Followers

Monday, September 6, 2010

Love at its Best3

Love at its Best3
by: Migs

Nasa isang maliit na kwarto ako, yung mga tipong bodega sa ilalim ng hagdanan, mga lalagyan ng walis para sa mga Janitor... di nanaman ako makahinga, di ako mapakali... nanlalamig nanaman ang buong katawan ko, butil butil ang pawis... kinakalampag ko ang pinto, nagmamakaawang may magbukas nito pero wala... napaupo na ako sa sahig... katabi ang mga map, mga walis na ginagamit para mapanatiling malinis ang mga kwarto sa skwelahan namin... napapapikit na ako nang magbukas ang pinto... nakita ko si Jon... KRRRRRRRRIIIIIIIIINGGG!

Napadilat ako bigla... nananaginip pala ako... pero butil butil parin ang pawis ko...

“stupid phobia!” naibulalas ko...

Claustrophobic kasi ako, nung bata ako kinulong ako ng kuya ko sa isang bodega sa ilalim ng hagdan sa bahay ng mga lolo ko, naglalaro kami noon, siguro nakalimutan niyang andun ako nang tinawag siya ng nanay ko para maligo... ako naman... sa loob ng sampung minuto na pagkalampag ko sa pinto ng bodega walang nakarinig sakin... walang ilaw sa loob nun, walang bintana, kasi nga nasa ilalim ng hagdan... hanggang naranasan kong di na ako makahinga, di mapakali at wala na akong nagawa kundi ang umiyak...

“Damn it!”

At hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko, kinuwa ko ang cellphone ko at tinext si Jon...

“I'll wait for you at...”

Limang araw ko nang sunod sunod na tinetext si Jon... alam ko malaki ang kasalanan ko sa kaniya... tinatawagan ko rin siya pero mukhang diverted ang call dahil laging nalabas sa screen “call not possible” Nakikiusap ako na makipagkita siya sakin para makapagusap na kami ng maayos pero sa apat na araw na lumipas, ni anino niya di ko nakita.

“Stupid phobia!” nasabi ko ulit sa sarili ko

Nakita kong nanginginig parin ang kamay ko... nagtimpla ako ng kape at ininom ito, di ko maintindihan kung bakit nung umalis si Jon sa apartment, walang gabi na hindi ko napanaginipan ang unang araw na nagkakilala kami... pareho ang nararamdaman ko ngayon saka ang nararamdaman ko nung araw na nagkakilala kami...

“Wag Tony, di ako pwedeng makulong sa isang closed space!” pagmamakaawa ko sa kaklase ko nung grade 5.

Binubully nila ako dahil sa aking itsura, payat, walang ibabatbat kung baga, pero dahil marami ang cronies ni Tony nagtagumpay sila sa pagkulong sakin sa isang bodega kung saan tinatago ang mga gamit pang linis ng mga Janitor sa School... pinagkakalampag ko ang pinto ng bodega... nagdadasal na sana may magbukas nito... pero ito na nagsisimula na... nararamdaman kong unti unti nang nawawala ang dugo saking mukha... pinagpapawisan na ako ng malamig, butil butil narin ito, nanginginig na ako... naluluha at kumakabog ang dibdib nang biglang may magbukas ng pinto napayakap ako sa kaniya... di ko siya kilala, transferee siguro, kasisimula pa lang ng second grading...

“Gusto mong magpunta sa clinic?” sabi niya.

Isang ngiti ang ibinigay niya ng pinakawalan ko na siya sa aking pagkakayakap... umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.

“sigurado ka? namumutla ka pa oh...” at hinawakan niya ang pisngi ko, napatulala naman ako sa kaniya... at ngumiti ulit siya.

“ako nga pala si Jon, anong pangalan mo?” di ko maabsorb ang sinasabi niya... para siyang anghel sa mga mata ko (sus ka korny ko talaga) napatawa siya sa inaasal ko, nagmumukha na siguro akong tanga.

“wag mo akong titigan ng ganyan, halika dalin na kita sa clinic”

Umiling ako... nakakahiya kasi sasabihin nanaman nila lalampa lampa ako kaya nasa clinic nanaman ako.

“ah, sige alam ko na, dati kasi tuwing nanlalambot ako o kaya parang walang energy binibigyan ako ng school nurse namin ng chocolate, baka yun lang kailangan mo” tas binigyan niya ako ng flat tops...

Tama nga siya, nakagaan ng damdamin ko ang flat tops na binigay niya... simula nung araw na yun lagi na siyang asa tabi ko, kahit di kami magkaklase iniintay ako niyan tuwing magbre-break time na, pinagtatanggol sa mga bullies kahit siya mismo ay mukhang lalampa lampa... feeling ko dun ako sa puntong yun nainlove kay Jon, kasi kahit alam niyang wala siyang panalo kila Tony laban parin siya... di ko maintindihan noon, pero ang alam ko lang mahal ko siya...

Nang mag highschool kami nagpaalam siya sakin na magtratransfer ulit siya ng school, parang hobby ata ng pamilya niya yung magpalipat lipat ng bahay... alam ko wala akong laban sa desisyon ng pamilya niya, sus sino ba naman ako, best friend lang ako... nanay at tatay niya yung nagdedesisyon... inisip ko rin nun na hindi na ulit kami magkikita... nalungkot ako... para akong tanga, bata pa kasi tas di pa alam kung pano salubungin ang first heartache from the first breakup... chos!

Ilang linggo din akong malungkot nun, pero syempre dahil bata pa naman madali rin akong nakalimot, nang mag fourth year ako, nagulat ako, paglabas ko ng gate may tumatawag sakin... pero dahil nagevolve na ako nung fourth year, nagaral na kasi akong magayos nang sarili, natutunan ko narin mangsnob, iniisip ko kasi...

“you all made my life hell before, and now that I'm gorgeous, all of you are not worth my time anymore”

kasi naman pati yung mga baklang kung makapanglait dati habol din ng habol ngayon kasama yung mga babae nilang katropa na gustong gusto nilang ayusan... tapos yung mga lalaking dati eh kung tumawa na kala mo walang kapintasan ay hangang hanga sa porma ko... di naman sa pagbubuhat ng bangko pero laki talaga ng pinagbago ko nun...

“Migs!” sigaw ulit ng lalaki na kanina pa ako tinatawag

“suplado na pala ang bestfriend ko ngayon ah...” at napatigil ako sa sinabi niyang yun... napatlikod ako... si Jon na pala...


Di ko alam mararamdaman ko, maiinis ba dahil sa pagiwan niya sakin noon, o matutuwa dahil sa wakas bumalik siya...

“Ikaw pala Jon, musta?” at nginitian niya ako sa sinabi kong yun.

walang nagbago sa kaniya... di naman siya ganung ka gwapo pero chinito siya at maputi... my total weakness! Nagkwentuhan kami tas sabi ko...

“Jon sige, pasensya na kailangan ko narin kasi umuwi” at nalungkot naman siya ng konti.

“ah, ganon ba? Hatid na kita” alok niya.

Araw araw yun, walang mintis susunduin niya ako sa school tas ihahatid sa bahay... lalo naman akong naguluhan... isang gabi biniro ko siya

“oi ikaw ah! Baka mamya niyan magalit ang girlfriend mo!”

Wala naman siyang nabanggit about sa girlfriend pero syempre di ko naman mapigilang magassume...

“wala naman akong girlfriend” sagot niya sabay ngiti sakin...

“a ganun ba, maski na, mamya niyan masanay ako na lagi mo akong sinusundo tapos aalis ka nanaman” nasabi ko nalang mailayo lang yung topic about sa girlfriend...

“di na kita iiwan promise...” maikli niyang sagot na nagpakilig sakin.

Ilang buwan pa nakalipas, malapit na ang graduation... pareho kami ng college na inapplyan... swerte naman kasi gusto ko noon nursing tas ang gusto niya maging physical therapist sakto dun sa college na pinagapplyan namin parehong may kursong ganon.... sanay na ako na lagi siyang nandyan... natatakot ako na baka mamya pag nawala siya katulad dati o mas malala pa ang pagiging malungkot ko...

Nagulat ako isang araw habang pauwi kami sa bahay namin bigla siyang tumahimik, tapos galing sa kambyo ng sasakyan niya hinawakan niya ang kamay ko...

“pwede bang umakyat ng ligaw sayo Migs?”

nagulat ako pero napatawa din ako ng malakas sabay bawi ng kamay ko...

“aaning aning ka nanaman Jon ha!” nasabi ko nalang pero anlakas ng kabog ng dibdib ko noon

“seryoso ako Migs” tinignan ako g seryoso


Nang mag college kami di ko inaasahang magiging makulit talaga siya about sa panliligaw sakin.

“ayan gurl yung pinapahawak mong boquet” sabi ni Cha
Sa kanya kasi inabot ni Jon yun flowers para di halata, kunwari siya yung nililigwan ni Jon... pero bago umuwi iaabot niya rin yun sakin. Isang araw habang nasa library ako tumunog ang paging system nagulat naman ako nang magsalita ang isang pamilyar na boses... si Jon

“may gusto lang po sana akong sabihin sa taong minamahal ko... pasensya na po sa mga klaseng naabala... sa taong mahal ko, sana naman sagutin mo na ako, matagal tagal narin akong nanliligaw sayo... sana ikaw na ang taong lubos na magpapasaya sakin... sana ikaw na ang taong pwede kong makasama habang buhay... alam ko naman na ito rin ang gusto mong mangyari... alam ko namang mahal mo rin ako... sana kapag nagkita ulit tayo, mamya o bukas o sa susunod na bukas... sabihin mo na mahal mo ako at kapag narinig ko na yun mula sa mga bibig mo ako na siguro ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo...”

At naputol na ang paging system... nahuli na siguro siya ng mga in charge dun... habang nagtitilian naman ang mga tao sa paligid... take note asa library ako... todo saway naman ang librarian, di ko rin mapigilang kiligin... pero di ko syempre pwedeng ipahalata hanggang pamumula na lang ang nagawa ko.

Dalawang araw na suspended si Jon non, pero sabi niya worth it naman daw kasi alam niyang napasaya niya ako, at sa sinabi niyang yun di ko napigilan ang sarili ko na sabihing

“Jon, I love You”

at napatigil siya

“ano yun Migs?”

pero sumimangot ako at tumalikod

“wala.”

sagot ko na medyo nagtatampo...

“sabi mo Jon, I love You”

panggagaya niya sa boses ko at napatawa ako...

“narinig mo naman pala eh” sabi ko sa kaniya

“suspension lang pala ang kailangan para mapasagot ka eh sana dati pa ako nagpasuspend!”

At hinalikan niya ako sa labi... simula nung araw na yun opisyal na... kami na nga ni Jon...

Alas singko na ng hapon... palubog na ang araw... dito ako nakaupo sa may bench sa my by the bay... dito ko unang sinabi kay Jon na mahal ko siya nung college pa lang kami... pero syempre di pa developed ito noon... konti pa lang ang mga upuan dito noon... wala pang mga bar... anliliit pa ng mga puno nyog ang ngayoy nagsisitayugan na puno... muli kong tinignan ang oras... “5:01pm” sabi ng digital na wrist watch ko... peste sasalubungin ko nanaman ata ang paglubog ng araw na magisa...

10pm sabi nanaman ng wrist watch ko nang tignan ko ito... unti unti nang nagaalisan ang mga tao sa paligid ko...

“haist Jon di ka na nanaman pupunta?”

At nangingilid nanaman ang luha ko, alam ko ako ang may kasalanan... nasaktan ko siya... at ngayon... parang pareho na kaming nasasaktan...

11pm wala paring Jon na dumarating... tinignan ko ang telepono ko pero wala ni isang text o tawag mula kay Jon... ang tanging text na natatanggap ko ay mula kay Cha

“gurl! Wag mo nang pagurin ang sarili mo kakaintay kay Jon dyan sa by the bay! Umuwi ka na ok?... kung gusto niya talagang makipagayos sayo, nung unang text mo palang nagpakita na siya...”

Tama si Cha... unti unti na akong tumayo... naglakad papunta sa may sakayan... pero wala ng nadaan na dyip papunta sa apartment kaya naisipan kong maglakad papuntang kanto ng EDSA malapit sa Heritage... pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng may tumigil na van sa tapat ko... kulay itim at heavily tinted... hinila ako ng lalaki galing sa loob ng van... sa tagal ko ng nabubuhay dito sa Pilipinas alam kong di maganda ang hangarin ng mga taong to...

“naku icha-chopchop ako nitong mga to at ipagbebenta ang mga laman loob ko sa mga ospital na bumibili ng mg internal organs!” sabi ko sa sarili ko.

Pero ang mas ikinatakot ko ang van na saradong sarado... heavily tinted na nagmumukhang walang bintana...Pagsara ng pinto ng van di pa agad ito umandar at nagulat ako ng parang nagkakagulo sa labas, nauga ang van... di nanaman ako makahinga...

“stupid phobia!” sabi ko nanaman sa aking sarili

Nanlalamig nanaman ako... nanginginig, nanghihina... at nagumpisa nanaman akong magpanic binubuksan ko ang pinto nang pag hila ko sa handle ay nasira ko ito.

“very good!” naibulalas ko sa sarili ko,

kinakalampag ko nanaman ang pinto... nagsisimula nanaman akong manghina... ayoko na... papabayaan ko na lang na machopchop ako... nang biglang bumukas ang pinto ng van...may mga pulis na sa paligid ng van... pinoposasan ang mga lalaking kanina ay gustong gusto na akong ilayo sa lugar na ito... pero mas ikinagulat ko ang lalaking nagbukas ng pinto ng van...


Itutuloy...

Sunday, September 5, 2010

Love at its Best2

Love at its Best2
by: Migs

Maraming Salamat po ulit kay kuya Mike sa pagpayag niyang mag contribute ako ng kwento dito sa blogspot niya.

sana po magustuhan niyo. :-)

__________________________________________________________________________________


“Hon sino yan?” kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Ed “Hon, I would like you to meet Ed... kuya ni Cha” pagpapakilala ko kay Jon na aking boyfriend at kay Ed...

di ko alam kung galit, pagkabigla o disappointment ang nakita kong rumehistro sa mukha ni Ed... marahil lahat... di rin naman ito nakaligtas sa mata ni Cha... pero nag-iba bigla ang mukha ni Ed nang abutin ni Jon ang kamay nito para makipag shake hands... tapos... TAHIMIK...

“pasok kayo, pasok...” mabait na sabi ni Jon... marahil naramdaman niya na nagkakailangan lahat at nang tignan ko siya nginitian lamang ako nito...

si Jon ang aking bestfriend, kapatid at higit sa lahat lover... nagsimula kami nang highschool bilang magkaibigan lahat shineshare namin sa isa't isa... mabait si Jon pero tulad ng ibang mga relasyon dumaan din ang pagsasama namin sa pagsubok...

“Cha?” patanong kong lapit kay Cha... halatang may kinikimkim na sama ng loob sakin... kilala ko na siya... alam ko kung nagtatampo siya o hindi... “are you mad at me?” tanong ko habang nagliligpit kami ng pinagkainan... si Jon naman at si Ed ay nanonood ng TV sa sala... nararamdaman ko ang galit niya... nagraradiate kung baga at naaawa na ako sa mga plato namin kung ibagsak niya sa sink....

“gurl naman!” panimula ni Cha “kailan pa bumalik ang Jon na yan dito?!” pagalit na turan niya sa likod ni Jon... “naaalala mo ba yung gabi na umiyak ka sakin at ilang beses na sinabing magpapakamatay ka dahil sa sakit na binigay niya sayo?!” pagpapatuloy niya sa panimulang sermon... “gurl naman, he said sorry” sagot ko at naramdaman ko ang kamay niyang may sabon pa sa batok ko “bobo! Ganun na lang yun? Simpleng sorry?? ewan ko sayo! Antanga tanga mo talaga gurl!” paulit ulit niyang sinasabi sakin...

“naguwi ng slut yang lalaking yan dito sa bahay mo mismo, remember?!” at muli, naramdaman ko nanaman yung sakit na naramdaman ko isang buwan na ang nakakalipas...

umuwi kami ni Cha from work sa hospital pagod na pagod ako... pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil medyo makalat sa buong apartment... nang umakyat ako nakita ko ang nagkalat na damit sa sahig... kinabahan ako... nagple-play ang ipod ko sa dock nito... medyo malakas... at nang maabutan kong nakaawang ang pinto ng kwarto namin... nakita ko ang isa sa pinakamasakit na tagpo sa buong buhay ko... ang bestfriend ko ang kapatid ko... ang lover ko... nakikipag niig sa isang lalaking di ko kilala...

mahinahon akong bumaba at kumuwa ng beer sa ref... tinungo ang counter at umupo sa high stool... nang matapos na ang milagrong ginawa ng mga traydor, sabay silang bumaba... nakabihis na ang lalaking di ko kilala habang si Jon ay naka boxers lang... nagulat siya ng mapadako ang mata niya sa kinauupoan ko... “so how was it?” mahinahon kong tanong... at nagulat ang lalaking kasama nito at napatingin narin sakin... halata ang guilt at pagkahiya niya sa kaniyang mukha... actually maski ako nagulat sa pagkamahinahon kong pagsasalita... mahinahon ang nalabas sa bibig ko.. pero nagpupuyos talaga ako sa galit at sa sakit ng pagtratraydor nila...

“that was classic Jon... having sex with someone I don't know in MY house and in MY bed... and while MY ipod is playing... classic...” at ngumiti ako... ewan ko kung saan ko kinuwa ang lakas para makangiti... naglakad ako papuntang pinto, hinabol ako ni Jon at hinawakan ang kamay ko bago ako lumabas... pero tinaggal ko ito galing saking braso at bago tuluyang lumabas... “gusto ko wala ka na dito pagbalik ko Jon” mahinahon ko paring sabi kay Jon...

naramdaman ko na lang na nakatingin na pala ako kay Jon sa may sala... “mahal ko siya Cha eh” alam ko di naiintindihan ni Cha... marahil sa pagkakaintindi niya nagpapakamartyr nanaman ako... nagpapakatanga nanaman ako... “how about kuya?” at napatingin ako bigla kay Cha “he likes you, alam mo ba yun? Mama told me he's never the same right after the wedding, that he just wont stop talking about you...” at napatingin ako kay Ed... marahil naramdaman nitong nakatingin ako sa kaniya at napatingin din siya sa kinatatayuan ko... kumalampag nanaman ang puso ko sa loob ng dibdib ko “Lord bakit ba ganito ang epekto ng mamang to sakin...” sabi ko sasarili ko

“anyways!” pagputol ng bruha sa pakikipagtitigan ko kay Ed... “he will be staying here in Manila, he will be managing the company that Kuya Mao left here” medyo naguluhan ako sa sinabi niyang yun... “dito? For good? Si Ed?” sunod sunod na tanong ko dahil sa sobrang di ako makapaniwala “hindi! He will be staying in MARS for good at hindi si kuya Ed ang pinaguusapan natin si Mickey mouse!” pasarkastikong sagot ni Cha sakin “nasan na ba ang brain cells mo gurl?? taena para naman akong nakikipagusap sa baliw nito eh... Oo dito na siya sa Manila for good...”

di ko alam... alam kong kinabahan ako... alam kong magiging kumplikado nanaman ang lahat... pano pa ako makakalimot sa nangyari nun sa probinsya kung sa ngayon maaaring araw araw ko na siyang makikita... napa buntong hininga nalang ako...

“We will be going na...” sabi sakin ni Cha, at napatingin naman ako kay Ed... pero di na niya ako tinitignan...

Dumating na ang iniintay kong sundo... si Cha... I'm wearing this white uniform for duty and since di ako nakatulog kagabi dahil sa sobrng kaiisip kay Jon, Ed at sa mga sinabi ni Cha eto isang malaking shades ang nakapasak sa mukha ko... “gurl ano nanamang drama yan?!” sabi sakin ni Cha habang bubuksan ko sana ang pinto sa may passenger seat... kadalasan kasi si Cha ang nagdradrive at ibig sabihin ngayon may ibang nagdradrive kasi siya ang nasa passenger seat... kinabahan ako bigla pagpasok ko sa may backseat napatingin ako sa may salamin... si Ed nakatingin sakin....

“Ano nanamang drama yan gurl!? Bakit ka nakashades???” pagtatanong nanaman ng intrimitidang bakla “shut up! Fag hag! Di lang ako nakatulog ng maayos kagabi” tugon ko naman sa kaniya “dahil?” tanong naman niya... habang si Ed ay iniintay ang aking sagot at nakatingin parin sa may salamin... nakangiting aso nanaman... di na ako nakasagot, umandar na papuntang Ospital ang sasakyan... napansin kong paminsan minsan ay tumitingin si Ed sa may salamin... minsan tumititig pa...

“Oh kuya! Stop for a while! May bibilin lang ako sa may mercury...” biglang sigaw ni Cha na ipinagpasalamat ko... dahil nakalusot ako sa titig ni Ed “what could you possibly need right now!? Malelate na kayo” sigaw naman ni Ed “tampons!” at sabay kaming napa eeewww ni Ed sa sagot na yun ni Cha.

di ko alam kung bakit natatagalan si Cha, pero ang di ko rin maintindihan ay kung bakit di ko magawang kausapin si Ed... di narin siguro ako nakatiis kaya't “musta?!” sabi ko sabay sabi naman niya ng “so...” nagkahiyaan kami saglit at hindi alam kung sino nga ba ang mauunang magsalita, tas pinauna ko na siyang magsalita “so you and Jon huh?” tanong niya medyo natagalan akong sumagot...

“I'm sorry kung di ko nabanggit ang tungkol kay Jon... I think, I just...” sabi ko nang di na niya ako pinatapos “you just... can't get enough of me? And you're afraid na baka pag sinabi mo na committed ka na iwasan na kita?” sabi niya na may halong panloloko... at nakangiting aso nanaman siya sabay nun ang kabog ng dibdib ko “no I was going to say na di ko masabi na committed na ako kasi baka masyado kang maweirduhan sakin lalo na at sa lalaki pa ako committed” may pagkaasar kong sabi...

“ahhh... very touching, but I'm not convinced” at nakangiting aso nanaman siya this time di na siya nagkasya na tignan ako sa salamin... hinubad na niya ang seat belt at humarap sakin... “I wonder what you see in him?...” patanong niyang sabi na hindi parin lubayan ng ngiting aso... “what do you mean?” tanong ko na may halong galit sa tono ko “I mean... di siya gwapo compared to me... bansot... boses palaka... korny manamit...” tuloy tuoy niyang sabi at nang aapela na ako bigla namang pumasok si Cha sa kotse...

“super haba ng line grabe” nagulat siya ng maabutan niyang naka harap ang kuya niya sakin at napatingin din siya sakin at ngumiting aso na parang sa kuya niya “nice timing fag hag” yun na lang ang nasabi ko para kahit papano ay makaganti ako kay Cha at napatawa naman si Ed sa sinabi kong yun...

nang maihatid kami ni Ed sa ospital may sinabi siyang paalala kay Cha “Cha don't forget about this afternoon ah?” sabay ngiti niya kay Cha “bye Migs see you later” sabay ngiting aso sakin “whatever!” sagot ko sa sinabing yun ni Ed at naramdaman ko ang siko ng babaitang bakla sa tagiliran ko... “shit Cha ang sakit nun ah... FAG HAG!” at napatawa na lang ang bruha na mala cruela devil...

Since magkaiba kami ng area ni Cha sa hospital di namin alam kung toxic ang isa't isa nagulat ako ng bigla akong tinawag ng kasamahan ko na sinasabing nasa kabilang linya ng intercom si Cha... “hello?” “GURL!” sigaw ni Cha sa kabilang linya “gurl merong problem! Di makakarating yung ka endorse ko!” sigaw niya ng may pagkabahala... “so? Edi mag-straight duty ka” sabi ko naman ng may pangiiinis “ano pa nga ba! Kaso pano Si kuya... nagpapasama siya dun sa business namin just around Makati, eh hindi niya alam yung way papunta dun... pwede bang samahan mo siya bago ka lumabas tutal wala namang masyadong in-eendorse dyan sa ER?” tanong sakin ng bruhilda... “I can't... I have something...” di na niya ako pinatapos “THANK YOU! Ambait bait mo talaga gurl!” at binaba na niya ang intercom nagtry akong tawagan siya sa area niya kaso nasa pasyente na daw so wala na akong nagawa kungdi tawagan si Jon and cancel our date...

May dalawang oras na ata akong nagiintay sa may lobby ng ospital di parin dumdating si Ed... nang makakatatlong oras na akong naghihintay dumating din ang kumag at naka ngiting aso pa... “I'm sorry...” at di ko na siya inintindi nakasibanghot na ang mukha ko “hey wait!” sigaw niya ng papunta na ako sa kotseng akala ko ay kay Cha...

“di yan ang dala kong sasakyan... eto oh” turo ni Ed sa fortuner sa tabi ng altis na akala ko ay kay Cha... “putangina napahiya nanaman ako” sabi ko sa isip ko.

“ano bang problema mo?” tanong sakin ni Ed habang tinitignan niya akong makpiaglaban sa seat belt ng tag of war “anong problema ko?!” sabi ko sabay bitaw sa seat belt na hindi ko magawang iyakap sa katawan ko... “anong problema ko?! Dalawang oras at kalahati mo akong pinagintay sa lobby ng ospital! To think na sana may pupuntahan pa ako at pinakiusapan lang ako ni Cha para samahan ka!” at hinubad niya ang seat belt na nakasuot sa kaniya at inabot niya ang seat belt ko para isuot ito sakin “di kasi ganyan, ganito oh,” at itinuro niya sakin ang tamang paghila at pagsuot ng seatbelt nang magkalapit ang katawan namin di ko alam kung bakit ganon na lang ang kaba ko... ibang klase talaga yung kaba... at humarap siya sakin... nagtama ang mga mata namin... pumikit siya at inilapit ang mukha sa mukha ko....

“I wanna be a billionaire so freakin bad!” tugtog ng radyo... at napadilat ako... nabitin sa hinihintay na halik na hindi naman dumating at nang mapatingin ako kay Ed, nakangiting aso nanaman ang loko “you actually think I'm going to kiss you, didn't you?” sabay ngiti at suot ng seat belt sakin... naramdaman ko nalang na namumula na ako sa pagkahiya... di ko inaasahan na papahiyain niya ako ng ganun kaya bababa na sana ako ng sasakyan pero saktong ni lock niya yung pinto ng kotse...

“pikon ka pala talaga” at nginitian na naman niya ako nung ngiting aso na sa tingin ko ay master na master na niya... sinalpak ko ulit yung earphones sa tenga ko at di na ako nakipagusap sa kaniya...

“Migs gising!” pagyuyugyog sakin ni Ed... nakatulog na pala ako... nang tignan ko kung asan na kami laking gulat ko ng mapansin kong palabas na kami ng Roxas Blvd at papasok na ng Costal Road “what the... bakit tayo nandito?! Sa Makati tayo pupunta hindi sa Cavite, Ed!” pasigaw kong sabi pero wala na saktong go na ang traffic light at napilitan ng umabante si Ed papasok g coastal road...

“how could you be so stupid!” napasigaw ko sa sobrang pagkabigla “sino ba kasing may sabing tulugan mo ako!” sigaw niyang balik sakin... wala na yung ngiting aso... “alam mo namang di pa ako sanay dito!” sigaw niya ulit... nagising naman ako sa katutuhanan na kasalanan ko nga... masyado kasi talaga akong antukin eh... nakarating na kami malapit sa may Bacoor ng naghello samin ang napakahabang traffic...

“bakit kasi di mo ako ginising eh... pagbalik natin nito gabi na... malamang sarado na yung pupuntahan natin sa Makati” sabi ko na medyo mahinahon... ayoko kasing mauwi nanaman sa sigawan yung usapan namin... “sarap kasi ng tulog mo...” halatang gusto narin akong kausapin kanina pa “nakakahiya kang gisingin” pahabol niya “kaya nagmarunong ka?” at napatawa siya sa sinabi ko... “kasi naman naka nganga ka pa eh tas tumutulo tulo pa yung laway mo...” di ko naman maiwasang mapangiti... at nang mapatingin ako kay Ed nakatitig na pala siya sakin... “cute mo talaga pag nakangiti” sabay ng kabog ng dibdib ko ang kilig na akala mo may mga butterfly sa tyan ko (korny no?)

nahiya naman ako at napatingin na lang sa labas ng bintana ko... nagulat ako nang biglang may naramdaman ako sa kaliwa kong kamay... kamay ni Ed... pinilit kong alisin ang kamay niya pero malakas siya at nang mapatingin ako sa kanya nakangiting aso nanaman ito.

Umayos naman ang daloy ng traffic at paikot na kami sa may ilalim ng fly over ng pumutok ang gulong ng sasakyan dahil sa sobrang lubak, naitabi naman namin ang sasakyan... tinutulungan kong magpalit ng gulong si Ed ng mahulog ang inaabot kong tool sa kaniya pinulot ko ito sabay pulot niya rin naman at nagkauntugan pa kami “ouch!” “shit!” sabay naming sabi at npasandal ako sa sasakyan at napatuon naman siya sakin...at napadagan sakin... naipit ako sa pagitan ng sasakyan at ng katawan ni Ed...

tumitig naman siya sa mukha ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan... tinapos na namin ang pagpalit ng gulong at agad agad kaming umalis... nang makapasok kami sa sasakyan tawa kami ng tawa pareho... at nagkatitigan ulit... lumapit naman siya sakin at parang napako ako sa kinauupuan ko at di ko na nagawang umiwas sa kanya at napapikit na naman ako and this time naglapat na ang mga labi namin... pag dilat ko nakadilat din siya habang magkadikit pa ang labi namin... di maalab, pero punong puno ng emosyon... di mapusok pero masarap sa pakiramdam... at nang humiwalay siya sakin... ngumiti nanaman ang kumag na parang aso.

“you really just can't get enough of me do you?!” at lumayo na ako sa kaniya at inirapan siya... “magdrive ka na baka sipunin ako dahil sa basa pa ang damit ko” pagtataray ko sa kaniya... di ko kasi siya magets... parte ba to ng plano niya... na hayaan akong ma fall sa kaniya then I pahiya everytime na makakuha siya ng ebidensya na gusto ko rin siya?

“Nakakainis talaga tong kumag na to!” sabi ng isip ko napansin niya sigurong nakasimangot ako kaya't tinanong niya ako “bakit ka nanaman naka simangot?... kani kanina lang tuwang tuwa ka saka kinikilig kilig ka pa” di ko na siya sinagot pa...

nakarating kami sa Apartement ko nang walang kibuan... siguro napansin niya rin na wala ako sa mood kaya't tinanong niya ulit ako... “may problema ba Migs?” at umiling lang ako at pumasok na sa loob ng apartment... inimbitahan ko siya pumasok pero pagod narin daw siya kaya't umuwi na siya...

nung gabing yun di nanaman ako makatulog dahil sa nangyari di ko kasi maintindihan bakit ganun na lang sakin si Ed... may galit parin ba siya sakin dahil di ko sinabi ang tungkol kay Jon... kaya't everytime I let my defenses down ipapahiya niya ako... all for his ego ba ang drama nito? At napansin siguro ni Jon ang pagkabalisa ko kaya niyakap niya ako at bumulong ng “I love you”.

Di ko lubos maisip na by simply entertaining these thoughts ay trinatraydor ko si Jon, na sinasaktan ko si Jon ng patalikod.

Weeks passed at ganun pa rin ang setting... nagkikita kami ni Ed at ganun parin wala parin siyang pinalagpas na oras na hindi niya ako mabwibwiset at dahil kasama namin madalas ang kanyang dragonang kapatid di ko naman magawang gumanti ng pangaasar...

“its my birthday you bitch!” sigaw ni Cha sa telepono isang umaga pagkatapos kong maalimpungatan sa tawag niya... “kasi naman Cha ala una palang ng madaling araw!” pagtatanggol ko sa sarili ko “at bakit? In case you don't know 12am napapalit ng araw dapat kanina mo pa ako binati” sabi naman ni Cha “shhh! Ansakit sa ulo ng boses mo” at binaba ko ang telepono ko nag text naman si Cha “magpakita kang bakla ka sakin ah! Humanda ka sakin pagbabayaran mo ang pagdeadma mo sa birthday ko!” at hindi na ako nagreply... nakatulog ulit ako...

paglabas ko naman ng apartment nung umagang yun, nagulat ako sa nakahambalang na sasakyan sa may harapan ng apartment namin, sasakyan ni Ed at nung lalampasan ko na sana ito bigla siyang sumulpot sa harapan ko “kidnapin daw kita sabi ni Cha!” sabi niya sakin at napatawa dahil sa pagkagulat ko, dahil dun sinuntok ko siya sa braso “Aw! What's that for?” tanong niya sakin pero dinedma ko lang siya... “please sumama ka na sakin?” sabi naman niya ng may halo pang nangungusap na mata... alam ko di ko matitiis ang isang to...

“sige sige pero isasama ko si Jon, at inatayin mong matapos ang pag jog ko” halatang nadisappoint siya sa pagsama ko kay Jon... nang matapos akong magjog nagulat ako ng wala na si Ed sa labas ng apartment... yun pala pag pasok ko sa loob nakikipagkwentuhan kay Jon... di ko naman maiwasang marinig ang pinaguusapan nila “so how long have you been together” tanong ni Ed kay Jon “almost six years na” sagot naman ni Jon habang sinasalinan ng kape ang mug na binigay niya kay Ed... “alam mo ba na ang 6th year ang pinaka crucial sa lahat ng taon?” sabi naman ni Ed na halatang ginagago lang si Jon...

“alam ko” sagot naman ni Jon, “kaya nga nagiingat na ako, nasaktan ko na kasi dati si Migs, and sobrang pinagsisihan ko yun... kaya ngayon ginagawa ko lahat just to win back that trust na nawala...” dugtong pa ni Jon na medyo malungkot... “di ko talaga magets minsan... andami kong kilalang ganyan, no offensement pare, pero bakit kailangan pang lokohin ang isang tao na pihado naman mahal na mahal ka? If I were you di ko na papakawalan si Migs...” nagulat ako sa sinabng yun ni Ed “alam ko, marami narin dyan ang nagpapakita ng interes kay Migs... pero hindi ko siya papakawalan... unless sinabi niya na ayaw na talaga niya sakin”...

di ko alam kung anong magiging reaksyon ko nun, pero nung tumahimik na sila pumasok na ako ng apartment... at tumuloy na sa taas para maligo at mag prepare para sa party ni Cha... nang nagbibihis ako... lumapit sakin si Jon at niyakap ako mula sa likod... nasa harapan kami ng salamin at nakikita ko na may lungkot siya sa mukha...

“hon what's wrong?” tanong ko sa kaniya, at umiling lang siya... di ko maintindihan yung feeling, pero ayokong may nasasaktan ako... I know, I have to stop this charade with Ed... di maganda to sa relationship namin ni Jon...

habang nasa biyahe kami... di ko maiwasang mapatingin sa likod, kay Jon at kay Ed na nagdradrive... tahimik... walang gustong magsalita... nakikita ko si Jon na malalim ang iniisip... ganon din naman si Ed... binuksan ko ang radyo at talaga namang panginis si tadhana...

“sana dalawa ang puso ko, di na sana...” at nilipat ko na ang stasyon, sunod naman ang “unfaithful” ni Rihanna “cos I know that he knows I'm unfaithful and it kills him inside...” at napakunot naman ang nuo ni Ed at naisipan ko na lang na patayin ang radyo...

“Wow! Buti naman at di kayo nagpatayan sa loob ng kotse” sigaw ni Cha samin pagkababa namin ng sasakyan... pinandilatan ko lang siya ng mata at hinila sa may gilid... naiwan namang nagtataka sila Jon at Ed hanggang naisipan na lang ni Ed na pumasok na sa loob ng bahay ni Cha...

“Boyfie dahan dahan lang ah ayokong magkapasa sa araw ng aking kapanganakan! Bongga naman kasi ang paghatak mo sakin!” sabi sakin ni Cha na halatang di pa alam na naiinis ako “gusto mong patayin narin kita para ito na rin ang araw ng pagkamatay mo?! Bongga din yun! tipid sa letra at numero na nakalagay sa lapida mo!” pasigaw kong sabi sa kaniya...

nahalata siguro ng bruha na naiinis ako “what's bothering you Miguel?” seryoso na ito, alam ko kapag tinawag ako ni Cha ng Miguel... “naguguluhan ako... I think... I think I'm in love with your brother na, but I don't want to let go of Jon... ayoko siyang masaktan” sabi ko na medyo nahihiya... alam ko at this stage nagiging selfish ako at alam ko yun din ang iniisip sakin ni Cha... “shhhh... bongga yan! Haba ng hair mo teh! Alam ko namang gusto ka rin ni kuya at baka nga mahal ka na rin nun... pero ikaw? ano bang binubulong nito?” sabay turo niya sa puso ko “saka ano bang pinagdidiinan nito?” sabay turo niya sa ulo ko “yun ang tamang tao para sayo”... natahimik ako...

“Migs?” tawag sakin ni Jon “di pa ba tayo papasok?” pahabol na tanong niya, sabay ngiti ng nakakainlove na ngiti, ngiti na nagpa inlove sakin sa kanya noon... at napatingin ako kay Cha kinindatan niya ako “isn't it to early to say Cha?” at hug lang ang sinukli niya sakin...

habang nasa loob ng bahay ni Cha di ko inaasahang marami ng tao... mga kababata... mga katrabaho at iba pang kakilala ni Cha... masasabi mo talagang bongga ang party nato... gusto ko sana ng fresh air kaya lumabas muna ako sa may garden... nakita ko dun ang isang babae... iyak siya ng iyak... maganda siya pang model ang dating wearing red dress and killer stilletos with red lipstick (Rubi?)

“excuse me Miss, ok ka lang ba?” tanong ko na medyo may pagaalala, at niyakap nia ako ng mahipit if I were straight I would say na naka jackpot ako... “di na niya ako mahal!” sigaw nito sakin... “relax ka lang Miss” at niyakap ko rin siya... may sinasabi siya about sa lovelife niya... may Boyfriend daw siya tas may dumating at nakilala siyang mas bago... mas interesting... at nang mapagdesisyunan niyang iwan ang boyfriend niya, siya namang nagloko tong si bago niya at sabing di naman siya mahal nito etc etc... napatahimik ako... medyo natakot dahil kahit papano alam ko na pwedeng mangyari ito sakin... pwedeng iwan ko si Jon para kay Ed at baka pag ginawa ko yun magsisi ako in the end kasi baka sa huli malaman ko na di naman ako mahal ni Ed... o kaya di niya ako kayang mahalin.

“andito ba yang ex boyfriend mo? bakit di mo kausapin? tas sabihin mong nagkamali ka... sabihin mong di mo sinasadya” I was really not good with this advise advise shit... parang nagising naman siya sa katotohanan at ibinalik ang kanyang composure... nag make up ulitt nag thank you sakin “you know... you're right... I'm going to fight my love for him” at iniwan na niya ako dun...

naglakad lakad naman ako sa may garden ng maramdaman kong may sumusunod sakin... pag lingon ko si Jon... “want to tell me something?” at ngumiti ulit siya, di ko naman ma gets kung anong gusto niyang sabihin... marahil napansin niya rin ang pagtataka ko “these past few days, you've been acting so strange... akala ko nung una ako yung may ginawang mali ulit... knowing that I was the one who betrayed your trust before... pero nitong araw lang na to ko napansin... na you acted this way after you got home from the province with Cha and after Ed showed up... am I missing something here Migs?”

at ang tagal kong napatahimik... alam kong kailanagn ko ng aminin kay Jon lahat... nang sabihin ko kay Jon tumayo siya at tumalikod sakin... “I'm really sorry Jon... pero ikaw naman talaga ang mahal ko...” at napaharap ulit siya sakin “shhh... ok lang... I know I've been a lousy partner and I'm very thankful na ikaw ang naging partner ko kasi napaka understanding mo... pero when the time comes na ayaw mo na talaga... na alam mo at nararamdaman mong di na ako ang tamang tao para sayo sabihin mo lang Migs... tatanggapin ko” at tumigil siya saglit... “so I'm going to ask you Miguel... nararamdaman mo ba? Sinasabi ba ng puso at utak mo na ako ang gusto mo at hindi si Ed? na ako ang gusto mong makasama at hindi si Ed?”

at napatitig lang ako sa maamo niyang mukha... napatingin ako sa nangingilid niyang mga luha... “di ko pa masasabi ngayon Jon” at yun lang ang nasabi ko... “I'm going to give you some time to think... pero, dahil naguguluhan ka pa, the mere fact na pinagisipan mo pa kung sino talaga... just that mere fact Miguel... that fact... hurts” at tumalikod siya... alam kong tama siya... sa loob ng magaanim na taon na pinagsamahan namin... nagawa ko pang magisip at maguluhan kung sino ba talaga sa kanila ni Ed... at yun ang ikinasasama ng loob ni Jon...

pumasok ako sa loob ng bahay... alam kong wala nang saysay na habulin pa si Jon... alam kong nakaalis na yun... at malamang pag balik ko sa apartment wala na siya... hinahanap ko naman ang bestfriend ko dahil alam ko siya lang ang makakaintindi sakin... pero alam ko busy siya... kaya't naglakad lakad na muna ako sa loob ng bahay... nakita ko ang kanina lamang ay iyak ng iyak na babae... at masaya na siya ngayong nakikipagusap sa isang lalaki... sa isang lalaki na nagpagulo ng buhay ko si Ed...

“there you are!” sabi sakin ni Rubi este nung babaeng kausap ko sa garden kanina “sorry kung di ako nakapagpakilala kanina ako nga pala si Lei and this is my boyfriend Ed... siya yung sinasbi ko sayo kanina” sinabi niya yung huli ng pabulong at kinindatan ako “Ex boyfriend, Migs di na kami ngayon” pahabol ni Ed “kilala mo siya?” tanong ni Lei kay Ed at napangiti lang ako... ngiti na hindi ko alam kung san ko hinugot... kinakabahan ulit ako... iba sa kaba na binibigay ni Ed sakin dati... may halong kilig... ito may halong pinupunit na muscles... masakit... parang gusto kong mapaupo... gusto kong kainin ng lupa... gusto kong magpa oxygen kasi naninikip ang dibdib ko... pero I kept my composure... “hey excuse me ha, I have to talk to my Bestfriend pa eh... I'm going to give her my gift” at pag talikod ko alam ko gusto akong sundan ni Ed pero di niya nagawa... pinigilan siguro ni Ruby... “how Ironic, yung taong pinayuhan ko, yun din pala ang taong magpapamukha sa katangahan ko.”

napaupo nalang ako sa isang bench sa may club house ng village nila Cha... di ko alam pero naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko... si Cha, nakagown pa ito... “gurl? Ok ka lang ba? Bakit ka biglang umalis?” napatingin naman ako sa kaniya, alam ko na may mga luha pa sa mata ko at hindi iyon nakalampas kay Cha “I'm so sorry, alam ko that it was a mistake pushing you to my brother...” pahabol sabi ni Cha, makadikit na nga ang sikmura namin... wla pa man akong sabihin alam na ni Cha kung anong nangyayari sakin...

“Jon asked me... he made me choose at wala akong naisagot...” pahikbi hikbi ko pang panimula sa kaniya “at nung wala akong maisagot, he would give time daw... but it was too late alam ko na nasaktan siya dahil pinagisipan ko pa kung sino sa kanila... para akong tanga Cha pakiramdam ko si Ed parin ang pinili ko nung mga oras na tinatanong ako ni Jon... and to make matters worse hindi naman pala ako talaga gusto ni Ed... tanga tanga ko... may papili pili pa akong nalalaman... pinagisipan ko pa... sana si Jon nalang, kung alam ko lang na may gusto pa palang iba si Ed”

“ha?... what do you mean?” tanong naman ni Cha “I know about Ed and Lei” bulong ko sa kaniya... at napabuntong hininga lang si Cha at niyakap ako... niyakap ako ng mahigpit “I'm really really sorry Miguel” sabi niya at di ko na napigilan ang luha ko.


LETS FACE IT... DON'T LEAVE THE ONE YOU LOVE FOR THE ONE YOU LIKE...
THE ONE YOU LIKE WILL ALWAYS LEAVE YOU FOR THE ONE THEY LOVE


Itutuloy...

Friday, September 3, 2010

Two Poems

 he who hungers for fire


he who hungers for fire
Self excommunicate
with closeted desire
but when Night incarnate
descends with mortals walk
out slinks locked Self to stalk

he who hungers for fire
with furtive glances seeks
sins to expire perspire
the sultry closet reeks
nether fires between thighs
penance in whimpered sighs




----------




in hora mortis


abiding, Time crept by languid and silent.
trudging down winding paths
of remembrance and forgetfulness
(through) xanthous wounds etched
in the screaming sky.
it slithered and writhed,
heaved, quivered, and pulsed.
laden with memories of the past,
of lovelorn lovers languishing in misery.

evening has come.


Thursday, September 2, 2010

Walang Titulo: Ika-2 Kabanata

FG98...100...101b...
Nasa likuran na ako ng library di ko pa rin mahanap ang aklat. Kanina pa ako hanap ng hanap, di ko makita. Sabi naman ng computer “on the shelf” ang status nito. Tiningnan kong muli ang call no. – FG101m21. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga aklat sa estante nang biglang mahawi ang mga aklat sa harap ko at bumungad ang isang mukha.
“mark!”
“hi!” lumibot ito. “is this what you’re looking for?” sabay abot ng isang nakabalot na pakete.
“what’s this?”
“Why don’t you open it?”
Lumantad ang aklat ni mary Renault nang tinanggal ko ang balot.
“the Persian boy?! Thanks!”
“thanks lang? Wala bang halik?” dumukwang ito. Naglapat ang aming mga labi.
“m-mark! Makita tayo!” anas ko.
“then let’s go somewhere private.” Hinila na ako ni mark palabas ng library patungo sa kotse nito.
“get in.” Sumakay ako.


*     *     *


    Pagkatapos ng concert ay pumunta sina Pol at Red sa dakong likod ng Film Center. Dati nilang ginagawa ito. Ang maupo sa seawall at tanawin ang mga alon at ang tila mga alitaptap na mga ilaw sa laot. At kung walang makakita ay magyapusan. May kadiliman ang bahaging kanilang kinauupuan. Mula rito ay tanaw ang mga ilaw na kumukuti-kutitap. Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik na ang paligid maliban sa ugong ng mga sasakyan at aliw-iw ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan.
     Nagtataka si Po kung bakit dinala siya dito ni Red. Ilang minuto na silang nakaupo ay di pa rin ito nagsasalita. Lumingon si Red at nang mapansing malayo si Pol ay umisod itong palapit. Hanggang sila’y magkatabi at magkadaiti ang mga balikat. Nang makitang walang tao ay inakbayan ni Red si Pol at hinawakan ang isang kamay nito.
sunset    “Someone might see us.”
    “Walang tao.” Lalo pa nitong hinigpitan ang pag-akbay. Hinimas-himas ang palad at nilalaru-laro ang mga daliri ng kamay na hawak-hawak. Bantulot man ay hinayaan na lang ni Pol si Red.
    “Don’t you think about it sometimes?”
    “Think about what?”
    “The past.”
    “Sometimes.”
    “Paano kaya kung hindi tayo nagkahiwalay?”
    “But we did.” Huminga si Pol ng malalim at pilit na inaninag ang mukha ni Red sa dilim.
    “Naiisip mo rin ba...pa’no kung hindi kayo nagkahiwalay?”
    “Tayo ang mas madalas kong isipin.”
    Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Pol ng pinagapang ni Red ang mga daliri pataas-pababa sa kanyang braso. Hinipo ang kanyang pisngi, hinawakan ang baba, at dahan-dahang inilapit ni Red ang mukha.
    “Don’t you miss us? The way we were before?” anas nito.
    Umiwas si Pol. Inalis ang kamay na naka-akbay at tumayo.
    “Umuwi na tayo.”
    Wala silang imikan hanggang sa makasakay sa sasakyan nito. Sa halip na paandarin ito ay humarap si Red kay Pol at nagtanong, “Galit ka ba?”
    “Hindi. Let’s go.”
    “Okay,” ayon nito sa malamlam na tinig at pinaandar na ang kotse. Habang tumatakbo ang sasakyan ay naisip ni Pol ang tanong nito. Paano kaya kung hindi tayo nagkahiwalay?
    “We’re here.”
    “W-what?”
    “Nandito na tayo.” Nakahimpil na ang kotse sa harap ng puting gate nina Pol. Patay na ang lahat ng mga ilaw sa bahay maliban sa isang ilaw sa veranda.
    “Thanks.” Bababa na sana si Pol ngunit pinigilan ito ni Red.
    “Wait. Do you have something to do this weekend?”
    “Wala naman.”
    “Out of town tayo. Sa Batangas.”
    “Don’t you have to work?”
    “I need a break. And it’s Tonette’s birthday. She invited us.”
    “Ah...okay. Balak ko talagang bisitahin siya. Sa Batangas na pala siya nakatira.”
    “So...?”
    “Okey. Good night, Red. And thanks.” Umibis na si Pol sa kotse.

    Matagal ng nakahiga si Pol ay di pa rin siya makatulog. Ilang daang tupa na ang nabilang niya. Nakasandaang push-ups na siya. Naubos na ang isang bar ng Toblerone. Di pa rin siya makatulog. Bumangon siya, binuksan ang computer, at nagsimulang magsulat.

Signature

Wednesday, September 1, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [31: Last Part]

By: Mikejuha

Author's Note:
Bati Portion:

Magsimula tayo sa mga commenters na sina agua, razhly, white_pal, ar.jhay, jai, taga_cebu, jess.sanchez, james.wood, larry, bladez.six, adik_ngarang, Jin kazama, bigbro’09, pauless, enzo, x4nthz, alex, krys, roy (a.k.a. Kris and now the reigning Ms. Universe ng Butuan), cassell, crzy, daucus, noel (ang bunsong pasaway), my "son" allen of Bacolod (hayyyy, nanjan na nama ang lugar na yan!) troy (huwag nang mag-iinum kung wala ako ha? lol!) and others di ko na po matandaan. Pasensya na kung nalimutan ko ang mga names but please tell me para ma mention ko kayo in my next story.

Gusto ko ring i-special mention sina:

newbie, na siyang volunteer administrator ng MSOB, salamat sa iyo, di pa man tayo nagkita ng personal major, major na ang utang ko sa iyo. Pati anak ko ay napahanga sa bagong mukha ng MSOB.

Mga volunteer contributors ng MSOB na sina – alexander, migs, michael santos (na sawi din ba sa pag-ibig? Hmmm Welcome to the club! lol!), seniorito aguas, july, aaron, speed. at nice_mice na nagbigay kulay din sa MSOB, maraming salamat sa inyo guys! Sana isang araw magkakaroon tayo ng eb...

Sa mga bagong followers ko na sina – louie ibarra, john christopher, jozwa pol, val patrick, aljunn alcantara, emjhay, reynaldo quellar, sherwin uy, jhay, at nice_mice na contributor din. Maraming salamat din sa inyo.

Sa mga silent readers, sana magfollow na rin kayo. Maaaring para sa inyo ay walang kahulugan ang pag follow sa isang blogspot ngunit para sa isang katulad kong nagsusulat na hindi naman kumikita (hehe), napakalaking boost at encouragement na po sa amin ito - ang makitang may naninidigan upang sumuporta sa amin. Nakakawala ng pagod, nakakaengganyong gumawa pa ng mga kuwento...

Enzo, for coming up with the initiative to conduct a contest sa cover page for the planned new book, “Tol... I Love You!”

And speaking of pa-contest, the mechanics will be out soon. At ang pa premyo lang naman ay shoes, (nike, sketchers, adidas, cat... I’d like the winner to select and I’ll LBC the item straight to your doorstep.) Gusto ko sanang idagdag ang sarili ko sa pa-premyo kaso baga biglang magbackout ang mga participants kaya huwag na lang, lol!

I promote ko rin po dito ang book kong out in the market “Idol Ko Si Sir” at heto po ang online bookstore ng publisher ko at makikita din dito ang mga outlets nila: http://www.central.com.ph at pede rin pong umorder sa http://men4menphilippines.ning.com nagdistribute din po sila ng books

Ang isang “son” ko rin pala from Iligan City na si Oliver G ay nagrequest na ipromote ko ang site niya, bago pa lang po (he is open for suggestions): http://bix-2010.webs.com sana you’ll visit the site and give your comments.

Gusto ko rin sanang batiin ang mga top commenters kaso nawala sila sa page kaya next time na lang... sayang hindi ko nakuha ang mga names. Paging newbie!!! Top comenters please. Malay ninyo, may biglang darating sa mga bahy ninyo na LBC package, na ang laman ay si Kuya Rom. Lol!

Salamat sa lahat ng tagasuporta ng MSOB particularly sa AKKCNB. I admit, I was soooo attached to my character “Kuya Rom”. Of course pati na rin kay Noel, Kuya Paul Jake. Pero doon ako in love na in love kay Kuya Rom. Na-miss ko sya ng major major at gusto kong umiyak dahil hindi ko na siya makikita pa o ni mababasa. Nakakaloka kasi ang angking pagka-adik niya. Iyong tipong papatayin ka muna sa inis tas bubuhayin ka naman later sa ibayong sarap... Hayyyyyy, may naalala ako. (sigh!)

Ok... kita-kits na lang tayo sa sunod na kuwento.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat!

-Mikejuha-

-----------------------------------------

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails