Followers

Sunday, November 8, 2015

String from the Heart [31]




 CHAPTER THIRTY-ONE

DALAWANG linggo na ang matuling lumipas mula nang maging kaibigan ni Hyde si Chloe at lumabas-labas silang dalawa. Masayang kasama ang babae, palatawa ito at may pagkakatulad ang ugali nilang dalawa.
            Noong isang linggo rin ay nakausap na niya si Devin. Pagkatapos nilang lumabas ni Chloe nang araw na iyon at pag-uwi niya ay may tumawag sa kanya na hindi naka-rehistro ang numero sa cellphone niya, nang sagutin niya iyon ay si Devin pala.
            Ang sabi sa kanya nito ay umuwi ito kasama ang pamilya sa probinsya dahil sa mahalagang okasyon. Humingi rin sa kanya ng paumanhin si Devin sa hindi nito pagtawag o pagtext man lang dahil sa lowbatt ito. Kahit nga ito ay nabigla at nagulat sa biglaang pag-alis ng pamilya nito kaya hindi nakahuma.
            Napatingin si Hyde sa cellphone niya nang marinig ang pagtunog niyon. Kinuha niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.
            Si Jake iyon. Speaking of Jake, nagtataka siya na sa tuwing lumalabas sila ni Chloe ay palaging nakasunod ito sa kanya. Mukhang sineryoso talaga nito ang sinabi sa kanya nang makapag-usap silang dalawa. Hindi naman niya ito mapagsabihan dahil hindi siya nagkaroon ng oras para makausap ito katulad ng naging pag-uusap nila sa comfort room dalawang linggo na ang nakakaraan.
            "Hello."
            "Hyde"
            "Bakit ka tumawag?"
            "Lalabas ba kayo ngayon ni Chloe?"
            "Oo. Bakit?"
            "`Wag ka nang sumama sa kanya."
            "Ano ka ba, Jake? Kaibigan ko na si Chloe. Hindi siya B.I. sa akin. Tuwing lumalabas kami sa mga fastfood chain at sa bar lang naman ang punta namin. Alam ko na alam mo iyon."
            "Hyde."
            "Jake. Alam mo bang naiirita na ako sa ginagawa mo. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang katindi ang kagustuhan mo na layuan ko si Chloe. Lagi ka ring nakabantay sa amin na dalawa tuwing lumalabas kami."
            "You know my reason why."
            "Rason na wala namang katotohanan."
            Narinig niya ang marahas na pagbuntung-hininga nito. "Bakit ba ang hirap para sa `yo na paniwalaan ako, Hyde?"
            "Dahil sa walang katotohanan at wala kang batayan."
            "May batayan ako. Sinabi ko naman sa `yo `yon, ah."
            "Kung may masama siyang gagawin sa akin sana noon pa niya ginawa. Sincere siya sa pakikipag-kaibigan sa akin. Sige, Jake, ba-bye na."
            Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na sumagot ito. Pinatay na niya ang tawag.

MARAHAS NA napabuntung-hininga si Jake nang mawala si Hyde sa kabilang linya. Pinatayan siya nito ng cellphone para makaiwas sa pangungulit niya na layuan nito si Chloe. Nakakatampo na hindi nito magawang paniwalaan ang mga sinasabi niya tungkol kay Chloe at sa mga plano nito laban rito.
            Oo. Inaamin ni Jake na hindi sapat ang mga narinig niya pero sana bigyan man lamang siya ni Hyde ng benefit of the doubt, na nagsasabi siya ng totoo sa kabila ng kakulangan ng mga bagay na magpapatunay na may balak na masama si Chloe rito.
            Mahal niya si Hyde kaya ayaw niyang malagay sa alanganin ito.
            "Hindi ba naniniwala sa `yo si Hyde?"
            "Hindi." Mabilis niyang sagot kay Dominic. Isa ito kasama si Rubius sa taong nakakaalam nang mga narrinig niya kay Chloe. Mabuti pa ang mga ito naniniwala sa kanya samantalang si Hyde ay ni katiting ay wala.
            "Sundan-sundan mo na lang sila tuwing lumalabas."
            "Paano ko naman gagawin iyon? Hindi ko alam kung kailan sila lumalabas na dalawa at kung saan nagpupunta."
            "You can always do your ways, Jake. Kapag ginusto mo ang bagay ay magagawa mo iyon kahit na harangan ka pa ng kung sino at ano." Ani Dominic.
            "Tama si Doms. You can always do your way, Jake. Alam ko naman na gagawin mo ang lahat para kay Hyde."
            "Sana lang ay nakikita iyon ni Hyde." Napapabuntung-hininga na sabi niya.

"I MISS you so much, Hyde."
            Ang bungad na salitang sinabi ni Devin nang sagutin ni Hyde ang tawag niya. Dalawang linggo na mula nang umalis siya at nananatili sa probinsya. Gusto na niyang yakapin ito ng mahigpit. Madama ang init nito, mahawakan ang mukha at mahalikan ang malambot na labi.
            Sa totoo lang ay wala siyang kaide-ideya kung kailan ba silang mag-anak babalik sa kanila. Hindi nag-o-open ng topic sa pag-uwi nila ang kanyang magulang tuwing nagkakaharap sila. Ang pakikitungo sa kanya ng mama niya ay paiwas pa rin. Kapag magtatanong siya ay tila lagi itong nagmamadali. Ang papa naman niya ay kibuin-dili siya na nagpaparindi sa kanya. Matagal na niyang kinikimkim ang malamig na pakikitungo sa kanya ng mga magulang. Huwag lamang siyang makapagtanong ay ganoon ang pakikitungo ng mga ito.
            "Miss na miss na din kita, Devin."
            Napangiti siya sa sinabi ni Hyde. Si Hyde ang nagsisilbi niyang ilaw tuwing nasa madilim siyang bahagi ng buhay niya dahil sa pakikitungo ng magulang niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ba talaga ang dahilan ng pagluwas nila at patuloy na pananatili sa probinsya.
            "Kapag nakauwi ako dyan ang gusto kong gawin ay yakapin ka ng mahigpit. Thank you also for understanding my situation, our situation. Para lang tayong LDR nito, Hyde. Sana huwag kang bumitiw sa akin."
            "Hindi ako bibitiw. Alam ko na babalik ka naman dito. Saka ilang oras lang naman ang biyahe pabalik dito."
            "Oo. Ilang oras lang pero alam mo na hindi ako pinapahawak ni mama ng pera. Kahit na gusto kong umuwi diyan hindi ko naman magawa."
            Mahirap man aminin pero hindi talaga siya pinapahawak ng pera ng mama niya. Sa katunayan ay kaya sila may komunikasyon ni Hyde dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng load. Nakakahiya lang. Para nga makapag-text siya rito ay nakitext pa siya sa kapitbahay nila. At heto na nga.
            "Naiintindihan kita."
            "Salamat sa pag-unawa."
            "Ikaw pa ba, mahal kita."
            Nakakataba ng puso. Napangiti siya nang maluwang kahit na hindi niya ito nakikita. How he misses Hyde.
            "Mahal din kita."
            Halos mag-iisang oras din silang nag-usap na dalawa. Natapos lang iyon nang magpaalam sa kanya si Hyde na may pupuntahan. Siya naman sa kabilang banda ay inabala ang sarili sa mga gawain sa bahay na tinutuluyan nila.
            Nagpapahinga na siya nang dumating ang mama niya mula sa pinuntahan nito. Nagmano siya rito.
            "Kumain na po ba kayo?" Tanong niya rito.
            "Oo. Kumain na ako sa bahay ng tita mo."
            "Ganoon po ba. `Ma, kailan po ba tayo babalik sa atin?"
            Isang blangkong tingin ang ibinigay nito sa kanya. Hindi sumagot saka siya iniwanan.
            Sinundan niya ito ng tingin. Napailing na lang siya. Nanlulumong nagtungo sa labas ng bahay, sa bakuran, sa lilim ng puno ng mangga.

"`KUHA KO na ang loob ni Hyde. Isang linggo pa at mangyayari na ang gusto natin mangyari, Vix."
            Mula sa kanyang ginagawa napatingin si Vix kay Chloe na nakahiga sa kama niya. Ibinaba niya ang hawak na cellphone saka bumaling rito.
            "At excited na ako na mangyari ang mga plano natin." Aniya.
            "Mas excited ako. Gusto ko na makita ang magiging reaksyon ni Devin once na makita na niya ang mga picture na makukuha natin sa pagitan ni Jake at Hyde. Kung pwede nga na kuhanan natin ng video ay gagawin ko."
            "Getting video was a good idea pero sapat na ang mga picture na magsasabi kung ano ang mamamagitan sa dalawa, Chloe. Sa ngayon, galingan mo pa ang pag-arte mo para makuha natin ng buong-buo ang loob ni Hyde."
            "Ngayon pa lang ay kuhang-kuha ko na ang loob niya. You know how I act, Vix.Sa ngayon, can you give me pleasure?"
            Napangiti siya sa huling sinabi nito. Sa mabilis na pagkilos ay pumaibabaw ito sa kanya. Chloe started kissing his lips like no other day will come. Marahas ang pagsibasib nito sa labi niya na ginantihan naman niya ng parehong intensidad. Ang mga kamay niya ay nagsimulang kumilos at hinawakan ang nagmamalaki nitong bundok. Pinisil niya ang korona niyon habang naghahalikan pa rin sila. Bumaba ang halik ni Chloe sa kanyang dibdib, pinaglaruan ang mga utong niya. Tinudyo-tudyo ng dila nito na nagpaungol sa kanya ng malalim. Mula sa kanyang dibdib ay bumaba ang labi nito sa pusod niya. Nagtagal ito doon saka bumaba sa tayung-tayo na niyang kaangkinan. Napapikit siya at napakagat-labi ng lukubin at tudyuhin ng dila at bibig nito ang armas niya. Lumakas ang pag-ungol niya sa galing nito.
            Nang magsawa si Chloe ay pumusisyon ito sa ibabaw niya. Itinutok ang kaangkinan niya sa kaselanan nito. Nang makapasok ang kabuuan niya sa loob nito ay napaungol siya.
            Nagsimulang gumalaw si Chloe sa ibabaw niya. Ang umaalog nitong dibdib ay hinawakan niya. Habang abala ito sa paggalaw sa itaas niya na parang hinete ay abala nama siya sa pagsibasib ng dibdib nito.
            The pleasure he was feeling was very overwhelming. He couldn't get enough. Sinalubong na niya ang bawat galaw nito na nagpaungol dito ng malalim. Mas bumilis ang paggalaw nila sa isa't-isa. Tila hinahabol sila. Nang hindi niya makayanan ang sarap at ayaw naniyang matapos ay nagpalit sila ng posisyon na hindi naaalis ang pagkakadikit ng kaselanan nilang dalawa. Siya na ngayon ang nasa ibabaw. Marahas siyang naglabas-pasok dito. Tila hinahabol ng sampung kabayo na mas dumoble pa ang paglabas-pasok niya. Matindi na rin ang pawis niya. Tumutulo na iyon sa katawan ni Chloe.
            Mas lalo pa niyang binilisan ang pag-ulos hanggang sa halos magkasabay na naabot nila ang luwalhati.

SA HALIP na makipagkita ngayong araw, mas pinili ni Chloe na manatili sa maliit na apartment na tinutuluyan niya. May usapan kasi sila ni Clyde na magkikita sa bahay niya para gumawa ng milagro. Pangalawang beses pa lang na may mangyayari sa kanila kung sakali na mangyayari nga iyon ngayon. Hindi pa man dumarating si Clye ay sobra na siyang excited na muling madama ang pagkalalaki ni Clyde sa loob niya. He just really couldn't get enough of him. Hinahanap-hanap niya ang galing ni Clyde kahit ilang beses na may nangyari sa kanila ni Vix.
            Pinaghandaan niya ang pagdating ni Clyde sa apartment niya. Naligo siya, nagpaganda at inihanda ang mga kailangan nila para sa mangyayari mamaya. Napangiti siya.
            Ilang minuto pa ang dumaan bago may kumatok sa pintuan ng apartment niya. Alam niya kung sino iyon. Excited siyang nagtungo sa pintuan at binuksan iyon para madismaya lang nang makita na hindi si Clyde ang nasa labas kundi ang taong may utang siya. Namutla siya. Isasara na sana niya ang pintuan ng maagap nitong iniharang ang sarili.
            "Bayaran mo na ako, Chloe." Anito.
            "Wa-wala pa akong pera." Kinakabahan siya. Alam niya ang likaw ng bituka ng taong nasa harapan niya. Hindi ito titigil hanggang hindi nito nakukuha ang gusto katulad na lang ng ugali ni Vix. Ang kaibahan nga lang ay may good side pa si Vix samantalang ito ay wala at hindi na yata magkakaroon pa.
            "Ano? Hindi ka ba talaga magbabayad?" Nanlilisik ang matang sabi nito. May higpit na rin ang pagkakahawak sa braso niya. Pumiksi siya ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan iyon.
            "Ma-magbabayad na. Hi-hintay lang."
            Ngumiti ito nang nakakaloko. "Kailangan ka pa kasing daanin sa sindak bago ka magbayad. Bukod doon alam mo naman siguro kung ano pa ang gusto ko."
            Tumango siya. "A-alam ko."
            "Mabuti naman at alam mo."
            Kumukuha siya ng pera sa lagayan niya, nakatalikod sa lalaki nang yakapin siya nito. Nagsimula itong halikan ang batok niya at himasin ang dibdib niya. Imbes na kilkigin ay nangaligkig siya. Nandidiri siya sa lalaking ito. Nandidiri siya kay Gardo. Si Gardo na nagmulat sa kanya sa mga bagay na ipinagbabawal tulad ng droga at sa makamundong pagnanasa. Ito ang unang tao na nagmulat sa kanya sa mga maiitim na kalakaran. Gusto niyang lumayo rito ngunit hindi niya magawa. Alam niya kasi na kapag ginawa niya iyon ay masasaktan lamang siya.
            Parang de-susi na manika na sumunod na lang siya sa agos. Hindi niya gusto ang mga nangyayari ngunit sasabay na lang siya sa agos kaysa ang masaktan nito kapag hindi nasunod ang kagustuhan. Ito ang dahilan kung bakit matindi ang hangarin niya para magkapera bukod pa sa pambili niya ng droga na hindi na niya malubayan.
            Nang pumatong ito sa kanya ay napapikit siya. Pinasok nito ang kaselanan niya at nagsimulang umulos. Wala siyang ibang maramdaman kundi pagkadiri. Walang sarap na tulad ng nadadama niya tuwing kasiping niya si Vix o si Clyde. Masyado itong barbaro at hindi siya sadomasochist para rito.

SINADYA NI Jake si Hyde sa bahay ng mga ito. Nasa labas -- sa tapat ng gate ng mga ito -- nang makasalubong niya si Clyde. Nagmamadali ito kaya hindi sila nagkausap. Nang tanungin niya ito kung saan si Hyde ay umalis na ito.
            Nasa loob na siya ng bahay nang makita niya si Hyde. Nakaupo ito sa one seater sofa habang abala sa pagta-type ng kung ano sa cellphone nito. Hindi niya muna kinuha ang atensyon nito. Pinagsawa niya ang sarili at mga mata na titigan ito. Sa sobrang tutok nito sa ginagawa ay hindi man lang nito napansin ang presensya niya. Tiyak niya na ang ginagawa nito ay may kinalaman sa lalaking mahal nito na wala namang iba kundi si Devin.
            Napabuntung-hininga siya saka lumapit dito.
            "Hyde." Tawag niya rito. Saka pa lang ito nag-angat ng tingin.
            Halatang nagulat ito nang makita siya. "Anong ginagawa mo rito, Jake?" Tanong nito.
            "Para makausap ka."
            "Kung tungkol ito sa sinabi mo sa akin nang tawagan mo ako, ayokong marinig, Jake. Alam mo na hindi kita papaniwalaan."
            "Pero nagsasabi ako ng totoo. Mahalaga ka sa akin kaya sinasabi ko sa `yo ang nalalaman ko. Walang maidudulot na mabuti sa `yo si Chloe. May balak siyang masama sa `yo. Alam ko na gumagawa siya ng plano sa likuran mo para mapasama ka."
            Umiling-iling ito na ikina-frustrate niya.
            "Bakit ba ang hirap sa `yo na paniwalaan ako?"
            "Everybody deserves second chance." Maiksing pahayag nito.
            "Yeah. Everybody deserves second chance. Binigyan mo rin ako ng pagkakataon noon kaya naging magkaibigan tayo sa kabila ng mga inamin at nagawa ko sa `yo. Pero iba ako kay Chloe. Sincere ako sa hangarin ko sa `yo. Pinili ko na mapalapit sa `yo sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko tuwing nakikita kita na masaya kay Devin." Gusto niyang mapailing sa huling sinabi niya. Talagang naidagdag pa niya iyon. "Pero hindi ako ang issue dito ngayon. Ang issue dito ay ang hindi totoong pakikipagkaibigan ni Chloe sa `yo, ang hangarin niya."
            "Katulad ng sinabi ko everybody deserves a second chance, Jake. Hanggang hindi nagpapakita ng masamang ugali si Chloe sa akin kaibigan ang turing ko sa kanya."
            "Masyado kang mapagtiwala."
            "Hindi masama ang magtiwala."
            "Masama kung ang pinagkakatiwalaan mo ay hindi naman totoo sa `yo."
            "Totoo man o hindi, at least nagtiwala ako. Depende na lang sa taong iyon kung sisirain niya ang pagtitiwala ko sa kanya."
            "Kung hindi kita mapipigilan na makipaglapit kay Chloe, aalagaan at babantayan na lang kita."
            Hindi ito nakapagsalita sa sinabi niya. Nang mahimasmasan ay napayuko. Ngayon niya napansin ang sitwasyon nila. Nakatayo siya sa harap ni Hyde samantalang ito ay nakaupo at nakatingala sa kanya.
            "Bakit ba ganyan ka?" Mahinang tanong nito. Halos pabulong na nga.
            "Dahil mahalaga at mahal kita kaya ko ginagawa ito."
            Dumaan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Napaatras siya nang tumayo si Hyde at iwanan siya sa sala ng mga ito. Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Hyde.

HINDI INAASAHAN ni Hyde ang pagdating ni Jake sa kanilang bahay. Pagkatapos nilang mag-usap ay basta na lang siyang tumayo at iniwanan ito sa living room ng bahay nila. Hindi niya kayang marinig pa ang mga salitang sasabihin at lalabas sa bibig ni Jake. Lahat kasi ng mga salitang lumalabas mula sa bibig nito ay sadyang may mga patama tungkol sa nadarama nito para sa kanya. The two of them were just like in a cycle, paulit-ulit na nasasabi ni Jake ang nararamdaman sa kanya -- hindi pa man sila ni Devin at kahit ngayon na sila na -- hindi nagsasawa si Jake na ipadama ang nararamdaman nito sa kanya kaya aaminin niya na natuturete na rin siya. At ngayon na lantarang nakikita niya ang pag-aalala nito sa kanya ay parang gusto na niyang maniwala sa mga sinasabi nito patungkol kay Chloe ngunit hindi naman niya lubusang magawa dahil dama niya ang sinseridad ni Chloe sa pakikipaglapit sa kanya. Isa lang naman kasi ang alam niya na may galit sa kanya at iyon ay si Vix. Si Vix na hindi nagpaparamdam ilang linggo na ang nakakalipas. Hindi naman siya nag-aalala dahil alam niya na hindi aabot sa punto na gagawan siya ng masama ni Vix.
            Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang masidhing titig ng kung sino sa kanya. Alam niya kung kanino ang titig na iyon. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ito.
            "Hindi pa ba bumabalik si Devin?" Usisa nito.
            "Hindi pa."
            "May alam ka ba kung saan siya nagpunta?"
            "Sa totoo lang meron. Tumawag sa akin si Devin n'ung isang araw. Nasa probinsya siya kasama ang buo niyang pamilya para sa get-together nila. Malabo pa kung kailan siya babalik dito."
            "Saan na probinsya?"
            "Bakit masyado kang atat na malaman kung saan sila ngayon, Jake?" Kunot-noong tanong niya saka bumaling dito. Agad na nag-iwas ng tingin si Jake na mas lalong ikinunot ng noo niya.
            "Aalis na ako, Hyde. Basta isipin mo ang mga sinabi ko."
            Napatingin na lang siya rito. Ang gulo lang ng reaksyon nito.

SA HINDI nga naman inaasahan na pagkakataon hindi alam ni Devin kung bakit ngayon pa nasira ang cellphone niya. Hindi niya akalain na mahuhulog iyon ng kapatid niya sa palayan habang gamit nito. Nabasa at tuluyan nang hindi gumagana.
            Napapasabunot sa kanyang buhok na binalingan niya ang aparato na nakapatong sa mesa. Nabu-bwusit siya ng sobra. Hindi para sa kapatid kundi para sa sarili at sa sitwasyon nila ni Hyde. Tanging ang cellphone na lang ang komunikasyon niya kay Hyde tapos nasira pa. Hindi kaso sa kanya ang mga naka-save na numero doon dahil nakasulat naman ang mga iyon sa notebook niya na maliit. Ang pinoproblema niya ay ang komunikasyon nga nila ni Hyde.
            Napailing siya saka marahas na napabunot ng hininga.
            "Bakit ngayon ka pa nasira?"
            Kung pwede lang niyang gamitin ang pera na naiipon niya mula sa pagsa-sideline sa bayan ay kanina pa niya ginawa. Pero alam niya na kulang pa iyon para makabili siya ng bagong cellphone. Hindi ba talaga umaayon sa kanya ang pagakakataon? Gusto ba talaga ng tadhana na mapalayo ang loob sa kanya ni Hyde at mauwi silang dalawa sa paghihiwalay? Aaminin niya na hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na magkakalayo sila ni Hyde. Hindi iyon sumagi sa isip niya. Long distance relationship was not for him.
            Lulugo-lugong tumayo siya mula sa kinauupuan saka lumabas ng bahay nila. Nakasalubong niya ang mama niya ngunit hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin. Alam niyang mali na isisi rito ang sitwasyon niya ngunit hindi niya mapigilan ang sarili.
            "Saan ka pupunta, Devin?" Tanong nito.
            Hindi siya sumagot saka dire-diretso itong nilampasan. Nauwi siya sa pagpunta sa palayan. Napahinga nang malalim at pinagsawa ang mata pagtingin sa kulay ginto na palay habang mahinang gumagalaw dala ng ihip ng hangin. Doon siya nakahanap ng kaginhawaan sa kabila ng pinoproblema niya. Sumandal siya sa punong kinasisilungan niya.

            Ipinikit niya ang mata saka siya ginupo ng antok. Nasa isipan ang mukha ni Hyde.

 Itutuloy…


2 comments:

  1. Bawing bawi sa bilis ng update ah, haha

    ReplyDelete
  2. Ganda ng update na to. Peace and loving na sila, may nagbantang panganib pero may guardian angel. Thanks sa update. Ngayon ko lang natapos to. God bless.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails