Followers

Thursday, November 5, 2015

String from the Heart [30]




 CHAPTER THIRTY

BIGLAAN ANG naging pag-alis ni Devin. Biglaan dahil hindi niya inaasahan iyon. Maaga silang nakauwi ng mga kasama niya mula sa convention. Angt balak niya sana ay sorpresahin si Hyde sa pag-uwi niya nang mas maaga kaysa sa inaasahan nito ngunit hindi na iyon nangyari. Pagkarating niya sa apartment na tinutuluyan niya ay nagulat siya nang madatnan doon ang mama niya na naghihintay sa kanya.
            Bumalik sa alaala niya ang naging pag-uusap nila bago sila nito umalis...

            "Anong ginagawa n'yo rito, `Ma?" Agad na usisa ni Devin sa mama niya nang makita ito sa loob ng apartment niya. Nakaupo ito sa monobloc chair habang tinutupi ang damit niya. Kapansin-pansin din ang kanyang bag sa paanan nito na ginagamit niya tuwing nagtutungo siya sa malayong lugar at magtatagal doon ng ilang linggo.
            "Ano pong ginagawa n'yo? Bakit n'yo po inililigpit ang mga damit ko?"
            "Pupunta tayo sa probinsya para magabakasyon. Tamang-tama at bakasyon naman na ninyo."
            Kumunot ang noo niya saka lumapit dito. "Bakit biglaan naman po yata?"
            "Biglaan dahil ang kamag-anak ng papa mo ang nag-imbita sa atin. May pera tayo na nakatago. `Yong pera na gagamitin natin padala ng kapatid ng papa mo para makapunta tayo doon."
            Iyon sana ang itatanong niya rito pero nasagot na nito. Bihira lamang silang magtungo sa probinsya para magbakasyon dahil nga sa sitwasyon nila. Minsan lang sila magpasarap sa buhay kaya nga gumagawa siya ng paraan para kahit papaano ay makatulong sa mga ito at hindi maging pabigat.
            "Kailangan ba talagang sumama ako doon? Oo, bakasyon na namin pero may gagawin pa ako sa school saka s---"
            "Kailangan mong sumama, Devin. Lahat tayo ay pupunta doon. Bihira lang ito mangyari kaya naman susulitin natin."
            "Pero `Ma..."
            "`Wag ka nang komontra. Sumunod ka na lang sa akin." Malamig na tugon nito.
            Napabuntung-hininga na lang siya. Kapag ganoon na ang tono nito ay buo na ang desisyon nito. Hindi na iyon mababali kaya kailangan niyang sumunod.

Natigil siya sa pagbabaliw-tanaw sa naging pag-uusap nila ng Mama niya nang maramdaman ang pagbagsak ng ulo ng kapatid niya sa dibdib niya. Kalong-kalong niya ito.
            Napatingin na lang siya sa mukha ng kapatid. Masaya ang mga ito na uuwi sila sa probinsya. Siyempre, sino ba naman ang hindi magiging excited at sasaya kapag sinabing magbabakasyon? Kapag sinabi kasi na ganoon ay ang pagre-relax agad ang pumapasok sa isipan, pamamasyal, pagsu-swimming at iba pa na puro leisure. Matagal nang inuungot ng mga kapatid niya ang ganoon na bagay tuwing bakasyon at umuuwi sila sa kanila. Pero siya kabaliktaran ang nadarama. Hindi siya masaya sa ganitong biglaan na bagay.
            Hindi siya handa sa ganito. Ni hindi niya nagawang magpaalam kay Hyde kahit sa cellphone man lang. Low battery na naman iyon. Mabilis na nalo-lowbatt ang cellphone niya.
            "Talagang magbabakasyon ba tayo sa probinsya, `Pa? Iyon lang po ba ang gagawin natin doon? Ilang araw tayo doon?" Tanong niya sa papa niya.
            Katulad kanina, tiningnan lang siya nito.
            "`Pa? Ano?"
            "`Wag ako ang tanungin mo, Devin. Sa mama mo ikaw magtanong."
            Lihim siyang napapalatak sa nangyayari. Ayaw niya ng ganito na clueless sa bagay-bagay na nangyayari sa kanya. Para siyang nangangapa. Pakiramdam niya ay hindi sapat ang rason ng mama niya sa biglaan na pagbabakasyon na ito. Oo. Nagpadala ng pera ang kapatid ng papa niya pero hindi siya sanay na agad-agad na papayag ang mga ito sa ganoon lalo na kung wala namang importante. Sige. Sabihin na importante ang pupuntahan nila pero parang may kulang. Hindi sapat sa kanya ang dahilan na ibinigay sa kanya. Parang may kung ano pa na hindi niya mapangalanan.
            "Hindi naman ako sinasagot ni Mama." Sabi na lang niya.           
            Hindi ito kumibo.
            Tila nga sinadya ng mama niya na lumayo talaga sa kanya para huwag na siyang makapagtanong pa. Sa halip kasi na tumabi ito sa kanya kanina ay mas pinili nito ang malayong upuan mula sa kinauupuan nila ng papa niya. Katabi nito si Dianne habang nasa gitna ang isa pa niyang kapatid.
            Ipinikit na lang ni Devin ang mga mata. Tiyak niya na naghihintay na si Hyde sa text at tawag niya. Pero wala. Hindi siya makagawa ng paraan para makontak ito. Si Hyde pa rin ang nasa isipan niya hanggang sa hilain siya ng antok at makatulog.

KANINA PA tinatawagan ni Hyde si Devin ngunit out of reach ang cellphone nito. Laging ang boses ng babae ang sumasagot sa kanya. Tinext na rin niya ito pero wala ring tugon. Kaya nga tinawagan na niya ito dahil naisip niya na baka wala na itong load pero ito nga ang nangyari.
            Out of reach.
            Napapalatak na lang siya. Sa pagkakaalam niya, sa mga oras na ito ay nagba-biyahe na ito pauwi. Ano ba ang nangyari kay Devin at out of reach ang cellphone nito?
            Nagdesisyon siya na tawagan si Ate Stelle. Ilang ring lang ang nangyari bago sagutin ng babae ang tawag niya.
            "O, Hyde, napatawag ka?"
            "Itatanong ko lang sana kung kasama mo pa ba si Devin?"
            "Si Devin? Hindi ko na siya kasama, Hyde. Kanina pa kami nakauwi. Nandito na nga ako sa bahay, nagpapahinga na ako nang tumawag ka."
            Nabigla siya sa sinabi nito. "Anong oras ba kayo nakabalik?"
            "Mahigit dalawang oras na."
            "Ganoon ba. Sige. Salamat."
            "Walang anuman."
            Nang mawala ito sa kabilang linya ay napaisip siya. Ibig sabihin ay kanina pa pala nakarating ang mga ito. Pero bakit wala man lang text sa kanya si Devin? May problema ba ito?   
            Tumayo siya mula sa kinauupuan. Pupuntahan niya sa apartment si Devin. Baka nandodoon lang ito at natutulog dahil pagod. O kaya naman ay lowbatt ang cellphone nito kaya hindi niya matawagan. Maraming posibilidad. Nasabi na rin naman nito sa kanya na mabilis malowbatt ang cellphone nito.
            Ilang minuto rin ang ginugol niya sa daan bago makarating sa apartment ni Devin. Pagkababa niya ng tricycle ay agad niyang napansin ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ng bahay. Tila may hinahanap sa loob dahil sa pagtingin-tingin nito at halos magkandahaba-haba na ang leeg sa kasisilip. Nilapitan niya ito.
            "Sino po ang hinahanap n'yo dyan?"
            Nang humarap ito sa kanya ay nagulat siya. Malaki ang pagkakahawig nito kay Jake pati na kay...Devin? Parang dito hinulma ang hitsura ni Jake at may mga features na nakuha si Devin.
            "Sino ka?" Tanong nito.
            "Ka-kaibigan po ako ni Devin. Hyde po ang pangalan ko."
            "Hyde? Your name sounds familiar. Sigurado ka bang 'kaibigan' ka lang ni Devin?"
            Bigla siyang kinabahan sa pagkakatanong nito. May diin sa salitang kaibigan.
            "O-opo."
            Ngumiti ito. Sa ngiting iyon ay nag-mellow ang kaba niya.
            "Call me Tito Joaquin. Ako ang tatay ni Jake at tito ni Devin."
            Malinaw na sa kanya ngayon kung bakit may pagkakahawig ito kay Jake at Devin pero hindi siya sigurado kung tito nga ba ito ni Devin. Hindi ba at hindi naman magka-ano-ano ang dalawa? Pero bakit ganito? Malaki talaga ang pagkakahawig ng mga ito. Noong una pa lang na makita niya si Jake at Devin ay nakita na niya ang pagkakahawig ng mga ito sa isa't-isa. Pero hindi na niya problema iyon.
            Nagtungo siya sa bahay ni Devin para makita ito at makausap. Hindi para mag-usisa at ma-curious sa mga bagay na wala naman siyang kinalaman.
            "Hinahanap n'yo rin po ba si Devin?"
            "Oo." Mabilis na sabi nito. "I think I was almost half an hour here pero wala yata si Devin sa loob."
            "Ganoon po ba?"
            Halata naman na walang tao sa loob. Masyadong tahimik. Sa pagkakaalam niya kasi, kapag sa bahay si Devin ay mahilig itong magpatugtog ng music. Minsan nga dumadagundong ang loob ng bahay nito. Ngunit ano ba ang malay niya?
            "Baka natutulog po." Sabi niya.
            "I guess not," anito. "Nagtanong ako sa dumaan na kapitbahay niya, ang sabi sa akin, umalis daw. Parang may pupuntahan daw na malayo."
            "Paano naman po niya nasabing may pupuntahan na malayo?"
            "May dala raw na malaking bag saka kasama ang mama niya."
            Sa totoo lang ay kinakabahan na siya. Hindi ugali ni Devin ang basta na lamang umalis. Kapag may pupuntahan ito na malayo ay nagpapaalam ito sa kanya.
            Nagpaalam na siya kay Tito Joaquin. Umuwi siya sa kanila na parang wala sa sarili. Malapit na siya sa kanilang bahay nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya.
            Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Excited siya na makita ang pangalan ni Devin pero agad din nawala ang excitement na iyon nang makita na si Chloe ang tumatawag sa kanya.
            Sinagot niya iyon.
            "Ano na? Kailan na tayo magba-bonding?"
            "Ngayon." Walang pag-iisip na sabi niya.
            Mas mabuti pa na mag-enjoy siya ngayon kaysa ang mag-isip ng negatibo sa biglaang pag-alis ni Devin nang walang paalam. Alam niya na may valid na rason ito. At malaki rin ang bahagi ng pagkatao niya na umaasa na tatawag ito.
            "Oh my gosh! Sige! Saan tayo pupunta?"
            "Ikaw na ang bahala. Sasama na lang ako sa `yo."
            "Alright!" Excited na sabi nito.

"AFTER A week, magba-bonding na rin kami ni Hyde." Excited na pagbabalita ni Chloe kay Vix pagkatapos nitong makausap si Hyde. Katatapos pa lang ng mainit sa sandali sa pagitan nila nang tawagan nito si Hyde. Habang kausap nito si Hyde ay nagtungo naman siya sa kusina para uminom ng tubig. Nakakapagod at nakakaubos ng lakas ang pakikipagtalik kay Chloe ngunit hindi naman maipagkakaila ang kasiyahan at satispaksyon na nadarama niya tuwing naaabot ang rurok ng kaligayahan sa piling nito.
            Wala siyang saplot sa katawan maging ito. Katatapos pa lang nila ngunit nag-iinit na naman siya habang pinagmamasadan siya nito na tila nag-aanyaya na naman.
            "Kailangan mo na palang maghanda para sa bonding n'yo." Nakangisi niyang sabi.
            Nitong nakaraan ay si Chloe na lamang ang gumagawa ng plano nila. Hindi niya inaasahan na magiging matagumpay at iaasa niya rito ang mga mangyayari. Natutuwa siya na malaki ang naitutulong nito sa kanya. Sa paghihiganti at sa pag-alis ng init sa katawan niya.
            "That can wait." Nakangising sabi nito saka lumapit sa kanya.
            Napaungol siya ng hawakan nito ang pagkalalaki niya at sa senswal na paraan ay itaas-baba ang kamay nito doon. Sa paulit-ulit nitong paggawa niyon ay tumigas na naman ang sa kanya.
            Mas lumakas ang ungol niya nang lumuhod si Chloe sa harapan niya at dilaan ang ulo ng pagkalalaki niya. Nagsimula nitong trabahuin ang pagkalalaki niya na halos ikabaliw niya. Eksperto ito sa larangang iyon. Halos tumirik ang mata niya nang laruin nito ang kaangkinan niya na nasa loob pa rin ng mainit at pinapakipot nitong bibig. Hindi na niya kaya pa ang sensasyon. Sinabunutan niya ito. Gusto niyang makita ang mukha nito habang naglalabas-pasok siya sa bunganga nito., Nagsimula siyang umulos kasabay ng malakas na ungol. Nang maramdaman niya na aabot na siya sa rurok ay mas binilisan pa niya ang pag-ulos. Wala na siyang pakialam kung nabibilaukan na si Chloe at namumuo na ang luha sa sulok ng mata. Ang tanging importante ay makarating siya at hindi nagtagal ay naabot niya iyon na halos ikahina niya.
            Nilunok nitong lahat ang lumabas sa kanya. Nilinis ang kaangkinan niya hanggang sa wala nang makitang bakas ng semilya sa kahabaan niyon. Tumayo si Chloe saka siya hinalikan sa labi. Isang maalab na halik iyon. Nalalasahan pa niya ang likidong nanggaling sa kanya ngunit hindi na niya ininda.
            Lumayo siya rito bago pa siya hindi makapagpigil.
            "Kailangan mo ng maghanda para sa bonding session niyo ni Hyde. Dapat maging presentable ka. Be kind to him para maulit pa."
            "Of course. Hindi ako papalya sa plano natin. Maliligo na muna ako."
            "Sige."
            Habang naliligo si Chloe ay nagbihis naman siya. Isang boxer at sando na puti ang sinuot niya. Nang matapos si Chloe sa pagligo ay agad din itong nagbihis at inihanda ang sarili para sa pagayak.
            "Saan na `yong pera?" Tanong nito nang matapos sa paglalagay ng kolorete sa mukha.
            Kinuha niya ang pitaka saka naglabas ng pera. "Para ito sa panggastos niyo ni Hyde," sabi niya habang inaabot ang dalawang libo. Mabilis na kinuha naman nito iyon. "Ito naman para sa naging serbisyo mo sa `kin."
            "Salamat." Nagniningning ang mata na sabi nito. Mabilis nitong inilagay sa bulsa ng suot na short shorts ang limang libo.
            Bago ito umalis ay hinalikan muna siya ng mariin sa labi. Hindi ininda na kumalat ang lipstick.
            Napangiti siya nang mapag-isa. Makakapaghiganti na rin siya. Masaya sana kung may maikakama siya isa man kay Devin at Jake dahil matagal na niyang pangarap iyon pero sa ngayon... May isang tao na gusto rin niyang maikama at interesado siya talaga dahil sa mga sinabi ni Chloe tungkol sa kung paano ito sa ibabaw ng kama. Iyon ay walang iba kundi si Clyde.

PAGKALABAS NI Chloe sa condo unit ni Vix ay agad niyang kinuha ang cellphone niya para mapadalhan ng mensahe si Jake. Si Jake na isa sa magiging laruan nila para sa planong ito. All set na sila. Mangyayari ang mga mangyayari sa takdang panahon. Planado na ang lahat at alam niya na magtatagumpay siya. Hindi siya papalya dahil sa pangangailangan niya.
            I'm going out with Hyde.
            Ang laman ng mensahe na ipinadala niya kay Jake. Siyempre hindi siya nito kilala. Malalaman nito kung sino ang nagpadala ng mensahe rito sa oras na makita siya nito sa pupuntahan nila ni Hyde kasama siya.
            Napangiti siya nang maluwang nang makita ang reply ni Jake.
            Sino ka?
            Malalaman mo kapag pumunta ka sa lugar na ito. See `ya there, Jake.
            Hindi na niya hinintay ang reply nito. Alam niya na pupunta ito para maibsan ang curiousity nito.
            Oh yeah! She already feeling the victory. She already smells the air of success and the smell of money.

MALALAMAN MO kapag pumunta ka sa lugar na ito. See `ya there, Jake.
            Ang walang tunog na pagbasa ni Jake sa huling mensahe na natanggap niya mula sa hindi kilalang tao ngunit may ideya na siya kung sino iyon. Si Chloe lang sumagi sa isipan niya nang mabasa ang mensahe. Ito lang naman kasi ang gustong makipalapit kay Hyde at gumawa ng bagay na ikapapahamak nito.
            Nagbihis siya ng damit na pang-alis para pumunta sa lugar na sinabi ni Chloe. Hindi siya makakapayag na may mangyaring masama kay Hyde gayon na alam niya kung ano ang pwedeng gawin ni Chloe rito. Pailalim pa naman ito kung kumilos. Wala naman siyang balak na ibuko ito hanggang wala naman itong gingawa na masama. Magbabantay siya sa mga kilos nito. Kung pwede ay lalapitan niya ang mga ito at eeksena.
            Lumabas siya ng kwarto niya. Nakasalubong niya ang daddy niya. Mula nang magbakasyon at magkapatawaran sila ay okay na ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Hindi nito binabanggit ang tungkol sa plano nito kay Devin. Hindi rin naman siya nag-uusisa. Basta ang alam niya ay gumagawa na ito ng paraan para makuha si Devin at magpakilala dito bilang ama nito.
            "Saan po kayo galing, `Dy?"
            "Sa apartment ni Devin."
            "Nakausap niyo po ba?"
            "Wala na siya doon pagdating ko. Mukhang naunahan na naman ako ni Digna."
            "Alam ko na magagawa niyo po ang dapat." Sabi niya.
            "I'll do everything for the truth to come out, Jake. Handa ako na tanggapin ang magiging reaksyon ni Devin kapag nalaman niya ang totoong ugnayan namin."
            Tumang siya. "Sige po. May pupuntahan ako."
            "Saan ka naman pupunta?"
            "I'll meet a friend," pagsisinungaling niya.
            "Ganoon ba? Siyanga pala, I already meet Hyde."
            Natigilan siya. "Paano?"       
            "Pumunta siya sa apartment ni Devin. Hinahanap rin niya. Ang pakilala niya nga sa akin ay kaibigan siya ni Devin. Mukhang hindi pa niya alam na alam ko kung ano siya ng kapatid mo at kung ano siya para sa `yo."
            Napayuko siya sa sinabi nito.
            "You don't need to be shy, Jake. Tanggap ko kayong mga anak ko kahit na noong una ay medyo nalungkot ako sa nalaman tungkol sa pagkakagusto niyo pareho sa isang tao at lalaki pa."
            "Thanks, Dad."
            "You don't need to thank me. Masaya nga ako na nagpapakatotoo kayo sa sarili n'yo. Kung sana ako rin ay nagpakatotoo kay Devin sana wala na akong problema ngayon."
            He gently tapped his father's shoulder. "You'll be fine, Dad. Alam ko na madaling matatanggap ni Devin kung ano ka sa kanya."
            "Thanks for that," sabi nito.
            Nag-usap pa sila ng ilang sandali bago siya umalis.
            Pagkarating ni Jake sa sinabing lugar ni Chloe ay agad niyang nakita ang dalawa sa hindi kalayuan. Nakaupo ang mga ito at may pinag-uusapan na tila seryosong bagay.
            Umupo siya sa bakanteng mesa na hindi nalalayo sa mga ito. Nang madako ang tingin ni Chloe sa kinaroroonan niya ay napangiti ito. Isang ngiti na satisfied. Hindi niya pinansin iyon. Nakatutok na kasi ang pansin niya kay Hyde na nakatingin na rin sa kanya. Pero hindi ito nagtangka na palapitin siya sa mga ito.
            Napakunot-noo tuloy siya. Para ngang naiilang pa sa kanya si Hyde. Tiniiman niya ang tingin dito. Nag-iwas ito ng tingin.
            Nagkasya na lamang siya na magmasid sa mga ito.

NANG MAKITA ni Hyde si Jake sa isang mesa na hindi kalayuan sa kanila, aaminin niya na nakadama siya ng pagkailang sa kanilang sitwasyon. Siya na niligawan nito at si Chloe namay malaking kinalaman sa buhay nito ay magkasama. Kung wala lang siyang alam sa nakaraan ng mga ito ay baka hindi siya makakadama ng ganoon.
            "Bakit parang hindi mo matingnan si Jake?" Usisa ni Chloe sa kanya.
            "Wala lang." Tipid niyang sagot.
            "Nahihiya ka ba?"
            "Bakit naman ako mahihiya?" Balik-tanong niya.
            Nagkibit-balikat lang ito. "Mukhang ayaw mong maging topic siya. Okay. I won't spoil this chance. Sayang ang pagkakataon kung pag-uusapan natin ang nararamdaman mo ngayon."
            Sa sinabi nitong iyon ay medyo kumalma siya.
            "Order na tayo."
            Tumango siya. Ang mga sumunod na sandali ay pulos pag-uusap na lamang. Kahit saan na napunta ang topic nila. Masayang kausap si Chloe sa kabila ng pagiging diretsa nito. Nag-e-enjoy siya kahit na medyo naaalangan siya sa presensiya ni Jake na hindi pa rin umaalis. Mukhang binabantayan siya nito. Assuming man iyon pero iyon ang pakiramdam niya.
            "`Punta muna ako ng comfort room," paalam niya kay Chloe.
            "Sige."
            Nang dumaan siya sa pwesto ni Jake, na hindi naman maiiwasan ay hindi niya tinapunan ng tingin si Jake. Dama niya na sinusundan siya nito ng tingin.
            Nasa loob na siya ng banyo, kasalukuyang umiihi nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok. Nang matapos sa pag-ihi ay naghugas siya ng kamay.
            "Layuan mo si Chloe."
            Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Jake. Mula sa salamin tiningnan niya ang repleksyon nito doon. Seryoso ang mukha, nakatingin sa kanya sa salamin.
            "Bakit ko lalayuan si Chloe?" Ganting-sagot niya, patanong din.
            "May masama siyang balak sa `yo."
            "Ano bang sinasabi mo?"
            "I heard her talking to someone over the phone, Hyde. Ikaw ang pinag-uusapan nila."
            "Walang gagawin na masama sa akin si Chloe. She's nice. Alam ko ang past ninyong tatlo. Unfair naman yata na dahil sa mga nagawa niya at sinasabi mong narinig mo ay lalayuan ko siya. Hindi ko gagawin iyon. Dama ko ang sincerity niya sa pakikipag-kaibigan sa akin."
            Frustrated na napabuntung-hininga si Jake. "Kung ayaw mo siyang layuan, at least give me the right to be beside you para mabantayan kita."
            "Hindi ko kailangan ng guardian. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa, katulad ng sinabi ko, hindi ako gagawan ng masama ni Chloe."
            "Masyado kang mapagtiwala, Hyde."
            "Alam kong concern ka sa akin, Jake. Salamat doon pero hindi mo kailangang mag-alala para sa akin."
            "Hindi ko naman maiiwasan na huwag mag-alala sa `yo at alam mo kung bakit."
            "Alam na alam ko."
            "Kaya sa gusto o ayaw mo man ay babantayan kita lalo na ang mga kilos ni Chloe."
            "Ikaw ang bahala." Sumusukong sabi niya.
            Hindi naman niya magawang magalit sa mga sinabi o gagawin ni Jake dahil alam niya na concern ito sa kanya. Sa katunayan nga ay natutuwa siya kasabay ng pagkagalak ng puso niya na nanatili rito na mahalaga siya. Na sa kabila ng mga bagay na pinagdaanan nito at sa sakit ay nasa tabi pa rin niya ito. Nananatili sa kanyang tabi.
            "Alam ba ni Devin na nakikipagkita ka kay Chloe?"
            "Hindi."
            "Saan ba siya ngayon? Hindi ba ngayon siya uuwi mula sa convention na dinaluhan ng org niya."
            "Oo. Ngayon. Pero wala siya."
            Hind niya maiwasan ang makadama ng lungkot. Hanggang ngayon kasi ay wala pa siyang natatanggap na text galing kay Devin.
            Magsasalita pa sana ito pero may pumasok na lalaki. Sinamantala niya iyon para makalabas. Iniwanan niya si Jake sa loob ng comfort room.
            "Ang tagal mo naman sa CR."
            "Pasensya na kung pinaghintay kita."
            "Okay lang. Pagkatapos dito saan mo gustong pumunta?"
            "`Wag na muna tayo ngayon mamasyal o magpunta ng bar, Chloe. Biglang sumakit ang ulo ko, eh."
            "Ganoon ba? Okay. May ibang pagkakataon naman."

"ANO BA talaga ang plano mo kay Hyde, ah, Chloe?" Pigil ang galit na tanong ni Jake kay Chloe nang makasakay na si Hyde ng jeep.
            Kanina pa niya sinusundan ang mga ito. Lantaran man iyon ay wala siyang pakialam. Ang nais niyang iparating ay nasa paligid lamang siya at babantayan ang mga ito lalo na si Chloe.
            Humarap sa kanya ang babae. "Wala akong plano kay Hyde. Tapat ang pakikipag-kaibigan ko sa kanya."
            "Tapat?" Sarkastiko niyang tanong. "I heard you last day talking to someone over the phone, Chloe."
            "Kailan ka pa naging eavesdropper, Jake?"
            "Tigilan mo na ang kung anong plano mo sa kanya."
            "Inosente ako sa mga paratang mo, Jake. Wala akong gagawin kay Hyde. Baka ikaw, meron pa."
            Napakunot-noo siya. "Anong ibig mong sabihin?"
            "Wala." Anito, natatawa saka siya iniwanan.
            Sinundan niya ito ng tingin. Kailangan niya talagang bantayan ang mga kilos nito. Kilala niya si Chloe. Kahit na magmaang-maangan man ito ay alam niya na may plano ito na masama laban kay Hyde. Being a friend to Hyde is only a facade. Patraidor itong kikilos.

            He knew it well...

Itutuloy…


1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails