ako sa kanila.

Di naman kalayuan ang daanan para makapunta sa sasakyan ko pero malakas talaga ang ulan, kaya nang makapasok ako sa kotse basang basa ako. Di ko maiwasang masaktan nanaman sa nakita ko... di ko maintindihan ang sarili ko... nung una pa lang naman kasi dapat talaga di ko na sineryoso si Ed... nang umuwi ako galing sa birthday ni Cha nasabi ko sa sarili ko na wala lang lahat iyon kay Ed... na it was just a game for him... na challenge lang ako para sa kaniya, pero ngayon nang makita ko ang mukha niya nang mahalata niya siguro ang pag iwas ko, I can't help but think... may nararamdaman din kaya siya?

“ayan ka nanaman! Asuming, asumming ASSUMING!” at inuntog ko ang ulo ko sa manibela at tumunog ng malakas ang busina ko... nagulat lahat ng tao sa labas lalong lalo na ang nakaupo na nakain dun sa mga restaurants malapit sa starbucks... dahil sa kahihiyan nagdrive na ako palayo.Nang makauwi ako sa bahay tinignan ko ang telepono ko...15 new messages... “OA!” sabi ko sa sarili ko, pagbukas ko ng Inbox puro si Ed.

“Migs, pwede ba akong pumunta dyan?” sabi ng unang text.

“bakit di ka nagrereply?”

And all the other 13 messages pretty much says the same, siguro nang mapikon sa pag deadma ko sa text messages niya, tumawag na lang... ayaw kong sagutin yung telepono ko kaya't nilagay ko nalang ito sa silent mode, kumuwa ako ng twalya at naligo muna... pagakatapos maligo nakita ko ang telepono ko na nagvavibrate parin at umiilaw...

“tang ka kulit!” sabi ko, pero dineadma ko parin ang tawag nito... nagpunta ako sa sala at nanood ng TV... Rubi na pala... sakto... maya maya habang nakanta si Juris sa background ng Rubi, biglang may kumatok sa pinto... di ko alam ang gagawin ko pero, binuksan ko parin ang pinto... di ako nagkamali si Ed nga.

“bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko? Lampas sampu na yun ah! Saka akala ko ba magdu-duty ka?!” medyo mataas na boses niyang sabi sakin.

Di ko naman maiwasang mainis sa inasta niya kaya't tinaasan ko narin ang boses ko.

“ano ba kita? Boyfriend ba kita ha?!” sabay talikod sa kaniya.

Umupo ulit sa harapan ng TV at pinanood ulit si Rubi. lumapit siya sakin at humarang sa harapan ng TV, nang tignan ko siya ngumiti nanaman ng nakakaloko si gago...

“pwede ba, nananahimik ako dito at masayang nanonood ng Rubi! Kung gusto mong manggulo umalis ka na lang!” naiinis ko paring sabi sa kaniya.

Umupo siya sa tabi ko at umakbay, lumapit sa tenga ko ang labi niya at bumulong...

“ang cute mo paring mainis, di ako aalis dito hanggat di ka nakikipagusap sakin.” sinabi niya sakin with that effin bedroom voice.

Akala ko makakapag concentrate pa ako sa panood ng Rubi... pero siksik ng siksik si Ed sa tabi ko... parang batang nanlalambing... maya maya nang matapos na ang pinapanood ko pinatay ko ng ang TV napansin ko namang di na nangungulit si mokong kaya't tinignan ko siya... nakatulog pala ang kumag, at sa kakapalan ng mukha nakuha pang sumandal sakin... ginawa ko tumayo ako at hinayaan ko siyang bumagsak sa couch.

“kailangan ba talagang gawin yun?!” tanong niya sakin ng pagalit ulit.

“matutulog na ako, maaga pa ang pasok ko bukas... bukas na lang tayo magusap” sabi ko.

Nang binuksan ko ang front door para palabasin siya, nagulat ako kasi tumayo nga siya pero di para lumabas ng apartment, kundi para umakyat papunta sa kwarto ko.

“hephephep! San ka pupunta?” sabi ko habang humaharang sa hagdan.

“matutulog” matipid niyang sagot. halatang naiiinis parin sa ginawa kong kalokohan sa kaniya kanina.

“sabi ko matutulog na AKO, hindi ka kasama, bukas na tayo magusuap” pagpapaintindi ko sa kaniya...

“Oo nga, edi para makapagusap agad tayo bukas first thing in the morning...” sabay hubad ng t-shirt niya... “dito ako matutulog” pahabol niyang sabi at nagpakawala nanaman ng ngiting aso ang kumag.

“kakausapin kita bukas, basta umuwi ka na muna” pangungulit ko sa kaniya. naiinis na ako

“argggghhh!” sabay pisil niya sa pisngi ko “cute mo talaga mainis para kang bata”

“Ed, please, napapagod na ako, gusto ko ng matulog, maaga pa ako bukas” pagsusumamo ko sa kaniya “ayoko ng makipagkulitan sayo” pahabol ko pa

“edi wag ka ng makipagkulitan sakin... tara tulog na tayo” at hinatak niya ako papuntang kwarto.

Magkatabi kami, di ako makatulog... “parang tanga naman kasi tong si Ed eh!” isip isp ko... malamang puyat ako nito, aaning aning nanaman ako sa ospital nito...humarap siya sakin.

“Migs, usap tayo please?” bulong niya.

Gusto kong magtulog tulugan pero nang silipin niya ang mukha ko.

“alam kong di ka pa tulog, nakita na kita matulog... di nakaikom ang bibig mo pag natulog...” sabay tawa niya.

Pinaharap niya ako sa kaniya, ibinukas ang mga mata ko... para akong puppet... lahat ng ipagawa niya ginagawa ko.

“bakit ka biglang nawala noon sa birthday ni Cha?” tanong niya ulit with that damn bedroom voice.

“inaya na kasi akong umuwi ni...” at naalala ko nanaman si Jon... mali ito... napapikit ako...

Nahalata ni Ed na may iniinda akong sakit...

“kaya ka ba nagkakaganyan? Dahil kay Jon? Ano bang nangyari? Bakit di na siya dito umuuwi?” at di na ako nakasagot.

Napapikit na lang ako... naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa labi ko, maya maya unti unti nang nilalaro ni Ed ang dila ko... tumigil ako, humiwalay ako sa paghalik sa kaniya... “mali ito” sabi ko sa sarili ko...

“Ed?” bulong ko.

“hmmm?”

“pwede bang mag toothbrush ka muna, lasang sushi kasi ang bibig mo eh” at napatawa naman siya sa sinabi kong yun.

“dun sa banyo may stock ako ng toothbrush dun, magbukas ka nalang ng isa”

At tumayo siya at tumatawa papunta sa banyo... nang marinig kong sumara ang pinto ng banyo tumayo ako at inilock ang pinto ng kwarto ko... “mabuti narin to, para makatulog ako” isip isip ko... mga ilang minuto pa ay kumatok na si Ed sa pinto.

“that's very mature of you Mr. Miguel Salvador!” at narinig ko ang mga yabag ng paa niya papunta sa baba... sa wakas nakatulog din ako...

Pag gising ko kinaumagahan, laking gulat ko ng maabutan ko si Ed sa may kusina.

“a-anong ginagawa mo dito?! Akala ko umuwi ka na kagabi!”pasigaw kong sabi sa kaniya.

“Good Morning Miguel!, sige na kain ka na pinaghanda kita ng hotdog and scrambled egg tas may fried rice narin dun sa lamesa...” mahinahon niyang sabi

“akala ko umuwi ka na?! Umuwi ka na kasi!” sabay subo ng hotdog...

Infairness masarap siyang magluto ah, ang scrumbled egg at ang fried rice may ibang lasa.

“I was going to, kaso naalala ko na yung jeans at shirt ko nasa kwarto mo pa pala... e NILOCK mo nga yung pinto diba?! Alangan namang umuwi ako ng naka boxer shorts lang diba?” di na ako nakasagot... medyo sumasakit ata ang tiyan ko... napatakbo na ako sa CR...

Di ko na nga nailock ang pinto dahil sa sobrang pagmamadali pumunta sa CR.

“Woooh! Baho naman niyan Migs! Ilang buwan mo ba yan inimbak?! I would call work if I were you... mukhang matatagalan ka diyan eh” at inabot niya sakin ang telepono ko at ngumiting aso nanaman si kumag. Tapos nakita ko sa bulsa ng boxers niya ang gamot ko kapag sinusumpong ako ng constipation.

“anak ng...” nalang ang nasabi ko... at narinig ko ang tawa niyang nakakaloko...

Buti na lang at napakiusapan ko ang kasamahan ko sa ospital na mag relieve sakin... paglabas ko ng banyo, nakangiting gago nanaman si mokong.

“akala ko di ka tatablan...” pangaasar pa ng kumag.

“ayan, kumain ka ng maraming saging” inabot niya sakin ang isang piling

“I was thinking of sedating you, pero masyadong delikado” tawa na naman si mokong ng nakakaloko.

“now can we talk???” tanong niya sakin...

ITUTULOY!

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails