Followers

Sunday, December 4, 2016

String from the Heart [Chapter Thirty-Seven]


AUTHOR'S NOTE

Sinabi ko na noon sa sarili ko na ayoko ko ng ipagpatuloy ang story na ito pero nandito pa rin ako ngayon. Siguro dahil na rin sa isipin na nasimulan ko na at kailangan kong panindigan ang story kahit sabihin ko pa sa sarili ko na wala namang magbabasa. 

First,  I apologise to those readers na naghintay ng update ng story. Sa mga taong na-disappoint (if meron man) sa biglaang pagku-quit kuno.  Well, guys, I just redeemed myself. Sana, kahit gaano katagal ang hinintay ng ibang mambabasa sa update na ito, manatili pa rin kayong magbasa. 

Again, I'm sorry. Pasensya na rin sa update. Sa phone lang ako nag-update. Walang time pumunta sa comshop. 

For better access naman sa iba, may wattpad account na po ako. Please do follow me there. Hehehe.. 


Heto po ang account name ko sa wattpad. VIENNE_CHASE or vienne_chase para clear.
Kita-kits na lang po tayo sa wattpad.

Siyanga pala. Nandodoon na rin ang teaser ng book 2 ng SftH. Feel free to read it sa watty. Thanks!!





CHAPTER THIRTY-SEVEN




PAULIT-ULIT NA boses ng babae ang naririnig ni Devin. Nabubwisit na naman siya sa nangyayari. Parang nauulit lang kasi ang mga nangyari nitong nakaraan sa pinagdadaanan na naman niya ngayon. Ilang beses na niyang tinatawagan si Hyde mula pa noong makapag-usap sila para sana kumustahin ang pakikipagsiyahan nito sa kaibigan nito ngunit wala pa rin.

Napatingin na lamang siya sa kanyang cellphone saka itinabi iyon sa ibabaw ng papag na hinihigaan niya. Hindi pa siya umuuwi sa kanilang bahay mula nang matapos ang gawain nila sa bukid. Ayaw pa niyang umuwi dahil pagdating niya doon ay wala naman siyang gagawin. Isa pa kapag umuwi siya ay mabubwisit lang siya. Inaamin niya na kapag sa kanilang bahay siya naglalagi ay madaling uminit ang ulo niya. Still it was because of him being clueless in things that are happening to him and to his family.

Kinuha niya ulit ang cellphone saka tiningnan ang mga palitan nila ng mesahe ni Hyde. Maayos naman silang nakapag-usap nito. Ano ba na naman kasi ang nangyari at hindi ito sumasagot? Nag-aalala siya para sa taong mahal niya.

Napabuntung-hininga siya. Nakalampas ang ikalawang monthsary nila na hindi sila nag-uusap na dalawa. Walang palitan ng mensahe at parang hindi magnobyo. Parang wala silang relasyon na dalawa. Gustong-gusto na niyang makita at mayakap ito. Dalawang araw na mula ng hindi ito sumagot sa tawag niya. Gusto niyang maging espesyal sa kanilang dalawa ang monthsary nila kahit na nakalampas pa iyon. God. He misses Hyde so much.

"Hyde, ano ba ang problema? Bakit hindi ka sumasagot?" Ang pagka-usap niya sa sarili.

Bakit ba marami silang dalawang pinagdadaanan? Bakit ba palaging ganito na lang ang nangyayari sa kanilang dalawa? It was always been like this. Nakakasawa pero hindi niya magawang pagsawaan ang relasyon nila kahit na ganito ang nangyayari. Kahit na baka humantong sila sa paghihiwalay. Hindi niya basta mapapakawalan si Hyde dahil sobra niya itong mahal.

Marahas siyang napailing. Hndi niya dapat isipin na mauuwi sila sa walang dalawa dahil hindi niya iyon makakaya. Gusto niya na nasa tabi niya lang si Hyde.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo saka naglakad-lakad. Tinatawagan pa rin si Hyde ngunit hanggang sa malowbat ang kanyang cellphone sawi siyang makausap si Hyde.





MARIING NAPAPIKIT si Hyde. Ginawa niya iyon para mapigilan ang pagtulo ng nagbabantang luha sa kanyang mata. Kanina pa tumutunog ang cellphone niya ngunit hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ni Devin pati ni Chloe. Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang may mangyari sa kanilang dalawa ni Jake. Lumipas din ang ikalawang monthsary nila ni Devin na hindi niya ito kinakausap.

Sobra siyang nakokonsensiya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin kay Devin sa oras na mag-usap silang dalawa. Hindi niya alam kung makakaya ba niyang harapin ang galit nito kapag nalaman nito ang lahat. Hindi niya alam kung...
a
"Kanina pa tumutunog ang cellphone mo, Hyde, wala ka bang balak na sagutin `yan?"

Hindi niya nilingon ang nagsalita. Ang kakambal niya iyon. Hindi rin siya sumagot.

"May problema ka ba, Hyde? Sabihin mo sa `kin, mag-kwento ka."

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ni Clyde. Hudyat na pati ito ay nakukunsumi sa kanya kasabay ng pag-aalala.

"Hindi ako sanay na makita ka ng ganyan. Dalawang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto. Hindi ka rin kumakain ng matino."

"O-okay lang ako, Clyde." Pagsagot niya. Bahagya pang nautal.

Paano siya magiging okay sa ganitong kalagayan? Sa ganitong isipin. Sa konsensiya niya na binabagabag siya.

Nagtaksil siya kay Devin. Nagtaksil siya. At ang mahirap pa ay hindi niya alam kung paano niya haharapin ang magiging reaksyon ni Devin. Hindi sapat ang paghingi ng sorry. Damage was already done. It can't fix anything. It will not fix what happened already.

"Paano ka naging okay, Hyde?"

"Hayaan mo na ako, Clyde. Okay lang ako. Umalis ka na lang."

Narinig niya ang mga papalayong yabag kasunod ang pagsara ng pintuan. Tumihaya siya saka ipinatong ang palad sa noo. Kahit anong pigil niya na huwag tumulo ang luha ay tumulo pa rin iyon.

Napaiyak siya.

Napahagulgol.

"I'm sorry, Devin. Sorry."

Nakakalungkot...

Nakakakonsensiya...






"GUSTO KO ng bumalik sa `tin."

Ang pambungad na sabi ni Devin sa papa niya nang makarating siya sa bahay. Naabutan niya itong nagsusunog ng mga tuyong dahon sa malawak na bakuran. Sinadya niya rin na sabihin iyon dito na wala ang mama niya. Alam niya kasi na kapag nalaman ng mama niya ang kagustuhan niya ay maghi-histerya na naman ito. Tiyempo na namamalengke ito kasama ang kapatid niya. Paghahanda sa salu-salo ng pamilya nila mamaya. Salu-salo na wala siyang pakialam.

Kagabi pa niya naisip ang ganitong desisyon. Sinabi niya lang sa papa niya bilang tanda ng respeto.

Tiningnan lang siya nito.

"Hindi ka dapat sa `kin mag-paalam."

"Gusto ko nang bumalik sa `tin.' He said, pleading was in his voice.

Kahit buo na ang desisyon niya gusto pa rin niya na malaman nito iyon. Gusto niya na pumayag ito. Sa kabila ng hinanakit niya sa mga ito ay ginagalang pa rin niya dahil magulang niya ang mga ito.

Sa araw-araw na pananatili niya sa probinsya ay para na siyang tino-torture. Torture na dulot ng hindi nila pag-uusap ni Hyde. Pagkabahala na hindi siya tinatantanan. Ang pakiramdam na parang may kulang. Ang pagkabagabag na dulot ng ganitong set-up. One week na siyang hindi kinakausap ni Hyde. One week na hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ang malala pa kapag tumatawag siya ay tila sinasadyang patayin na ni Hyde ang cellphone nito.

Para siyang nawawalan ng hangin tuwing ginagawa iyon ni Hyde. Nangangapa siya ng sobra sa mga nangyayari.

"Ako ang padre de familia sa bahay na ito, Devin. Pero hindi ako ang magde-desisyon para sa `yo."

Napakunot-noo siya. Naguluhan sa sinabi nito. Hindi niya maunawaan ang pinupunto nito.

"Ano'ng ibig n'yong sabihin, `Pa? Bakit simula nang pumunta tayo dito wala na akong alam?" Tanong niya. Frustrated.

"Lagi na lang akong nangangapa sa mga nangyayari. Kung magsalita pa kayong dalawa ni mama laging pabugtong. Parang ang mga sinasabi niyo ay puzzle na kailangan kong alamin kung ano o kung sino ba ang may kinalaman. Minsan naiisip ko, mali, kadalasan naiisip ko na ako ang dahilan kung bakit tayo pumunta dito."

Hindi ito sumagot. Tinalikuran siya.

"Papa!" Galit na sigaw niya. Puno na siya. Galit.

Ito ang unang pagkakataon na nagalit siya sa mga taong nagpalaki sa kanya. Simula pa naman ay naging considerate na siya. Naging mabait na anak pero ang kabaitan niya ay unti-unting nawawala. Unti-unting naaagrabyado.

Huminto ito. Hinarap siya.

"Okay lang na magalit ka sa `kin. Alam ko na wala ako sa lugar na manghimasok sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon."

Mas lalo siyang naguluhan. Sumama ng tuluyan ang loob niya. Puno na siya ng galit. Napalunok . Tumulo ang kanyang luha dala ng galit.

Bakit ba ganito ang nangyayari sa kanya? Pakiramdam niya ay hindi siya mahalaga. Hindi siya totoong mahal ng tao sa buhay niya. Marahas niyang pinusanan ang luha sa kanyang pisngi saka nagtungo sa bukid.





HALOS LAMPAS na sa isang linggo ang katahimikan ni Hyde. And it was bothering Clyde to the bones. Pagkatapos niyang tanungin ito ilang araw na ang nakakaraan ay hindi na niya ito makausap ng matino. Madalas tahimik at pulos tango ang nagiging tugon kapag tinatanong niya.

Hindi siya sanay sa ganitong aktuwasyon ng kakambal. Hindi naman niya masabi sa mama niya ang nangyayari kay Hyde ng walang konkretong alam. Ayaw din niya na mag-alala ito kaya sa abot ng kanyang makakaya ay pinipilit niya na kausapin ito at maghintay na mag-kwento sa kanya. Ngunit katulad dati tuwing tatanungin niya ito ay wala pa ring kibo. Tahimik at nonchalant.

Dinampot ni Clyde ang cellphone niya nang mag-ring iyon. Agad niyang sinagot ng makita na si Chloe ang tumatawag.

"Labas tayo."

Napailing siya kahit na wala naman ito sa harapan niya. Kahit hindi sila nagkikita. Inaamin ni Clyde na attracted siya kay Chloe ngunit lately lang niya na na-realize na attracted siya dito sa sexual na paraan at hindi sa love. May nangyari na sa kanila at ilang ulit iyon. Compatible sila pagdating sa kama ngunit hindi niya makita si Chloe na babaeng mamahalin.

"I can't. Kailangan ako ngayon ni Hyde, Chloe. Pasensya na."

Narinig niya ang pag-ismid nito.

"Nitong nakaraan mo pa ako iniiwasan, Clyde. May problema ba tayo? Ayaw mo na bang may mangyari sa `tin ang dati? Nagsasawa ka na ba?"

Napabuga siya ng hangin. "Hindi sa ganoon. Gusto pa naman kitang makita kaso talaga kailangan ako ng kakambal ko. Nitong nakaraan pa siya hindi okay."

"Kumusta pala si Hyde?" Tanong nito. Hindi niya madama ang sinseridad sa tinig. Parang may kung ano na hindi niya matanto.

"Hindi siya okay."

"Ganoon ba. Sige. Ikumusta mo ako sa kanya. Hindi na niya ako tinatawagan. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko."

"Makakarating." Aniya saka tinapos ang tawag.

Clyde felt something not sincere towards Chloe's action. Parang pakitang tao lang.





LAMPAS ISANG linggo na mula nang pakiramdam ni Hyde ay lutang siya sa pagkabagabag sa mga nagawa niya kay Devin. Hindi niya magawang sagutin ang mga tawag nito. Kadalasan pa ay pinapatayan niya ng cellphone.

Halos lampas na ng isang linggo mula nang may mangyari sa kanila ni Jake ngunit wala siyang balak na lumabas o kausapin at sabihin iyon kay Devin. Oo. Tumatawag ito at nagte-text ngunit hindi niya magawang sgautin iyon.

Wala siyang balak na sabihin kay Devin ang panloloko niya. Wala siyang lakas ng loob. Kung may balak siya sana noon pa niya kinausap si Devin. Sana noon pa niya hinarap ang magiging galit nito ngunit wala. Selfish siya. Sarili lang niya ang kanyang iniisip.

Naluha siya. Naiyak na naman. Wala na siyang ginawa kundi umiyak. Kahit hindi siya tumingin sa salamin alam niya na namamaga na ang mata niya. Hindi rin siya kumakain. Wala siyang gana kahit na anong pilit ni Clyde. Hindi rin siya makausap ng matino ng kakambal.

Napatingin siya sa kanyang cellphone. Tumutunog iyon. Si Devin ang tumatawag. Hindi niya iyon pinansin at hinayaan na tumunog hanggang sa huminto. Maya-maya ay muli iyong tumunog. Sa pagkakataong iyon ay numero lang ang sa screen.

He cleared his throat and decided to take the call.

"He-hello."

"Hyde! Sa waka sinagot mo ang tawag ko. Kumusta ka na? May nangyari ba sa `yo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? I'm missing you so much, Hyde. Sobra akong nag-aalala sa `yo. Okay naman tayo, hindi ba? Okay tayo?" May pag-aalala sa boses nito.

Talagang nag-effort pa ito na gumamit ng ibang numero sumagot lang siya sa tawag.

Namalayan na lang niya na muli siyang umiiyak. Tinakpan niya ang bibig gamit ang malayang kamay nang mapahikbi siya.

"O-okay lang ako, Devin." I'm sorry. I'm sorry.

Ang sunod-sunod na sabi niya sa isipan niya. Inilayo niya ang cellphone sa kanyang tainga saka pinatay ang tawag.

I'm sorry...





"HYDE..."

Ang tawag ni Devin sa pangalan ni Hyde nang hindi ito sumagot. Inilayo niya ang cellphone sa kanya saka tiningnan kung tapos na ang tawag. Hindi pa.

"Hyde, may problema ka ba?" Muli niyang tanong.

Nakakasama ng loob na kapag numero niya ang tumatawag dito ay hindi ito sumasagot. Ngayon na ibang numero ang ginamit niya ay saka lang ito sumagot. Ang unfair lang. Nakakasama ng loob ng sobra. Ano ba ang nagawa niyang mali at ginaganito siya ng mga taong mahal niya? Hindi niya maiwasan ang makadama ng galit. Hindi niya maiwasan ang makadama ng pag-aalala. Hindi niya maiwasan na isipin na unworthy siya sa mga taong mahalaga sa kanya.

"Hyde, miss na miss na kita. Babalik ako dyan para sa `yo, para sa `tin. Kung may problema tayong dalawa aaysuin natin. Huwag lang ganito. Mahal na mahal kita."

Walang naging tugon. Wala na si Hyde sa kabilang linya.





ANG DATING MASIDHI na hangarin na makauwi ay mas lalo pang naging masidhi sa ginawa ni Hyde na pagputol ng tawag ni Devin. Masakit at nakakatampo ng sobra ang ginawa ni Hyde. Sa magkahalong nararamdaman niya parang gusto niyang sumabog. Gusto niyang magwala. Itapon ang mga bagay na nakikita at sumigaw ng malakas hanggang sa mapatid ang litid niya sa leeg.

Unworthy ba talaga siya?

Hindi ba siya deserving sa affection?

Hindi ba pwedeng maging pantay ang binibigay niya na pagmamahal sa mga taong mahal niya?

Kailan ba niya malalaman ang mga dahilan kung bakit ganito na lang siya itrato ng mga mahal niya sa buhay?

Namalayan na lamang niya ang pagtulo ng luha niya sa kanyang pisngi. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone. Tila madudurog na iyon sa higpit. Ang sakit-sakit lang na ganoon na lang siya ituring ng taong pinapahalagahan niya. Ang sakit isipin na wala siyang kadamay sa ganitong sitwasyon. Nakakagalit na ang taong sana sa tabi niya at nakikinig sa problema niya ay binabalewala siya at ituring na parang kung sino lang.

He wanted answers so badly. He wanted everything to be clear.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya saka tinawagan ang numero ni Theo.

Gusto na niyang umuwi. Gustong-gusto at wala nang makakapigil sa kanya sa gagawin niya. Hindi na siya magpapaalam sa magulang niya. Tutal wala naman siyang halaga sa mga ito. Sawa na siya na itratong parang wala lang ang presensiya niya. Sawa na siyang balewalain. Gusto niya ng kalinawan ng isip at sisimulan niya iyon sa taong mahal niya. Sa taong mahal na mahal niya.

Ilang ring ang naging pagitan bago sagutin ni Theo ang tawag niya.

"Devin, napatawag ka?"

Halata sa boses ni Theo na kagagaling lamang sa pagtulog. Naistorbo pa niya ito. Hindi na iyon nakapagtataka dahil alas sais pa lamang ng umaga.

"Uuwi ako dyan."

"Kailan?" Tanong nito.

"Ngayon na. Kailangan ko ng pera. Pautangin mo ako." Lakas-loob niya na sabi. Kinapalan na niya ang mukha.

"Pera lang pala. Okay. Papadalhan kita." Mabilis na sagot nito.

"Salamat, Theo." Aniya.






NANG MAKUHA ni Devin ang pera na ipinadala ni Theo kinahapunan agad siyang naghanda ng mga damit. Inilagay niya iyon sa kanyang backpack at itinago sa ilalim ng kanyang higaan para huwag makita ng mga tao sa bahay nila. Ngayon lang niya gagawin ang ganitong bagay ngunit wala siyang makapa na kaba sa dibdib. Sadyang masidhi ang kanyang hangarin na makauwi at makita si Hyde. Itanong dito ang mga bagay na problema sa pagitan nila at siyempre gusto niyang makalayo sa kanyang pamilya.

Pagsapit ng gabi, nakahiga siya sa kanyang higaan. Hindi siya mapakali. Pinapakiramdaman ang tao sa labas ng sala nila. Alas-otso pa lang ng gabi. Kadalasan ay alas-nuebe nagtutungo sa kwarto ng mga ito ang kanyang magulang para matulog.

Nang eksaktong alas-diyes ng gabi, dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang higaan. Inilabas niya ang backpack mula sa ilalim ng higaan at nagsuot ng makapal na jacket para pananggalang sa lamig.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto. Iniiwasan ang makalikha ng ingay. Kailangan niyang manigurado. Nang makalapit sa main door ay dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at lumabas. Isinara niya iyon ng dahan-dahan. Nang makalabas siya ay saka pa lang siya nakahinga nang maluwang. Napabuga ng hangin at patakbong nagtungo sa gate at lumabas.

Sa wakas! Makikita na niya si Hyde.

Maghintay ka lang, Hyde. Magkikita na tayo.






MALAKI ANG NGITI sa labi ni Vix nang malaman mula sa kanyang informant na nakauwi na si Devin. Dumating daw ito kaninang tanghali mula sa probinsya na pinuntahan nito na hindi niya alam kung saan. Hindi na niya inalam dahil mas mahalaga sa kanya ang katuparan ng lahat ng plinano niya. Sa pag-uwi kasi ni Devin ay isa lang naman ang ibig sabihin niyon. Maiiwan na sawi si Hyde. Tiyak niya na ang pagmamahal ni Devin para kay Hyde ay mawawala. Mapapalitan iyon ng poot, suklam at galit dahil sa pagtataksil ng malanding si Hyde.

Ilang beses na niya ring pinanood ang sex video ni Jake at Hyde. Maswerte ito dahil si Jake ang nakasiping nito. Halata sa video ang pagmamahal ni Jake kay Hyde. Sa parte naman ni Hyde ay hindi maipagkakaila na kahit papaano ay may nararamdaman ito kay Jake.

Sino ba naman siya para magsabi ng mga bagay sa nararamdaman ni Hyde? Isa lang naman ang alam niya: sadyang malandi at two-timer si Hyde. Marupok din ito sa tukso kahit na sabihin na nilagyan ni Chloe ng droga ang inumin nito.

Ang kinaiinggit niya ay ang napanood niya na kagalingan ni Jake sa ibabaw ng kama. Kung ituring kasi nito si Hyde habang nagtatalik ay parang babasgain na kristal. Parang diyamante na hindi dapat madumihan. Isa pa ay sadyang may maipagmamalaki si Jake. Hindi niya nga maiwasan ang pagpantasyahan si Jake. Nahihiling niya na sana siya na lang si Hyde. Pero hanggang kahilingan lamang iyon. Alam na niya ngayon kung saan siya dapat lumugar.

Napangiti siya.

Isipin pa lang niya na magiging matagumpay ang naging paghihirap nilang dalawa ni Chloe ay sobra ng kaligayahan ang naidudulot sa kanya. Parang gusto niyang sumayaw. Magpa-party dala ng kagalakan at magpa-inom ng isang batalyon ng lasenggo.

Sa ngayon maghihintay muna siya ng sapat na pagkakataon. Naka-set naman na ang lahat. Alam niya kung saan tumutuloy si Devin. Isang utos lang niya sa nabayaran niya alam niya na maipapadala na niya ang isang flashdrive sa bahay ni Theo.

Pero bakit niya ba patatagalin pa ang isang bagay na magbibigay ng kagalakan sa kanya? Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang taong uutusan para dalhin ang flashdrive sa bahay ni Theo.

"Dalhin mo na sa bahay ni Theo ang flashdrive." Nakangiting utos niya sa taong nasa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Okay." Agad na pagsang-ayon nito.

Hindi personal na kilala ng lalaki ang mga taong pagbibigyan nito ng flashdrive. Nakuha lang nila ito ni Chloe sa isang tabi. Mukha namang maaasahan kaya naman kinuha nila ang serbisyo ngunit siyempre ay may kapalit na bayad.

Ipinikit niya ang mata nang matapos ang tawag. Habang nakapikit ay may nakapaskil na ngiti sa labi. He hummed a song. He can clealy and nearly taste the fruit of his success.

Poor Hyde...






SA BAHAY ni Theo makikituloy si Devin. Naghihintay na ang kaibigan niya sa daan nang dumating siya at tumuloy nga sila sa inuupahan nito na apartment kasama ang isang tao na hindi pa niya nakikilala. Pagkarating nila sa bahay nito ay wala na silang nadatnan na tao. Ang sabi sa kanya nito ay baka umalis pansamantala ang taong iyon dahil alam na darating siya.

Sa guest room siya dumiretso para magpahinga. Hinayaan na siya ng kaibigan na magpahinga para magkaroon ng sapat na lakas kapag nakaharap na niya si Hyde. Gusto niya rin na good looking siya kapag nakaharap ito. Matagal na niyang inaasam na magkita silang dalawa at siyempre hindi niya kakalimutan na magpa-pogi para dito.

Humiga siya sa malambot na mattress. Nakatulog siya na ang mukha ni Hyde at ang reaksyon nito ang nasa isip.






BAHAGYANG NAPAPITLAG si Theo nang marinig ang malakas na tunog ng doorbell. Wala pa naman siya sa sarili dahil sa isang tao na bumabagabag sa kanya. Nag-aalala siya sa taong iyon ng sobra.

Patamad siyang tumayo mula sa kinauupuan saka tinungo ang pintuan para pagbuksan ang taong nasa labas.

Nang mabuksan niya iyon ay napakunot-noo siya nang makita ang hindi pamilyar na mukha. Isang lalaki iyon. May pag-aalinlangan pa nga sa mukha na parang hindi sigurado kung tama ba ang bahay na napuntahan.

"Sino ka? Anong kailangan mo?"

Hindi nagsalita ang lalaki. Sumenyas ito katulad ng mga pipi. Parang sinasabi na hindi ito nakapagsasalita. May inabot ito na kung ano sa kanya saka patakbong umalis sa harapan niya. Nawe-weirduhan siya sa pinakita nito na asal.

Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa hawak na maliit na sobre.

"To Devin." Ang pagbasa niya sa nakasulat doon.


Napakunot-noo siya. Paano naman nalaman ng pipi na iyon na nandito si Devin? Weird lang.

Isinara niya ang pintuan saka pasalampak na umupo sa sofa. Wala siyang balak na tingnan ang laman ng maliit na sobre. Curious siya pero hindi siya pusa kaya ayaw niyang pakialaman iyon.


ITUTULOY....

2 comments:

  1. Grabe namiss ko talaga yung story niyo lalo na si Hyde at Jake :) sana talaga author masundan na agad tagal ko na tong inaantay :)

    ReplyDelete
  2. Bakit ang tagal ng update? When na naman ang next?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails