Followers

Saturday, September 12, 2015

String from the Heart [27]




AUTHOR’S NOTE


Babala, asawa ni Babalu. (LOL. Waley.)

May something po sa chapter na ito pero hindi sa mga bida. Paki-skip na lang po kung ayaw niyo n’un kahit na kaunti lang na part at bitin pa. Ang hirap na mag-isip ng mga nangyayari. Kaya hayun, napunta ang dalawa – na malalaman niyo po kapag nabasa niyo na ito – sa ganoon na bagay. Hindi ko nga alam kung pwede ba iyon pero baka possible pa naman na pumatol ang isang ganoon sa isang babae.

Kayo na po ang bahalang umunawa. Sa mga magko-comment sa eksena na iyon. HEhe. Open po ako. Kailangan ko rin ng kalinawan.


Enjoy po!

CHAPTER TWENTY-SEVEN


HINDI MAPUKNAT-PUKNAT ang ngiti sa labi ni Devin habang binabasa ang laman ng notebook niya. May long quiz sila mamaya sa isang subject at kahit na abala siya sa pagre-review ay hindi mawala sa kanya ang kasiyahan. Patunay na roon ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Mabilis dumaan ang araw, isang linggo. Ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanya ang pagsagot sa kanya ni Hyde. Siya na ang pinakasaya. He felt like flying in thinking that finally, the love of his life is totally to him now. May panghahawakan na siya rito at hindi niya basta-basta pakakawalan ang isang katulad ni Hyde.
            "Kanina ka pa nakangiti ng ganyan," ani Ate Estelle. Ito ang review buddy niya. "Ang saya-saya at luwang niyan. Sabihin mo nga sa `kin, Devin. May nangyari ba? May progress ba ang panliligaw mo kay Hyde?"
            "Hindi na ako nanliligaw, Ate Estelle."
            Nanlaki ang mata nito saka napangiti nang maluwang. "Wow! Congrats! Kayo na pala. Kailan pa Devin?"
            "Two days ago. Napakasaya ko nang sagutin niya ako Ate. Ganito pala `yong feeling. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong lilipad anumang oras tapos walang pagsidlan `yong saya."
            Natawa ito. "Kung makikita mo lang ang reaksyon ng mukha mo ngayon, Devin. You look so in love. Masaya ako para sa `yo."
            "Salamat. Matagal kong hinintay ito na mangyari. And now it happened. I'll make sure I'll do everything for the both of us."
            "Pero bago `yon, kailangan mo munang bigyan ng pansin ang mga ganap dito sa school. Sa banda n'yo at sa org natin."
            "Yeah. Hindi ko `yon kakalimutan. Ngayon pa na may inspirasyon na ako na boyfriend ko na."
            Napailing-iling si Estelle. "Ikaw na ang may lovelife. Akala ko kasi nakalimutan mo na ang mga gagawin mo dahil sa ngiti mo, eh."
            "No."
            Sa totoo lang. Nakasulat na sa isang notebook ni Devin ang mga gagawin niya sa mga susunod na araw. Iyon nga lang ay hindi pa niya ulit iyon natitingnan. Basta ang alam niya ay magiging abala siya.
            Una, sa mga school activity at programs na ang org nila ang isa sa nag-organisa.
            Pangalawa, ang practice nila sa banda para sa gaganapin na battle of the bands. Pagkatapos nga rito ay tutungo na siya sa music room para doon.
            Pangtatlo, pagkatapos ng battle of the bands ay kasama siya sa convention. Sa pagkakatanda niya ay limang araw sila sa pagaganapan niyon.
            Bigla siyang natigilan. Mukhang magiging abala talaga siya. Kailangan niyang makausap si Hyde sa mga activities niya para masabihan ito. Mukhang magiging kaunti ang oras nila sa isa't-isa dahil sa kaabalahan niya.
            "Kailangan ko palang kausapin si Hyde sa mga gagawin ko," nasabi niya.
            "Yeah."
            "Pagkatapos ng exam natin pupuntahan ko na lang siya." Aniya.
           
"NAKAKAGAGO ang malawak na ngiti sa labi mo."
            Devin was in pure bliss kaya naman wala siyang pakialam sa sinabi ni Theo na tiyak niyang mang-aasar lang. Siyempre. Malawak talaga ang ngiti sa labi niya dahil sa taong mahal niya. Hanggang ngayon kasi ay pakiramdam niya ay nasa alapaap siya.
            "Isang linggo na ang nakakalipas mula nang sagutin ka ni Hyde pero..." umiling-iling si Theo.
            Hindi pa naman talaga siya nakaka-recover. Ang pagsagot sa kanya ni Hyde ay nagbigay ng sanlaksang kasiyahan at kakaibang pakiramdam sa kanya. Basta. Masaya siya ng sobra sa development ng relasyon nila. Medyo malungkot lang sa parte na hindi pa sila ulit nagkikita kahit sa isang school lang sila. Pareho kasi silang abala nito sa gawain sa school. Puro sa text at tawag sila nag-uusap.
            Nami-miss na niya si Hyde.             
            Naisip niya na maglalaan siya ng oras para sa kanilang dalawa.
            Napatingin siya kay Theo nang batuhin siya nito ng nilamukos na papel.
            "Anong problema mo?"
            Nakasimangot ito. Parang naiirita. Napansin niya na bad mood ang loko kanina pa na nagpa-practice sila.
            "Wala." Paiwas na sagot nito saka binigyan ng pansin ang hawak na stick ng drum. Kay Brax iyon. Naiwan ng loko dahil sa pagmamadali na puntahan si Vienne.
            "Wala raw? `Yong totoo, Theo. Naiirita ka sa ngiti ko o naiinggit ka lang dahil may lovelife ako pati si Brax."
            Mas lalong nalungkot ang mukha nito sa sinabi niya. "O, eh, `di wow! Kayo na ni Brax ang may lovelife."
            Natawa na lang siya. "Bakit kasi hindi ka magseryoso? `Wag kang makipag-flirt lang."
            "No way! Sakit sa ulo lang ang ganyan. Mas okay ang malaya."
            "Hindi rin. Masaya kaya `yung may nag-aalala sa `yo. Nagtatanong kung kumusta ka na at sinasabihan ka ng 'I love you'."
            "Corny lang."
            "Kapag ikaw nain-love. Ewan ko na lang."
            "Bakit ka ba foul mood?"
            "Nabubwisit kasi ako sa isang tao."
            "Sinong tao `yan?" Curious niyang tanong.
            "Basta tao." Anito saka nag-iwas ng tingin.
            Napangisi siya. "Baka ang taong `yan ang katapat mo."
            Inis itong nagsalita. "Hindi ka nakakatuwa. Naging kayo lang ni Hyde officially naging mapang-asar ka na. Nagkaroon lang ng lovelife, nag-iba ang ugali."
            "`Coz I'm happy."
            "Pharrel Williams, ikaw ba `yan?" Sarkastikong sabi nito.
            Binato niya ito ng hawak na stick na nailagan naman nito.  
            "Tingnan mo. Naging bayolente ka pa." Anito sabay kuha ng itinapon niya saka ibinato pabalik sa kanya.
            "Mas bayoleente ka nga." Aniya. hindi pa rin ito tinatantanan.
            "Ewan ko sa `yo," anito. "Makaalis na nga. May baliw dito."
            Sinundan niya ito ng tingin. Napapangiting naiiling na lang siya.
            Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa saka nagtype ng mensahe para kay Hyde. Kanina pa niya ito naiisip. Nami-miss na rin niya ito.
            Ang kanyang si Hyde...

SIMULA na ng plano. Iyon ang nasa isipan ni Vix mula nang malaman niya na officially na sina Devin at Hyde. Siyempre. Hindi siya nag-iisa sa planong ito. Si Chloe ang isa sa susi sa pagiging matagumpay ng plano niya. Gustong-gusto niya ang ambag sa plano nila dahil tiyak niya na magiging sobrang epektibo niyon para mapabagsak nila si Hyde at umuwing luhaan.
            Hayts...
            Hindi pa man nangyayari. Alam na niyang magiging matagumpay sila sa kanilang gagawin. Naaamoy na niya ang tagumpay. Tiyak niya na pagkatapos niyon ay maiiwang luhaan at sawi si Hyde.
            Oh well...

BORED NA kinuha ni Chloe ang nag-iingay niyang cellphone na nasa may ulunan niya. Sinagot niya ang tawag ng kung sinong Poncio Pilato na umiistorbo sa pagtulog niya. Madaling araw na siyang nakatulog kaya naman masakit ang ulo niya. Idagdag pa na lasing siya kagabi. Nakipag-inuman siya sa mga nakilalang lalaki at nauwi iyon sa goodtime na humantong sa kanila sa loob ng isang hotel room.
            Pero siyempre... Hindi siya umuwi na walang dalang pera. Sa makalawa kasi ay aalis na siya sa inuupahan niyang apartment. Magpapalaboy-laboy na naman siya. Mabuti na lang at may nakita siyang isang abandonadong bahay. Doon na muna siya mananatili hanggang wala pa siyang pera.
            Pera.
            Bakit nitong nakaraan ay masyadong mailap sa kanya ang materyal na bagay? Hindi sapat sa kanya ang ibinibigay ni Vix. Kulang na kulang hindi sa luho niya kundi sa pagbili ng droga na kinahuhumalingan niya. Kapag wala siya niyon pakiramdam niya ay mababaliw siya. Humantong na nga siya sa pagbebenta ng kanyang sarili para lang sa hanap ng katawan niya na droga.
            "Ano ba?"
            "Simula na ng plano natin Chloe."
            Si Vix ang nasa kabilang linya. Paiba-iba naman kasi ng numero ang lunatic.
            "Ganoon. Mabuti naman."
            Matagal na niyang hinihintay na mangyari ang ganito. Kapag nagawa niya kasi ang pinapagawa ni Vix ay bibigyan siya nito ng malaki-laking pera. Pera na ibibili niya ng pampatid-uhaw na droga. Nabuhayan siya.
            "Humanda ka na, Chloe. Kaibiganin mo na si Hyde."
            "Okay. Bigyan mo muna ako ng pera. Kailangan ko ng pampaganda."
            "Pera na naman. Hindi ito libre, Chloe. Kailangan mo akong bayaran."
            Napangiti siya. "Sige ba. Maliligo ako. Pupuntahan kita kung saan ka man ngayon, Vix."
            "Sige." Excited na sabi nito.
            Of course. May nangyayaring sekswal sa kanila ni Vix. Hindi niya iyon inaasahan dahil miyembro nga ito ng ikatlong kasarian ngunit hindi maipagkakaila na may kagalingan ito sa pagpapasaya sa kanya. Kapag ito ang katapat niya sa ibabaw ng kama ay sobra siyang nasisiyahan. Kahit na kasi ganoon si Vix tila expert na expert ito. He knew how to make her happy and so as she.
            May pera na siya. May magaling pa siyang sex buddy. Vix was satisfying. Idagdag pa na hindi naman ito halatang bakla.

SINALUBONG NI Vix si Chloe sa pintuan ng condo unit niya. Pagkasara na pagkasara niya ng pintuan ay agad na naglapat ang labi nilang dalawa. Naglaban ang kanilang dila. Nagpalitan na sila ng laway ng isa't-isa. All he wanted to do was to be satisfied. To fuck and to be suck. Ibang kaligayahan ang ginagawa ni Chloe tuwing may nangyayari sa kanilang dalawa. Kahit na miyembro siya ng third sex ay hindi siya makawala at wala siyang nadaramang pandidiri sa pakikipag-ulayaw sa babaeng ito.
            The kiss deepen. Mula sa labi nito ay bumaba ang halik niya sa leeg nito. Dinilaan niya ang leeg nito na nagpahalinghing dito. Naramdaman nya ang paghawak nito sa ulo niya. Guiding him to go down and to worship his proud breast.
            Hinubad niya ang damit nito. Agad naman niya iyong nagawa dahil sa tulong nito. Tinaggal niya ang suot na brassiere.
            He started sucking the left one while holding the right one. Ungol ang tanging narinig niya mula kay Chloe. Ungol ng sarap. Napapasabunot pa ito sa kanya na hindi niya iniinda. Bagkus ay nagbibigay pa iyon sa kanya ng ibayong kaligayahan at init. Init na nagdudulot at nagsasabing galingan pa niya ang ginagawa para sa reaksyon nito na sadya namang nagbibigay sa kanya ng sidhi na magpatuloy at magawa ang bagay sa pagitan nila.
            Mula sa dalawang nagmamalaki nitong dibdib. Bumalik siya sa leeg nito. Sa tainga na nagbigay dito ng kiliti at muli sa labi. Sinibasib niya ng halik ang labi nito. Kinagat niya nang mahina ang ibabang labi. Chloe returned the favor by sucking his upper lip. Muling nag-espadahan ang kanilang mga dila. They were exchanging fluids coming from their mouth and that making the moment so hot, wet and hard for him.
            They kiss with so much hunger. Nagpalitan sila ng laway.
            Hinubaran niya ng lahat ng saplot si Chloe. Leaving her naked. Puno ng pagmamalaki ang ngiti sa labi. Napakagat-labi na tila nang-aakit. At talaga namang naaakit siya.
            Hinalikan niya itong muli. Katulad kanina. May trail ang paraan niya ng paghalik. Mula sa labi, sa tainga, sa leeg, pababa sa nagmamalaking dibdib patungo sa tiyan. Nilaro niya ang pusod nito hanggang sa humantong siya sa pagkababae nito. He started caressing her in the private part. Magkahalinhinan ang kanyang labi at dila kasama ang mga daliri sa pagpapala sa kaangkinan nito.
            Napaparko ang katawan nito sa ginagawa niya hanggang sa impit itong napasigaw nang lumabas ang katas nito. Pinagsawa niya ang sarili doon.
            Napangiti si Chloe sa kabila ng namumungay na mata. Humihingal din ito sa natapos na pagpapalabas.
            Siya naman ang naghubad. Si Chloe naman ngayon ang magtatrabaho at siya ang ipagpapala.
            Nagpalit sila ng posisyon. Siya naman ang umupo sa sofa at si Chloe ang tumayo.
            "Its your turn."          
            "My pleasure."

KASALUKUYANG nanonood ng palabas sa telebisyon sa isang channel si Hyde kasama si Clyde. Kapansin-pansin ang naiibang kasiyahan ni Clyde. Kanina pa iyon napapansin ni Hyde ngunit hindi siya nagsasalita.
            Tumawa ito nang malakas. Nakakatawa naman talaga ang palabas pero iba talaga ang kasiyahan ni Clyde. 
            "Ang saya mo yata." Pamumuna niya. Hindi na niya natiis ang sarili na hindi ito punahin.     
            "Halata ba?"
            "Halatang-halata. Bakit ka ganyan? Pwede ko bang malaman?"
            "Do you remember Chloe?"
            Nabura ang ngiti sa kanyang labi. Napatuwid siya ng upo.
            "Anong kaugnayan ng kasiyahan mo kay Chloe?" Kunwa niyang tanong.
            May ideya na si Hyde sa kung saan hahantong ang pag-uusapan nila pero ayaw niyang i-entertain ang isipin. Hindi maaari kung si Chloe ang...
            "Pinayagan na niya akong ligawan siya."
            Tila bombang sumabog sa kabuuan niya ang sinabi nito.
            "Ba-bakit si Chloe?"
            Kumunot ang noo ni Clyde. "Anong bakit siya?"
            "Bakit siya ang napili mo? Anong nagustuhan mo sa kanya?"
            "Ano bang mga tanong `yan Hyde?" Takang-tanong ni Clyde.
            Paano ba niya sasabihin sa kakambal na ayaw niya kay Chloe? Na hindi niya ito gusto at iba ang pakiramdam niya sa babaeng iyon. Na may mga gawain ito na taliwas para sa isang babae. Na baka saktan lang ito ni chloe.
            "Wala." Sabi na lamang niya.           
            Hindi niya kayang sirain ang kasiyahan na nakikita sa mukha ni Clyde. Hindi ngayon.
            "Wala? Sabihin mo sa `kin, Hyde. Pakiramdam ko hindi ka nagsasabi ng totoo. Meron ka bang against kay Chloe?"
            "Wala nga." Pag-iwas niya.
            "Hindi ka nagsasabi ng totoo." May katiyakan na sabi nito.
            "Wala nga."
            "Hyde..."
            Tsk. Bakit ba niya naalimutan na matigas ang ulo ng kapatid niya? Na kapag may gusto itong malaman ay gusto nitong ora-orada na malaman kung ano ba iyon.
            "Sige na. Sige na. Ayoko kay Chloe. Hindi ko siya gusto."
            Nagulat ito. "Bakit?" Tila nababaghan. "Bakit? Sa ating dalawa ikaw ang madaling magtiwala at mas friendly. Wala ka rin masamang tinapay para sa ibang tao. Bakit ayaw mo kay Chloe? May nagawa ba siyang hindi mo gusto?"      
            "Mahirap ipaliwanag."
            "Ipaliwanag mo. Willing akong makinig. At kung ano man `yan. Pwedeng baguhin o ang nararamdaman mo sa kanya. Mabait si Chloe. Maganda at matulungin pa."
            Lihim siyang napailing sa sinabi nito. Kailan pa naging mabait si Chloe? Walang mabait na pinaglalaruan ang nararamdaman ng dalawang tao na nagpapahalaga dito.
            "Mahirap nga. Pwede ba Clyde."
            "Kahit na ayaw mo sa kanya. Liligawan ko pa rin siya. You can't stop me, Hyde."
            He just sigh. "Ikaw ang bahala. Buhay mo naman `yan."
            "Magugustuhan mo siya."
            "Hindi mangyayari iyon. I don't like her. Hindi ko gusto ang personalidad niya at ang ugali niya." Sasaktan ka lamang ni Chloe katulad ng ginawa niya kay Devin at Jake noon. Lolokohin ka lang ng babaeng `yon.
            "Hindi mo siya nakakasama ng matagal kaya wala kang karapatan na husgahan siya agad. Mabait si Chloe. Alam ko na mababago ko ang paniniwala mo tungkol sa kanya. Ngayon lang ako nagkagusto sa babae, Hyde, tapos ganito pa ang magiging reaksyon mo. Ang unfair mo naman sa `kin. Hindi nga kita pinigilan sa mga pinagagawa mo. I'm always at your back tapos ikaw." Umiling-iling ito.   
            "Pasensya na pero hindi ko talaga siya magugustuhan. Pwede pa kung ibang babae basta huwag lang siya."
            "Ewan ko sa `yo, Hyde. `Wag mo aong kausapin." Anito saka siya iniwanan.
            Naiwan naman siyang natigilan.
            Mukhang magkakaroon pa sila ng problema ni Clyde dahil sa Chloe na iyon.
            Nawala ang pansin niya kay Clyde nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Agad niyang tiningnan kung sino ang caller niya. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Devin sa screen.
            Si Devin... ang boyfriend niya. Ang saya sa pakiramdam na boyfriend na niya si Devin... officially.
            "Hyde." Bungad nito ng sagutin niya ang tawag.
            "Devin. Napatawag ka?"
            "Miss na kita. Pagkatapos nating maging official. Limang araw na tayong hindi nagkikita. Miss na miss na kita."
            Napangiti siya. "Miss din kita. Sobra. Pero hayaan na muna natin. Pareho naman kasi tayong busy."
            "Oo nga. Gusto na kitang makita saka mayakap. Iba pa rin kapag sa personal. Minsan sabay tayong kumain sa canteen, ah."
            "Oo ba. Saan ka ba ngayon?"
            "Pauwi na ng bahay. Sayang lang at hindi tayo nagkita kahit saglit."
            "Ang dami nating pagkakataon kapag natapos itong sem. Don't worry, Devin. Susulitin natin iyon."
            "Talaga? Sabay tayong magba-bakasyon?"
            "Oo ba. Kung `yon ang gusto mo."
            "Sige. Mag-iipon ako."
            "Kahit dyan ako lang sa bahay n'yo, okay na sa akin. Saan naman tayo magbabakasyon, aber?'"
            "Kahit saan basta kasama kita, Hyde. Miss na talaga kita."
            "Gusto mong puntahan kita sa apartment mo?"
            "Gusto ko ang ideya mo pero busy ako, Hyde."
            "Ganoon ba." Medyo nakadama ng panghihinayang si Hyde.
            "Pasensya na Hyde. Kapag nasa tabi kita kasi alam kong magiging distracted ako. May mga long quiz pa naman kami at may tatapusin ako. Wala akong time na asikasuhin ka."
            "Okay lang. Naiintindihan ko naman." Oo. Naiintindihan naman niya talaga. Kahit naman kasi siya ay ganoon din. Kapag nasa paligid at sa tabi niya si Devin ay nadi-distract siya. Importante pa naman ang mga long quiz at ang mga projects ni Devin ay kailangan talaga ng oras.
            "Pasensya na. Babawi ako next time, Hyde. I love you."
            "I love you din."
            Natapos na ang tawag.
            Pero kahit na naiintindihan niya si Devin ay hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot. Wala silang oras ni Devin sa isa't-isa. Magkakaroon sana dahil willing naman siya ngayon pero ito ang tumanggi.
            Marunong siyang umunawa pero bakit parang nahihirapan siya ngayon...

BAGO MAWALA sa kabilang linya si Hyde, narinig ni Devin ang panghihinayang at dismaya sa boses nito. Miss na niya ito pero heto siya at tinanggihan ito na magpunta sa apratment niya dahil sa simpleng rason na busy siya. Naiintindihan niya ito. Siya nga ay nakakadama at dismaya sa sarili. Si Hyde na nga ang nag-offer pero tumanggi pa siya.        
            May sarili siyang rason kung bakit siya tumanggi pero hindi pa rin niya maiwasan ang ma-guilty. Alam kasi ni Devin na kung sa tabi niya si Hyde ay wala siyang matatapos na gawain. Kailangan pa naman niyang pagtuunan ng pansin ang pag-re-review. Not that he was implying that Hyde is a distraction. Alam niya kasi sa sarili na magagawa nila ni Hyde ang... Well... Alam naman na ginagawa iyon ng mga katulad nila pero may kung ano sa kanya na hindi pa handa kahit na matindi ang atraksyon at maakas ang bugso ng damdamin na gawin iyon sa taong mahal niya.
            And he knew that Hyde is willing to do it with him. Damang-dama niya ang nag-uumapaw na pagmamahal nitto sa kanya kahit noong una ay dama niya ang pag-aalinlangan nito lalo na n'ung panahon na matapos ang birthday party ni Vhian.
            Five days were long enough for him to miss Hyde.         
            Pero kailangan niyang hindi dito makipagkita para mai-focus niya ang sarili sa priority niya sa sarili. Hindi lang naman sa kanya kundi sa kanyang pamilya na pinangakuan niya-- hindi man sa verbal na paraan-- na iaahon niya mula sa sitwasyon nila ngayon.
            Tatawagan sana niya si Hyde nang tumunog ang cellphone niya.
            Ang mama niya iyon.           
            "Napatawag po kayo."
            "Mangungumusta lang, anak. Ang tagal mo nang hindi pumupunta sa bahay. Nami-miss na kita pati ng mga kapatid mo. Kumusta ang pag-aaral mo?"
            "Okay lang po. Siyanga pala, `Ma, nakauwi na po pala si Tito Joaquin."
            Hindi sigurado si Devin kung may narinig siya na bumagsak pero hindi na niya iyon pinansin pa.  
            "A-ano nagkita ba kayo?"
            "Opo. Kanina lang."
            "Anong pinag-usapan niyo?"
            "Wala naman. Nangumusta lang po siya saka kumain kami sa labas. Tatlong beses na kaming kumain na magkasama."
            "Ganoon ba, anak." Anang mama niya.
            Somehow he heard the relief in her voice. Parang may gusto nga itong sabihin pero hindi itinuloy. Sa halip ay nagpaalam ito. Bigla tuloy siyang naguluhan sa inakto ng mama niya. Parang may something dito. Weird lang.

DISMAYADO ANG pakiramdam ni Hyde sa hindi pagpayag ni Devin na magkita silang dalawa. Marunong siyang umunawa pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi soiya nadismaya. Miss na niya ito kaya gusto niyang makita, mayakap at makausap ito pero heto nga ang nangyari. Siguro ay sadyang abala si Devin. Kahit siya ay ganoon din pero willing siyang bigyan nila ng oras ang isa't-isa.
            Nagtatanong tuloy siya sa sarili. Magbabago ba si Devin dahil sila na?
            Kanina pa sila tapos mag-usap na dalawa. Dumaan na nga ang eksaktong tatlong oras pero heto siya. Dismayado pa rin.

            Nahihirapan talaga siyang umunawa.


Itutuloy…

4 comments:

  1. Hay kawawa naman si Clyde kay Chloe Kai paglalaruan Lang siya at gagamitin para saktan so devin......

    Masyado nmn maarte si devin do Hyde na gumawa ng way para makita Sila siya pa sung umayaw

    Jharx

    ReplyDelete
  2. Pag may minamahal, kasama ang problema dahil may relasyon na kahit hindi problema. Ganyan ang in love. Salamat sa update bunsoy. Take care.

    ReplyDelete
  3. Kala ko ito n ung last chapter, hmm. Kelan po nxt update? :)

    ReplyDelete
  4. Feeling ko cla jake at devin mgkptd kc db sabi ni devin di daw mgkhwig nung sa unang chapter.. Tpos ang mgkktuluyan nyan c devin at hyde, tpos c jake at theo and vix and clyde... Haha
    Xheanne the sailormoon ~

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails