Followers

Tuesday, September 1, 2015

String from the Heart [24]



 AUTHOR’S NOTE

Hello! I’m back again! At uli, pasensya naman sa mahabang paghihintay. Unawain n’yo po ang katamaran ng nagsusulat nito. LoL.

Salamat nang marami muna kay Sir Mike at Kuya Ponse para sa pagkakataon na ito. HoHO! Sa mga co-RA’S ko! Hello! Hello!

Salamat din sa mga nagbasa ng chapter 23. Sa mga nagbigay ng comment sa chapter 23, mas maraming salamat at hindi n’yo nakalimutan ang pagbibigay ng komento. At sana mag-comment ulit kayo sa chapter na ito!

Sa mga sumusunod, THANK YOU!

Tito Alfred
Edison Salonga
Kuyang Anonymous
Franz
YeahitsJM
Kuya Jharz
Marlon Miguel Alves

Be the judge of this chapter. Sana may magbigay pa rin ng comment.

At pasensya kung sa mga susunod na chapter ay medyo magulo.


PS: Naka-schedule na po ang mga susunod na chapters.



CHAPTER TWENTY-FOUR

WALA NAMAN na talagang plano si Jake na tumuloy sa birthday party ni Vhian kung hindi siya nakita ni Clyde na kadarating lang mula sa kung saan ito nagpunta na hindi niya alam kung saan. Kaya heto siya ngayon, kaagapay maglakad papasok ng gate si Clyde na parang may alam na wala talaga siyang balak na tumuloy.
            "Bakit nagdadalawang-isip ka na tumuloy, Jake?" Usisa nito sa kanya.
            Lihim siyang napapalatak sa pag-uusisa nitong iyon. Halata naman kasi sa kanya iyon kanina. Bumaba nga siya ng kotse niya ngunit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Para siyang na-stuck sa kinatatayuan at tinitingnan ang nakabukas na gate ng bahay nina Hyde kanina.
            "Wala naman talaga akong balak na tumuloy pa." Matapat na sagot niya.
            "Mukhang alam ko na ang rason kung bakit. Mag-uusisa pa ba ako o sasabihin ko ang saloobin ko?"
            "Ikaw ang bahala. Wala naman mawawala sa `kin lalo na kung totoo at natumbok mo ang rason ko," aniya.
            "You are still jealous, aren't you?" Tumango siya. "Kaya ayaw mo nang tumuloy kasi hindi mo kayang makita na kasama ni Devin si Hyde at sweet sila sa isa't-isa. Sa totoo lang wala pa naman akong experience sa mga ganyan pero parang dama kita kahit papaano."
            "Ganoon?"
            "Yeah. Alam mo sinabihan ko na si Hyde na lumayo na siya sa `yo kasi masasaktan at hindi ka makakapag-move-on tuwing kasama mo siya. Pero hindi naman siya nakikinig sa `kin. May bahagi kasi sa kanya na ayaw lumayo sa `yo."
            Ang sarap pakinggan ng sinabi ni Clyde, na ayaw sa kanyang lumayo ni Hyde, ngunit alam niya na ayaw ni Hyde lumayo sa kanya dahil kaibigan siya nito. Isa pa, ayaw din naman niyang lumayo sa kanya si Hyde. Kaya nga napakalaking tanga niya dahil hindi niya magawang mag-move-on.
    "Ayoko naman lumayo siya sa `kin."
            "Kung pasaway ang kapatid ko, mas pasaway ka pala. Nasasaktan at hindi ka maka-move-on pero gusto mo pa rin na makasama siya. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal?"
            "Hindi ko naman alam. Basta ako nagmamahal. Kahit masaktan ako, okay lang. Basta ang mahalaga nakikita ko ang kapatid mo at alam ko na mahalaga ako sa kanya kahit na kaibigan lang."
            Napailing na lamang si Clyde sa sinabi niya. "Wala akong masabi. Kayo na! Ikaw na Jake. Pumasok na nga tayo sa loob. Hindi ko sinasabi na baka sakaling mawala sa isip mo ang nararamdaman mo sa loob pero i-try na natin. Magsaya ka sa loob. Maki-join ka sa mga bisita ko."
            "Okay. Walang problema. Siguro nga baka makalimot ako kahit papaano."

           
TIYAK NI Jake na makikita sa kanyang mukha ang pakagulat nang makita ang isang pamilyar na mukha na hindi niya inaasahang makikita sa pagtitipon na iyon nang makapasok sila ni Clyde sa loob.
            Nang mapansin yata nito na may nakatingin dito, bumaling ito sa direksyon niya. Nginitian siya nito. Ngiti na tila kilalang-kilala siya at namumukhaan pa pagkatapos ng ilang taon na hindi nila pagkikita.
            Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Para siyang napako doon.
            "Long time no see, Jake." Anito. "After years, masaya ako na makita ka."
            Napatiim-bagang siya. Kung makapagsalita ito parang wala itong nagawang masama sa kanya.
            "Hindi ako masayang makita ka. Anong ginagawa mo dito?"
            Umangat ang sulok ng labi nito. He saw amusement in her eyes.
            "Halata naman sa `yo na hindi ka masayang makita ako. Ano bang bago? By the way, nakita ko kanina si Devin kasama ang kakambal ni Clyde. Hanggang ngayon ba nasa anino ka pa rin ng kababata mo."
            Kumuyom ang kamao niya sa sinabi nito. "Wala akong pakialam."
            "But you look you care Jake. You look damn jealous. Ang sakit isipin na hanggang ngayon palagi kang second best. Ang sakit isipin na talo ka pa rin pagdating kay Devin. Ang sakit isipin na..."
            Mas lalong kumuyom ang kamao niya. Parang babaon na ang kuko niya sa kanyang palad sa sobrang pagkakakuyom niyon. Kung hindi lang ito babae baka nasuntok na niya ito sa galit na nadarama niya.
            Sino nga ba ang babaeng kausap niya? Na kung magsalita parang kilalang-kilala siya? It was no other than Chloe Undering. Ang babaeng kinahumalingan niya during highschool days. Ang masasabi niyang isa sa naging dahilan ng pagkakasira nila ni Devin noon. But mostly behind it was the secret he couldn't even tell. Sekreto na nagpalala ng inggit na nadarama niya noon... sa bestfriend niya.
            "Just shut up Chloe."
            Tumawa ang babae. Tawang nakakairita. Tawang pangmalandi. Ngayon lang niya napagtan-- no, noon pa niya naisip kung paano ba siya nahumaling sa babaeng katulad nito.
            Chloe was one of a kind bitch. Sa kabila ng maamong mukha nito ay nagtatago ang babaeng schemer. Hindi niya akalain na pagsasabayin siya nito at si Devin. At ang masaklap pa, mas pinili pa nito si Devin kaysa sa kanya pagkatapos niyang gawin ang lahat para dito. He begged her to stay beside him and choose him over Devin but it didn't happen.
            Sa pagkikita nila sa party ni Vhian. Ngayon niya napagtanto na parang katulad ng dati ang nangyayari ngayon sa kanila. Ang kaibahan ngayon, mas pinili niya na sumuko, huwag magpatuloy kaysa ang lumaban pa.
            "Paano ka ba napunta dito?" Malamig niyang tanong.
            "I was invited. Schoolmate ko si Clyde. Kaklase ko rin siya sa isang subject ko."
            Hindi na siya nagsalita. Iiwanan na sana niya ito nang hawakan siya nito sa braso. Napatingin siya rito saka sa kamay nito na nakahawak sa braso niya. Hindi nito binitawan iyon.
            "Bakit?"
            "Don't worry, Jake. Hindi mo man makukuha si Hyde, may maibibigay naman siya sa `yo na ikasisiya mo." Makahulugan na sabi nito.
            Inalis niya ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya saka ito iniwanan. Aaminin niya na-curious siya sa sinabi nito. May kahulugan na hindi niya maarok kung ano.


TININGNAN LANG ni Chloe ang likuran ni Jake saka niya iginala ang paningin sa kabuuan ng garden kung saan kasalukuyan na nagaganap ang birthday party ni Vhian.Wala naman talaga siyang balak na magtungo doon dahil hindi naman siya mahilig sa ganitong okasyon. Mas okay sa kanya ang magpunta sa bar, uminom ng alak, maki-party at sumayaw na parang nagwawala. Napilitan lang siya dahil sa 'misyon' niya para kay Vix.
            Klaro pa rin niyang natatandaan ang pag-uusap nilang dalawa. Aminado siya na kailangan niya ng pera. Ilang beses na rin siyang humingi dito kaya naman kailangan niya talagang gawin ang mga pinapagawa nito na nonchalant siya.
            "Bakit sinabi mo ang mga ganoong bagay kay Jake?" Tanong ng nasa kabilang linya. May panggigigil sa boses nito.
            "Dahil gusto ko, Vix. Come on. Alam natin pareho kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. I just give him some clue para masayahan naman siya."
            "Stop it Chloe. `Wag mong banggitin ang pangalan ko.Tiyak ko na wala ka sa tahimik na lugar at nag-iisa. Hindi ba sinabi ko sa `yo kanina na `wag kang magsasalita kapag nasa matao kang lugar. Binanggit mo pa talaga ang pangalan ko."
            "I am bored," nababagot na sabi niya.
            "Wala akong pakialam!" Singhal nito na ikinangiwi niya.
            "`Wag ka ngang sumigaw. Masakit sa tenga."
            "Wala akong pakialam! Gawin mo ng tama ang trabaho mo dyan."
            "You don't need to shout, bakla!" Naiirita niyang sabi.
            "Bitch! Oras na hindi masunod ang mga plano ko, alam mo kung ano ang mangyayari sa `yo."        
            "Alam ko. You don't need to remind me."
            "Hindi mo alam! Kung nag-iisip ka sana hindi ka salita nang salita dyan. Dapat nag-iisip ka. Paano kung may malaman si Jake? Paano kung makatunog siya? Anong mangyayari? Anong gagawin mo?"
            "Wala! `Wag mo akong sabihan ng mga gagawin ko. Hindi na ako bata. Hindi rin ako tanga."
            "But you are acting like one!" Muling singhal nito.
            "Whatever Vix. `Wag ka nang magsalita pa dyan. Just look and observe."
            "Hindi ako magsasalita kung ginagawa mo ang tama. Magpakatino ka."
            She just rolled her eyes. Hindi na siya nagsalita nang makita ang papalapit na si Clyde.


"ALAM MONG iba ang anak ko."
            Ang panimulang salita ng mama ni Hyde nang makapagsolo silang dalawa. Kinakabahan pa rin si Devin na nadagdagan pa dahil sa malamig na ekspresyon ng mukha nito.
            "Papasayahin ko po si Hyde. Hindi ko po siya sasaktan." Ang masigasig niyang sabi kahit na taliwas ang nararamdaman niya. Naisip niya na kailangan niyang magpa-impress dito pero ang pagsabi ng mga bagay na may kasamang pangako ay hinding-hindi niya gagawin.
            "Hindi naman siguro kaila sa `yo na ang katulad ng anak ko ay isa sa mga taong hindi agad naiintindihan ng mga tao na makikitid ang utak. Ang katulad ni Hyde ay malapit sa sakit at paghihirap lalo na kung hindi talaga siya nauunawaan. Ang relasyon ng katulad sa inyo ay hindi pangmatagalan. Gusto kong malayo si Hyde sa ganoon. Hindi ko man nakita noon ang mga pinagdaanan ni Vin at sa kanyang nararamdaman para kay Joen, kung meron man, ayokong matulad doon ang anak ko. Hindi ko iyon makakaya. Alam mo naman siguro na ayaw ng isang magulang lalo na ng isang ina na nakikitang nasasaktan ang kanyang anak kahit na taliwas sa karaniwang bagay ang sitwasyon."
            Nakakaunawang tumango si Devin sa mahabang sinabi nito. Alam naman niya iyon. Sino bang magulang ang gustong makita na nasasaktan ang isang anak, wala naman. Hindi ba't may mga kakilala siya sa ganitong klase ng relasyon na maraming pagsubok ang pinagdadaanan. Karamihan sa mga iyon ay naiiwan na luhaan, sawi at nag-iisa. Ngunit wala naman siyang balak na basta bitawan si Hyde. He loved him so much to do such foolishness.
            "Alam kong hindi ko naman maiiwasan na masaktan siya. Malaki na si Hyde at may kakayahan na siyang magplano para sa sarili niya. Ang gusto ko lang sabihin, ingatan mo siya. Alagaan at huwag mong sasaktan. Alam kong imposible ang hinihingi ko pero iyon lang ang tanging hiling ko lalo na kapag sinagot ka na niya."
            "Hindi ko po sasaktan si Hyde." Sabi niya. Ang huling salita na sinabi ng mama ni Hyde ang naglaro sa isipan niya.
            Sasagutin siya ni Hyde...
            "Mahal ko po si Hyde. Hindi po ako mangangako ng kung ano sa `yo. Aalagaan ko po si Hyde kapag kami na. I'll make him happy. Imposible po na hindi ko siya masaktan o ako ang masaktan kapag naging kami na but I'll try making it minimal."
            Sa unang pagkakataon nginitian siya nito. Ngiti na tila nagbigay sa kanya ng kasiguraduhan na tanggap na siya nito, na sasagutin na siya ni Hyde na kagaya ng pinapahiwatig nito, na suportado siya nito. Ngiti na tila nagbibigay ng konsolasyon at nagsasabing 'aasahan nito iyon'.


NAPATAYO SI Hyde mula sa kanyang kinuupuan nang makita ang paglabas ng mama niya kasunod si Devin. Kapwa may ngiti sa labi ng mga ito. Looking the smile in their faces made the worriness he felt away. Saglit na nag-usap ang dalawa saka bumaling sa kanya. Mukhang magkasundo na ang mga ito at tanggap na ng mama niya si Devin para sa kanya. Mukhang sang-ayon na ito sa gagawin niyang pagsagot sa taong mahal niya. Thankful siya.
            Nilapitan siya ni Devin. Ang mama naman niya ay nagbalik sa kung anuman na ginagawa nito.
            "Anong pinag-usapan n'yo?" Usisa niya. Sa halip na sagutin ang tanong niya, niyakap siya nito. Isang mahigpit na yakap na parang wala ng hangin ang makakadaan sa pagitan nila. Niyakap niya rin ito.
            Ilang minuto ang dumaan bago siya nito pakawalan.
            "Anong pinag-usapan n'yo ni mama?" Muling pag-uusisa niya.
            "Ikaw."
            "Paanong ako? Hindi ka ba niya in-interview tungkol sa buhay mo? `Yong mga common question ba."
            "Walang ganoon, Hyde. Sinabi sa `kin ni tita na huwag kitang sasaktan, na ang mga katulad ng relasyon na magkakaroon tayo ay laging nauuwi, o karamihan sa mga iyon ay sa kasawian natutuloy."
            "Iyon lang ba?" Paniniyak niya.
            "Yeah. Pero may nagpe-play sa isip ko na sinabi ni tita."
            "Ano `yon?" Bigla siyang na-curious.
            "Well. It's nothing. Huwag na nating pag-usapan."
            "Ano ba naman `yon?" Aniya. Lumayo siya dito.
            "Nagtatampo ka?" Natatawang tanong nito. "`Wag ka nang magtampo. Basta akin na lang `yon. Ayoko namang i-spoil ang mga bagay-bagay."
            "I-spoil? Bakit?" Mukhang may ideya na si Hyde sa ibig ipahiwatig ni Devin. Hindi naman kaila sa kanya na nasabi niya sa mama niya ang balak niya dahil humingi siya ng permiso dito. Baka nadulas ito o kaya naman pahapyaw na nagpahiwatig sa gagawin niya.
            "Basta Hyde. Basta ako masaya sa mga bagay na posibleng mangyari sa ating dalawa."
            After saying that, lumapit sa kanya si Devin saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Nagtama ang kanilang paningin. He saw so much tenderness and love in his eyes.
            Dumako ang tingin niya sa labi nito ganundin ito sa kanya. Hinalikan siya nito sa labi. Their was so much passion in Devin's kiss and he could only do was to return the favor in the same passion. Pagkatapos ng masarap na halik ay masuyo siya nitong tiningnan.
            "I love you, Hyde."
            "I..." Hindi na niya naituloy pa ang dapat sabihin ng bumukas ang pintuan saka pumasok ang kakambal niyang si Clyde. Pareho silang napabaling dito. May ilang sa uri ng tingin nito. Mukhang awkward ito sa nadatnan. Hindi naman kasi siya lumayo kay Devin.
            "Tama na ang lambingan n'yong dalawa. Magsisimula na ang party. Siyanga pala, Hyde, nandyan na si Jake."
            Tumango siya. "Okay. Susunod na kami."
            Kumalas siya sa yakap ni Devin. Tiningnan niya ito.
            "May sasabihin ka sana."
            "Oo. Pero sa ibang araw na lang."
            Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Para mawala iyon kahit papaano, mabilis na halik sa labi ang binigay niya rito.
            Ngumiti ito. At sapat na iyon sa... ngayon. Mas magiging masaya ito sa araw na sasagutin niya ito.


KANINA PA hinahanap ng kanyang mata ang pamilyar na mukha sa kanyang isip at puso. Ngayon na nakita ito ni Jake na lumabas sa main door kasama si Devin ay parang piniga ang puso niya, pagkatapos basta na lang piniraso. Hindi siya talaga makapag-move-on sa nararamdaman niya para rito. Jake was luring his self into something that he couldn't do. He just faking his self into an emotion that he couldn't go away. Bakit ba kasi ang hirap? Bakit ba kasi kahit na sumuko na siya ay hindi pa rin niya kayang mawala sa buhay niya si Hyde? Bakit ba kasi kahit na kaibigan na lang siya ay sobrang mahal pa rin niya ito? At bakit ba pakiramdam niya na sa bawat araw na dumaraan ay mas lalo pa siyang nahuhulog at mas lalo pa niya itong minamahal? At mas matinding bakit na iniisip niya na hindi lang siya rito mahalaga bilang kaibigan kundi mas mataas pa sa antas na iyon.
            Ang pathetic lang talaga niya. Wala na talaga siya sigurong pag-asa na makalayo o malimutan ang lalaking mahal niya. Siguro hanggang sa huli ay kawawa siya. Laging luhaan at sawi.
            Ramdam ni Jake na malapit na ang oras o kaya araw na sasagutin ni Hyde si Devin. At ang isipin na bagay na iyon ay mas lalong nagpapatindi ng sakit na nararamdaman niya.
            "Hindi ko siya gusto para kay kuya."
            Binalingan ni Jake si Vhian na katabi niya. Nakatingin din ito sa dalawa.
            "Bakit naman?" Tanong niya. Nagmamaang-maangan kahit alam na niya ang dahilan nito. Si Vhian ang dakilang supporter niya pagdating sa kuya nito.
            "Alam niyo na po ang rason ko Kuya Jake."
            "Mabait si Devin." Aniya.
            "Mabait din naman kayo ah. Lagi niyo kaming binibigyan ng candy ng mga kapatid ko. Dinadalhan niyo ako ng paborito kong pagkain. Bakit ba kasi hindi kayo nagustuhan ni kuya?"
            "For some reasons."
            "Ano naman po `yon?"
            "Basta Vhian."
            "Anong basta Kuya Jake? Sabihin niyo po sa akin ang rason. Mas mabait ka sa kasama ni kuya. Mahal mo si kuya. Mas gwapo ka rin sa kanya."
            Napangiti siya saka ginulo ang buhok nito.
            "`Wag ka nang makulit, Vhian."
            "Kuya Jake, birthday ko po ngayon. Dapat sabihin n'yo sa `kin ang rason. Dapat pagbigyan n'yo ako. Dapat din na hindi kayo magsinungaling sa birthday celebrant."
            "Sino naman ang may sabi n'un?"
            "Pauso ko. Sinabi ko `yon sa mga kaibigan at classmate ko para malaman kung sino ang crush nila."
            Natawa siya. "Ang kulit mo lang."
            "Kuya Jake sige na."
            Napatayo siya mula sa kinauupuan para makalayo kay Vhian na niyayakap na siya. Natatawa siya sa ginagawa nitong paglalambing pero hindi niya magawang masabi ang dahilan kung bakit nga ba siya hindi nagustuhan ni Hyde noong simula.
            Sa kakakulit at kakalapit nito sa kanya, hindi niya napansin ang bagay na nasa likuran niya.
            "Kuya Jake," sigaw ni Vhian.
            Ngunit huli na ang kung anuman na sasabihin nito dahil natamaan niya ang isang pitsel ng juice. Napasandal siya sa mesa na hindi pala pantay ang kinalalagyan. Napaupo siya kasabay niyon ang pagligo niya sa malamig na orange juice. Basang-basa ang t-shirt niya pati ang pantalon.
            Lihim na lang siyang napamura. Kapag minamalas ka nga naman!


NAPAILING SI Hyde nang makita ang pagkabasa ng damit ni Jake pagkatapos itong guluhin ni Vhian. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang nila ni Devin sa main door ay ito na agad ang napansin niya. Bukod pa rito ay ang babaeng nag-iisa at nakaupo sa isang stool malayo sa ibang tao na nasa party. Nakasuot ang babae ng simpleng bestida, mahaba ang buhok nito na umabot sa balikat. Kapansin-pansin din ang kulay niyon. Hindi niya ito kilala kaya curious siya. Bagong mukha.
            Nakakahiya lang kay Jake. Hindi na niya nga ito naaasikaso tapos ganoon pa ang nangyari dito.
            "Devin, pupuntahan ko si Jake." Paalam niya sa katabing si Devin.
            May pagdadalawang-isip sa mukha nito ngunit pumayag na din. "Okay. `Wag kang magtatagal, ah."
            "Okay."
            Diretso siyang nagtungo sa kwarto na alam niyang pinapuntahan ni Vhian kay Jake. Kumatok siya sa pintuan ng banyo. Ilang saglit ay bumukas iyon.
            "Jake, okay ka lang ba?


NASA LOOB na ng banyo si Jake. Mabilis niyang hinubad ang suot na t-shirt at pantalon para huwag siyang lagkitin. Binasa niya rin ang damit para punasan ang kanyang katawan saka siya naghilamos. Hindi pa siya nagtatagal sa paghuhugas ng mukha ng makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Kasunod ang boses ni Hyde.
            "Jake, okay ka lang ba?"
            Sa halip na sumagot, binuksan niya ang pintuan. Nanlaki ang mata ni Hyde nang makita siya saka nag-iwas ng tingin. Napangiti siya ng lihim. Kahit papaano may epekto  pa rin pala siya rito. At dahil doon, nagiging assuming ka na naman Jacinto. Tumigil ka!
            "Okay lang ako. May damit ka ba na pwedeng ipahiram sa akin?"
            Sabihin ng wala siyang hiya sa ginagawa niyang pagtambad ng katawan na halos hubad pero wala siyang paki. Gusto lang niyang ipakita kay Hyde kung gaano siya ka-hot para kahit papaano ay makakuha siya ng positibong reaksyon mula rito. At dahil nga sa reaksyon nito ay natutuwa siya.
            Kung may mabuti man na naidulot ang nangyari sa kanya, ito na iyon. Ang pagkakaroon sa kanya ng oras ni Hyde para asikasuhin siya.
            "Maghahanap pa ako." Anito, hindi pa rin makatingin sa kanya.
            "Sige."
            Hindi niya sinara ang pintuan ng banyo ng magsimula si Hyde na maghanap ng damit sa drawer na nandodoon. Sinundan niya ng tingin ang bawat kilos nito. Nakakatuwa lang talaga na may mabuting naidulot ang kamalasan na nangyari sa kanya. All thanks to Vhian!
            Nang makahanap si Hyde ng damit humarap ito sa kanya para lang muling mag-iwas ng tingin. Ngunit napansin niya ang pagtingin nito sa tattoo niya na agila sa kanyang braso.
            "Kakasya ba sa `kin `yan?" Tukoy niya sa damit na hawak nito. Itim na sando iyon saka jersey short.
            "Siguro. Try mo na lang."
            "Sige. I'll just try it." Aniya.   
            Ang gusto niyang gawin sa mga oras na kasama niya ito ay yakapin ito ng sobrang higpit. Hawakan ang mukha at bigyan ng marubdob na halik sa labi. Hindi niya alam kung napansin ba ni Hyde ang 'bulge' niya sa suot na boxer short na ito ang dahilan.
            "Salamat Hyde."
            "No worries. Kasalanan ito ni Vhian."
            "Hindi naman sinasadya ni Vhian. I was the one. Masyado akong careless."
            "Bakit mo ba iniiwasan si Vhian?" Tanong nito.
            "Tinatanong niya ako. Kinukulit ng kung anu-anong bagay."
            "Ano iyon?"
            "Kinukulit niya ako tungkol sa akin... sa atin. Kung bakit hindi ako ang nagustuhan mo. Kung ano ba ang wala sa akin na meron si Devin."
            "Jake..." Tanging nasabi nito
            "Pasensya na Hyde. Bitter pa rin ako. Alam nating dalawa na sumuko na ako sa `yo pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko mas mahalin ka. Pakiramdam ko nga mas lalo pa akong nahuhulog sa `yo. Nakakalungkot lang isipin na hindi na yata ako makakabangon sa pagkahumaling ko sa yo. Masakit pa rin. Sariwa pa ang sugat na parang hindi naman na yata gagaling. I know I'm being stupid. Napakatanga ko. Sobrang pagpapakatanga pero ano ba ang magagawa ko? Nagmahal lang naman ako ."
    Nang tingnan niya si Hyde sa mukha, natigilan siya. He saw something in his eyes that suddenly gone. Naglayo ito ng tingin.
            Napabuntung-hininga na lang siya saka bumalik sa banyo.
            Pinunasan niya ang luha na naglandas sa pisngi niya.


KUNG SA PAGIGING fickled-minded wala na yatang makakatalo kay Hyde. Siya na yata ang may pinaka-brittle na gawi ng pag-iisip. He was all set, ready to take his relationship with Devin into another level but beacuse of what he saw something inside him stirred aggravately.
            Bakit ba siya nahihirapan ng ganito? Bakit ba hindi siya makuntento sa kung ano ang dapat niyang gawin? Bakit ba ang bilis magbago ng desisyon niya? Bakit ba ganito siya? Alam niya kung ano ang gusto niya pero ang rupok niya.
            Both of them loves him but he can only choose one. Kahit na pagbaliktarin niya ang mga pangyayari, may mapili man siya o mawala ay may masasaktan pa rin siya.
            Pero naisip niya na hindi naman siya mahihirapan ng ganito kung sapat ang kumbiksyon niya sa isang bagay.
            Salawahan ba siya?
            Hindi makuntento sa isa?
            Attention seeker.
            Malandi.
            Paasa.
            Kahit na anong pangalan ang ibato niya sa sarili, isa lang naman ang main point. He is fickled. Brittle in all the sense of the word.
            Pinunasan niya ang luha na naglandas sa pisngi niya. Ano ba ang dapat niyang gawin?
            Pinigilan ni Hyde ang muling mapaiyak ng may marinig siya na naglalakad palapit sa kanya. Tiningnan niya kung sino iyon. Ang babae na nakakuha ng atensyon niya kanina.
            Ngumiti ito na ginantihan naman niya.
            "Saan ba ang comfort room niyo?" Tanong nito.
            Agad naman niyang itinuro ang daan. Ang akala niya ay aalis na ito pero hindi pa.    "Pasensya na. Nakita mo rin ba mga kasama ko? Hinahanap ko rin kasi sila."
            "Hindi."
            "Saan kaya nagpunta ang mga iyon?"
            "Hindi ko alam. Hanapin mo na lang."
            Napatingin siya sa babae ng mataman nang bigla na lang itong tumawa.
            "Bakit?"
            "I'm asking you some question but we're not properly introduce. Ako nga pala si Chloe."
            "Hyde."
            Inabot niya ang nakalahad na kamay nito.
            "Kamukhang-kamukha mo si Clyde. You know what, Devin is a nice catch."
            "Kilala mo si Devin?"
            "Of course. May past kami ng kolokoy na iyon." May pagmamayabang sa tono nito at hindi niya iyon gusto.
            "Well. Naumpisahan ko naman na, itutuloy ko na. Childhood friend ko si Devin at Jake. Hanggang high school kasama ko sila. But that friendship ended when I'm fell to Devin. Na natugunan naman niya, pero sa bawat lovestory hindi naman nawawalan ng kontrabida. Sa kaso naming dalawa si Jake iyon. Alam mo ba na gumawa siya ng mga drastic na bagay para makuha ako. Ako naman si tanga, nauto kaya nagkaroon kami ng relasyon habang kami pa ni Devin."
            "Huwag mo nang ituloy. Please lang." Sabi niya. Alam ni Hyde na maririnig sa boses niya ang tinitimping galit.
            Sa halip na tumigil, nagpatuloy ito.
            "You know what, Hyde, I'm thinking that, what happened in the past was happening again. Ang kaibahan lang ngayon, sa alanganin nagkagusto ang dalawa at hindi sa isang babae na tulad ko."
            Hindi siya nagsalita.
            "Trust me Hyde. Mas mainam na sagutin mo si Devin. He's a great lover. Kapag mahal niya ang isang tao, gagawin niya ang lahat. But beware, kapag nagkaroon ng lamat ang pagtitiwala niya, maiiwan kang luhaan."
            Tinalikuran siya nito. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Naiirita siya. No! Higit pa roon ang nararamdaman niya. Kung mahal nito si Devin, kahit na anong gawin ni Jake ay hindi ito papatol. Malandi! Ang kiri! Tapos may gana pa ito na ipagmalaki iyon. Na sabihin nito sa kanya ang nakaraan.
            His curiousity with that Chloe girl just faded away. Siguro kaya nakuha nito ang atensyon niya kanina dahil sa angkin nitong ganda ngunit nang makausap niya ito ay nagtatago pala ang pagiging demonyita. Gusto niyang tanungin si Devin.
            Isa ba si Chloe sa dahilan kung bakit natapos ang pagkakaibigan nina Devin at Jake?


SAGLIT NA NAGPAALAM si Hyde kay Devin para sundan ang natapunan ng juice na si Jake. Ayaw niya sana itong payagan ngunit sa huli ay umayon na lang siya. Wala namang masama doon. Bisita si Jake ng mga ito kaya naman responsibilidad nito ang welfare ni Jake. Nagiging hospitable lang si Hyde.
            Nang makaalis si Hyde sa tabi niya, natigilan siya nang makita ang pamilyar na mukha ng isang babae na nakaupo at nag-iisa sa hindi kalayuan. The girl was Chloe Undering. Ang babaeng naging dahilan ng pagkakaroon nila ng hidwaan ni Jake. Ang babaeng tino-time sila. Na habang may relasyon silang dalawa ay pumatol kay Jake na humaling na humaling dito.
            Hindi naman sigurado si Devin kung ito nga ba talaga ang dahilan ng paglayo ng kalooban ni Jake sa kanya. Kahit kasi nalaman nito ang totoo ay mas pinili pa nito ang lumayo sa kanya. Mas pinairal nito ang galit.
            May umupo sa tabi ni Devin kaya naman napabaling siya rito. Si Clyde iyon. May hawak itong dalawang baso na may laman na juice. Kinuha niya ang isa nang iabot nito iyon sa kanya.
            "Salamat."
            "Walang anuman." Anito, sabay lagok sa iniinom. "Nasaan pala si Hyde?"
            "Pinuntahan si Jake. Wala ka dito kanina nang matapunan si Jake ng juice."
            "Pa'no nangyari?"
            "Dahil kay Vhian." Aniya.
            Napapalatak ito. "Ang kulit talaga ng batang `yun. Porke't birthday."
            "Hayaan mo na, birthday naman niya.
            "Kahit na. Aminin mo may ginawa iyon sa `yo kanina."
            Hindi siya sumagot. Mukhang kinuha naman nito iyon bilang oo.
            "Pagpasensyahan mo na." Anito. "Alam mo kasi, gustong-gusto ni Vhian si Jake para kay Hyde. Actually, idol niya nga `yon. Pero siymepre, ang puso ni Hyde ang magdedesisyon kung sino ang pipiliin niya. Wala namang magagawa ang ibang tao doon."
            "Tama ka."
            "Hypothetical question lang Devin. Paano kung si Jake ang pinili ni Hyde? Anong gagawin mo?"
            "Iiyak." Nakangiti niyang sabi. Minsan na rin niyang naisip ang ganoon na senaryo. Tuwing naiisip niya nga ay hindi niya maiwasan ang malungkot. Mahal na mahal niya si Hyde. Hindi niya kakayanin na mawala ito sa kanya.
            "Mahal mo ba si Hyde?"
            "Sobra."
            "Sa tingin mo may pag-asa ka sa kapatid ko?"
            "His actions telling me I have."
            "Maniwala ka sa akin, may pag-asa ka."
            "Bakit naiisip mo ba ang naiisip niya? Si B1 at B2 ba kayo?"
            "Kakambal niya ako. May connection kami. May mga pakiramdam siya na minsan ay nararamdaman ko. Nagtitiwala naman ako sa `yo na mapapasaya mo ang kapatid ko kapag naging kayo. Ingatan mo lang siya ah."
            "Hindi ako magpa-promise. Aalagaan ko si Hyde at hindi ko sasaktan."
            "Naniniwala ako sa `yo," anito.

            Pagkatapos ng seryosong usapan ay nauwi sila sa mga kwentong kabalbalan na ginawa nito pati ni Hyde. Tawang-tawa siya. Iyon ang nadatnan ni Hyde na nakangiti ngunit hindi maipagkakaila sa mata ang lungkot. Kung para saan? Hindi niya alam.



Itutuloy…

4 comments:

  1. Kagit matagal, its worth the wait. Bitin pa rin. Hehehe. Thanks sa update. Ingat ka bunsoy.

    ReplyDelete
  2. Sobrang tagal ng update Pedro sinulit mo vin ah.... Pero sayang nasabi ni Hyde my devin yung pagsagot niya dito, Pero parang magbabago ito dahil as narinig niya at nalaman as nangyari as nakaraan....

    Jharz

    Update aged pls

    ReplyDelete
  3. hi. ngayon ko lang ssiismulan badahin to. thanks sa update po :)

    -BIGblue

    ReplyDelete
  4. Napakahirap talaga ang magmahal, lalo na at nabigo ka. Kapag naiisip mo sya o nakikita mo na may kasamang iba, bigla nalang tutulo ang luha sa iyong mga mata. Hindi kayang pigilin ang pagagos ng luha. Lalo na pag kausap mo ang friend mo at siya ang napagusapan, aagos at aagos. Ganyan magmahal pag tinamaan ka ng matinding pagmamahal.

    Pano nga ba makapag move on? Simple lang, lumayo ka para dimo na sya nakikita. Magpalit ka ng simcard, isarado ang FB kung meron at magbukas ng panibagong account kung gusto. Ibaling mo ang atensyon mo sa mga malalapit na kaibigan mo, pasyal-pasyal sa mall. Hanggang sa unti-unti kang maka move on. 2 weeks, hindi na gano masakit at 1 month wala ng sakit. Para kalang naconfine sa ospitalng may matinding karamdaman na unti-unting gumagaling. Maalala mo man sya, hindi na masakit. Hindi rin sagot na maghanap ka agad ng iba, dahil sya parin ang naiisip mo at naikukumpara mopa siya. Subalit kung wala pang 1 week ang puso moy kumakabog sa bago mong nakita, BONGGA, ang bilis mong makakalimot. Sa isang iglap, napawi agad ang kirot sa puso mo. Bakit ko nasabi yan? dahil po pinagdaanan ko yan. hehe.

    Bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails