Followers

Monday, November 2, 2015

String from the Heart [29]


Author’s Note


Hindi na ako hihingi ng pasensya sa sobrang delay ng update ko. Haha! Paulit-ulit na lang kasi, pero nagpapasalamat ako sa mga reader na hindi nagsasawa na maghintay (kung meron man) sa istoryang ito. At lalong maraming salamat sa mga mambabasa na hindi nakakaligtaan ang magbigay ng komento.

Heto na po ang chapter 29. Pagpasensyahan nyo na lang ang mga eksena kung masyadong alam nyo na.

Scheduled na rin ang dalawang sunod na chapter para wala na akong iisipin. Hahaha!

Enjoy po. Sana!


CHAPTER TWENTY-NINE


HINDI MABURA ang ngiti sa labi ni Devin habang nakatingin kay Hyde na abala sa pagkain. Paanong hindi mabubura ang labi sa kanyang labi gayong sa pagmulat ng kanyang mata ay ang mukha nito ang nakita niya. Iyon nga lang at hindi sila magkatabi sa kanyang higaan kundi sa mesa na nasa hapag-kainan.
            Pagkatapos niyang buhatin si Hyde para dalhin sa kanyang kwarto hindi niya ito tinabihan dahil nag-review pa siya. Sa dami ng ni-review niya ay sa mesa na siya inabutan ng antok at doon nakatulog ng mahimbing. Medyo nananakit nga ang kanyang leeg.
            Pero nang magising siya ay ang mukha ni Hyde ang nabungaran niya. Natutulog din ng mahimbing. Mas sumaya pa ang pakiramdam niya nang makita ang unan na kinahihimlayan ng ulo niya at ang kumot na nahulog ng tumuwid siya ng upo. Siyempre agad na pumasok sa isip niya na si Hyde ang may gawa niyon. Sa simpleng bagay ay damang-dama niya ang pagmamahal nito sa kanya.
            Imbes na ngang kumilos siya, pinagsawa na muna niya ang sarili na titigan ito hanggang sa tumunog na ang tiyan niya na dulot ng gutom. Habang nagluluto siya hindi niya ginising si Hyde. Lagi niya nga lang natatagpuan ang sarili na tinatapunan ito ng tingin saka siya ngingiti ng maluwang. Nakikita niya kasi na ganoon ang magiging senaryo nila once na magsama na talaga sila ng tuluyan sa iisang bubong.
            "Ang lawak ng ngiti mo," puna ni Hyde sa kanya. Kagigising pa lang nito. Kinusot-kusot pa ang mata.
            Mas nginitian pa niya ito ng matamis. "Paanong hindi lalawak nandito ka sa tabi ko."
            Nangiti ito sa banat niya. "Masyado kang makeso."
            "Sa masaya ako na kasama ka dito. You know what, Hyde, I'm picturing as two living like this. `Yong may times na ako ang magluluto `tapos ikaw naman ang magluluto para sa akin."
            Hindi ito nagsalita ngunit ang ngiti sa labi ay nauunawaan niya.
            "`Tapos `yong gigising ako palagi na nasa tabi kita. That would be great. Kapag nakapagtapos ako, kapag kaya ko na ang buhay ko at nakapaghanap na ako ng trabaho, willing ka bang tumira kasama ako sa isang bahay?"
            "Magtapos na muna tayo ng pag-aaral." Anito. Hindi sinagot ang tanong niya.
            "Gusto mo ba na tumira kasama ako sa isang bahay?"
            Dahan-dahan na tumango ito. "Masaya iyon, Devin. I'm also dreaming for that day to come."
            "Mabuiti naman kung ganoon. Talagang balak ko na itira ka sa isang bahay na kasama ako. Bahay na doon natin gagawin ang lahat na makakapagsaya sa atin."
            "Sorry to cut your daydreaming. Kumain na muna tayo. Ihahatid mo pa ako sa bahay."
            Nanunudyong ngiti ang ibinigay niya rito. "Ikaw talaga. Pinigilan mo ako sa pagde-daydream ko. Dahil ba `yon sa naaapektuhan ka sa tinatakbo ng sinasabi ko?"
            Natawa siya nang makita ang pamumula ng mukha nito. Yumuko ito para pagtakpan iyon.
            "Masyado ka."
            "Sinabi ko na nga ba."
            "Masyado kang ano..."
            "Seriously, Hyde, sa mga oras na ito gusto kong gawin `yon pero naiisip ko na may tamang pagkakataon para sa ganoong bagay. Actually, kanina ko pa iyon naiisip gawin mula nang magsolo tayo dito sa apartment."
            "Wala namang pumipigil sa `yo na gawin natin `yon."
            Marahan siyang umiling. "Pinipigilan ko nga ang sarili ko. Katulad ng sabi ko sa `yo, may tamang pagkakataon para doon. I just felt that this day was not the right for that."
            "Ang taas ng respeto mo sa `kin. Salamat Devin."
            "Mahal kita kaya nire-respeto kita."
            Tumayo si Hyde mula sa kinauupuan saka siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.  

MATAGAL NG alam ni Jake na may nagbabanta sa buhay ni Hyde at si Vix nga iyon pero hindi siya gumagawa ng aksyon na nauukol doon dahil hindi sapat ang salita para ireport niya ito sa kinauukulan. Isa pa naging abala siya sa pagpapakita ng nararamdaman para kay Hyde, sa kanilang pagkakaibigan at sa kanyang kabiguan na paulit-ulit. Kaya nga siya nagbakasyon dahil doon.
            At nang marinig niya ang mga sinabi ni Chloe... si Chloe na hindi niya akalaing may galit pala kay Hyde ay hindi pa siya maaalerto. Nararapat lang pala talaga na kahit nasasaktan hindi siya lumayo kay Hyde. Okay lang na masakit pero gusto niyang maprotektahan si Hyde.

INSPIRADONG-INSPIRADO si Devin sa bawat araw na dumaan dahil kay Hyde. Ngayon ang araw ng battle of the band. Alam niya na magagawa niya ng tama ang parte niya sa kanilang grupo dahil kay Hyde. Malawak ang pagkakangiti sa kanyang labi nang maalala ang eksena nilang dalawa kanina bago sila magkasabay na magtungo sa gaganapan ng BotB.

            "Kinakabahan ka ba para mamaya, Devin?"
            Isang ngiti saka marahang iling ang naging sagot ni Devin sa tanong ni Hyde. Nasa harap siya ng salamin, kasalukuyang inaayos ang suot niyang damit. Si Hyde naman ay nakaupo sa kama habang nakatingin sa kanya.
            "Oo nga naman. Matindi ang naging practice n'yo para sa battle of the band. Sigurado ako na maiuuwi niyo ang panalo."
            "`Yong mga previous namin na laban. Lumalaban ako kasi kailangan ko ng pera. I was motivated by the money that we were getting for the competition. But now, I'm fighting for the competition because of you." Hinarap niya si Hyde saka hinawakan sa kamay.
            Hinila niya ito patayo. Niyakap niya ng mahigpit.
            "Ikaw ang inspirasyon ko sa mga oras na `to, Hyde. Sasabihin ko na mahalaga ang pera kasi kailangan ko naman talaga iyon pero ikaw ang inspirasyon ko. Gusto kong manalo kami ngayon para sa `yo."
            "Bakit ba ang sweet mo?" Natatawa nitong tanong sabay kurot sa pisngi niya.
            Natawa siya. "Para hindi ka na magtampo. Para hindi mo ako pakawalan. Para hanap-hanapin mo ang paglalambing ko."
            "Hahanapin naman talaga kita. Pero sa ngayon bilisan na natin para makapunta na tayo sa BotB."
            "Mabuti pa nga. Pero bago `yon nasaan ang kiss ko?"
            Nangingiting sumunod sa kanya si Hyde. Binigyan siya nito ng isang halik sa labi. Isang mabinig halik. Hindi siya tumugon. Hinayaan niyang gumalaw ang mga labi ni Hyde sa labi niya. Hyde gently sucked his lips. Urging him to respond to his kisses. Ang mabinig halik nito ay naging marubdob hanggang hindi na niya kayang magtimpi. Hinawakan niya ito sa likuran ng ulo upang maglapat pa ang kanilang labi. Mas lalong uminit ang kanilang halikan sa kanyang pagganti. Nagduwelo ang kanilang labi. Sinipsip niya ang dila nito. Ganoon din ang ginawa ni Hyde. Natigil lang silang dalawa nang kapusin sila ng hangin.
            Idinikit niya ang noo sa noo nito. Nagkangitian sila.
            "I love you, Hyde."
            "I love you too."

Kung hindi siya nakapagpigil baka tuluyan na talaga silang humantong ni Hyde sa kama at doon magpalipas ng isang araw.
            "Kaya mo `yan, Devin." Ani Hyde.
            Awtomatiko siyang napangiti. Talagang bumalik pa ito sa backstage para ipakita ang suporta nito.
            "Kaya ko talaga. Nandyan ka eh."
            "Bola. Galingan mo kahit alam ko na magaling ka naman talaga."
            "Ikaw ang nambobola." Tudyo niya rito.
            "Hindi kaya. Talaga namang magaling ka saka alam ko na alam mo `yon."
            "Alam na alam. Pero mas gagalingan ko para sa `yo."
            "Okay." Anito. "Pabaon para mas galingan mo pang lalo." Sabi nito saka siya hinalikan ng mabilis sa labi.
            Hindi tuloy nawala ang ngiti sa labi niya kahit na medyo namroblema sila kay Brax na may problema sa pag-ibig.

KAHIT NA malungkot si Devin sa pagkatalo nila sa battle of the band wala na siyang magagawa. Nangyari na kasi ang nangyari. The only consolation that he had is that they have a big chance to win with it just like the previous battle of the band held.
            Hindi naman niya masisisi si Brax sa pagsablay nito. Ang pagbunton ng sisi dito ay walang magagawa. Hindi naman nito iyon sinasadya saka nakita naman niya ang effort nito para makasabay sa kanila. Sadya lang talagang okupado ito sa narardamdaman nito kay Vienne. Being away with the person you love the most is painful. Hindi man niya nararamdaman, dama niya ang sitwasyon ni Brax.
            Sa nangyayari sa love story ng mga ito. Devin silently praying that his relationship with Hyde will not lead to something akin with what the two were having now.
            Tuwing nakikita niya si Brax ay hindi niya maiwasan ang malungkot para rito. Alam niya na malalampasan nito iyon pero kung kailan... hindi niya alam. Wala naman siyang masyadong alam sa mga nangyari dahil hindi naman ito nagkukwento sa kanya o kay Theo. Nananatili na tahimik at malungkot ang kabanda nila.
            "Devin."
            Napatingin si Devin kay Hyde.
            "Ano?"
            "Kahit hindi kayo nanalo, okay lang `yon."
            Napangiti siya saka ito inakbayan. Ilang araw na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ang battle of the band. Pagkatapos ng araw na ito ay aalis siya para dumalo sa isang convention na late na nangyari kasama ang mga nasa department niya. Isa siya sa representative ng kanilang department.
            "Okay lang `yon. Nandito ka naman sa tabi ko. Nalulungkot lang ako na malalayo ako sa `yo ng five days."
            "Okay lang `yon, Devin. Alam ko na hindi ka magsasawang tawagan ako."
            "Of course. Hindi talaga ako magsasawang tawagan ka. Siyempre kapag hindi ako busy."
            "Yeah. Kapag hindi ka busy. Balitaan mo na lang ako sa text."
            Tumango siya.
            "Sa ngayon tulungan mo na muna akong mag-empake ng ilang gamit ko."
            Iyon nga ang ginawa nilang dalawa. Magkatulong sila sa pagsisilid ng ilan niyang damit para sa limang araw niyang pamamalagi sa lugar kung saan gaganapin ang convention. Hindi pa man siya nakakaalis, nalulungkot na siya na malalayo siya kay Hyde.

NABURA ANG ngiti sa labi ni Hyde nang mawala na sa kanyang paningin ang sinasakyan na coaster ni Hyde kasama ang miyembro ng organization nito para magtungo sa isang convention na tatagal ng ilang araw. Aaminin niya na nalulungkot siya na hindi makikita si Devin sa loob ng limang araw. Nasanay na kasi siya na palagi itong kasama mula nang magkaroon sila ng tampuhan. Ang mga araw ay hindi natatapos na hindi sila kumakain sa labas o kaya naman magkasamang nanonood ng kung anu-anong palabas sa telebisyon sa loob ng apartment nito. Alam niya na masyado na siyang OA pero hindi niya maiwasan ang sarili na makadama ng ganito.
            Napabuntung-hininga siya saka naglakad papasok sa campus. Hindi pa man siya nakakatungo sa school building tumunog na ang cellphone niya na nasa bulsa. Sinagot niya ang tawag na mula kay Chloe. Kahit na pumayag na siya sa paanyaya nito na lumabas, hindi pa rin iyon nangyayari. Through text at call lang muna ang komunikasyon nilang dalawa. Talagang desidido si Chloe na makipaglapit sa kanya at ganundin siya para sa kapatid niya.
            Speaking of Clyde. Well. Hindi pa siya masyadong kinakausap ng kanyang kapatid. Parang may pader pa rin na nakaharang sa pagitan nilang dalawa.
            "Kailan tayo magba-bonding?" Maririnig ang excitement sa boses nito.
            "Marami tayong time, Chloe. Tapos na ang sem. Bakasyon na natin."
            Tumawa ito. "Oo nga naman. Excited lang kasi talaga ako na maka-bonding ka, Hyde, eh."
            "Ako rin naman. May mga plano ka na ba pupuntahan natin?"
            "Meron. Marami. Pero mas gusto kitang makainuman."
            "Hindi naman ako umiinom, eh."
            "Tikim lang naman saka kapag medyo may tama ka na titigil na tayo."
            "Okay. Sige ba." Wala namang masama kung pagbibiyan niya ito. Chloe means no harm base on their talking. Sadyang nami-misinterpet lang ito dahil sa modernang pag-uugali nito.
            Tinapos na niya ang tawag nang makita si Jake na palapit sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap nito two weeks ago ay hindi na siya nito kinausap pa ng matagalan. Parang palagi may oras ito kapag kinakausap siya. Naiintindihan niya naman si Jake.
            "Pwede kitang mayaya kumain?"
            "Saan naman?" Curious niyang tanong.
            "Kahit saan. Parang pakiramdam ko kasi, obligado ako na bumawi sa `yo pagkatapos ng mga ginawa ko the past weeks."
            Napangiti siya sa sinabi nito. "Talaga? Mabuti naman at napansin mo na binalewala mo ako sa nakalipas na mga araw."
            "Yeah." Nahihiyang pag-amin nito. "Well. Let me tell you why, Hyde. Nagseselos at nasasaktan pa kasi ako sa mga panahong iyon."
            "So? Ngayon hindi ka na nasasaktan?"
            "Nasasaktan pa rin ng kaunti pero hindi ko naman gusto na malayo ka sa `kin."
            "Magkaibigan tayo kaya sige. Labas tayong dalawa. Ikaw na ang bahala kung saan tayo kakain. Just like the old times."
            "Yeah. Just like the old times."
            Magkaagapay silang dalawa naglakad papunta sa parking lot.

ANG PAGYAYAYA kay Hyde lumabas at kumain ay isa sa mga plano ni Jake para mas mapalapit dito. Para mailayo niya ito kay Chloe. Hindi naman sana ngayon niya uumpisahan ang muling paglapit nito kung hindi lang niya narinig ang pakikipag-usap ni Hyde kay Chloe sa cellphone. Naisip niya na kailangan na niyang gumawa ng aksyon para mailayo ito sa plano lalo pa at wala si Devin.
            Si Devin...
            Desidido na ang daddy niya na kuhanin ito at idaan sa legal na proseso ang mga bagay para maging kaapelyido na nila. Iyon nga lang at hinahadlangan iyon ng tita nito na mas kilala nito bilang ina.
            Para sa kanya ay okay lang ang mga bagay na ginagawa ng daddy niya. Magkasundo na sila kaya naman pabor na siya sa ginagawa nito.
            Sa lahat ng taong involve sa mga nangyayari sa kanila, si Devin lang ang tila clueless at walang alam sa mga nangyayari. Hindi naman niya masisisi ito dahil sadyang abala ito sa pag-aaral at sa banda nito. Ngayon nga ay kaaalis pa lang nito para magtungo sa convention na dadaluhan.  
            Napabaling si Jake kay Hyde nang marinig niya ang malalim na pagbuntung-hininga nito.
            "Okay ka lang?"
            "Oo naman. Inaantok lang ako."
            Ah. Si Hyde... ang kanyang si Hyde na sa panaginip niya lang maaangkin. Sa isang katulad niya na nagmamahal. Maituturing na siyang masokista. Masakit. Ilang beses na ba niyang sinabi sa sarili iyon? Ngunit sa kabila niyon ay masaya pa rin siya na nakikita at nakakasama ito katulad ngayon. Siyempre may motibo siya sa mga bagay na ginagawa niya ngayon. Ilalayo niya ito sa mga taong naiinggit at makakasakit dito.
            "Iuwi na lang kaya kita," suhestiyon niya.
            "Iuuwi mo ako? Paano naman ang libre ko kung ganoon? Okay lang `to, Jake. Parang hindi mo naman alam na antukin ako minsan."
            Napangiti siya sa sinabi nito. "Oo nga naman pala. Sige. Sayang ang libre. Sa dati lang, hindi ba?"
            Tumango ito.
            Mga ilang minuto nakarating na sila sa isang fastfood chain. Ang lugar na isa sa memorable sa kanya kasama ito.

"MABUTI NAMAN at talagang lalabas na kayong dalawa."
            Ang natutuwang sabi ni Vix kay Chloe. Magkatabi sila nito sa kama, kapawa walang saplot. Katatapos pa lang ng mainit na tagpo sa pagitan nila. Vix don't mind being naked in front of Chloe. Nakita na nito ang lahat sa kanya at ganoon din siya rito.
            Habang kausap ni Chloe si Hyde ay abala siya sa pagpapala sa katawan nito, sa pagbibigay dito ng saya na nangpapa-init sa kanya kapag umuungol ito at umaarko ang katawan dala ng mapagpala niyang labi at ekspertong mga kamay.
            Sa totoo lang ang nangyayari sa kanilang sekswal ay hindi inaasahan. Nagsimula lamang iyon isang araw nang pareho silang malasing. Chloe was such a flirt. Inakit siya nito at dahil sa kalasingan ay nagpa-akit naman siya. It lead to things that they both loved and doing it everytime they have time. Tuwing nagkikita sila, bago ang kanilang mga pagpa-plano ay nauuwi muna sila sa isang mainit na pagtatalik.
            Sino ang mag-aakala na ang katulad niya ay papatol sa isang katulad ni Chloe? Alam ni Vix na hindi lang siya ang kaulayaw nito. Sa katunayan may alam siya sa nangyayari sa pagitan nito at sa kapatid ni Hyde. Ang kapatid ni Hyde na isa sa susi para maging malapit si Chloe kay Hyde.
            Nakikita niya na sa mga ginagawa nilang plano ay sobrang pabor iyon sa babae niyang katabi. Napatingin siya kay Chloe nang magsimula nitong hipuin ang katawan niya. She started drawing circle on his nipple then lightly pinch it. Napaungol siya sa ginawa nito. Nag-iinit naman siya sa simpleng haplos at pang-aakit nito. Ngunit sa ngayon ay kailangan niya munang magtimpi para sa gagawin nilang plano.
            "Mamaya na `yan, Chloe." Aniya. "We have the lots of time to do it. Sa ngayon sasabihin ko muna sa `yo ang parte mo."
            Umungol si Chloe bilang pag-protesta ngunit sinunod naman siya. Umayos ito. Tinakpan ang kahubdan saka sumandal sa headboard.
            "Bilisan na natin kung ganoon," anito. "Alam ko naman na ang gagawin ko."
            "I know," sabi niya. "But we need to make it concrete. Trabahuin mo nang maigi si Clyde dahil siya ang susi natin para mapalapit kay Hyde."
            "I know right," anito. Napakagat-labi. "I think you should try Clyde, Vix. Sa tuwing may nangyayari sa `min, satisfied na satisfied ako."
            Lihim siyang napailing ngunit in-entertain niya sa utak ang idea. Hindi niya lamang iyon pinapahalata kay Chloe.
            "Tigilan mo muna ang kamunduhan na naiisip mo. Kay Hyde tayo dapat mag-focus."
            "Kay Hyde at kay Jake."
            Napangiti siya. "Of course, I won't forget him. Bukod kay Clyde, si Jake din ang isa pang susi natin para sa matagumpay na plano."
            "Masyadong maganda ang mga gagawin natin. Alam ko na mangyayari iyon. Hindi ako papalya sa parte ko, Vix."
            Natuwa si Vix sa narinig. Alam niya kung gaano kadesidido si Chloe na matupad ang plano nila para sa pera. Chloe expecting him to give her one. Hindi naman niya ito bibiguin. Nakahanda na ang perang ibibigay niya rito pagkatapos ng lahat. Pareho rin nilang napag-desisyunan na hindi na sila magkikita pagkatapos nito.

TATLONG ARAW ng wala si Devin sa tabi ni Hyde. Nami-miss na niya nang sobra ito. Oo. Lagi naman silang nagpapalitan ng mensahe at tinatawagan siya nito kapag may oras, ang kaso lang, iba pa rin kapag sa malapit ito at may laya siya na mayakap.
            Wala siyang ginagawa sa kanilang bahay kaya si Devin ang palaging laman ng isipan niya. Katulad sa mga oras na ito. Nakabukas ang telebisyon pero wala ang atensyon niya doon. Ang kanyang tingin ay sa cellphone niya na nakapatong sa center table. Hinihintay niya na mag-text si Devin. Ganitong oras kasi ang pag-text nito sa kanya.
            Nawala lang ang pansin niya sa cellphone nang marinig ang pagpasok ng kung sino sa sala. Napatingin siya sa taong iyon. Si Clyde.
            Tiningnan lang siya nito saka dumiretso sa kwarto nila. Hanggang ngayon talaga, sibil pa rin ang ang pakikitungo nito sa kanya. Kibuin-dili siya na pilit niyang binabalewala pero apektado naman talaga siya.
            Tumayo siya mula sa kinauupuan saka sinundan si Clyde sa kwarto nila. Naabutan niya ang kakambal na nagbibihis.
            "Clyde." Tawag niya sa pansin nito. Hindi ito nagsalita. "Pwede ba tayong ma-usap?"
            "Tungkol saan?"
            "Sa pakikitungo mo sa `kin." Aniya. Bumuntung-hininga siya. "Hindi ako sanay na ganito tayong dalawa."
            "Sabi ko naman sa `yo na babaguhin ko ang desisyon mo na hindi magustuhan si Chloe."
            "Magkikita kami ni Chloe sa susunod na araw. Magba-bonding kami."
            Saka pa lang siya nito tiningnan sa sinabi niya. "So open ka na na makilala siya?"
            Tumango siya. "Oo. Para sa `yo. Ayoko naman kasi na malamig ang pakikitungo mo sa `kin."
            Malawak ang naging ngiti ni Clyde saka siya niyakap nang mahigpit. Muntik pa siyang mabuwal dahil hindi niya inaasahan iyon. Pagkatapos siya nitong yakapin, lumayo ito saka siya tiningnan.
            "Mabuti naman at nagbago ang desisyon mo. You will like her, Hyde. Mabait si Chloe. Mapagbigay din siya."
            "In love ka ba sa kanya?" Curious niyang tanong.
            "I like her. Hindi pa naman `yon patungo sa love yata. Hindi lang ako sure." Mabilis na sagot nito. Nagniningning pa ang mga mata.   
            "Ah. Para sa `yo talagang makikipag-lapit ako sa kanya."
            "That's a relief, Hyde. Salamat."
            "Walang anuman. Para lang sa `yo, huwag ka lang magtampo."
            Ngumiti ito. "Malakas talaga ako sa `yo."
            "Oo." Aniya. "Sige. Labas na muna ako."
            Tumango ito bilang pagsang-ayon. Malawak ang ngiti sa labi ni Hyde. It was such a relief now that he and Clyde were in good terms again.
            Tiningnan niya ang cellphone niya. He smiled automatically when he heard it ring. Alam niya kasi na si Devin iyon. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone saka tiningnan kung soi Devin ba talaga ang tumatawag.
            Nadismaya siya nang makita na hindi si Devin ang tumatawag. Sinagot niya iyon.
            "Hello."
            "Hello, Hyde. Bakit ganyan ang boses mo? Parang dismayado na dismayado ka, ah."
            Si Marty ang nasa kabilang linya.
            "Hindi naman," sagot niya. "Napatawag ka? Balita?"
            "Wala namang bago. May load lang ako kaya kita tinawagan. Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko sa college."
            Napangiti siya. "Nagsasayang ka lang pala ng load."
            "Hindi. Mangungumusta lang ako. Kumusta ka na ba?"
            "Okay lang," natatawa niyang sagot. "Kung mangumusta ka parang ang tagal na mula nang hindi tayo magkita."
            "Three days are long enough."
            Yeah. Three days are long enough. Siya nga sobra na niyang nami-miss si Devin kahit tatlong araw pa lang mula nang hindi sila magkita. Kahit na may komunikasyon naman sila sa pamamagitan ng text at tawag. Sobra na niyang nami-miss si Devin.         
            "Nandyan ka pa ba?" Tanong ni Marty.
            "Nandito pa ako."
            "Parang ayaw mo akong makausap," kunwa'y nagtatampo sa sabi nito.
            "Hindi naman. May in-expect kasi ako na tatawag sa akin."
            "Si Devin ba?"
            "Oo."
            "Kung ganoon, sige, ibababa ko na `to."
            "Okay."
            "Okay."
            Nawala na ito sa kabilang linya. Napabuntung-hininga siya. Si Devin lang talaga ang hinihintay niya na tumawag sa kanya. Lampas na sa oras ang oras ng pagtawag nito. He's expecting him to call because Devin promise to him that he will call. Kung tutuusin pwede naman siyang tumawag pero sabi nito ay ito ang tatawag. Nakakatampo na baka nakalimutan na nito iyon.
            Hawak ang cellphone na nagtungo siya sa kwarto. Nahiga siya sa kanyang higaan. Nakatingin siya sa kisame. Still waiting Devin to call him. Nakatulugan na niya ang paghihintay sa tawag ni Devin.

MASAMA ANG pakiramdam ni Devin. Masakit ang lalamunan niya pati ang kanyang ulo ay sobra ang sakit. Pakiramdam niya anumang oras ay magkakasakit siya. Habang nasa loob nga siya ng ginaganapan ng seminar para sa pangatlong araw ay hindi niya maituon ang buong pansin doon. Nayayakap na lang niya ang sarili sa lamig kahit na may suot naman siya na jacket.
            Kanina pa tapos ang seminar nila. Nakahiga siya sa inuokupa niyang kama sa loob ng hotel room. Nakatalukbong ng kumot at balot na balot ang katawan. Lately, napansin niya na mahina ang resistensya niya. Palagi na lang siyang nagkakasakit.
            "Okay ka lang ba Devin?"
            "Hindi." Sagot niya sa kasalo sa kwarto na kasama.
            "Uminom ka na ba ng gamot?"
            "Oo. Uminom na ako. Kanina pagising ko masama na ang pakiramdam ko."
            "Epekto siguro `yan ng pagpapa-ulan natin kahapon."
            Biglaan kasi ang pag-ulan kahapon. Namamasyal silang magkakasama nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala silang pananggalang kaya naman tumakbo sila pabalik sa tinutuluyan nila.
            "Siguro nga. Hindi ko akalain na tatablan ako ng sakit."
            Natawa ito.
            "Hindi naman talaga natin `yan inaasahan but atleast we can prevent it." Sabi nito. "Sige, Devin, pahinga ka lang. Lalabas muna ako."
            Nang makalabas ito ay napapikit siya. Mas lalo niyang isiniksik ang sarili saloob ng kumot. Napatingin siya sa cellphone niya. Kinuha niya iyon. Napapikit siya nang mariin nang makita na lowbatt iyon.
            Dahil sa sakit nakalimutan na niyang i-charge iyon. Hindi na siya nag-abalang mai-charge pa iyon. Hinila na siya ng antok.

NADISMAYA SI Hyde ng wala pa rin siyang nakita na mensahe galing kay Devin pagkagising niya. Nakatulog siya ng mahigit sa tatlong oras pero wala pa ring text message si Devin. Naiisip niya na baka may ginawa ito o kaya abala kaya walang text man lang. Naiisip din niya na may valid itong rason sa hindi nito pagtupad sa pangako na ite-text siya.
            Inabala na lamang niya ang sarili sa pag-aasikaso sa kapatid na pina-alaga sa kanya ng mama niya. Pagkatapos niyang maasikaso ang kapatid saka niya binalikan ang cellphone sa kanyang kwarto para siya na lang ang tumawag kay Devin.
            Pumwesto si Hyde sa garden para may privacy siya. Idinayal niya ang numero ni Devin. Isang tawag ngunit walang sumasagot. Ang mga sumunod ay ang boses ng babae na laging maririnig kapag out of reach ang tinatawagan ang sumasagot sa kanya.
            Napabuntung-hininga siya. Nag-aalala na siya kay Devin. Baka kung ano ang nangyari dito kaya hindi niya makontak. Ang ginawa niya, tinawagan niya si Stelle. Si Stelle ang isa sa kasama nito sa convention.
            Nakadalawang tawag siya bago sagutin ni Stelle iyon.
            "Hello Ate Stelle."
            "Hello, Hyde, napatawag ka?"
            "Nakita mo ba si Devin? Nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko siya makontak. Hindi rin niya ako tinawagan."
            "Hindi ko pa nakikita si Devin. Wait, wait lang Hyde. Nakita ko `yong roommate niya. Tatanungin ko lang."
            Mga ilang minuto nawala si Stelle sa kabilang linya bago bumalik.
            "Ah. Hyde. Masama raw ang pakiramdam ni Devin. Nasa loob siya ng kwarto nila."
            "Kumusta na si Devin?" Nag-aalalang tanong niya. "Uminom na ba siya ng gamot? Ano ba nangyari sa kanya?"
            "Sabi ni Cane, uminom na raw ng gamot. Nakatalukbong daw ng kumot. Kahapon kasi nagpa-ulan `yon kasama `yong iba namin na kasama."
            "Hindi sa akin naikwento ni Devin." Aniya. "Alam kong makakaabala at nakakahiya `to, pero, pwede bang pakitingnan mo si Devin."
            "Okay. Kaibigan ko si Devin kaya naman aalagaan ko talaga siya. Don't worry too much, Hyde. Aalagaan ko siya para sa`yo."
            "Salamat, Ate Stelle. Gusto ko sana siyang makausap pero nagpapahinga yata. Pakisabi na lang na tumawag ako. Magpagaling din siya."
            Ilang minuto pa ang ginugol niya sa pakikipag-usap kay Stelle bago niya tinapos ang tawag.
            Nag-aalala siya kay Devin ng sobra.

"OKAY NA ba ang pakiramdam mo?"
            Iyon ang unang tanong ni Stelle kay Devin nang magising siya. Mula nang makatulog siya kanina ay ngayon pa lang ulit siya nagising. Matindi ang panlalamig na nadarama niya. Hindi sapat ang isang kumot at kapal ng jacket na suot niya.
            "Hindi pa," sagot niya kay Stelle. Malat ang boses niya. Masakit din kapag lumulunok.
            "Kumain ka na muna saka inom ka ng gamot," anito. "Nagpabili ako kay Cane ng lugaw at gamot."
            "Salamat Ate."
            "Sus. Wala iyon. Magpahinga ka na muna. Kung hindi pa tumawag si Hyde sa `kin, hindi ko pa malalaman na may sakit ka mula kay Cane."
            Nakuha nito ang atensyon niya. "Tumawag sa `yo si Hyde?"
            Nakangiting tumango ito. "Oo. Tinawagan niya ako kanina. Nag-aalala sa `yo ng sobra ang pag-ibig mo."
            Kahit na masama ang pakiramdam, napangiti siya. Nilukob din ng init ang puso niya sa kaalamang iyon.
            "Hindi ko siya natawagan. Favor, Ate, pwedeng paki-charge ng cellphone ko. Sa sama ng pakiramdam ko nakalimutan ko pati pagtsa-charge."
            "Okay. Saan ba?"
            Itinuro niya rito kung saan nakalagay ang cellphone niya pati ang charger.
            "Sige, Devin, labas muna ako." Paalam ni Ate Stelle.
            Tinanguan niya ito saka nagpasalamat. Itinutok niya ang pansin sa cellphone niya. Binuksan niya iyon. Nang bumukas ang cellphone agad niyang tinawagan si Hyde.
            "Hyde."
            "Kumusta ka na Devin?"  
            Napangiti siya sa pag-aalalang narinig sa boses nito.
            "Not fine. Pasensya na. Hindi kita natawagan kanina."
            "Sa totoo lang hindi sa akin okay kanina. Pero nang malaman ko mula kay Estelle na may sakit ka okay na. Tama ako na may valid kang rason. Magpagaling ka, Devin. Miss na kita. Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot mo?"
            "Miss na din kita. Hindi pa ako kumakain. Hindi pa rin ako umiinom ng gamot. Kagigising ko lang."
            "Sana nandyan ako para alagaan ka."
            "Inaasikaso naman ako ni Cane saka ni Ate Stelle. I'll be fine, Hyde. Pero iba pa rin kung ikaw ang nag-aalaga sa `kin."
            Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. "Nakokonsensya tuloy ako na nagtampo ako sa `yo kanina na hindi ka tumawag. Iyon pala may sakit ka."
            "Okay lang `yon. Alam mo naman na may valid akong rason eh. Hyde..."
            "Hmmm.."
            "I love you. Kapag nakabalik ako gusto kitang yakapin ng sobrang higpit. Gusto rin kitang ikiss ng matindi."
            "Magpagaling ka muna bago ka umuwi dito. Masyadong marami ang naiisip mo."
            Natawa siya saka naubo.
            "Devin, okay ka lang? Magpahinga ka na muna. Ako na lang ang tatawag sa `yo mamaya."
            "Okay. Sige."
            "I love you, Hyde."
            "I love you din."

            Kahit natapos na ang tawag ay malawak pa rin ang ngiti sa labi ni Devin hanggang sa pumasok si Ate Stelle kasunod si Cane.

Itutuloy…

2 comments:

  1. Ayun oh, my update na, haha. Sana my pag-asa pa ang team Jake. Haha. Thanks po sa update sir Vienne. Naalala ko tuloy ung pagkapanalo ng The Antagonist sa BOTB dahil sa broken hearted si Brax dahil sayo hahaha

    ReplyDelete
  2. Sarap naman ng tinginan nila. Sana wala na amg mga conyrabida sa buhay nila. Salamat sa update. Ingat.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails