Followers

Monday, January 18, 2016

String from the Heart [36]


Author’s Note

Anga kabanata na ito ay naglalaman ng maselan na eksena, ulit. Yeah! Rejoice! Sa mga reader na naghihintay ng ganitong eksena. Sa mga pinangakuan ko(meron ba?) Ito napo `yon! Heto lang ang nakayanan ko at sana magustuhan niyo!

Paki-comment na lang kung ano ang masasabi niyo sa eksena at kung bawal ba ito dito.

Enjoy!


CHAPTER THIRTY-SIX

A FEW BOTTLE of beer are not enough for him to get drunk. Oo, nakakadama siya ng pagkahilo ngunit hindi lubusang iginugupo siya niyon sa pagkalimot pansamantala sa mga pangyayari sa buhay niya lalo na sa kalungkutan na nadarama na wala siya sa tabi ni Hyde. Na hindi niya ito nakikita sa nakalipas na tatlong araw. God, how he missed him so much. Hindi naman niya magawang puntahan ito dahil alam niya na kapag ginawa niya iyon ay hindi niya mapipigilan ang sarili na lapitan ito at yakapin ng mahigpit.
            Sinusunod lang naman niya ang kanilang napag-usapan kahit na masyado na siyang nasasaktan sa desisyon na iyon. Hindi iyon maluwang sa kanyang kalooban ngunit kailangan para kay Hyde... para kay Devin.
            Inabot niya ang bote ng alak saka tinungga iyon. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kanyang bulsa. Kinuha niya iyon. An unregistered number was calling.
            Nakakunot ang noo na sinagot niya iyon. Curious kung sino ang tumawag. Siyempre may piping hiling na sana si Hyde iyon. Na tumawag ito para bawiin ang kanilang napag-usapan at sabihin sa kanya na may nararamdaman ito sa kanya.
            "Hello. Sino `to?"
            "Hindi na mahalaga kung sino ako. I'm a concern citizen. Kilala mo ba si Hyde?"
            "Yeah." Naalarma niyang sagot.
            Hindi niya kilala ang tumatawag. Kahina-hinala ang boses nito ngunit nabalewala iyon nang marinig niya ang pangalan ni Hyde.
            "Bakit? Anong nangyari kay Hyde?"
            "He's drunk. Puntahan mo siya sa address na `to." The guy dictated the address. Isinulat pa niya iyon sa kapirasong papel na nahablot niya sa kung saan.
            Si Hyde ang mahalaga ngayon. It doesn't matter if it was a prank call. His main concern was Hyde. Para ngang nawala ang pagkahilo niya sa pag-aalala kay Hyde.
            Sa lalaking mahal niya...

HYDE DOESN'T exactly know what was happening to his body at the moment. He felt hot all over. Parang may kung ano sa kanyang pakiramdam na dapat matupok. Ang apoy na nararamdaman niya ay tila hindi mapipigil hanggang walang tumutupok doon. Pakiramdam niya ay sa kung anumang oras ay sasabog siya kapag hindi niya nailabas ang init na nararamdaman. Parang gusto niyang hubarin ang damit sa init na nadarama. Parang gusto niyang humarap sa electric fan para mabawasan lang iyon o kaya naman ay magkulong sa airconditioned na kwarto para malamigan.
            Sa kabila ng nararamdaman nagawa niyang tumayo at magtungo sa kwarto ni Chloe. Agad siyang nagtungo sa kama. Hinubad niya muna ang suot na t-shirt kasunod ang suot na pantalon hanggang sa matira na lamang ang boxer brief niya.      Wala pa si Chloe kaya malaya siyang gawin iyon. Kahit na dumating man ito ay hindi siya mag-aabalang magbihis dahil sa nararamdaman niya. Ngunit kahit na naghubad na siya ay parang init na init pa rin siya.
            Tila nga mas lalong nagliliyab ang pakiramdam niya. Kataka-taka rin para sa kanya ang reaksyon ng gitnang bahagi ng katawan ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Ano ba ang nainom niya at ganito...
            Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon.

PAGKARATING NI Jake sa apartment na tinutukoy sa address napansin niya agad ang katahimikan at ang kakaibang aura na nandodoon. Ganunpaman hindi niya pinansin iyon. Dire-diretso siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang sala na halatang kakagamit pa lang base sa mga nagkalat na inumin doon na nasa center table. Nilampasan niya ang sala.
            Ang sabi ng tumawag sa kanya ay nasa kwarto si Hyde. Hindi na raw siya nito mahihintay dahil may pupuntahan ito na importante. May tiwala raw ito sa kanya kaya kampante na iwanan ang bahay sa kanya. May mga sinabi pa ito pero hindi na niya pinansin dahil naka-focus na ang buo niyang isip kay Hyde. Ang reasonable na pag-iisip niya ay hindi niya pinapairal.
            Nang nasa harapan na siya ng pinto ng kwarto, dahan-dahan niyang pinihit ang door knob. Tumamabad sa kanya ang nakahigang si Hyde. Nagtama ang kanilang mata saka bumaba ang tingin niya sa kabuuan nito. Tanging boxer brief ang suot nito. Kitang-kita niya ang kakinisan ng katawan nito. Agad na lumukob ang init sa pagkatao niya. Napalunok siya habang nakatingin pa rin dito na tila isang bato na napako sa kinatatayuan.
            Bumangon si Hyde mula sa pagkakahiga at walang ano-anung lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Muli siyang napalunok nang madama ang init na nagmumula sa katawan nito. Para siyang tino-torture sa ginagawa nito.
            Tumingala ito. Sinalubong niya ang tingin nito.
            "Hyde..."
            "Jake..."
            Ang natitirang pagtitimpi na darama niya ay tuluyang sumabog nang banggitin nito ang pangalan niya na puno ng pagnanasa. Bumaba ang kanyang ulo at sinakop ang mapula nitong labi.

NANG BUMABA ang mukha ni Jake at halikan siya sa labi ay tila sumabog na ng tuluyan ang init na nadarama niya. Parang nasagot na ang mga katanungan niya sa isip kanina sa halik na ibinibigay ni jake sa kanya. The kiss was intoxicating. It was addictive and he couldn't stop his self to taste it. Nang ipasok ni Devin ang dila sa kanyang bibig at galugarin iyon napaungol siya. Gumanti siya sa paraan na alam niya. Ang tanging mahalaga ay mabigyan niya ng tugon ang eksperto nitong halik.
            Hinapit siya nito palapit dito. Kasabay ng mas malalim na halikan. Ikinawit niya ang braso sa leeg nito para mas dumiin at mabigyan laya ang hiling ng karnal na pagnanasa niya para rito.

HINAPIT NI JAKE si Hyde palapit sa kanya na parang wala ng hangin na makakadaan sa pagitan nila. Mas lumalim ang halik. Napaungol siya ng gumanti si Hyde sa paraan na hindi niya inaasahan. Mas naging agresibo rin ito na siyang ikinasaya niya. Sa tugon nito alam niya na wala ng makakapigil sa kung anuman na mangyayari sa kanya. Matagal na niyang pangarap na mangyari ito sa kanila at hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Making love to the person he love was one of the happiest moment of his life. Walang tama, walang mali. Ang tanging mahalaga ay maipadama niya rito kung gaano niya ito kamahal.
            Hinaplos niya ang likuran nito habang magkadikit pa rin ang kanilang labi. Mula sa labi nito bumaba ang kanyang halik sa leeg nito. Hyde tilted his head for him to have a better access. Napaungol si Hyde nang bumaba ang halik niya sa dibdib nito. Mula sa dibdib bumalik siya labi nito.
            Maalab na halikan ang muling namagitan. Habang magkalapat pa rin ang mga labi. Nagdudwelo ang kanilang dila. Nagpapalitan ng laway sa isa't-isa. Dahan-dahan niyang inakay ito patungo sa kama. Hindi pa rin nababali ang halikan na pinahiga niya ito sa kama.
            Nang pakiramdam niya ay kakapusin na sila ng hangin, bumaba ang halik niya sa baba nito. He teased and licked his chin that made him moan then comes lower. Hinalikan niya ang leeg nito pababa sa nipple nito. Mas lalo itong napaungol nang tudyuhin niya ng kanyang dila ang nipple nito habang ang kaliwa ay pinagpapala naman ng kaliwa niyang kamay. Napaungol siya ng sabunutan siya ni Hyde at mas idudol ang sarili sa pagpapapala na ginagawa niya. Alam niyang nasasarapan ito at iyon ang misyon niya: ang mapaligaya ito.
            Nang magsawa sa paglalaro ng nipple nito bumaba ulit ang halik niya patungo sa pusod nito. Mas naging malakas ang pag-ungol nito nang simulan niyang tudyuhin ang pusod nito gamit ang kanyang pinatigas na dila. He was glad giving him pleasure.
            Hinawakan siya ni Hyde sa balikat at inangat. He gladly obliged.
            Nang magpantay ang mukha nila. Tinitigan niya ito. Pinagsawa ang kanyang mata sa pagtingin sa mukha nito. Bawat features ng mukha ay inuukit sa kanyang utak. Then he lowered his face then kiss him passionately. Nagpalitan sila ng halik. Mas mainit, mas maalab at mas marubdob.
            Natigil lang ang kanilang halikan ng hubarin niya ang damit. Ngayon hubad na siya sa pang-itaas na damit. Mas dama niya ang init na nagmumula rito. Ang init ng katawan nila ay tila nagpapaligsahan. Sinunod niyang hubarin ang suot na khaki short kasabay ng panloob. Now he was naked all glory.
            Nang nahubad niya ang lahat ng saplot sa katawan ay ito naman ang hinubaran niya. Pareho na silang hubad. Ang gitnang bahagi ng katawan ay nagdidikit at nagpapaligsahan sa tigas.
            Nagulat siya nang ibahin ni Hyde ang posisyon nila. Ito na ngayon ang nakapatong sa kanya. Hinalikan siya nito sa labi. Nakadama siya ng kasiyahan sa kaalaman na ito naman ang magpapaligaya sa kanya.
            Mula sa paghalik sa kanyang labi bumaba ang halik nito sa kanyang baba, sa kanyang leeg hanggang sa humantong iyon sa dibdib niya. He teased it using his tongue while the other by using his hand. Lumakas ang kanyang pag-ungol. Iba ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo ang gumagawa niyon sa iyo.
            Then Hyde stop and go lower. When he reached his erected manhood. Huminto ito ng ilang segundo. Pumaloob ang katigasan niya sa palad nito. Nagsimulang magtaas-baba na nagpa-ungol sa kanya ng mas malakas. At naramdaman niya ang paglukob ng init sa ulo ng sandata niya ng sakupin ng bibig ni Hyde. Napatingin siya rito habang nagtatas-baba ang bibig nito sa kahabaan niya. When their eyes met, he smiled and so as Hyde. Mas lalo nitong pinaghusayan ang ginagawa hanggang sa maramdaman niya na malapit na siya sa rurok.
            Hinawakan niya ito sa balikat saka inangat para magpantay ang kanilang mukha. Nakapatong na ito sa kanya.
            "I love you, Hyde."
            Wala itong naging tugon. Hinalikan lang siya sa labi.
            Iniba niya ang kanilang posisyon. Siya naman ngayon ang nakapatong rito. He postioned his self at the of him. Pinaghiwalay niya ang mga hita nito. Ipinatong iyon sa kanyang magkabilang balikat. Hinakawan niya ang kanyang ari at nagtaas-baba ang kamay doon. Before entering Hyde. Pinadulas niya muna iyon. Nang sa tingin niya ay handa na ito. Dahan-dahan na ipinasok niya ang armas sa butas nito.
            Napaigik si Hyde. Napakapit ng mariin sa kanyang likuran. Muli, dahan-dahan siyang umulos hanggang sa makapasok na ang kalahati ng kahabaan niya. Naramdaman niya ang pagbaon ng kuko ni Hyde sa likuran niya. Umungol ito dala ng sakit. Nakita niya ang luha sa gilid ng mata nito. He lowered and gave him feathery kisses on his face. Muli siyang umulos hanggang sa makapasok na ang kabuuan niya. Mas dumiin ang kuko ni Hyde sa likuran niya. Nang magsimula siyang umulos at marinig ang impit na pag-ungol ni Hyde dala ng sakit ay hinalikan niya ito sa labi. Pansamantala siyang huminto at pinagtuunan ng pansin ang paghalik dito.
            Again, he slowly moved. Nang sa tingin niya ay naka-adjust na si Hyde sa kalakihan ng kahabaan niya sa loob nito ay nagsimula ulit siyang gumalaw. Mahina, mabagal hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sarili sa sarap. Pareho silang napa-ungol. Tila nagdudwelo sa lakas niyon. Nang maramdaman niya ang pagsalubong ni Hyde sa pag-ulos niya mas lalo siyang ginanahan at binilisan ang ginagawa. Napaungol siya ganundin ito. Pareho silang bigay na bigay sa pagnanasa sa isa't-isa.
            Para mabigyan ng kasiyahan si Hyde. Siya na ang humawak sa kahabaan nito. Nagtaas-baba ang kamay niya doon habang umuulos siya. Mas bumillis ang pag-ulos niya. Nakita ang pagtingala ni Hyde. Bahagya pang nakaawang ang labi sa sarap na pareho nilang nadarama. Huminto siya sa paglalaro sa kahabaan nito ng ito na gumawa niyon.
            Bumilis pa siyang lalo hanggang sa maramdaman niya na malapit na siya sa glorya. Isang malakas na salya kasabay ng malakas na ungol ay sumabog siya sa loob nito. Kasunod si Hyde na umabot sa glorya na sumabog sa katawan nito.

ISANG MASAYANG ngiti ang sumilay sa labi ni Jake nang magmulat siya ng mata nang makita ang maamong mukha ni Hyde na katabi niya. Pinagsawa niya ang mata sa pagtingin sa mukha nito. Hinding-hindi siya magsasawa na pakatitigan ang makinis at maamong mukha nito.
            Nang gumalaw ito at magsumiksik sa kanya ay mas lumuwang ang pagkakangiti niya. Niyakap niya ito at marahang hinalikan sa labi. Alam niyang hindi ito basta-basta magigising. Epekto iyon ng pagod at ng nainom nitong alak. Damang-dama niya ang init ng katawan nito sa katawan niya. Pareho pa rin silang hubad sa ilalim ng kumot na iyon. Hindi na siya nag-abala pang magbihis o kaya naman ay ito ang bihisan pagkatapos ng nangyari sa kanila ilang oras pa lang ang nakalilipas. Hindi niya nga alam kung ilang oras ba siyang naka-idlip. He doesn't mind if what time is it or who was the owner of the room and the bed where both of them lying -- where the blissful thing happened between them. Ang mahalaga lang sa kanya ay si Hyde. Ang init ng katawan nito na sing-init ng katawan niya. Ang kalambutan nito sa katigasan niya pati na ang lahat-lahat dito.
            Again, he gave him a quick kiss in the lips. Habang yakap-yakap ito ay muli siyang nakatulog. May ngiti rin sa labi.

NAGISING SI Hyde mula sa mahimbing na tulog sa pamamagitan ng mainit na bagay na kung saan nakapaloob siya. Damang-dama niya ang init na nagmumula sa kung sino kahit na hindi pa niya idilat ang mata. Damang-dama niya ang nakapulupot na braso sa kanyang katawan. Rinig na rinig niya rin ang mahinang paghilik ng katabi niya.
            Binuksan niya ang mga mata. Tumambad sa kanya ang maamong mukha ni Jake na himbing na himbing sa pagtulog. Nang lubusang umukil sa kanyang isip ang sitwasyon ay napalikwas siya sabay layo kay Jake na nagising na niya. Bahagya rin siyang nakadama ng kirot sa kanyang ulo kasabay niyon ang hapdi sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
            Lasing siya kagabi. Mali. Nakainom. Malinaw sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa na ngayon pa lang lubusan niyang naalala dahil disoriented siya nang gumising. At malinaw niya ring naaalala na may kung anong lumukob sa kanyang init na minsan lang niyang nadama. Init na sobra ang intensidad at kung hindi mapagbibigyan ay lalong kakawala.
            Everything dawned to him. He also remembered that what happened between them was...
            Nahawakan niya ang ulo nang madama ang pagsakit niyon. Epekto ng alak, alam niya.
            Napatingin siya kay Jake nang magsalita ito.
            "Okay ka lang? May masakit ba sa `yo, Hyde?"
            Hindi siya kumibo. Tiningnan niya lang ito. Nang umalis ito sa ibaba ng kama at bumagsak ang kumot na nakatakip sa katawan nito... napalunok siya nang makita ang kaselanan nito.
            Nag-iwas siya ng tingin at lumayo rito. Pareho ang estado nila. Pareho silang hubad sa mata ng isa't-isa. Sa totoo lang hindi niya alam kung ano iisipin sa mga nangyari. He loose his control and he don't know who to blame on what happened between them.
            "Anong nangyari kagabi, Jake?" He asked, absentmindedly. His mind was now in confusion. Confusing him to every corner and keeping him unable thinking.
            Parang robot na kinuha niya ang mga damit na nagkalat sa sahig. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ni Jake. Hindi niya kayang...
            Natigilan siya kasabay ng pagkagulat ng maramdaman ang pagyakap ni Jake sa kanya mula sa likuran.
            "Hyde, wala ka bang sasabihin?"
            "Wala akong makapang dapat sabihin, Jake." Nanginginig niyang sabi.
            "May nangyari sa `ting dalawa."
            "Alam ko," aniya. May bikig sa lalamunan. Anumang oras ay maiiyak na siya.
            "What happened between us was one of the happiest moment in my life, Hyde." Anito.
            Hinawakan niya ang mga braso nito saka tinanggal sa pagkakayakap sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat isipin. Hindi niya alam kung ano ba at kung ano pa ang dapat gawin.
            Naramdaman na lang niya ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi.
            "Kailangan ko nang umuwi."
            "Hindi. Hindi ka uuwi hanggang hindi pa natin napag-uusapan ang nangyari."
            "Wala tayong dapat pag-usapan,"aniya sabay tanggal ng mga braso nito sa baywang niya. Ngunit hindi niya iyon matanggal sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Dama na rin niya ang pagtulo ng luha nito sa balikat niya.
            "Meron, Hyde."
            "Hindi iyon big deal."
            "Big deal iyon para sa akin. Ako ang una mong karanasan sa ganoon na bagay." Sabi nito, may katiyakan.
            Mariin siyang napapikit. Mas lumubha ang pagluha niya. Si Jake ang una niyang experience sa ganoon na bagay. Tama ito. At mas lalo siyang nalungkot at naguluhan sa kaalaman na kay Devin niya dapat ibigay ang virginity niya dahil ito ang boyfriend niya.
            "Please lang... Jake... kailangan ko nang umalis."
            Unti-unting inalis nito ang pagkakayakap sa kanya. Hindi tumitingin na nagbihis siya saka nagmamadaling lumabas ng bahay ni Chloe.

NANG MAKALABAS ng bahay ni Chloe ay wala pa rin sa sarili si Hyde. Hilam ng luha ang mga mata niya. Nanlalabo ang mata na sanhi ng mga luha.
            Si Devin...
            Si Devin ang umookupa sa utak niya ngayon. Matinding lungkot at pagsisisi ang lumukob sa pagkatao niya. Nagtaksil siya kay Devin. Ang mas malala pa ang kaulayaw niya sa pagataksil na iyon ay ang taong pinaka-iniinggitan ni Devin pagdating sa kanya.
            Mas mapaiyak siya. Kahit na anong gawin niya na pag-alis ng mga luha niya hindi iyon tuluyang mawala.
            Nalilito. Naguguluhan. Nakokonsensiya. Hindi niya alam ang gagawin pagkatapos mangyari ang hindi dapat mangyari sa pagitan nila ni Jake.
            Nasasaktan siya para sa sarili.
            Nasasaktan siya sa posibleng mangyari sa pagitan nila ni Devin kapag nalaman nito ang nangyari sa pagitan nila ni Jake.
            At kay Jake... hindi niya magawang magalit dito sa kabila ng nangyari. Hindi niya rin ito masisi dahil alam niya na siya ang may kasalanan ng lahat.
            Pinara niya ang paparating na tricycle. Nang huminto iyon ay agad siyang sumakay at nagpahatid sa kanilang bahay. Pagkarating niya sa kanilang bahay dire-diretso siyang nagtungo sa kanyang kwarto. Hindi pinansin ang pagtawag ni Vhian at ang mga tingin ng kasama sa bahay. Nagpalit ng damit. Humiga sa kanyang higaan at nagtalukbong ng kumot.
            Hindi niya alam kung ano ang gagawin...

JAKE SMILED bitterly. Ang luha sa kanyang mata ay walang tigil habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas si Hyde. The fact was given that something happened between them. For him it was the blissful thing happened to him but base on Hyde's reactions..
            Napailing siya saka napasigok. Hindi niya akalain na pagkatapos ng maligayang sandali sa piling ni Hyde ay agad na mapapalitan iyon ng kalungkutan at hindi matatawaran na sakit na dulot din nito.
            Hindi siya nito magawang tingnan habang nagbibihis kanina. Sa ginawa nitong iyon ay mas lalo siyang nasaktan. Hindi siya...
            Napakasaklap isipin na pagkatapos ng magandang bagay na namagitan sa kanila ay ito ang mangyayari. Pinulot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig saka nagbihis.
            Sana may pwedeng inumin na makapagpapalimot ng sakit na nadarama niya. Sana may inumin na tanging masasayang alaala ang maiisip at hindi ang malulungkot. Sana mayroong ganoon na bagay para hindi na siya makadama ng ganito.
            Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi pati na ang kanyang mata. Walang epekto. Hindi matigil sa pagtulo at paglabas.
            Lumabas siya ng bahay na may luha sa mata. Napakasakit. Nakakalungkot na hahantong sa ganitong bagay ang isang masayang pangyayari sa buhay niya.

NANG MASIGURADONG nakalabas na ng bahay si Jake ay nagmamadaling pumasok sa bahay si Chloe. Nagtungo siya sa secret room kung saan makikita ang lahat ng nangyari sa dalawa.
            Inayos niya iyon at tiningnan ang buong nangyari. Napangiti siya sa nakita. Ang ngiti ay nauwi sa malakas na pagtawa. Tagumpay ang plano nilang dalawa ni Vix. May ebidensya na silang maipapakita sa pagtataksil ni Hyde kay Devin.
            Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa saka tinawagan si Vix.
            "Nakita ko na ang lahat ng nangyari, Vix. Sigurado akong pagkakaguluhan ito kapag kinalat natin sa internet."
            "That's good. Bago natin ikalat `yan dapat isang tao muna ang makakita. Ang panauhing pandangal."
            "Kailan naman kaya uuwi si Devin dito?"
            "The soonest, Chloe. The soonest." Anito saka tumawa. "Pupunta ako dyan ngayon, Chloe. Gusto kong makita ang video."
            "Okay."
            Nagpaalam na ito sa kanya. Hihintayin na lamang niya ang pagdating nito.

 TAGUMPAY ANG PLANO. Iyon ang paulit-ulit salita na naglalaro sa isipan ni Vix habang sakay ng kanyang kotse patungo sa bahay ni Chloe. Tagumpay ang plano at isa lang ang ibig sabihin niyon. Masisira na niya si Hyde kay Devin. Masisira na rin niya ang pagkatao nito sa lahat ng sulok ng bansa sa gagawin nilang pagkalat ng video nito at ni Jake. Hihintayin na lang niya ang pagbabalik ni Devin para makita nito ang mga nangyari at iyon na ang simula...

ITUTULOY…

14 comments:

  1. Sarap patayin ni vix

    ReplyDelete
  2. Waiting for the continuation of this story

    ReplyDelete
  3. Waiting for the continuation of this story...

    ReplyDelete
  4. Sarap ng nangyari sa kanila. Bitin nga lang. Basahin ko ito ulit. Salamat sa update.

    ReplyDelete
  5. I like this episode. Mwrong anghang. Keep it up Mr Author. Papano na ang karangalan ni Hyde? Pakasalan kaya siya ni Jake o Patawarin siya ni Devin.

    ReplyDelete
  6. tama lng yan ky hyde, malandi sya msyado.. Nkkwalang gana

    ReplyDelete
  7. Omg!

    Shocking!
    So insane!
    Climax at its best!

    Love it!

    #LSDee

    ReplyDelete
  8. wooh marathon 1-36, teamJake ako...

    hayy masyadong mapusok, d nagpapigil

    -Lojan

    ReplyDelete
  9. Bakit ang tagal ng chapter 37 nong petsa na lagi ako nag papaload sa pocket wifi ko para dito pero expired balang yong internet ko wa parin update.. ang ganda kasi ng story ee sana naman tapusin to hmmp

    ReplyDelete
  10. Bakit ang tagal ng chapter 37 nong petsa na lagi ako nag papaload sa pocket wifi ko para dito pero expired balang yong internet ko wa parin update.. ang ganda kasi ng story ee sana naman tapusin to hmmp

    ReplyDelete
  11. Sa mga naghihintay at nag-aabang ng istoryang ito. Pasensya na po kung sadyang matumal akong mag-update o hindi na yata mag-a-update. Sa totoo lang po, tatlong chapter na ang natapos ko. I'm also working for the continuation of the story in different book, book 2. But I'm lacking enough reason to continue updating the story here.

    Ang unang rason, masyadong matumal ang komento. Sa totoo lang, kapag nagpo-post ako ng story dito, ang lagi kong inaabangan ay ang mga commments. Good or bad were highly appreciated. Though everytime that I read negative it taking me down but I'm thinking that it is for the betterment of me as a writer and where to push through the story. Kailangang-kailangan ko po ang pulso niyo.

    Pangalawa, naiisip ko, siguro walang kwenta rin ang story na pino-post ko dahil wala man lang akong matanggap na appreciation.

    or maybe I'm just thinking the negative sides, well, who wouldn't when you see the reads of your story at dagdagan pa ng walang comment.

    Naiisip ko na gumawa ng group for my story. Iyon ay kung may sasapi, if ever na meron, please do leave your comments here, if ever that you read this story.

    Thank you!


    -vienne chase

    ReplyDelete
  12. ehhh.. kung ganyan lang naman rason mo sana d kana lang ng ng sulat pa.. tagal ko to inantay yung stories mo.. wag ka pong sususko dito panaman kaming readers ha..
    nakaka inis kaya na ang ganda ng stories tapos puputolin mo.. hahaix..


    Franz

    ReplyDelete
  13. nakakainis tlaga toh pag may magandang kwento tpus puputulin lang..nakakabitin..katulad ng The John lloyds Diary hindi na niya tinapus.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails