Followers

Friday, September 4, 2015

String from the Heart [25]



AUTHOR’S NOTE


Kung nabasa n’yo na ang Beat, alam ko na mapapansin na may pagkakahawig ang mga pangyayari ni Jake kay Ambrose. LoL. Kaya naman huwag nap o kayong magtataka kung minsan ay mas pinapaboran ko ang supporting na si Jake kaysa kay Devin. Hindi naman po siguro halata (HAHA!) na paborito ko si Jake. Pero sana ngayon ko lang naisip na masama ang ugali niya sa istoryang ito. Wala na akong magagawa. Tuloy nahihirapan ako kung ano na ba ang mangyayari sa character niya kapag natapos na ang kwentong ito. (Na duda ko kung matatapos nga ba siya sa ganito.)

Sana po, katulad ng dati ay mag-enjoy kayo sa chapter na ito maski may kaguluhan.


Salamat!



CHAPTER TWENTY-FIVE


MAY SAYANG humaplos sa puso ni Hyde nang makita na nagkakatawanan si Devin at si Clyde. Maluwang sa kanyang kalooban ang kaalaman na magkasundo ito kahit na unang araw pa lamang ng pagkikita ng mga ito. Isang bagay ang ibig sabihin lamang niyon: Gusto ni Clyde si Devin para sa kanya, o kaya naman ay gusto nito ang ugali ni Devin. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil charmer si Devin.
            Lumuwang ang pagkakangiti niya ngunit alam ni Hyde na makikita pa rin sa kanyang mukha ang lungkot na nadarama sa namagitan na pag-uusap nila ni Jake kanina sa loob ng kwarto. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang mga bagay na ginagawa ni Jake, ang simpleng pagporma nito at ang pagpapadama ng pagmamahal para sa kanya. Hearing those word coming from his mouth made his heart ache for him. Fickle-minded, iyon ang bagay na tamang ilarawan sa kanya. Kung sana nakinig siya at ginawa niya ang mga sinabi ni Clyde bilang paalala sana hindi sila humantong sa ganoon nito. Sana hindi niya ito mas nasaktan pa at hindi siya ganito karupok mag-isip at magbigay ng desisyon para sa sarili.
            "Okay ka lang ba, Hyde?" Tanong ni Devin nang makalapit siya sa mga ito.
            "Okay lang ako. Bakit mo naman naitanong `yon?" Aniya. Nginitian niya ito saka tumabi dito.
            Nagpaalam naman sa kanila si Clyde. Mukhang natunugan nito na kailangan nila ng privacy ni Devin kahit na nasa party sila at nag-iingayan ang mga nasa tabi nilang mesa pati ang ibang bisita.
            "Parang may nagbago sa `yo, eh. Tell me? May nangyari ba sa loob sa inyo ni Jake?" Tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay tiningnan siya nito ng matiim sa mga mata. Sinalubong naman niya iyon kahit na naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito.
            "Walang nangyari sa `min ni Jake sa loob. May iniisip lang ako," pagdadahilan niya.
            "Hindi ka naman nagsasabi ng totoo. N'ung nandito ka sa labas, kasama ako, okay ka pa. Pero n'ung pumasok ka at bumalik dito," umiling-iling ito. "Something change."
            "Masyado kang mapaghinala." Aniya.
            "Kapag sa `yo talagang nagiging ganoon ako."     
            Bumuntung-hininga siya. "Sabihin mo sa `kin, Devin. Minsan ba may mga desisyon ka na nagagawa pero hindi pa nga parang nagdadalawang-isip ka? Iyong tipo na parang hindi mo mapanindigan ang dapat mong gawin kahit alam mo na tama naman."
            Kumunot ang noo nito. "Naguguluhan ako sa tanong mo."
            "`Wag mo ng sagutin."
            "Bakit Hyde? May mga gagawin ka bang desisyon na alam mong tama pero pakiramdam mo ay mali?"
            Natigilan siya sa tanong nito. Tiningnan niya ito saka nag-iwas ng tingin. "Wala."
            Bumuntung-hininga si Devin. "Bakit ang pakiramdam ko kasama ako sa pinagdadaanan mo. Parang may kinalaman din sa akin`yan."
            "Devin..."
            "May kinalaman ba ako diyan Hyde?"
            Hindi siya nakasagot. Ibubuka pa lang niya ang bibig nang marinig niya ang pagtawag ni Clyde sa kanya. Pareho silang bumaling ni Devin dito. Nakatayo ito ilang kilometro sa kanila.
            "Puntahan mo na si Clyde," sabi ni Devin. Mahihimigan ng panghihinayang ang boses nito bukod pa roon ay hinampo.
            Napabuntung-hininga siya saka tumayo at lumapit kay Clyde.
            "Bakit Clyde?"
            "Uuwi na raw si Jake."
            "Ganoon ba?"
            "Oo. Baka gusto mo siyang ihatid sa labas o sa kotse man lang niya." Anito.
            "Okay."
            "Parang napipilitan ka lang, ah. May problema ka ba?"
            "Wala." Mabilis niyang sagot. "Sige. Ihahatid ko na si Jake.Ikaw na ang bahala kay Devin na ipagpaalam ako." Bilin niya rito.
            "Sige." Pagsang-ayon nito. Parang napipilitan nga lang.
            Nilampasan niya si Clyde saka nagtungo sa loob ng bahay. Naabutan niya si Jake kausap ang lola niya. Nang bumaling ito sa kanya nagseryoso ito. Nawala ang ngiti sa labi.
            "Sige, Lola Fe, aalis na po ako."
            "Sige. Pahatid ka na kay Hyde." Bumaling sa kanya ang lola niya. "Ihatid mo na si Jake."
            "Opo. Tara na Jake."
            Tumayo ito saka siya nilampasan. Walang imik na sumunod lang siya rito. Tiningnan niya ang likuran nito. Huminto si Jake nang makalabas sila ng bahay. Humarap ito sa kanya. Natigilan siya nang makita ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata nito.
            "Pwede mo na akong iwanan dito." Anito.
            "I-ihahatid na kita," nauutal niyang sagot.
            "Please stop making things difficult for me, Hyde. Alam mo ba na sa simpleng mga ginagawa mo, katulad nito, umaasa ako. Umaasa ako na pwede pa tayo. Na pwede pa akong maging sa `yo, na pwede pang maging akin ka. Na kahit papaano may nararamdaman ka sa akin higit pa sa pagiging kaibigan."
            "Jake..."
            "Napakatanga ko, hindi ba? At hindi ako nagsasawa na sabihin sa sarili ko ang salitang iyon. `Cause I'm really stupid when it comes to you. Hindi mo ba napapansin na paulit-ulit na lang na nagkakaroon tayo ng ganitong komprontasyon pero hindi ako nagsasawa dahil sa nararamdaman ko para sa `yo. Hindi ko naman ito matawag na peste, na bwisit sa buhay ko, dahil ang pagmamahal ko sa `yo ang nagpapasaya sa `kin. Inspired ako dahil sa `yo."
            "Jake..." Napalunok siya. Pinipigilan niya ang pagtulo ng luha niya. Seeing Jake like that make him to feel more miserable. Bakit ba ang sakit? Yeah. Importante sa kanya si Jake pero ang sakit na nakikita niya sa sa mukha nito ay nagpapadoble ng sakit na nararamdaman niya. Bakit ba... Dapat siguro ay ipamukha na niya kay Jake ang kung ano ang gagawin niya para isahan ang sakit at tuluyan na lumayo na ito sa kanya... para huwag na rin siyang makalapit dito at huwag magkaroon ng mukha na humarap pa dito pagkatapos nito. Pero tama nga ito na parang nauulit lang palagi ang mga bagay-bagay, ang komprontasyon sa pagitan nila. Ilang beses na bang nangyari ang ganito sa kanila?
            "Pwede bang ako na lang? Pwede bang akin ka na lang?"
            "Sasagutin ko na si Devin."
            Tuluyan nang tumulo ang luha nito na kanina pa namumuo. "Pwede bang ako na lang? Akin ka na lang."
            "Ma-mahal ko si Devin kaya siya ang sasagutin ko."
            Nagulat siya nang bigla siya nitong kabigin palapit dito at yakapin nang mahigpit. Hindi siya nakakilos.
            "I love you, Hyde. Mahal na mahal kita. Sobra. Lahat gagawin ko para sa `yo. And if this will be the end..." Napasigok ito. Tila hirap na hirap sa sasabihin.
            Tuluyan na ring tumulo ang luha niya.
            "Then be it. Pero huwag mong aasahan na basta na lang akong mawawala sa tabi mo dahil sa gagawin mo. Papanindigan ko na ang katangahan ko. Hindi ako lalayo sa `yo sa kabila ng kamiserablehan ko."
            Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa luha na hindi maampat sa pagtulo. Nang kumalas si Jake sa pagkakayakap sa kanya at unti-unting lumayo, tuluyan na siyang napahagulgol.
            Bakit ba ang sakit?


PARANG NANOOD ng isang live na drama si Chloe. Napailing-iling siya ngunit hindi naman maipagkakaila sa loob ng puso niya na may nadarama siyang inggit sa nasaksihan sa pagitan ni Jake at Hyde.
            Pabalik na sana siya sa loob ng bahay nina Clyde nang makita niya ang dalawa... at nasaksihan niya nga ang drama ng mga ito.
            Nakakainggit na makita na iniyakan ni Jake si Hyde. Mas mauunawaan pa niya kung babae ito pero hindi naman. Hindi niya akalain na dahil sa pagmamahal ay magiging ganito si Jake, si Jake na kilala niya sa pagiging hambog, bully, mayabang at gagawin ang lahat para makuha ang gusto. Pero hindi naman maipagkakaila na kahit niloko niya ito noon pati si Devin ay nagkaroon ito ng puwang sa puso niya.
            She envied Hyde. Sa nakita niya, dahil sa inggit, parang sumidhi ang hangarin niya na maiwang luhaan si Hyde. Parang buong-buo na siya na sumasang-ayon kay Vix sa plano nito.


SA HALIP na dumiretso pauwi sa bahay nila, nagdesisyon si Jake na magtungo sa bahay nina Rubius na may kasiyahan din. Sa bahay nina Rubius ilalabas niya ang sakit na nadarama sa pamamagitan ng pag-inom ng alak at pagpapakalasing. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi pati ang mga tumutulo pa.
            Ilang beses ba niyang sasabihin sa sarili at itatanong ang mga salitang: Bakit ang sakit?
            He was hurting so bad. Alam naman niya sa umpisa na sasagutin na ni Hyde si Devin pero...
            Inihinto niya sa tabi ang sasakyan saka pinaghahampas ang manibela ng kotse niya. His vision was now blurry because of the nonstop tears coming from his eyes. Parang hindi maubos-ubos ang luha niya.


TWENTY MINUTES. Iyon ang tantiya ni Devin mula nang umalis si Hyde para ihatid si Jake sa kotse nito. Bente minutos na ang dumaan ngunit wala pa rin ito. Hindi niya rin nakita na pumasok ito sa gate. Well, aaminin niya na kanina pa niya ito inaabangan na pumasok mula nang umalis si Clyde sa tabi niya para asikasuhin ang ibang bisita nito. Nakita pa nga niya ang pagpasok ni Chloe, kinawayan pa nga siya ng babae at matamis siyang nginitian ngunit hindi naman niya pinansin. Ang buong atensyon niya ay nakatutok sa pagpasok ni Hyde.
            Hindi pa nga sila tapos mag-usap nito kanina tapos ang tagal pa nito. Devin was left hanging by Hyde. Pakiramdam niya talaga ay isa siya sa malaking dahilan sa mga bagay na tinanong ni Hyde kanina. Bukod sa kanya, ramdam niya na si Jake ang isa pa. Hindi naman nagbigay ng clue si Hyde sa paraan ng pagtatanong nito pero may pakiramdam siya na ganoon. Maybe his instinct was telling and pushing it. May tampo rin siyang nadarama dito. Sa ilang buwan na pagsasama nilang dalawa, napansin niya na hirap si Hyde mag-open up ng mga bagay-bagay sa kanya lalo na sa damdamin at saloobin nito.
            Huminga siya nang malalim saka tumayo. Lumabas siya sa bakuran.
            Luminga-linga siya sa paligid para hanapin si Hyde. Wala siyang nakita kahit na anino nito. Nagdesisyon siya namaglakad-lakad para hanapin si Hyde.


IMBES NA magtungo sa loob ng kanilang bakuran, mas pinili ni Hyde na maglakad-lakad. Ayaw naman niyang humarap kay Devin sa estado niya ngayon dahil sigurado siya na mag-uusisa lamang ito katulad kanina. Walang katiyakan ang lugar na pupuntahan niya hanggang sa makarating siya sa playground na madalas nilang puntahan ng mga kapatid.
            Pumwesto siya sa swing saka tumingala sa langit. Pinagsawa niya ang mata sa pagtingin sa madilim na kalangitan at sa mga bituin na kumikislap pati na sa bilog na buwan.
            Nakapagdesisyon na siya, hindi ba? Pero may pag-aalinlangan pa rin sa puso niya. Gusto niyang humingi ng sign ngayon kung ipagpapatuloy pa ba niya ang pagsagot kay Devin o mas tama na lumayo siya sa dalawang lalaki na nagdudulot ng saya at lungkot sa kanya.
            Why love is complicated? Komplikado na nga siya tapos pati sa usaping pampuso komplikado pa? Maswerte ba siyang maituturing dahil kahit na ganito siya, na bakla siya, may dalawang lalaki na nagkakagusto sa kanya at handa siyang ipaglaban?
            Ipinikit niya ang mata. Sa isip siya bumuo ng sign.
            At nang imulat niya ang mata, sinalubong siya ng matiim na titig ni Devin. Nakatayo ito sa harapan niya, nakayuko.
            "Okay ka lang ba? Bakit nandito ka?"
            He sighed then force a smile. "Kailangan ko lang huminga."
            "May problema ka nga." Anito.
            "Meron nga." Pag-amin niya.
            "Ano ba `yan?"
            "`Wag na nating pag-usapan."
            Um-squat si Devin sa harap niya para magpantay ang paningin nila.
            "Ikaw ang bahala. Kung isa ako sa nagbibigay ng problema sa `yo, sabihin mo sa akin. Bibigyan kita ng space. Bibigyan din kita ng oras para makapag-isip-isip ka."
            Napangiti siya saka hinawakan ang pisngi nito. Hinawakan naman nito ang kamay niya na nakahawak sa pisngi nito.
            "Hindi mo ako kailangan na bigyan ng space. I can still breathe with you by my side. Hindi mo rin kailangan pang bigyan ako ng oras dahil marami na ako niyon. Nakasalalay lang sa akin kung paano ko gagamitin iyon."
            "Ayokong nakikita ka na malungkot."         
            "Hindi naman maiiwasan na malungkot ako. Ikaw o ibang tao man ang dahilan."
            Niyakap siya nito na tinugon naman niya. Napatingala siya sa langit at nakita niya ang pagdaan ng isang falling star. So its decided. Sinagot ang sign na hiningi niya. Ang taong nakayakap at niyayakap niya ang para sa kanya.


"AT ANG katangahan award goes to..."
            Napailing-ilingna lang si Jake saka tinungga ang laman na alak ng boteng hawak niya. Inisang lagok niya iyon saka bumaling kay Rubius na sadyang binitin ang pang-aasar para makita ang magiging reaksyon niya. Pagkatapos niyang mag-emote sa loob ng kotse niya at pagpapakalma sa sarili ay nakapunta na siya sa bahay nito. At ito na nga... nagpapakalunod siya sa alak para pansamantala ay makaiwas sa reyalidad at sa sakit na kinasusuungan niya.
            "...Jake! Bigyan ng jacket `yan!"
            "Puro ka talaga kalokohan, Rubius." Saway dito ni Dominic.
            "Hindi ito kalokohan. Tamang-tama may jacket ako na hindi pa nagagamit. Tama iyon kay Jake para pananggalang sa lamig at mawala ang lamig na nararamdaman niya. Tama rin iyon para pantakip sa mukha o sa mata niya once na makita niya ang magiging katapusan ng story niya kay Hyde. Pati na rin sa ending ng dalawa."
            Hindi siya nagsalita.
            "Bakit jacket?"
            "I already said the reasons, Doms. `Wag kang tatanga-tanga."
            "Para kang ewan." Umiiling na sabi ni Dominic.
            He just keep his self busy drinking alcohol. Wala siyang balak na sakyan o kaya hindi sang-ayunan ang mga pinagsasabi ni Jake.
            "From the very start, alam na nating lahat na talo na si Jake. Hyde loves Devin so much. Sa totoo lang din, hindi ako naaawa sa `yo, bro." Tinapik pa nito ang balikat niya. "Ginusto mo naman kasi ang pinagdadaanan mo eh. Alam mo na wala kang pag-asa pero sumige ka pa rin. Imbes na lumayo ka, mas pinili mo pa na maging kaibigan mo siya. Hayan tuloy. Imbes na mawala mas lumala."
            "Kahit na ano pa ang sabihin mo, Rubius. Nangyari na ang nangyari. Nandito na ito kaya suportahan na lang natin si Jake," ani Dominic.
            Nagmumukha tuloy na defender niya si Dominic. Mukhang natunugan nito na wala siyang balak na sagutin ang pang-aasar ni Rubius.
            "Hayaan n'yo lang akong uminom at malasing. Wala akong pakialam sa sasabihin niyong dalawa."
            "Okay! Dahil dyan! Inom pa more!" Masiglang sabi ni Rubius sabay taas sa hawak na bote ng alak. Ginaya nilang dalawa ni Dominic ang ginawa nito. They cheers and the next moment he drown his self with alcohol.
            Tama si Rubius. Inom pa more hanggang sa mawala ang sakit at pansamantala kahit ngayong gabi ay mawala siya sa reyalidad. Reality na masakit.
    Ang kasawian niya sa pag-ibig.


PAGKATAPOS NA marinig ni Vix ang kwento ni Chloe tungkol sa nasaksihan sa pagitan ni Jake at Hyde at ang kagustuhan nito na mas lalong pag-igihan ang gagawin, natuwa siya. Katulad niya ay nakadama rin pala ng inggit ang babae sa atensyon na ibinibigay ng dalawang lalaki na nakaraan nito. Hindi naman niya ito masisisi dahil talagang nakakainggit ang nakukuhang atensyon ni Hyde sa dalawa. Siya nga, kahit na may paghanga at pagtingin siya sa dalawa ay sobrang nabi-bitter, ito pa kaya.
            "Kailan ba natin gagawin ang plano, Vix?" Tanong nito saka lumapit sa kanya.
            "Sa lalong madaling panahon. Don't worry yourself too much, Chloe, dear. Aabot tayo d'un. Kailangan lang na maging smooth sailing ang bawat mangyayari."
            Ngumiti ito. "Hindi na ako makapaghintay na makita ang kamiserablehan ni Hyde kapag nangyari ang plano natin."
            "Ako rin naman." Natigilan siya maya-maya nang maisip ang ginawa ni Chloe kagabi sa party at ang hindi nito pagsagot sa tawag niya pati ang pagpatay sa secret camera at communication nila.
            "Bakit mo pala pinatay ang video cam kagabi?"
            "Wala lang."
            "Anong wala lang?" Nakakunot na gagad niya. "You even told Hyde the past between you and the boys. Sa tingin mo ano na ang mangyayari?"
            "Hindi naman iyon makaka-apekto sa mga plano mo... natin." Cool na sagot nito.
            "Anong hindi?" Naiinis na tanong niya.
            "Well. I can say that because I have my own way getting near to Hyde."
            "At ano naman iyon?"
            "Ang kakambal niya."
            "Paano?"
            "May gusto sa `kin si Clyde."
            Namilog ang mata niya sa sinabi nito. His mouth also form a letter 'O' then he smiled wickedly. "Mukhang alam ko na ang susunod sa plano mo."
            Chloe deviously smile. Malaki pala talaga ang maitutulong nito sa kanya kahit na minsan ay nakakaasar ang babaeng ito. Sino ang mag-aakala na may itinatago rin pala itong utak.
            Natawa siya pati ito.


MASAKIT ANG ulo ni Jake dala ng sobrang kalasingan kagabi. Hindi na nga siya nakauwi at nagpalipas na ng gabi sa bahay ni Rubius. Katabi niya ang mga kaibigan na lasing na lasing din. Tumayo siya mula sa kama saka nagtungo sa banyo para maghilamos at umihi na rin. Isinara niya ang pintuan saka umihi. Pagkatapos naghugas siya ng kamay at naghilamos. Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Basa ang kanyang mukha at bahagyang namumula ang mata niya dala ng kulang sa tulog at sa hangover. Magulo rin ang buhok niya na napaghahalatang galing sa pagtulog. Napansin niya rin na iba na ang suot niyang damit. Damit iyon ni Rubius. Hindi naman nakapagtataka dahil sumuka siya kagabi at nanghiram siya ng damit kay Rubius. Kahit na lasing siya ay alam niya ang pinagagawa kagabi. He even cried infront of his friend.
            Eksaktong paglabas niya ng banyo nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Nakita niya iyon sa bedside table saka kinuha. Ang mommy niya ang tumatawag sa kanya. Agad niyang sinagot ang tawag.
            "Bakit `My?"
            "Umuwi ka na dito sa bahay. Dumating ang daddy mo kagabi." Excited na pagbabalita nito.
            "O-okay, `My." Sagot niya. Hindi niya maiwasan ang kabahan sa pagbabalik ng daddy niya. It can only lead to something else. Ayaw niyang isipin pero iyon ang naglalaro sa isipan niya.
            "Sige, Jake. Ingat ka sa daan. Magpaalam ka na lang sa Tita Rina mo," bilin nito na ang tinutukoy ang mama ni Rubius.
            "Opo."
            Hanggang sa matapos ang tawag ay ang pagdating ng daddy niya ang nasa isipan niya. Nagpalit siya ng damit na hiniram niya kay Rubius. Hindi na siya nagpaalam sa dalawa na mahimbing pang natutulog.
    Lumabas si Jake sa kwarto ni Rubius saka bumaba ng hagdan. Nagtungo si Jake sa kusina dahil doon nagmumula ang ingay. Naabutan niya ang katulong na nagluluto.
    "Nasaan si Tita Rina?"
    "Nasa taas, Sir. Kakain po ba kayo?"
    Umiling siya. "Hindi. Sige."
    Bumalik siya sa taas. Nagtungo siya sa kwarto ng mag-asawa at mahinang kumatok sa pintuan. Mga ilang minuto, lumabas ang mag-asawa. Nagpaalam na siya sa mga ito.


Itutuloy…



3 comments:

  1. Nakakaawa naman si Jake. Sana magkaron na lang siya ng sarili niyang love story author..hehe. Sana hindi siya maging kontrabida sa story na to.

    - Lantis

    ReplyDelete
  2. Hay bakit ganon sasagutin nga biglang magbabago ang isip niya...... Nka asar naman pero okie n rin update pls agad

    Jharz

    ReplyDelete
  3. Jake. Hu hu hu. Haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails