Followers

Tuesday, September 8, 2015

String from the Heart [26]



Author’s Note

Officially ay sila na sa chapter na ito. Masyadong over delay na ang ganoon na tagpo kaya naman wala na iyong dating. Hahaha

Sa chapter na ito, malalaman na natin --though alam kong alam n’yo na – kung ano ba ang ugnayan ni Jake at Devin sa isa’t-isa at kung ano ang tunay na rason kung bakit may conflict sa pagitan ng dalawa kahit na na-open na iyon sa previous chapter.

Enjoy reading po!

Paki-comment na rin po para masaya.

At muli, humihingi ako ng pasensya. Para saan? Alam n’yo na `yo. Haha!

Enjoy reading!




CHAPTER TWENTY-SIX

SIGURO kung naiiba ang pagkakataon baka natuwa pa si Jake na muling makita at makakasama ang daddy niya. Pero sa mga oras na ito, habang papasok siya sa kanilang bahay ay hindi niya magawang matuwa o magsaya. Alam naman kasi ni Jake ang totoong dahilan kung bakit umuwi ang daddy niya, kung bakit kinailangan nitong umuwi. Hindi iyon para sa kanya kundi sa gagawin nitong dapat matagal na nitong ginawa. Hindi naman niya sinasadyang marinig iyon pero nakabuti na rin para sa kanya
dahil naihanda niya ang sarili para doon.
            Matagal na...
            Siguro nga ay makasarili talaga siya dahil kahit matagal na niyang alam ang katotohanan ay hindi niya iyon matanggap-tanggap. Hanggang ngayon ay mahirap iyon para sa kanya. Na mula noon hanggang ngayon ay may kaagaw siya sa pansin ng daddy niya pati na rin sa atensyon ng mommy niya. Kaagaw na kahit kailan ay hindi niya yata mahihigitan.
            Bumuga siya ng hangin nang tumambad sa kanya ang masayang eksena ng daddy at mommy niya habang kumakain ng pananghalian. Pagkatapos niyang umalis sa bahay nina Rubius namasyal muna siya sa halip na dumiretso sa bahay nila. Nagbabad siya sa isang computer shop at pinagsawa ang sarili sa paglalaro ng online games. Doon na siya inabot ng tanghali saka nagdesisyon na umuwi. At ngayon na nandito na siya parang mas gusto niyang manatili sa kanyang kwarto, mahiga sa kanyang higaan, at matulog nang mahimbing.
            Natigil sa pagkukwentuhan ang mga magulang niya nang makita siya.
            "Nandiyan ka na pala, Jake, halika samahan mo na kami ng daddy mong kumain," anang mommy niyta.
            Nang hindi siya kumilos ito na ang lumapit sa kanya at pinaupo siya sa bakanteng upuan na nasa kabila ng pwesto ng mesa kung saan nakaharap sa daddy niya.
            "Kumusta ka na Jake?" Masiglang tanong ng daddy niya.
            Tumayo ito saka siya nilapitan. Niyakap siya nito nang mahigpit na ikinagulat niya ngunit ginantihan naman niya. Aaminin ni Jake na sa kabila ng sama ng loob na nadarama niya para sa ama na-miss niya rin ito.
            "Na-miss kita, anak." Anito saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya saka bumalik sa upuan nito.
            Ang mga sumunod na sandali ay puro tanong tungkol sa kanya na malugod naman niyang sinagot. Kahit na kasi naikwento na iyon ng mommy niya ay mas gusto ng daddy niya na siya ang magkwento, na mula sa sarili niyang bibig manggaling ang pangyayari sa buhay niya na mahalaga lalo na sa school.
            "Kumusta naman si Devin, anak?"
            Napatuwid ng upo si Jake sa tanong nito.
            "Okay naman po siya," sagot niya. Pinanatili niya ang pantay na tono. Tono na tila nagsasabi na hindi siya interesado at wala siyang balak na pag-usapan si Devin.
            "Hindi ba kayo nag-uusap na dalawa?"
            Nag-usap kami, Daddy, pero sa hindi paraan na alam mo. Isa pa hindi na kami nag-uusap na katulad ng dati.
            Mukhang nahalata ng mommy niya na ayaw niyang sumagot. Ito na ang namagitan.
            "Well, hon, nakausap ko si Devin one month ago ng minsan na pumunta siya rito. He's doing great. Ang sabi niya sa akin okay naman daw ang studies niya. Palaging mataas ang grades at Dean lister pa siya. Miyembro rin siya ng isang organization sa department nila."
            Lihim na napapalatak si Jake sa mga sinabi ng mommy niya. Talagang updated ito sa mga bagay na may kinalaman kay Devin. Hindi naman nakapagtataka iyon pero nakapagseselos ang ganoong bagay. Siya ang anak pero mas maalam pa ito kaysa sa hindi nito kadugo.
            Nang bumaling siya sa daddy niya, nakangiti ito ng maluwang. "That's my boy!" Tuwang-tuwa pa nitong sabi.
            Siyepre natakpan na naman siya... ang mga sinabi at ikinwento niya rito kanina.
            "Ikaw Jake? Kumusta naman ang standing mo sa school n'yo?"
            "Okay lang." Walang gana niyang sagot. Alam na ni Jake ang kasunod sa tanong nito... at sa mga mangyayari. Wala namang bago.
            "Anong okay lang'?"
            "Okay. As in okay. Nothing is new."
            "Wala ka bang ibang alam na sabihin kundi 'okay lang'?"
            "Wala na. Basta okay lang," sagot niya na sinamahan pa niya ng pagkikibit ng balikat.
            "Jake." Tawag nito sa pangalan niya. Nagtitimpi.
            "Wala akong ibang sasabihn, Dad. Basta ang alam ko, ginagawa ko naman ang lahat na kaya ko. Hindi na rin ako nambu-bully tulad ng dati. Tulad ng pagkakaalam n'yo sa akin." Aniya. Maririnig ang pagiging sarkastiko.
            Ngumiti ito. Nawala ang pamumula ng mukha.
            "That's good to hear. Gayahin mo si Devin."
            "Tapos na po ako," sabi niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan saka nagtuloy-tuloy na lumabas ng dining room at nagtungo sa kanyang kwarto. Hindi niya pinansin ang pagtawag ng mommy niya sa kanya.
            Pagkarating niya sa kanyang kwarto, binalibag niya ang pagsasara ng pintuan. Dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay. Ini-lock niya saka siya padapang humiga sa higaan niya. Hindi nga siya nagkamali. Kailan ba siya nagkamali sa ganoon na pag-uusap? Na ang mga achievements niya at achievements ni Devin ay ipagkokompara at sa huli ay sasabihin na gayahin niya si Devin.
            Napatingin siya sa pintuan ng kwarto nang marinig ang mahinang katok kasunod ang boses ng mommy niya.
            "Jake, anak, okay la lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. "Pagpasensyahan mo na ang daddy mo. Alam mo naman na palagi iyong ganoon. Just bear with him, okay?"
            "Don't worry, `My. Okay lang po ako."
            "Sigurado ka ba?"
            "I'm sure, `My. Bakit mommy? Kapag sinabi ko bang hindi ako okay, na nasasaktan ako, may magagawa kayo? Yeah. From the very start nasanay ako na ikinokompara kay Devin pero hindi ibig sabihin niyon hindi ako nasasaktan, na hindi sumasakit ang kalooban ko. Mas masakit pa na ikinokompara ako sa unang anak... sa kapatid ko." Pumiyok siya sa huling sinabi. Ngayon lang niya ito sinabi sa mga ito.
            "Jake, anak, matagal mo na bang alam ang totoo?" Tanong ng Daddy niya.
            "Matagal na. Matagal na matagal na."
            Parang isang eksena na bumalik sa alaala niya ang nangyari noon...

BROKENHEARTED na umuwi si Jake sa kanilang bahay. Sobra siyang nasasaktan. Ginawa naman niya ang lahat para kay Chloe ngunit nagawa pa rin nitong saktan siya. Dahil sa pagmamahal niya rito ay nagawa niyang talikuran ang pagkakaibigan nila ni Devin. Alam ni Jake na nagkakamabutihan na si Chloe at si Devin ngunit gumawa pa rin siya ng paraan para makuha si Chloe dito. Ipinagpalit niya si Devin kay Chloe pero... niloko lang siya nito. Nagawa lang siya nitong sagutin, hindi dahil sa may pagtingin ito sa kanya kundi sa materyal na bagay na kaya niyang ibigay rito.
            Sobrang sakit din na makita na yakap-yakap ng babae niyang mahal ang totoong lalaking mahal nito.
            Nabuwal siya mula sa paglalakad. Pinagbabawalan pa siya ng kanyang magulang na uminom ngunit hindi niya iyon sinunod dahil sa kamiserablehan na nadarama niya. Ang sakit-sakit lang ng sobra na...
            Napapikit siya. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin dala ng kalasingan. Tila anumang oras ay mabubuwal siya at tuluyang lulugmok sa nilalakaran niya.
            Ang akala niya kapag uminom siya ay mawawala ang sakit na ndarama niya, hindi pala. Malaking kalokohan iyon. Naaalala pa rin niya ang sakit na idinulot sa puso niya ni Chloe, sa inggit na nadarama kay Devin, sa galit sa kanyang sarili at sa panghihinayang sa pagkakaibigan nila ni Devin. Alcohol can easily ease the sadness but just temporarily because the pain will still consume you. Parang pirated na CD na paulit-ulit na magpe-play sa utak at sa puso niya ang sakit.
            Nasa paanan na siya ng hagdan, paakyat doon ng muli na naman siyang mabuwal. Napasandal siya sa railings ng hagdan saka tumingala.
            Ayaw man niyang umiyak ngunit hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha. Hindi siya iyakin pero ang mga luhang lumalabas ay tila dam na hindi maampat-ampat. Umiyak siya nang umiyak. Hinayaan niya ang sarili na maging emosyonal at ilabas ang sakit. Napasigaw siya
            Umalis siya sa mula sa pagkakasandal sa railings saka mabagal na naglakad paakyat ng hagdan. Inabot yata siya ng kalahating oras sa pag-akyat pa lang. Tila nanantiya siya kasi. Inilalayo ang sarili sa kapahamakan.
            Nasa harap na siya ng kwarto ng mga magulang nang marinig niya ang sigaw ng mommy niya. Umiiyak din ito. Lasing siya pero malinaw niyang naririnig ang salita mula sa mga ito.
            "Dapat kasi sa `tin lumaki si Devin! Alam mong kahit na hindi ko siya kadugo, mahal na mahal ko ang anak mong iyon, Joaquin. Kahit hindi siya nanggaling sa `kin mahal na mahal ko ang anak mo." Humagulgol ang mommy niya.
            Sa mga narinig. Tila nawala ang kalasingan niya. Napalunok siya. His senses suddenly in a hype.
            Nagpatuloy ang mommy niya.
            "Dahil kay Devin dumating sa `tin si Jake. Natatandaan mo ba na limang taon na tayong mag-asawa pero hindi tayo mabiyayaan ng anak. Kahit na masakit sa `kin na makita kang nakikipagmabutihan kay Dolor, dala na rin ng pag-uudyok ko at ayaw kong mawala ka sa akin, nagtiis ako. Nag-sakripisyo. Pero ang pagsasakripisyo ko, nauwi lang sa wala. Bakit ka ba kasi pumayag na kunin ni Digna si Devin at ilagay sa birth certificate ng anak mo na ang nagluwal sa kanya si Digna at ang ama..." Muling humagulgol ang mommy niya.
            "Naawa ako kay Digna," tila talunang sabi ng daddy niya.
            "Putang inang awa `yan! Wala sa usapan natin na kapag nawala si Dolor ibibigay mo si Devin kay Digna. Mula nang mamatay si Dolor sa poder mo dapat mapupunta si Devin. Ikaw ang ama niya Joaquin. May karapatan ka sa kanya dahil kadugo ka niya. Hindi ka basta-basta kung sino sa buhay ng anak mo. Kung sa atin siya sana ako ang nag-aalaga sa kanya. Sana kahit na papaano tinatawag niya akong mommy."
            "Patawarin mo ako."
            "Hindi ka dapat humingi sa akin ng tawad." Matatag na sabi ng mommy niya. "Sa anak mong inabandona ka dapat humingi ng tawad."
            "Hindi ko siya inabandona."
            "Hindi? Anong tingin mo ang tawag sa ginawa mo?'
            "I'm supporting him."
            "Suporta? Suporta na tinanggihan ng ma-pride niyang tita!"
            Nagsagutan pa ang mga ito ngunit wala na ang kanyang atesnyon sa mga ito. Lunod na siya sa kaalaman at reyalisasyon.
            KAPATID NIYA SI DEVIN.
            Tila mas lalong bumagsak ang enerhiya niya. Ang malungkot niyang damdamin ay mas sumidhi. Napalitan iyon ng gulat at hindi paniniwala.
            Kapatid niya ang bestfriend niya. Ang kababata niya. Ang niloko niya at ipinagpalit niya para sa babaeng mahal na mahal niya.
            Kapatid niya ang taong kahit kailan ay hindi niya mahihigitan.
            Bumalik sa mga alaala niya ang mga sandaling kasama niya ito at mas pinapaboran ng daddy niya. Ngayon alam na niya ang dahilan sa mga aktuwasyon ng daddy niya.
            Bumangon ang galit sa puso niya. Ang lihim niyang pagseselos at inggit kay Devin ay napalitan ng galit. He was always the second best, the second option and all the second when Devin is around.
            Kaya magsimula ngayon tatahakin niya ang daan taliwas sa daan na tinatahak ni Devin. Simula ngayon wala na siyang kilalang Devin. Wala siyang bestfriend at higit sa lahat wala siyang kapatid.

NAGBALIK SA kasalukuyan ang lumilipad na isip ni Jake nang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Magkasunod na pumasok ang daddy niya at mommy niya. Makikita sa reaksyon ng daddy niya ang pagka-guilty at sorry. Ang mommy naman niya ay hilam ng luha ang mukha. Both of them were looking at him but no one dare to get near. Mukhang tinitimbang ang sitwasyon.
            The look in his face was passive. It was stern.
            "Kailan mo nalaman ang totoo, Jake?" Tanong ng daddy niya. Halos inulit lang nito ang tanong kanina.
            "Fourteen pa lang ako, alam ko na."
            "Bakit hindi mo sa `min sinabi ng mommy mo? Bakit hindi mo kami kinausap tungkol doon? Bakit mas pinili mo na sarilinin at itago, Jake, anak?"
            "What for?" He asked, sarcastically.
            "Jake..." Anang mommy niya. Nag-umpisa naman itong umiyak.
            "Sana napaliwanagan ka namin. Sana..."
            "All my life, since na nagkamuwang ako sa mundo, you have been comparing me to Devin, dad. You have been comparing me to your first born child. N'ung umpisa sabi ko sa sarili ko, okay lang kasi talaga namang matalino si Devin sa lahat. Mapa-school man o hindi lagi siyang nag-e-excel at palagi lang akong nasa anino niya. Pero umabot ako sa point na nakakasawa na rin palang maikompara at masakit sa akin na ang sarili ko pang ama ang gumagawa noon. Na dapat sa lahat ng achievement ni Devin sa buhay niya... meron din ako. Na dapat mapantayan ko rin siya kahit papaano. I always envied Devin, dad. Naiisip ko na ako ang tunay na anak pero sa mga papuri mo kay Devin..." Napailing siya. "And then, one day I found out the truth. I felt betrayed. Kaya pala ganoon kasi anak n'yo si Devin. He was your first born child. Anong laban ko sa unang anak na matalino at nami-meet ang lahat ng expectation n'yo kahit na hindi alam ang totoo. Walang-wala ako, eh. Walang-wala."
            "Tell us. Iyon ba ang dahilan kung bakit mo pinutol ang pagkakaibigan niyong dalawa?"
            Sa pagitan ng pag-iyak, tumango siya. "I can't stand seeing him."
            "I'm sorry Jake, anak."
            Mapait na napangiti si Jake.
            "I'm sorry. Hindi ko alam kung paano tayong magsisimula ulit. If you feel neglected with my actions, I'm sorry, anak. Sorry sa lahat ng comparison na ginawa ko sa `yo at kay Devin. Naging ganoon ang attitude mo dahil sa kagagawan ko. I'm sorry."
            His father was sorry. Natutuwa siya doon. Hindi na lang siya nagsalita. Umiiyak na rin ito. Sa dahan-dahan na paraan, lumapit ito sa kanya.
            "Can I hug you?" Nag-aalangan na tanong nito.
            Nang tumango siya saka ito kumilos at niyakap siya nang mahigpit. Mas lalo siyang naiyak sa ginawa nito. When his father hugged him, he already forgiven him.

PAGKAGISING NA pagkagising ni Devin pakiramdam niya ay may bagong bagay ang mangyayari sa kanya. Kung ano iyon, iyon ang hindi niya alam. Basta may pakiramdam siyang ganoon. A certain feeling that you know something will change but you just couldn't figure out what will be that thing.
            Bumangon siya sa kanyang higaan. In a minimal movement, nakadama siya ng sakit ng ulo. Pagkahilo. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil may hangover siya mula sa pag-inom kagabi at pagkalasing. Nayaya siya kasi ng mga blockmates niya na uminom na hindi naman niya natanggihan dahil minsanan lang na mangyari. Bukod pa roon ay siya talaga ang hinihintay ng mga ito na um-oo.
            Nabaling siya sa cellphone niya na nakapatong sa bedside table nang tumunog iyon. Kinuha niya at tiningnan kung sino ang nag-text. Pero sa hula niya, sa isang tao lang na mula pa kagab nanggaling ang mensahe. Hindi nga siya nagkamali nang makita iyon. Napangiti siya nang maluwang.
            Devin, kumusta? Hindi ba masakit ng sobra ang ulo mo?
            He started typing message for Hyde. Sa simpleng mensahe nito na nagpapakita ng pag-aalala ay sobra na siyang napapasaya.
            "Ah. Hyde." He said between smiles.
            Kagabi pa niya ito katext at nakatulugan niya iyon kaya naman dapat makabawi siya rito. Sa pagkakatanda niya kagabi, sa kabila ng kalasingan ay halos alas dose na rin ng hatinggabi siya nakatulog at habang katext nga niya si Hyde.
            I'm sorry. Nakatulog ako kagabi. :(
            Ilang minuto ang hinintay niya bago nakatanggap ng mensahe kay Hyde.
            Ok lang. Ano? Masakit ba ang ulo mo?
            Nagpalitan na sila ng mensahe hanggang sa tumayo siya at magtungo sa kusina nang makadama ng gutom. Kasasalang pa lang niya ng mainit na tubig para sa instant noodles nang marinig niya ang mahina pero sunod-sunod na katok sa pintuan ng apartment niya.
            Nang pagbuksan niya iyon ay nagulat siya kasabay ng kasiyahan nang makita ang taong napagbuksan ng pintuan. Si Mr. Joaquin Jacinto iyon. Ang daddy ni Jake at itinuturing niyang pangalawang ama.
            "Tito!" Masaya niyang sabi saka ito niyakap.
            Gumanti naman ito.
            "Long time no see, Devin,my boy. Kumusta ka na? Kumusta na ang pag-aaral mo at buhay-buhay?" Makikita sa mukha ni Tito Joaquin ang kagalakan na makita siya ganundin ang masasalamin sa mukha niya.
            "Okay na okay, Tito." Sabi niya. Nakakatuwa lang na sa kabila ng kinahantungan ng samahan nila ni Jake ay nagawa pa rin nitong alalahanin siya at puntahan sa apartment niya.
            "Mabuti naman kung ganoon."
            "Pasok po kayo, Tito." Paanyaya niya rito.
            Magkaagapay silang pumasok sa apartment. Pinaupo niya ito sa sofa saka siya bumalik sa kusina para alisin sa pagkakasalang ang niluluto niya. Inilagay niya iyon sa mangkok saka dinala sa sala. Doon na siya kakain para mas komportable at makausap niya si Tito Joaquin.
            Habang kumakain ay masayang nag-uusap si Devin at Tito Joaquin. Naki-share na rin ito sa kinakain niya sa kabila ng pinakita nitong disgusto sa pagkain niya dahil gutom na. Ang sabi pa nito ay hindi daw siya dapat kumakain ng mga instant. Dapat daw huwag niyang sanayin ang sarili sa ganoon kahit na nag-iisa siya. He was just smiling while hearing things from him. Nakakatuwa lang na nakakarinig siya ng ganoon na sermon mula rito. Namiss niya rin ito ng sobra.
            Pagkatapos nilang kumain ay lumabas sila. Ipinasyal siya nito sa dati nilang pinapasyalan. At kahit hindi dapat ay binilhan ng mga gamit na hindi naman niya kailangan.
            "Salamat sa mga ito, Tito." Sabi niya na ang tinutukoy ay ang apat na paper bags niyang dala. Sa dalawang paper bag ay t-shirts ang laman. Sa isa ay jeans at ang panghuli ay pares ng sapatos.
            "Nah. Wala `yon. Para sa `yo, a-- Devin." Anito. Sandaling tila natuliro ito at nawala sa sarili. Hindi niya inaasahan iyon. Parang may sasabihin ito dapat na hindi natuloy na hind niya dapat malaman kung ano.
            "May sasabihin po ba kayo sa `kin?" Nakangiti niyang tanong. Binalewala niya ang reaksyon nito.
            "Wa... Meron pala. Sa tingin ko hindi ito ang tamang pagkakataon para doon."
            Tumango siya. "Okay po. May kasunod naman yata ito, eh. Siyempre pagkain na lang wala na ang mga ito." Aniya. Sabay taas sa mga hawak.
            Natawa ito. "Oo. Sige. Puntahan mo na ang dapat mong puntahan, Devin."
            "Opo. Sige po. Mauna na po ako, Tito."
            Kumaway siya rito na ginantihan naman nito. Pupuntahan niya si Hyde sa isang fastfood chain. Doon nila napagdesisyunan na magkita. Tiyak niya na kanina pa ito naghihintay sa kanya. O baka naman siya ang maghihintay dito. Well. Wala naman kaso kung sino ang mauna basta tutupad sila sa usapan ng isa't-isa.  

NASA loob lang ng kanilang bahay maghapon si Hyde nang magyaya at magdesisyon silang dalawa ni Devin na magkita sa isang fastfood chain. Siyempre agad naman siyang pumayag dahil gusto niya itong makita. Nakagayak na siya. Tinitingnan niya ang cellphone para sa text ni Devin nang pumasok ang kakambal niya sa kanilang kwarto.
            "Kanina ka pa yata nakatingin sa cellphone mo. Kahit na anong gawin mo dyan, hindi lalabas si Devin dyan."
            Napasimangot siya saka bumaling dito. Nakangisi ang loko.
            "Makapanira ka ng mood. Wagas. `Wag ka ngang pakialamero, Clyde."
            "Saan ka pupunta?" Puna naman nito ngayon sa suot niya.
            "Lalabas."
            "Gayak na gayak, ah."
            "Paki mo na naman."
            "Highblood ka." Anito.
            "Nang-aasar ka eh."
            "Asar ka lang kasi."
            "Sa `yo lang kasi sobra kang mapang-asar."
            "Grabe ka sa `kin."
            Nang tumunog ang cellphone niya, tumayo na siya saka iniwan ang kapatid na nakaawang ang bibig sa kanya. Lihim na lang siyang nangiti sa reaksyon nito. Hindi nito inaasahan kasi ang pang-iiwan niya rito.     
           
MALAWAK ANG ngiting nasa labi ni Devin nang makita si Hyde na naglalakad papunta sa kinauupuan niya. Nasa loob sila ng fastfood chain na napag-usapan nilang magkikita. Nauna lang siya rito ng limang minuto. Sa totoo lang, masasabi ni Devin na biglaan lamang iyon dahil ngayon lamang siya nagkaroon ng oras para dito. Kanina kasi ay kasama niya si Tito Joaquin at ipinag-shopping nga siya. Sa tingin niya nga kanina ay hindi na ito matutuloy dahil doon. Mabuti na lang at hindi. Nakapagpaalam naman siya nang maayos kay Tito Joaquin at pareho silang masaya na naghiwalay nito. Kaya nga ito na siya. Ang akala niya nga ay mas mauuna pa si Hyde sa kanya pero mas nauna pa siya rito.
            "Hyde," aniya. Tumayo pa siya para makasalubong ito.
            Maluwang ang pagkakangiti ni Hyde. "Kumusta ka na Devin?"
            "Okay na ako kanina pero mas naging okay pa nang makita kita." Sabi niya. With matching pacute.
            Napailing lang ito saka umupo. Nang makaupo ito ay umupo na rin siya.
            "`Buti hindi ako nakaabala sa `yo. Pasensya na kung biglaan ito," aniya. Napakamot siya sa tungki ng ilong. Aaminin ni Devin na may hiya siyang nadarama sa biglaan na pagyayaya niya rito ng date. Kanina lang naman kasi ito at biglaan talaga.
            "Hindi ka abala, Devin. Natutuwa nga ako na naisingit mo ako kahit na abala ka sa ginagawa mo, eh."
            Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa mesa. Gumanti naman ito ng ngiti.
            "Kain na tayo."
            "Okay." Pagsang-ayon niya. "I'm happy being with you, Hyde."
            "Masaya rin ako," anito.
            "Kumusta na?" Tanong niya. Sa paaran ng pagkakatanong niya ay parang hindi sila nagpapalitan ng mensahe at nagtatawagan. Well. Dahil long weekend ay medyo matagal naman na silang hindi nito nagkita. Iba rin naman kapag kasama niya ito at nahahawakan.
            "Okay naman. Medyo abala rin sa school. Kailangang magsunog ng kilay. Mahirap ng mabagsak sa mga major o minor man. Kailangan ko ring kompletuhin ang ilan sa mga projects sa bahay. Eh ikaw? Kumusta naman?"
            "Busy. Hindi lang sa school pati sa labas ng school. Ang hirap din na maging working student. Kailangan kong ipagkasya ang oras ko sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Pero infairness sa akin, Hyde. Nagawa ko pang mag-goodtime." Pagpapatawa niya.
            Hindi iyon kumagat.
            Nagulat siya ng haplusin ni Hyde ang kanyang mukha gamit ang malaya nitong kamay. Devin's heart fluttered. Pakiramdam niya ay mawawala iyon sa kinalalagyan sa simpleng bagay na ginawa ng lalaking mahal niya. He also saw concern in his eyes.
            "Alagaan mo ang sarili mo, Devin."
            Hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya saka hinalikan.
            "Para sa `yo aalagaan ko ang sarili ko."
            Umiling ito. "Hindi para sa akin, para sa sarili mo, Devin pati sa pamilya mo."
            "Okay." Aniya. "Ngunit isa ka sa mga inspirasyon ko para magpursige pang lalo."
            "Nakakatuwa na marinig `yan mula sa `yo, Devin."
            "Dahil totoo `yon. Importante ka sa `kin, mahal kita, eh."
            "Alam ko. At alam mo naman na mah.."
            Pinigilan niya ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng pamamatlang dito. "Alam ko ang sasabihin mo, Hyde, pero `wag muna ngayon. Gusto kong paghandaan ang pagsagot mo sa `kin."
            Magsasalita pa sana ito ngunit marahan siyang umiling. "I'm serious about this, Hyde. Nadadama ko naman ang pagmamahal mo sa `kin. At maghihintay ako na umabot ang tamang oras. Iyong maganda at magiging memorable sa ating dalawa. Iyong makakapag-focus ako sa `yo."
            "Pero.. Devin.." bumuntung-hininga ito. "Ikaw ang bahala. Pero alam mo ang nararamdaman ko. Matagal na ang dalawang buwan at mahigit na panliligaw mo sa `kin. Gusto ko ng i-level up ang relasyon nito. I love you. Mahal kita at officially, gusto na kitang maging boyfriend."
            Hindi napigilan ni Devin na maiyak sa sinabi ni Hyde. "I love you rin pero..."
            "No buts, Devin. Mahal mo ako, mahal kita. Pareho nating mahal ang isa't-isa kaya kahit hindi maging grand ang pagsagot ko sa `yo, okay lang. Ang sabi mo nga, ikaw at ako ang mahalaga. Tayong dalawa ang mahalaga. Saka alam ko na matagal mo na itong gusto na marinig sa `kin. The long wait is over. Tayo na. Officially."
            Tumayo siya mula sa kinauupuan saka lumipat sa tabi nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. "I love you, Hyde. I'm always willing to be your partner. And officially, tayo na."
            Gumanti naman ito ng yakap. "Yeah. Officially, tayo na."
            "Salamat."


KUNG ITO ang pagbabagong nadarama ni Devin mula nang magising siya kaninang umaga ay labis siyang nagpapasaya. Gusto pa niya nga sanang grand ang maging setting nila pero tama si Hyde. Unexpected ito pero... siya na ang masayang-masaya. Parang gusto niyang tumalon sa sobrang kasiyahan at kagalakan. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Hyde. Namasa ang luha niya sa labis na nararamdaman sa pagsagot nito sa kanya. Sapat na ang mahigpit na yakap kahit walang salita basta nagkakainitindihan ang puso nilang dalawa.

Itutuloy…

2 comments:

  1. Kilig pa rin. Lalo na ngayon. Thanks sa maagang update. Ingat ka bunsoy.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails