Followers

Tuesday, December 1, 2015

String from the Heart [32]



Author’s Note

Para sa mga taong nagsawa na, magsasawa pa lang at hindi nagsasawa sa istorya na ito. Para sa mga taong nag-aabang sa story kahit na sobrang tagal ng update. Sa mga mambabasa na tahimik at lalo na sa mga nagkokomento.
 MARAMING SALAMAT PO!
Humihingi na rin ako ng paumanhin (Ulit) sa sobrang tagal ng update.

Sana po ay ma-enjoy niyo ang chapter na ito kahit na bitin at sadyang pinutol. Hehe. Salamat ulit! 

CHAPTER THIRTY-TWO

THE NUMBER you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try you call later.
            Iyon ang paulit-ulit na naririnig ni Hyde sa paulit-ulit niyang pagtawag sa numero na gamit ni Devin. Kanina pa siya naiinis. Sinadya niya talagang magpa-load para may pantawag siya kay Devin pero hindi naman niya ito makontak. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari dito idagdag pa na malapit na ang monthsary nila kaya desidido talaga siyang matawagan ito. Ilang araw na lang, limang araw eksakto at monthsary na nila. Kahit sa text ay gusto niyang ipadama kay Devin kung gaano niya ito kamahal at nami-miss ngunit hindi naman niya ito makontak. Ang saklap lang talaga.
            Napabuga siya ng hangin saka nagdesisyon na tumigil na sa ginagawa. Kahit na anong pag-ulit ang gawin niya at mapudpod ang daliri niya sa kaka-dial sa numero ni Devin wala rin namang mangyayaring maganda dahil wala rin naman ang tinatawagan niya.
            Isinilid na lamang niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot niyang short saka naglakad pabalik sa bahay nila.
            Hindi man lang niya masulit ang bakasyon niya. Sana, hinihiling niya na kasama niya ngayon si Devin. Pareho silang nag-e-enjoy sa presensiya ng isa't-isa.
            Imbes na bumalik sa bahay nila nag-desisyon siya na magtungo sa lugar na pinupuntahan nilang dalawa. Nauwi siya sa isang branch ng fastfood chain kung saan sila palaging kumakain na dalawa.
            Um-order siya ng pagkain na kinakain nila palagi. Habang kumakain ay hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Bakit ganoon? Kahit na sila pa pakiramdam niya ay parang hindi silang dalawa. Hindi siya sanay sa ganitong set-up ng relasyon. Alam niya na may mga taong may ganitong set-up pero hindi sa kanya applicable iyon. He wanted Devin's presence beside him. Gusto niya na nahahawakan ito. Iyong napapadama niya rito ang mga bagay na ginagawa nito sa kanya. Gusto niya na nasa tabi niya lang ito.
            Nagsimulang tumulo ang luha niya. Tila pumalya rin ang panlasa niya dahil hindi niya malasahan ang pagkain na kinakain. Itinabi niya iyon saka pinunasan ang luhang umagos sa kanyang pisngi.
            Nami-miss na niya si Devin nang sobra. Halos mag-iisang buwan na silang dalawa na hindi nagkikita at sa cellphone lang magka-usap. At ngayon na kung kailan malapit na ang monthsary nila saka naman silang dalawa mawawalan nmg komunikasyon. He wanted to know the reason why he couldn't contact Devin's number.
            Isinubsob niya ang mukha sa kanyang palad habang mahinang umiiyak. Napatuwid siya ng upo nang maramdaman niya ang paghagod ng kung sino sa kanyang likod. Inalis niya ang pagkakatakip ng palad sa kanyang mukha para matingnan kung sino ang taong iyon.
            Nakasalubong niya ang titig ni Jake. Mababakas ang kalungkutan sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.
            "Bakit ka umiiyak?"
            Sa halip na sumagot ay napayakap siya rito na ikinagulat nito.

HINDI INAASAHAN ni Jake na sa halip na sagutin ni Hyde ang tanong niya ay yayakapin siya nito nang mahigpit. Hinayaan na lamang niya ito habang mahina niyang hinahaplos ang likuran nito. Umiyak ito sa kanyang dibdib. Basa na ang suot niyang t-shirt ngunit hindi niya iyon iniinda. Nag-aalala siya para kay Hyde. Hindi siya sanay na nakikita itong malungkot at alam niya ang dulopt ng kalungkutan na iyon ay si Devin. Halos mag-iisang buwan na wala si Devin sa tabi nito. Kahit na may ideya siya kung saan na si Devin ay wala siyang balak na sabihin iyon dito dahil ayaw naman niyang mabulilyaso ang plano ng papa niya para sa isang anak nito.
            Nakakadama siya ng pagka-konsensiya ngunit hindi naman niya pwedeng sirain ang plano. Sa ngayon ang tanging magagawa niya ay ang damayan ito sa kalungkutan nito lalo na at nalalapit na ang monthsary ng dalawa.
            "Gusto mo bang umalis na dito?" Tanong niya rito. Halos pabulong iyon dahil malapit sa tainga nito ang bibig niya.
            "Oo." Anito sabay layo sa kanya. Pinunasan nito ang luha saka naunang tumayo at iniwanan siya. Sumunod siya rito.
            Nang nasa labas na sila ay mas nauuna itong naglalakad sa kanya. Nanatili siyang nasa likuran nito at sinusundan ito ng tingin.
            "Saan mo gustong magpunta, Hyde?" Tanong niya.
            Hindi ito tumigil sa paglalakad.
            "Kahit saan."
            "Gusto mo bang mamasyal?"
            "Hindi ko alam. Kahit saan mo ako dalhin, okay lang sa akin, Jake."
            Binilisan niya ang paglalakad para umagapay dito. Hinawakan niya ang kamay nito. Hindi ito pumalag.
            "Mamasyal na lang tayo."
            Ngumiti ito. Ngiti na nagpangiti sa kanya.
            "Ikaw ang bahala."
  
TAMA NA ang pagkakataon para magawa ni Chloe ang plano niya kay Hyde na may basbas mula kay Vix. Nasa isang maliit na kwarto siya. Sa lugar na ito balak niyang yayain si Hyde pagkatapos nilang pumunta sa bar. Isasakto niya ang araw ng plano sa second monthsary ni Hyde at Devin. May mga na-install na rin na hidden camera sa kwartong iyon. Naiisip pa lang niya ang makukunan nilang gagawin nito kasama si Jake ay sobrang natutuwa at nasisiyahan na siya. Kasabay ng saya na nadarama niya ay ang pagkawasak naman ng relasyon ni Hyde kay Devin. Hindi niya lang alam kung pagkatapos na mangyari ang bagay na iyon ay sasaluhin pa ni Jake si Hyde. Pero malakas ang hinala niya na sasaluhin nito si Hyde dahil sa sobrang pagmamahal sa baklang iyon. Si Vix na ang bahala kung ano ang gagawin nito kay Jake pagkatapos ng lahat.
            Gusto na rin niyang matapos ang kanilang plano at magawa ito para makuha na niya ang kalahating bayad na hindi pa naibibigay sa kanya ni Vix. Bukod pa roon gusto na rin niyang makalayo sa lugar na iyon lalo na kay Gardo na muling nagbabalik sa buhay nila.
            Pagkatapos nang nangyari sa kanila, alam niya na muling mauulit iyon. Ayaw na niyang mangyari pa ang pakikipagtalik sa lalaki dahil sa natatamo niyang pisikal na pananakit dito kapag nagtatalik sila. Sa katunayan nga ay may mga pasa siya sa likuran dahil sa kagagawan nito. Masyadong sadista ang lalaki at hindi siya sadomasochist na tao. Ayaw na ayaw niya ang nasasaktan. Gusto niya ay purong kaligayahan lang na nakukuha sa pakikipagtalik. Kay Vix at Clyde lang niya nadama ang kaligayahan na abot sa rurok na walang natatamong pasa.
            Dahil nga sa mga pasa niya, hindi niya magawang makipagtalik kay Vix. Ayaw niyang makita nito ang mga pasa niya at pagdudahan siya nito. Ang alam kasi ng lalaki ay tanging ito lamang at si Clyde ang nakakasiping niya.
            Ilang araw na rin siyang tigang. Gusto na niyang madama ang katawan ni Vix o kaya ni Clyde ngunit hindi niya magawa.

NAUWI SI Hyde at Jake sa isang parke. Nang makaupo sila sa concrete bench habang nakatanaw sa ibang tao na nilalampasan sila, may kasama man o wala. Walang imik si Hyde. Katahimikan ang tanging gusto niya ngunit alam niya na malabo niyang makukuha iyon sa lugar na pinuntahan nilang dalawa ni Jake.
            Tahimik lang si Jake habang katabi niya. Parang pinapakiramdaman nito ang mga kilos at gagawin niya.
            "Gusto mo bang kumain, Hyde?"
            Napatingin siya kay Jake. Makikita ang lungkot sa mata nito habang nakatingin sa kanya. Alam niya na nahihirapan ito sa sitwasyon niya pero nandito pa rin ito sa tabi niya. Napansin niya na tuwing nasa miserable siyang kalagayan ay palaging ito ang dumadamay sa kanya. Jake was always there beside him no matter what.
            "Hindi ko gustong kumain."
            "Sigurado ka ba?"
            Tumango siya.
            "Pwes ako hindi sigurado. Kailangan mong kumain, Hyde. `Wag mong masyadong isipin ang pagkakalayo niyo ni Devin. Alam ko na katulad mo, iniisip ka rin niya. Alam ko na malalampasan n'yo `to."
            "Malapit na ang second monthsary namin ni Devin." Aniya. "Sa totoo lang hindi ko ini-expect ang ganitong sitwasyon namin na dalawa. Hindi ako sanay sa ganito at lalong wala sa isipan ko na magkakalayo kami. Mahirap pala ang ganitong sitwasyon lalo na at wala kayong klarong usapan. Basta na lang siyang umalis nang walang paalam. Oo, nag-uusap kami pero minsan lang. Pakiramdam ko hindi sapat iyon sa akin. Tapos ganito pa ang nangyayari, parang anumang araw o oras ay mawawalan na kami ng komunikasyon na dalawa."
            "`Wag mo kasing masyadong isipin. Kung may dapat ka mang isipin iyon `yung babalik siya para sa `yo."
            "Naiisip ko naman `yan pero hindi ko maiwasan magtanong kung kailan siya babalik."
            Natahimik ito. Napangiti naman siya ng mapait.
            "Gusto kong uminom ng alak."
            "Hindi ka naman umiinom ng alak."
            "Kahit ngayon lang, Jake. Gusto kong magpakalasing."
            "Pasensya na pero hindi pwede."
            "Pwede bang kahit ngayon lang." Naiinis niyang sabi. "Bakit ba ako makikinig sa `yo samantalang wala ka naman kinalaman sa problema ko."
            Napangiti ng mapait si Jake saka umiling. "May kinalaman ako sa problema mo. The moment you share what you are feeling to me, may kinalaman na ako roon."
            "Pero hindi mo ako magawang damayan."
            "Dinadamayan na kita, Hyde. Ayoko lang na magpakalasing ka dahil doon. Sa tingin mo masosolusyunan ang problema mo ng alak?"
            "Kahit sandali, oo."
            Umiling-iling ito. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
            "Hindi matigas ang ulo ko." Aniya. "Kaya kong uminom ng mag-isa. I can live with just myself." Aniya sabay tayo at iniwan ito.
            "Hyde!" Nakukunsuming tawag sa kanya ni Jake.
            Hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad. Napahinto lang siya nang hawakan ni Jake ang braso niya at paharapin siya nito.
            "Ang tigas ng ulo mo. Kung gusto mong uminom, then fine! Sasamahan kita. Pero hindi ka sa bar maglalasing. Sa bahay tayo."
            "Okay." Pagsang-ayon niya.

MULA sa parke, dumiretso sina Jake at Hyde sa isang maliit na grocery store para bumili ng maiinom nilang alak. Nakasunod lang siya kay Jake habang naghahanap ito ng alak na hindi raw siya agad na malalasing. Duda siya sa sinabi nitong hindi siya agad na malalasing dahil mahina ang alcohol tolerance niya. Ngayon lang naman kasi siya iinom ng alak. Iyong tipong talagang laklak ang gagawin. Gayunpaman hindi siya nagsalita. Kung magsalita kasi siya ay baka hindi na naman pumayag ang lalaki.
            "SanMig Light." Sabi nito sabay baling sa kanya. Hawak sa kanang kamay ang bote ng sinabing inumin. "O kaya naman Tanduay ice na lang."
            "Gusto ko ng hard drink."
            "Hindi ka naman sanay uminom. Trust me, Hyde. Kapag uminom ka ng alak at nagpakalasing ngayon pagsisihan mo lang kinaumagahan dahil sa hang over."
            "I can manage." Naiinis na sagot niya.
            Napabuntung hininga na lamang ito saka naglakad palayo sa kanya para pumunta sa gondola kung saan nakalagay ang hard drink na sinasabi niya.
            Kumuha ito niyon saka walang lingon na nagtungo sa counter para bayaran iyon. Sumunod na lang siya.
            Nang matapos ito ay agad na lumabas ng store. Hindi pa rin siya nililingon o hinintay man lang.
            "Hoy, Jake! Hintayin mo ako." Aniya rito.
            Tumigil naman ito saka humarap. Nakakunot nga lang ang noo.
            "Kung ayaw mo akong uminom o samahan uminom ayos lang sa akin. Hindi `yong ganito ang attitude mo."
            Kanina pa siya nakakadama ng inis dito. Pagkapasok na pakapasok kasi nila sa grocery store ay hindi na ito umimik at lagi siyang iniiwan. Pinapakita lang talaga na ayaw nito sa ideyang umiinom siya.
            "Kung makaarte ka parang hindi ka umiinom at hindi napapakalasing, ah."
            "Magkaiba tayong dalawa. I can always manage myself. Sanay akong uminom hindi katulad mo na hindi naman."
            "Ewan ko sa `yo. Kanina pa ako naiinis sa `yo."
            "Eh `di mainis ka. Concern lang naman ako sa `yo."
            "Hindi ko kailangan ang concern mo. Ang kailangan ko drinking buddy."
            Muli, bumunot ito ng isang malalim na buntung-hininga. "Fine. Fine. Fine." Anito sa sumusukong tono.


SI HYDE pa rin ang nanaig. Lihim siyang ngumingiti habang nakaupo sa isang bakal na upuan na nasa balkonahe ng malaking bahay ng mga Jacinto. Hinihintay niya si Jake na nasa kusina ng malaking bahay para ihanda ang mga gagamitin nila sa pag-inom. Habang naghihintay siya ay abala naman siya sa pagtingin sa cellphone niya. Kanina pa niya tintawagan si Devin ngunit katulad kanina wala pa rin tugon at hindi niya makontak ito. Laging ang boses ng babae ang sumasagot sa kanya. Sa ilang ulit na pagsubok niyang tawagan ang nobyo ay mas lalong nadadagdagan ang disappointment niya sa mga nangyayari. Lalo rin siyang nalulungkot sa nangyayari sa kanilang relasyon. Mas lalong sumisidhi ang hangarin niya na magpakalasing at pansamantalang kalimutan si Devin at ang nangyayari sa kanila.
            Alam naman ni Hyde na walang maitutulong ang pag-inom pero gusto niyang pansamantalang makawala sa lungkot na dulot ng pagka-miss kay Devin. Itinabi niya ang cellphone sa mesa. Mas mainam ng huwag niyang hawakan iyon at paulit-ulit na tawagan si Devin. Doon man lang ay mabawasan ang lungkot na nadarama niya.
            Binalingan niya ang chips na nasa mesa. Iyon ang pinagtuunan niya ng pansin habang hinihintay si Jake na dumating. Kanina pa niya ito gustong sunadan para masimulan na ang kanilang session ngunit ayaw naman niyang masabihan ng atat kahit na sobra na talaga siyang atat.
            Pinapak niya ang chips. Tiyak niya na kapag dumating si Jake ubos na niya ang pulutan nila. Halata naman kasing pinapatagal ng lalaki ang pagkilos para imbes na makarami sila ay makakaunti lang.
            Ubos na nga niya ang chips nang dumating si Jake. Napansin niya na pambahay na ang suot nito. Sandong kulay itim at shorts na abot hanggang tuhod. Pinagmasdan niya ito. Kahit simpleng pambahay na damit ay bagay dito. Magaling talaga itong magdala ng damit.
            "Hindi na ako magtataka kung bakit ka natagalan."
            "Pasensya naman. Kanina pa ako naiinitan at pinagpapawisan kaya nagbihis muna ako bago bumalik dito. Kung gusto mo magpalit ka na rin ng damit muna."
            "Huwag na."
            "Magpalit ka na muna ng damit bago tayo uminom para komportable ka."
            Napasimangot siya. "Talagang sinasadya mo naman na patagalin ang kilos mo."
            Hindi ito nagsalita.
            "Peste ka, Jake."
            "Magbihis ka na muna para komportable ka. Nakahanda naman na `yong damit na susuotin mo sa kwarto ko. Nakalapag sa kama."
            Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki kahit na naaasar na siya rito talaga.
            Agad niyang hinubad ang suot na damit saka kinuha ang damit na nakalapag sa ibabaw ng kama ni Jake. Simpleng blue t-shirt iyon. May kaluwangan sa kanya. Di hamak naman kasi na mas malaki ang katawan sa kanya ni Jake. Halata naman sa katawan ng lalaki na naggi-gym ito. Sunod niyang hinubad ang suot na short. Itinira niya ang suot na boxer shorts. Ang sabi ni Jake para maging komportable siya. Pwes, komportable na siya sa boxer short niya kaysa suotin pa ang inihanda nitong jersey short na susuotin niya.
            Bumaba na siya nang matapos sa pagbibihis. Naabutan niyang nakahanda na ang iinumin nila at lahat-lahat na kailangan. Dumulog siya roon at umupo sa binakante niyang upuan kanina.
            "Simulan na natin."
            "Ano pa nga ba? Wala naman na tayong ibang gagawin."


ANG TANGING gustong gawin ni Jake ay titigan ang bahagyang pamumula ng mukha ni Hyde na dulot ng alak na iniinom nila. Mapungay na rin ang mga mata nito na ilang minuto na lang yata ay pipikit na ngunit pinaglalabanan pa in nito. The redness of his cheeks just make him more handsome in his eyes. Parang gusto niyang haplusin at hawakan iyon. Gusto niyang madama ang mukha nito. Bumaba ang kanyang paningin sa mga labi nito na pulang-pula. Sa totoo lang matagal na niyang gustong mahalikan muli ang mga lai nito. He misses so much doing the thing. Ilang gabi, no, ilang buwan na niyang pinapantasya na muling matikman ang tamis at lambot ng labi nito ngunit alam niya na masyadong malabo na mangyari iyon dahil may nagma-may-ari na rito at kapatid pa niya.
            "Ako na ang tatagay." Sabi nito sabay abot ng baso.
            Inisang lagok nito ang laman niyon saka napangiwi. Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw nito. Ang pagpunas sa labi gamit ang likuran ng kamay at ang pag-abot ng tubig at pagkain ng pulutan. All he could do was to hope that he was the one doing the things. Naiinggit siya sa likod ng kamay nito na nagpunas sa labi nito. Naiinggit siya sa baso na dumampi sa labi nito. Nahihiling niya na sana sa labi niya nakalagay ang inumin para madama niya ang labi nito na muling madikit sa kanya.
            Pathetic. Wasn't it?
            Hindi na yata talaga magbabago ang pagiging ganoon niya basta si Hyde ang involve ngunit doon siya masaya.
            "Kaya mo pa ba?"
            "O-oo. Kaya ko pa." Sagot nito. Halata sa boses na hindi na.
            "Pagkatapos natin `tong maubos tama na."
            "May iinumin pa tayo. Ubusin muna natin `yon bago tayo tumigil."
            Umiling siya. "Hindi na pwede. Maniwala ka sa `kin, hindi mo na kaya."
            "Bakit? Ikaw ba ang may katawan?"
            "Bakit ba ang kulit-kulit mo? Ang tigas pa ng ulo mo. Ang hilig mo rin makipagtalo."
            "Ikaw naman ang nagsisimula kaya tayo nagtatalo."
            "War freak ka na?"
            "Hindi. Naaasar lang ako sa palagi mong hindi pagsang-ayon sa gusto ko."
            "Dahil alam ko na hindi mo na kaya. Alam ko rin na hindi mo kaya."
            "Ubusin na natin `yon. `Wag nating sayangin `yon."
            "Sige na nga." Napipilitan niyang pagsang-ayon. Kung hindi niya lang it mahal baka kung ano na ang nagawa niya sa kakulitan nito.
            Ang mga sumunod na sandali ay pulos inuman na. Bihira na lang kung magsalita si Hyde. Mas itinutok nito ang pansin sa pag-inom. Siya naman sa kabilang banda ay hindi nagsasawang tingnan at sundan ang bawat kilos at galaw nito.
            Si Hyde. Si Hyde na umiinom dahil sa kapatid niya. Nagpapakalasing para sa sandaling pagkalimot sa sakit at lungkot na nadarama sa pagkakalayo sa taong mahal nito.
            Sana dumating ang araw na siya naman ang dahilan ng pag-inom nito at hindi ang ibang tao. Pero alam niya sa sarili na hinding-hindi niya ito sasaktan. All he wanted to do was to give everything to him that makes him happy.

NAKAALALAY SI Jake kay Hyde. Nakalingkis ang braso niya sa baywang nito habang nakaakbay ang braso nito sa balikat niya. Lasing na si Hyde samantalang siya ay tipsy lang. Kapag nakainom pala si Hyde ay nagiging malikot. Kahit anu-ano rin ang sinasabi na wala namang kabuluhan. Kung ano ang gustong sabihin ay sasabihin. Pinalampas na lang niya iyon kahit na para sa kanya ay may kahulugan ang huling sinabi nito bago ito sumuka.
            "Alam mo, may pag-asa naman talaga na magustuhan kita ng higit pa sa kaibigan, Jake. Nagkataon nga lang talaga na mas mahal ko sii Devin. Pero ayaw kong lumayo sa `yo kasi pakiramdam ko kapag nawala ka sa buhay ko magkakarron ng butas ang puso ko at hindi na mabubuo kapag nawala ka."
            Those were the exact words that Hyde said to him before he puked. Parang nawala ang epekto ng alak sa sistema niya sa mga sinabi nito. May pag-asa siya pero mahal nito si Devin at pumapangalawa lang siya. Sapat na iyon para sa kanya. dama niya kung gaano siya kahalaga kay Hyde kahit na friendzone lang ang papel niya rito. Sapat na iyon sa kanya. Maybe, in some other time, in different circumstances he will not be just a friend and never stuck to the friendzone division.
            Nasa loob na sila ng kwarto niya nang mabuwal ang paglalakad ni Hyde. Eksakto naman na malapit na sila sa kama kaya mabilis niyang napahiga ito roon. Iyon nga lang at nakasabay siya sa pagbagsak nito. Dahilan para mapaibabaw siya rito.
            "Shorry. Nadulash ako." Anito.
            Napatitig siya sa mukha nito. Sumidi ang pagkakatingin niya. Namalayan na lang niya na bumababa ang mukha niya sa mukha nito. Kasunod ng paglapat ng labi niya sa labi nito. Ah! He loved the feeling of his lips on his. Na-miss niya ang ganitong pakiramdam. Mula sa mahinang paggalaw ng labi naging mapangahas iyon. Mas lalo pang sumidhi ang halik ng gumanti si Hyde sa kanyang halik.
            Naglaban ang kanilang labi na tila nagdudwelo. Ibinuka nito ang bibig. Pagkakataon na sinamantala niya para ipasok ang dila sa loob ng bibig nito. Their tongues intertwined like there is no tomorrow. Mas sumidhi ang halik. Hindi niya alam kung kanino nanggaling ang isang ungol. Masyado siyang lunod sa halik na namamagitan sa kanila at sa tamis at lambot ng labi ni Hyde na dinagdagan pa ng lasa ng alak na ininom nito kanina.
            Nagsimulang gumalaw ang kamay niya. Tila awtomatiko iyon na lumandas sa katawan nito. Dinama iyon.
  
 Itutuloy…


4 comments:

  1. Hi Author namiss ko yung story niyo :) sana every week makapag update kayo lagi :D

    ReplyDelete
  2. Sigee magpakasawa kayo. When the cat is away....what will the mice do? . Hehehe. May pagka hard headed din si Hyde. Hindi marunong umintindi. Selfish. Thanks sa update Mr Author. Take care.

    ReplyDelete
  3. shocks!!! ganda n tlga!
    thanks mr. author!
    makabili nga din ng alak sa grocery... hehehe

    #TEAMJAKEforever
    #LSDee

    ReplyDelete
  4. Go Jake, ikaw ang gusto ko para lay Hyde.

    -RavePriss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails