Followers

Tuesday, June 23, 2015

String from the Heart [22]



AUTHOR’S NOTE

Yeah! May time ako para bumati sa lahat! Hindi ako nagmamadali ngayon! Haha!

So anyways, unang-una sa lahat, malaking thank you para sa mga reader na still ay naghihintay sa update ng STRING. Yeah. Salamat kasi kahit na nawala ito almost two months ay may naghintay at nag-message sa akin kung kailan ba ako mag-a-update. Malaking bagay nap o sa akin ang higit sa --- na reads. Pagpasensyahan n’yo na lang po kung masyadong maiksi ang mga chapter after two months of not updating. Hehe (Ano daw?)


Sa mga nag-comment sa chapter 20 na hindi ko pa nababati!

Gilrex Laurente
Tito Alfred of T.O (hello tito! Hehe)
Anonymous (Hello kuya!)
Angel
Papa JC Sy (na lumalablyf))
Shai

Pati sa nagcomment sa chapter 21 na si HCTIB16 (Salamat!) at kay Kuya Jharz (Heto na po!)

Kay Kuya Alex J. King (Kuya, heto na oh! Para sa `yo ang chapter na `to! Hyde at Devin moment eh.)

Pagpasensyahan nyo na lang po ang pagiging ma-omay dala ng ka-sweet-an ng mga bida ditto. Pati ako naomay at hindi ko kinakaya. Haha

Enjoy po!! Sana!!

CHAPTER TWENTY-TWO


NATIGIL sa anumang sasabihin si Devin nang yakapin siya ni Hyde nang mahigpit. Alam niya na umiiwas ito sa komprontasyon na ginawa niya ngunit hindi naman niyang magawa na tumigil. Matagal nang inamin ni Devin sa kanyang sarili na kapag si Jake ang nasa picture kasama siya ay bumabangon ang insecurities niya.
            Hindi naman masama ang ma-insecure dahil parte na iyon sa damdamin ng taong nagmamahal. His protective instinct with Hyde grew faster and it was making him worried sick thinking that everyday Hyde and Jake were with each other. Alam niya na malaki ang insecurity niya. Alam niya kung paano iyon i-handle ngunit minsan may mga pagkakataon na hindi niya maiwasan ang paglabas niyon katulad na lamang ngayon.
            "Pasensya ka na," sabi ni Hyde na nagpahugot sa kanya muli ng malalim na buntung-hininga. Hindi niya ito matiis. He loves Hyde so much that he couldn't bear seeing or feeling him hurt.
            "Ako dapat ang humihingi ng sorry sa `yo. Pasensya na pero hindi ko lang talaga magawang matigil ang pagseselos ko. Iba ang epekto mo sa `kin, Hyde. Alam ko naman na mali ito kasi hindi pa naman tayo pero gusto na kitang angkinin nang buong-buo."
            Hindi ito sumagot.
            "Parang tino-torture ako sa tuwing malayo ako at naiisip ko na magkasama kayo ni Jake. Ano ba naman ang laban ko kung sakali na mawala ang feelings mo sa `kin at malipat iyon kay Jake. Wala naman, hindi ba?"
            "Pero sa `yo na ako."
            "Yes. You are mine. Pero hanggang kailan at hanggang saan? Kailan din ba nagsimula na naging akin ka? Anong panghahawakan ko para masabi kong akin ka na talaga? Na hindi ka makukuha sa akin ng iba." Sunod-sunod niyang tanong.
            Hindi niya mawari ang set up nilang dalawa. He can feel that Hyde already belong to him but in the side of security, he doesn't know. Hindi siya makokontento sa kaalaman na mahal siya nito hanggang wala siyang pinanghahawakan. Alam ni Devin na nagiging selfish siya sa ganoong isipin pero hindi niya iyon mapigilan.
            "Ngayon ko lang nalaman na sobra kang possessive. Hindi ka nag-i-stick sa isang bagay, naliligalig ka kapag wala kang panghahawakan." Anito.
            Nakadama siya ng hiya sa sinabi nito. Lumayo siya dito saka napayuko.
            "I'm sorry."
            "Hindi ko alam kung paano ko ba masisigurado sa `yo na sa iyo lang ako. Hindi ako handa na sagutin ka ngayon pero alam ko sa puso ko na mahal kita. I'm sorry din Devin kung masyado akong nag-iinarte pero..."
            "Maghihintay na lang ako na sagutin mo. Sinabi ko naman sa `yo na maghihintay ako, hindi ba? Pagpasensyahan mo na ako, Hyde. Ganito siguro talaga kapag nagmamahal."
            Masuyo siya nitong nginitian na ginantihan naman niya. Kinabig niya ito palapit sa kanya saka niyakap nang mahigpit.
  
           
KAPAPASOK pa lang ni Hyde sa loob ng bahay nila nang mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon mula sa kanyang bulsa saka sinagot ang tawag. Isang hindi naka-save na numero iyon.
            "Hello. Sino `to?" Aniya.
            "Si Austin `to."
            "Austin?" Clueless niyang sabi.
            "Kaibigan ni Vienne."
            "Ah." Aniya. Tumango-tango pa siya na parang nakikita nito. "Bakit ka tumawag?"
            "Nautusan lang ako."
            "Nautusan nino?"
            Pumalatak ito sa kabilang linya. "Stop asking about it, Hyde. Basta tinawagan kita dahil kailangan mong magpunta sa bahay ni Devin."
            "Bakit?" Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito kahit na kalmado lamang ang boses.
            "Para alagaan siya. May sakit ngayon ang taong iyon. Puntahan mo na lang siya. Sige, bye." Anito na biglang nagmadali.
            Sasagot pa sana siya ngunit busy tone na ang narinig niya.
            Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto niya para kumuha ng damit at gamot. Nag-aalala siya para kay Devin. Kaya ba hindi ito nagpaparamdam sa kanya dahil doon? Ang buong akala pa naman ni Hyde kaya hindi sa kanya nagpaparamdam si Devin dahil sa naging pag-uusap nila noong isang araw. Mali pala siya. May sakit pala ang loko. Sa tantiya niya ay dalawang araw na iyon dahil dalawang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Tsk. Pasaway na lalaking iyon.
            Pero mas pasaway ka, agad na banat ng isip niya.
            Oo. Inaamin ni Hyde na pasaway din siya dahil hindi siya gumawa ng paraan para magkausap silang dalawa. Akala naman niya kasi gusto ni Devin ng kaunting espasyo dahil sa nangyari. Maling-mali pala siya sa akala niya. Sobra.
            Nang makarating siya sa kwarto nila ay nakita niya si Clyde na prenteng nakahiga sa higaan nito. Napatingin ito sa kanya.
            "Nagmamadali ka yata? May emergency ba?" Pag-uusisa nito.
            "Oo. May sakit si Devin. Pasaway ang lalaking iyon. May sakit pala hindi man lang nagsabi sa `kin."
            "May hindi ba kayo pagkaka-unawaan?"
            "Wala naman." Agad niyang sagot.
            "Eh bakit hindi ka niya tinawagan para magpa-asikaso sa `yo?"
            "Hindi ko alam. Siguro dahil ayaw niyang mag-alala ako sa kanya at problemahin ko siya."
            "Ganoon?"
            "Ewan ko. `Wag mo na akong kausapin Clyde. Nagmamadali na ako."
            Pumalatak ito. "Grabe. Agad-agad ka naman, Hyde. Sige. Hindi na ako mag-uusisa. Just go. Mag-ingat ka rin. Gabi na."
            Hindi siya tumugon ngunit sa loob-loob niya, nagpapasalamat siya sa pagiging maunawain ng kapatid.

NANGINGINIG at sobrang nilalamig ang pakiramdam ni Devin kahit na balot na balot na siya ng kumot at nakasuot ng makapal na damit na pinatungan pa niya ng jacket. Hindi naman kasi inakala ni Devin na dahil sa sobrang pagod sabay sa pagpapa-ulan ay magkakasakit siya. Dalawang araw na iyon at hindi pa rin humuhupa ang bigat ng pakiramdam niya. Kahit na uminom na siya ng gamot panandalian din lang naman ang epekto niyon. Kung sana may taong mag-aalaga sa kanya.
            Agad na lumitaw sa isipan niya ang mukha ni Hyde. Kung sana ay pwede niya itong tawagan kaso ayaw naman niyang mag-alala ito sa kanya. Idagdag pa na medyo may hiya pa siyang nadarama dahil sa naging pag-uusap nilang dalawa noong isang araw. Two days na niyang hindi ito kinausap sa personal o sa text.
            Si Theo ang tanging nasabihan ni Devin sa pagkakasakit niya. Hindi naman ito makapunta sa apartment niya dahil abala rin ito sa bagay na ginagawa nito.
            Napatingin si Devin sa pintuan ng kwarto niya nang bumukas iyon. Nagulat siya nang makita si Hyde. May pag-aalala sa mukha habang palapit sa kanya. Kahit na makirot ang kanyang ulo at bahagyang bumabagsak na ang talukap ng mata dala ng antok napangiti siya.
            "Hyde." Nasabi niya saka hinila ng antok.

GRABE ang pag-aalala ni Hyde para kay Devin. Alam niyang trangkaso lamang ang sakit nito ngunit hindi rin dapat na ipagwalang bahala. Mabuti na lang at nakapasok siya sa bahay nito. Salamat sa Diyos dahil binigyan siya ng duplicate ni Devin nang magpunta sila sa bahay nito, two days ago.
            Dire-diretso siyang pumasok nang mabuksan ang bahay saka nagtungo sa kwarto ni Devin. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ngunit umingit pa rin iyon. Pumasok siya at nakita si Devin. Balot na balot ito ng kumot at mahigpit ang pagkakahawak doon. Dali-dali niyang nilapitan ito. Klaro niyang nakita na ngumiti ito bago ipinikit ang mata at tuluyan na makatulog.
            Pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Hinaplos niya iyon. Damang-dama niya ang init na nagmumula rito. Mataas iyon. Napabuntung-hininga na lang si Hyde nang umungol at mangaligkig ito dala ng lamig.
            Tumabi siya dito para maibsan ang lamig na nadarama nito. Inikot niya ang braso sa katawan nito at idinantay ang mga binti sa binti nito. Naramdaman niya ang paggalaw ni Devin. Sumiksik ito sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. Tila naging komportable ito sa pagkakayakap sa kanya. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Hinding-hindi siya magsasawa na pagmasdan ang kagwapuhan nito.Napakaswerte niya na biniyayaan siya ng katulad nito.
            Nakatulugan na niya ang pagtingin sa mukha ni Devin.


NAGISING si Hyde nang gumalaw si Devin at umungol. Tiningnan niya ito saka siya napangiti nang makita na tulog na tulog ito. Hindi pa humuhupa ang init ng katawan nito. Mataas pa rin iyon. Kailangan na niyang pakainin ito bago painumin ng gamot para medyo humupa ang init ng katawan. Lihim siyang napapalatak at nasesermunan ang sarili na imbes iyon ang unang gawin ay tinabihan niya ito at nakatulog din siya.
            Sa dahan-dahan na pagkilos umalis siya sa tabi nito. Nang magawa iyon agad siyang nagtungo sa kusina para ipagluto ito ng mainit na sabaw kahit instant food lang. Naghanap siya ng pagkain sa cupboard ngunit wala naman siyang nakita. Wala man lang stock na pagkain si Devin sa bahay nito. Mabuti na lang bago sya umalis nagdala siya. Bumalik siya sa kwarto ni Devin para kunin ang bag niya na inilapag niya sa paanan ng kama nito.
            Nang makapasok siya sa kwarto natigilan siya nang makita si Devin sa aktong paghuhubad ng suot nitong t-shirt. Malamya itong ngumiti. Lumapit siya dito nang matauhan.
            "Bakit ka naghuhubad?" Agad niyang tanong.
            "Dahil sa `yo."
            "Ah? Anong dahil sa `kin?"
            "Tumabi ka sa `kin sa pagtulog tapos ang baho ko. Two days akong hindi naligo dahil sa sakit ko."
            Sa sinabi nitong iyon ay tumaba ang puso niya. "Para kang ewan. `Wag mo nang alalahanin iyon. Walang kaso sa `kin. Tulungan na kitang palitan ang damit mo." Aniya.
            Lumapit siya dito saka hinawakan ang laylayan ng damit nito. Nang mahubad ang damit ni Devin ay hindi naiwasan ni Hyde ang mapalunok. Seeing him in his naked glory did something in his being. Hindi man buff ang katawan nito, lean naman iyon. May muscle sa tamang lugar at may abs ito katulad sa kanya.
            "I appreciate the way you look at my body pero nilalamig na ako Hyde." Anito sa nagbibirong tono.
            Saka naman siya natauhan. Dali-dali siyang kumuha ng damit at sinuotan ito niyon.
            "Papalitan ko rin ang short ko," anito.
            "I-sponge bath kaya muna kita bago ka magpalit ng damit." Suhestiyon niya.
            "Ikaw ang bahala. I'm under your mercy in this moment Hyde. Gawin mo kung ano ang dapat." Pagpapaubaya nito.
            "Okay." Agad niyang sang-ayon.
            Pinahiga niya muna ito bago siya lumabas ng kwarto nito.
            Pagkatapos mag-init ni Hyde ng tubig na inabot yata ng lampas fifteen minutes ay agad siyang bumalik sa kwarto ni Devin. Naabutan niya itong nakahiga habang balot na balot pa rin ng kumot.
            "Pasensya na at natagalan." Aniya.
            "Okay lang."
            Tinanggal niya ang pagkakabalot ng kumot dito only to found out that Devin was only wearing his boxer. Saglit siyang napatulala saka napalunok. Peste lang `yan! Hindi niya alam at ngayon lang niya nalaman na may pagka-bad din pala ang lalaking ito. Baka epekto iyon ng sakit nito.
            "Ready ka na ah." Komento niya para maibsan ng kaunti ang nararamdaman niyang kaba.
            "Ayoko na kasing mahirapan ka pa." Sagot nito.
            "Salamat kung ganoon."
            Nagsimula na siyang punasan ito ng maligamgam na towelette. Nagsimula siya sa leeg nito patungo sa kanang braso at sa kaliwang braso nito. Nang matapos doon ay sa katawan nito na bahagyang nagbigay sa kanya ng panginginig. Bwisit lang! Hindi siya sanay na may ibang katawan na nahahawakan bukod ng sa kanya. What he was doing at the moment gave him chills in a good way. Ang sarap lang pagmasadan ng magandang mukha at katawan ni Devin.
            "Salamat." Ang sabi nito nang matapos siya.
            "Para sa `yo, walang anuman." Aniya.
            Tinulungan niya rin itong magpunas ng katawan saka magsuot ng damit at short nito. Alam ni Hyde na bago pa siya pumasok ay napalitan na ni Devin ang panloob nito.. Nakita niya kasi kanina nang hubaran niya ito nang damit na kulay pula ang band ng brief nito. Kanina kasi nang bumalik siya ay kulay black na ang suot nitong boxer.
            "Papakainin pa kita. Pagkatapos paiinumin kita ng gamot."
            Devin meekly nod. Napangiti na lang siya.

YAKAP NANG mahigpit ni Devin si Hyde. Tila wala na siyang balak na paalisin ito sa kanyang tabi habang nakahiga sila sa kanyang kama. Katatapos pa lang siya nito pakainin at painumin ng gamot. Bumuti-buti na rin ang pakiramdam niya. Hindi na iyon katulad kanina na masyadong mabigat. At ang pagbuti ng pakiramdam niya ay walang ibang dahilan kundi si Hyde. Kung hindi siguro ito dumating ay baka hindi lang trangkaso ang sakit niya kundi ulcer pa.
            Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nakapikit ang mata nito. Himbing na himbing sa pagtulog. Alam niya na napagod ito sa pag-aalaga sa kanya kaya hinayaan na lang niya na matulog. Pabor din naman iyon sa kanya dahil malaya niyang nakikita ang mukha nito habang natutulog. Gamit ang malayang kamay, pinalandas niya ang kanyang daliri sa mukha nito patungo sa mapulang labi nito na bahagyang nakaawang.
            Sa mga ginawa nitong pag-aasikaso sa kanya, alam niya na magiging mabuti itong partner at siyempre sa kanya, wala ng iba pa. Masyado itong maalaga at maingat sa pag-aalaga sa kanya kanina kahit na may tensyon sa katawan dahil sa pagiging pilyo niya.
            Hindi santo si Devin para hindi makadama ng pagnanasa sa katabi niya pero pinapahalagahan niya ito. Hindi man iyon typical sa mga katulad ng nasa ikatlong kasarian pero iba ang trato niya kay Hyde. He will treasure him like a diamond. Kapag handa na sila pareho sa bagay na iyon ay saka siya magpapakasawa na gawin iyon dito.
            Isiniksik niya ang sarili dito. Hinalikan sa pisngi saka ipinikit ang kanyang mata.

INAASAHAN sana ni Jake na makakasama niya sa araw na ito si Hyde ngunit hindi iyon nangyari. Sa kung anumang bagay ay abala ito at hindi niya alam kung ano o sino iyon. Nakakapanghinayang. Nasanay pa naman siya na laging nasa tabi niya si Hyde simula nang maging partner sila sa bawat classroom activity.
            Napabuntung-hininga siya saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Malaya niyang pinagmasdan ang nangyayari sa labas ng classroom nila. Tsk. Wala tuloy siya sa mood na mag-aral at makinig sa pinagsasabi ng teacher nila. Wala kasi ang inspirasyon niya. Hindi ito pumasok. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina sa cellphone.
           
            "Bakit ka napatawag, Hyde?" Ang nagtatakang tanong ni Jake kay Hyde sa kabilang linya. Aaminin ni Jake na na-excite siya sa pagtawag ni Hyde sa kanya. Pangalawang beses pa lang ito. Siyempre, nag-e-expect siya ng something sa pagtawag nitong iyon.
            "Good morning Jake!" Bati nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
            "Bakit ka tumawag?"
            "Can I ask for a favor."
            "Anong pabor?" Kunot-noong tanong niya rito kahit na hindi ito kaharap.
            "Hindi kasi ako papasok ngayon."
            "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Unang beses itong hindi papasok sa klase nila. Kilala niya si Hyde bilang isang masigasig na mag-aaral. Ito ang klase ng estudyante na hindi basta-basta um-absent.
            "May gagawin kasi akong importante. Please, Jake. Pakipaalam ako sa mga professor natin."
            "Okay." Napipilitan niyang pagpayag. Gusto pa sana niyang mag-usisa ang kaso ay baka magtaka na si Hyde.
            "Salamat Jake!" Masiglang sabi nito. Maririnig ang kasiyahan sa boses.
            "Walang anuman."
            "Sige. Bye na Jake. Ingat ka!"
            "Okay. Ingat ka rin."
            Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam na ito sa kaya.

            "Masyadong malalim ang iniisip mo." Nagising ang diwa ni Jake nang marinig ang natatawang boses ni Rubius. Napabaling siya sa kaibigan na nakaupo sa katabing upuan niya. Mula sa pagtingin dito ay nalipat ang tingin niya sa mga kaklase na malaya nang nakapag-iingay.
            "Wala na si Ms. Gamboa?" Tanong niya.
            "Kanina pa. Talaga palang naglalakbay ang isip mo. Sino ba ang iniisip mo Jake?" Usisa nito.
            Hindi siya tumugon. Iniwas niya ang tingin dito.
            Pumalatak ito. "Alam ko kung saan, rather sino ang iniisip mo. Iniisip mo na naman si Hyde, ano?"
            Tumango siya.
            "Hindi ba tumawag naman siya sa `yo. Sabi mo pa nga, may mahalaga siyang gagawin. Bakit mo pa siya iniisip?"
            "Miss ko na siya." Sabi niya.
            Tumawa ito na ikinasimangot niya. "Ikaw lang ang kaibigan na sobrang nakaka-miss sa kaibigan ah. Aba matinde pa ang nararamdaman mo kay Hyde, Jake. Hindi ka maka-move on eh."
            "Alam mo naman na hindi pa talaga ako nakakapag-move on sa kanya."
            "Alam na alam. Kaya naman pumaparaan ka palagi. Alam mo `yong idiomatic expression?"
            Hindi siya tumugon. Bumaling si Rubius sa nananahimik na si Dominic. "Ano nga `yong idiomatic expression na iyon, Domskie? `Yong may pusa saka daga?"
            "Kapag wala ang pusa naglalaro ang daga." Mabilis na sagot nito.
            "Iyon! `Yun nga `yon, Jake. Kung ihahambing kita d'un, ikaw `yong daga. Si Devin naman `yong pusa. Si Hyde naman `yong keso. So, kapag wala ang pusa na si Devin, siyempre, naglalaro ang daga na si Jake. Ginagawa ang lahat ni Jake daga para mapasakanya ang keso. Sadly, he already said that he was willing to be a friend."
            Napailing na lang siya. "Ang galing mo ring maghambing, ano Rubius? Ikaw na!"
            "Ako pa! So, ano na ngayon ang plano mo, Jake?"
            "Wala!" Mabilis niyang sagot.
            "Sows! Wala raw. Kung alam ko lang, alam ko na gumagawa ka ng paraan para magustuhan ka ni Hyde kahit na kaibigan ka na lang." Sabi nito na pinagdiinan ang salitang 'kaibigan'.
            "Bakit ba ang daldal mo ngayon, Rubius?" Naiinis na tanong niya. Paraan niya iyon para ma-deprive ito sa pag-uusisa tungkol sa kanya. Nasukol na kasi siya. May tama si Rubius sa sinabi nito. Pumaparaan siya kahit na kaibigan at hindi na siya manliligaw ni Hyde. He was also hoping that someday, or maybe one day, Hyde will begin loving him more than a friend on what he was doing. Hindi naman masama ang mangarap kaso kailangan niyang maglagay ng limitasyon sa sarili at ipaalala nang paulit-ulit na nabasted na siya ni Hyde at nag-give up na rin siya bilang manliligaw nito.
            Siguro ay stupid talaga na maituturing si Jake sa mga pinagagawa niya pero wala siyang magawa para mag-back out pa doon. Siguro nga, tanga talaga siya. Sino ba ang nagmamahal na hindi nagiging tanga? Wala naman yata. Ang mga inlove at taong nagmamahal ang minsan na nagiging unjust sa mga sitwasyon, kahit mali ay nagiging tama.
            "Umiiwas ka lang. `Wag mong gawing big deal ang kadaldaln ko ngayon, Jake."
            Hindi siya tumugon, sa halip, ang ginawa niya ay tumayo saka iniwan ito.


"THANKS for taking care of me, Hyde."
            Mula sa niluluto niyang sopas, bumaling si Hyde kay Devin na nakaupo sa silyang nandodoon. Nakapatong ang mga braso nito sa mesa at siyang ginagawa nitong unan sa ulo nito na nakapatong doon. Prente itong nakatingin sa kanya.
            "Walang kaso `yon."
            "Anong walang kaso ka dyan? Big deal iyon para sa `kin. Kung wala ka siguro ngayon baka hanggang ngayon bedridden pa rin ako. Hindi sana um-okay ang pakiramdam ko."
            "Okay. Sige. May kaso na iyon. You are welcome, Devin."
            Ngumiti ito na ikinangiti rin niya.
            "You know what? Kapag naging asawa kita, alam ko na magiging maalagain ka."
            Napayuko siya sa sinabi nito. Alam niya na namula rin ang mukha niya dala ng kilig sa sinabi nito. The feeling was overwhelming to think that Devin was open to the idea of having him as a partner one they grown up. Hindi pa niya nga ito nasasagot ay doon na agad ito sa puntong iyon.
            "Masyado ka naman advance mag-isip," aniya.
            "Mas okay na `yong advance mag-isip. I'm seeing myself growing old with you."
            Masyadong nakakataba ng puso ang salitang binitawan nito. Ahhh! Ang sarap sa pakiramdam!
            "Parang kanta lang ni Adam Sandler na rinivive ni Daniel Padilla ah." Pagbibiro niya.
            "Gusto mo bang kantahin ko sa `yo `yon?" Tanong nito.
            "Malat pa ang boses mo." Aniya.
            "Okay lang. Basta para sa`yo."
            "Ikaw ang bahala."
            Ngumiti si Devin. "Okay."
            Devin cleared his throat first before singing.

I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your athritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
            Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you

Nang matapos ito sa pagkanta ay lumapit siya dito saka ito niyakap nang mahigpit mula sa likuran. Ano pa ba ang hihilingin niya sa Diyos kung lahat na ng magandang katangian ay kay Devin na? Wala na.
            Hindi niya tuloy maiwasan ang maging emosyonal.

PAGKATAPOS kumanta ni Devin ay nagulat siya nang basta na lang siyang yakapin ni Hyde mula sa kanyang likuran. Hindi niya nga namalayan na nakalapit na ito sa kanya dahil masyado siyang na-absorb sa kantang kinanta niya para dito.
            Devin knew that it seems funny thinking the idea that he and Hyde will grow old with each other. Aminin man niya kasi o hindi, sa ganitong relasyon ay bihira ang nagiging successful. Everything in the relationship might be fall to the exact things the both party wants but there are tendecies that it will fall into piecesand can break each others heart.
            Pero bakit ba niya iisipin ang mga iyon? Ang importante ay siya at ito. He knew that he is always overthinking things. Masyado siyang advance sa mga bagay sa pagitan nila ni Hyde ngunit wala naman siyang pakialam doon. Katulad nga ng paulit-ulit na sinasabi niya, siya at ito lang ang mahalaga. Ang magagandang bagay at hindi ang malulungkot.
            "Umiiyak ka ba, Hyde?" Nag-aalalang tanong niya rito nang marinig ang mahinang paghikbi nito.
            Naramdaman niya ang pag-iling nito. "Hindi ako umiiyak."
            "Hindi raw?'" Hindi naniniwalang sabi niya.
            "Hindi nga." Giit nito.
            "Bakit ka sumisinghot kung hindi?"
            "Sige na nga. Oo, umiiyak ako.'" Napipilitang pag-amin nito.
            Napangiti siya. "Bakit?"
            "Dahil sa ka-sweet-an mo."
            "Dahil lang d'un?"
            "Hindi lang iyon lang, Devin. Masyado kang sweet. Iyong mga sinabi mo, `yong kanta na kinanta mo. `Yong lahat-lahat na ginagawa mo. Nagpapasalamat ako sa ideya na bukas ka na makasama ako hanggang sa pagtanda natin kahit na alam nating pareho na sa ganitong relasyon, sa magiging relasyon natin ay walang katiyakan. Masaya ako na mahal mo ako. Masaya ako na nasa tabi kita. Masaya ako..." Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin. Tuluyan na kasi itong napaiyak.
            Inalis niya mula sa pagkakayakap sa kanya ang mga braso nito saka ito hinarap. Tinitigan niya ito. Pinunasan niya ang luha sa pisngi nito.
            "Masyado ka namang nagiging iyakin. `Wag nating isipin `yong mga negative side ng relasyon na magkakaroon tayo, Hyde. Let's just stick to the positive side. Walang masama na mangarap ako na makasama kita hanggang sa pagtanda ko. Iyon kasi ang nagpapasaya sa `kin."
            Wala itong naging tugon. Tinitigan lang siya nito saka niyakap nang mahigpit.
            "I love you Hyde."
            Sa halip na tumugon, isiniksik nito ang sarili sa kanya. Humigpit ang pagkakayakap. Alam niya na kahit hindi man ito gumanti at magsabi ng 'I love you too' ay mahal siya nito. Sa kilos at gawa.


ITUTULOY…



3 comments:

  1. Awwwwwww. Kilig na kilig din kami. That's so sweet ang very touching. Thanks sa update Mr Author. Take care. Next update. .

    ReplyDelete
  2. Nice update sana talaga sila na lang, Teka lang nasaan na si Vix? Ano na kaya next evil plan niya? :v

    ReplyDelete
  3. no continutation?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails