Followers

Tuesday, August 4, 2015

String from the Heart [23]



AUTHOR’S NOTE


I’m back! Ha-ha. May natuwa ba? Unang-una, humihingi ako ng pasensya sa mga readers na nagta-tiyaga sa pagbabasa ng aking abang akda! Salamat sa reads na ganoon! Salamat din sa paghihintay… sana nandiyan pa rin kayo hanggang sa matapos ito na duda ko kung matatapos pa nga.

Well. May katamaran ang author nito kaya naman umabot ng halos isang buwan yata bago ako nakapag-update. Idagdag pa na medyo busy ako na dinadagdagan pa ng naunang pangungusap sa pangalawang paragraph. Wohoho! Napag-iiwanan na ako ng ibang co-RA’s ko. Hahaha. Halos kasabay lang ng String ang LYA ni Seyren at ng JFAM ni Kuya Carlos. Sila tapos na. Ako? Nangangapa pa. BTW. CONGRATS SA KANILANG DALAWA.

Apat na story na pala ang natapos na masasabi kong kasabayan ng STRING, `yung kay Axel at Kuya Rye. Congrats din sa kanilang dalawa!

Sa tatlong taong nagbigay ng comment sa chapter 22 nito. Matsala. Well appreciated iyon lalo na kay Angel na hindi nakakaligtaan ang pagbibigay ng komento para makita ko na binabasa niya ang abang akda ko. Siyempre kay Tito Alfred! Tito! Heto na po! Sana mabasa ninyo. Sa nag-comment ng ‘NO CONTINUATION’, heto nap o ang continuation ng STRING. Sana maging worth it ang paghihintay niyo.
Sa mga silent reader din. Hello! Paramdam kayo, konti lang. Wahahaha.

Salamat din kay Sir Mike at Kuya Ponse. Sa mga co-RA’s ko lalo na kay Kuya Carlos na nagtatanong kung nagsusulat pa ba ako tuwing nakaka-chat ko siya. Nagiging booster ka na Kuya. Kay Seyren, Kuya Rye, Prince Justin (Nasaan na si Kobe? Magsulat at mag-update ka na nga! (insert feeling close here. hehe) ), Axel de los Reyes, Jace at sa iba pa!

Heto na! Sana mag-enjoy kayo.




CHAPTER TWENTY-THREE

MASAYA si Vix. Kasiyahan na tila walang katumbas dahil sa wakas ay may kakampi na siya o mas tamang sabihin na may tao na gagawa ng kanyang plano para sa kanya. Kumbaga may frontman na siya at siya ang nasa likuran na tila amo na mag-uutos ng mga bagay para sa taong iyon.
            Ang higit na mas nakakatuwa, ang taong kakampi niya ay may kinalaman sa nakaraan ng dalawang tao na paghihigantihan niya. Anong panama ngayon ni Hyde sa taong iyon. Mabuti pala at nagliwaliw siya sa isang bar at doon niya nakita ang taong iyon. Eksakto sa paglabas niya ang pagkakita niya sa taong iyon.
            He smiled as he remembered their unexpected meeting.

            Mainit ang ulo ni Vix. Ang buong akala niya kapag nagpunta siya sa bar na iyon ay mabibigyan siya ng saya at pansamantalang makakawala sa frustration na nadarama na dulot ng pagkabuhol-buhol at hindi pagsang-ayon ng kanyang mga plano sa mga inaasahan niya na mangyari.
            Palabas na siya ng bar nang makuha ang kanyang atensyon ng komosyon sa hindi kalayuan. Napahinto siya. Napatingin doon at na-curious. Dala ng kuryusidad, naglakad siya patungo doon para makita ang isang babae na sumisigaw at nagwawala.
            "Mga walanghiya kayo! May pambayad ako sa inyo! Hindi kayo makapaghintay! Talagang kinaladkad n'yo pa ako palabas ng bar." Anang babae. Kulang na lamang ay lumabas ang litid sa leeg nito sa lakas ng pagsigaw.
            Hindi naman ito pinansin ng mga bouncer. Basta iniwan saka pumasok ulit sa bar
            "Mga hinayupak talaga kayo!"
            Tinitigan nang maigi ni Vix ang babae. Suddenly, familiarity rushed through him. Kilala niya ito. How come that the gal looked like that? Maganda pa rin ito ngunit tila napabayaan ang kagandahan na iyon. Payat na payat na parang hindi kumakain. Magulo ang buhok, tila pasan ang mundo. Hulas ang kolorete sa mukha na nagkalat na doon.
            "Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Singhal nito sa kanya nang makita siya.
            "Kilala kita." sabi niya sa halip na sagutin ang tanong nito. "Bakit ibang-iba ka na?"
            "Ano bang pakialam mo? Sino ka bang hinayupak ka? Hindi kita kilala kaya huwag mo akong matingnan-tingnan. Type mo ba ako?"
            Sa sinabi nitong iyon, natawa siya. "Hindi ako magiging interesado sa `yo. Yes. You are still pretty but you are not my type. I'm looking at you because I know you. Ano ba ang problema mo?"
            "It's none of your business."
            May ideya na si Vix kung ano ang problema nito ngunit gusto pa rin niyang magtanong. "May pera ako. Pwede kitang matulungan"
            Nang marinig ang 'pera' tila naging maamong tupa ito. Nangningning ang mga mata. "Pahihiramin mo ba ako? Oo. Kailangan ko ng pera. Kailangan kong mabayaran ang mga utang ko. Kailangan ko ng pera para sa mga kailangan ko."
            Sa sinabi nito, tila napakaraming utang ang dapat nitong bayaran. Oo. Maririnig sa boses nito ang pangangailangan ngunit wala sa hitsura nito na halata naman na itinatago.
            "Kailangan ko ng pera. Kung bibigyan mo ako dapat ngayon na."
            Lihim siyang napailing sa pagmamadali sa boses nito.

            Natigil sa pagbabalik sa mga nangyari si Vix nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Napatingin siya doon, kinuha iyon at sinagot.
            "Kailangan ko ng pera. Bigyan mo ako."
            "Na naman? Saan mo naman gagamitin ang perang hinihingi mo ngayon?"     Pangalawang beses na nitong paghingi ng pera sa kanya mula nang magkita sila at sabihin niya rito ang plano niya.
            "`Wag mo nang alamin. Basta bigyan mo ako. Sulit naman ang magiging bayad mo sa `kin. I'll do my job properly."
            "Na siyang dapat naman talaga. Hindi kita binibigyan ng pera para lang sa wala Chloe. Tandaan mo `yon."
            "Alam ko, Vix. Alam ko."
            "Mabuti na `yong nagkakaunawaan tayo. Malapit na ang birthday party ng kapatid ni landi." Aniya. Ang landi na tinutukoy ay si Hyde.
            "Oo. Huwag kang mag-alala. Alam ko na ang gagawin ko."
            "Mabuti naman. Sigurado akong magugulat si Devin pati si Jake kapag nakita ka."
            "Magugulat talaga ang mga iyon. Ilang taon din akong nawala. Tiyak ko na magtataka sila sa pagbabalik ko pagkatapos ng mga nangyari noon."
            Even Vix doesn't know what happened to Chloe. Nawala na lang kasi itong bigla sa school nila. A week after, pumutok ang balita na lumipat ang pamilya nito sa ibang lugar. But seeing and talking with her made him think that something happened to Chloe's family. Ganunpaman wala na siyang paki doon. Mas itinutuon niya ang pansin sa 'plano' niya para kay Hyde pati sa dalawang lalaki na gusto niya na damay na rin.


ARAW NG kaarawan ni Vhian. Isa si Hyde sa abala sa pagtulong sa kanyang ina sa pag-prepara ng mga kailangan para sa handaang magaganap mamaya. Maaga rin siyang nagising para pumunta ng palengke kasama si Clyde. Hindi naman kasi pwedeng umalis ang mama niya kaya silang dalawa ni Clyde ang napag-utusan.
            Ang Kuya Vin at Kuya Joen naman niya ay abala sa sariling mga gawain. Sa totoo lang hindi akalain ni Hyde na ang simpleng birthday party ni Vhian ay marami pala ang dapat gawin. Wala naman kasi siyang kaalam-alam sa paghahanda ng ganito dahil hindi nila nakasanayan iyon. Tuwing birthday nila ni Clyde ay pansit ang laging niluluto ng mama niya na siyang sapat sa kanila pati sa classmate na inimbitahan nila noon. Ngunit okay na rin dahil minsan lang naman mangyari ang ganito sa kanila. Minsan lang din naman na mabibigyan ng kasiyahan ang kapatid niya. Bukod pa doon, alam ni Hyde na maraming dadalo mamaya.
            "Bilis-bilisan mo ang paghihiwa niyan Hyde."
            Bumaling si Hyde sa mama niya na abala sa paghahalo ng niluluto nito. Siya naman sa kabilang banda ay naghihiwa ng rekado sa sunod nitong lulutuin na putahe. Sibuyas na ang hinihiwa niya nang punahin siya nito.
            "Opo `ma."
            "Pagkatapos mo dyan, asikasuhin mo na rin ang sarili mo. Pupunta dito si Jake, hindi ba?"
            Tumango siya. "Opo. Bukod po kay Jake pupunta rin dito si Devin."     
            "Ganoon ba? Mabuti naman para makilala ko na siya." Anito.
            Simula nang pumunta ang Kuya Vin niya sa ospital para tulungan ang kapatid ni Devin ay naging open na siya sa mga ito maliban kay Clyde na sadyang huli sa balita. Sa isip-isip ni Hyde. Mukhang tamang pagkakataon na rin para sabihin niya sa mama niya ang plano niya.
            "`Ma," tawag niya sa pansin nito.
            "Ano`yon?"
            Kahit na open na si Hyde sa mga ito ay hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan. Nahihiya rin siya. Mga bagay na hindi naman yata maiiwasan talaga.
            "Uhmmm... Kasi `ma..."
            "Ano ba `yon Hyde? Huwag ka nang mahiya. Sabihin mo na sa akin."
            Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.
            "Sasagutin ko na po si Devin."
            Wala itong naging tugon. Dumaan ang katahimiikan sa pagitan nila. Nang maka-recover ito saka nagsalita ang mama niya.
            "Kung saan ka sasaya, hindi ako tututol Hyde. Pero bago iyon gusto ko siyang makilala. Hindi naman siguro kaila sa kaalaman mo na mas pabor ako kay Jake dahil kilala ko na ang batang iyon."
            Nabuhayan ng loob si Hyde sa sinabi nito. Hindi naman talaga kaila sa kanya na gusto ng mama niya si Jake dahil sa pinapakita nito na kabaitan na siyang totoo naman. Ngunit alam niya na kapag nakilala ng mama niya si Devin ay magugustuhan nito. Si Devin pa. He just needed to think positive things and trust Devin.

KATATAPOS pa lang maligo ni Hyde nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. Ibinaba niya muna ang hawak na pamunas na ginagamit niya sa buhok. Inabot niya ang cellphone para makita kung sino ang tumatawag. Si Devin iyon.
            "Hyde."
            "Pupunta ka na ba dito?"
            "Oo. Isasama ko pala si Theo."
            "Okay."
            "Hyde..."
            "Ano?"
            Sa tono ng boses ni Devin parang kinakabahan ito.
            "Kinakabahan ako," pag-amin nito.
            Napangiti siya. "Alam ko. Halata naman sa boses mo ang kaba."
            "Hindi ko maiwasan."
            "Hindi naman talaga `yan maiiwasan. Huwag kang mag-alala, Devin. Nandito ako. I'm always ready backing you up."
            "Thanks."
            "Sus. Walang anuman. `Kaw pa ba? Ang lakas mo kaya sa `kin."
            "Salamat ulit." Sabi nito. Sa pagkakataong iyon ay wala ng kaba sa boses.
            "Hihintayin na lang kita dito.'"
            "Okay. Thank you ulit Hyde. I'll do everything to be nice infront of them."
            "Kahit huwag na ang best mo Devin. Alam ko na magugustuhan ka nila."
            Nag-usap pa sila nito ng kung anu-ano hanggang sa matapos ang oras ng pagtawag nito.

"KINAKABAHAN ka, ano?"
            Tumango si Devin sa tanong ni Theo. Ang kaba na nararamdaman ni Devin ay tila mas naging malubha. Hindi niya akalain na kasabay ng excitement ay ang kaba. Given na siguro iyon dahil sa hindi naman kung sino ang mga taong kakaharapin niya. Pamilya iyon ni Hyde, ang lola at mama nito.
            Sa sobrang kaba nga na nararamdaman niya sumasagi na sa isip niya ang mag-back out. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad sa sala ng apartment niya.
            Narinig niya ang pagtawa ni Theo. Napatingin siya rito.
            "Bakit ka tumatawa?" Kunot-noong tanong niya rito.
            "Dahil sa `yo. Para kang pusa na hindi maihi sa paroo't parito. Ima-mind read kita. Iniisip mo ngayon na mag-back out."
            Gustong mapamura ni Devin sa sinabi nito. Sa ginagawa niya parang hindi siya sanay makipag-usap sa mga tao.
            Hayst. Katulad nga ng sinabi mo kanina. Hindi basta kung sino ang mga taong haharapin mo. Konsola niya sa sarili.
            "Kaya mo `yan."
            "Hindi ko maiwasan ang kabahan."
            "Hindi naman talaga maiiwasan `yan. Kalma ka lang."
            "Parang ang dali, ano?"
            "Parang lang. Hindi naman talaga madali `yan. Siguro tawagan mo muna si Hyde. Maybe Hyde can help you to ease the nervousness you are feeling."
            "Ginawa ko na `yon." Aniya. Bago dumating si Theo sa apartment niya ay mahigit isang oras silang nag-usap ni Hyde. Yeah. Napawi ang kaba na nadarama niya ngunit bumalik pa rin iyon. Alam naman ni Devin na handa si Hyde na back-up-an siya mamaya pero peste lang talaga ang kaba na nararamdaman niya. Masyadong malakas ang epekto sa kanya.
            "Hindi madali pero kakayanin."
            "Alam ko. Tara punta na tayo." Yaya nito.
            "`Buti pa nga para kumalma na ako at makita ko na si Hyde." Pagsang-ayon niya rito.

SI HYDE ang agad na nakita ni Devin pagkababa niya ng kotse ni Theo. Nakatayo ito sa labas ng gate, nakangiti habang nakatingin sa kanya. Sadyang hinihintay ang pagdating niya. Bago pa sila makarating ni Theo sa bahay ng mga ito ay pinadalhan niya ito ng mensahe na salubungin siya. Siyempre, bunsod pa rin iyon ng kaba na nadarama niya.
            Sinalubong niya ang tingin nito, bagay na mas nagpakalma sa sistema niya. Kitang-kita kasi sa mukha at sa mata nito na handa itong suportahan siya sa paghaharap niya at ng pamilya nito.
            Tumakbo ito palapit sa kanya na mas ikinaluwang pa ng ngiti niya. Korni man at masyadong makeso na katulad ng pino-portray sa mga romance book at sa chick flix na pelikula, tila naging slow-motion ang lahat. Tila kinakabisa niya ang galaw nito. Ito lang ang tangi niyang nakikita. Parang sila lamang na dalawa ang importante.
            Nang makalapit ito sa kanya at tapikin siya ng marahan sa balikat saka nawala ang 'scene' na iyon. Hahayst! Masyado siyang inlove rito. Masyadong malala ang nararamdaman niya at hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya once na mawala ito sa kanya na sana huwag naman mangyari kahit na wala pang sila.
            "Kanina pa kita hinihintay," sabi nito.
            "Pasensya na. Medyo natagalan kami kasi may problema sa daan kanina." Nahihiyang sabi niya.
            "Okay lang. Hindi pa naman nagsisimula ang party. May oras pa tayo, mahabang oras para maipakilala kita kay lola at mama."
            "Kinakabahan pa rin ako Hyde," nahihiyang pag-amin niya. With Hyde, masyadong madali para sa kanya ang sabihin ang nararamdaman niya ng walang pag-aalinlangan.
            "Kinakabahan ka nga." Kumpirma nito. "Pero `wag kang mag-alala, nasa likod mo lang ako. I'll support you."
            Tumango siya saka nagkamot sa tungki ng ilong niya. Bakit ba kasi hindi mawala-wala ang kaba niya sa kaalaman na makikilala niya ang mga taong importante sa buhay ng taong mahal niya? Masyado lang talaga!
            "Don't worry Devin. Nandito lang ako," anito sabay hawak sa kamay niya. Hinila siya nito papasok ng gate.
            "Salamat Hyde."
            "Walang anuman. Basta para sa `yo."
            Napatingin sabay napangiti si Devin sa magkahawak nilang kamay. Aktong tatanggalin niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya nang mas lalo pa nitong higpitan iyon. Napatingin ito sa kanya. Nakakunot-noo.
            "`Wag mong tatanggalin."
            "Okay."
            Kasunod niyon ay magkaagapay na silang naglakad sa hardin. Para lang siyang nakalipad sa alapaap sa ginagawa ni Hyde. Sa gestures nito parang naaamoy na niya na malapit na maging sila. Officially.
            "Ang sweet niyong dalawa." Sabi ni Theo. Hindi niya namalayan na nasa likuran at kasama niya pala ito. Masyado kasi siyang lunod kay Hyde. Wala siyang naging tugon.
            "May sarili kayong mundo. Nakalimutan mo pa na may kasama ka." Anito.

PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK nina Hyde, Devin at Theo sa bakuran -- kung saan karamihan sa imbitado ay kaedad ni Vhian at kaedad nilang dalawa ni Clyde-- agad na nabaling ang tingin ng mga ito sa kanila partikular na sa magkahawak nilang kamay ni Devin. Isang bagay na walang pakialam si Hyde. Isa kasi ito sa paraan para maiparating niya sa mga ito lalo na kay Devin na handa na siyang sagutin ito na siyang dapat na matagal na niyang ginawa.
            Dama niya ang kaba ni Devin kanina pa, habang kausap niya ito sa cellphone pati pagdating nito. Oo. Given na nawawala iyon pero bumabalik pa rin. Alam ni Hyde na hindi madali ang bagay na ito. Kahit na siya man ang nasa sitwasyon ay makakadama ng nararamdaman ngayon ni Devin.
            Namamawis ang kamay nito dahil sa kaba ngunit wala siyang balak na bitawan iyon. Bagkus mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Alam ni Hyde na sa kanya ngayon kumukuha ng lakas ng loob si Devin.
            "Saan ang mama mo?" tanong ni Devin sa kanya.
            "Nasa kusina."
            "Kinakabahan talaga ako." Anito.
            Mahinang pagpisil sa kamay nito ang naging ganti niya. "Nandito ako. `Wag kang mag-alala."

NASA LOOB ng kanyang kotse si Jake. Kanina pa siya doon. Kanina pa siya nakatingin sa bahay nina Hyde ngunit hindi niya magawang tumuloy doon para pumasok at maki-party.
            Bumuntung-hininga siya.
            Kanina pa siya nagdadalawang-isip kung papasok o hindi papasok, kung tutuloy pa ba o hindi na. Alam niya na walang sense ang problema niya. Masyado kasi siyang ewan. Nasa pagitan siya ng dalawang bagay na iyon. Naisip niya kung hindi siya tutuloy baka magtampo sa kanya si Vhian. Mahigpit pa naman ang pagkakasabi nito na um-attend siya sa party niyo. Personal pa naman nitong sinabi iyon sa kanya nang minsan na magpunta siya sa bahay ng mga ito.
            Naisip niya rin na kung tutuloy siya makikita niya ang ka-sweet-an ni Devin at Hyde. Isa lang ang mamamayaning emosyon sa kanya kapag nakita niya iyon. Ngayon nga na naiisip niya iyon ay nasasaktan na siya. Paano pa kaya kapag sa personal pa.
            Hindi ka na nasanay Jacinto. Palagi naman silang sweet sa isa't-isa. Lagi mo kayang nakikita iyon. Lagi! Angal ng bahagi ng isip niya.
            Kung tutuusin, tama naman talaga ang bahaging iyon ng isip niya. Palagi naman niyang nakikita na sweet si Hyde at Devin. Hindi lang talaga siya masanay.
            Muli siyang napabuntung-hininga. Mas intense ang nadarama niya ngayon sa kaalaman na malapit nang maging official ang mga ito.
            Napatingala siya. Buti pa ang ibang tao, gusto siya para kay Hyde ngunit si Hyde hindi siya gusto para rito. Bumalik sa kanya ang pag-uusap nila ni Vhian.

            "Nanliligaw ka kay kuya, hindi ba Kuya Jake?"
            "Yeah."
            "Mas gusto kita para sa kanya."
            Nakatutuwang isipin na may kakampi siya mula sa pamilya ni Hyde na gusto siya para rito. Nakakalungkot lang na hindi na siya magpapatuloy pa, na sumuko na siya.
            "Salamat," aniya. "Pero hindi na ako nanliligaw sa kuya mo."
            "Bakit? Sabi mo kanina yeah, ah. Mas gusto kita para sa kanya kaysa sa kung sino. Dapat magpatuloy ka sa panliligaw sa kanya."
            "Gusto ko rin naman sana..." aniya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Paano ba niya sasabihin ang isang bagay dito na maiintindihan nito. Masyado pa itong bata para sa mga ganitong usapan.
            "Kaso ano kuya?"
            "May mga bagay kasi na hindi pinipilit. May mga bagay na kahit gustong-gusto mo kailangan mong bitawan para sa ikasisiya ng taong iyon. Kailangan mong magparaya."
            "Hindi kita maintindihan." Anito.
            Napabuntung-hininga siya. Ginulo niya ang buhok nito. "Masyado ka pang bata para sa mga ganitong bagay Vhian. Kapag malaki ka na, mauunawaan mo ang mga sinabi ko."
            "Ganoon ba. Sana lumaki na ako para malaman ko na rin ang mga sinasabi mo." Anito.
            Napangiti siya. "Huwag kang magmadali."
            "Huwag na natin pag-usapan iyon. Malapit na ang birthday ko. Inimbitahan naman kayo ni Kuya Hyde pero iimbitahan pa rin kita kuya. Punta ka ah."
            Tumango siya. "Oo."

BAGO PA makapasok ng bahay ay agad na naharang sina Devin at Hyde ni Vhian. Makikita sa mukha ni Vhian ang disgusto sa pagtingin sa magkahawak nilang kamay ni Hyde bago sa kabuuan niya. Pakiramdam tuloy ni Devin para siyang specimen kung titigan ni Vhian. Tila pinag-aaralan ang hitsura niya. Mula sa kanya bumaling ito kay Hyde. Nagtatanong naman ang tingin na ibinigay nito sa kapatid.
            "Sino siya kuya?"
            "Si Kuya Devin mo." Ani Hyde. Nasa boses nito ang pagiging proud.
            Nginitian niya si Vhian na hindi nito ginantihan. Hindi manhid si Devin para hindi maramdaman na ayaw sa kanya nito. Sa tingin at sa pagsasalita nito, makikita na iyon.
            "Pupunta ba dito si Kuya Jake, Kuya Hyde?"
            Nasaktan si Devin sa ginawang pamababalewala ni Vhian sa kanya. Tila wala itong balak na pansinin siya. Pagkatapos siyang tingnan kanina, hindi na siya tinapunan nito ng tingin.
            Tiningnan siya ni Hyde. Apologetic ang anyo nito. Nakakaunawang tinanguan niya ito.
            "Mauuna na kami Vhian." Ani Hyde. Kahit hindi nito ipahalata, alam niya na nagtitimpi ito na hindi mabulyawan ang kapatid sa naging asal.
            Nilampasan nila ito. Nang mawala si Vhian. Huminto si Hyde saka siya hinarap.
            "Pasensya na sa asal ni Vhian."
            "Okay lang." Sabi niya.
            "Hindi iyon okay." Nakukunsuming sabi nito. "Lagot talaga sa `kin `yon. Porke't birthday niya ang sama ng ugali. Isusumbong ko iyon kay mama."
            Napangiti siya saka ito kinabig at niyakap. Masaya siya sa inaakto nito. Hyde's concern for him gave him so much warmth. Maliit o malaking bagay na ginagawa nito para sa kanya ay may init na dulot sa pagkatao niya, lalo na sa kanyang puso.
            He cupped his face and look intently in his eyes.
            "Aaminin ko, hindi nga siya okay. Pero okay lang naman sa `kin. Your concern ease the little pain I felt earlier. Sapat na ang aktuwasyon mo para mawala ang negative feeling."
            "Devin..."
            "Salamat ulit sa concern." Aniya.
            Magsasalita sana si Hyde nang bigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa labi. Kung wala lang makakakita sa kanila baka binigyan na niya ito ng matagal na halik sa labi.

KUNG WALA sa tabi ni Hyde si Devin baka nabulyawan na niya si Vhian sa naging asal nito. Hindi niya akalain na magiging ganoon ka-hostile ang pakikitungo ng kapatid kay Devin. Lihim na lang siyang napabuntung-hininga sa asal ng kapatid. Kahit na sinabi ni Devin na 'okay lang' at 'nabawasan ang sakit na nadarama nito sa concern na pinapakita niya', alam niya na hindi pa rin iyon okay. Walang ginawa si Devin para bastusin ito ng ganoon ni Vhian.
            Napapalatak siya sa isipan niya. Alam niya na ginawa iyon ni Vhian para ipakita kay Devin na ayaw nito sa lalaki. Masyado kasing panatiko ng kapatid niya si Jake. Simula nang makita nito si Jake ay naging vocal na ang kanyang kapatid sa kagustuhan nito na mas gusto nito si Jake para sa kanya, na sana silang dalawa ang magkatuluyan nito. Ngunit kahit na ganoon, hindi dapat nito ginawa iyon. Nakakaasar lang talaga.
            "Nasaan ba ang mama mo, Hyde?"
            "Nasa bahay ang mga `yon," aniya. Kahit siya hindi sigurado kung saan na ba ang mama at lola niya.
            Dapat kanina pa niya ito naipakilala sa mama at lola niya, ang kaso naharang sila ni Vhian. Pagkatapos naharang pa sila ng dalawa niyang kapatid. Pinalitan pa nila ang maruruming damit ng mga ito.
            Doon nakita niya ang fondness ni Devin sa mga kapatid niya habang pinapalitan nito ng damit ang isa. Ang sabi pa nito, naaalala nito ang mga kapatid sa mga kapatid niya.
            Devin was just too good to be true. Lahat na bagay na nakikita niya rito ay pawang magaganda. Maunawain at marunong sa lahat ng bagay. Madiskarte. Matalino. Wala na siyang hahanapin pa. Oo, nakita na niya kung paano ito magtampo at magselos ngunit hindi ang bahagi ng pagkatao nito kapag nagalit. Alam ni Hyde na ang mababait na tao ay iba ang ugali kapag nagalit. Maihahalintulad niya iyon sa isang nanahimik na bulkan na kapag pumutok ay malala ang magiging epekto.
            Hinawakan niya ang kamay nito saka ito hinila patungo sa kusina. Hindi pa sila nakakaabot doon naharang sila ng Kuya Joen niya.
            "Uy Devin, long time no see. Kumusta na?" Masiglang bati nito.
            "Ayos lang po."
            "Kayo na bang dalawa?" Tanong nito habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay.
            "Hindi pa." Agad niyang sagot.
            "Hindi pa po,"ani Devin.
            "Mukhang mabagal kang kumilos bata," anito sa tonong nambubwisit.
            Pinandilatan niya ito ng mata na ikinatawa lang nito.
            "Kailan mo ba kasi sasagutin `tong pambato ko Hyde?" Tanong nito sabay akbay sa kanya.
            Soon.
            "Wala ka ng paki dun Kuya Joen." Naaasar na sabi niya.
            Tumawa lang ito.

  ANG PAGTAYO SA harapan ng tatlong taong mahalaga sa buhay ni Hyde ay nagbibigay ng kaba sa kanyang sistema. Pakiramdam niya, anytime, mapapaluhod siya dala ng nerbiyos na nararamdaman. Para ngang gusto niyang maglaho na tila isang bula para mawala sa harapan ng mga ito. Ngunit kailangan niyang panindigan ang bagay na ito.
            Naramdaman niya ang mahinang pagpisil ni Hyde sa palad niya. Mula sa pagtingin sa tatlong tao na nasa harapan nila bumaling siya dito.
            Salamat talaga at nasa tabi niya si Hyde. Kahit papaano naiibsan ang kaba na nadarama niya.
            "`Ma, lola, Kuya Vin, si Devin po."
            Ngumiti siya. Ngiting may bahid ng kaba. Walang naging tugon ang mga ito. Their reaction make him feel more nervous. Ano ba naman ito?
            "Good afternoon po."
            "Good afternoon din Devin. Long time no see, ah. Kumusta ka na?" Ani Kuya Vin. His response ease the tension he feel.
            "Okay lang Kuya. Ayos na ayos po ako," aniya.
            "Mabuti naman. Kumusta na ang kapatid mo?"
            "Okay na rin po. Magaling na siya. Salamat po sa tulong niyo."
            "Walang kaso `yon."
            "Ikaw ba ang manliligaw ni Hyde?" Mula kay Kuya Vin bumaling ang tingin niya sa mama nito. Kaistriktuhan ang makikita sa mukha nito.
            "O-opo." Sagot niya.
            "Mag-usap tayo."
            Napalunok siya sa sinabi nito. "Okay po."  
            Binitiwan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Hyde para sumunod sa mama nito na nagtungo sa kusina.
            "Okay ka lang, hindi ba?" Nag-aalalang tanong nito.
            "I'll be fine. Don't worry." Aniya.
   
"BAKIT KAILANGANG kausapin ni mama ng mag-isa si Devin?"
            Iyon agad ang tanong ni Hyde sa Kuya Vin, Kuya Joen at Lola niya. Prenteng nakaupo ang Kuya Vin at Joen niya, samantalang ang lola niya ay umalis para magtungo sa hardin.
            "Bakit kuya?"
            Kibit-balikat ang tugon ng Kuya Vin niya. "Malay ko ba. Baka tatakutin si Devin," sabi nito.
            "Kuya, bakit nga?" Naaasar na tanong niya ulit.
            "Hindi ko nga alam. Baka gustong makilala si Devin."
            "Pwede namang dito. Bakit kailangan pa nilang mapag-isa para mag-usap?"
            "Ewan ko."     
            Napapikit na lang si Hyde sa sagot nito. Wala siyang makuhang matino na sagot mula sa kuya niya.
            "Kinakabahan ako."
            "Hindi naman `yan mawawala," ani Kuya Joen niya. "Sa pagkakatanda ko, kinausap din ako n'un ni Lola Fe."
            "Ano ba sinabi sa `yo ni lola noon?"
            "Siyempre `yong tungkol sa Kuya Vin mo. Sa totoo lang, sinabi sa `kin ni Lola Fe ang baho na tinatago ng Kuya mo." Nakangisi ito habang sinasabi iyon. Nang-aasar pa ang boses na alam niyang para sa Kuya Vin niya na katabi nito. "Balak ko na nga sanang mag-back out kaso hindi ko nagawa."
            "Dapat ginawa mo na noon pa," napipikon na sabi ng kuya niya. "Umayos ka nga Joen. Tatanungin ko si lola kung ano ang sinabi sa `yo. Nakakaasar ka."
            Natawa ang Kuya Joen niya saka inakbayan ang kuya niya. "Nagbibiro lang ako," anito.
            Natutuwa siya na nakikitang malambing ang mga ito sa isa't-isa ngunit nag-aalala pa rin siya sa taong nasa kusina, kay Devin na kausap ng mama niya.
            "`Wag kang kabahan, Hyde. Alam ni mama ang ginagawa niya. Gusto lang naman talaga niyang makausap si Devin. Wala siyang gagawin para ikapahamak ng taong mahal mo. Mag-uusap lang sila."
            "Sana nga," diskumpiyadong sabi niya.
            "Sus. `Wag ka ngang nega dyan," anito. "Matalino si Devin. Nakikita ko rin na mahal ka niya. Kung ano man ang itatanong ni mama sa kanya, alam ko na masasagot niya lahat. With flying colors pa."
            "Tama ang Kuya Vin mo," pang-segunda ng Kuya Joen niya.
            Sana nga. Sana.  

            Itutuloy…

11 comments:

  1. Kayong mga writers dito sa MSOB sng hilig nyon mambitin to the max. Hahaha. Salamat sa update Ginoong author. Pakidaluan ang next update, ha ane? Take care.

    ReplyDelete
  2. Oh well,wla kpa ring kupas,ok lng nmn yung pagghihintay ko or namin,mgnda nmn yung kinalabasan ng istorya..just keep it up..bsta author make sure sa ggwin ni vhix na yun eh may eksena din na mbabalewala yung evil moves na ggwin nya sa party..ha..hehe..welcome back VC..update ulit agad ha..hEhe.tc

    ReplyDelete
  3. 1st comment

    Bitin naman

    Chapter 24 na please.

    ReplyDelete
  4. Yes. Sawakas my update na din kaso nga lang bitin parin eh hahaix. Update pa ulit.. yung hindi na nakakabitin

    Franz :)

    ReplyDelete
  5. Excited n tuloy ako sa next chapter..dont worry author,full support ako syo,bka nga pag last chapter mo na eh wla prin update mr.Prince Justine..lol..anyways just like sir crayon suportado ko prin yung mga stories nyo..take ur tym pro wag nmn ganun ka LongTime..hehe..GBU.

    ReplyDelete
  6. Excited n tuloy ako sa next chapter..dont worry author,full support ako syo,bka nga pag last chapter mo na eh wla prin update mr.Prince Justine..lol..anyways just like sir crayon suportado ko prin yung mga stories nyo..take ur tym pro wag nmn ganun ka LongTime..hehe..GBU.

    ReplyDelete
  7. I missed this. Haha. Grabe ang tagal ng update samantalang dati linggo linggo. Hu hu hu. Haha. Di na ako kinikilig kay Devin enebeyen. Haha.

    -yeahitsjm nagbabalik comment din ako. Haha

    ReplyDelete
  8. Grave intense yung update Kuya Alvin...tops my bago PNG character

    Jhar

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails