Followers

Tuesday, June 16, 2015

String from the Heart [21]




CHAPTER TWENTY-ONE

TUMAWA NANG malakas si Hyde sa joke na binitawan ni Jake. Actually, hindi naman talaga iyon nakakatawa. Corny pa nga kaso talagang natawa siya dahil sa pag-deliver nito niyon. Napapailing na nasapo niya ang tiyan saka nag-iwas ng tingin sa matiim na titig nito.
            Minsan kahit sabihin na kaibigan na lang niya ito ay hindi niya maiwasan ang kabahan sa paraan ng pagtitig nito lalo na kapag nagseseryoso. Tsk. It just odd and giving some unexplainable feeling inside him that he doesn't like to entertain. Kung iisipin niya kasi at bibigyan ng kulay ang mga iyon ay magdudulot lang iyon ng kaguluhan sa sistema niya. Lalo na ngayon at malapit na niyang sagutin si Devin.
            Speaking of Devin. Abala ito ngayon sa pagpa-praktis kasama ang mga kabanda nito para sa nalalapit na Battle of the Band. Ang tanging koneksyon nila ngayon ay cellphone. Tuwing gabi, kapag may pagkakataon ay tumatawag ito o kaya naman siya. Nakakatawa lang na sa iisa silang school pero hindi sila nagkikita. Hindi man lang magkasalubong ang landas nilang dalawa. Given na rin siguro iyon dahil sa pareho silang abala. Nitong nakaraan nga, pagkatapos ng report nila ni Jake ay ang lalaki ang palagi niyang kasama.
            "Malapit na pala ang battle of the band, Hyde," ani Jake na nagpakuha ng kanyang atensyon.
            "Yeah. Malapit na nga, pero bago iyon, pupunta muna kayo sa bahay para sa birthday party ni Vhian. Sa Friday na iyon."
            "Oo nga pala, ano? Ano pala ang magandang gift para sa kapatid mo?"
            "Kahit ano. Hindi naman `yon mapili eh. Tanggap lang `yon nang tanggap."
            "Okay. Samahan mo kaya akong bilhan siya ng regalo."
            "Busy ako. Wala akong time na samahan ka." Agad niyang tanggi.
            Ngumuso ito na nagpatawa sa kanya. "Para kang ewan, Jake. Itigil mo nga `yan. Nabibingasan ang hitsura mo sa pinagagawa mo."
            "Pero gwapo pa rin ako." Anito.
            "Ewan."
            Umiling-iling ito. "Ayaw mo akong sagutin. Alam ko naman na ang sasabihin mo eh."
            "Talaga? Ano pala ang sasabihin ko?"
            "Na gwapo ako."
            Tinampal niya ito sa balikat. "Mayabang ka!"
            "Hindi kaya."
            "Mayabang ka." Giit niya, natatawa.
            Natigil lang si Hyde sa sa pagtawa ng hawakan ni Jake ang kamay niya. Mas nagulat siya ng halikan nito iyon. Tsk. Aminin man niya o hindi. Alam niyang namula ang pisngi niya sa ginawa nito. Tuloy parang babae lang ang feeling niya.
            "Ano bang ginagawa mo?" Naiilang na sabi niya sabay bawi sa kamay.
            "Friendly kiss."
            "Friendly kiss-in mo ang mukha mo. Walang ganyan sa magkaibigan saka hindi ako babae para gawin mo `to."
            Natawa ito. "Meron kaya."
            "Sige nga. Bigay ka ng pangalan ng gumawa n'un?"
            Saglit itong natigilan. Nag-isip kunyari. Maya-maya ay napangisi. "Wala akong kilala."
            "Ewan ko sa `yo. Tara na nga. Alis na tayo. Baka dumating na si prof." Yaya niya rito.
            "Mabuti pa nga. Awkward na ang hangin dahil sa ginawa ko eh." Anito.
            "Nagpaparinig ka pa."
            "Hindi naman masyado."
            "Ang kulit mo."
            "Slight lang."
            Masaya si Hyde kapag kasama niya si Jake iyon ang totoo. Walang araw na hindi siya tumatawa. Ang unang impresyon niya rito ay tuluyan nang naglaho sa mga pinakita nito sa kanya. Ang bersyon nito ng Jake na mahilig magbiro, masayahin at masipag mag-aral. Mga bersyon na nagpataob sa negatibong impresyon niya rito.
            Nauna na siyang naglakad.


NAPAILING NA lang si Jake habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Hyde. Aaminin ni Jake na masaya siyang kasama ito. Iyon nga lang at hindi na siya manliligaw kundi isang kaibigan na lang. Ngunit kahit na ganoon ang estado niya ay para lang siyang timang at nawawala sa sarili na ginagawa ang bagay na dapat gawin ng manliligaw.
            Napabuntung-hininga siya. Naglakad patungo rito.
            "Hyde, hintayin mo ako. Kasama mo ako, ah. Nang-iiwan ka." Aniya. Hindi naman siya nito pinansin. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad at tila mas binilisan pa iyon.
            Natawa na lang siya. Binilisan niya rin ang paglalakad. Nang maabutan niya ito ay agad niya itong inakbayan. Nagulat pa ito sa ginawa niya dahil sa pagpitlag nito. Naramdaman niya rin ang pagka-tense nito na binalewala niya.
            "Sinabi ko na sa `yong hintayin mo ako eh." Aniya. Hinihipan niya ang tainga nito na nagpakiliti dito.
            "Ang kulit mo Jake!" Nagmamaktol na sabi nito sabay alis ng braso niya na nakaakbay sa balikat nito. Ngunit wala naman iyon naging epekto. Mas hinigpitan pa niya kasi ang pagkaka-akbay dito.
            "Nang-iiwan ka kasi."
            "Eh ang kulit mo kaya." Nakasimangot na sabi nito.
            "Sige. Hindi na," aniya. "Hayaan mo na lang ako na akbayan ka."
            Pumalatak ito. "Nananantsing ka yata eh."
            Natawa siya. "Hindi kaya. Friendly lang na akbay ito. `Wag kang malisyoso, Hyde. Sige ka."
            "Sige ako?"
            "Sige ka lang." Aniya saka napangisi.
            Sinimangutan siya nito. "Bilisan na nga lang natin. Masyado ka na eh."
            "Gusto ko pa kumain. Kain pa tayo."
            "Ayoko nang kumain. Busog na ako. Kung gusto mo, bili ka na lang ulit."
            "Tapos kakain ako habang nagda-drive?" Gulat na tanong niya.
            "Oo. Multi-tasking."
            "Pambihira ka. Gusto ko pang mabuhay nang matagal."
            "Ako rin naman ah."
            "Pero ang mga suggestion mo. Pamatay kaya."
            "Eh di susubuan na lang kita."
            Sa sinabi nitong iyon ay napangiti siya nang maluwang. Pagkakataon nga naman. Parang gusto niyang pasalamatan ang pagiging matakaw ng alaga niya sa tiyan. Sa sinabi kasi ni Hyde ay para lang silang magnobyo. At ang mas masaya. Susubuan siya nito!
            "Talaga? Gagawin mo iyon?" Kunwa ay pakipot niyang sabi.
            "Oo nga. Wala namang malisya. Kaya huwag kang malisyoso."
            "Binabalik mo sa akin ang sinabi ko sa `yo. Ayos! Sige. Balik ako sa loob. Hintayin mo na lang ako rito."
            Tumango ito. Inalis niya ang pagkaka-akbay dito. Ibinuka niya ang bibig, naghihintay na masubuan ni Hyde. Ngunit wala naman nangyari. Itinikom niya ang bibig. Napasimangot sa nakangiting mukha ni Hyde. Tila nagpipigil din ito sa pagtawa na hindi naman nito napigilan dahil natawa na ito.
            "Nakakaasar ka." Reklamo niya.
            "Bakit?" Pangmamaang-maangan nito na mas labis pa niyang kinasimangot.
            "Subuan mo na ako. Dali na."
            "Wow. Demanding ka rin, ano?"
            "Sinabi mo kasi kaya panindigan mo na. `Wag mo akong paghintayin. Masama akong maghintay at paasahin, Hyde."
            "Wow. Scared." Anito. Nag-anyong natatakot. Natutuwa si Jake sa pagbibiro ni Hyde. Komportableng-komportable na talaga ito sa kanya. Sana lang talaga ay pwede pa.. pero hindi na dahil nagparaya na siya.

AAMININ NI Hyde na masaya siya na kasama si Jake sa simpleng bagay na ito. Yes. They were celebrating after their report with flying colors. Isa kasi sila sa may matataas na marka. Kasunod kay Marty at Rubius. At ngayon na nasa kotse sila ni Jake. Ito habang nagmamaneho at siya habang sinusubuan ito.
            "Bilis na, Hyde." Ani Jake sa pagitan ng pagnguya.
            "Maghintay ka nga," aniya habang inaayos ang pagkakatusok sa fishball na isusubo niya rito.
            Bago sila sumakay ng sasakyan at kasalukuyan ngang bumibiyahe ay nagtungo muna sila sa isang fishball stand para bumili ng pagkain nito. Na hindi naman ito ang mag-isang kumakain dahil nakiki-share siya. Wala namang malisya sa kanya kung mag-share sila ni Jake ng isang stick. Mas convenient nga iyon. Bukod pa roon ay dalawang plastic cup na sa halaga na sampung piso ang isa na halo-halo ang nakalagay, fishball, squidball at kikiam.
            "Bilis na o, wala ng laman ang bibig ko," hirit ni Jake sabay buka ng bibig.
            Napapailing na lang siya saka sinubuan ito. Mabilis naman nitong nginuya iyon. Mukhang enjoy na enjoy ang loko sa pinapagawa sa kanya.
            "Masyado kang nag-e-enjoy, ano?" Aniya. May sarkasmo sa boses.
            "Of course. Sino ba naman ang hindi.." bago pa nito maituloy ang sasabihin ay sinubuan na niya ito ng isang kikiam.
            Pinuno niya ang bibig nito.
            "Ano ba naman `yan?" Reklamo nito sa pagitan ng pagnguya at putok na pisngi. "May galit ka yata sa akin, eh."
            Hindi siya sumagot. Sa halip ang ginawa niya, sumubo ng dalawang piraso ng fishball sunod ang squidball.
            Napailing na lang si Jake. "Talagang gumagawa ka ng way para hindi ka makasagot. At lalo na para hindi ko maipagpatuloy ang sasabihin ko. Iba ka talaga Hyde."
            "`Wag ka na lang magsalita. Don't talk when your mouth is full nga hindi ba?" Sabi niya.
            "Eh di `wag magsalita." Anito. Itinutok ang buong atensyon sa pagmamaneho at ang paningin sa daan.
            Siya naman, ipinagpatuloy ang pagkain. Sinusubuan pa rin naman niya si Jake ngunit hindi katulad kanina ang atmosphere. Biglang naging cold ang warm na trato nila sa isa't-isa. Tsk. May habit na yata siya na panira ng mood. This was the second that he and Jake became distant to each other after a happy moment. Ngunit tuwinang nangyayari iyon ay si Jake naman ang unang nagpapakumbaba. Ibinaling na lang ni Hyde ang atensyon sa labas ng kotse. Sa mga poste ng ilaw na nalalampasan nila at sa mga kotse na nasa kabilang lane na sa ibang direksyon papunta.
            Nahikab siya saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa siya. He closed his eyes. And in a moment he fell asleep.


HINDI NAKAKASAWANG tingnan ang payapang mukha ni Hyde habang natutulog ito. Kanina pa nakahinto ang kotse ni Jake sa tapat ng bahay ng mga ito ngunit hindi pa niya ginigising ito. Nag-e-enjoy kasi siya na tingnan ang mukha ni Hyde na parang anghel. Slowly, a smile curved in his lips. May gusto siyang gawin na hindi dapat pero malakas ang urge na iyon na pilit niyang pinaglalabanan. Na sana nga ay mapaglabanan niya. Kanina pa, paulit-ulit na dumadako ang kanyang paningin sa medyo nakabuka na bibig nito. Kulay makopa ang labi nito. Parang demonyo ang labi nito na tini-tempt siya na gawin ang isang bagay na hindi dapat. Hayst. Bilib din naman siya sa sarili na kaya niyang magtimpi sa ganitong bagay. Na napipigilan niya ang sarili na..
            Napailing siya saka iniiwas ang paningin dito. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng sasakyan. May mangilan-ngilan na tao ang naglalakad pauwi sa bahay ng mga ito. Alas sais na ng gabi. May isang klase pa sila ni Hyde kaninang alas cuatro ngunit hindi na siya tumuloy doon. Wala rin silang usapan ni Hyde na ihahatid niya ito sa bahay ng mga ito. Katulad nga ng sabi niya, he don't have the heart to wake Hyde's peaceful sleep.
            Mula sa loob ng bahay, nakita niya ang isang lalaki na palabas ng gate. Nang tingnan niya ito ng maigi saka pa lang niya napansin na si Clyde iyon. Ang kakambal ni Hyde. Patungo ito sa direksyon nila, sadyang tinutumbok ang kinapaparadahan ng kotse niya. Bago pa ito makarating sa kinaroroonan nila ay binuksan na niya ang pintuan ng kotse at bumaba mula roon.
            "Sino ka?" Tanong nito sa seryosong boses.
            "Jake Hyllel Jacinto ang pangalan ko."
            Tumaas ang sulok ng labi ni Clyde. "So you're one of his suitor."
            "Dating suitor." Pagtama niya sa sinabi nito.
            "Ganoon ba? Talaga?" Anito. Patanong na tila hindi naniniwala.
            He just nod. "Oo. I still love your brother but he loves Devin."
            Tumango-tango lang ito. "Okay. I don't like hearing crappy shit about the thing called love, loneliness, at kung anu-ano pa. Nandiyan ba si Hyde sa loob ng kotse mo?"
            "Nandito siya. Natutulog."
            "Kaya pala kanina pa naka-park ang kotse mo dito. Gisingin mo na siya. I think it is better for you to go home. Alas sais na. Bukod pa roon may pasok pa kayo bukas."
            Lihim na napapangiti si Jake sa asta ni Clyde. Para itong matanda kung magbigay ng utos ay tila dapat hindi baliin. Mukhang dinadaan siya nito sa authorative voice nito para ma-intimidate siya. Is this the way how Clyde testing him? Kung lalaban o titiklop siya? Kung totoo bang nagsasabi siya ng katotohanan o hindi? Well. Jake must admit that he like the way Clyde protect his love.
            "He's still sleeping. Mamaya na lang."
            "Ako na ang gigising sa kanya."
            "Ikaw ang bahala." Pagsang-ayon niya.
            Iyon nga ang ginawa nito. Pumasok ito sa kotse saka tinapik ang pisngi ni Hyde sa mahinang paraan. Gumalaw si Hyde, umungol ngunit hindi nagising. Tulog mantika pala ang mokong. Napangiti na lang siya. Sunod na ginawa ni Clyde, ginalaw ang balikat nito ngunit waka pa rin nangyari. Pagkatapos niyon ay sinundot nito gamit ang daliri sa tagiliran si Hyde na nagpagising dito.
            Kinusot-kusot ni Hyde ang mata nito saka inilibot ang paningin. Napangiti si Jake sa nasaksihan. He also found it cute. Kung ganoon palagi ang madadtnan niya sa umaga ay walang kasinsiya ang buhay niya. Lagi siyang inspire… pero nga… wala na siyang magagawa dahil hindi naman magiging kanya si Hyde. Hinding-hindi.

KINUSOT-KUSOT ni Hyde ang mata saka inilibot ang paningin sa kinaroroonan niya. Nang matapos ang kanyang ginawa ay saka pa lang niya na-realize na nasa loob pa pala siya ng kotse ni Jake. Nakita niya ang mukha ng kakambal niya. Seryoso ang mukha nito. Sa labas naman nakatayo si Jake, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
            "Goodmorning Hyde." Sabi ni Clyde. Isang nang-uuyam na ngiti ang nakapaskil sa labi. Anyong mang-aasar na naman. Bumangon na siya mula sa kinauupuan bago pa ito makapagsalita. Alam na niya kasi ang sasabihin nito.
            Isa pa, nakatingin din sa kanila si Jake. Aminin man ni Hyde o hindi, mahihiya siya rito kapag may ginawang kabalastugan ang kapatid niya.
            "Nakatulog ka ba nang maayos, Hyde?" Tanong ni Jake.
            "Oo."
            "Sus. Malamang. Nakatulog `yan ng maayos kahit na nakaupo. Saka hindi mo naman ginising eh. Hinayaan mo lang na matulog." Pagsingit ni Clyde.
            Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi naman nito iyon pinansin. Sa halip, hinarap nito si Jake.
            "Pumunta ka na lang dito sa birthday party ni Vhian," anito.
            "Clyde! Nayaya ko na siya!" Pasigaw niyang sabi.
            "Whatever, Hyde. Sige. Mauna na ako sa inyo. Magpaalaman na lang kayong dalawa. Punta ka na lang dito, Jake."
            Napailing na lang si Hyde habang sinusundan ng tingin ang kapatid. Nang bumaling siya kay Jake, nakangiti lang ito. Waring sayang-saya sa nasaksihan sa kanilang dalawa ng kapatid.
            "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko." Aniya.
            "Okay lang. Walang kaso sa akin. Nakatulog ka ba ng mahimbing Hyde?"
            Tumango siya. "Oo. Dapat ginising mo ako."
            "I don't have the heart to do it, Hyde. Isa pa nasisiyahan din kasi ako na ting.."
            "`Wag mo nang ituloy, Jake. Alam ko na ang sasabihin mo."
            Totoong alam ni Hyde ang sasabihin nito. Ang huling salita nito ay 'tingnan'. Tsk. Hindi manhid si Hyde para hindi maramdaman na ang kilos ni Jake ay parang manliligaw pa rin niya.
            "Umuwi ka na kaya. Gabi na, Jake."
            "Mabuti pa nga," anito. "Sige. Hyde. Goodnight."
            "`Night."
            Tumabi si Hyde para mabigyan ng daan si Jake. Bago ito sumakay ng kotse ay nagulat siya nang yakapin siya nito.
            "Pa-para saan `to?" Takang-tanong niya.
            "For thank you, Hyde. Nag-enjoy ako ngayon. Sobra."
            Namalayan na lang niya na gumanti na siya ng yakap. Sa isip-isip niya ay.. Nag-enjoy din ako na kasama ka.
            Kumalas siya sa yakap ni Jake nang gumalaw ito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya saka sumakay ng kotse nito. Sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa umandar ang kotse at mawala sa paningin niya.

NAKANGISI SI Clyde nang makapasok si Hyde sa loob ng kwarto nila. Binigyan niya ito ng masamang tingin saka naghubad siya ng suot na polo. Tinatanggal na niya ang suot na sapatos nang magsalita ito.
    "Bakit ka pa sumasama kay Jake?"
    "Anong masama sa pagsama ko kay Jake?" Balik-tanong niya rito.
    "Marami. Hindi mo ba alam na nasasaktan mo siya sa ginagawa mo Hyde? Bukod pa roon pati si Devin kapag nalaman niya na kasa-kasama mo ang 'dating manliligaw' mo."
    Natigilan si Hyde sa ginagawa. "Ano naman ang ibig sabihin mo d'un? Sa paanong paraan na nasasaktan ko si Jake?"
    Umiling-iling ito. "Sa ginagawa mo na pagdikit kay Jake. Hindi siya makaka-pag-move on. Kapag araw-araw na nakikita ka niya at nakakasama, aasa si Jake na posibleng mayroon pang pag-asa. Mas mamahalin ka pa niya lalo at hindi siya madaling makaka-get over sa `yo."
    Napaisip si Hyde sa sinabi ng kakambal. May punto ito. Hindi madaling makapag-move on lalo na kung nakikita mo ang mahal mo. Posible rin na sa lagian nilang pagsasama ni Jake ay umasa na naman ito. Posible na...
    Napailing-iling siya. Bakit ba hindi niya naisip ang ganoon na bagay? Ganoon ba siya katanga pagdating sa usaping pag-ibig at hindi niya malaman kung paano pakikitunguhan ang bagay-bagay. Dapat na layuan niya si Jake.
    Ngunit ang malaking katanungan naman sa kanyang sarili: Kaya ba niyang layuan si Jake dahil sa sitwasyon nito? Sa sitwasyon nila?
    "Hindi ko kayang layuan si Jake." Sabi niya.
    Napamaang si Clyde sa kanya. "Bakit?"
    "Dahil kaibigan ko siya."
    "Iyon lang ba?" Paniniyak nito.
    "Oo."
    "Talaga lang ah." Hindi naniniwalang sabi nito.
    "Oo naman. Bakit ba, Clyde? Huwag mo nga akong intrigahin."
    "Hindi kita iniintriga. I'm only saying things based on what I see. Hindi ka ba talaga naaawa kay Jake? "
    Hindi na naman siya nakapagsalita. Para makaiwas kumuha siya ng damit sa cabinet saka nagtungo sa banyo upang magbihis. Nasa isipan pa rin ang tanong ni Clyde sa kanya.
    Hindi ka ba talaga naaawa kay Jake?

DEVIN AUTOMATICALLY smiled when he saw Hyde coming in his way. Nakasuot ito ng kulay asul na t-shirt na may naka-print na isang pamosong pasyalan sa Pilipinas. Siya naman sa kabilang banda ay nakasuot din ng asul na t-shirt. Naiisip niya na para lang silang nag-usap na dalawa sa kanilang suot. Ang pamamasyal na ito ay masasabi niyang biglaan. Wala naman kasi silang konkretong plano ni Hyde sa paglabas. Basta lang nagkayayaan na mabilis naman nilang sinang-ayunan na dalawa. Kahapon lamang iyon. Ayos lang sa kanya dahil sa kabila ng busy niyang schedule pati rin ito ay nagkaroon pa sila ng oras sa isa't-isa.
            Ang panliligaw niya rito, katulad ng dati, masasabi niyang lulubog-lilitaw. Wala naman yatang bago dahil sa mga nasabi niyang dahilan. Pero may kasabihan nga na kapag nagmamahal ka hahamakin ang lahat masunod lamang ito.
            Agad niyang pinisil ang pisngi ni Hyde nang makalapit sa kanya. Nagulat man ito sa ginawa niya, nangiti rin sa huli.
            "Kumusta ka na Hyde?" Bungad niyang tanong habang hawak pa rin ang pisngi nito.
            "Katulad ng sabi ko sa `yo kagabi, okay lang. Ikaw ba?"
            "Katulad ng sabi ko rin sa `yo kagabi, okay lang din kahit medyo abala sa banda at sa org."
            Nakakatawa na kapag nagkikita, nagkaka-text o kaya tinatawagan niya ito ay lagi silang nagkukumustahan na parang hindi nila ginagawa. Na parang ang tagal nilang hindi nagkita at nag-usap.
            "So bibili ka na ba ng regalo para kay Vhian?"
            Tumango siya. "Yeah. By the way, nice shirt." Aniya.
            Ngumiti ulit ito. Sa pagkakataon na iyon, hindi na siya nakahawak sa pisngi nito. Magkaagapay silang naglakad.
            "Sa `yo rin. Magandang kulay pala sa `yo ang blue. Bagay na bagay sa complexion mo." Ganting pamumuri nito.
            "Salamat. Dapat nagsuot ka ng sumbrero," aniya.
            "Hindi ako sanay. Pawisin ako. Saka hindi rin komportable."
            "Halata nga," sabi niya. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa saka pinunasan ang noo nito na may butil ng pawis.
            "Salamat," anito. "Kanina mo pa ba ako hinihintay?"
            "Hindi naman. Mga kalahating oras." Nakangisi niyang sabi.
            "Parang na-guilty tuloy ako."
            "Just joking. `Yung pagdating mo, mga ilang minuto lang bago ako dumating."
            "Ah. So anong itinerary natin ngayon?"
            "Anything that will both give us pleasure Hyde. Anything that will make you happy."
            "Ganoon?"
            Tumango siya. "Yeah."
            "Kung ganoon ang kaso. Let's buy a gift for Vhian first."
            "Okay."
            Hinawakan siya nito sa braso saka sila naglakad na parang walang kaso ang tngin ng iba sa closeness nila. At katulad dati, wala siyang pakialam. Basta masaya siya na kasama ang lalaking mahal niya at ang buhay na niya.


"BAGAY BA `to sa kapatid mo?"
            Mula sa kanyang tinitingnan na damit. Napatingin si Hyde kay Devin na may hawak na pink na damit. Nasa loob sila ng isang boutique kung saan pulos pambata ang mga paninda. Kasalukuyan na pumipili ng regalo na magugustuhan ni Vhian na mula kay Devin.
            Ang paglabas nilang ito ay wala sa ideya nila. Basta na lang silang nagyayaan kagabi na pareho naman nilang sinang-ayunan. Pagkatapos nito hindi nila alam kung saan sila tutungo pero sa likod ng isip ni Hyde, gusto niyang magpunta sa isang arcade o kaya naman sa ibang lugar na may videoke. Isa lang kasi ang gusto niya. Ang muling marinig ang magandang boses ni Devin at kantahan din ito kahit na masasabi niyang wala siyang panama sa ganda ng boses nito.
            "Bagay naman sa kanya pero sa kulay tayo magkakaroon ng problema. Ayaw n'un ng pink. Mas gusto n'un ang kulay orange, yellow o kaya naman blue."
            "Talaga? Bakit naman ayaw niya sa pink? Most of the girl I know loves pink."
            "Ewan. Masyado daw kasing pang-girl saka common na daw. Iyon ang sabi niya sa `kin. "
            Natawa si Devin. "Eh ikaw? Ano bang kulay ang gusto mo bukod sa sky blue?"
            "Black is fine." Tipid niyang sagot. Alam ni Hyde na alam ni Devin kung ano ang kulay na gusto niya.
            "Black lang?" Nakangiting sabi nito. Nagtaas-baba pa ang kilay na labis nitong ikina-cute. Peste lang! Kinikilig din siya.
            "`Wag ka nga Devin. Alam ko na alam mo ang mga gusto ko."
            "Hindi na eh."
            Pinandilatan niya ito. "Hala ka! Bakit mo kinalimutan?" Kunwaring pagtatampo niya.
            "Busy kasi. Sa dami ng information na pumapasok sa ulo ko may nakalimutan na ako."
            "Ang sama mo." Aniya. Sinamaan niya ito ng tingin.
            "So ano na? Bagay na ba ito kay Vhian?" Pag-iiba nito sa usapan na ikinasimangot niya pang lalo.
            "Ewan." Aniya. Tinalikuran niya ito.
            Tsk. Alam ni Hyde na para siyang babaeng nag-iinarte pero hindi niya maiwasan na magtampo kay Devin sa pagkalimot nito sa gusto niyang kulay. Nabubwisit lang siya. Kahit na ang babaw niya.
            "Uy, joke lang `yon," anito sabay kalabit sa kanya.
            Hindi niya ito pinansin. "Hyde. Joke lang naman `yon. Alam ko na gusto mo ang lahat ng kulay, kasi sabi mo nga nagagandahan ka sa kanila. Especially `yong sa rainbow, `yong ROY G. BIV. Pero sa lahat ng `yon mas gusto mo ang kulay blue saka indigo. Nagbibiro lang ako na hindi ko alam."
            Hindi pa rin siya humarap. Ngunit sa loob-loob niya, natutuwa siya na alam ni Devin iyon.
            "Hyde." Tawag sa kanya nito. "Hyde naman. `Wag mo akong talikuran. Pansinin mo na ako. Nagdyo-joke lang naman ako. Kapag hindi ka sa akin humarap, I will make a scene."
            Sa sinabi nitong iyon ay mabilis siyang humarap. Isang malawak na ngiti na rin ang nasa labi. "Joke din iyon." Natawa na rin siya nang makita na nakasimangot na si Devin.
            Napailing na rin ito saka siya mabilis na hinalikan sa labi. "You tricked me."
            "Gantihan lang iyon," aniya saka ginantihan ito ng mabilis na halik sa labi.
            Para lang silang baliw. Hahayst. Ang saya lang na kasama niya si Devin. Ang kasiyahan sa puso niya ay punong-puno. Bagay na ito lang ang makapagbibigay at wala ng iba kahit na hindi pa sila tuluyang humahantong sa mas malalim na relasyon. Ngunit buong-buo na niyang nasasabi na mahal niya ang lalaking ito. Na handa siyang sagutin ito pagdating ng tamang panahon. At kung kailan ang panahon na iyon. The soonest.

PAGKATAPOS nilang makabili ng regalo para kay Vhian ay hindi muna umuwi sina Devin at Hyde. Niyaya siya ni Devin na magtungo sa inuupahan nitong apartment na malugod naman niyang tinanggap. Nasa sala na sila ng bahay nito at kasalukuyang nanginginain ng tigpi-pisong tsitsirya na binili ni Devin sa tindahan na nasa kanto.
            Nanonood din sila ng palabas sa maliit na telebisyon na nandodoon. Hindi iyon ang first time ni Hyde na makapunta sa bahay ni Devin ngunit nabibilib siya rito. Paano naman kasing hindi iyon mangyayari. Mag-isa lang si Devin sa bahay nito ngunit kompleto ang gamit sa bahay. Naiisip niya tuloy kung paano ni Devin nagawa ang bagay na iyon. Hindi naman niya magawang magtanong dahil masyado itong engross sa pinapanood.
            Napatingin siya rito nang isandal nito ang ulo sa kanyang balikat.
            "Inaantok ka ba?" Tanong niya.
            "Hindi. Gusto ko lang sumandal sa `yo. Bakit ikaw, inaantok ka ba?"
            "Hindi rin." Mabilis niyang sagot.
            "You know that last week was a tiring day for me. Masyado kaming maraming ginawa."
            "Alam ko naman `yon." Ang natatawa niyang sabi. "Bakit ba sinasabi mo sa `kin `yan ngayon?"
            "Just to open up a conversation with you. Baka kasi isipin mo na wala na akong time sa `yo."
            "`Wag ka ngang mag-alala. Naiintindihan naman kita saka kahit ako rin naman busy eh. Mas mahalaga pa rin naman ang pag-aaral."
            Hindi ito nagsalita. Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila.
            "Hyde..." Tawag sa kanya nito.
            "Hmmm." Aniya habang nakapikit.
            Nawala na ang atensyon nilang pareho ni Devin sa pinapanood kaya naman pinatay na nito iyon.
            "What if I ask you for something, will you give it to me?"
            "Ano ba `yong something na `yon? Depende naman kasi."
            "Paano kung itanong ko sa `yo kung kailan mo ako sasagutin? Magagalit ka ba?"
            Natahimik siya. "Bakit naman ako magagalit? Bilang nanliligaw karapatan mo ang magtanong. Sawa ka na bang maghintay?"
            "Hindi naman sa nagsasawa. It’s just that I'm coming to the point of making our relationship in the next level. `Yong masasabi ko na totally akin ka na. `Yong malaya tayong gawin ang mga bagay na gusto natin saka `yong iba pa."
            Hindi naman slow si Hyde para hindi makuha ang gustong ipahiwatig ni Devin. Alam niya na kahit na may katiyakan na pwedeng maging sila ay natatakot ito na mawala siya dito. Iyon ang naiisip niya dahil takot din siya na mawala sa kanya si Devin. Ngunit hindi siya handa na sagutin ito ngayon. Wala siyang eksaktong dahilan pero iyon ang pakiramdam niya. Hindi pa siya handa. Lagi niyang sinasabi sa sarili na sasagutin na niya ito in the soonest possible way pero sa ngayon ay may pag-aalinlangan pa siya. Siguro nga ay kailangan ni Hyde ng taong magbibigay sa kanya ng isang malakas na hampas sa ulo para madaliin siya na sagutin si Devin. Devin just wanted to have security between the both of them. Hindi man nito sabihin alam niya na nate-threaten ito kay Jake. Matagal na.
            "Sasagutin naman kita eh." Tanging nasabi niya.
            Umalis ito sa pagkakasandal sa kanya. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
            "Alam ko naman iyon."
            "Kaso natatakot ka na baka maagaw ako sa `yo ni Jake. Magkaibigan lang naman na kami ni Jake eh."
            "Okay. Sige. Aaminin ko na natatakot ako. Kilala mo naman kung sino si Jake sa buhay ko, hindi ba?"
            Tumango siya saka bumaling dito. "Oo. Pero kaibigan ko na lang siya."
            "Para sa `yo kaibigan siya pero para sa kanya hindi."
            "Tumigil na si Jake sa panliligaw sa akin. He already accepted his defeat. Nagparaya na siya para sa `yo." Sabi niya.
            "Iba naman kasi ang sinabi sa ginagawa, Hyde." Bumalatay ang selos sa gwapong mukha nito. "Aaaminin ko na tuwing magkasama kayo, nag-aalala ako. Wala kasi akong panghahawakan sa `yo. I'm only a suitor. I don't have the right to call you mine. Nagseselos ako sa kaalaman na palagi kayong magkasama, na mas nakakasama mo pa siya ng matagal kesa sa `kin. Na mas kilala ka pa niya kesa sa `kin. Na ma--"
            Natigil ito sa anumang sasabihin nang yakapin niya nang mahigpit.  


ITUTULOY…



6 comments:

  1. Hi author! Welcome back! :D I miss Hyde's story so much :D

    ReplyDelete
  2. Thanks sa update. Take care.

    ReplyDelete
  3. Update n ulit Kuya Alvin....... tgal ko hininty to

    Jharz

    ReplyDelete
  4. 1st time kong magcocoment dito hahaha ... IDOL N TALAGA KITA KUYA! !! wish ko lang n sana may magpaselos kay Hyde para marealize nya kungano b talaga si Papa Jake sa kanya

    hctib16

    ReplyDelete
  5. Feeling ko tuloy ako talaga yung binibilhan ng birthday gift nina Jake and Devin :"> Haha parehas pa naming ayaw ni Vhian sa Pink. Masyado nga naman kasing babae tignan. Ewwwe :)))))


    - Vhian

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails