LEAVE SOLID MSOBIANS NOW!!!
I. Background
I’ve tried to keep my silnce kung bakit ang isang former Admin dito sa MSOB ay tinanggal ko. Ito ay dahil ayaw kong masira ang reputasyon niya at ayaw ko rin ng maraming tanong. I wanted things to be simple and uncomplicated.
Ngunit sa pananahimik ko ay parang ako at ang MSOB pa ang lumabas na may kasalanan. Kaya I decided to come out now at ibunyag ang tunay na dahilan kung bakit ko tinanggal ang nasabing Admin.
At ito iyon: ginamit niya ang MSOB para sa personal niyang agenda at upang mag-take advantage sa kanyang posisyon bilang Admin.
Heto naman ang mga proofs:
Una, binigyan pala siya ng pera ng isa sa mga sponsors ng MSOB worth 3K. Hindi niya ito ipinaalam sa akin at sa iba pang mga Admin. Ang purpose noon ay upang mag conduct siya ng ocular inspection sa venue, mag inquire sa mga basic na information para sa EB, etc. Kung hindi ko tinanong ang sponsor tungkol dito, hindi ko sana malalaman.
Noong nalaman ko na, I waited na baka mag open up siya. Naghintay ako for a few weeks. Wala. Kahit sa email, sa chat, wala siyang binanggit. Ano ang maiisip ko sa kanya? Hindi ko siya kilala, I’ve never met him in person but still, I gave him my trust. Ngunit all of a sudden pala, ito ang ipinakita niyang character sa akin? He broke my trust!
I-klaro ko lang din na it’s not about the 3K. It’s all about trust. Nagsimula pa lang kami and he showed me that he can’t be trusted. We expect to handle around 100K for the EB fund, how can I trust someone like that with this amount?
Ang tanong ko, bakit hindi niya ipinaalam sa akin na binigyan pala siya ng pera ng sponsor namin? Hindi niya pera iyon. Why did he not tell me at all? Di ba dapat maisali iyon sa aming financial report at upang klaro at malinis ang lahat ng transactions when it comes to money matters. Pangalan po ng MSOB ang nakasalalay dito at ito pa ang pinakaunang fund-raising activity ng MSOB. Sisirain ba niya ito?
Pangalawa, I learned from another source that he tried – again! – to solicit money from another sponsor dahil mag-eenroll daw siya ng subject at wala siyang pera. Again, why would he do that without asking first my permission? That sponsor offered his donations because of me; because he loved my stories. Why was he taking advantage of it? Why behind my back?
At muntik na naman siyang makalikom ng pera gamit na ang pangalan ng MSOB... Kung hindi maagap ang pangalawang sponsor, malamang ay nagkapera na naman siyang muli.
Pangatlo. Nagko-conduct siya ng mga mini-EB na hindi ko alam at kung anong purpose. And again, all in the name of MSOB. Doesn’t he have any respect for me?
At may iba pa akong nalalaman na med’yo personal na although I still feel offended kasi nga, MSOB’s name is being used.
So the above reasons prompted me to kick him out.
Can you blame me? Ako ang dahilan kung bakit may mga taong nagtiwala na magbigay ng pera at donasyon sa MSOB. At ako – na may-ari ng MSOB – ay magdodonate din ng pera galing sa sarili kong bulsa pero ang ibang tao pala ang makikinabang?
Oo naman. If he had to go to Tagaytay to conduct an ocular inspection, kailangan niya ng pamasahe, ng snack. Pero 3k ba talaga ang kailangan? At kailangan ba talagang itago niya ito? Kung kayo ang bibigyan ng 3k galing sa ating sponsor (na nagtrust sa iyo dahil sa akin), hindi mo ba sasabihin ito sa may-ari ng MSOB o sa ibang mga Admin? Itatago mo ba ito?
Gusto ko ring banggitin na ang ibang MSOB Admin ay naghirap at naging honest sa kanilang voluntary service upang mag-succeed lamang ang mga activity ng grupo; nagpakumbaba, nagtrabaho ng maayos, gumawa ng tama upang ma preserve ang pangalan ng MSOB... Papayag ba ako na sisirain lang ito ng isang taong may self-serving agenda?
Anyway, I learned lately na may mga “galamay” pala ang taong ito na nag-infiltrate sa Solid MSOBians. And I’m sure that these moles are actively reporting and maybe even rediculing the MSOBians in their chats. Pero I still kept my patience kahit alam ko kung sinu-sino ang mga taong ito. I treated them as “true” MSOBians who “LOVE” MSOB.
Ngunit siguro ay sadyang hindi pumapayag ang pagkakataon na lagi na lang tayong naiisahan o niloloko, nalaman ko rin nitong araw lang na ito, na may parallel group pala sila at marami, take note, MARAMI ang mga miyembro nila na miyembro din ng Solid MSOBians.
So, may mga myembro dito a Solid MSOBians na may dobleng mukha. O baka pakawala rin nila, who knows? Ang tanong ko, alam ng mga miyembrong ito na tinanggal na MSOB Admin itong taong nag-organisa ng grupo nila, bakit sila sumali pa doon? At ang isa pang nakaka-shock na rebelasyon ay may SOP ang grupong ito, code of secrecy, na ilihim ang kanilang membership sa aming mga Admin ng MSOB.
Pinagkaisahan ang MSOB? Bakit??? Ano ba ang mayroon sila na dapat nilang ilihim sa mga Admin ng MSOB? Ang tagal na pala kaming niloko? Hindi ba nila inisip na kung hindi dahil sa MSOB, hindi din sila magkikilala?
Wala naman akong pakialam kung may ibang grupo kayo e. Ang sa akin lang kasi, may history ang gumawa ng grupong iyon, bakit wala man lang nagsalita? Ipinahamak ninyo ako dahil mas loyal kayo sa kabila? I did not know I was sleeping with the enemy! Hindi ko na alam kung sino ang kakampi ko sa grupong ito at sino ang kaaway.
Heto ang mga nakita kong reason kung bakit, in spite of the fact na alam ninyo ang kwento ngunit sumali pa rin kayo sa kabilang grupo:
a. You do not trust my wisdom of purging the said Admin from the Solid MSOBians.
Well, if you don’t trust the judgment of your leader, why will you continue to follow him? Bakit di kayo makaalis-alis sa MSOB? Gusto ninyong mamangka sa dalawang ilog, ganoon? Gusto ninyong sirain ang grupo? Gusto ninyong sumali sa isang EB na libre? Leave MSOB please... I lost all my trust in you!
b. You are sympathizing with the purged person.
Birds of the same feather flock together. Oo nman. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit pa ninyo igigiit ang mga sarili ninyo dito sa Solid MSOBians.
c. You are spies and traitors.
At andami pala nila ha? May iba d’yan na ang buong akala ko ay talagang tunay. Napeke pala ako.
At syempre, masama din ang loob ko sa mga taong alam ang lahat ngunit piniling manahimik. You still betrayed me.
II. Control Measures:
1) I will sanitize the list of EB participants and purge those with dual memberships. Kung myembro kayo sa kabilang grupo, expect na automatic kayong matanggal.
2) Alam namin kung sino ang mga members sa kabila. If you are one of them and honest enough, you will leave. Don’t wait for us to post a list ng mga pangalan ninyo. Bistado na kayo. Mapapahiya kayo.
3) Iyong mga author ng MSOB na kasali sa backstabbing, please don’t post your stories at MSOB anymore. You are not welcome. I don’t want an author who does not believe in my leadership. I don’t need back-stabbers. Marami na dito niyan sa pinagtatrabahuhan ko.
4) I am planning to totally close this group (Solid MSOBians) and form a new one. Kung matutuloy, that will be on May 31. The final EB participants will pioneer it and for membership applications, all three Admins will screen the applicants before approving. This is not final though dahil naaawa din ako sa mga inosentengmembers na walang kinalaman.
Pasensya na sa masakit na desisyon na ito. Marami na pong kurakot, cheaters, and dishonest na mga politiko, huwag na nating palaguin pa ito sa MSOB. MSOB wants to advocate and breed honesty and loyalty. Let's start it here. And we can’t do that if cheaters and traitors are among us.
Salamat.
-Mikejuha-
PS:
Ang grupong binaggit ko po dito ay ang sa facebook na grupong, "
Solid MSOBians" Patuloy ko pong buksan ang blogspot na ito. Don't worry po...
Heto pala ang kantang i-dedicate ko sa mga taong "doble-kara". Para po sa inyo ito. Listen up!
Billyjoel-honesty