Followers

Friday, January 15, 2016

String from the Heart [35]


Author’s Note

As usual, ang chapter na ito ay naglalaman ng masealan na bahagi na hindi dapat mabasa ng mga taong hindi bukas sa ganoon na senaryo. Hahaha! Kung hindi po kayo okay sa ganoon paki-skip na lang pero kung gusto niyo naman mabasa, go lang! Hindi naman siya masyadong mahalay para sa akin. (Para sa akin lang. ) Kayo na ang bahalang humusga. By the way, next chapter will be more you know. Hindi ko pa dito binuhos ang eksena, ang bed scene sa pagitan ng mga bida. Sa kontrabida lang po ang mga maseselan na eksena. Paki-hintay na lang po kapag dumating na ang tamang panahon para ma-release na ang chapter 36.

For now, hangad ko na mapasaya ko kayo sa chapter na ito.



CHAPTER THIRTY-FIVE

ILANG MINUTO simula nang matapos ang pakikipag-usap ni Hyde kay Devin ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na huwag umiyak. Masyado siyang nasasaktan na nasasaktan niya si Devin dahil sa sarili niyang kagagawan ngunit ano ang magagawa niya kung nangyari na ang nangyari at ang pagsasabi ng 'paumanhin' o kaya ng 'sorry' ay wala naman ng magagawa.
            Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Jake sa kwarto niya kung hindi pa ito nagsalita.
            "Hyde..."
            Napatingin siya rito. Nakatayo ito sa may pintuan. Nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
            "Okay ka lang ba?"
            Hindi siya sumagot. Dapat ay layuan niya si Jake dahil habang kasama niya ito ay masasaktan niya si Devin ngunit hindi naman niya magawang basta na lamang iwan ito pagkatapos ng pag-uusap nila kanina na nadatnan ni Theo. Bukod pa roon ay wala naman talaga siyang balak na lumayo rito. Hindi niya alam kung bakit mahirap sa kanyang gawin ang bagay na iyon pero wala siyang balak na tuklasin. Basta ang mahalaga sa kanya, masaya siya na kasama ito at nasa paligid. Kasiyahan na nadarama niya tuwing kasama si Devin.
            "Kung ako ang dahilan ng pag-iyak mo at pagkakasira ng relasyon niyo ni Devin, willing akong layuan ka. Ayokong nakikita kang nasasaktan at umiiyak."
            "Nag-usap na tayo kanina, hindi ba? Hindi ko kayang layuan ka. Kaibigan kita at gusto ko na manatili ka sa tabi ko."
            Ngumiti si Jake. Ngiting hindi umabot sa mata nito.
            "Natutuwa ako na marinig `yan sa `yo pero alam mo naman na higit pa sa pagkakaibigan ang gusto ko sa `yo."
            "Alam ko `yon pero..."
            "Then if you know that then I think it is time for me to get away from you. I'm the cause of your misery. Everytime I'm near with you, we both know that we are hurting Devin. Ano ba naman ang laban niya sa akin kung mag-take advantage ako sa `yo habang wala siya. Hindi ba, wala?"
            Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Lumunok siya bago magsalita.
            "Then I think it was goodbye."
            Nakita niya ang pagtulo ng luha ni Jake. Pumikit pa ito at tumingala para mapigilan ang pag-iyak ngunit hindi naman naampat iyon sa pagtulo. Maging siya ay naging doble ang pag-iyak. Bakit ba kasi ang sakit? Ang sakit sa pakiramdam na lalayuan ka ng isang kaibigan na mahalaga sa iyo dahil sa kaalaman na may nasasaktan kayong tao na mahal mo.

MAYBE JAKE'S decision was the dumbest but he needed to do it for the peace between him and his brother. Kanina habang nasa sala siya ng bahay nina Hyde ay napag-isip-isip niya na para sa ikagagaan at ikababalik ng magandang ugnayan sa pagitan nilang dalawa kapag nalaman nito ang katotohanan ay kailangan niyang mag-give way para sa nararamdaman niya kay Hyde. Tama at sapat na sa kanya na makita si Hyde na masaya sa piling ng lalaking mahal nito mula sa malayo. Sapat na sa kanya na makita ang ngiti sa labi nito. Sapat na sa kanya na isipin na kapiling na nito ang totoong mahal at taong nagmamahal dito.
            Napatingala siya para pigilan ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Mariin pa siyang pumikit ngunit hindi naman natigil ang pagtulo ng kanyang luha. Ramdam niya ang tingin sa kanya ni Hyde ngunit hindi niya magawang tumungo at salubungin ang titig nito. Hindi niya kaya na makita ang awa sa mga mata nito.
            "Bakit ba ang bait mo sa akin? Bakit ba ang sakit para sa akin na lumayo sa `yo?"
            Sa sinabi nitong iyon napatingin siya rito.
            Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi gamit ang likod ng kamay niya.
            "Dahil mahalaga ako sa `yo bilang isang kaibigan, Hyde."
            "Siguro nga, Jake. Siguro nga."
            "Sa huling pagkakaton pwede ba kitang yakapin, Hyde? Sa huling pagkakataon."
            Walang pag-aatubiling tumayo ito saka lumapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit. Yakap na nagsasabing huli na ito. At hindi na mauulit pa.

NAKAUPO PA rin si Devin sa pahingahan na papag na nasa ilalim ng isang puno ng mangga pagkatapos niyang makausap si Hyde. Hindi rin niya mapigilan ang sarili na maiyak. Takot ang namamayani sa kabuuan niya. Kasunod ng katanungan na kapag umuwi siya ay baka wala na siya sa puso ni Hyde at napalitan na ni Jake sa puso nito.
            Kung hindi pa niya naramdaman ang pagtulo ng ulan ay baka hindi pa siya umalis sa ilalim ng punong iyon. Nagmamadali siyang sumilong sa isang kubo. Doon siya nagmuni-muni at tahimik na umiyak. Mahal na mahal niya si Hyde at ayaw niyang mawala ito sa kanya.

TATLONG ARAW na ang nakalilipas mula nang makausap ni Hyde si Jake at makita sila ni Theo na nagyayakapan sa kanyang kwarto. Tatlong araw na mula nang makausap niya si Devin at marinig ang saloobin nito tungkol sa nangyayari sa kanilang relasyon at sa reaksyon nito tungkol sa nakita ni Theo na ikinwento rito ng kaibigan. Tatlong araw na mula nang magpasya si Jake na layuan siya para huwag nang masaktan pa si Devin sa pagiging malapit nila. Tatlong araw na rin siyang malungkot sa pagtatapos ng pagkakaibigan nila.
            Oo, nakakausap ni Hyde si Devin ng regular sa cellphone, halos araw-araw ngunit pakiramdam niya ay may kulang. Kakulangan na alam niyang pinupunan ni Jake. Kakulangan na kahit si Devin yata ay hindi mapupunuan. Sa totoo lang naguguluhan na siya ng sobra sa kanyang nararamdaman ngunit alam niya na mahal niya si Devin. Ayaw niyang malayo ito o mawalay man lang sa kanya. At pagdating naman kay Jake ay ganoon din. Nasanay na siya sa presensiya nito. Sa lahat-lahat dito.
            Ngunit alam naman niya na tama ang naging desisyon nilang dalawa. At iyon ay layuan ang isa't-isa. Alam na alam niya ngunit...
            Ipinilig niya ang ulo. Ayaw na niyang mag-isip pa. Gusto niyang makalayo pansamantala sa kaguluhan ng damdamin na nararamdaman niya. Gusto niya na may mahingahan ng nararamdaman para kahit paano ay mabawasan ang bigat na kanyang pinapasan.
            Tumayo siya mula sa kinahihigahan. Nitong nakaraang tatlong araw ay wala siya sa huwisyo. Simula umaga hanggang hapon ay nakahilata lang siya. Walang produktibo na nagagawa.  
            Napatingin si Hyde sa nag-iingay niyang cellphone na nakapwesto malapit sa kanyang unan. Patamad nsa kinuha niya iyon saka tiningnan ang tumatawag. Si Chloe iyon. Regular niya rin na nakakapalitan ng mensahe si Chloe. Tatlong araw na rin siya nitong kinukulit na uminom sila ng dalawa at magpakasaya. Bagay na tinututulan niya kahit na sa malungkot siyang estado. Naikwento niya ang nararamdaman kay Chloe at iyon nga ang naging solusyon nito. Sa ngayon kung iyon na naman ang saasabihin nito sa kanya ay papayag na siya. Huwag lamang na maburyong sa bahay nila at punuin ng kalungkutan ang kanyang sarili.
            "Chloe."
            "Hyde."
            "Bakit?"
            "The usual. Yayayain kita na uminom. You know para makalimutan mo ang nararamdaman mo ngayon."
            "Ilang araw mo na akong kinukulit para doon. Papayag na ako."
            Tumili ito sa kabilang linya. "Oh gosh! Hyde! Hindi ka magsisisi sa pagpayag mo. Makakalimutan mo ang kalungkutan mo kahit na pansamantala lang." Mahihimigan ng sobrang excitement ang tinig nito.
            "Alam ko, Chloe. Salamat sa paanyaya at pagko-comfort sa akin."
            "Sus. Wala `yon. Magkaibigan tayo kaya gusto ko na mapasaya at damayan ka sa kalungkutan mo."
            "Salamat."
            Tinapos na niya ang tawag para ihanda ang sarili sa inuman nila mamaya ni Chloe.

"SUS. WALA `yon. Magkaibigan tayo kaya gusto ko na mapasaya at damayan ka sa kalungkutan mo."
            Nais mapangiwi ni Chloe sa huling pangungusap na sinabi niya kay Hyde. Kung magkakaroon siya ng award siguro iyon na ang Best sa Kaplastikan Award sa mga aksyon at bagay na sinabi niya kay Hyde.
            Nakakatawa na paniwalang-paniwala niya si Hyde sa pag-arte niya. Bagay at pwede na talaga siyang mag-artista sa galing niyang umarte. Kung sakali man na mangyari iyon ay baka sa kontrabida role pa siya dahil sa totoong buhay ay kontrabida naman siya na kaisa ni Vix.
            Speaking of Vix, kasalukuyan itong nasa banyo ng inuupahan niyang apartment para maligo. Siyempre, kapag natapos ito ay magpapakasaya naman silang dalawa sa karnal na pagnanasa sa pagitan nilang dalawa. Sa bagay na niluto ng diyos na nagpapasaya sa marami.
            Nang matapos ang tawag, ibinaba niya ang cellphone sa center table. Marami pa silang oras na dalawa ni Vix para magpakalunoy sa pagnanasa nila sa isa't-isa. Mamayang alas-siyete pa naman ng gabi pupunta si Hyde para nga sa inuman session nila.
            Sa ngayon hindi na siya makapaghintay.
            Isa-isa niyang hinubad ang kasuotan hanggang sa wala ng matira sa suot niya. She was all naked. Humiga siya sa kama at nang-aakit na pumwesto doon. Gusto niya na sa oras na lumabas si Vix sa banyo ay makita siya at sunggaban na tila isang katakam-takam na karne at hindi titigilan.
            Nang bumukas ang pintuan ng banyo ay napuno ng antisipasyon ang katawan niya. Nang lumabas si Vix at tumambad sa kanya ang hubad na katawan ay napangiti siya. She bite her lower lip in a very seductive way. She look at him with full of desire.
            Napangiti si Vix nang magtama ang mata nilang dalawa.
            Mas nakdagdag pa sa pagnanasa niya ang ilang butil ng tubig na tumutulo sa katawan nito mula sa basang buhok. Gusto niyang dilaan ang halos lahat ng iyon, Gusto niyang magpakasawa sa magandang katawan nito. Gusto niyang...
            Natigil siya sa pag-iisip ng kung anu-ano ng umakyat si Vix sa kama at bigyan siya ng mariin ngunit may suyo na halik sa labi. Naglaban ang kanilang mga labi. Dila sa dila. Bibig sa bibig. Ngipin sa ngipin. Halos maubusan sila ng hininga sa sobrang tagal ng halik na namagitan sa kanilang dalawa.
            Iniba niya ang posisyon nilang dalawa. Siya naman ang nakapatong dito. Niromansa niya ang katawan nito. Mula sa labi, patungo sa baba pababa sa adams apple nito saka sa dibdib. Nagsawa siya sa paglalaro ng nipple nito. She make herself busy sucking his right nipple while her other hand was busy caressing his other nipple in circular motion.
            Malakas ang naging pag-ungol ni Vix. Sarap na sarap sa ginagawa niya kaya naman mas pinag-igihan niya.
            Nang magsawa sa paglalaro sa magkabilang nipple nito ay bumaba ang mga labi niya sa tiyan nito na makikitaan ng porma ng pagkakaroon ng abs. Dinilaan niya iyon. Tumagal siya sa pagdunggol ng pusod nityo gamit ang kanyang pinatigas na dila. Umani iyon ng malakas na ungol mula rito.
            Muling bumaba ang labi niya. Sa pagkakatong iyon ay sa kahindikan naman nito na nakatingaro at malakas ang epekto ng pag-anyaya sa kanya para damhin at paglaruan niya.
            Dinilaan niya ang ulo niyon na may likidong malabnaw sa uluhan. Nilasahan niya iyon. Sarap na sarap siya. Gently she started sucking it. Napaungol si Vix nang magtaas-baba ang kanyang bibig sa kahabaan nito. Nilalaro ng kanyang dila ang butas ng pagkalalaki nito habang ang mga kamay niya ay abala sa paglalaro ng dalawang itlog nito.
            Naramdaman niya ang paggapang ng kamay ni Vix sa likuran niya. Tila may hinahanap. Nang makita nito ang pakay ay nagsimulang maglaro ito doon. Naramdaman niya ang pagpasok ng middle finger nito sa kaselanan niya. He started thrusting his middle finger inside her. Ang isang daliri ay naging dalawa hanggang sa naging tatlo at mas bumilis ang paglabas-pasok. Pakiramdam niya ay aabot siya sa sukdulan.
            Gumalaw si Vix. Giniya siya nito pabaliktad rito. Nakapatong pa rin,
            Napatingala siya nang maramdaman niya ang paglalaro ng dila ni Vix sa kaselanan niya. Damang-dama niya ang sensasyon na dulot ng mapagpalang dila nito at mapaglarong mga kamay.
            Mas pinag-igihan naman niya ang pagsupsop at pagbibigay ng ligaya sa kaangkinan nito hanggang sa pareho silang umabot sa sukdulan na walang nangyayari na pag-iisa ng pribadong bahagi ng katawan.
              
TATLONG ARAW na mula nang mag-usap si Devin at Hyde, so far ay may constant communication silang dalawa. Sinabi niya ritong babawi siya kaya naman iyon ang gagawin niya. Ang cellphone na gamit niya sa pagtawag dito ay gamit pa ng pinsan niya na binili niya dito gamit ang perang kanyang naipon. Araw at gabi tuwing may spare time siya tinatawagan niya ito. Lagi naman nitong sinasagot iyon. Pero hindi siya manhid para hindi madama ang pag-iiba sa ugali ni Hyde. Parang may kulang dito na hindi niya ma-point out kung ano.
    Tinutubuan siya ng takot ngunit binabalewala niya iyon. Ang pag-iisip ng negatibo ay dapat iwaksi niya sa isipan.
            Siesta niya mula sa pagtulong sa bukid na pinagtatamnan ng kanyang tito. Tumutulong siya rito para magkapera. Hindi naman kasi niya maasahan ang mga magulang na bigyan siya dahil mula nang magtungo sila sa probinsya ay parang sinadya ng mga ito na paliitin ang mundo niya. Nang sabihin niya nga sa mga ito na nasira ang kanyang cellphone mas nakita niya ang ginhawa sa mukha ng mama niya. Ginhawa na tila matagal na nitong inaasam na mawala sa kanya ang cellphone. Weird iyon para sa kanya pero katulad ng dati tumahimik lang siya. It was useless asking question that can never be answered properly by them. Sawa na siyang magtanong at mabalewala kaya naman pinipili na lamang niya ang manahimik. Ang mag-obserba ang tanging ginagawa niya. Bukod pa roon ay ang pagsasariling sikap para magkaroon ng pera at iyon na nga ang pagtulong sa lupang pinagtatamnan ng tito niya.
            Kapansin-pansin na ang pag-iiba ng kulay ng balat niya. Madalas ay babad siya sa ilalim ng init. Sa tingin niya nga ay walang silbi ang pagsuot niya ng damit na may mahabang manggas dahil hindi naman niyon napapanatili ang natural niyang kulay. Mula sa pagkakaroon ng mapusyaw na kulay ay masasabi na niyang medyo umitim siya. Balewala naman iyon sa kanya. Tanging naiisip niya ay ang paraan para sa komunikasyon nila ni Hyde.
            "Hyde." Masiglang pagbanggit niya sa pangalan nito nang sagutin ang tawag niya. "Kamusta ka na? Miss na kita."
            "Devin..." A long pause intervened. Pansamantalang nawala sa kabilang linya si Hyde. "Pasensya na, katatapos ko pa lang kasi maligo. Kakalabas ko pa lang ng banyo." Paghingi nito ng paumanhin.
            Napangiti siya. "Okay lang. Kumusta ka na?"
            "Okay lang. Lalabas ako ngayon, may pupuntahan na kaibigan."
            "Ganoon ba? Mag-iingat ka kung ganoon."
            "Ikaw? Kumusta ka na, Devin?"
            "Pahinga ko ngayon mula sa pagtatrabaho sa bukid. I'm so tired, Hyde."
            "Bakit mo kasi pinapahirapan ang sarili mo?" Tila nangangastigo na tanong nito.
            "Para sa `yo. Para sa `tin."
            Muli, natahimik ito sa kabilang linya. Bakit may pakiramdam siya na hindi gusto ni Hyde ang sinabi niya? Masyado ba siyang napa-paranoid o dala lang ito ng pagod.
            "Hyde."
            "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa `yo kapag nakauwi ka na dito sa mga ginagawa mong sakripisyo, Devin. Minsan nahihiya na ako sa `yo."
            "You don't need to be, Hyde. Ginagawa ko naman ito kasi gusto ko. Gusto kong kahit na malayo tayo sa isa't-isa madama mo ang pagmamahal ko. Distance is not a hindrance for me to show my love to you. Ayoko rin na magtampo ka."
            "Devin, bakit ba ang bait mo?"
            Natawa siya. "Siya nga pala, sino ang kaibigan na pupuntahan at makakasama mo?"
            "Hindi mo siya kilala. Kaibigan ko noong high school."
            "Okay. Ingat ka ulit. `Wag mong papabayaan ang sarili mo."
            "Ikaw din. `Wag kang masyadong magpapagod."
            "I love you, Hyde."
            "I love you too, Devin."
            May mga pinag-usapan pa silang dalawa hanggang sa humikab siya at magpaalam dito na matutulog muna.

BEING FRIEND with Chloe was a big secret for Devin. Nitong tatlong araw na lagi silang nag-uusap ni Devin sa cellphone ay palagi niyang naikukwento rito si Chloe ngunit hindi niya magawang pangalanan ito kahit na ilang beses ng naitanong ni Devin kung sino ang kaibigan niyang iyon. Para kasi sa kanya ay hindi iyon kaaya-aya lalo na at alam niya na may nakaraan ang dalawa na nalaman niya mula kay Jake kahit na hindi ito nakukwento.
            Nang magpaalam si Devin ay agad niyang hinanda ang sarili para gumayak at magtungo sa apartment na inuupahan ni Chloe. Ang sabi sa kanya ni Chloe kanina ay doon na lang daw sila uminom at manood ng pelikula sa laptop nito. Silang dalawa lang. Wala namang malisya iyon sa kanya dahil magkaibigan sila. Alam niya na hindi siya ang tipo ni Chloe at mas lalong hindi niya ito tipo. Noon pa man ay alam na niya sa sarili na mas matindi ang nararamdaman niyang atraksyon para sa lalaki kaysa sa babae.
            Sumakay siya ng tricycle na maghahatid sa kanya sa kanya sa bahay ni Chloe. Sampung minuto lang ang itinagal ng biyahe. Pababa siya ng tricycle nang eksakto namang makita niya ang paalis na magarang kotse. Binalewala niya iyon. Kumuha siya ng pera sa kanyang pitaka saka nagbayad sa tricycle driver.
            Nakapasok naman siya kaagad sa bahay ni Chloe. Bukas iyon kaya dumiretso na siya. Naabutan niya si Chloe sa kusina. Abala ito sa paghahanda ng gagamitin nila.
            "Chloe," tawag niya rito.
            "O, Hyde, dyan ka na pala." Anito. "Kadarating mo lang ba?"
            "Oo. Kadarating ko lang.       Mukhang abala ka sa ginagawa mo, a."
            "Naman! Ito ang gagamitin natin, eh."
            "Gusto mong tulungan na kita?" Prisinta niya.
            "Naku. Hindi na. Kaya ko na `to. Doon ka na lang sa sala. Pumili ka na ng pwede nating panoorin sa laptop habang umiinom para madali na tayo."
            "Okay." Lumabas na siya ng kusina saka nagtungo sa sala. Ginawa niya ang sinabi ng babae.

GRABE ANG kabang nadarama ni Chloe habang kausap si Hyde kanina. Paanong hindi iyon mangyayari kung muntikan ba naman na magpag-abot si Vix at Hyde kanina. Mabuti na lang at habang kausap niya si Hyde kanina ay naitago niya ang kabang nadarama. Nagkunwari na lang siya na abala sa ginagawa sa kusina kahit kanina pa niya naihanda ang mga gagamitin nila lalo na ang ilalagay niya na droga sa inumin ni Hyde para ma-stimulate ang sexual desire nito mamaya. The plan was all set.
            Ngunit kahit na nakaplano na ang lahat ay muntikan pa iyon mapurnada. Mabuti na lang talaga at napaandar agad ni Vix ang kotse na gamit nito bago pa man makababa si Hyde sa tricycle na sinakyan nito.
            Bago kasi umalis si Vix kanina ay naka-isa pa silang round. They were both insatiable. Both restless and never get enough with each other.
            Inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng kusina. Naabutan niya si Hyde na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa habang abala sa panonood ng pelikula. Tinulungan siya nito nang mapansin siya sa dala-dala niya. Inialpag nila iyon sa center table saka itinabi ang laptop.
            Ilang sandali pa ay abala na sila sa pag-iinuman. Mahina ang alcohol tolerance ni Hyde. Alam niya iyon dahil hindi naman ito palainom saka naikwento na rin iyon sa kanya ni Clyde. Nang mapansin niya na may tama na ito, pasimple niyang inilagay ang gamot sa inumin nito.
            Lihim siyang napangiti. Lihim niyang binati ang sarili sa nagawang plano. Ngayon ang ikalawang hakbang naman ang gagawin niya.
            "Hyde, aalis muna ako. Wala na pala tayong pulutan. Bibili ako sa labas."
            "Okay." Agad na pagsang-ayon ni Hyde sabay tungga sa baso nitong may laman na alak na siyang nilagyan niya ng gamot.
            "`Wag kang masyadong magpapakalasing. Kapag nakadama ka ng hilo pumunta ka na lang sa kwarto. Doon ka humiga at magpahinga pansamantala."
            "Oh-okay."
            "Good." Napangiti siyang muli.
            Success!


ITUTULOY…




6 comments:

  1. Para sakin parang masyado na mabagal ung takbo ng story na to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. me too tsaka masyado na complicated ung flow nya hindi na sya kapani-paniwala -_-

      Delete
  2. Sana malaman ni Jake ang mangyari at matulungan si Hyde bago huli ang lahat. Thanks sa update.

    ReplyDelete
  3. Masyadong ginawang komplikado ng author ang kanyang story, walang kilig factor, dinaig ng bida ang pagiging babae, di makatotohanan, tapusin nalang to,

    ReplyDelete
  4. At last! Ang mga ganyan na komento ang hinihintay ko sa tuwing nag-a-update ako ng story dito, eh.

    Kahit ako, noong sinusulat ko ang mga chapter, nagtatanong din sa sarili ko kung dapat ko pa bang ituloy ang istorya na ito. Pero bilang nagsusulat hindi ko naman basta-basta dapat na bitawan ito lalo na at alam ko na may mga mambabasa na naghihintay kahit na masyado nang komplikado at hindi makatotohanan ang bawat nangyayari. (Siguro simula sa simula ay talaga namang unrealistic na ito. Oo naiitindihan ko kayo.)

    Kaya naman sa mga anonymous na nag-comment! Thank you! Thank you ng marami!

    Ang mga kritisismo niyo ay talaga namang nakakatuwa. Finally kasi may nakapansin na na nawawala na sa huwisyo ang story unlike the other story that I'm written. (or I just thought so)

    Isa pa, para kay Kuyang Anonymous na huling nag-comment. Kasalanan ko kung bakit parang babae na si Hyde. Para kasing epekto na ito ng mga binabasa ko. Hahaha!

    Thank you ulit!

    Asahan nyo! Matatapos na ito. Sandaling-sandali na lang. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bumawi kna nlng sa mga last chapters..
      Hyde, devin and jake are good characters, dont think too much and let ur imagination speaks to them..
      Qng cnu tlga cla at bkit ngng gnun cla. Listen to them and let their stories be heard and u cn nver be wrong.. Because thats hu they are and thats their story.

      #LSDee

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails