Followers

Tuesday, April 21, 2015

String from the Heart [20]





AUTHOR’S NOTE

Heto na naman si ako! Heto na po ang chapter 20 ng String. Katulad ng dati, na alam kong alam n’yo rin, maiksi na naman ito. Hehe. Pasaway ang author nito. Mabuti na lang at walang tumatalikod (yata) para basahin ang istoryang ito na lately ay nagiging ano na…

Kayo na po ang magdugtong kung ano sa tingin n’yo ang nararapat na sabihin sa istoryang ito na mabagal na ang update at maiksi pa. LOL

Siyempre, hindi mawawala sa author’s note ang MARAMING PASASALAMAT sa mga taong patuloy na nagbibigay ng komento at sa matiyagang nagbabasa nito. Sa mga reaksyon na nagbibigay ng ngiti sa labi ko.

Tito Alfred of T.O
Devon
Angel
Boholano Blogger
Jekjek
44
Lantis
Papa JC Sy
Shai
Celmarx Edos (Salamat sa comment! Hindi ka na silent reader. Hehe)

Kay sir Mike at Kuya Ponse para sa privilege. Sa mga co-Ra’s ko. Hello din! Prince Justyin, Seyren, kuya Rye at kuya Carlos, Axel, Apple Green at sa iba pa!

Pati sa mga tao sa group pala! Hello!

Belated HAPPY BIRTHDAY kay Kuya ALEX J. KING! Paburger ka naman! LoL
Faustino, Mama Lalie, Tito Alfred… at sa iba.

Ehem.. heto na siya pero bago iyon. Paalala lang po na medyo magulo yata ang chapter na ito. Isa nang patunay doon ay hindi rin ako tiyak kung magulo nga ba. Basta! Pakibasa na lang po!

Katulad ng dati. Sana ay ma-enjoy n’yo! At kung hindi man, salamat na lang sa pagbabasa. Malaking tulong na iyon. Hehe  



CHAPTER TWENTY

AMOY NA AMOY ni Hyde ang alak kay Jake habang katabi niya ito. Pagkakita at pagkarating pa lang nito ay napansin na niya na may amats ito. At nang makalapit nga sa kanya ay amoy alak ang hininga nito. Ayaw naman niyang mag-usisa dahil alam niya na wala siya sa lugar. Isa pa, mukhang bad mood din ito. Magulo ang pagkakaayos ng may kahabaan nitong buhok. Ang uniporme ay magulo. Hindi nakabutones ang tatlong nauuna kaya kitang-kita ang katawan nito. Wala itong panloob.
            Binalingan na lang niya si Marty na kausap si Rubius. Katatapos pa lang ng isang subject nila kaya malaya silang makipagkwentuhan sa iba. Mukhang ang gagawin ng dalawa ng pinag-uusapan ng mga ito. Wala tuloy siyang makausap.
            "You can talk to me." Napabaling siya kay Jake.
            "Matino ka bang kausap?"
            Ngumiti ito. "Oo naman. I just look sluggish but I'm stiil sane."
            "Amoy alak ka." Komento niya.
            "Alam ko."
            "Bakit ka pa pumasok?"
            "Dahil may gagawin pa tayo." Anito saka humikab.
            "Hindi ka naman makakatulong kapag ganyan ka. Mas mabuti pa na matulog ka na lang, Jake. Uwi ka na kaya."
            "No. May gagawin tayo." Matigas na tanggi nito. "Kung gusto mo, I can take a nap. Gisingin mo na lang ako kapag may prof na."
            "Sige. Tulog ka na. Mukhang kailangan mo `yon eh. Iinom-iinom kasi hindi nama--."
            Natigil si Hyde sa pagsasalita ng ipatong nito ang ulo sa kanyang balikat.
            "Stop talking Hyde. Let me sleep. Mamaya ka na manermon."
            Napailing na lang siya. Hinayaaan ito.
            "Jake." Tawag niya rito.
            "Hmmm."
            "Pwedeng magtanong?"
            "Ano `yon?"
            "Bakit ka uminom? May problema ka ba?"
            Tsk. Alam ni Hyde na hindi siya dapat magtanong ng ganoon ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Alam naman niya ang sagot kung bakit uminom si Jake. Siya iyon. Hindi naman siya manhid para hindi iyon mapansin at maisip. Minsan talaga ay tanga siya sa pagtatanong. Tsk.
            "Wala. Nagkayayaan lang kami nina Rubius at Dominic."
            "Pero.."
            "Marami akong nainom." Pamamatlang nito. "Don't worry about me Hyde. I'll be okay. Kung iniisip mo na ikaw ang dahilan, partly, yes. Pero hindi mo dapat na isipin pa iyon."
            "Hindi ko kas--."
            "Akala ko ba patutulugin mo ako? Bakit mo ba ako kinakausap? Let me sleep."
            Napabuga na lang siya ng hangin. Pinigilan niya ang sariling magsalita pa. Para hindi na nga siya mag-usisa pa, inabala niya ang sarili sa pagtingin ng mga dapat na baguhin pa sa report nila.
            Napatingin siya kay Jake nang dumulas ang ulo nito sa balikat niya. Agad niyang hinawakan ang mukha nito para hindi iyon tuluyang mahulog. Hindi sinasadyang nasagi ng kanyang daliri ang labi nito. Napatitig siya kay Jake. Napaka-inosente nitong tingnan habang nakapikit ang mata. Mahaba ang pilik-mata. At sa likod ng nakapikit nitong mata ay nagtatago ang itim na itim na mata at matiim kung tumitig. Matangos ang ilong at mapupula ang labi na ilang beses na siyang nahalikan. And the kiss..
            Matigas siyang napailing sa nilalakbay ng isip. Bakit bigla-bigla nagkaroon ng siya ng hots sa lalaking ito? Bakit ba niya naiisip ang ganoon? Napepeste ang utak niya sa pag-iisip ng ganoon na bagay.
            Para hindi na mapeste ang utak niya. Iniiwas na lamang niya ang paningin saka inayos na ang pagkakasandal ng ulo nito sa balikat niya. Kailangan din niyang mag-adjust para huwag na iyon mahulog pa. Pa-slouch na tuloy siyang naupo sa upuan niya.
            Mula sa kanyang ginagawa ay napaangaat ang tingin niya sa taong nasa harapan niya. Si Rubius iyon. Umupo ito sa upuan na nasa harapan niya.
            "Bakit?" Tanong niya.
            "Alam mo mas bagay kayong dalawa ni Jake kaysa kay Devin." Lantaran na sabi nito. Grabe. Napaka-straightforward naman ng lalaking ito.
            "Kung ganoon ang kaso, may paki ka ba?"
            Ngumiti ito. "Matapang ka talaga, ano?" Anito saka umiling. "Of course, may paki ako dahil kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito."
            "Kaibigan mo naman si Devin ah."
            "Noon `yon. Mas pinili ni Devin na lumayo sa aming dalawa ni Dominic ng mag-away sila ni Jake sa hindi namin alam na dahilan. Kapag lumalapit naman kami sa kanya lumalayo siya."
            "So kaya mo ba sinasabi ang ganoon?"
            "No." Mariing tanggi nito. "Wala akong galit na kinikimkim para kay Devin. Its just that, for me, mas bagay kayo ni Jake. Oo, `yong una niyong pagkikita, mali, pero sa mga nakikita ko kay Jake, he changed. At dahil `yon sa `yo."
            Umiling siya. "Mahal ko si Devin." Halos pabulong na niyang sabi. Nangangamba kasi siya na baka marinig iyon ni Jake. Anong malay niya? Baka nagising ito o kaya naman ay kanina pa talaga gising at hindi naman natulog.
            "Kung mahal mo si Devin, siguro, dapat mo na siyang sagutin."
            "I'll come to that point, Rubius. `Wag kang atat."
            "Hindi ako atat." Nakasimangot na sabi nito. "Gusto ko lang madaliin mo na para isahan na lang ang sakit para kay Jake. Hindi iyong unti-unti. Na-i-imagine ko tuloy `yong kanta na Killing Me Softly eh. Ganoon ang ginagawa mo kay Jake."
            "Sorry." Napayukong nasabi niya.
            "Okay lang." Ani Rubius saka tumayo mula sa kinauupuan at iniwanan siya.
            Napatingin naman siya kay Jake nang gumalaw ito.

SA KANYANG ISIP. Lihim na napapailing na lamang si Jake sa ginawa ni Rubius na pagka-usap kay Hyde. Hindi niya akalain na gagawin nito ang bagay na iyon. Alam niya na concern ito sa kanya pero sa ginawa nito ay parang sinabi na rin ni Rubius na uminom siya dahil sa sakit na madarama. Parang wala tuloy naging saysay ang pagpapa-cool niya kay Hyde kanina nang kausapin siya nito.
            Nang marinig niya ang paggalaw ng upuan na kinauupuan ni Rubius ay saka pa lang siya gumalaw. Inalis ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa balikat ni Hyde saka ito tiningnan. Nakatingin din ito sa kanya. Nakaawang ang labi na parang inaasahan na iyon.
            "Kanina ka pa gising, hindi ba?"
            "Nope. Kakagising ko pa lang." Tanggi niya saka nag-iwas ng tingin dito. Mapanuri kasi iyon. Hindi niya kinakaya.
            "Magsabi ka nga ng totoo, Jake. Hindi ka naman yata nakatulog eh."
            "Nakatulog ako. Nagsasabi rin ako ng totoo, Hyde. Kagigising ko pa lang. Bakit ba?"
            "Wala." Mabilis na sagot nito. "Ngayon na gising ka na. Oras na siguro para pag-usapan natin ang final decision natin sa reports."
            "Okay." Sabi niya.
            Iyon nga ang ginawa nilang dalawa. Habang nagsasalita si Hyde ay hindi maiwasan ni Jake na titigan ito. Ang cute lang. Masaya na siya. Masaya na kaibigan niya ito.
            Agad din naman silang natapos sa ginawa nila. Dumating ang sunod nilang professor kaya dumistansya na si Jake kay Hyde. Nanghihinayang pa nga siya dahil kailangan pa niyang dumistansya rito. Pwede naman kasi siyang mas dumikit dito pero may quiz sila.
            Napangiti na lang siya nang ilayo rin nito ang upuan sa kanya.

SINADYA NI Devin na hintayin si Hyde mula sa huling subject nito para sa araw na iyon. Nakaupo siya sa isang bench habang tinitingnan ang bawat estudyante na dumadaan sa harapan niya. Nagbabakasakali kasi siya na makikita ito doon.
            Wala naman kasi siyang pasabi na susunduin niya ito at yayayain na kumain sa labas. Wala na rin siyang load kaya hindi niya ito na-text. Hindi na rin siya nagpa-load dahil nagtitipid siya. Lately, naubos ang pera niya sa mga projects na ginagawa niya. Bukod pa roon ay sa pamasahe kapag nagtutungo siya sa bahay ng kaklase kapag may activity sila na ginagawa.   Ang perang gagamitin niya sa paglabas nila ni Hyde ay talagang naka-save para roon.
            Napangiti si Devin nang makita niya si Hyde. Kausap nito si Marty. Nasa likuran naman si Jake na nagpawala ng ngiti niya. Kung dati ay hindi ito komportable kay Jake, ngayon ay iba na. Well. Of course. Sino ba naman ang manliligaw na hindi gagawin ang lahat para maging komportable ang nililigawan sa kanya? Wala naman yata. Dahil kapag gusto mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para mapasaya ito.
            Pinigil ni Devin na magselos. Wala naman siyang dapat ipagselos pero hindi naman yata mapipigilan iyon lalo na at si Jake ang mahigpit niyang karibal kay Hyde. Lalo na at alam niya na pareho lang ng status niya ang status nito pagdating kay Hyde.
            Nang makita siya ni Hyde ay ngumiti ito. Kinausap ng saglit si Marty saka iniwanan ang mga ito. Mabilis itong naglakad palapit sa kanya.
            "Nandito ka." Nakangiting sabi nito.
            "Yeah. Hinihintay kita."
            "Ganoon ba. May pupuntahan ba tayo?"
            Ngumiti siya. "Oo. Hindi ko na pala kailangan pang mag-explain sa `yo. So, ano? Tara."
            "Okay. Magpa-paalam muna ako sa mga kasama ko," anito.
            Kaya naman ang ginawa nila ay hinintay na makarating sina Marty at Jake sa pwesto nila. Nang nasa harapan na niya ang mga ito. Isang matipid na ngiti ang ibinigay ni Devin kay Marty. Samantalang isang tango naman kay Jake. Ganoon din naman ang ganti nito.
            "Mauuna na ako, ah." Paalam ni Hyde sa mga ito.
            "Okay." Ani Marty.
            Hindi naman nagsalita si Jake. Tiningnan lang nito si Hyde saka tumango.
            Nauna na silang naglakad sa mga ito. Naiwan ang dalawa.
            "Kumusta naman kayong dalawa ni Jake?" Usisa niya kay Hyde ng sila na lamang dalawa.
            "Okay lang naman," matipid nitong sagot.
            Hindi na nag-usisa pa si Devin. Mukhang wala naman kasi sa mood si Hyde para pag-usapan iyon. At parang awkward din kung ang pag-uusapan nila ay ang karibal niya. Iniba na lang niya ang kanilang usapan.
            "Kumusta naman Hyde? Iyong project n'yo, kamusta?"
            "Okay lang naman. Malapit na kaming matapos ni Jake doon. Next week kami magre-report."
            Alam ni Devin na si Jake ang partner ni Hyde sa project na ginagawa nito. Ikinwento nito iyon sa kanya ng minsan na mag-usap silang dalawa sa cellphone. Nakakatuwa nga na wala itong inililihim sa kanya. Nakikita niya ang effort ni Hyde para maging fair sa kanilang dalawa ni Jake.
            Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito. Napatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito na ginantihan naman nito ng isang ngiti.
            "Next week na rin ang birthday party ni Vhian, hindi ba?"
            Tumango ito. "Oo. Tutulong nga ako kay mama sa paghahanda ng pagkain. Eksakto naman kasi na wala akong pasok sa araw na iyon."
            "Ano ba ang pwedeng panregalo kay Vhian?" Usisa niya.
            "Kahit ano na lang. Hindi naman mapili iyon eh. O `wag mo na kayang regaluhan."
            "Hindi yata pwede iyon eh." Aniya. Napapakamot sa tungki ng ilong.
            "Bakit naman hindi pwede?"
            "Dapat maging impressive ako sa kapatid mo. Unang pagkakataon ko na makikita sila."
            "Sus. `Wag mong problemahin iyon."
            "Hindi pa rin pwede." Natatawang sabi niya.
            Natawa na rin si Hyde. "Ikaw nga ang bahala Devin. Kahit ano na lang ang iregalo mo. Siyanga pala, bukod sa `yo, imbitado rin si Jake."
            "Talaga?"
            Tumango ito. "Oo. Mas una pa siyang nakilala nina mama. Hindi ko pa pala naikwento sa `yo na pumunta siya dati sa bahay namin ng walang paalam."
            Sa sinabi nitong iyon. Hindi siya nakapagsalita. May bahagi rin ng pagkatao niya ang nalungkot.
            "Hindi ko siya inimbitahan na pumunta sa bahay namin Devin. Siya ang kusang pumunta doon. Nagkataon naman na wala ako sa bahay kaya sina mama at lola ang nakausap niya. Wala akong kabalak-balak na magpapunta sa bahay namin ng classmate o kahit na ikaw pero sinundan pala niya ako." Mahabang paliwanag nito.
            Tiningnan niya lang ito.
            "Uy. `Wag ka namang ganyan. I'm sorry na tuloy. Sige. Sorry na kung ngayon ko lang sinabi sa `yo. Sorry na rin na hindi kita pinapapunta sa bahay pero si Jake nakapunta na. Sorry na."
            "Nakakatampo ka." Aniya.
            "Sorry na nga."
            "Ayoko ng sorry."
            "Anong gusto mo?"
            "A kiss."
            Napailing ito. "Hindi pwede."
            Napasimangot siya. "Bakit hindi pwede? Na-kiss mo naman na ako ah. Torrid pa nga eh."
            "Ewan ko sa `yo Devin."
            Natawa na lang siya saka huminto sa paglalakad. Nahinto rin ito. Iniharap niya sa kanya si Hyde saka niyakap ito ng mahigpit.
            "Okay na ako Hyde. Aaminin ko na nalungkot ako pero hindi ako nagtatampo sa `yo."
            "Salamat."

INILAYO NA lamang ni Jake ang tingin sa magkayakap na sina Hyde at Devin. Tsk. Ang sakit lang na makitang sweet ang mga ito sa isa't-isa. Nagyayakapan pa sa gitna ng hallway ng first floor ng department building nila.
            Oo. Nagparaya na siya ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi na siya nasasaktan. Masakit pa rin. Parang binudburan ng asin ang malaking sugat sa kanyang puso sa nakita. Wala naman siyang balak na sundan ang mga ito kaso naiwan sa kanya ni Hyde ang folder nito na may laman na files para sa project nilang dalawa.
            Tsk. Bakit ganoon? Paulit-ulit na lang ang sakit na nararamdaman niya. Oo. Aminado naman siya na titigil na siya sa panliligaw kay Hyde pero hindi ibig sabihin niyon ay kaya na niyang makalimutan ang pagmamahal niya para rito. Ang sugat sa kanyang puso ay mahapdi pa rin. Sobrang hapdi na parang gusto niyang sumigaw ng malakas.
            Naglakad siya paatras imbes na lumapit sa mga ito. Hindi niya kayang makita pa ang mga sweet moments ng dalawa. Dapat pala tinext na lang niya si Hyde para hindi siya nasasaktan ng ganito. Its just so fvcking stupid.
            Ang tanga lang niya! Sobra.
            Natigil sa paglalakad si Jake ng makasalubong si Vix. Isang ngisi ang nasa labi nito. Waring nang-iinsulto iyon na hindi na niya pinansin. Wala siya sa mood para patulan ang lunatic na ito.
            Nagpatuloy siya sa paglalakad. Lalampasan na sana niya ito nang magsalita ito na muling nagpahinto sa kanya.
            "Ang sakit, ano? Wala kang panama kay Devin, Jake. Mula noon hanggang ngayon loser ka pa rin."
            Nag-init ang tainga niya. Natamaan ang ego niya. Binitawan niya ang hawak na folder saka kinwelyuhan si Vix. Ibinalya niya ito sa pader. Handa na siyang suntukin ito nang matigilan siya.
            Kasasabi pa lang niya na hindi niya papatulan ang lunatic na ito. Dakilang epal lang naman kasi ito sa istoryang ito. It will be just a waste of time. Ang nakakuyom niyang kamao ay ibinaba niya. Inalis niya ang pagkakahawak dito. Tiningnan na lamang niya ito ng masama.
            "You're not worth with my fist, Alcarion. Namumuro ka na sa akin pero magtitimpi ako. Just remember this. Susundan ko ang bawat na kilos mo. I know you are up to something about Hyde. Hindi kita papayagan na gawan mo siya ng masama. Ako ang makakalaban mo."
            Bumalik ang ngisi sa labi nito. "As if I'm scared, Jacinto."
            "Oras na may mangyaring masama kay Hyde malalagot ka talaga sa akin. Humanda ka, Alcarion!"
            "I'm ready with it. Wala akong pakialam sa `yo. Pathetic loser."
            Tinalikuran na lamang niya ito.
            Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Vix kasunod ang salitang 'loser'. And yeah, he knew he was.


MALAKAS NA PAGTAWA ang tanging nagawa ni Vix habang nakasunod ang tingin sa papalayong si Jake. Natatakot ba siya sa banta nito? No. Isang malaking hindi dahil hindi man lang siya nakadama ng threat sa sinabi nitong iyon. Mas na-challenge pa nga siya dahil may eeksena at ito nga. Tuloy. Para siyang kontrabida sa isang pelikula at si Jake ang magsisilbing tagapagtanggol ng bidang si Hyde na soon ay magiging in-distress. At si Devin ang isang tauhan na clueless sa mga bagay na nangyayari sa paligid nito.
            Bilib din naman siya kay Jake at nalaman nito na may something siya kay Hyde na pwedeng ikasira ng lalaking mahal nito. Ready naman siya sa matang nakasunod sa kanya. Lao na at hindi naman siya ang kikilos kundi ibang tao para sa kanya. Kung sino ang taong iyon ay malapit na niyang makilala. Ang nagagawa nga naman ng pera sa mga taong nangangailangan.
            Nang hindi na niya makita si Jake saka siya naglakad. Taliwas sa daan na tinahak nito. Patungo siya sa direksyon kung saan naglakad sina Hyde at Devin. Madali naman niyang naabutan ang mga ito. Magkahawak kamay at ang mga ngiti sa labi ay hindi mabura-bura.
            Hindi nga napansin ng mga ito ang paglampas niya sa mga ito. Ang pag-upo niya sa isang bench habang nakatingin pa rin sa mga ito. Masyadong engross ang dalawa sa presensiya ng isa't-isa.
            Nakakapeste pero ayos lang sa kanya. May araw naman kasi sa kanya ang mga ito lalo na si Hyde.


MABILIS NA dumaan ang mga araw. Isang linggo eksakto iyon. Nakapag-present na rin si Hyde at jake ng project nila at masayang-masaya si Hyde na positibo ang feedback ng teacher nila doon. Ibig sabihin lang ay mataas ang makukuha nilang grade.
            Hindi naiwasan ni Hyde ang mamangha n'ung si Jake na ang mag-report. Paanong hindi iyon mangyayari? Cool na cool kasi ito at ang galing pang magsalita sa harap ng tao. Hindi man lang nag-stammer hindi gaya sa kanya. Nakatanggap din ito ng malakas na palakpakan mula sa classmate nilang dalawa.
            At ngayon, pagkatapos nilang gawin ang dapat gawin ay niyaya siya ni Jake na kumain sa labas para i-celebrate ang magandang feedback sa kanilang dalawa. Magkaagapay na naglalakad sila patungo sa sasakyan nito. Siyempre. Hindi na siya tumanggi sa paanyaya nito dahil overwhelmed pa rin siya sa mga nangyari.
            "Ang galing mo," puri niya rito.
            Ngumiti lang ito saka in-start ang sasakyan. Pinaandar na nito iyon.
            "But you are better."
            "Better ba iyon? Nag-stammer nga ako dahil sa kaba. Ikaw hindi."
            "Pero better pa rin sa akin iyon. Next time na may ipagawa ulit si prof ng ganoon, tayo ulit mag-partner ah."
            Mabilis siyang tumango. "Oo naman. Ang galing mo eh."
            "Tama na ang pamumuri mo, Hyde. Baka lumaki ang tainga ko nito, maipit ka pa."
            Natawa na lang siya sa sinabi nito.
            "Dati namang malaki ang tainga mo ah. Maliit pa ba `yan sa `yo?"
            "Grabe ka. Talagang nang-insulto ka pa ah."
            "Sorry." Aniya saka nag-peace sign.
            "Saan mo gusto kumain?"
            "Sa convenience store na lang, Jake. Okay na sa akin ang siopao at footlong."
            "Sigurado ka ba?"
            "Oo naman."
            "So okay d'un tayo."
            Iyon nga ang ginawa nito. Nang makarating sila ay agad silang bumaba at nagtungo sa loob ng convenience store. Si Jake na ang kumuha ng para sa kanya. Nakamasid lang siya rito habang ginagawa nito iyon.
            "Salamat," aniya.
            "Walang kaso. Basta para sa `yo."


Itutuloy…





8 comments:

  1. Ang sweet talaga ni jake sana sila nlng ni hyde

    ReplyDelete
  2. Bitin pero ok na kesa wala. hehehe. Salamat sa update mo. Take care.

    ReplyDelete
  3. Jake-Hyde pa rin

    ReplyDelete
  4. Jake-Hyde pa rin

    ReplyDelete
  5. Bitin naman kaso bakit parang sobra naman ang pag papakatanga ni Jake kay Hyde. Nakakaawa na talaga siya Sana naman mapansin na ni Hyde ang pag eeffort ni Jake. Yang Vix na yan nakakainis na talaga siya pwede pakitanggal sa eksena?

    ReplyDelete
  6. Hoy Hyde sagutin mo na kaya si Devin.. Total mas pinili muna sya over Jake.. Isang bagsakang sakit na lang kay Jake... Haha
    Kasi mahal na mahal ka nung tao eh..

    Anyway hanggang ilang chapter kya to? Haha Wala pang BS.. Bka sa Book 2 pa (peace)...

    ReplyDelete
  7. Hai wag kana kc deny ang feeling hyde nasa utak mo lang na mahal mo si devin pero ang nasa puso c jake heheheheh hnd pinipilit ang pag.ibig kusa itong nararamdaman siguro crush mo lng si devin kaya hnd mo rin sya nasagot ng maayos..kasi pinipigilan ka ng ung puso hehehehe



    Shai....

    ReplyDelete
  8. Mabbwisit na ko kay Vix pramis. Ang sarap gawing sampayan yung ribcage nya. Nakakaasar������

    -Vhian

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails