Followers

Tuesday, December 8, 2015

String from the Heart [33]




Author’s Note
Ang chapter na ito ay medyo naglalaman ng maselan na eksena. Hindi naman po siya SPG, PG lang. LOL
Kaya po kung malalswaan kayo paki-skip na lang pero hindi naman yata masyado, eh. (Ang gulo lang.) Basta para sa akin ay hindi pa ito ang full na makamundong bagay. Bitin pa.
Kayo na lang po ang bahalang humusga. Salamat!
SALAMAT din pala ng marami sa nag-iwan ng komento sa chapter 32.
Angel, nagbabalik ka! Haha Namiss ko comment mo. Hindi ko maipapangako `yon. Medyo busy saka tamad na tamad ako na magsulat. Pasensya na. Lilitaw na lang ang update ng String kapag natapos na.
Tito Alfred, hehe, THANK YOU sa support!
LSDEE, ngayon lang kita nakita. Hahaha. Sana may komento pa rin ditto. Mali ba sa grocery? LOL
RavePriss, ;)

Malapit na itong matapos at dapat lang na tapusin na para sa taong ito. Masyado na siyang mahaba para sa akin at pansin ko na paulit-ulit na lang. Hahaha. Pero seryoso, dapat ko na talaga itong tapusin para makapagsimula na ako ulit, kaso mukhang malabo pa rin. Gagawin ko na lang ang lahat ng makakaya ko.

SALAMAT ULIT! Sana mag-enjoy kayo.


CHAPTER THIRTY-THREE


NAGSIMULANG GUMALAW ang kamay niya. Tila awtomatiko na lumandas iyon sa katawan nito. Dinama iyon. Pababa hanggang pumaloob ang kanyang mga kamay sa suot nitong t-shirt. Nadama niya ang init ng katawan nito. Malayang nahaplos ang katawan at pinaglaruan ang nipple nito na umani ng mahinang ungol mula rito na mas lalong nagpalakas ng init na nadarama niya. He wanted to hear that moan again. Isang nasisiyahang ungol na siya lang ang magdudulot sa katauhan nito. Habang abala ang kanyang kamay sa paglalaro sa nipple nito ay abala naman ang kanyang labi sa pagalugad sa bibig nito. Ang kanilang labi ay nagdudwelo pa rin sa paraan na mas lalong nagpapainit sa kanya pati rito.
            Mula sa labi nito naglakbay ang labi niya sa baba nito pababa sa leeg. Hyde tilted his head to give him a convenient access in kissing his neck. Pinagsawa niya ang sarili sa paghalik sa leeg nito.
            Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso ni Hyde sa kanyang batok. Giving him the freedom to kiss him hungrily. Savaged and savored him at the same time.
            Itinaas niya ang laylayan ng suot nitong t-shirt upang hubarin iyon. Itinaas naman ni Hyde ang mga braso nito para mahubad niya ng maayos iyon. Pinagmasdan niya muna ang katawan nito bago niya pinaglaruan ang nipple nito. Kahit kailan hindi siya magsasawa na paligayahin ito sa paraan na magugustuhan nito kahit na ito ang unang poagkakataon na gagawin niya iyon sa parehong kasarian. His everything was exclusively just for Hyde. Wala ng iba pa.
            Hindi niya inaasahan ang paghaplos ng kamay ni Hyde pababa sa dibdib niya. Ipinasok nito iyon sa ilalim ng suot niyang sando. Napaungol siya ng magsimula itong laruin ang utong niya. He gently pinched the peak that made him moan with delight and pleasure. His groin was throbbing. Halata na iyon sa suot niyang shorts. Halata ang sobrang pagnanasa sa taong nasa ilalim niya.
            Napatingala siya ng muling laruin ni Hyde ang utong niya. Bahagya pang nakabuka ang bibig sa sensasyon na dulot ng malambot nitong kamay sa parteng iyon.
            But the sensation vanished like a thin smoke when Hyde stop playing his nipple. Napatingin siya rito, only to found out that he was already sleeping. Nadismaya man siya at nanakit ang puson sa paghinto nito at sa posibleng mangyari sa kanya ay napangiti naman siya.
            Not minding what will might happen tomorrow after what happened to them right now. Masyado siyang masaya para mag-isip ng kung anu-ano. Humiga siya sa tabi nito. Niyakap ito. Isiniksik niya ang sarili para umamot sa init ng katawan nito.
            Bago siya maigupo sa antok hinubad niya muna ang suot niyang sando kasunod ang shorts. Leaving him only wearing a hipster brief.

MASAKIT ANG ulo ni Hyde nang magising siya. Nasapo niya iyon saka dahan-dahan na umupo. Kasunod ang pag-ikot ng kanyang paningin sa kwarto na kinaroroonan. Nasa kwarto siya ni Jake sa bahay ng mga ito.
            Nalasing siya kagabi at ang epekto na nga niyon ay ang pagsakit ng ulo niya na parang anumang oras ay mabibiyak. Ipinatong niya ang mga siko sa hita niya saka isinubsob ang mukha sa nakabukang palad.
            Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha patungo sa kanyang may kahabaan na buhok na bahagyang tumatabing sa noo niya.
            Ano ba ang nangyari kagabi?
            Of course. Alam niya kung ano ang nangyari kagabi bago siya makatulog. As in ang buong nangyari kagabi. Walang kulang at walang sobra. Oo. Lasing siya ngunit hindi ibig sabihin niyon ay makakalimutan na niya ang mga nangyari. Ang muntikan ng mangyari sa pagitan nila ni Jake bago siya igupo ng antok.
            Tandang-tanda pa niya. Malinaw sa kanyang utak ang imahe ng mga bagay na nasimulan nila kagabi kung hindi lang siya nakatulog. That moment can lead to something if only not that sleepiness intervened. Pero naisip niya ngayon pa lang na kung hindi siya nakatulog habang pinagpapala ng kamay niya ang kakisigan ni Jake ay baka pagsisihan na niya iyon.
            Right now at this moment he was feeling guilty. Kung nangyari sa kanila ni Jake ang bagay na naudlot ay mas lalo pa siyang magsisisi. May boyfriend siya, si Devin, pero gumawa siya ng ganoon na bagay sa ibang lalaki at hindi rito. Uri na iyon ng pagtataksil. Ang pagsisisi niya ay mas lalo pang nadagdagan ng maalala ang boyfriend niya. Inaamin niya na may tampo siya rito dahil hindi niya ito makontak. Si Devin pa nga ang dahilan kung bakit siya uminom pero hindi iyon sapat na dahilan para maging intimate siya sa ibang lalaki para lang mapunan ang kasabikan niya kay Devin.
            Mas isinubsob niya ang mukha sa kanyang palad. Ano na lang ang sasabihin sa kanya ni Devin kung sakaling nangyari nga sa kanila ni Jake ang pagtatalik na iyon?
Ano na lang ang magiging reaksyon nito?
            Nawala siya sa pagtatanong sa sarili ng gumalaw ang katabi niya. Napatingin siya doon. Nakita niya ang maamong mukha ni Jake. Nakapikit ito at bahagyang nakaawang ang mga labi. Pantay ang paghinga. Himbing na himbing sa pagtulog. Hindi niya napansin na katabi niya pala ito. Masyado siyang lulong sa pag-iisip ng kung anu-ano para sa sarili kaya hindi niya ito napansin.
            Nang muli itong gumalaw, bumaba ang kumot na nakatabing sa katawan nito. Sapat para makita niya ang kahubdan nito lalo na ang umbok na natatakpan ng kapirasong tela.
            Nag-iwas siya ng tingin saka dahan-dahan na tumayo. Umalis siya sa ibabaw ng kama at hinanap ang suot niyang damit kagabi. Nakita niya iyon sa ibaba ng kama. Mabilis ang pagkilos na isinuot niya iyon. Dahan-dahan ang kanyang kilos. Maingat para makaiwas sa paggawa ng ingay na gigising sa natutulog na si Jake. Hindi niya gustong magising ito. Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi niya kayang makausap at makaharap ito tungkol doon. Hindi ngayon at alam niya na hinding-hindi niya bubuksan ang topic na iyon na nangyari sa kanila.

FRUSTRATING. Iyon ang salitang eksaktong kahulugan ng nararamdaman ni Devin. Kanina pa niya -- mali -- kahapon pa niya tinatawagan si Hyde gamit ang nahiram na cellphone mula sa kanyang pinsan ngunit hanggang ngayon na umaga na ay hindi pa rin niya magawang makausap si Hyde. Sobra siyang naiinis, hindi para kay HYde, kundi para sa sarili dahil sa nangyayari. Kung sana matagal na siyang nanghiram ng cellphone sa pinsan niya ay baka kausap niya ngayon si Hyde.
            Malapit na ang monthsary nila. Second monthsary to be exact at gusto niya na maging espesyal iyon sa kanilang dalawa kahit na malayo pa sila sa isa'-t-isa. Kahit na imposible na makasama niya ito pero gagawa siya ng paraan para sa relasyon nila. Para kay Hyde at para sa kanya.
            He was hoping that Hyde will answer him the soonest. Sawa na siya sa boses ng babae na sumasagot sa kanya tuwing tatawagan niya si Hyde. Bukod pa roon ay nalalapit na rin ang oras niya sa paghiram ng cellphone ng pinsan niya.
            "Hyde, please, answer my call." Ang piping hiling niya.
            Kilala niya si Hyde. Madali itong magtampo sa mga ganitong bagay. Ilang beses na ba silang nalalayo sa isa't-isa? At ilang beses na ba na nagkasagutan sila sa phone dahil sa hindi pagsagot agad-agad sa tawag nila sa isa't-isa? Marami na.
            At ngayon ay sobra siyang naiinis sa nangyayari sa kanilang dalawa. Palagi naman mula ng magkalayo sila ngunit ang intensidad ngayon ay tila may pinanggagalingan. Pakiramdam niya ay may mangyayari o kaya nangyari na na hindi dapat.
            Alam niya na para siyang paranoid sa naiisip ngunit ang intuition niya ay sobrang lakas sa ganitong bagay. Sana lang ay walang nangyari kay Hyde. Sana lang kapag nakausap niya ito hindi ito magtampo o kaya magalit sa kanya.
            Sa huling pagkakataon na ang boses ng babae ang sumagot sa kanya. Tumigil na siya. Walang patutunguhan ang ginagawa niya. Kahit anong pilit niya na tawagan si Hyde, kung hindi naman nito sasagutin, wala rin namang mangyayari.
            Sa halip na isauli ang cellphone sa pinsan. Nag-dial siyang muli. Sa pagkakataong iyon, si Theo ang tatawagan niya.  
            Ilang ring lang ang nangyari bago sagutin ni Theo ang tawag niya.
            "Hello." Sagot nito sa kanyang tawag. Medyo bahaw ang boses nito. Halata na galing sa pagtulog.
            "Nakaistorbo ba ako?" Tanong niya rito.
            "Yeah." Anito saka umungol. "Istorbo ka sa pagtulog ko, Dela Cruz. Bakit ka napatawag?"
            "Makikibalita lang." Aniya.
            "Sa akin o kay Hyde?"
            "Kay Hyde," sagot niya saka bumuntung-hininga. "He's not answering my call, Theo."
            "Baka lowbatt."
            "Hindi ko alam. Mula pa kagabi hanggang ngayon hindi siya sumasagot. I'm worried. Baka nagtampo na naman siya sa akin sa hindi ko pagtawag at pagpaparamdam sa kanya ng halos isang araw."
            "Ano ba kasi ang nangyari? I'm also calling you yesterday morning but you were not answering my call."
            "Nakikigamit lang ako ng cellphone sa pinsan ko. Nasira ang cellphone ko. Mabuti na nga lang at hindi ang sim card."
            "Aw. It sucks. Siguro dahil doon kaya hindi niya sinasagot ang tawag mo. Alam mo naman ang boyfriend mo, matampuhin. Baka nagtampo na iyon sa `yo."
            "Salamat, ah. Maraming salamat." Sarkastiko niyang saad.
            Sa mga sinabi ni Theo mas lalo siyang nalungkot. Hindi niya maiwasan ang mag-alala. Katulad nga ng sinabi niya kanina sa sarili, kilala niya si Hyde. Alam niya kung paano ito magtampo.
            "Nalungkot na ang gago. Uy! Hindi ka na nagsalita?"
            "Kasalanan mo `to. Imbes na pagaanin mo ang pakiramdam ko mas lalo mo pa akong pinapalungkot sa mga sinabi mo."
            "Bakit ka nga ba tumawag?"
            "Dahil kay Hyde."
            "Gusto mong kumustahin ko siya? Puntahan?"
            "Kung hindi nakakaabala."
            "Abala `to sa `kin. Mabuti na lang at mabait ako kaya gagawin ko ang pinapagawa mo."
            "Salamat. I-text mo na lang ako kapag nakita at nakausap mo na siya. Malapit na ang second monthsary namin, Theo. Gusto ko siyang makita at mahagkan."
            "The problem with LDR." Anito. Napapalatak. "Sobra ko na siyang nami-miss."
            Hindi nagsalita si Theo. Bumuntung-hininga lang ito. Waring nadarama ang pinagdadaanan niya ngayon.
            "Hayaan mo makakarating ang lahat ng bagay na sinabi mo."
            "Salamat."
            At least he was relieved. Alam niya na maaasahan niya si Theo sa ganitong bagay. At sana kapag nakausap na nito si Hyde ay tawagan siya nito para makapag-usap na silang dalawa. Kung sakali rin ay makahingi ng tawad dito sa hindi niya pagpaparamdam. Sana maging okay sila kahit na ganito ang set-up nilang dalawa.
            Napabuntung-hininga siya.   

KINAPA-KAPA ni Jake ang katabi niyang natutulog ngunit wala ang pamilyar na init na nagmumula kay Hyde. Iminulat niya ang mata. Saka pa lang niya napagtanto na nag-iisa na siya sa kanyang higaan. Wala si Hyde sa tabi niya. Walang bakas nito sa loob ng kwarto niya. Umalis si Hyde habang tulog siya. Hindi man lang niya namalayan. Masyado siyang himbing na himbing. Masyado siyang panatag sa kaalaman na nasa tabi niya ang taong mahal at hindi aalis sa tabi niya.
            He heaved a sigh.
            Ngayong lang niya naisip ang mga bagay na posibleng mangyari sa kanila pagkatapos kagabi. Alam niya na lasing si Hyde pero hindi iyon kabawasan para hindi nito malaman ang muntik ng mangyari sa kanila. Kaya ito umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya dahil doon.
            Umupo siya sa higaan niya. Ipinatong ang mga siko sa magkabilang hita. Isinubsob ang mukha sa nakabukas na palad. Ano na ngayon ang gagawin niya? Paano niya lalapitan si Hyde sa paraan na hindi ito maiilang sa kanya? Paano niya maibabalik ang dating pagsasamahan nila?
            Nagdesisyon siyang umalis sa ibabaw ng higaan niya para maligo. Hindi niya masasagot ang mga katanungan niya sa sarili kung hindi siya gagawa ng paraan. Kailangan niyang puntahan si Hyde para makausap niya ito.
            Dumiretso siya sa loob ng banyo. Hinubad ang suot na brief saka pinihit ang gripo. Malayang tumulo sa kanyang katawan ang malamig na tubig. Bahagya pa siyang nangaligkig dala ng lamig. Isinandal niya ang mga palad sa pader habang nakayuko.
            Slowly, his manhood erected. Tila totoong-totoo na sumagi sa isipan niya ang namagitan sa kanila ni Hyde kagabi. Kahit na hindi iyon natapos. Namalayan na lang niya ang sariling pinapaligaya. Thinking of what might happen between them if Hyde didn't fell asleep.
            Mas lalong uminit ang nararamdaman niya sa mga eksenang naglalaro sa isipan niya. Thinking of doing those thing with Hyde. The pace of stroking his manhood went faster. Mas lalo iyong bumilis hanggang sa maramdaman niya na malapit na siya sa sukdulan ng kanyang pagnanasa.
            Nang makaabot siya sa sukdulan kasabay niyon ang pagbigkas sa pangalan ni Hyde at ang mahabang pag-ungol.
            Agad din naman siyang natapos sa pagligo.
            Lumabas siya ng kwarto pagkatapos makapagbihis. Eksaktong pababa na siya ng hagdan nang makita niya ang katlong nila.
            "Alam mo ba kung anong oras umuwi si Hyde?"
            "Hindi po. Hindi ko po napansin."
            "Okay."
            Nilampasan niya ito saka nagtungo sa garahe para kunin ang motor niya. Habang nagmamaneho ang mukha ni Hyde ang nasa isipan niya. Ang posibleng mangyari sa pagitan nila kapag nag-usap silang dalawa.
            Agad naman na nakarating si Jake sa bahay nina Hyde. Pababa na siya ng motor nang lumabas si Clyde sa gate ng mga ito. Agad niya itong nilapitan.
            "Nandyan ba si Hyde?"
            "Nasa loob ng kwarto. Pumasok ka na lang. Ikaw ba ang kasama niya kagabi?"
            Tumango siya. "Ako nga. Sa bahay siya natulog."
            "Ganoon ba." Anito saka tumango-tango. "Sige. May pupuntahan pa ako."
            Dumiretso siya sa kwarto nang makapasok siya sa loob ng bahay. Naabutan niya sa loob si Hyde. Nakahiga sa kama. Nakapikit ang mata. Pantay ang paghinga. Mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hinaplos ang pisngi nito saka napangiti.
            Kailan kaya niya masasabing sa kanya ito? Kailan ba niya ito maaangkin ng buong-buo at walang katunggali?
            Ang nangyari sa kanila kagabi ay isa sa pinakamaligayang gabi sa buhay niya sa piling nito. The feeling was overwhelming like no one could give only Hyde. Kapag ginagawa mo pala ang bagay na iyon kasama ang taong mahal na mahal mo ay parang kontento ka na kahit na alam niyang hindi iyon natapos. Ganoon pala kasaya ang pakiramdam kapag katabi mo ang taong mahal mo sa higaan at ang mukha nito ang makikita niya bago siya matulog. Sana pagdating ng panahon ay araw-araw na mangyari iyon. Hinding-hindi siya magsasawa na makita at hagkan si Hyde.
            Sana nga lang ay ganoon din ito sa kanya.
            Kailangan ni Jake na panatilihin ang reyalidad sa sarili. Kailangan niyang ipako ang sarili sa kaalaman na walang sila ni Hyde at may Jake na ito. Kailangan niyang itama ang isang gabi ng pagkakamali kasama ang taong mahal na ang turing sa kanya ay isa lamang na kaibigan.
            Bumaba ang mukha niya sa mukha ni Hyde para bigyan ito ng magaan na halik sa pisngi. Hindi pa man siya nakakalapit nagmulat ito ng mata. Nagtama ang kanilang paningin.
            Kimi siyang napangiti samantalang ito ay blangko ang ekspresyon.
            Inalis nito ang nakahawak niyang kamay sa mukha nito saka lumayo sa kanya.
            "Anong ginagawa mo dito?"
            "Nandito ako para makausap ka." Sagot niya. Nakadama siya ng lungkot sa pinapakita nitong reaksyon sa kanya.
            "Wala naman tayong dapat pag-usapan, eh." Sagot nito saka nag-iwas ng tingin.
            "Meron. Alam mong mayroon, Hyde."
            "Hindi na natin dapat na pag-usapan iyon."
            "Lalayo ka ba sa akin dahil doon?"
            "Ano sa tingin mo?"
            Halos gumuho ang loob niya sa malamig na balik-tanong nito sa tanong niya. Sa sagot at sa pinapakita nitong kalamigan ay alam na niya ang kasagutan. Nagsusumigaw iyon pero hindi kayang tanggapin ng sistema niya.
            "Hindi ka naman lalayo sa akin." Aniya. Napalunok. Pakiramdam niya ay may malaking bara sa lalamunan niya. "H-hindi ako hihingi ng tawad s anangyari sa atin, Hyde."
            "Hindi ko naman hinihingi ang sorry mo. Pansamantala, gusto kong magkaroon ng distansya sa pagitan natin, Jake. Sa ngayon kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa atin kung hahayaan ko ang sarili ko na mapalapit pa sa `yo. Alam nating pareho na mali iyon. Alam nating pareho na may boyfriend ako. Alam nating pareho na maha --"
            "Alam ko." Putol niya sa sasabihin nito. "Natatandaan mo ba ang sinabi mo sa akin kagabi bago ka sumuka?"
            Hindi ito nagsalita.
            "Malaki ang chance ko na magustuhan mo. In a way, you are attracted to me. Nagkataon lang na mas nauna mong nakita at minahal si Devin. Siguro, if we started in the right foot, maybe the feeling that you have now with Devin will be mine."
            "Natatandaan ko ang lahat ng nangyari sa atin. Ang lahat ng sinabi ko."
            "You're not sorry, are you?"
            "Hindi. Nangyari na ang nangyari. Wala na akong magagawa. Ang pinagsisihan ko lang, sa nagawa natin, para ko na ring niloloko si Devin. Hindi dahilan ang pagkalasing, ang pagtatampo ko sa kanya para humantong tayo sa ganoon na sitwasyon pero wala naman na tayong magagawa. Kaibigan pa rin naman kita."
            "Pero?"
            "Kailangan kong lumayo sa `yo."
            Napayuko siya. Pinigilan ang sarili na maiyak. Ilang beses na ba siyang nasaktan ni Hyde? Marami na ngunit hindi siya nagsaswa na masaktan nito. Alam niya na may hahantungan ang pag-ibig niya rito. Magagantihan nito iyon pero ang sakit na nadarama niya ngayon ay mas matindi. May pakiramdam siya na ito na ang huli nilang pag-uusap. May pakiramdam siya na tuluyan na siya nitong lalayuan dahil sa nangyari.
            "Pwe-pwede ba kitang yakapin?" Tanong niya.
            Hindi ito tumugon pero kinuha niya iyon bilang pagsang-ayon. Lumapit siya rito at niyakap ito nang mahigpit. Hinalikan niya rin ang ulo nito.
            "I love you, Hyde. Lalayo ako sa `yo but it's just for the meantime. Babalik ako sa `yo. Kaibigan pa rin kita. Magkaibigan pa rin naman tayo, hindi ba?"
            "Paulit-ulit na lang `to." Sabi nito. "Hindi ka nagsasawa sa akin, Jake. Paano kita tuluyang lalayuan kung ganito ka ka-dedicated sa akin? Kung gaano mo pinaparamdam sa akin ang kahalagahan ko?" Suminghot ito. "Hindi naman ako tuluyang lalayo sa `yo. Kailangan ko lang talagang gawin ito para sa kapakanan ko at sa kapakanan mo. Ayokong masaktan si Devin."
            Kaya ako ang sinasaktan mo, Hyde?
            Nais niyang isatinig iyon ngunit hindi niya ginawa. He just hugged him tightly. Preventing his tears to fall. Masakit. Pero sanay naman siya sa ganito. Ang konsolasyon niya ay hindi ito pangmatagalan. Alam niya na muli silang magiging malapit sa isa't-isa. Alam niya na hindi ito magtatagal.

AYAW NIYANG masaktan si Devin ngunit kabaliktaran naman ang ginagawa niya kay Jake. Alam niya na mas ito ang nasasaktan sa kanilang dalawa. Si Jake na ang tanging hiling ay magantihan niya ang pagmamahal na binibigay sa kanya at nasa tabi niya mula pa noon. Si Jake na nagsisilbi niyang sandalan mula nang mawala si Devin sa eksena at pumunta sa probinsya. Si Jake na nagbago dahil sa kanya. Si Jake na gagawin ang lahat para mapasaya siya kahit na sobra na niya itong nasasaktan.    Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito saka mahinang umiyak. Nakokonsensiya sa dalawang tao na nagpapakita at nagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya. Nakokonsensya siya sa mga bagay na nagawa at ginagawa niya.
            Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Jake. Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. Mas humigpit din ang pagkakayakap nito sa kanya na parang mawawala siya.
             "I love you, Hyde. Lalayo ako sa `yo but it's just for the meantime. Babalik ako sa `yo. Kaibigan pa rin kita. Magkaibigan pa rin naman tayo, hindi ba?" Tanong nito.
            "Paulit-ulit na lang `to." Sabi niya. "Hindi ka nagsasawa sa akin, Jake. Paano kita tuluyang lalayuan kung ganito ka ka-dedicated sa akin? Kung gaano mo pinaparamdam sa akin ang kahalagahan ko?" Suminghot siya. "Hindi naman ako tuluyang lalayo sa `yo. Kailangan ko lang talagang gawin ito para sa kapakanan ko at sa kapakanan mo. Ayokong masaktan si Devin." At ayokong lumayo ka sa akin ng tuluyan.
            Hindi siya mawawala rito. Hindi ito mawawala sa buhay niya. Takot siya na mawala si Jake sa buhay niya. Baliw na siguro siyang maituturing. Sadista pa malamang dahil kahit na nasasaktan niya ng paulit-ulit ang lalaking ito ay mas gusto niyang manatili lang ito sa tabi niya. Na huwag maputol ang ugnayan nila.
            Napatingin siya sa pinto ng kanyang kwarto nang bumukas iyon. Nakita niya ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Theo habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Jake na magkayakap.

Itutuloy…

6 comments:

  1. Grabe ang ganda talaga!!!
    TEAM JAKE FOREVER!!!

    #LSDee

    ReplyDelete
  2. Sayang naman bitin pa more :3 ang tagal ng plano ni Vix kelan kaya mangyayari yun?

    ReplyDelete
  3. C jake nalang please? Haha

    ReplyDelete
  4. Sana huawag mag judge si Theo sa nakita. Salamat sa update. Ingat.

    ReplyDelete
  5. Ba..kit, ba.....kit, bakit hindi natuloy..! Pero yung shower scene naimagine ko ng buo, hahaha. Since malaki talaga ang pagasa ni Jake, sana nmn next chapters, makapili n xa nang isa, hindi yung parehas nya gusto at sana si Jake ang piliin nya. Kung hindi nmn, come to me Jake haha.

    ReplyDelete
  6. Sana si Jake na lang ang piliin, please. Huhu.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails